14
51 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PT-If-42 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan F9PU-If-44 Naisusulat ang sariling opinyon tungkolnsa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano II. Paksang Aralin: Tatlong Mukha ng Kasamaan Ni U Nu Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 81-91 III. Pamamaraan: A. Pagsisimula ng Bagong Aralin (Gawain 1.1) Bago simulan ang bagong aralin, basahin muna ang maikling salaysay patungkol sa nagsulat ng akdang tatalakayin. Ang akdang iyong babasahin ay sinulat ni U Nu (Thankin Nu). Siya ang unang punong ministro ng Myanmar (Burma) matapos nitong matamo ang kasarinlan mula sa bansang Britanya noong Enero 4, 1948. Si U Nu ay isinilang sa Wakema, Myaungmya District, Myanmar, noong Mayo 25, 1907. Siya ay anak ng isang politiko. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Rangoon at nagtrabaho bilang guro, manunulat, at tagasalin ng wika. Bumalik siya sa Unibersidad ng Rangoon noong 1934 para mag-aral ng abogasya. Ngunit hindi niya natapos ang nasabing kurso dahil natanggal siya sa kanyang paaralan nang pangunahan niya ang unang malawakang demostrasyon laban sa pamahalaang Britanya. Siya rin ang nanguna sa pagkakatatag ng Red Dragon Book Club na naglathala ng akdang mapanghimagsik laban sa nasabing pamahalaan. Ito ang naging sanhi ng kanyang pagkakulong noong 1942. Mahaba ang naging buhay panunungkulan ni U Nu sa Myanmar. Ang Myanmar ay kilalá noon sa pangalang Burma. Naglingkod siya sa bansang ito simula 1948 hanggang 1958 at 1960 hanggang 1962. Basanin ang isang sanaysay na kanyang isinulat upang bigyang-aral ang mga taga- Myanmar ukol sa kalagayang sosyal ng kanilang bansa at upang mabigyang-aral ang mga tao tungkol sa mukha ng kasamaan sa mundo. B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.2) Ang buhay ay maiksi ayon sa Santiago 4:14, “Ang buhay ay parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.” Naniniwala ka ba rito?. Pagkatapos ay sumulat ka ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay pinakamagagandang nagawa mo sa loob ng maikling panahon pa lamang ng iyong buhay. Gamitin ang representasyon sa ibaba at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.2.

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

  • Upload
    others

  • View
    683

  • Download
    13

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

51 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PT-If-42 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan F9PU-If-44 Naisusulat ang sariling opinyon tungkolnsa mga dapat at hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano II. Paksang Aralin: Tatlong Mukha ng Kasamaan Ni U Nu Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 81-91 III. Pamamaraan: A. Pagsisimula ng Bagong Aralin (Gawain 1.1) Bago simulan ang bagong aralin, basahin muna ang maikling salaysay patungkol sa nagsulat ng akdang tatalakayin.

Ang akdang iyong babasahin ay sinulat ni U Nu (Thankin Nu). Siya ang unang punong ministro ng Myanmar (Burma) matapos nitong matamo ang kasarinlan mula sa bansang Britanya noong Enero 4, 1948. Si U Nu ay isinilang sa Wakema, Myaungmya District, Myanmar, noong Mayo 25, 1907. Siya ay anak ng isang politiko. Nagtapos siya sa Unibersidad ng Rangoon at nagtrabaho bilang guro, manunulat, at tagasalin ng wika. Bumalik siya sa Unibersidad ng Rangoon noong 1934 para mag-aral ng abogasya. Ngunit hindi niya natapos ang nasabing kurso dahil natanggal siya sa kanyang paaralan nang pangunahan niya ang unang malawakang demostrasyon laban sa pamahalaang Britanya. Siya rin ang nanguna sa pagkakatatag ng Red

Dragon Book Club na naglathala ng akdang mapanghimagsik laban sa nasabing pamahalaan. Ito ang naging sanhi ng kanyang pagkakulong noong 1942. Mahaba ang naging buhay panunungkulan ni U Nu sa Myanmar. Ang Myanmar ay kilalá noon sa pangalang Burma. Naglingkod siya sa bansang ito simula 1948 hanggang 1958 at 1960 hanggang 1962. Basanin ang isang sanaysay na kanyang isinulat upang bigyang-aral ang mga taga-Myanmar ukol sa kalagayang sosyal ng kanilang bansa at upang mabigyang-aral ang mga tao tungkol sa mukha ng kasamaan sa mundo. B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.2) Ang buhay ay maiksi ayon sa Santiago 4:14, “Ang buhay ay parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.” Naniniwala ka ba rito?. Pagkatapos ay sumulat ka ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay pinakamagagandang nagawa mo sa loob ng maikling panahon pa lamang ng iyong buhay. Gamitin ang representasyon sa ibaba at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.2.

Page 2: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

52 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.3) (Paghahawan ng Sagabal) Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasalungat ng salitang nasa loob ng kahon. Bilugan ang iyong sagot. isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.3.

1. Ang kamangmangan sa batas ng

sandaigdigan ay isa sa mukha ng kasamaan ng sangkatauhan.

2. Ang pagiging sakim sa kayamanan ay karaniwang bunga ng pagiging materyalistiko ng mga tao.

3. Nakalulungkot isiping maraming tao ang naghihirap sa kabila ng may mapagsamantalang tao sa nagkakamal ng kayamanan

4. Ang mga sakim ay labis ay labis na nagpapasasa sa kanilang kayamanan at hindi nila alintana ang paghihirap na nararanasan ng mga karaniwang tao.

5. Ang tunay na kaunlaran ng bansa ay makakamit kung iwawaksi sa lipunan ang kasakiman at pagiging gahaman.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.4)

Basahi n at unawain ang akdang pinamagatang…

TATLONG MUKHA NG KASAMAAN Sinulat ni U NU

Isinalin ni Gng. Salvacion M. Delas Alas

May tatlong mukha ng kasamaan ang sangkatauhang makasalanan: kasakiman, galit/poot, at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan. Ang mga bagay na ito ay batas ng

katalinuhan

mapagbigay

nagsasalat

nagdarahop

kahirapan

Page 3: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

53 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

kalikasan, kahit ang isang tao ay naniniwala sa mga aral ni Buddha, Muslim, Katoliko, o isang Ateista. Sinasabing tatlo ring bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay pagtanda, karamdaman, at kamatayan. Nag-aangkin din ang isang nilalang ng limang katangian mula sa kanyang pagsilang. Ang kakayahang magpahalaga sa nakikita niyang kagandahan sa kapaligiran, magpahalaga sa musika atawitin, magpahalaga sa pagkaing kanyang naiibigan, makapag-uri ng iba't ibang halimuyak at sa kagandahan g sining ayon sa kanyang pamantayan. Ngunit ang mga angking katangiang ito ng tao ay hindi panghabang panahong mapapanaligan ng tao, sapagkat ang mga ito ay katulad ng panahong lumilipas. Hindi rin tututol ang marami kung sasabihing ang kayamanan ay nawawala, sapagkat walang sinumang makapagpapatunay na ang kayamanan ay nadadala ng isang tao sa kanyang libingan, kaya lámang, may iba't ibang pananaw ang mga tao sa materyal na yamang angkin nila habang silá ay nabubuhay. Ang hindi alam ng marami, kahit sila ang pinakamayaman sa daigdig, ang yamang angkin nila ay ni wala sa isang milyong bahagi sa paniniwala ni Samsara The Cycles of Rebirth na hindi nakatitighaw sa mga taong walang kapasiyahan dahil sa kasakiman. Sinasabi rin na ang pagkagahaman ng isang tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang kasakiman, kayâ nalilimutan ngmarami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan. Sa batas na makatao ay sinasabi na ang lahat ng yamang materyal ay dapat gamitin ng sinumang tao sa kanilang pangangailangan. Ngunit nang makilala ng tao ang kanyang pagkamakasarili, ginamit ang materyal na yaman sa sariling kapakanan na siyang nagdulot sa lipunan ng maraming bagay na:

1. Nahahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: ang mahirap at mayaman. 2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan, sapagkat kalimitan ang

isang negosyanteng nagbibitiw ng puhunan ay laging nag-iisip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng malilit.

3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay laging napagsasamantalahan, samantalang silá ay nagkakamal ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay, at ang kababaihan ay nagbebenta ng sariling katawan.

4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung labis na pag-iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay. Ito ay ang Karma, at kakulangan sa búhay na isa sa pangunahing kailangan ng tao. Totoo, ang paniniwalang ito ni Buddha, sapagkat abala ang mayayaman sa kanilang pagbubuhay hari, dahil sa pagsasamantalJa nila sa maliliit. Ganito ba ang batas na makatao, samantalang ang nagsasamantala ay nagpapasasa sa pawis ng malilit, silang mga biktima ay laging api? Dahil sa apat na dahilan ay hindi maiiwasan ng maliliit na magkaroon ng karamdaman.

5. Paanong ang maliit ay makapagtatam0 ng wastong edukasyon na siyang makapagpapaunlad sa kanilang buhay? Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit paranmi nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan.

6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mga mamamayan ay mangmang? Anong kaisipang bago ang iaambag ng mga mangmang sa kaunlaran?

Ang mga sanhi at dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nanng matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitawang puhunan. May natatandaan ba kayong alamat na ikinuwento sa inyo ng mga Lolo at Lola ninyo?

Page 4: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

54 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

Ganito ang isang alamat tungkol sa punongkahoy na may pangalang Padaythabin (punongkahoy na pinagmumulan ng pangangailangan ng tao). Sang-ayon sa alamat noong unang panahon, lahat ng pangangailangan ng tao ay nakukuha sa naturang puno, kayâ walang suliranin ang mga mamamayan sa pagkain, damit, at tahanan. Dahil sa bagay na iyon. mistulang nasa paraiso ang mga tao, sapagkat ang punong Padaythabin ay balon ng kayamanan. Ngunit nakilala ng mga tao ang kasakiman. Inabuso nila ang mahiwagang punò. Biglang naglaho ang puno. Mula noon, maraming tao ang nagutom, dahil sa pagkawala ng ng mahiwagang puno. Nakilala ng mga tao ang krimen. Natuto silang pumatay at magnakaw. Ngayon ay maihahambing natin ang punong Padaythabin sa kayamanang likás sa ating bansa, sa ating paligid, at ilalim ng lupain. Kung ang bawat likás na yaman ng ating bansa ay gagamitin sa kapakanan ng mga nakararaming mamamayang nangangailangan siguro'y walang taong magugutom, pumapatay o mababawasan ang kasamaan ng sangkatauhan. Ngayon ay hindi ganito ang larawan ng sangkatauhan. Ang dahilan, nakilala ng mga tao ang kasakiman. Ang maraming mahihirap ay nangangarap na yumaman. Ang maraming mayayaman, patuloy at patuloy pa ring nangangarap na magkamal nang katakot-takot na yaman na walang katapusan. Ganito ang batas ng tao sa kanyang sarili dahil sa kasakiman sa pagkakamal ng materyal na bagay, kahit para siláng lintang sumisipsip ng dugo sa kanilang pinagsasamantalahan. Ang mga dahilang ito marahil ang sanhi kung bakit may mayayaman sa kasalukuyan na hindi káyang ubusin ang naipong mga yaman kahit sampung ulit siláng mamumuhay sa daigdig. Samantalang ang mga biktima ng tatlong mukha ng kasamaan ay mistulang basahan ang saplot sa kanilang katawan. Ang may-akda nito ay dating Prime Minister ng Burmna. Nais niyang bigyang-aral ang mga taga-Burma ukol sa kalagayang panlipunan ng kanilang bayan. E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.5)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.5.

1. Ano-ano ang tatlong mukhang kasamaang binanggit sa seleksiyon? Isa-isahin ang mga ito.

2. Ano naman ang tatlong bagay na hindi maiiwasan sa buhay ng sinumang tao? Sang-ayon ka ba sa mga ito?

3. Ano ang gagawin mo o plano mo kapag dumating ka na sa mga nasabing panahon? 4. Ano ang iyong pananaw tungkol sa limang katangian ng nilalang mula nang siya ay

isinilang na nabanggit sa seleksiyon? Alin sa mga ito ang masasabi mong taglay mo? 5. Bakit tila naging napakalayo ng agwat ng mayaman at mahirap sa lipunan? Ano raw ang

pangunahing dahilan ng pagkagahaman ng isang nilalang? 6. Sa ivong palagay, bakit naging napakadali sa isang tao ang masilaw sa materyal na

bagay? 7. Naniniwala ka ba sa kasabihang ang Pera ang ugat ng kasamaan samundo?

Pangatwiranan ang iyong sagot. 8. Sang-ayon ka ba sa lahat ng snabDI ng may-akda sa seleksivon? Pangatwiranan ang

iyong sagot.

Page 5: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

55 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

9. Anong pangunahing kaisipan at mensane ang naging hatid sa iyong seleksiyong binasa? F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.6) Suriin kung anong pardon ng pag-iisip o thinking pattern ang ginamit sa sumusunod na mga ideya at opinyong hinango sa binasang sanaysay. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.6.

1. Ayon sa isinasaad ng sanaysay, may tatlong bagay ang hindi maiiwasan sa daigdig ng sinumang tao. Ito ay ang pagtanda, karamdaman, at kamatayan. 2. Paanong ang maliit ay makapagtatamo ng wastong edukasyon na siyang makapagpapaunlad sa kanilang buhay? Ang hindi pagkakamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng mapagsasamantalahan. 3. Batay sa aking sariling repleksiyon, ang pagkagahaman sobrang ng isang, tao sa kayamanan ay bunga ng sobrang ng kasakiman, kaya nalilimutan ng marami ang tunay na gamit nito sa sangkatauhan. 4. Ang mga sanhi o dahilan ng pagsama ng daigdig ay nagmula nang matuklasan ng tao kung paano nila pagkakakitaan ng ibayong tubo ang kanilang binitiwang puhunan. 5. Ang tanging solusyon upang maiwaksi ang paglaganap ng kasakiman sa mundo ay paghariin natin sa ating mga puso ang pag-ibig at katarungan. G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay (Gawain 1.7) Sagutin ang tanong. Gamitin ang talahanayan sa ibaba at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.7. Malinaw na napalutang sa akda ang tatlong mukha ng kasamaan – ang kasakiman, galit, at kamangmangan sa batas ng sandaigdigan. Bilang isang kabataang Asyanong naghahangad ng isang mapayapa at maunlad na mundo ay iyong isulat sa talahanayan ang iyong sariling opinyon kung ano-ano ang mga dapat taglayin at hindi dapat taglayin ng mga kabataang Asyanong tulad mo upang iyong maiwasan at maiwaksi ang tatlong mukha ng kasamaan.

Tatlong Mukha ng Kasamaan Dapat Taglayin ng mga Kabataang Asyano Upang Maiwaksi o Maiwasan Ito

Hindi Dapat Taglayin ng mga Kabataan Upang Maiwaksi o

Maiwasan Ito

Kasakiman

Galit

Kamangmangan sa Batas ng Sandaigdigan

H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.8)

a. Nakatutukoy ng mga impormasyon at datos

b. Nakapagsisiyasat ng mga problema o suliranin

c. Nakapagbibigay ng solusyon sa mga suliranin o problema

d. Nakapagmumuni sa mga pangyayari

e. Nakapaglalahad ng mga sanhi at bunga

Page 6: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

56 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

Suriin ang mga nakatalang pahayag. Lagyan tsek (√) ang mga kaisipang nakita sa akdang binasa o ng ekis (x) ang hindi. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.8. 1. Ang kayamanan sa mundo ay maranmi at nahati nang sapat para sa lahat. 2 Ang kayamanan ay hindi madadala ng tao sa kanyang libingan. 3. Ang mahihirap ay nakapagtatamong lahat ng edukasyon sa buhay. 4. Ang mayayaman ayon sa mga aral ni Buddha ay mga hari ng lipunan. 5. Ang pagkagahaman ng tao sa kayamanan ay nagbubunga ng sobrang kasakiman 6. Ang sanhi o dahilan ng pagsama ng daigdig ay mula nang malaman ng tao kung paano magpatubo nang malaki sa binitawang puhunan. 7. Dahil sa kasakiman sa materyal na bagay ang tao ay sumisipsip ng dugo ng kanilang paranglintang pinagsasamantalahan. 8. Kung ang kayamanang likas ay gagamitin sa kapakanan ang ng mamamayang nangangailangan mababawasan ang kasamaan ng sangkatauhan. 9. Maaaring umunlad ang isang bansa kahit pa karamihan ng kanyang mamamayan ay mangmang. 10. Ang mayayaman ay karaniwang nagbibigay ng tulong sa mahihirap upang maiahon sila sa kahirapan. I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.9) May mga salitang higit sa isa ang kahulugan kagaya ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang kahulugan nito batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Sumulat ng paliwanag kung bakit ito ang iyong napiling sagot. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.9.

1. Ang isang mahusay at responsableng mag-aaral ay hindi nahuhuli sa klase. Paliwanag: ________________________________________________

2. Ang mga tao sa lipunan ay nauuri sa dalawang klase ang mayayaman at mahihirap. Paliwanag: ________________________________________________

3. Mahirap gawin ang isang bagay na hindi mo nakasanayan sa iyong buhay. Paliwanag: ________________________________________________

4. Mahirap man kami ngunit hindi ito naging hadlang upang matapos ko ang aking pag-aaral.

5. Ang kaalaman kong taglay ay ginamit kong instrument upang maging matagumpay sa buhay. Paliwanag: ________________________________________________

6. Nakinig akong mabuti sa sinabi niya kaya marami akong kaalamang nakuha tungkol sa kaniyang buhay.

a. Pag-aaral sa loob ng paaralan b. Pangkat o klasipikasyon

a. Gawaing mabigat b. Namumuhay sa kasalatan

a. Impormasyon b. talino o husay

Page 7: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

57 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

Paliwanag: ________________________________________________

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PD-If-42 Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito II. Paksang Aralin: Pangangatwiran (Pakikipagdebate) Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipagdebate Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 91-94 II. Paksang Aralin: A. Pagsisimula ng Bagong Aralin/Balik-Aral (Gawain 1.10) Paano binigyan ng kahulugan ang tatlong mukha ng kasamaan sa akdang tinalakay. Gamitin ang representasyon at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.10.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.11) Basahin ang editoryal tungkol sa isyung pagpapatanggal ng Asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo.

Huwag Patayin ang Wikang Filipino Pilipino Star Ngayon

May 31, 2019 NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon na tuluyan nang aalisin ang Filipino at Panitikan­ bilang mga subjects sa kolehiyo. Base ito sa memo­randum ng Commission on Higher

Page 8: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

58 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

Education (CHEd) at sinang-ayunan naman ng Supreme Court. Ayon sa SC, pinal na ang desisyon at wala nang paghahabol pang maaaring gawin ukol dito sapagkat hindi na nila pakikinggan. Nag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang SC noon pang 2015 makaraang isulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ayon sa argumento ng CHEd, nararapat na sa senior high school na lamang ituro ang mga nabanggit na subjects. Noon pa, nasasalamin nang “anti-Filipino” ang CHEd sapagkat kung alin pa itong sariling wika na dapat palaganapin at payabungin pa ang kanilang pinatay. Noon pang 2013 isinulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Pantikan na lubhang nakapagtataka kung bakit ganito sila kasigasig. Tama na raw sa senior high school o K12 ituro ang mga subjects. Sobra-sobra na raw ang pag-aaral ng Filipino. E ano naman kung ituro uli ito sa kolehiyo. May masasayang ba kung muling pag-aralan ang Filipino at Panitikan? Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili. Marami pa ring nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangu­ngusap. Maraming salat sa tamang baybay. Kaya paano sasabihing sobra-sobra na ang pag-aaral ng Filipino kaya hindi na ito dapat pang ituro sa kolehiyo? Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Fili­pino at Panitikan ay ang mga guro at propesor sa mga nasabing subjects. Ganundin ang mga kumu­kuha ng kursong nagme-major sa Filipino. Saan sila pupulutin ngayon? Dahil sa pagiging “anti-Fili­pino” ng CHEd, maraming apektado. Sana, may mga unibersidad at kolehiyo na huwag agad-agad buwagin ang kanilang Filipino Department. Hindi naman at umayon ang SC, malaya pa rin ang bawat unibersidad at kolehiyo na magpatupad sa pagtuturo ng wikang sarili. Sila pa rin ang masusunod ukol dito. Sana, maraming unibersidad ang manindigan at itaguyod ang mga subject na Filipino at Panitikan.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2019/05/31/1922363/editoryal-huwag-patayin-ang-wikang-filipino

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.12) Sumulat ng iyong katwiran tungkol sa nabasa mong editoryal. Ilahad mo kung ikaw ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa ipinaglalaban ng iyong binasang editoryal. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.12. D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.13)

Basahin ang kahulugan ng pangangatwiran at kung ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa nito.

PANGANGATWIRAN (Pakikipagdebate)

Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ano pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan at ipatanggap ang katotohanang iyon sa nakikinig o bumabasa. Ang isang nangangatwiran ay dapat magtaglay ng sapat na kaalaman tungkol sa paksang pinangangatwiranan. Kailangang ang katwiran ay nakabatay sa katotohanan upang ito ay makahikayat at makaakit nang hindi namimilit. Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:

1. Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang ipagmamatuwid 2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid 3. May sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay sa pagmamatuwid 4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapaghikayat 5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukás na kaisipan, sa pagpapahayag ng

kaalamang ilalahad.

Page 9: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

59 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

Isang paraan upang maipakita ang kasanayan sa pangangatwiran ay sa pamamagitan ng pakikipagdebate. Ito ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang proposisyon o paksang napagkasunduan nilang pagtalunan. Kadalasan, binibigkas ang pagtatalo subalit mayroon din namang pasulat. E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.14)

Basahin at unawain ang mga hakbang sa paghahanda sa pakikipagdebate.

MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAKIKIPAGDEBATE 1. Pangangalap ng Datos - Ito ang mga katotohanang gagamitin sa pagmamatuwid at kinukuha ang mga ito sa napapanahong aklaty sanggunian, magasin, at pahayagan. Dalawang sanggunian ang karaniwang pinagkukunan ng mga datos: ang sariling karanasa at ang pagmamasid ng ibang awtoridad sa paksa. Maituturing na awtoridad ang isang tao kung siya ay dalubhasa o kilalá sa kanyang larangan. 2. Ang Dagli - Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa ibang salita, ito'y pinaikling pakikipagdebate. Mayroon itong ibang simula, katawan, at wakas, Sa simula ay inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang kahalagahan nito sa kasalukuyan. Ginagawa rin dito ang pagbibigay-katuturan sa mga termino at pagpapahayag sa isyu. Sa katawan naman inilalahad ang mga isyung dapat na sagutin. Bawat isyu ay binubuo ng mga patunay, mga katibayan o mga katwirang magpapatotoo sa panig na ipinagtatanggol. Ang wakas ay ang buod ng isyung binigyang-patunay. 3. Pagtatanong - Bahagi ng pagdedebate ang pagtatanong. Narito ang ilang paalala sa pagtatanong sa debate.

a. Magtanong lamang ng mga tanong na ang sagot ay oo o hindi. b. Huwag payagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong. Maaaksaya ang iyong oras ng pagtatanong. c. Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng pagdedebate.

4. Panunuligsa - May panunuligsa (rebuttal) din sa debate. Narito naman ang mga dapat tandaan sa panunuligsa.

a. llahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban. b. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban. c. Ipaliwanag ang kahinaan ng katibayan ng kalaban. d. Ipaalam kung labas sa buod ang katwiran o katibayan ng kalaban. e. Magtapos sa pagbubuod ng sariling katwiran at katibayan. F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.15) Saiyong palagay, alin ang higit na makabubuti para sa tao ang maging mayaman o matalino? Ilahad ang iyong katwiran at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.15. G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay (Gawain 1.16) Sagutin ang tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.16.

Page 10: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

60 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang masining na paraan ng pangangatwiran o pakikipagtalo? _________________________________________ ____________________________________________________________________________ H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.17) Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.17. 1. Ano ang layunin ng isang pangangatwiran? Bakit mahalagang matutuhan ito? 2. Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa isang mabisang pangangatwiran? 3. Paano isinasagawa ang isang masining na pagtatalo? 4. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang taong lalahok sa gawaing ito? Bakit? I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.18) Manood ng isang debate o pangangatwiran (maaaring sa paaralan, telebisyon, o youtube). Suriin ang paraan ng pagpapahayag ng ideya at opinyon ng nga kalahok sa iyong napanood. Isulat sa journal ang mga nakita mong magagandang paraang maaari mong makuha at ilagay ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.18. I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9WG-If-44 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw II. Paksang Aralin: Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 95-10 III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin/Balik-Aral (Gawain 1.19) Ilahad ang iyong pahayag tungkol sa kung bakit mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang masining na paraan ng pangangatwiran o pakikipagtalo. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.19. B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.20) Basahin at suriin ang talata na nagbibigay ng pananaw sa pagkakaroon ng magandang mukha ng buhay.

MAGANDANG MUKHA NG BUHAY

Kung may tatlóng mukha ng kasamaan ang buhay ay mayroon ding magandang mukha ang buhay-ang maging mayaman, matalino, at pagkakaroon ng magarndang pag-uugalı. Ang

Page 11: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

61 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

karunungan at salapi ay kapwa magandang instrumento na maaaring magamit sa pag-unlad ng buhay ngunit ang pagkakaroon ng mabuting ugali ang magiging basehan upang magamit nang wasto at maging kapaki-pakinabang ang mga ito. llan sa magagandang ugaling dapat taglayin ng tao ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, ang pagiging masipag, produktibo, at pagiging tapat at, mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Ang pagtitiwala sa sariling kakayahan ay ang paniniwala ng tao sa kanyang katangian upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ayon sa karanasan ng marami, magkaroon man ng maraming karunungan o salapi ang isang tao kundi naman niya ito magagamit dahil sa kawalan ng paniniwala sa sariling kakayahan ay mawawala lamang itong parang bula sa kanyang mga kamay. Samantalang, ang pagiging tapat at mapagkakatiwalaan ang maaaring maging puhunanng taoupangmagkaroonngmagandangrelasyon sa kapwa. Nagkakaroon ng maraming kaibigan ang tao kapag tapat siya at mapagkakatiwalaan. Siya ay nakatatagpo ng tunay na kaibigan ng nagiging karamay niya at tagapagtanggol sa oras ng pangangailangan. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.20.

• Tungkol saan ang binasang tula?

• Kung may tatlong mukha ng kasamaan sa buhay, ano naman daw ang mga mukha ng kabutihan sa buhay?

• Sa iyong palagay, taglay mo ba ang lahat ng mga ito?

• Paano mo ito gagamitin upang makatulong sa sarili lalo na sa iyong kapwa?

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.21) Maglahad ng iyong limang pananaw tungkol sa kung paano makakamit ang magandang buhay. Gamitin ang representasyon sa ibaba at isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.21.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.22)

Isaisip ang mga sumusunod na kasanayang pangwika.

Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Page 12: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

62 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

May tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang sumusunod: A. Pang-angkop - Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

• Ang pang-angkop nan a ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unag salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring. Halimbawa: mapagmahal na tao

❖ Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng. Halimbawa: huwarang mamamayan

• Ang pag-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. Halimbawa: mabuting nilalang

B. Pang-ukol – Ito ay kataga / salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

sa Ng

kay/kina alinsunod sa/kay

laban sa/kay ayon sa/kay

hinggil sa/kay ukol sa/kay

para sa/kay tungkol sa/kay

C. Pangatnig – Tawag sa mga kataga /salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Narito ang iba’t ibang uri ng pangatnig.

At Ni O Kaya Kung saan

Man Saka Pati Dili kaya Samantala

Kung alin Sa halip Kung sino Siya rin Sa bagay

Kung gayon Datapwat Subalit Bagkus Pagkat

Habang Maliban Bagaman Kung Dahil sa

Kundi Kapag Sakali Sana Maging

Sapagkat Kasi Kung kaya Palibhasa gayundin

Sanhi ng Anupa samakatwid Sa madaling salita

Ang natalakay na mga pang-ugnay ay mabisang gamit sa pagbibigay ng sariling pananaw. Sa pagbibigay ng sariling pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o naranasan. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. Ilan sa mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ang sumusunod:

• Kung ako ang tatanungin nakikita kong…

• Sa ganang akin…

• Para sa akin…

• Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong…

• Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay…

• Alinsunod sa … naniniwala ako

• Lubos ang aking paniniwala sa…

Page 13: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

63 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

• Sa bagay na iyan masasabi kong…

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.23)

Hasain pa natin ang inyong kasanayan sa tinalakay na pang-ugnay at mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa nito na ginamit sa pangungusap. Bilugan ang ginamit na pang-ugnay sa bawat halimbawang naibigay. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.23. Pang-angkop a._____________________________________________________________________ b._____________________________________________________________________ Pang-ukol a._____________________________________________________________________ b._____________________________________________________________________ Pangatnig a._____________________________________________________________________ b._____________________________________________________________________ F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.24) Sundin ang panuto sa bawat bilang upang makabuo ng pangungusap gamit iba’t ibang uri ng pang-ugnay. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.24. 1. Pag-ugnayin ang mga salitang mabuti at mamamayan sa pagpapahayag ng mga bagay na ginagawa ng taong nagtataglay ng ganitong katangian gamit ang dalawang pang-angkop.

• na: _______________________________________________________

• ng: _______________________________________________________ 2. Gamit ang pangatnig na maliban ay sabihin kung ano ang iba pang katangiang dapat taglayin ng mabuting tao bilang karagdagan sa mga katangiang natalakay na, ____________________________________________________________________________ 3. Gamit ang isang pangatnig ay ipahayag ang sanhi ng pagiging sakim ng tao. ____________________________________________________________________________ 4. Ipahayag kung paano magkakatulungan at maiiwasan ang malaking agwat ng pamumuhay ng mayayaman at mahihirap sa lipunan.

• sa halip: _________________________________________________________

• kundi: ___________________________________________________________ G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay (Gawain 1.25) Mula sa nailahad kanina na mga pananaw tungkol sa kung paano makakamit ang magandang buhay, isulat muli ito at gumamit ng tamang pang-ugnay. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.25.

Page 14: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 Sanaysay · 52 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain

64 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 4 – Sanaysay

H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.26) Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at saka isulat sa linya kung anong uri ng pang-ugnay. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.26. ______1. Ang sakim na tao ay walang kapayapaang madarama. ______2. Kahit mataas ang kanyang katungkulan ay nananatiling mababa an gaming punong ministro. ______3. Laban sa Diyos ang anumang uri ng kasalanan. ______4. Palibhasa’y may takot sa Diyos kaya’t agad na humingi ng tawad ang binatang nagkasala. ______5. Tinalakay naming ang kasalanan tungkol sa kanya. I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.27) Basahin ang mga pahayag na binanggit ni U Nu sa kanyang sanaysay. Pagkatapos ay sumulat ng isang talatang binubuo ng limang pangungusap na nagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa naging bunga ng kasakiman ng tao sa lipunan particular sa bansang Burma (Myanmar) gamit ang iba’t ibang uri ng pang-ugnay. Isulat ang talata sa isang buong papel. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Sanaysay - Gawain 1.27.

1. Nahati ang lipunan sa dalawang klase ng tao: Ang mahirap at mayaman. 2. Ang mahihirap ay laging umaasa sa mayayamang may puhunan, sapagkat kalimitan ang

isang negosyanteng nagbibitiw ng puhunan ay laging nag- iisip kung papaano niya pakikinabangan ang kanyang puhunan na hindi iniisip ang kalagayan ng maliliit.

3. Dahil sa pamamaraang ito ng mayayaman, ang mahihirap ay lagging napagsasamantalahan, samantalang sila ay nagkakamal ng yaman. Bunga ng ganitong pamamaraan ang mahihirap ay natutong magnakaw, pumatay, at ang kababaihan ay nagbibili ng sariling katawan.

4. Sa mga aral ni Buddha ay sinasabing may apat na dahilan kung bakit ang isang nilalang ay maagang namamatay. Ito ay ang Karma, labis na pag- iisip dahil sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, at kakulangan sa buhay na isa sa pangunahing kailangan ng tao.

5. Ang hindi pagkamit ng wastong kaalaman ay siyang dahilan kung bakit parami nang parami ang mga uri ng napagsasamantalahan.

6. Paano uunlad ang bansa kung ang higit na nakararami sa kanyang mga mamamayan ay mangmang? Anong kaisipang bago ang iaambag ng mga mangmang sa kaunlaran?