239
I ANG TIGASIN NG KARITON Y!” napasigaw si Anabel nang matalisod siya. May kumalabog. Naramdaman niyang may bumalikwas. A “Yudip... Sino ‘yan?” boses ng lalaki. Hindi nakasagot si Anabel. Dahan-dahan siyang tumayo. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa takot. Hindi na niya naramdaman ang pagdurugo ng kanyang binti na nagalusan sa kanyang pagkatalisod. “Sino ‘yan!” lumakas na ang tanong. Galit! Sa gitna ng panginginig ni Anabel ay nakisabay ang kanyang paghikbi. Napaupo siya sa lupa dahil sa labis na takot. Wala siyang nakikita sa gitna ng dilim. Nalanghap niya ang alingasaw ng mabahong kanal. Biglang kumislap ang layter. Halos malapit ito sa mukha ni Anabel. Pumikit ang dalaga at itinago ang mukha sa kanyang mga kamay. “Hmmm. Kung hindi ka kawatang tumakas sa pulis ay miyembro ka ng Ativan gang na nabuking,” nakangising sabi 1

AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ths is the story of two young people from different provinces who were victimized by the evils of society but managed to survive and succeed

Citation preview

Page 1: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

I

ANG TIGASIN NG KARITON

Y!” napasigaw si Anabel nang matalisod siya. May kumalabog. Naramdaman niyang may bumalikwas.A

“Yudip... Sino ‘yan?” boses ng lalaki.Hindi nakasagot si Anabel. Dahan-dahan siyang tumayo. Nanginginig ang kanyang

katawan dahil sa takot. Hindi na niya naramdaman ang pagdurugo ng kanyang binti na nagalusan sa kanyang pagkatalisod.

“Sino ‘yan!” lumakas na ang tanong. Galit!Sa gitna ng panginginig ni Anabel ay nakisabay ang kanyang paghikbi. Napaupo siya

sa lupa dahil sa labis na takot. Wala siyang nakikita sa gitna ng dilim. Nalanghap niya ang alingasaw ng mabahong kanal.

Biglang kumislap ang layter. Halos malapit ito sa mukha ni Anabel. Pumikit ang dalaga at itinago ang mukha sa kanyang mga kamay.

“Hmmm. Kung hindi ka kawatang tumakas sa pulis ay miyembro ka ng Ativan gang na nabuking,” nakangising sabi ng lalaki habang iniikot sa kabuuan ni Anabel ang liwanag ng hawak na layter. “Sige, alis na. Istorbo ka!” at pinatay na nito ang sindi ng layter.

“M-maawa ho kayo, Nong. Itago ninyo ako. Hinahabol nila ako,” nasambit din ni Anabel. Tumayo siya at sa dilim ay kinapa ang braso ng lalaki upang pigilan. Ngunit bulsa ng pantalon ang kanyang nahawakan.

“Buysit! Pati ako’y dadalihin mo pa!” Agad na nahawakan ng lalaki ang kamay ni Anabel. Mahigpit na binaliti. “Kawatan! Dapat ka nga’ng mahuli ng pulis.”

“H-huwag!” Nadagdagan ang takot ni Anabel. “Hindi ho ako kawatan. Maniwala ho kayo. Tinangka akong kidnapin. Maawa ho kayo.” Ang kaninang hikbi ni Anabel ay naging panangis.

1

Page 2: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Drama! Hindi mo ako maloloko. Hala, sibat na!” Itinulak nito si Anabel.Tumilamsik ang mabahong tubig-kanal nang mabuwal si Anabel. Bumagsak ang

kanyang mukha sa malapot na tubig-kanal. Mabilis siyang bumalikwas upang tumayo. Ngunit natigilan siya. Nakarinig siya ng mga yabag sa di-kalayuan. Lumingon siya. Sa tulong ng liwanag ng ilaw sa poste sa kanto kung saan naroroon ang papalapit ay nakilala ni Anabel na iyon ang dalawang tao na humahabol sa kanya.

“N-Nong... h-hayan na sila,” pabulong na nasambit ni Anabel. Muli niyang kinapa ang lalaki upang makalapit dito.

“Ang mga hayup!” mariing nasambit ng lalaki na narinig ni Anabel. Maya-maya ay naramdaman ni Anabel na may binuhat ang lalaki. Ibinuhos sa kanya. Mga papel at plastik na nakasusulasok ang amoy. “Huwag kang gumalaw d’yan,” pabulong na sabi ng lalaki.

Hindi na kumibo si Anabel. Nasusuka siya sa amoy ng nakatambak sa kanya ngunit tiniis niya. Sa gayong kalagayan ay pilit na tinalasan ni Anabel ang kanyang pandinig. Malapit na malapit na sa kanyang kinaroroonan ang mga yabag. Maya-maya ay huminto ang mga ito. Narinig niya na may kumislap. Sa isip niya ay muling sinindihan ng lalaki ang layter nito.

“Tirong, wala bang napadpad dito sa teritoryo mo?” marahas ang boses na narinig ni Anabel. Halos ay pigilan niya ang paghinga upang hindi marinig ng mga lalaki.

“Meron,” boses ng tinanong. Nakilala ni Anabel ang may-ari ng boses. Ang lalaking may-ari ng kariton na kanyang natalisod.

“Ha? Saan tumuloy?”“Dito lang,” sagot ng may-ari ng kariton. Lalong natakot si Anabel. Sa sarili niya

ituturo rin pala siya ng lalaki. “Nandito lang naman kayo, di ba? Kayo lang naman ang napadpad dito at nang-iistorbo sa akin, a!” matigas ang boses ng may-ari ng kariton.

“Yudip... Gago ka kung sumagot, a!” Nagalit ang lalaki. Narinig ni Anabel na tila dadaluhong ito ngunit sinaway ng kasama. Nakiramdam siya. Wala na siyang narinig sa tinawag na Tirong kungdi ang pagtagis ng mga ngipin.

Maya-maya ay narinig ni Anabel na may papalayong mga yabag.“Bumangon ka na d’yan,” utos ng lalaki sabay sindi ng layter.Bumalikwas si Anabel. Hinawi ang mga papel na dumikit sa basang damit niya.

Muli niyang naramdaman ang nakasusulasok na amoy kaya napaduwal siya.Natawa ang lalaki.“Para kang hito na bagong ahon sa lubluban,” tuya pa ng lalaki. “Suwerte mo’t hindi

ko kursunada ang ugali nina Golem. Sige, alis na,” at pinatay na nito ang layter.Ngunit hindi kumilos si Anabel. Hindi na siya nanginginig sa takot kungdi sa ginaw

dahil basa ang kanyang damit. Naramdaman niyang bumalik sa kariton ang lalaki. Humiga.

“T-Tirong pala ang pangalan mo?” wala sa loob na nasambit ni Anabel. Nangapa siya ng tuyong papel at ipinunas sa putik sa kanyang mukha. Pinunasan din niya ang kanyang basang damit. Pinunasan ang nangagdikit na mga dumi sa kanyang mga braso.

“Ikaw,” ganti ni Tirong. “Sino ka nga ba? Ano ba’ng atraso mo kina Golem?”“A-Anabel,” awtomatikong sagot ni Anabel. Hindi na pumasok sa kanyang isipan na

estranghero ang lalaki sa kanya. “At wala akong atraso sa kanila. Tinangka nila akong kidnapin.”

2

Page 3: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Tumiim-bagang si Tirong. Ngunit wala itong sinabi. Alam ni Anabel na gusto pa ni Tirong na marinig ang kanyang idudugtong kaya nagpatuloy siya.

“Kabababa lang namin ni Tatay sa barko nang biglang haltakin ako ng dalawang lalaking ‘yon. Napakabilis ng pangyayari na hindi man lang napansin ng aking ama. Nang panumbalikan ako ng wisyo ay itinutulak na nila ako sa isang van na bukas ang likurang pintuan.”

“Ano ang ginawa ng iyong ama?”“Wala na dahil nang makasigaw ako ay naitulak na nila ako sa loob ng van. Ang

huling nakita ko sa aking ama ay humahabol siya sa amin. Pero mabilis na humarurot ang van.”

“Hmmm.” Napailing si Tirong. Tila nagdududa. “Paano ka nakatakas? Mahirap takasan si Golem.”

“Na-flat ang gulong ng sasakyan pagdating sa Luneta. Nalaman kong’ Luneta dahil nai-describe ng aking kapatid ang hitsura ng Luneta.”

Hindi umimik si Tirong. Pinalo lamang ng palad ang lamok na kumagat sa mukha.“Tatlo kaming babae sa loob ng van. Kagaya ko, kinidnap rin daw sila. Naniwala

ako dahil nag-iiyakan din sila. Nagsisiksikan sa sulok ng van dahil sa labis na takot. Kalaunan kinausap ko sila. Kailangang makatakas kami. Pumayag din sila. At tamang-tama dahil na-flat ang gulong. Nasa loob pala ng van ang reserbang gulong. At nang buksan nila ang pintuan upang kunin ang reserba ay humanda kami. Hinintay naming nagpapalit sila ng gulong at magtalunan.”

“Walang nagbantay sa inyo sa pintuan?”“Meron. Pero umihi. Nakatutok nga ang kanyang baril ngunit nakatagilid siya kaya’t

nasipa ko ang kanyang armas. Sabay-sabay kaming naglundagan at magtakbuhan.” “Ang mga kasama mo, saan pumunta?”“Aywan. Basta may narinig akong putok at tili. Pero hindi ako lumingon.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang nakarating ako sa madilim... at matalisod.”“Sa kariton ko. Sa tahanan kong winasak mo!” tumigas ang boses ni Tirong.“I-I’m sorry...”“Aywan kung maniniwala ako sa ‘yo. Pero matutulog na ako. Maaga pa akong iikot

sa aking teritoryo at gusto ko nang magpahinga.” Umuga ang kariton nang umunat ito ng katawan upang matulog.

“P-paano ako?”“Bahala ka sa buhay mo!”“B-baka balikan nila ako dito?” Muling nanumbalik ang takot ni Anabel.“Hindi ko sinabing dumito ka.”“W-wala akong mapupuntahan. Hindi ko alam ang tinitirhan ng kapatid ko. At hindi

ako makaalis sa hitsura kong’ ito.” Parang iiyak na naman si Anabel.“Problema mo na ‘yan. Sige, matutulog na ako.”Ngunit hindi makatulog si Tirong. Hindi makatutulog si Tirong sa mga hikbi ni

Anabel. Galit na bumangon ang lalaki. May binuksang plastic bag. Nalaman ito ni Anabel sa kaluskos nito.

“Eto’ng kamesita at short pants. Palitan mo ang ‘yong mabahong damit at pumalit sa aking trono.” Inihagis ni Tirong ang kamesita at short pants sa babae. Pagkatapos bumaba ito sa kariton at paupong sumandal dito. Maya-maya ay naghihilik na ito.

3

Page 4: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

2

MALAKAS ang hilik ni Tirong habang pasandal na nakaupo. Tila madadala din si Anabel sa pagtulog ng lalaki. Pagod na pagod siya. Ngunit ang gutom at ang mas malakas na ugong ng lamok kaysa lakas ng hilik ni Tirong ay pilit na nagtataboy ng kanyang antok. Hindi siya mapakali. Naglalaro sa kanyang isipan ang madilim na bahagi ng kanyang buhay sa Bacolod at ang dilim ng pamumuhay na kanyang haharapin sa magulong Maynila. Sa kanyang pakiramdam ay mas madilim pa sa kinaroroonan niya ngayon.

Nanulay sa kanyang katawan ang pananakit bunga ng nangyaring paghabol sa kanya kanina. Pakiramdam niya ay tila may mabigat na nakadagan sa kanya. Sinubukan niyang iunat ang kanyang mga binti. Nakaramdam siya ng ginhawa. Ngunit nanuot sa kanyang kalamnan ang lamig. Hindi pa nawawala ang lamig ng kalilipas na Disyembre. Nangapa siya ng maaaring itakip sa kanyang katawan. May nakapa siya sa kanyang ulohan. May damit. Hinatak niya ito at itabon sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang leeg. Ngunit bigla niya itong pinalis nang malanghap ang malansang amoy. Marumi!

Tatlong malalaking lamok ang sabay-sabay na dumapo sa mukha ni Anabel. Mabilis niya itong pinalo ng palad. Pakiramdam niya ay dalawa ang tinamaan dahil ang isa ay umugong paikot sa kanyang tainga. Tila may ibinubulong. Tinabig niya ito ngunit mabilis ang pag-ikut-ikot nito sa kanyang tainga. Lalo namang lumakas ang ugong nito. Tila nililiyo ang ulo ni Anabel. Tuloy ang ikut-ikot ng lamok. Naliliyo ang ulo ni Anabel. Hanggang hindi na niya naramdaman ang mga kagat ng ibang lamok. Nakalimutan na rin niya kung nasaan na siya. At ilang saglit pa ay manaka-nakang nakikisabay ang mahina niyang paghinga sa hilik ni Tirong.

NAGULAT pa si Anabel kinaumagahan nang maramdaman ang pag-uga ng kariton. Tila naalimpungatang bumalikwas siya. Nagmulat siya ngunit muling napapikit. Nasalubong niya ang masakit na sikat ng araw. Agad ding narehistro sa kanyang pandinig ang sari-saring ingay. Muli siyang nagmulat. At natambad sa kanyang paningin ang pangit na tanawin ng metropolis na pilit itinatago ng gobyerno sa mata ng publiko. Nasa paanan sila ng bundok ng basura. Ito siguro ang sinasabi nilang smokey mountain, naisip ni Anabel.

“Kape...” sabi ni Tirong na nakapaningkayad sa labas ng kariton habang nakatunghay sa dalaga. “Yudip... talo mo pa ang inahing baboy kung matulog. Aba, tanghali na. Dapat alas kuwatro pa lang nangangalakal na ako.”

Nangunot ang noo ni Anabel.Naunawaan ito ng lalaki. “Ibig sabihi’y namumulot ng basura.”Hindi na umimik si Anabel sa sinabi ng lalaki. Sa igsi ng panahong napadpad siya sa

teritoryo ng lalaki ay naintindihan niya kung bakit masakit itong magsalita. Sa halip ay nagpalinga-linga siya. May hinahanap. Ngayon lang niya napansing masusi ang kanyang nahigaan. Mga karton ang kanyang banig. Pinalambot lang ito ng mga papel na nasalansan paikot sa kariton. Ang mga tagiliran ng kalawanging lata na tagpi sa butas ng kariton ay sinapinan lamang ng patong-patong na papel para hindi makasugat sa natutulog.

4

Page 5: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“M-may tubig?” nasambit ni Anabel kalaunan at tinapunan ng tingin ang lata ng gatas na sinalinan ng kape na iniaabot sa kanya ni Tirong.

“Kung pangmumog... lumagok ka lang ng isang bes sa kape at imumog. Ang natirang tubig na kalahating galon ay inilaba ko sa damit mo,” ganti ni Tirong na kinuha ang paningin sa dalaga at inilipat sa di-kalayuan kung saan nakasampay na ang damit ni Anabel sa maruming patpat na nakapatong sa dalawang kalawanging dram.

Kalahating galong tubig ang ipinanglaba sa kanyang damit? Tila nakaramdam ng pangangati ng katawan si Anabel. Kung gayon ay binasa lang at piniga na wala nang sabon-sabon. Ngunit hindi na nagsalita si Anabel. Kahit paano ay dapat siyang magpasalamat sa lalaking ito na sa guni-guni ay hindi niya inasahang matagpuan dito sa Maynila. At isa pa manding basurero. Scavenger na ang palasyo ay bulok na kariton.

Iniabot ni Anabel ang kape. Sinipat muna ito. Masarap sana para sa nagugutom na tiyan ang kulay ng kapeng may gatas. Ngunit natigilan siya. Nakita niya sa tagiliran ng lata sa pinagbuksan ng takip ang nakadikit pang kondensada na hindi natunaw. Tila nawala ang gusto niyang uminom.

“Kung inaakala mong napulot ko lang ang lata at nilagyan ng kape ay nagkakamali ka,” mabilis na nasambit ni Tirong nang mapansing tila nag-aalangang uminom ang dalaga. “Binili ko ‘yang gatas kahapon at ngayon lang naubos ang laman. Makapal pa ang natirang gatas sa lata kaya hinaluan ko na lang ng kape. Kung ayaw mo, ibalik at iinumin ko. Hanggang alas dos pa ng hapon ang resistensiyang maibigay niyan sa akin.”

Pikit-matang inilapit ni Anabel ang lata sa kanyang bibig. Lumagok ng isa at ipinangmumog. Ngunit dahil naparami ang nalagok ay tila nanghinayang siyang ibuga lahat. Sa gutom na kanyang nararamdaman ay kahit dalawang latang kape na may gatas ay kulang pa sa kanya.

“Pandesal,” at iniabot ni Tirong ang dalawang pirasong pandesal. Ang hitsura ng pandesal ay tila nakaranas malaglag sa lupa. “Walang dumi ‘to. Gusto ko lang ng pandesal na overcooked.”

Iniabot ni Anabel ang tinapay. Sa simula ay tila pilit ang kanyang pagkagat. Malutong. Muli siyang kumagat. Nagustohan niya ang malutong na pandesal, lalo na at mainit-init pa ito. At nang lumingon sa kanya si Tirong ay nginitian na niya ito. Ngumiti rin ang lalaki. Nadagdagan ng tuwa ang ngiti ni Anabel. Pagkatapos sabay silang tumawa.

“UY, may waswit na si Tirong kaya nang-agaw na ng teritoryo,” tudyo ng isang basurero na kaedad din ni Tirong habang namumulot sila ni Anabel ng basura.

Hindi sumagot si Tirong. Sa halip ay kinindatan nito si Anabel na napatigil sa pag-abot ng napulot ni Tirong dahil sa takot sa lumapit na basurero. Naintindihan niya ang ibig sabihin ni Tirong. Huwag lang daw nilang pansinin.

Ngunit ang lugar ng dumi at masama ay pugad din ng mga taong ang karamihan ay marumi at masama ang ugali. Lumapit pa ang lalaki at pinitsirahan si Tirong.

“Ang sabi ko’y nang-aagaw ka na!”“Tikoy,” malumanay ang boses ni Tirong kahit napuna ni Anabel ang halatang

pagtiimbagang nito. “Gusto mong mabuhay, gusto rin naming mabuhay. Kung mahal mo ang iyong buhay, mahal ko rin ang sa amin.”

“A, kakasa...”

5

Page 6: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Kung pagkaitan mo kaming mabuhay...” Tinigilan ni Tirong ang pangangalaykay ng tumpok ng basura. Tuwid na tumayo. Hinarap ang lalaki. Nanigas ang kalamnan. Nakahanda.

Tumiim-bagang ang lalaki. Humigpit ang hawak nito sa kalaykay na pangkawit sa basura. Mabilis itong inangat. Halos kasabay din ang pag-angat ng braso ni Tirong, nakahanda sa pagsalag sa babagsak na kalaykay. Ngunit bago maihampas ng lalaki ang hawak ay napatili si Anabel.

“Huwag!”Natigilan ang lalaki. Nilingon si Anabel. Tiningnan ito ng mula ulo hanggang paa.

Maya-maya ay ngumiti. Tumalikod kay Tirong at lumapit kay Anabel.“Aha, dedli ang dyoga ng bata mo, ‘Tol. P’wedeng sugalan.” At ngumisi si Tikoy.

“Ito na lang ang aarborin ko. Para makalibre ka sa pagpasok sa teritoryo ko.” Dumaluhong ito kay Anabel.

Napaurong si Anabel. Ngunit nahawakan na siya ng lalaki sa magkabilang balikat.“Bitiwan mo siya!”Pumiglas si Anabel. Pilit iniiwas ang mukha sa maruming pisngi ng lalaki. Naamoy

ni Anabel ang nakasusulasok na hininga nito. Lalo siyang nagpumiglas ngunit kahit ano ang gagawin ni Anabel ay palapit na palapit ang mukha ng lalaki sa kanyang pisngi. Sa gilid ng mata ni Anabel ay nakita niya ang naglalaway na bibig ng lalaki na ang mga labi ay nanunulis, handang magparamdam ng mga halik nito.

Ngunit bago dumantay ang labi ng lalaki isang malakas na lagutok ang narinig. Naramdaman ni Anabel na sumuray siya. Nakita pa niya ang pag-angat ng paa ng lalaki habang una ang likod na bumagsak sa basura.

“Yudip... ka! Papatayin kita!” sigaw ni Tirong na agad nilundag ang lalaki at sinakyan. Pinaulanan ito ng suntok sa mukha.

Ngunit napatili si Anabel nang may tumabig sa kanya. Muntik na siyang maapakan ng rumaragasang mga lalaki nang mabuwal siya. Nakita niyang may mga tubo at bakal ang mga lalaki. Naghihiyawan habang unti-unting pinapalibutan si Tirong.

Muling tumili si Anabel.“Tironggg!”

3

SA gitna ng ugong at lagitikan ng tubo at bakal sa kanyang katawan ay narinig pa ni Tirong ang mahinang gibik at pagbagsak ni Anabel sa tumpok ng basura. Parang tigre siyang nagkakawag upang takbuhin ang dalaga ngunit ang nakabibinging hiyawan at nakangingilong tama ng bakal sa kanyang katawan ay nagpaliyo sa kanya.

“Anabel!” ang huling nabigkas ni Tirong bago siya mawalan ng ulirat.NARAMDAMAN ni Tirong ang pagdantay ng basang damit sa kanyang pisngi.

Marahan siyang nagmulat. Ngunit nakapapasong init ng araw ang muling nagpapikit sa kanya. Pumihit siya upang hindi matamaan ng nakapapasong init ang kanyang mga

6

Page 7: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

mata. Pinilit niyang magbangon. Ngunit napangiwi siya. Labis na pananakit ng kalamnan ang kanyang naramdaman.

“Huwag ka munang magkikilos,” si Anabel na nakatungo sa kanyang tabi ang nakita ni Tirong. Pinupunasan siya ng basang damit.

“Asan na sila?” Muli siyang kumilos upang magbangon. Ngunit nanginginig ang kanyang kalamnan. Iginala niya ang paningin. At napatiim-bagang siya. Nakita niya ang kanyang kariton. Wala nang gulong. Wasak na. Wala naman ang nakatambak na mga papel na lulan nito.

“Wala na sila. Kinuha nila ang lahat ng mga nakuha mo,” malaki ang pag-alala sa boses ni Anabel. “Paano ngayon?”

Tumiim-bagang lamang si Tirong. Inangat ang kamay. Naintindihan naman ng dalaga ang ibig sabihin kaya tumayo siya at hinatak ang kamay ng lalaki upang makatayo. Ngunit sumuray si Tirong. Inangat niya ang kamay ng lalaki at isiningkaw sa kanyang balikat. Niyapos ng isang kamay ang baywang nito upang makalakad. “Saan tayo ngayon?”

Bumalik sila sa lugar kung saan nakaparada noon ang kariton ni Tirong. Pagdating doon ay isinandal ni Anabel ang lalaki sa nakatambak na basura. Hindi masyadong mainit doon dahil naliliman ng pader ng lumang bodega.

Paulit-ulit ang pagtiim ng mga bagang ni Tirong. Sinasamahan ito ng lagutok ng kanyang mga daliri sa labis na pagtikom.

“Dito ka lang. Ako ang mamumulot ng basura para makabili tayo ng pagkain.”“Hindi, Anabel. Tiyak na aabangan ka nila... at mas malala pa ang matitikman mo

kaysa kagabi.”“P-paano tayo kakain?”“Ang problemahin mo ay ang mga kinuha nila. Ang nag-iisa kong damit na pamalit.

Ang damit mo.”Naalala nga ni Anabel. Ang kariton na ni Tirong ang kanyang tahanan. At nandoon

ang lahat nitong gamit... kung may mga gamit nga. At ang damit niyang hindi pa natutuyo ay nandoon din sa kariton. Mapipilitan siyang magsuot ng matagal sa kamesita at shorts ni Tirong. Kung kailan niya mapalitan ay hindi niya alam.

Pabagsak na naupo si Anabel sa tabi ni Tirong. Humikbi. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa sarili.

“Huwag ka ngang gaga,” nausal ni Tirong. Ngunit sa pandinig ni Anabel ay hindi na masakit. May pag-alala sa boses na iyon.

“Kung hindi ako pumarito sa Maynila... Kung alam ko lang sana ang adres ng aking kapatid...”

“Syarrap!”Tila tinakpan ang bibig ni Anabel. Ngunit lumakas ang kanyang paghikbi.

Naramdaman niyang pumihit si Tirong. Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Tinapik-tapik. Wala itong imik ngunit alam niyang pinatatahan siya. Ngunit sa kanyang isipan ay may katiwasayan pa ba ang kanyang damdamin sa kalagayan niya ngayon?

“Huwag kang mag-alala. Sanay na ako sa pamumuhay dito sa Maynila. Ang lintang nakasalubong mo ay maliit pa lang na porsiyento sa nasalubong ko na, at napagtagumpayan,” tila nananaginip si Tirong habang nagsasalita. “Hindi ka maaano... habang makakakilos pa ako.”

7

Page 8: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

HINDI nagtakipsilim na hindi sila kumain. Nang hapong iyon nang makaya na ni Tirong ang kanyang katawan ay sinikap niyang lumakad. Ngunit isinama niya si Anabel. Hindi niya maiiwang mag-isa si Anabel sa tambakang pinuputakti ng langaw. Sari-saring langaw na nanamantala sa anumang maaaring masipsip. Isa na dito si Tikoy... at ang pinakamatakaw sa lahat, si Golem.

Nakautang ng pera si Tirong kay Goyo, ang Intsik na kapitalista ng lahat na mga junks. Sakim at tuso ngunit mapagbigay kay Tirong. Paano, si Tirong lamang ang masipag sa mga suki nito. At may napansin itong misteryo sa binata. Tila madalas na malalim ang iniisip at hindi maaarok kung ano ang pagkatao. Maliban dito ay mas tama sigurong kabado ito sa binata dahil isang beses nang subukan nitong gamitan ng pagkatuso si Tirong, sinakal niya ito.

Marahil nakadadag din sa pagkabukas-palad kanina ni Goyo ang pandidilat ng mga mata nito pagkakita sa hita ni Anabel. Napansin ito ni Tirong kaya palihim na dumampot ng lata ng langis at kunwari ay hindi sinasadyang pinatilamsik sa mga hita ng dalaga. Napuno ng used oil ang mga hita ng nagulat na dalaga. Agad naman itong kinindatan ni Tirong. Ngumiti na lamang ang dalaga.

“Ang problema ngayon ay kung paano ako makagawa ng kariton,” sabi ni Tirong habang namamahinga sila ni Anabel sa isang maliit na tindahan kung saan sila kumain.

“Ang ginamit mo noon?”“Kay Golem ‘yon. Ang halos lahat na kariton, kung hindi kay Goyong kapitalista ay

kay Golem. Inuupahan ‘yon kay Golem.”‘“Yong nagtangkang kumidnap sa akin?”Tumango si Tirong. Sumimangot. “Kaya nga kilala nila ako. Dahil kung minsan ay

kinakalaban ko sila. Hindi ko matiis ang mga kalukuhan nila. At ayaw kong magpailalim sa kanila.”

Bumuntunghininga si Anabel. Tila walang maidugtong tungkol sa kinakaharap nilang problema.

“Kung para lang sana sa akin...”“I-I’m sorry... Idinamay kita sa aking problema. Hindi, mas tamang binigyan kita ng

problema.” Nakaramdam ng hiya si Anabel.“Wala na tayong magawa. Nabiktima ako at nahatulan na. Ika’y biktima pa lang.

Hindi pa alam ang magiging kapalaran mo.”“Haharapin ko kung ano ang mangyayari. Siguro nama’y makakaya ko.” Ngunit sa

isipan ni Anabel ay kinakabahan siya. Paano siya mamumuhay sa isang lugar na wala siyang masasandalan? Na alam na patutunguhan na ligtas siya sa mga kuko ng kasamaan?

“Prangka ako. Ikinayamot ko na pinagtagpo tayo ng kapalaran. Pero aaminin ko na hindi ako masamang tao. At hindi ko gustong bumagsak ka sa masamang mga kamay. Titiyakin ko ‘yan. Dito ka sa akin habang hinahanap mo ang iyong kapatid.”

Marahang tapik sa tuhod ni Tirong ang iginanti ni Anabel. Nandiyan ang katapatan ng kanyang damdamin. Lalong naging matatag na pader para sa kanya ang lalaki.

“Nakahihiya sana...”“Tulungan mo ako para hindi ka makaramdam ng hiya,” ganti ng lalaki sabay tayo.

“Kailangang kumilos na tayo.”Tumayo rin si Anabel.

8

Page 9: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ano’ng plano mo ngayon?” tanong ni Tirong habang naglalakad sila pabalik sa tambakan.

“Patatatagin ko muna ang sarili. I-adjust sa buhay dito para hindi mahirapan sa paghahanap ng aking kapatid.”

“Madaling magpatatag ng sarili lalo na kung sa ginagalawan kong mundo. Pero hindi ko matiyak na magkakaroon ka ng tamang pag-iisip sa mga gagawin mong hakbang.”

“Dahil sa amoy ng basura... dahil sa lamok?”“Maliit lang na hadlang ‘yan. Pero sa aking mundo ay tila hindi na ginagamit ang

isip.”“Kung gayon ay hahanap tayo ng ibang mundo. ‘Yong hindi mabaho...”“Pero ang kabuhayan?”“Tambakan pa rin. Diyan ka sanay. Ako magpapatianod lang muna dahil mahirap

magutom. Ang ibig kong sabihin ay hahanap tayo ng tulugang kahit sandali ay makapag-isip ng payapa. ‘Yang makapagpalimot ng problema.”

“Kung gayon sa Luneta. Doon tayo lulugar sa malayo sa hinintuan ng van ni Golem para hindi manumbalik ang pangyayari kung bakit kasama mo ako ngayon.”

SA isang bahagi ng park na maraming strollers sila lumugar. Umupo sila sa malambot na damuhan. Hindi sila magkatabi ngunit nariyan ang kalapit ng kanilang pagtitinginan.

“Tirong?’Nilinga siya ng lalaking mahihiga na sana sa damuhan.“Ang pangit ng pangalan mo. Ano ba ang totoo mong pangalan?”“Tyrone Amante. Para makumpleto ang pagkakilala mo sa akin, taga-Bicol ako.

Anak ako ng NPA. Nakatapos ako ng high school. Pero nandito ngayon sa paghahanap ng ibang landas, hindi kagaya ng landas na tinatahak ng aking ama. Hanggang d’yan na lang.”

“Ty...rone. Ron. Tama, Ron na lang ang itatawag ko sa ‘yo. Maganda pang pakinggan.”

“Para sa isang basurero?” Tumawa si Tirong.“Puwede. Para class.” Tumawa din si Anabel.“Hindi ka natatakot sa akin?” seryusong tanong ni Tirong saka bumangon.Napapitlag si Anabel. May napansin sa kilos ng lalaki.“H-hindi. At kung may iba ka mang iniisip, halimbawa sa pagtingin, wala akong

natatanging pagtingin sa ‘yo.”Natawa si Tirong. “Kung gayon ay amanos lang tayo. At ‘yan ang gusto kong

marinig. Para pagkatapos na mahanap mo ang iyong kapatid, hindi ka hahanap-hanapin ng loob ko.”

“Kung darating man ang sandaling ‘yan, huwag mong kalilimutan, kayo ang aking tagapagligtas- ang tigasin sa kariton.”

9

Page 10: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

II

ANG PAWIKAN

NANG nagising si Anabel nang umagang iyon. Nagulat siya nang magsigawan na ang mga nagtitinda ng diyaryo. Nilingon niya si Tirong na mahimbing pa ang tulog

habang nakapamaluktot. Nakaunan ito sa isang braso habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa mukha.

U“Ron... Ron,” panggising niya sa lalaki habang nagsusuklay ng kanyang buhok sa

pamamagitan ng kanyang mga daliri. Agad siyang bumangon at nagpalinga-linga. Sila na lang pala ang naiwan sa malambot na damuhan ng park. Ang narinig niyang naglalako ng diyaryo ay doon malapit sa kalye ng Taft kung saan marami na ang mga tao.

Umungol si Tirong. Nagbukas ng mata. At nang masalubong ng paningin na unti-unti nang sumisikat ang araw ay bumalikwas at umupo. Nakita niya si Anabel na nakangiti sa kanya.

“Grabe ka pala kung matulog.”Napakamot si Tirong sa kanyang batok. “Ang akala ko’y sa malambot na kama ako

nakahiga. Paano hindi ko nalanghap ang alingasaw ng basura na siyang madalas gumigising sa akin upang magbangon ng maaga.”

“Nagulat ako sa sigawan ng mga newsboy,” sabi ni Anabel at inayos ang nagusot na kamesita. Pinagpag ng kamay ang dumikit na mga tuyong damo sa kanyang short pants.

“Oo nga pala. Tawagin mo ang newsboy at bibili tayo ng diyaryo. Magbasa ka muna dito at bibili ako ng almusal natin.” Kinapa ng lalaki ang kanyang bulsa. Dumukot ng dos singkuwenta at ibinigay sa dalaga. Pagkatapos ay tumayo at lumakad upang bumili ng kanilang makakain.

PASIPUL-SIPOL pa si Tirong habang bitbit ang isang supot na pandesal at dalawang plastic cup ng mainit na kape nang magbalik sa iniwanan niya kay Anabel. Ngunit natigilan siya nang maratnang wala na doon ang dalaga.

10

Page 11: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Anabel?” tawag niya habang nagpapalinga-linga. May narinig siyang hikbi. Sinundan niya ito. Doon malapit sa punongkahoy nakita niya ang balikat ng dalaga. Yumuyugyog ito. Si Anabel ang humihikbi.

Dali-daling nilapitan niya ang babae. “Anabel, may nangyari ba?”Hindi sumagot si Anabel. Patuloy ang kanyang paghikbi habang nakatunghay sa

front page ng bagong biling diyaryo.Hindi na nagtanong si Tirong kundi lumuhod sa tabi ni Anabel at binasa ang headline

sa diyaryo. KIDNAP VICTIM’S PA SEEKS NBI’S HELP. Nandiyan ang larawan ni Anabel at ng ama nito habang nagbibigay ng pahayag sa mga kasapi ng NBI.

Marahang tinapik ni Tirong ang balikat ng dalaga. Tumingala ito sa binata.“P-paano kami magkikita ng aking ama?”“Puntahan natin ang opisina ng NBI,” malumanay na sagot ni Tirong. “Teka, mag-

almusal muna tayo,” at iniabot sa dalaga ang isang plastic cup na may lamang kape. Umupo siya sa tabi ni Anabel at inilapag sa harap nila ang isang supot ng pandesal. “Eto, mainit pa ‘to.”

Halos malunok ni Anabel ang mainit na pandesal. Ngunit sandali lang niyang naubos ang isang tasang kape. Pakiramdam niya ay nanlamig ng todo ang kanyang tiyan nang mabasa ang news item tungkol sa pagkidnap sa kanya. Nadagdagan ito ng pagkaawa sa kanyang ama na alam niyang nag-alala ng husto sa kanya. Patikim-tikim din ang pagkain ng lalaki habang nakatingin sa dalaga.

Bumuntung-hininga si Tirong. “Mabuti’t na-pick up ng mga reporter ang nangyari sa ‘yo. Maaaring magkita kayo.”

“Nandoon kaya siya sa opisina ng NBI?”“Alam nila kung saan hahanapin ang iyong ama. Tiyak na naibigay niya ang address

kung saan siya hahanapin,” sagot ng lalaki.Napansin ni Anabel na tila malungkot ang boses ni Tirong. Pinunasan niya ang

kanyang luha bago magsalita. “H-hindi ka natutuwa, Ron?”“Natutuwa... para sa ‘yo. Pero nag-aalala din ako. Delikado ang paglabas ng iyong

larawan sa diyaryo. Lalong pag-iibayuhin ni Golem ang paghahanap sa ‘yo. Baka maunahan niya ang NBI.”

Natigilan si Anabel. Nakaramdam ng takot. Ngunit hindi maitagong napahanga siya sa basurero. Matalas ang kaisipan nito. Lalo ngang magiging malinaw sa mga tauhan ni Golem kung sino talaga ang tinangka ng mga ito na kidnapin. At baka nga totoong ngayon pa lang ay may gumagala na upang hanapin siya. Para wala nang makapagsabi ng tungkol sa nangyari sa kanya.

“P-paano ngayon?”“Malapit lang dito ang NBI,” ganti ng lalaki na agad iniligpit ang supot ng pandesal.

Nilamukos ito at itinapon sa basurahang malapit sa kanila. “Halika, habang wala pang nakakita sa atin.”

SARADO pa ang gate ng NBI pagdating ng dalawa. Ayaw sana silang papasukin ng guwardiya dahil sa kanilang hitsura ngunit nang hapayin ni Anabel ang kanyang buhok upang matambad ang mukha at ipakita ang diyaryo, pinapasok sila ng guwardiya sa outpost.

“Huwag kayong umalis dito,” sabi ng guwardiya at itinuro ang dalawang upuan sa sulok ng outpost. Pagkatapos ay nagdayal ito sa telepono.

11

Page 12: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ilang sandali pa isang kotse ang mabilis na pumasok sa gate. Bumaba ang isang matipunong lalaki. Pumasok ito sa outpost. Masusing pinagmasdan nito si Anabel. Tumango-tango. Maya-maya ay tiningnan si Tirong. Nagtatanong ang tingin. Napansin ito ni Anabel.

“S-siya ho ang tumulong sa akin.”Hindi umimik ang lalaki. Humudyat ito na sumunod sila. Tumayo din sina Anabel at

sumunod sa lalaki na tumungo sa kalapit na building. Sumunod din sina Anabel hanggang makapasok sila sa isang silid.

“Miyembro ka ng mga kidnaper?” duro ng tao kay Tirong nang makaupo na ang dalawa.

Hindi sumagot si Tirong na biglang nag-init ang tainga sa tanong ng lalaki. Kadalasan, ikinagagalit ni Tirong na maugnay sa kahit anong kasamaan. Namumuhay siya bilang basurero dahil alam niyang kahit gaano karumi itong trabaho ngunit pinagpapawisan niya, na walang napeperwisyong iba.

“Siya ho ang napuntahan ko nang makatakas ako sa nagtangkang kumidnap sa akin,” si Anabel ang sumagot nang mapuna ang galit ni Tirong. “Basurero ho siya at siya ang nakita ko at tumulong sa akin.”

“Gusto n’ya hong’ makita ang kanyang ama,” nasambit kalaunan ni Tirong nang umungol lamang ang lalaki sa sinabi ni Anabel.

“Paano ko ho siya makikita?” salo ni Anabel.Sa halip na sumagot ay may hinalungkat na papeles ang lalaki. Nang makita ang

hinahanap ay dinampot ang telepono at nagdayal.MGA tatlong oras din ang inilagi nina Anabel sa tanggapan ng NBI nang humihingal

na pumasok ang kanyang ama. Pagkakita ni Anabel sa ama ay sinalubong niya ito ng yakap. Hindi rin nakapagpigil ang matanda na napaluha din sa labis na tuwa.

“T-Tay,” nausal kalaunan ni Anabel matapos makabitiw sa pagkayapos sa amay. Nilingon niya si Tirong na tahimik na nakatingin sa kanila. “Siya nga ho pala ang nagligtas sa akin. Si... Ron... Tyrone Amante.”

Ang pasasalamat ng matanda ay ipinakita niya sa pamamagitan ng pagyakap kay Tirong.

Naramdaman ni Tirong ang kahina sa kilos ng matanda. Sa tantiya niya ay lampas na marahil sa singkuwenty singko ang ama ni Anabel. Bagaman guwapo pa rin ay hindi maikukubling katamtaman lang ang pamumuhay nito.

Matapos ang ilang mga katanungan ay pinayagan na ng NBI na makauwi sina Anabel.

“Sama ka muna sa min, Ron. Sa Payatas daw tayo,” yaya ng dalaga.“M-me kamag-anak kayo roon?” tila wala sa loob na tanong ni Tirong.“May bahay ako doon, Iho,” salo ng ama ni Anabel.Napatingin si Tirong sa dalaga. Nagtatanong ang paningin. Naunawaan naman ito

ng dalaga kaya nilapitan niya ang lalaki at binulungan.“Ikukuwento ko sa ‘yo kung bakit,” sabi ng dalaga sa mahinang boses. “Halika na,”

at hinatak niya ang kamay ng lalaki.Nagpatianod na lamang si Tirong. Ngunit ang kanyang kamay ay nangapa sa bulsa

ng kanyang pantalon. Tatatlong mamiso na lamang ang kanyang pera. Kung malayo ang Payatas ay hindi niya alam. Hindi niya alam kung magkano ang pamasahe.

“Ako ang bahala.” Tila napuna ng matanda ang sa isipan ni Tirong.

12

Page 13: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

5

SA loob ng taksing pinara ng ama ni Anabel ay magkatabi sa hulihang upuan ang dalawa. Sa tabi ng drayber umupo ang matanda.

“Nagtataka ka siguro kung bakit may bahay ang aking ama sa Payatas pero sabi ko bago lang ako rito sa Maynila, ‘no?” sabi ni Anabel habang mabilis na nanunuot-suot sa trapiko ang taksi.

Nilingon lamang siya ni Tirong. Ang tingin nito ay nagpapakitang ikukuwento dito ni Anabel kung bakit upang mawala ang pagdududa nito sa sinabi niya noong mapadpad siya sa poder ng lalaki.

Humilig si Anabel sa balikat ni Tirong. Pabulong ang pagsasalita niya upang hindi madinig ng ama. Matagal ang mahinang pagkukuwento ng dalaga. Ngunit ang lahat ng sinabi niya ay maliwanag na narinig ni Tirong. Broken family pala ang pinanggalingan ni Anabel. Maliit pa lang daw si Anabel nang hiwalayan ng kanyang ama ang kanyang ina. Hindi raw compatible ang dalawa kaya umalis ang ama at nakapag-asawa dito sa Maynila.

“Ngayon pa lang ang muli naming pagkikita mula nang maghiwalay sila at nakapagbakasyon sa Negros. At dahil hindi naman ako mapag-aral ni Nanay dahil marami ang kapatid ko sa ikawalang asawa niya ay sumama ako kay Itay. Maliban diyan ay gusto ko ring makita ang aking kapatid na nagtatrabaho dito. Pero itong kapatid ko ay hindi nakita ni Itay dito.”

Hindi umimik si Tirong ngunit inilipat-lipat niya ang tingin sa katabi at sa ama ni Anabel na nakikipagkuwentuhan sa drayber ng taksi.

Marami pa ang naikuwento ni Anabel sa binata. Kagaya ng pag-alis nito kasama ng ama na hindi alam ng ina. Ng hilig nito sa pakikipagsapalaran. Sa isip ni Tirong ito siguro ang dahilan kung bakit madaling nakapag-adjust ang dalaga sa pamumuhay sa tambakan. O mas tamang marahil ay napilitan ito upang hindi magutom dahil wala pang alam dito sa Maynila.

Habang nagkukuwento ang dalaga ay pumapasok sa isipan ni Tirong ang buhay niya sa lalawigan. Sa kanyang pakiramdam ang pagkuwento ni Anabel ng buhay nito ay tila paghalungkat din sa pahina ng kanyang kasaysayan. Bagaman at magkaiba ang mga eksena ng kanilang buhay noon ngunit may isa lamang sadya. Ang pagtakas sa walang katiyakang kinabukasan. At siya ang unang nakatakas. Ngunit ang pinanggalingan lang ang natakasan. Hindi ang katulad na eksena ng pamumuhay sa lalawigan. Sa kanyang pakiwari ay mas higit pang kagipitan ang kanyang nararanasan. Kaya lang matatag siya at hindi niya gustong sumuko. Para sa kanya ay hindi pa dumadatal ang tamang panahon.

Nilinga ni Tirong si Anabel na ngayon ay nawiwili sa pagtingin-tingin sa kanilang dinadaanan.

Maya-maya ay naramdaman ni Anabel na lumalim ang isipan ng katabi. Napansin niyang tinitingnan siya ng lalaki. Pumihit siya at ngumiti. “Talagang malaki nga ang Maynila. Tila walang katapusan ang kongkretong kalsada.”

“Sakop na ito ng Quezon City, Anak,” si Tatay ni Anabel ang sumagot. “At ang nakikita mong ‘yan sa unahan na tila palasyo ay ang simbahan ng Iglesia Ni Cristo. Tandang Sora na ang lugar na ‘yan.”

13

Page 14: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Wow! Anlaki pala,” nasambit ni Anabel na tuwang-tuwa. Dumukwang na siya sa bintana ng taksi.

Pati si Tirong ay napasunod din ang paningin sa nakita. Siya man ay ngayon lang nakakita ng ganoon kalaking simbahan. Paano, ang lungsod pa lang ng Maynila ang kanyang narating.

Nagulat at nahatak papasok ni Anabel ang kanyang ulo ng kalabitin ni Tirong.“Bakit?”“Delikado. Dito sa malaking siyudad ay delikadong ilabas ang ulo sa sasakyan.”Napangiti na lang ang napahiyang dalaga lalo na nang biglang omoberteyk ang isang

malaking bus. Sa pakiramdam ni Anabel ay tila sumasagi na ito sa sinasakyan nilang taksi. Natatawang nilingon siya ng kanyang ama.

Ilang saglit at ilang liko pa ng sinasakyan nilang taksi at pinara na ito ng ama ni Anabel. Dumukot ito ng pamasahe at binayaran ang drayber. “Nandito na tayo.”

Tila nalulula si Anabel nang makababa sila sa taksi. Napaharap siya sa malaking building na nalaman niya kalaunan na siya palang Batasang Pambansa. Ngunit nang kalabitin siya ng ama upang lumakad na, napakunot-noo siya. Papasok sila sa isang eskinita. Dama de Noche daw sabi ng ama. Bagaman kongkreto ang gitna ng eskinita ngunit para lamang sa kariton ng tubig. Napag-isip-isip ito ni Anabel nang masalubong nila ang batang nagtutulak ng kariton na nalululanan ng mga plastic container.

Hindi inaasahan ni Anabel ang kalagayan ng lugar na tinitirhan ng ama ngunit naisip niyang hindi naman siguro naiiba ang bahay nito sa mga bahay na nadaanan nila sa Dama de Noche. Bagaman yari sa hollow blocks ang iba ngunit hindi masasabing maayos ang pagkagawa dahil squatters area ang kinatitirikan.

Nilingon ni Anabel si Tirong. Gusto niyang malaman kung ano ang reaksyon ng binata ngayong nandiyan na sila sa lugar ng kanyang ama. Sa isip niya ay hindi naman ito ang kalagayang inaasahang makita ng lalaki. Siguro ay disappointed din ito kagaya niya. Ngunit nakita niyang tila wala lang kay Tirong. Parang sanay na ito sa gayong lugar. At tila magaan ang kilos nito.

“R-Ron...?”Nilinga siya ng lalaki. Nginitian.“Parang inaasahan mo nang ito ang daratnan natin, a.”Natawa si Tirong.“Anabel, dito sa Maynila matutunan mo ang pagkilala ng tao sa unang pagkikita pa

lang, lalo na kung makamayan mo siya.” At tinapunan ng tingin ang ama ni Anabel na itinutulak na ang gate na kawayan sa harap ng isang barung-barong na yari sa lumang lawanit at kalawanging yero.

Napakibit-balikat na lamang si Anabel. Nadagdagan ang paghanga niya sa lalaki. Narito ang lalaking halos araw-gabing kasama ang basura ngunit may itinatago palang malinaw na kaisipan... at karunungan.

Isang lumilipad na kaserola ang sumalubong sa kanila nang mabuksan na ang pintuan ng barung-barong. Sinundan ito ng walang patumanggang pagtungayaw ng isang babae.

Nakangiting nilingon sila ng ama ni Anabel. Ngunit nariyan ang hindi maikukubling pagkapahiya. “Pasensiya na kayo. Lasing na naman si Maribel,” anito at inakbayan si Anabel. Hinatak papasok sa barung-barong.

Ngunit bantulot ang dalaga. Nilingon niya si Tirong. Nakakunot ang noo ng binata. Nanginginig ang tikom na mga kamay. Sinenyasan niya itong sumunod na lang.

14

Page 15: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

‘“Wag n’yo lang pansinin,” pabulong na sabi ng ama habang papasok na sila.Magulo ang loob ng bahay. Nakita ni Anabel ang mga platong nagkalat sa sahig.

Hindi nahugasan. May pusa at asong nag-aagawan sa mga mumo sa plato. Nasulyapan niya ang isang may edad na babae na nakasubsob sa tila mabubuwal na mesa. Sumisigok ito.

“Si Tiyang Maribel mo,” pagpakilala ng ama. Marahang nilapitan ang asawa at ginising. “Day... nandito na kami.”

Napaangat ang ulo ni Maribel. Hinawi ang magulong buhok na nakatakip sa kanyang mukha. Tiningnan si Anabel. Pataas pababa. Hindi ngumingiti. Maya-maya ay nasulyapan si Tirong na tahimik ding nakatingin sa kanya.

“Aha! Dalawa pala ang anak mong kinidnap, Ronaldo?” Sumusuray si Maribel nang tumayo. Lumiliyad na namaywang. “Mabuti naman at nagdagdag ka ng pakainin... para lalong mab’wisit ang buhay natin!”

“Day!”“Mapapakinabangan ba natin sila? Ha?” At muling sumubsob sa mesa si Maribel.

Dahil sa kalasingan ang tila mabubuwal na mesa ay hindi nakayanan ang bigat niya. Nawasak ito at gumawa ng ingay.

“Mga yudip...!” sigaw na narinig nila mula sa nakurtinahang bahagi ng barung-barong. Sinundan ito ng kalabog.

Napayakap si Anabel kay Tirong.Saglit pa lumabas ang isang tin-edyer na lalaki. Payat ito at mahaba ang buhok.

Nagbabaga ang mga mata. May hawak itong kutsilyo.Mahigpit na hinatak ni Tirong si Anabel upang matabingan. “Bangag!”Nakita ni Anabel na umurong din ang kanyang ama. Namutla.

6

LALONG humigpit ang pagyakap ni Anabel kay Tirong nang makitang namutla ang kanyang ama. Lalo namang nagbaga ang mga mata ng payat na tin-edyer.

“Ahhh!” Iniamba ng tin-edyer ang hawak na kutsilyo. Dadaluhong.Ngunit bago makahakbang ang tin-edyer ay mabilis na nakapagitna si Tirong. Pinitik

ang kamay ng tin-edyer na may kutsilyo. Parang papel itong tumilapon sa sahig.‘“Wag!” napahiyaw si Maribel nang makitang akmang susuntukin ni Tirong ang tin-

edyer. Nahimasmasan si Maribel na dali-daling bumangon at niyapos ang tin-edyer. “Jimboy, mga kasama sila ng Tiyong Aldo mo,” payo niya sa tin-edyer.

Natigilan ang tin-edyer. Ipinilig-pilig ang kanyang ulo.Umatras naman si Tirong ngunit tinatabingan niya ang mag-ama.“S-sige, bumalik ka na sa kuwarto mo,” sabi ni Maribel sa tinawag na Jimboy.

Pumasok din ito matapos matapunan ng masakit na tingin si Tirong.Nakahinga ng maluwag si Mang Aldo. Napailing. “Hindi na makontrol ‘yang anak

mo, Maribel,” patungkol niya sa asawa. “Hinayaan mo kasi sa kanyang bisyo.”

15

Page 16: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Huss! Nagsermon pa,” ungol ni Maribel at pinagdadampot ang mga platong nagkalat. Pinagsisipa ang tumilapong mga bahagi ng mesa. “Kung hindi pa kayo kumakain, maghanap ka. Walang pagkain dito.” At tumalikod na at pumasok sa silid na pinasukan ni Jimboy.

“T-Tay...”‘“Wag mo silang pansinin, Anak,” tila nagsusumamo si Mang Aldo. “Talagang

ganyan ‘yang madrasta mo... at si Jimboy.”“P-paano ho ngayon, Tay?” pag-aatubili ni Anabel. “Parang ayaw ni Tiyang na dito

ako titira sa inyo.”“Ako ang bahala. Anak kita at may karapatan kang tumira dito,” pilit pinatatag ni

Mang Aldo ang boses.“A-ang Jimboy na ‘yon... kapatid ko ho ba, Tay?”“Wala kaming anak ni Maribel. Anak niya si Jimboy sa ibang lalaki. Teka,” iniba ni

Mang Aldo ang usapan. “Dito lang muna kayo at maghahanap ako ng makakain.” At lumabas na siya sa barung-barong.

Naiwan sina Tirong at Anabel na hindi malaman kung ano ang gagawin. Wala silang makitang maupuan man lang. Pakiramdam ni Anabel ay lalo siyang napagod. Nanginig ang kanyang tuhod. Napansin ito ni Tirong kaya nang masulyapan sa sulok ang lata ng biskuwit ay kinuha ito at itinulak kay Anabel.

“Upo ka,” sabi ni Tirong at sumalampak sa sahig sa tabi ng dalaga.Hindi na tumanggi si Anabel. Umupo siya sa lata ng biskuwit. Ipinatong ang mga

siko sa kanyang mga tuhod. Nangalumbaba. Malalim ang kanyang iniisip.“Kung ang pinoproblema mo ay ang magiging kalagayan mo dito,” sabi ni Tirong na

bumuntunghininga, “mas mabuti na dito kaysa sa mundo ko. Dito’y may bubong ang tulugan mo. May dinding kahit maraming butas. At least matatawag na bahay.”

“Kung tiyak sanang mga tao ang magiging kasama ko dito.” At bumuntung-hininga ang dalaga.

“Ama mo ang haligi nitong tahanan... Madrasta mo ang reyna dito...”“At ang Jimboy na ‘yon?” salo ni Anabel. “Ano ko ba ang demonyong ‘yon?”“Ituring mo siyang kapatid. Anak siya ng madrasta mo.”“Parang kagaya din siya ng mga tauhan ng sindikato. Nakita ko sa nagbabagang mga

mata niya.”“Matutunan mo silang pakibagayan...”“Kung kagaya mo sana sila.” Muling bumuntunghininga si Anabel. “Kahit mas

nakatatakot pa sa demonyo ang kanilang hitsura.”“Tao sila... May damdamin... may pang-unawa.”“Kung ugaling tao, oo. Pero makatao ba ang ipinakita nila sa atin kanina?” nagpait

ang boses ni Anabel. Namula ang kanyang mga mata. “Ayaw nilang nandito ako sa tabi ni Itay... sa tabi nila.”

Maunawaing tinapik ni Tirong ang balikat ng dalaga. “Sikapin mo’ng makipaglaro sa kanila, Anabel. Katulad ng pakikipaglaro ko sa mga demonyo sa tambakan. Ang kailangan lang ay ang tibay ng loob, dahil natitiyak kong’ magiging malinis ang aking landas tungo sa katuparan ng aking mga pangarap.”

Nahinto ang paghihimutok ni Anabel. Pumalit ang pagtatagis ng kanyang mga ngipin. Tama ka, Ron. Tila gusto niyang sang-ayunan ang lalaki. Ngunit hindi na siya

16

Page 17: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

nagsalita. Pinayapa niya ang sarili. Kailangang harapin niya ng may katatagan ang sitwasyon. Kagaya ng pasiya niyang pagpakatatag sa mundo ng tambakan.

Pansit at pandesal ang sinaluhan ng tatlo nang dumating si Mang Aldo. Walang imikan silang kumain. Sa ganang kay Anabel ay kailangang kumain siya upang lalong lumakas. Kay Tirong, tila katulad lang ito ng isang pagkakataon na kakain siya nang hindi sa bulsa nanggagaling ang ibinayad. Kay Mang Aldo, pagpakita ito sa anak na kaya niya itong pakainin kahit paano... kahit sa isipan niya ay dagdag na pagtitiis dahil sa ugali ng asawa at anak nito.

Si Anabel na ang nagkusang magligpit ng kanilang kinainan nang makatapos silang kumain. Sinikap niyang kumilos na parang matagal na siya sa naturang bahay. Gusto niyang sanayin ang sarili sa bahay na iyon. Sina Mang Aldo at Tirong ay mahinang nagkukuwentuhan sa isang sulok ng barung-barong habang nakaupong pasandal sa dinding. Nasa mukha ni Tirong ang maraming katanungan habang pinag-uukulan ng tingin ang dalaga na nagbabanlaw na ng mga plato. Madalas naman ang iling ni Mang Aldo. Parang inaamin kay Tirong ang kabiguan ng kanyang buhay dito sa bahaging ito ng lungsod.

Nang makatapos si Anabel sa paghugas ay muli siyang umupo sa lata ng biskuwit kaharap ng dalawang lalaki. Matagal na minasdan ang ama. Gayon din si Tirong. Maya-maya ay minasdan ang suot na kamesita at shorts.

“O, paano, Anabel, Mang Aldo?” sabi kalaunan ni Tirong. “Hindi na ‘ko magtatagal. Tutal nandito na rin lang si Anabel.”

“Ito nga palang’ suot kong’ ipinahiram mo sa akin, Ron? Kailangang malabahan ko muna para madala mo.”

‘“Wag mo nang’ problemahin ‘yan, Anabel. Sa ‘yo na lang... bilang alaala.” At tumawa si Tirong. Tumayo na siya.

Tumayo din si Mang Aldo. Dumukot sa bulsa ng kanyang pantalon. Inilabas ang singkuwenta pisos at iniabot kay Tirong.

“Pamasahe mo... Ang aking pasalamat ay hindi ko matutumbasan ng pera, Iho.”Ayaw sanang kunin ng binata ang ibinibigay ni Mang Aldo ngunit pinilit siya ng

matanda. Maliban dito ay wala naman siyang pamasahe pabalik sa kanyang mundo.“Maraming dyep na biyaheng Quiapo pagdating mo sa highway, Iho,” sabi ni Mang

Aldo na nagpatiuna sa paglabas sa barung-barong.Matamlay ang katawang tumayo si Anabel. Hinawakan sa braso ang binata, tila

naglalambing. “S-sana dito ka na lang...”“Kung p’wede nga lang... pero iba ang aking mundo. Iisa nga ang ating pangarap

pero magkaiba naman ang ating landas para matamo ‘yang mga pangarap.” At ngumiti si Tirong. Ngunit hindi niya naikubli sa dalaga. Nalulungkot din siyang maghihiwalay na sila ni Anabel.

“P-paano kung kailangan kita? I-I mean kung may magtangka ng masama sa akin?” Muling nangilid ang luha ni Anabel.

Nagtagis ang mga bagang ni Tirong. Ngunit sandali lang. Alam niyang madaragdagan ang pag-alala ni Anabel sa kanyang ikinikilos kaya pinilit niyang ngumiti. “Hindi ka pababayaan ni Mang Aldo. O, paano?” At humakbang na siya palabas.

Ngunit biglang napahinto si Tirong nang sumunod si Anabel na umiiyak. At pabulong na: “Puwede bang’ malapitan kita... kung kailangan kong muli ang ‘yong tulong?”

17

Page 18: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Hangga’t hindi ka mandidiri sa tambakan... handa akong tanggapin ka... sa pagtulong sa ‘yo,” ang huling mga kataga ni Tirong ay nagpakinig sa kanyang katawan.

7

KUNG gaano ang pangamba ni Anabel noong pagdating niya sa barung-barong ng kanyang ama ay naragdagan nang sumunod na araw. Hindi siya pinapansin ng kanyang madrasta. Kung hindi maiwasang magkaharap sila ni Maribel ay masakit na tingin at parinig ang ginagawa ng madrasta. Hindi rin nakikipag-usap sa kanya si Jimboy ngunit kapag nakasinghot ito ng shabu ay madalas siyang binobosohan. Lahat ng ito ay nakaragdag ng pagkabalisa ni Anabel. Nagbabawas ito ng kanyang lakas ng loob na magpaaruga sa ama.

“May problema ka, Anak?” tanong ni Mang Aldo isang hapong naratnan niya si Anabel na nakaupo sa lata ng biskuwit habang nakamasid sa nakatambak na labahan.

Hindi sumagot si Anabel. Parang gusto niyang isumbat sa ama kung bakit dinala lang siya nito sa Maynila upang maging utusan. Hindi bale sana kung ang ama lang ang paglingkuran niya ngunit may iba pang umaalipin sa kanya. Mga taong ang ugali ay tila hindi sa tao.

Maunawaing tinapik ng ama ang balikat ni Anabel.“Alam kong masakit sa damdamin mo, Anak,” malungkot na nasambit ni Mang Aldo

at pinag-ukulan ng tingin ang nakatambak na labahan. “At alam ko ring nagkamali ako sa pagsama sa ‘yo dito para makitira sa mga taong hindi nababagay na maging kasama mo. Pero ipinapangako ko, Anak. Walang sinuman sa kanila ang makagagawa ng masama sa ‘yo. Hindi ko papayagan!”

ANG pangako na lang ng ama ang nagpapatibay kay Anabel upang hindi magdamdam sa ipinapakita ng kanyang madrasta at anak nito. Bagaman natutunan niyang ngumiti sa mga ito kahit nayayamot siya ngunit kung gabi ay hindi niya mapigil ang pag-iyak.

Isang gabi ay maagang nakatulog si Anabel. Pagod na pagod siya sa halos maghapong paglalaba. Ni hindi na siya nakapagsaing dahil sa antok. Wala namang gumising sa kanya dahil hindi pa nakauwi ang kanyang ama at madrasta. Si Jimboy ay nandoon sa mga barkada nito.

Nananaginip si Anabel. Karugtong iyon ng pangyayari sa tambakan nang pagtulungan ng mga basurero si Tirong. Iba sa totoong nangyari, hindi tumakbo ang mga basurero matapos mawalan ng ulirat si Tirong. Sa panaginip ni Anabel ay siya ang binalingan ng mga basurero. Marami ang dumaluhong sa kanya. At nang mabuwal siya ay marami ang pumigil sa kanya. May sa dalawang paa, sa dalawang kamay. Nagpumiglas siya. Ngunit malakas ang mga basurero. Wala siyang nagawa. Hinihingal siya sa labis na paggamit ng lakas. Hanggang naubos ang kanyang lakas.

Maya-maya ay naramdaman niyang lumakas ang dapyo ng hangin. Nakaramdan siya ng ginhawa ngunit nanilim ang kanyang paningin. At lalong lumakas ang dapyo ng hangin. Naramdaman niya ang lamig sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

18

Page 19: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Napakalamig. Nanginig siya. Hindi na niya matitiis. Sinikap niyang matabunan ang nanlalamig na bahagi ng kanyang katawan.

Napabalikwas si Anabel nang makapa ang isang kamay na nakahawak sa kanyang hita. Napadilat siya. At nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Jimboy na namumula ang mga matang nakatunghay sa mapuputing mga hita niya. Hindi pala panaginip lang. Nalilis na ni Jimboy ang kanyang daster!

“Walanghiya!” pagmumura ni Anabel sabay bangon. “Isusumbong kita kay Itay!”Natigilan si Jimboy. Biglang nagbago ang kanyang timpla. Parang sinubuhan siya.

Ngunit saglit lang. Ang namumuo kaninang hiya ay pinalitan ng galit.“Yudip... Sige! Magsumbong ka hangga’t gusto mo. Sampid ka lang dito, a.”Sa narinig ay nanginig ang kalamnan ni Anabel. Hindi siya sampid sa bahay ng

kanyang ama. May karapatan siya. Parang gusto niyang sampalin si Jimboy ngunit nakapagpigil siya. Kailangang magpakumbaba muna siya. Papayuhan niya ang tin-edyer kung magawa pa niya.

“J-Jimboy,” pilit pinalambot ni Anabel ang kanyang boses. “Para na kitang nakababatang kapatid kung tutuusin. Hindi ka dapat mag-isip ng masama sa akin. Masama sa mata ng Diyos.”

“Ha! Walang masama sa gusto ko. At gagawin ko kung anuman ang gusto ko!” Dinaluhong ni Jimboy si Anabel.

Ngunit nakahanda na si Anabel. Bago pa makahawak sa kanya si Jimboy ay isang nakatutulig na sampal ang pinadapo niya sa mukha ng tin-edyer. Dahil high sa droga si Jimboy ay mabuway ang tayo nito kaya nadala ng lakas ng sampal ni Anabel. Bumalandra ito sa dinding na plywood. Wasak ang dinding na bulok.

Lumagos sa labas si Jimboy. Siya namang pagdating ng sumusuray na Maribel. Nabagsakan ito ni Jimboy.

“Anak ng...!” pagmumura ni Maribel. Pinilit niyang itulak ang katawan ng umuungol na Jimboy. Bumalikwas upang magbangon. “Ano ka ba, Jimboy?”

Pumalag-palag naman si Jimboy upang magbangon. Nadagdagan ang kanyang galit. Nawaglit na ang tamang pag-iisip. Kaya ang ina ang napagbalingan. Isang malakas na suntok ang tumama sa panga ni Maribel. Muling napahandusay sa lupa ang lasing na ina. Umagos ang mapulang dugo sa bibig nito. Ngunit napilit pa nitong magbangon.

Bago naduhapang ni Maribel si Jimboy ay nakapasok na ang tin-edyer sa butas ng dinding kung saan ito lumagos kanina. Galit ding sumunod si Maribel.

Napatuwid sa kanyang kinatatayuan si Anabel nang biglang lumagos papasok sa butas na dinding si Jimboy. Lalong nagbaga ang mga mata ng tin-edyer. Ngunit higit na kinabahan si Anabel nang makita ang nakasunod na si Maribel. Sumusuray ito at pumupula ang dugo sa bibig nito.

“Hayup ka!” Tila simarong dumaluhong si Jimboy kay Anabel.Hindi nakapaghanda si Anabel kaya hindi niya naiwasan ang suntok ng tin-edyer.

Tinamaan siya sa puno ng tainga. Bumalandra siya sa lata ng biskuwit na wala nang laman. Tila umikot ang kanyang pakiramdam.

“Mas hayup ka!” Ang naipong galit ay lalong nagpaapoy ng poot ni Anabel. Nadampot niya ang lata ng biskuwit at ubod lakas na ipinukol sa papadaluhong na Jimboy. Lumagutok ang lata sa noo ni Jimboy. Pumulandit ang dugo. Sumuray ang tin-edyer.

19

Page 20: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Animal ka!” hiyaw ni Maribel. Nawala ang kanyang kalasingan nang makita ang nangyari sa kanyang anak. “Ikaw palang hayup ka ang dahilan nito. Hayup!” At dinamba rin si Anabel.

Ngunit wala nang natirang galang kay Anabel. Tingin niya sa madrasta ay isa ring demonyo na gustong magwasak sa kanya. Bigla siyang umilag. Lumagpas si Maribel. Nasungkal nito ang puno ng haligi. Umuga ang barung-barong. Padapa itong bumagsak. Walang ulirat.

Si Jimboy ay nananangis sa labis na sakit. Nagkakandabangga dahil hindi siya makakita sa malakas na agos ng dugo mula sa kanyang noo. Maya-maya ay umupo na lang siya sa sahig. Umaatungal. Hindi maunawaan ni Anabel kung ano ang sinasabi.

Ngunit lalong hindi maunawaan ni Anabel kung bakit bigla ang pangyayari. Kung bakit nakapasok siya sa impiyernong ito. Nanlupaypay ang kanyang mga tuhod. Magulo ang kanyang isipan. Napasalampak siya sa sahig. Kagat ang mga labi upang mapigilan ang paghiyaw. At naramdaman niyang dinuduyan siya. Inuugoy hanggang naglakbay ang kanyang isipan. Tila hinigop ng alimpuyo. Hanggang wala na siyang matatandaan.

PASIPUL-SIPOL pa si Mang Aldo pagdating niya sa kanilang barung-barong. Masaya siya dahil nakakarga ng dalawang boteng serbesa. Matagal-tagal rin namang hindi nasayaran ng serbesa ang kanyang lalamunan. Ngayon lang siya muling uminom ng serbesa kahit nangutang pa siya. Paano natanggap siyang drayber ng taksi. At may posibilidad na maging regular siya dito.

Gusto niyang sorpresahin si Maribel. Gusto niyang ipagmalaki na nakakita siya ng magandang trabaho... upang matigil na ang halos walang pitagang pagsagot ng asawa kung magkaharap sila.

Bahagyang pinalobo ni Mang Aldo ang dibdib bago lumapit sa pintuan. Ngunit natisod siya sa lawanit na tumilapon mula sa dinding.

“Walang’yang Maribel... Lasing na naman siguro,” bulong ni Mang Aldo. Sinipa niya ang lawanit at malakas na itinulak ang pintuan. Galit.

Ngunit isang paa pa lamang ni Mang Aldo ang nakapasok sa barung-barong nang matigilan siya. Sa liwanag ng dumuduyang bombilya ay naaninag niya ang asawang nakahandusay sa sahig. Nasulyapan din niya si Jimboy na sapo ang mukha nito. Duguan ito. Niyakap ng pag-alala si Mang Aldo. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.

Ngunit mas namayani ang panlupaypay ng katawan ni Mang Aldo nang malingunan sa kabilang sulok si Anabel. Nakatingin ito sa kanya. Ngunit tila hindi siya nito nakilala. Tila wala sa tamang pag-iisip ang kanyang anak.

8

“ANABEL!” palahaw ni Mang Aldo na sinundan ng panangis. “Ano’ng ginawa sa ‘yo ng mga hayup na ‘to?”

Niyakap ni Mang Aldo ang anak habang ang isang kamay ay dumaklot sa buhok ni Jimboy.

20

Page 21: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Napairi si Jimboy sa sobrang sakit nang haltakin ni Mang Aldo ang kanyang buhok. “Yudip... papatayin ko kayong lahat!”

Sa narinig ay nagpanting si Mang Aldo. Ang galit na matagal pinalambot ng pagpakumbaba sa kanyang dibdib ay biglang sumambulat. Binitiwan niya si Anabel at dinaluhong si Jimboy na nagsisikap na matanggal ang kanyang kamay sa buhok nito. Lalo lamang itong nagpagalit kay Mang Aldo. Kaya isang malakas na suntok ang pinadapo ng matanda sa duguang mukha ng pamangkin. Pumulandit ang dugo sa sugat ni Jimboy. Hindi ito nakapaghanda dahil hindi makakita ang mga mata. Ang nagawa na lang nito ay ang pumalahaw ng malakas.

“I-Itay!” palahaw ni Anabel na nagpalingon kay Mang Aldo.Hinayaan ng matanda si Jimboy at niyapos si Anabel. Nananangis ding yumakap sa

kanya ang anak.“Ano ang ginawa ng mga walanghiyang ‘to, Anak?”Panangis lamang ang isinagot ni Anabel. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap sa

ama. Pilit niyang ikinukubli ang mukha sa dibdib ni Mang Aldo.Nagtatagis ang mga ngipin ng matanda na tinanggal ang mga kamay ni Anabel na

nakayapos sa kanya. Bahagyang umagwat at minasdan ang anyo ng anak, ang buong katawan. Tila hinahanap ang katiyakan ng kanyang pagdududa. “Magbabayad sila kung may ginawa silang di dapat gawin, Anabel.”

Naramdaman ni Anabel ang naglalagablab na poot ng ama. Nanumbalik ang kahinahunan sa pakiramdam ng dalaga. Kahinahunang nagdulot ng pangamba sa kanya dahil baka magwala ang ama.

“S-si Jimboy ho, Tay. Tinangka akong gahasain pero hindi siya nagtagumpay,” diniinan ni Anabel ang huling binanggit upang mabawasan ang galit ni Mang Aldo. “H-hindi na ho ako makatiis dito, Tay.”

Ang pait sa boses ni Anabel ay nagpasikip ng dibdib ni Mang Aldo. Nasundot ang kanyang konsensiya. “Titiyakin kong hindi na mauulit ang nangyari, Anak. At titiyakin ko ring hindi ka nila aargabyaduhin dito.”

Buntunghininga lamang ang iginanti ni Anabel.NANINIKIP ang hininga ni Tirong. Hindi siya nakatulog ng gabing iyon. Ilang

beses na niyang pinatungan ng papel ang makapal na kartong hinihigaan niya sa gilid ng pader malapit sa tambakan ng basura. Ayaw siyang dalawin ng antok. Balisa siya. Nababalisa siyang mag-isip sa kalagayan ni Anabel.

Biglang umugong ang isang malaking lamok sa tainga ni Tirong. Galit na pinalo niya ito. Lumagapak ang kanyang tainga sa lakas ng kanyang pagpalo. Ngunit hindi tinamaan ang lamok. Sa halip lalo pang lumakas ang ugong nito na paikut-ikot sa kanyang ulo. Galit na bumangon si Tirong. Humihingal sa poot.

“Aha! At nakaramdam ang tigasin sa kariton,” nanunuyang boses ang narinig ni Tirong na gumulat sa kanya. Nakalimutan niya ang ugong ng lamok. Pinalitan ito ng ugong ng kanyang pagngingitngit. Galit sa may-ari ng boses, kay Tikoy. Marami ang mga kasama nito.

“Ano’ng kelangan n’yo sa akin?” matigas ang boses ni Tirong. Mahigpit na itinikom ang mga kamay.

“Wala naman, ‘Tol. Bibisitahin lang sana namin ang waswit mo.” Ngumisi si Tikoy sabay lingon sa mga kasama. May isinenyas.

21

Page 22: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Wala na siya dito. At kung naririto man siya... uulitin ko sa inyong hindi ninyo siya magagalaw... habang buhay ako!”

“Narinig n’yo, mga ‘Tol? Kung buhay raw siya. Para walang problema...”“Patayin!” halos sabay na sigawan ng mga kasama ni Tikoy. Halos sabay-sabay din

silang dumaluhong.Ngunit tatlo sa unang nakalapit kay Tirong ang napahandusay nang tamaan ng kamao

ng binata. Natigilan ang ibang dumaluhong. Ngunit hindi tumigil si Tirong. Isa sa mga ito ang kanyang nahawakan at nabuhat. Inihagis sa mga kasama. Sabay-sabay ang mga itong nangatumba. Si Tikoy na lamang ang natitirang nakatayo. Dinaluhong ito ni Tirong.

“Matigas ka... Tingnan natin ang tigas mo dito.” At pinakislap ni Tikoy ang bente nuwebe na hinugot mula sa kanyang baywang. “Sige! Lapit!”

Ngunit hindi natinag si Tirong. Tingin niya sa bente nuwebeng hawak ni Tikoy ay kagaya lamang sa kislap ng ilaw-dagitab sa malalaking mga bahay na nanunuya sa kanya, na siya ay hanggang sa dilim na lamang.

Dumaluhong si Tirong. Kung gaano kabilis ang kanyang pagkilos ay ganoon din kabilis ang paglipad ng bente nuwebe sa kamay ni Tikoy. “Karapatan ko ring mabuhay!”

HALOS tanghali na nang makabangon si Anabel. Mag-uumaga na kasi siyang nakatulog. Magulo ang kanyang isip kagabi. At lalo itong nagulo nang paggising ay nagpaparinig si Maribel.

Dahan-dahang nanubok si Anabel. Sinilip niya sa kurtinang sako kung ano ang ginagawa ng madrasta. Nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili si Anabel. Dapat maaga pa siyang gumising at nagsaing. Ngayon ay naunahan siya ng madrasta. Ito yata ang ipingmamarakulyo nito, naisip ni Anabel.

Ngunit natigilan si Anabel nang makita ang madrastang nagpupunas ng basang tuwalya sa mukha ni Jimboy. Nakita ni Anabel na natuyo na ang dugo sa mukha ng tin-edyer. Nasulyapan din niya ang kanyang ama na nakapamaywang habang nakamasid sa ginagawa ng asawa. Ipinagtaka ito ni Anabel.

Mula nang dumating siya sa barung-barong na ito ay ngayon lang niya nakitang parang may kapangyarihan ang ama sa maliit na tahanan, kung matatawag na tahanan ang tila kulungan ng baboy na tinitirhan nila. At lalo ding ipinagtaka ni Anabel ang nakitang nakapustora ang ama.

‘“Yan ang mapapala ng walang pakibanang na tao,” narinig ni Anabel na sabi ni Mang Aldo. “Ng taong hayup ang ugali!” Sumingasing si Mang Aldo.

Nakita ni Anabel na sandaling tumigil sa pagpunas si Maribel at nilingon ang asawa. “Mas hayup ka!” asik din nito.

Tila tumigil ang paghinga ni Anabel nang makitang kumilos ang kamay ng ama. Dinaklot nito ang buhok ni Maribel. Pasabunot.

“Hindi na mula ngayon!” mariing sabi ni Mang Aldo.Umungol si Jimboy. Nagulat sa pagsigaw ng amain. “Yudip... may araw ka rin...

kayo!”Pilit nagmulat si Jimboy. Iginala ang paningin. At nang makita si Anabel na

nakasilip sa kurtinang sako, itinuro ito.“Jimboy!” dumadagundong ang boses ni Mang Aldo. “Anak ko ang tinangka mong

lapastanganin!”

22

Page 23: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Anak ko rin ang sinisigawan mo!” malakas din ang sigaw ni Maribel. Tinigilan ang pagpunas sa mukha ng anak at tumayo. Nilapitan si Mang Aldo at dinuro.

“Hayaan mo s’ya, ‘Nay,” mula kay Jimboy na pilit bumangon. Dinaluhong si Mang Aldo. “Ako ang haharap sa kanya!”

Ngunit nakita ni Anabel na bumalandra si Jimboy bago pa man ito nakalapit kay Mang Aldo. Nilipad ng malakas na suntok. Napatili si Anabel. Dali-dali siyang lumabas sa silid upang pigilan ang ama na umakmang muling suntukin ang nakahandusay na Jimboy.

Si Maribel na natigilan pagkakita sa anak na nabuwal ay hindi nakaimik.“Tay, tama na ho!” Umiiyak na si Anabel.Ang lakas ng pag-iyak ni Anabel ay nakapagpabalik ng tamang katinuan ni Maribel.

Humihiyaw na kinalmot ang asawa. Ngunit siya man ay tumilapon nang tamaan ng sampal ni Mang Aldo. Gumulong ito sa sahig. Umuungol. Naghalo ang kanyang ungol sa agunto ni Jimboy na hindi makabangon.

“T-Tay...” Nanginginig si Anabel.“Maribel!” malakas ang boses ni Mang Aldo na hindi pinansin ang anak. Nagbabaga

ang mga matang tinitingnan ang nakahandusay na asawa. “Ito ang tandaan mo. Ako ang haligi ng tahanang ‘to. Ayaw kong magpatuloy kayo ng anak mo ng kalukuhan ninyo dito sa pamamahay ko! Maliwanag!” At agad siyang tumalikod matapos maapuhap ng malambing ang likod ni Anabel.

Matagal na hindi nakakilos si Anabel. Sari-saring damdamin ang tumitimo sa kanyang dibdib. Pati ang kanyang isipan ay gumagala.

“I-ikaw na maldita ka...” tinig ni Maribel na nagpakislot kay Anabel. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng ‘to!” Pilit itong bumangon habang itinuturo si Anabel. Ngunit hindi nito nakaya ang katawan kaya muling tumihaya sa sahig.

Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Tila nakatutulig na kulog itong muli’t-muling sumusundot sa utak ni Anabel. Oo, siya nga ang dahilan, naisip ni Anabel. At muli siyang nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili. Nakunsensiya siya. Pumatak ang kanyang luha. Oo, siya ang nagdala ng gulo sa dati nang magulong barung-barong ng kanyang ama at ikalawang pamilya nito.

Kagat ang mga labing bumalik sa silid si Anabel. Hindi na siya makatitiis. Hindi na siya makatitiis ng trato sa kanya. At lalong hindi na niya matiis ang dahilan kung bakit masama ang pagtrato sa kanya. Dahil dagdag siyang palamunin sa naturang barung-barong!

Sa gitna ng mapait na buntunghininga ay nagpasya si Anabel.

23

Page 24: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

III

ANG PARAISO SA TAMBAKAN

ASA na ng pawis ang damit ni Tirong ngunit tuloy pa rin ang paghalungkat niya ng basura. Pangatlong trak na ang nagtapon ngunit hindi pa siya humihinto. Marami

na ang naipon niya ngunit tila itinutulak siya para mangalakal ng mangalakal. Ni hindi na niya pinapansin ang grupo ni Tikoy na tuloy ang pagsulyap at parinig sa kanya sa di-kalayuan.

B

Alam niyang dapat siyang makaipon ng maraming kalakal na maaari niyang ibenta para magkapera ng malaki-laki. Hindi lamang para sa pagkain sa araw na iyan. Kailangan niya ang sobrang pera para magamit sa planong pagtakas sa mabahong tambakan. Kung hindi man permanenteng pagtakas, kahit saglit man lamang. Marahil pagtakas pag gabi. Kagaya ng sinabi noon ni Anabel. Kung bakit doon sila nakatulog sa Luneta. Dahilan kung bakit nabasa ng dalaga ang paghahanap dito ng ama nito, na naging dahilan naman kung bakit napawalay sa kanya ang dalaga. Kumusta na kaya ngayon si Anabel, nabanggit ni Tirong sa sarili.

Inaamin ni Tirong na malaki ang ipinagbago ng kanyang pananaw nang mapadpad si Anabel sa kanyang kaharian. Kahariang kariton na winasak ni Tikoy. Inaamin din ni Tirong na wala siyang kakaibang damdamin para sa dalaga. Ngunit inaamin niyang naiisip niya ang kalagayan ni Anabel. Gusto rin kaya ni Anabel sa piling ng ama at pamilya nito? Ito ang gustong malaman ni Tirong.

Hindi naman talaga balak ni Tirong na tumakas sa tambakan upang hindi na sila magkita ni Anabel. Balak lang niyang mabago ang kanyang kalagayan kahit basurero pa rin siya. Upang hindi na siya magiging masinghal sa dalaga sakaling magkita silang muli.

24

Page 25: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Balak din ni Tirong na bigyan ng bagong direksiyon ang kanyang pamumuhay. Iyang madali niyang maabot ang kanyang pangarap. May napulot kasi siya sa mga sinabi noon ng dalaga. Ngunit magsisimula pa rin siya sa tambakan. Tambakan na unti-unti niyang alisin ang amoy... upang hindi na masusulasok si Anabel. A, gagawin niya ito. Determinado siya. Upang pagdating ng araw ay maipakilala niya sa mga kagaya niyang basurero na siya ay hindi basurang hindi mapapakinabangan kung hindi mahalungkat. Siya ang hahanap ng paraan upang mapakinabangan ng kanyang bayan. Kagaya ng pangarap niya noon, noong nandoon pa siya sa piling ng kanyang ama sa bundok. Sa kuta ng mga NPA.

Sako-sakong papel, lata at plastik at paldo-paldong karton ang naipon ni Tirong sa maghapong pangangalakal. Hindi natuyo ang pawis sa kanyang damit hanggang tumigil siya. Matapos mailigpit ang mga kalakal ay pumunta siya sa isang malapit na kanto kung saan may nagle-leak na tubo ng tubig. Doon ay matiyagang hinugasan niya ang maruruming mga plastik at lata.

“Ang malinis na kalakal ay nagpapalinis ng kita,” nausal ni Tirong habang pinapatuyo na sa pamamagitan ng basahan ang mga nahugasan. “Panimula ng malinis na pamumuhay.”

Umabot sa dalawang daang piso ang halaga ng kalakal ni Tirong nang maibenta niya ito kay Goyo.

Sa tagal ng pangangalakal niya ay ngayon lang siya kumita ng gayon kalaking halaga. Nakahinga siya ng matiwasay. Matamis ang kanyang ngiti habang hinihimas-himas ang dalawang dadaanin sa kanyang bulsa. Ang tunog nito ay tila musika sa pandinig ni Tirong.

Pabalik na sana si Tirong sa tambakan nang maparaan siya sa isang Chinese restaurant. Napako ang kanyang tingin sa eskaparate ng mga pagkaing malinaw na makikita sa salamin na dinding ng naturang restawran. Nakaramdam siya ng gutom. Ngayon lang niya naalalang tatlong pandesal lang pala na itinulak ng kape ang kanyang nakain mula nang umaga.

Lumapit siya sa eskaparate. Lalong kumulo ang kanyang tiyan. Nakakaengganyo ang sari-saring pagkain. Masarap kahit sa tingin lang. Hindi na siya nakapagpigil. Tinungo niya ang pintuan papasok sa restawran. Lalong bumango ang mga niluto sa pakiramdam niya nang makapasok siya.

“Magpapakasawa ako ngayon,” sabi ni Tirong sa sarili habang muling kinapa ang pera sa bulsa. “Gagastahin ko ang kalahati ng pera ko.”

Isang maganda at batang weytres ang lumapit kay Tirong na ngayon ay nagpapakasawa sa pagtingin sa mga naka-display na ulam. Parang walang piliin ang binata. “Ano’ng gusto mong kainin, Sir?”

Napalingon si Tirong. Kumabog ang kanyang dibdib nang makita ang weytres na nakangiti sa kanya.

“S-si Anabel,” nasambit ni Tirong. Ilang beses siyang kumurap-kurap. Kamukha lang pala ni Anabel ang weytres. Maganda rin itong tulad ni Anabel. At naalala niya si Anabel.

Take home na lang ang inorder ni Tirong. Isang order ng pansit gisado, isang order ng sarsiyadong atay at tatlong tasang kanin. Sa labas na lang siya kakain upang makatipid. Naisip niyang kahit papano ay magbibigay siya ng tip sa weytres para sa service charge kung doon siya kakain sa restawran. Ang problema na lamang niya ay

25

Page 26: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

kung saan siya pupunta upang magpakabusog sa kanyang binili. At naalala niya ang malambot na damuhan sa isang bahagi ng Luneta. Napangiti siya.

BASA sa luha ang mga mata ni Anabel. Nagmamadali siya sa paglakad. Nasulyapan niya ang oras sa malaking relo ng isang malaking building. Nagugutom na siya. Labis din ang kanyang pagod. Binilisan niya ang paglakad. Parang wala sa sarili ngunit tiyak ang kanyang patutunguhan.

Tumawid siya sa kalsada. Natanaw niya ang mga punongkahoy na nakatunghay sa nakasisilaw na mga ilaw sa tabing daan. Parang nawala ang kanyang pagod. Lalo niyang binilisan ang paglakad. Ngunit bigla siyang napahinto nang umangil ang preno ng paparating na dyep. Sinundan ito ng businahan ng iba pang mga sasakyan. Nangatal ang mga tuhod ni Anabel. Muntik na siyang mabangga. Hindi pala niya napansin ang naghaharurutang mga sasakyan dahil sa labis na katuwaan.

“Kung magpapakamatay ka, huwag mo kaming idamay!” sigaw ng drayber ng dyep na narinig ni Anabel. Sa gitna ng kanyang pangangatal at kaba ay lumutang ang hiya sa kanyang damdamin. Kaya nang mapansing nagsihinto ang mga sasakyan upang bigyan siya ng pagkakataong makatawid ng ligtas ay tumakbo siya.

Kung ilang sandali ang pagtakbo ni Anabel ay hindi niya napansin. Huminto lamang siya nang tila mapugto na ang kanyang hininga sa labis na pagod. Isang malaking puno na walang mga tao sa lilim ang kanyang tinungo. Pasuray-suray siya. At sumalampak nang makarating siya sa ilalim ng puno.

NAGPALINGA-LINGA muna si Tirong nang makarating sa lugar na tinulugan nila noon ni Anabel. Kagaya nang matulog sila noon ay walang taong napadpad nang gabing iyan. Sa di-kalayuan ay nakita niya ang ilang mga magkaparehang naglalambingan sa kabilang puno. Napangiti siya. Umupo siya at sumandal sa puno. Binuksan ang pagkaing nakalagay sa plastik. Tila tutulo na ang kanyang laway.

Hinaplos muna ni Tirong ang kanyang mga kamay sa nahamugang damuhan. Pagkatapos ay ipinunas sa kanyang pantalon. Pinatunog muna ang dalawang palad bago dumakot ng pansit gisado. Akma na sana niyang isubo nang matigilan siya. May narinig siyang humihikbi. Mahinang hikbi ng babae ngunit malinaw sa kanyang pandinig.

Luminga-linga siya sa masasakop ng kanyang paningin. Marami nga ang mga tao- babae lalaki, bata matanda- ngunit malayo na kung maghikbian ay hindi na niya maririnig.

“Hikbi lang siguro ng kaluluwa kong labis ang katuwaan,” nakangiting sabi ni Tirong. Muli niyang inilapit sa bibig ang dakot na pansit. Umakmang magsubo.

Ngunit muli siyang natigilan nang may suminga. Napatda si Tirong. Nanatiling nakabuka ang kanyang bibig ngunit ang kamay na nakahawak sa pansit gisado ay unti-unting bumaba. Hinanap ang plastik upang ibalik ang isusubo na sana.

“Walang kaluluwang sumisinga,” nausal ni Tirong sabay tayo. Tinalasan niya ang pandinig. Muling luminaw sa kanyang pandinig ang hikbi. Hindi na siya luminga kundi inilapit ang tainga sa puno. Paaligid na humakbang. Sa likod ng puno, naisip ni Tirong.

Isang pilyong ngiti ang namutawi sa mga labi ni Tirong. Siguro ay may magkasintahang nagmimilagro sa likod ng puno. Siguro first time ng babae kaya kunwari ay umiiyak ito, ito ang nasa isipan ni Tirong. Mabuti, usal niya. Makakapanood muna ng sine bago kumain.

26

Page 27: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ngunit tila binayo ang dibdib ni Tirong nang makita ang humihikbi. Babae nga. Ngunit hindi lang basta babae. Kundi babaing naging dahilan kung bakit kakain siya ngayon ng pansit gisado at sarsiyadong atay!

10

“ANABEL...” tila bahaw ngunit puno ng galak na nasambit ni Tirong. Agad siyang yumuko at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. “B-bakit...?”

“Ron!” Napayakap si Anabel kay Tirong nang makilala ang lalaki. Mahigpit ang kanyang pagyakap at pasubsob na umiyak sa dibdib ng binata. “Akala ko’y hindi na kita makikita.”

Sandaling hinayaan ni Tirong na umiyak ang dalaga. Lalong hinigpitan ang pagyakap sa dalaga. Naramdaman ni Tirong ang sakit na nadarama nito. Hindi kagaya nang una niya itong makita na umiiyak sa takot. Ang ngayon ay may pagsisisi. Kung bakit, ito ang gustong malaman ni Tirong.

“B-bakit narito ka... at tila pumayat ka?”Hindi makasagot si Anabel. Humiwalay siya sa binata at sumandal sa punongkahoy.

Bumuntunghininga. Sinisikap na pakalmahin ang sarili.“A-Anabel?”“Lumayas ako, Ron,” may tatag na sa sagot ni Anabel. May halo nang pagrerebelde

ang kanyang boses habang ang paghikbi ay pilit pinigilan sa pamamagitan ng pagtagis ng kanyang mga ngipin.

Mas malakas ang pagtagis ng mga ngipin ni Tirong. Naglagutukan ang kanyang mga daliri dahil sa sobrang pagtikom. “Sabi ko na nga... Hindi maaaring magkamali ang sapantaha ko. Si Maribel at si Jimboy, ‘no?”

Mahinang tango lamang ang isinagot ni Anabel. Kung maaari nga lang ay hindi na niya gustong marinig ang pangalan ng mga ito.

“Ano’ng kademonyuhan ang ginawa ni Jimboy?” Nasuntok ni Tirong ang punong kinasasandalan ni Anabel. “Kumampi naman ang walang’yang Maribel, ‘no?”

Muling tumango si Anabel.“Ano’ng ginawa ng tatay mo?”‘“Yan ang dahilan kung bakit kinukunsensiya ako. Inaway sila ni Tatay.”“Ang Jimboy na ‘yon...”“Hindi siya nagtagumpay.”Nakahinga ng maluwag si Tirong. Naramdamn ito ni Anabel nang pabagsak na

sumalampak sa tabi niya ang binata.“Kung nangyari, lalawak ang aking mundo... para sa ’yo.”“Maalaala niya ang lata ng biskuwit... Nasugatan ang kanyang mukha.”Sa pakiramdam ni Anabel ay ikinatuwa ni Tirong ang kanyang sinabi. Napatawa ang

binata. Naramdaman ni Anabel na hinawakan ni Tirong ang isang kamay niya. Inangat at pinatunog ang palad sa kanyang palad.

“That’s giving me five!” At humalakhak ang binata.

27

Page 28: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Tumawa din si Anabel.“Oo nga pala... this calls for a celebration,” sabi ni Tirong na tumayo agad.Napasunod ang tingin ni Anabel sa binata. Ngayon lang niya nakitang masaya ang

lalaki. Ngayon lang niya narinig na nag-ingles ito. Nakangiti ng matiwasay si Anabel.Nakita ni Anabel na umikot sa kabila ng puno si Tirong. Nang muli itong bumalik ay

may bitbit ng nakabalot.“Pansit gisado, sarsiyadong atay at kanin.” Nakangiting muling umupo si Tirong sa

tabi ng dalaga. “Pagsaluhan natin.”“Ambilis naman. Parang commercial sa TV na nakita ko.” Humagikhik si Anabel.

“Kailangang bilisan ang kain, baka mawala pa.”Sa malambot pa ring damuhan ng park natulog ang dalawa. Unang nahimbing si

Anabel. Marahil ay dahil sa sobrang pagod. Matagal munang pinagmasdan ng binata ang natutulog na dalaga. Lalong nadagdagan ang kanyang awa sa inosenteng mukha ni Anabel. Mukhang hindi pa dapat makipaglaban sa magulong buhay sa lungsod. Lungsod na puno ng makamamandag na mga ahas.

At lalong tumibay ang pasiya ni Tirong na ipagtanggol ang dalaga... hangga’t kailangan siya nito.

NATUTULOG pa si Anabel nang magbangon si Tirong. Bumalikwas siya nang mapansing marami na ang mga tao sa paligid. Alas singko na pala ng umaga. Marahang niyugyog niya si Anabel.

“Gising na... tanghali na ‘to.”Bumalikwas din si Anabel. “Ang sarap ng tulog ko. Napagod kasi ako ng todo

kahapon.” Tumayo siya habang naghihikab.“Mag-almusal muna tayo at balik sa dating gawi...”“Dating gawi?”“Pangangalakal...” Humalakhak si Tirong.KOKONTI na lang ang natitirang mapakinabangan sa tambakan nang dumating sina

Tirong at Anabel. Paldo-paldo na ang nakuha nina Tikoy. Nang makita sila nito ay nanunuyang ngiti ang ipinukol sa kanila. Ngunit hindi ang mga ito pinansin nina Tirong.

Hanggang magtanghaling nangalakal sina Tirong. Ang sirang mga butones na noon ay hindi niya kinukuha ngayon ay iniipon niya.

“P’wede rin itong ibenta.”“Pangunyadi,” salo ni Anabel at humalakhak. Maaliwalas ang mukha niya kahit

pinagpapawisan. “At itong maliliit na plastik, p’wede rin. Parang salapi sa bukid.”“Salapi?”‘“Yan ang tawag namin sa mga bunga ng palay na mula sa inanihan. “Kung sa pinya

pa, raton.”Singkuwenta pisos ang halaga ng kalakal nina Tirong nang maibenta na nila kay

Goyo. Kagaya ng nakaraan ay matiim pa rin ang tingin ng Intsik sa hita ni Anabel. Hindi nga lang kagaya noong una na tila naglalaway. Paano nakapantalon ngayon si Anabel. At hindi magandang tingnan sa marumi nang kamiseta.

Ibinili muna ni Tirong ng kamiseta si Anabel bago nagyayang mananghalian.“Paano na ang pagkain natin e inuna mo ang kamesita?”“Ako ang bahala. May natitira pa akong pera dito,” sagot ni Tirong at marahang

tinapik ang balikat ng dalaga. “Ang mahalaga’y hindi tayo mapagkamalang pulubi. Mahihirapan din tayong makapasok sa kainan kung hindi maayos ang ating suot.”

28

Page 29: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“E, di bibili tayo sa turo-turo at doon kakain sa Luneta.”“Mabuti pa nga, ‘no? Para menos gastos,” ayon din ni Tirong. “Parang unti-unting

nagbabago ang ating mundo. Luneta na ngayon ang kaharian.”“Talagang magbabago ang lahat. Kahit para sa akin ngayon ay paraiso na ang

tambakan.” Pagkapananghali ay nagpahingalay muna sila sa lilim ng puno. Hindi naman

napakasarap ng kanilang tanghalian ngunit busog sila.“Ano’ng plano mo ngayon? Ako medyo relaks lang muna... magpahinga ng maaga

para maaga bukas sa tambakan,” si Tirong.“Ikaw ang bahala sa akin. Pero pag may pagkakataon sasamantalahin ko na mahanap

ang aking kapatid.”“Ano nga pala ang pangalan ng kapatid mo?”“Teresa...”“Bagay sa madre ang pangalan... Sister Teresa.”“Sana sa kumbento nga siya.”“Sari-sari ang kumbento dito sa lungsod. May kumbentong ang pinagkakaabalahan

ay pagdarasal para mapasaya ang Diyos. May kumbento namang ang pinagkakaabalahan ay ang pagpasaya sa mga mahilig sa laman.”

“Prostitution den ang ibig mong sabihin?” Parang kumabog ang dibdib ni Anabel. “Hindi ang aking kapatid...”

“Hindi ko sinasabi... nawa’y sa ibang kumbento siya.”Hindi mapakali si Anabel sa sinabi ni Tirong. Paano na lang kung sa kumbento ng

mga laman ang napasukan ng kanyang kapatid? Nanginig ang kalamnan ni Anabel. Kailangang makita niya ang kapatid upang matiyak na nasa mabuti itong kalagayan. At kailangang kumilos siya agad.

“R-Ron?”Nilinga siya ni Tirong.“Tutal day off natin ngayon...”Tumawa si Tirong.“Nakow, pina-class pa...”Ngunit seryuso si Anabel “Gusto kong simulan ang paghahanap sa aking kapatid.

Siguro nama’y maibigay mo ang pagkakataon ngayong magpapahinga ka... tayo,” tila nahihiya na patuloy ni Anabel.

“Basta ikaw,” sagot ng binata na agad tumayo. Tinapik ang tuyong mga damo na dumikit sa kanyang pantalon at kamiseta. “Saang kumbento tayo magsisimula?”

“Kung saan ang pinakamalapit na kumbentong sinasabi mo.”“Kung gayon, kailangang hintayin nating magtakipsilim. ‘Yan ang pinakamabuting

oras sa paglapit sa pinakamalapit na kumbentong ang pinagkakaabalahan...”“Pagpasaya sa mahilig sa laman... alam ko,” salo ni Anabel.Moderna man ngunit natulala si Anabel sa nakitang mga babae sa labas ng

nakahilerang night spots sa tourist belt ng Maynila. Ang se-sexy ng mga babae at ang tamis ng kanilang mga ngiti.

Ngunit napakunot-noo si Anabel. Babae din siya at hindi siya madadaya ng kilos nitong mga babaing nagpapaligsahan sa pagpakita ng dapat nilang itago. Mga babaing paimbabaw ang kaligayahan... kung may kaligayahan pa ang mga ito sa ganoong uri ng trabaho.

29

Page 30: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Lumanghap muna ng hangin si Anabel at sumunod kay Tirong nang senyasan siya nito na papasok sila sa isang night spot.

11

PARANG hahakbang tila hindi si Anabel nang nasa pintuan na sila ng klab. Pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang mga paa.

“Halika na,” si Tirong. Hinawakan niya si Anabel sa kamay at hinila. “Paano ko makilala ang kapatid mo kung ako lang?”

Napilitang pumasok si Anabel. Kung hindi lang dahil sa hinahanap na kapatid ay hinding-hindi siya papasok sa gayung lugar. Mas gugustuhin pa niyang maglagi sa tambakan kaysa sa lugar na ito na bagamat sari-sari ang alingasaw ng pabango ngunit nagpapabaligtad ng kanyang sikmura.

“Doon tayo sa madilim na bahagi malapit sa counter,” sabi ni Tirong at tinungo ang isang mesa malapit sa counter.

Hindi kaagad nakakilos si Anabel nang mapansing tinitingnan siya ng isang matabang lalaki na lumabas mula sa silid sa gilid ng stage. Baka akalaing hostess din ako, naisip ni Anabel. Baka iyan ang sinasabi nilang dirty old man. Saglit na nakalimutan ni Anabel ang kanilang pakay sa klab. Parang lalabas siya. Ngunit bigla siyang napahakbang ng malaki palapit kay Tirong nang makitang may lumapit na hostess sa binata.

“Hi, Pogi,” narinig pa ni Anabel na bati ng hostess kay Tirong sabay salikop ng braso nito sa leeg ng binata na ngayon ay nakaupo na.

Halos paigpaw na nakalapit si Anabel at umupo sa tabi ni Tirong.“A-aba... sino ‘to?” may pagtataka sa boses ng hostess na nagulat sa pagtabi ni

Anabel kay Tirong.“Kasama ko,” salo ni Tirong. “May hinahanap kami.”Ngumiti na lamang ang hostess. Ngunit saglit itong napawi nang mapansing masakit

ang tingin sa kanya ni Anabel. Naunawaan niya kung bakit kaya pasimangot na tumalikod matapos papilyang kindatan ang binata.

“Palagi ka siguro dito. Kilala ka pala dito,” may halong selos sa boses ni Anabel.“Minsan lang akong napasok dito. Matagal na ‘yon... nang isama ako dito ni Golem.”Matiim na napatitig si Anabel kay Tirong. Napatawa si Tirong. Naintindihan niya

ang katanungan sa mga mata ng dalaga. “Gusto noon ni Golem na sumama ako sa kanyang grupo. Tinret ako dito. Na pinayagan ko naman... pero tinanggihan ko ang pagsama sa kanyang grupo. Hindi ko linya ang kanilang linya.”

Nabawasan ang pakiramdam ni Anabel. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng klab. Hindi naman kalakihan ang klab ngunit maayos ang mga kasangkapan. Nakita ni Anabel na hindi pa naman marami ang mga kustomer. Ang marami lang ay ang mga hostess na nagkukuwentuhan sa isang sulok. May mga dumadating pang hostess.

Pumalakpak si Tirong. Maya-maya ay may lumapit na weyter. May ibinulong dito si Tirong. Pagkatapos nakita ni Anabel na tumango-tango ang weyter at tumalikod.

“Ano ang sinabi mo sa weyter?” tanong ni Anabel.

30

Page 31: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Umorder ako ng mainom natin.”“P-pero wala tayong pera...”‘“Wag kang mag-alala... kilala ko ang manedyer dito,” sagot ni Tirong. “Oo nga

pala. Sinabi ko sa weyter na kung may mga hostess dito na Ilongga ay ituro niya sa atin.”Ilang sandali pa nagbalik ang weyter. May bitbit na itong tray na may nakapatong na

dalawang baso. May bote din ng serbesa. Nakita ni Anabel na ang isang baso ay may lamang hindi niya maklaro kung ano ang kulay. May kalahati pang kalamansi sa bibig ng baso. Ito ang itinulak ng weyter sa harap ni Anabel. Itinulak din ng weyter ang walang lamang baso at isang bote ng beer kay Tirong. Pagkatapos ay tumayo ang weyter sa likuran ni Tirong.

“A-ano ‘to? Hindi ako umiinom...” pabulong na sabi ni Anabel sa binata.“Tikman mo na lang. Kung ayaw mo ang lasa p’wede mong hayaan na lang. Basta

relaks ka lang. Ladies’ drink lang ‘yan.”Tinikman ni Anabel ang ladies’ drink. Sa una niyang tikim ay nakaramdam siya ng

konting pait. Nilunok niya ito. Medyo mainit ito sa kanyang lalamunan. Ngunit kaya niya. At sumipsip siya ulit. Nakaramdam siya ng konting kapanatagan. Nawala ang kanyang pangamba... ang kanyang tensiyon.

Maya-maya ay may ibinulong ang weyter kay Tirong. Nakita ni Anabel na may itinuro ang weyter sa gilid ng stage. Sinundan ito ng tingin ni Anabel. Nakita niya ang isang seksing-seksing babae. Bata pa ito. Bagaman mapanglaw ang ilaw ngunit nakita ni Anabel na maganda ang porma ng babae. Ilongga siguro, naisip ni Anabel nang maalala ang sabi ni Tirong na ituturo sa kanila ng weyter ang mga hostess na Ilongga.

Nakita ni Anabel na tumango-tango si Tirong. Lumingon ito sa kanya. Umiling-iling si Anabel. Marami pa ang itinuro ng weyter. Ngunit iling lang ang iginaganti ni Anabel kada lingon sa kanya ni Tirong sa pagtiyak kung isa sa mga itinuro ay ang hinahanap niyang kapatid.

“Sana hindi ko makita sa lugar na ito ang aking kapatid,” bulong ni Anabel.“Sana. Pero simula pa lang ito. Isa lang ito sa mga lugar na hahanapan natin kay...”“Teresa...” salo ni Anabel.Ngumiti na lamang si Tirong.“R-Ron...” nasambit ni Anabel sabay hawak sa braso ng binata nang mapansing

lumalapit sa kanilang mesa ang lalaking tumingin sa kanya kanina. Lalo siyang dumikit kay Tirong. Nakita niyang sa kanya pa rin nakatingin ang lalaki kahit patungo ito sa kabilang bahagi ng mesa kung saan nakaupo si Tirong.

“Siya ang kaibigan ko... Si Jake. Floor manager siya dito.”“Pare...” bati ng lalaki nang makalapit ito kay Tirong. Inilahad ang kamay na inabot

naman ni Tirong. “Matagal na hindi ka nakabalik dito.” Humila ito ng isang upuan at umupo.

“Alam mo na kung bakit... can’t afford,” at tumawa si Tirong.“Gusto mong ipasok?” tanong ng lalaki na tumingin kay Anabel. Nangangaliskis.

“Puwede siya. Bata pa. Siguradong pag-aagawan siya rito.”“No dice, Pare,” salo ni Tirong. Humilig siya at may ibinulong kay Jake. Matagal.Maya-maya ay tumango-tango naman ang binulungan. Muling tiningnan si Anabel.“Sayang,” sabi ni Jake at hinimas ang baba. “Pero hindi bale, Pare. Ako ang bahala

sa sinabi mo. Subukan natin sa ibang klab.”

31

Page 32: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Salamat, Pare,” sambit ni Tirong sabay tayo. Kinamayan ang lalaki at kinalabit si Anabel. Tumayo din si Anabel. “At salamat din dito sa inumin. Pasensiya ka na, Pare. Hindi lang kasi maiwasan.”

TATLONG klab ang napasok nina Anabel nang gabing iyon. Nakaramdam siya ng pagkaliyo dahil sa nainom na ladies’ drink. Nahilo din siya sa kislapan ng mga colored light. Tila nanilim ang kanyang paningin. Kasingdilim ng pagkakataon na magkita silang magkapatid. Bagaman nangako din ang mga kaibigan ni Tirong sa klab na tutulong sa kanila ngunit hindi matiyak ni Anabel kung may maitulong nga ang mga ito.

Sumalampak si Anabel sa malambot na damuhan ng park. Gusto niyang makatulog agad. Gusto niyang magising nang maaga, para makapangalakal naman sila, para may maipambili ng pagkain nang lumakas siya sa patuloy na paghahanap sa kapatid. Nilinga muna ni Anabel si Tirong sa kinalalagyan bago pumikit.

Bahagya ng lumilipad ang diwa ni Anabel nang bigla siyang napabalikwas. Naramdaman niyang may humawak sa kanya. Nang magmulat ay nakita niya ang dalawang taong nakapaningkayad at nakatunghay sa kanya. Pawang nakadyaket ang mga ito.

“A-ano’ng kailangan n’yo?” Kumabog ang dibdib ni Anabel. Umupo siya at umusod palayo sa dalawa. Sinulyapan niya si Tirong. Tulog pa rin ito.

Tumayo ang dalawang lalaki. May dinukot sa bulsa.“Arestado ka. Mga pulis kami,” sabi ng isa sabay buklat ng pitaka nito.“Ha?”“Bagansiya!” dumiin ang boses ng isa sabay hawak sa kamay ni Anabel at hinila.

“Hindi mo ba alam na bawal ang matulog dito? Halika sa presinto!”Bantulot man wala nang nagawa si Anabel kungdi sumama sa dalawang lalaki.

Nilingon pa sana niya si Tirong upang gisingin ngunit tiningnan siya ng masakit ng mga lalaki. Humikbi na lamang si Anabel habang napapagitnaan ng dalawa palayo sa tinutulugan ni Tirong.

12

“B-BAKIT dito?” kinakabahang tanong ni Anabel nang itulak siya ng isang lalaki pagdating nila sa madilim na bahagi ng park kung saan walang taong nagagawi. Paupong bumagsak ang dalaga sa damuhan.

“Iimbestigahan ka!” pasinghal na sabi ng isa habang mabilis na hinuhubad ang dyaket.

“H-hindi ho ba dapat sa... p-presinto?” Nakaramdam ng takot si Anabel nang makitang naghubad din ng dyaket ang isa. Ang unang naghubad ng dyaket ay nagtatanggal na ng sinturon nito.

“Mas gusto mo sa presinto.... kaysa glorya?” nakangising ganti ng lalaki na ngayon ay hinuhubad na ang pantalon. “Sa presinto may multa... Sa glorya wala!”

“Dalian mo, Pare,” apura ng isa na agad umupo sa tabi ni Anabel.

32

Page 33: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Wala ng iba! Ibig siyang reypin ng dalawa, naisip ni Anabel. At bago nakaduhapang ang lalaking wala ng pantalon ay sumikad paatras si Anabel. Kahog na bumangon at tumakbo.

“Pare, habulin mo!” narinig ni Anabel na sigaw ng lalaking magduduhapang sa kanya. Ngunit mabilis ang takbo ni Anabel. Pabalik siya sa kinaroroonan ni Tirong. May kalayuan pa ito ngunit naririnig na niya ang unti-unting paglakas ng tunog ng sapatos sa kanyang likuran. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Humihingal siya. Malakas ang kalabugan sa kanyang dibdib. Lalo namang lumalakas ang tunog ng sapatos sa kanyang likuran.

“A-ANABEL?” nausal ni Tirong pagpihit niya na wala ang dalaga sa kanyang tabi. Bumalikwas siya. Bumangon. Nagpalinga-linga. Nang may maramdaman siyang pumitik sa kanyang puson. Napangiti siya.

Tinungo ni Tirong ang madilim na bahagi ng park kung saan mayabong ang mga ornamental plant. May ngiti pa rin sa kanyang mukha habang umiiling.

“Nakalimutan kong tungkulin ng katawan na magdyinggel sa madaling-araw,” at ngumisi si Tirong.

Nakabalik na si Tirong sa lugar na kanyang hinigaan matapos makaihi ngunit hindi pa rin nakabalik ang dalaga. Muling nagpalinga-linga ang binata. Unti-unti nang binabayo ng pangamba ang kanyang dibdib.

‘“Wag sanang mangyari ang sa isipan ko.” Nagtagis ang mga bagang ni Tirong. “Kung bakit nahimbing ako.”

Nasulyapan ni Tirong ang isang panyulito sa hinigaan ni Anabel. Sa dalaga iyon. Kilala ito ni Tirong. Dali-dali niya itong dinampot at ibinulsa. Kung gayon, hindi nagdyinggel ang dalaga, bulong niya sa sarili. Hindi siya mapakali. Iginala niya ang paningin. Pilit pinag-aaralan kung saan maaaring pumunta... o dinala ng kung sino man si Anabel. Napatuon ang kanyang tingin sa bahagi ng park na maraming puno. Lalong kumabog ang dibdib ni Tirong. Hindi na siya nagtagal. Tumakbo siya patungo sa kahuyan.

MUNTIK nang mabuwal si Anabel nang paduhapang na pinigilan ng humahabol na lalaki ang kanyang paa. Napatili ang dalaga nang maramdamang may matipunong mga braso na sumalo sa kanya.

“Anabel!” si Tirong. Maingat na pinatatag ang pagpatayo sa dalaga.“Ron!” Ang takot ng dalaga ay pinalitan ng tuwa nang matantong si Tirong ang

humawak sa kanya.“Huwag kang makialam dito, Tirong!” mahina ngunit mariing sabi ng lalaki matapos

itong makatayo at makilala ang tagapagligtas ng dalaga. “Diskarte ko ‘to at wala kang pakialam dito!”

“Kung wala akong pakialam sa babaing ‘to hahayaan kita, Pare!” mahinahon ngunit matatag ang sagot ni Tirong. Hinawakan niya ang kamay ni Anabel at hinilang pakubli sa kanya. “At binabalaan kita, Pare. Batsi na!”

“Yudip... Sino ‘yan?” malakas na tanong ng isang lalaking kakarating lang. Ito ang lalaking unang dumuhapang kay Anabel. Nakita ng dalaga na nakapagsuot na ito ng pantalon. Ang isang kamay nito ay may hawak na armas.

“D’yan ka lang!” babala ni Tirong sabay pormang manuntok kapag lumapit pa ang lalaki.

33

Page 34: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Yudip... ikaw pala, Tirong?” sambit ng lalaki nang makilala ang binata. “Arbor na lang namin ‘yang chick.”

“Yudip kayo...” Dinaluhong ito ni Tirong. Ngunit mabilis na tumakbo ang dalawa.“H-huwag, Ron... mga pulis sila!” saway ng dalaga.“Sila ang mga halimaw na nagpapanggap na tagapagligtas, Anabel. Mga tauhan sila

ni Golem!” Humihingal sa galit si Tirong.“Diyos ko po!” Tila nanlambot ang mga tuhod ng dalaga. “Mabuti na lang at

nakatakas ako at inabutan mo.”“I-I’m sorry, Anabel... nahimbing ako...” napayapa ang boses ni Tirong. “Kung

mababaw ang tulog ko ay hindi sila nakalapit sa ‘yo...”“Bagansiya raw...”“Mga yudip... gusto lang nilang mambiktima!” Sumingasing si Tirong. Inakbayan

niya ang dalaga at inalalayan pabalik sa kanilang tulugan. “Kailangang lalo kang mag-ingat. Dumarami ang mga ulupong na gustong tumuklaw sa ‘yo. Mga ulupong ng ulupong na Golem!”

“A-ano ang gagawin natin?” Nangangatal ang dalaga.“Mag-ingat. ‘Wag magtiwala... kagaya kanina.”Hindi na bumalik sa pagtulog ang dalawa. Tinalunton nila ang pinaka-shortcut

patungo sa tambakan.“Mamaya na tayo mag-almusal,” si Tirong.“Hindi ako nagugutom. Ang kailangan ay mangalakal tayo ng maaga para maaga

ring makatapos... para may panahong makapag-isip ng mabuti.”“Mas mabuting ikaw na ang mag-isip kung ano ang dapat nating gawin, Anabel. Ako

wala nang panahong mag-isip. Madaling magliyab ang aking damdamin.” At huminga ng malalim si Tirong. “Mula ngayon... ikaw ang ulo... ako ang katawan. Tutal hindi na siguro mawawala ang anino mo sa akin.”

Nahihiya man ay napatawa si Anabel. Mahiya man siya ay wala siyang magawa. Sasakyan na lamang niya nang matatag ang kanilang kalagayan. At hihintayin kung may pagkakataon pa silang makaiwas sa kalagayang ito.

Nakapapaso na ang init ng araw kahit alas diyes pa lang ng umaga. Nag-angat ng mukha si Anabel. Iniunat ang katawan upang mawala ang pamamanhid ng kanyang baywang sa halos walang tigil na pagyuko habang namumulot ng basura. Naramdaman niyang natutuyo ang kanyang lalamunan. Nauuhaw siya.

Napalingon si Tirong. Kagaya ng dalaga, pawis na pawis din siya. Tumingala siya. Muling nilingon ang dalaga na ngayon ay panay ang paglunok upang mapaglabanan ang labis na pagkauhaw. Dumukot sa bulsa ng kanyang pantalon si Tirong. Kinuha ang isa sa dalawang mamisong barya.

“Bumili ka kahit gulaman lang.”Kinuha din ni Anabel ang iniabot ni Tirong. Ngunit muli itong ibinalik matapos

luminga-linga. Wala siyang natanaw na nagtitinda kahit tubig man lang sa mga namumulot ng basura.

“Hindi na bale. Matitiis ko pa naman.” Muling nanghalukay ng basura si Anabel.Kumibit-balikat na lamang ang lalaki. Naaawa din siya sa dalaga ngunit naunawaan

niya kung bakit. Dito sa tambakan walang lugar ang gutom at uhaw basta merong puwedeng damputin. Umiiral lamang ang uhaw at gutom kapag naimpake mo na ang iyong napulot.

34

Page 35: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Marami na siguro ‘to, Anabel. Pahinga na lang at ililigpit ko itong nakuha natin.”Hindi na nagsalita si Anabel. Tinigilan ang ginagawa at sandaling naupo sa tabi ng

sakong kinalalagyan ng kanyang napulot na mga basura. Tahimik na pinanood ang lalaki na abala na sa pag-ipon ng kanilang napulot. Tingin niya ay tila mga grocery ang inililigpit ni Tirong. Matagal niya itong minasdan. At nang malingunan siya ng binata ay halos may pumasok sa kanyang isipan. Lumunok siya. May kumislap sa kanyang isipan. Nakangiti siyang tumayo. Magilas ang kanyang pakiramdam.

Pagkatanghali na habang nanananghalian sila sa isang maliit na karinderya matapos nilang maibenta ang kalakal kay Goyo, masayahin si Anabel.

“Naisip mo sigurong litson ang ulam natin kung bakit magana ka sa pagkain,” nakangiting puna ni Tirong.

“Higit pa riyan, Ron. At alam mo ba’ng may naisip ako kanina... na pagkakaperahan natin?”

“Hmmm. Gumana ang iyong ulo... ang ulo ko.” Tumawa ang binata. “Sige, ano ‘yan?”

“Naisip kong magtinda ng palamig sa tambakan. Walang mabilhan kanina doon, di ba?” Nagniningning ang mga mata ni Anabel.

“Mabuti!” sambit ni Tirong. “Pero sa tambakan pa rin,” sinundan niya ito ng malakas na tawa.

“Siyempre. Tambakan man pero maituring na paraiso,” ayon ni Anabel na tumawa din.

35

Page 36: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

IV

ANG LANGGAM SA ASUKAL

ARAHANG ginulo ni Tirong ang buhok ni Anabel dahil sa labis na katuwaan. Higit pa sana riyan ang kanyang gagawin ngunit nag-aalala siya dahil baka

sabihin ng dalaga na sinasamantala niya ang pagkakataon. Parang gusto niyang yakapin at paliguan ng halik si Anabel.

M“Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?” pabirong sambit ni Tirong ngunit sa

loob ng dibdib ay tapat ang kanyang nadarama.“B-bakit?” Napalis ang ngiti ni Anabel.“Matagal na sanang napayapa ang aking buhay. Hindi ba’t ikaw ang ulo ko? E, kung

mapayapa ang kalagayan ng ulo ay natural na mapayapa din ang katawan, di ba?” at huminga ng malalim si Tirong na tila nilalanghap ang matiwasay na hangin ng matiwasay na buhay.

Isang matamis na ngiti ang lumabas sa mga labi ni Anabel habang tinitingnan ang basurerong siyang pinagkakautangan niya ng kanyang kaligtasan.

KINAUMAGAHAN madilim-dilim pa at naghanda sina Tirong at Anabel. Magilas ang katawan ng dalaga habang tinitimpla ang pineapple juice na dinagdagan niya ng tubig at inilagay sa mumurahing plastic jar. Nabili nila ito sa bargain sale sa bangketa. Isang one pint na pineapple juice ang tinimplahan niya ng dalawang galong tubig. Upang tumingkad ang kulay ay may binili siyang food coloring at dinagdagan ng asukal upang tumamis.

Sa maliksing kilos ng dalaga ay nakangiti lamang na nakatingin si Tirong. Nadagdagan ang paghanga niya sa dalaga na kahit bata pa at tila walang karanasan sa buhay ngunit marunong gumamit ng utak lamang mapanatag ang pamumuhay sa magulong lungsod.

36

Page 37: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Puwede na siguro ‘to,” tinig ni Anabel na nagpakislot kay Tirong. “Yelo na lang ang kailangan upang lumamig.”

“Dadaan na lang tayo mamaya sa tindahan,” dugtong ni Tirong na lumapit at binuhat ang plastic jar na ngayon ay tinatakpan na ni Anabel. “Ako na ang magdadala nito. Tutal ako naman ang katawan.”

“Hindi puwede. Magdadala ka pa ng sako. Baka madumihan ang paninda ko.” Tumawa si Anabel.

“E, di ikaw ang magdala ng sako dahil magaan ang sako.”“Hindi pa rin puwede. Marumi ang sako at siyempre madudumihan din ang tindera,”

ganti ni Anabel na pilit kinuha ang plastic jar sa lalaki. “Tutal kaya ko naman ‘to.”Hindi na nakatanggi si Tirong. Napailing na lamang siya. Tama ang dalaga. At

ngayon lang niya napansin na malinis itong tingnan. Siguro maaga pang naligo ang dalaga. Kahit sino nga ang bibili ng paninda ni Anabel ay hindi mag-alalang uminom.

“Kung nakauniporme ka ng pula ay talo mo pa ang serbidura sa McDonald’s.”Alas otso pa lang ng umaga ay marami na ang naipon ni Tirong na kalakal. Tila hindi

siya nakakaramdam ng pagod. Madalas siyang sumusulyap kay Anabel na abala sa pagsandok ng pineapple juice sa plastic cup. Nag-aagawan lang ang mga bata na bumibili. Pati ang mga malalaki ay madalas din ang balik sa pinupuwestuhan ni Anabel sa tabi ng sirang pader. Mapapansing tila sinasadya ng mga ito upang makalapit sa dalaga. Magaling din kasing mag-deal si Anabel.

“Sige, mga suki. Pag matabang ang panlasa n’yo ay sabihin lang ninyo’t dadagdagan ko ng matamis na ngiti.”

‘“Wag sanang matuyo ang leak ng tubo sa kanto, Anabel,” sabi ng isang medyo kalbong basurero. Kabababa lang niya sa dump truck na naghatid ng basura. “Para hindi mahinto ang timpla mo at hindi rin mahinto ang balik-balik ko rito.”

APAT na sakong kalakal ang naipon ni Tirong. Parang kaydali ng kanyang pangangalakal. Paano, binibigyan siya ng pabor ng mga drayber ng dump truck na nagtatapon ng basura. Matapos siyang makapagligpit ay tinulungan niya ang dalaga na nagtimpla pa ng panibago dahil marami pa ang nauuhaw. Nakita niyang napapagod na ang dalaga dahil madalas na pinipisil ang balakang at mag-inat ngunit walang narinig na reklamo si Tirong.

Mag-aalauna na sa hapon nang unti-unting nawala ang mga basurero. Noon lang at pabagsak na umupo si Anabel.

“Wow! Talagang napagod ako,” nasambit ni Anabel ngunit nakangiti.Umupo din si Tirong sa tabi ng dalaga. “Ikaw pa lang ang nakita kong napapagod

pero hindi nakangiwi. Ansarap pa ng ngiti mo.”“Sino ang mapapangiwi kung meron nito?” Tinapik-tapik ni Anabel ang malaking

panyo na pinag-ugpong ang mga dulo at itinali sa dalawang pahera ng kanyang pantalon. Nagkalansingan ang mga barya.

Napamulagat si Tirong nang masulyapan ang tinapik-tapik ni Anabel. Ngayon lang niya napansin ang punong panyo na nakatali sa baywang ng dalaga.

“Bilangin natin,” si Anabel. Tinanggal niya sa pahera ang nakataling panyo. Ibinuhos ito sa lupa. Natambak ang mga barya. May tigdadalawang piso, may tigsisingkuwenta at bente singko. May napahalo ding papel na ang pinakamalaki ay singkuwenta pisos.

37

Page 38: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Tres siyentos pisos!” Labis ang katuwaan ni Tirong. “May bente tres pisos pa na butal. Aba, dalawang araw ko nang pangangalakal ‘yan!”

KINAHAPUNAN matapos maibenta kay Goyo ang mga kalakal ay naglakad-lakad muna sina Anabel at Tirong sa Divisoria. Napansin ni Tirong na tahimik ang dalaga. Tila malalim ang iniisip.

“Nagugutom ka na ‘ata. Tara, magmeryenda muna tayo,” yaya ni Tirong nang mapadaan sila sa isang restawran. “Ako pa rin ang taya.”

Ngunit tila walang narinig si Anabel. Palinga-linga siya. At nang makita ang mga nakahanay na mga sitsirya ay lumapit siya. Sumunod na lang sa kanya si Tirong.

Isang malaking lata ng pineapple juice ang binili ni Anabel. Bumili din siya ng sago at limang kilong asukal. Pagkatapos ay bumili siya ng dalawang pakete ng fruit juice at dalawang hiwa ng pineapple pie. “Do’n tayo sa Luneta.”

“Kanina ko pa napapansin. Tila seryusong-seryuso ka,” puna ni Tirong habang nagpapahingalay sila sa lilim ng isang puno sa Luneta.

“Baka ‘kako’y napagod ka ng todo at parang hindi mo na kaya. P’wede namang tumigil ka dahil kaya ko namang kitain ang ating pangangailangan.”

“Nasimulan ko na. At hindi ako titigil. Lalo pa nga akong magpupursige.”Hindi na umimik si Tirong. Tinitigan na lamang niya ang dalaga. Parang inaarok

kung tooto ang sinasabi nito.“H’wag kang mag-alala. Gaya ng nasabi ko na, kaya ko. Ang iniisip ko ngayo’y

kung paano mailagay sa ayos ang ating mga sarili.”“A-ano’ng ibig mong sabihin?”“Hahanap tayo ng ibang mundo. I mean... tulugan na may dinding at bubong. Kahit

maliit pero matatawag na tahanan.”Bumuka ang mga labi ni Tirong. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sarili. Napag-

isipan niya rin ito noon ngunit hindi niya makakayang mangupahan kahit maliit lamang na kuwarto. Maliban diyan ay iniiwasan niya ang malaking gastos.

Naunawaan ni Anabel ang damdamin ng lalaki.“Huwag kang mag-alala. Makakaya natin.”Nang hapon nga’ng iyan ay umikut-ikot sila malapit sa smokey mountain. Bagaman

panay mga barung-barong ang nakatayo sa kanilang pinasyalan ngunit may tumatanggap ng boarders. Isang maliit na kuwarto ang kanilang nakita na kaaalis lang ng nangupahan. Limang daang piso ang singil ng may-ari at humihingi ng dalawang buwang deposito at abanse.

“H-hindi natin kaya, Anabel,” bulong ni Tirong. “Maliban d’yan ay wala tayong pangdeposito.”

“Ako ang bahala,” pabulong din ang sagot ni Anabel. Pasenyas na pinalalayo si Tirong at harapin ang babaing may-ari ng paupahang kuwarto.

Naiiling na lumayo si Tirong. Tingin niya sa dalaga habang nakikipag-usap ito sa may-ari ay tila hindi na ang babaing bumangga at muntik nang sumira sa kanyang kariton. Tingin niya sa dalaga ay matanda na at malaki ang tiwala sa sarili. Nakita niyang tango na lang ng tango ang may-ari sa sinasabi ni Anabel. Maya-maya ay ngumiti ang may-ari. Nakita ni Tirong na may dinukot ito sa bulsa at iniabot kay Anabel.

“Sabi ko na’t kaya natin,” nakangiting nasambit ni Anabel nang makaalis ang may-ari at naiwan sila ng binata sa loob ng maliit na silid. Napapayag niya ang may-ari na ang abanse at deposito ay utay-utayin niya sa loob ng isang linggo.

38

Page 39: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Parang di pa rin ako makapaniwala,” tila nananaginip si Tirong habang kinakapa paikot ang tagpi-tagping dinding ng kuwarto.

“Makatutulog na akong may dinding at bubong na magpoprotekta sa akin laban sa hamog at ulan. Eyahooo!”

“Hoy, tumulong ka muna sa paglilinis, uy. Kailangang maayos natin ang lahat bago maggabi.”

Ang sipol ni Tirong ay sinasabayan niya ng kembot-kembot habang nagwawalis ng sahig na plywood.

Napailing na lamang si Anabel sa nakitang kilos ng binata.

14

“PARANG bata ka tingnan,” nakangiting puna ni Anabel habang pinagmamasdan ang pasayaw-sayaw at pasipul-sipol na Tirong habang nagwawalis ng sahig.

“Higit pa sa bata,” mabilis na ganti ni Tirong sabay hagis ng walis sa sulok matapos ang pagwawalis. Tumayo siya ng tuwid. “Pakiramdam ko’y bagong panganak akong sanggol. Kaya lang may bigote na,” sinundan ito ng halakhak.

Nang gabing iyon ay malamig na sahig na sinapinan ng mga papel at karton ang hinigaan nina Tirong at Anabel. Bagaman hindi malambot ang kanilang pakiramdam kagaya ng damuhan sa Luneta na ilang beses nilang tinulugan ngunit nakaramdam naman sila ng katiwasayan at kapanatagan. Hindi katulad sa Luneta na makatulog nga sila ngunit nangangambang kahit anong oras ay lalapitan sila ng mabangis na hayup, katulad nina Golem.

Nakatagilid si Anabel paharap sa dinding. Gayundin si Tirong na nagsusumiksik sa sulok upang mabigyan ng luwang ang kanilang pagitan. Hindi makatulog si Anabel. Marami ang pumapasok sa kanyang isipan. Naglalakbay sa kawalan kung saan maliwanag at maningning para sa kanyang pakiramdam. Nakadagdag ito sa kanyang sigla. A, bukas ay panibago na namang paglalakbay.

Hindi rin makatulog si Tirong. Pinakikiramdaman niya si Anabel na alam niyang gising din. Hinuhulaan niya ang iniisip ng dalaga. Naramdaman niya ang malalim na paghinga nito. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa nakapamaluktot na dalaga.

“Ang ginaw, ‘no? Siguro’y giniginaw ka rin.”“Lukoluko... kung may iba kang iniisip,” ganti ni Anabel na lalong namaluktot.

Hindi siya lumingon sa lalaki. Ngunit lihim siyang napangiti. “Bukas kailangang makabili tayo ng kumot. S-sige, good night.”

“Night...” sinundan ito ng mahinang tawa.KINAUMAGAHAN nauna pang bumangon si Tirong. Madilim-dilim pa nang mag-

igib siya ng tubig sa pipe leak sa kanto. Ang plastic jar ang kanyang ginamit. Pinuno ito ng tubig matapos maligo. Pagdating sa kanilang kuwarto ay hinanap ang suklay ni Anabel. At sa unang pagkakataon ay nakapagsuklay siya. Kahit walang salamin ngunit alam niyang maayos ang kanyang buhok. Pinakintab niya ito sa pamamagitan ng natitirang mantika sa basyo ng lata nito na nadampot niya sa tabing daan. Napangiti siya.

39

Page 40: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

‘“Ba, pusturang-pustura si Pare,” pabirong sabi ni Anabel paggising niya na nakaligo na at maayos si Tirong. Dali-dali siyang bumangon at inagaw ang suklay sa lalaki. Dali-dali ding sinuklay ang buhok bago humarap kay Tirong. “Hmmm... hindi ka na bagay magbasurero.”

“Ako ang natatanging basurero,” at humalakhak si Tirong. “Sey mo?”“Wa na ‘ko sey.”“Kung gayon let’s make our day.” Tinapik ni Tirong ang balikat ng dalaga sabay

tulak ng marahan sa pintuan. “Nasa labas ang plastic jar. Puno ‘yon ng tubig na pampaligo mo.”

“Loko mo. Paliliguin mo ‘ko sa labas? E, kung may tao?”“Senga ‘no?”“Ikaw sa labas. Dito ‘ko sa loob.”“Mababasa ang sahig. Madaling masira...”“Ako ang bahala.” Itinulak din ni Anabel si Tirong palabas.ALAS otso pa lang ng umaga ay tatlong plastic jar na ng pineapple juice ang

napaubos ni Anabel. Pinagsalit-salit niya ang pinya sa sago. Makatatlong beses namang umigib si Tirong.

“Kung ganito ang takbo ng negosyo ay madali tayong makapag-ipon,” sambit ni Anabel habang hinihintay na maayos ni Tirong ang plastic jar sa ibabaw ng lumang kahon. Nakahanda naman ang isa niyang kamay upang ibuhos ang pineapple juice.

“Talo naman ako,” ganti ng binata. “Dalawang sako pa lang ang naipon ko. Paano, napakabilis maubos ang paninda mo. Madalas naman ang balik-balik ko sa igiban.”

“Uy, parang sumama ang loob mo, Mister,” biro ni Anabel na napuna ang damdamin ni Tirong. Nakita nga niya na ang iba ay tiglimang sako na ang naipong kalakal. “Siyempre, kung ano’ng kita ko, kita rin nating dalawa... Ano na nga ba ang tawag dito kung sa mag-asawa pa... a, conjugal property.”

‘“Yon na nga. Pero ako ang lalaki. Mabawasan ang pagka-macho ko.”“Para hindi mabawasan ang pagka-macho mo na hindi din maapektuhan ang ‘yong

pangangalakal, ito ang ating gagawin...” Hinarap ni Anabel ang kararating na bata. May bitbit itong nakabalot.

“Bale kalahating kilo ‘tong tanso...” sabi ng bata na hinipo ang lalamunan. “Kung papayag ho kayo’y sambasong dyos lang.”

Kinindatan ni Anabel ang lalaki. Napamulagat si Tirong. “Kuha mo?”“‘Putsa, kuha ko, Anabel.” Napangiti si Tirong. “Maliwanag pa sa sikat ng araw.

Gagawin mo ‘kong kapitalista. Magiging isa akong Goyo. Yahooo!”Napatawa din si Anabel. Ang batang nagpapalit ng kalahating kilong tanso sa isang

basong juice ay napatingin din kay Tirong ng may pagtataka.“From now on, Boy, ako ang kukuha ng mga kalakal mo. Sabihin mo sa ‘yong mga

barkada na ang tinatamad magdala kay Goyo ay sa akin na lumapit.” Sumayaw-sayaw pa si Tirong.

Ngunit biglang natigilan si Tirong. Nasulyapan niya ang grupo ni Tikoy. Nag-init ang kanyang pakiramdam. Mahigpit na natikom ang kanyang mga kamay.

Napansin ito ni Anabel na nagtaka sa biglang pagbago ng kilos ni Tirong. Nasulyapan din niya sina Tikoy na malapit na sa kanilang kinaroroonan.

“O, Ron... relaks lang,” pabulong na saway ni Anabel.

40

Page 41: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Totoo nga pala ang sabi nila, Tirong. May negosyo pala ang waswit mo dito,” nakangising sabi ni Tikoy. Ngumisi din ang mga kasama niya.

“Hindi ko siya waswit!” matigas na sagot ni Tirong. “At kung ano ko man siya’y wala kayong pake’lam!”

“Hep... hep... esey.” Inangat ni Tikoy ang dalawang kamay. “Wala kami sa kundisyon ngayon, Tirong. At wala kaming masamang balak.” Pumihit siya kay Anabel. “Mis Byutipol, limang baso. Dagdagan mo ng ngiti.” Dumukot si Tikoy sa kanyang bulsa. Kinuha ang limang piso at iniabot kay Anabel.

Habang umiinom ng juice ay pasulyap-sulyap si Tikoy sa dalaga. Kapag malingunan siya ni Anabel ay kinikindatan niya ito.

Sa simula ay pilit ang ngiting iginaganti ni Anabel ngunit nang maramdaman na nakikipagkaibigan sa kanya ang lalaki ay nawala ang kanyang pag-alala.

Kung napanatag ang damdamin ni Anabel sa magandang ipinapakita ni Tikoy ay lalo namang nag-aalab ang damdaming inuukol ni Tirong sa lalaki. Lalo itong naragdagan sa nakitang pagganti ni Anabel ng ngiti sa lalaki.

Nang makaalis na ang grupo ni Tikoy ay nakita ni Anabel na hindi ngumingiti si Tirong. Madilim ang mukha nito.

“O, bakit?”“Hindi ko nagustuhan ang ipinakita mo kay Tikoy.”Napatawa si Anabel. “Kustomer natin siya. Siyempre, pangit namang

pagsusupladahan ko sila dahil maganda naman ang kanilang ipinakita.”“Basta hindi ko gusto!” tumaas ang boses ni Tirong.Nabigla si Anabel. Mula nang magkakilala sila ng lalaki ay ngayon lang siya

nasigawan nito. Bagaman sinisinghalan naman siya nito noon ngunit mauunawaan dahil hindi pa sila close noon ng binata. Ngunit ngayon ay dinamdam niya ang ikinilos ni Tirong. At nasaktan siya.

“H’wag kang sumigaw!” hindi rin napigil ni Anabel ang sarili. “Wala kang karapatang magalit!”

Nagulat din si Tirong sa hablig ng dalaga. Nanginig ang kanyang kalamnan sa labis na galit. Inangat niya ang kanyang kamay. Nanlilisik ang kanyang mga mata.

“Sige!” Lalo namang nagalit si Anabel. Biglang sumagi sa kanyang pangitain ang mukha ni Jimboy na handang dumaluhong sa kanya.

Nanatiling nakaangat ang kamay ni Tirong. Unti-unting nabawasan ang kanyang galit. Ngunit dumalas ang kanyang paghinga. Nakita niyang nanlilisik din ang mga mata ng babae. Babae? Nagtagis ang mga ngipin ni Tirong. Kahit kailan ay hindi niya pinangarap na manakit ng isang babae. Unti-unti niyang ibinaba ang kamay. Mabilis na tumalikod. Sinipa ang natisod na lata ng pineapple juice. Napalundag naman ang paparating na batang tinamaan ng lata sa paa.

“A-ano ‘yon?” nagtatakang tanong ng bata habang nag-aabot ng piso kay Anabel. “Payn-apol dyos.”

“Wala na!” Aywan kung alam ni Anabel kung ano ang namutawi sa kanyang mga labi dahil napakamot na lamang sa batok ang bata nang makitang kalahati pa sa plastic jar ang lamang pineapple juice.

41

Page 42: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

I5

NANG hapong iyon ay mag-isang umuwi si Anabel. Wala nang laman ang kanyang plastic jar ngunit pakiramdam niya ay napakabigat nito habang bitbit niya pauwi sa inuupahang kuwarto. Mabigat ang kanyang pakiramdam, matamlay ang katawan at bumabara ang lungkot sa kanyang dibdib.

Naratnan niyang sarado pa rin ang pintuan ng kanilang kuwarto. Wala siyang makitang liwanag mula sa loob na lumalabas sa butas ng dinding. Kung gayon ay hindi umuwi si Tirong, naisip ni Anabel.

“Ano kung hindi siya uuwi? Ano’ng pakialam ko sa kanya?” bulong ni Anabel sa sarili na agad kinuha ang duplicate key sa kanyang bulsa. Binuksan ang lock at itinulak ang pintuan. Inihagis sa sulok ang bitbit na plastic jar at nangapa sa dilim. Hindi siya nagsindi ng ilaw kungdi humiga na lamang. Pagod na pagod siya. Lalong pinagod ng hinanakit na nagpapasikip sa kanyang dibdib.

NANG mga sandaling iyon ay mag-isang nakaupo si Tirong sa isang mesa sa medyo kubling bahagi ng D’ Link Pubhouse. Ito ang unang pinasok nila ni Anabel nang magsimula silang maghanap kay Teresa. Ito rin ang klab na pinatatakbo ng kanyang kaibigan, si Jake.

Tatlong boteng serbesa na ang nainom ni Tirong. Ngunit sa pakiramdam niya ay wala pa itong bisa upang mawala ang galit sa kanyang dibdib. Kadalasan kung mag-inom siya ay dalawang boteng serbesa pa lang ay gusto na niyang matulog. Ngunit ngayon siya man ay nagtaka sa kanyang sarili. Dalawang bote pa ang inorder ni Tirong. Tahimik siyang sumimsim. Ni hindi niya pinansin ang pagbati ni Bella nang dumaan ito sa kanyang tabi. Halos nga niyang marinig ang hagikhikan ng iba pang mga hostess na natatawa sa pang-iisnab niya sa bati ni Bella.

Ngunit biglang napaangat ang kanyang mukha nang may marinig siyang impit na tili sa kanyang likuran. Sinundan ito ng halakhakan. Sa klab ang halakhakan ay karaniwan nang marinig ngunit sa pakiramdam ni Tirong ay may iba itong kahulugan na sumundot sa kanyang isipan. Halakhak iyon ng mga taong kinapopootan niya. Mga taong ang kinatutuwaan ay ang pamemerhuwisyo sa kapwa. Patunay dito ang impit na tili kanina ni Bella.

Madaling inubos ni Tirong ang natirang laman ng kanyang baso. Sumikad paurong upang makaatras. Paghahanda para may luwang sakaling may mangyari.

Nanlilisik ang mga matang tumayo si Tirong. Mahigpit ang pagtikom ng kanyang mga kamay. Tinungo ang grupo sa kabilang mesa. Bagaman bahagyang madilim ngunit malinaw sa paningin ni Tirong ang taong pinaghahandaan niya ng kanyang mga kamay.

Napaatras si Bella nang mapansin na dadaluhong si Tirong. Hindi na naituloy ng babae na ipadapo ang nakaangat na kamay sa taong kumurot ng kanyang singit. Kilalang-kilala din niya si Tirong. At alam niya kung gaano kalakas ang putok ng galit nito.

“Tikoy!” dumadagundong ang boses ni Tirong.HINDI makatulog si Anabel kahit napakatahimik ng apat na sulok ng madilim at

maliit na silid. Pakiramdam niya ang katahimikan ay dumadagundong sa kanyang dibdib. Nagpakaba ito sa kanya.

42

Page 43: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Nasa’n na kaya si Ron?” Hindi niya maiwasan ang pag-alala. Inaamin niyang hindi kakaiba ang damdaming iniuukol niya sa binata ngunit may utang na loob siya dito na hindi niya maitanggi. Baka sa sama ng loob ay naglasing ito at nanggulo. At Diyos ko... baka napaaway ito! ito ang pumasok sa kanyang isipan.

Biglang bumalikwas si Anabel. Tumayo. Inayos ang buhok at ang t-shirt. Kinapa ang mga perang papel na inihiwalay niya sa kanyang kita na nakalagay sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Isiniksik pa ito upang hindi malaglag sakaling kailangan niyang kumilos ng mabilis... at hindi pangkaraniwan.

Matapos makalabas ng kuwarto at maisara ang pintuan, patakbo siyang tumuloy sa main road. Subukan niyang puntahan ang klab na una nilang pinasok noon ni Tirong.

NANGABASAG ang mga basyo ng serbesa. Nangawasak ang mga silyang mahawakan ni Tirong. Para siyang torong sumisingasing habang nanghahambalos ng silya sa bawat maabutang barkada ni Tikoy. Hindi magkamayaw ang tilian ng mga babae. Wala ni kahit isa mang lumapit upang sawayin si Tirong. Pati si Jake na kaibigan ni Tirong ay tila ipinako sa kinatatayuan nito.

“T-Tirong... H-hindi kami kakasa,” tila nanginginig ang boses ni Tikoy habang pakubli-kubli sa mesa. Nakita niyang tatlo na sa mga kasama ang nakahandusay sa sahig.

“Yudip... ka!” Humihingal si Tirong. “Gulo ang hanap ‘nyo. Sige...” at inihambalos ang hawak na silya.

Ngunit nakaigpaw si Tikoy. Pakubling isinalag ang nabiglang si Jake.Ngunit dumaluhong pa rin si Tirong. Tinabig si Jake na bumalandra sa kinaroroonan

ni Bella.Tumili ang babae nang mabuwal sila at mapatungan ng kanilang manedyer.Dinamba ni Tirong si Tikoy na ngayon ay tila estatwang hindi nakakilos. Ngunit

bago dumapo ang kamao ni Tirong ay isang nakatutulig na silbato ang tumunog. Mga pulis! Tinawag ang mga ito ng mga kustomer.

“Freeze!” sigaw ng isang idiniin ang kanyon ng kanyang rebolber sa batok ni Tirong.Parang binuhusan si Tirong nang maramdaman ang malamig na kanyon ng rebolber

sa kanyang batok. Awtomatikong inangat ang dalawang kamay. Hinayaang kapkapan ng isa pang pulis. Nang walang makitang armas sa kanyang katawan ay itinulak siya ng mga pulis palabas.

“Sa presinto ka mamaluktot ngayong gabi!”“S-sandali lang ho,” si Bella. “Hindi ho siya ang nagsimula ng gulo.”“Oho nga, Tsip,” sabad ni Jake na lumapit din.Kilala ng mga pulis si Jake na siyang manedyer ng pubhouse. “Hindi kayo

magrereklamo... sa mga damage?”Natigilan si Tirong. Sinulyapan si Jake na tila nalagay din sa alanganin at iginala ang

mga mata sa kabuuan ng klab. Marami nga ang nangawasak. Mga mesa at silya. Idagdag pa dito ang nagkalat na mga basag na bote. Nakaramdam ng pag-alala si Tirong. Tama lang sa kanyang nainom ang dalang pera. Tiningnan niya si Jake. Parang nagtatanong. Hinihintay na marinig ang reklamo nito laban sa kanya.

‘“Tong si Tikoy kasi,” nasambit ni Jake na itinuro si Tikoy na nagkukubli sa haligi.Sinundan ng tingin ni Tirong ang itinuro ni Jake. Nagtaka siya. Kadalasan kapag

ganitong pagkakataon ay nakatakas na si Tikoy. Ito ang madalas na ginagawa ng mga abusado na hindi gustong mahuli at gustong makaiwas sa kanilang pananagutan. Ngunit bakit hindi tumakas si Tikoy?

43

Page 44: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ikaw na naman?” tanong ng pulis nang makilala si Tikoy na ngayon ay tumambad na at lumapit. “Hindi ka na nadala. Tiyak na uumagahin ka na naman sa presinto.”

“E, Tsip... Konting di-pagkakaunawaan lang. Hindi naman namin sadyang manggulo,” at sinulyapan niya si Tirong. Walang galit sa mga tingin niya sa binata.

“Do’n na kayo sa presinto magpaliwanagan. Hala, sige, labas!” Hinila din ng isang pulis sa braso si Tirong. Hindi na nakatanggi ang binata. Alam niyang wala siyang magagawa kung tatanggi pa.

Ngunit biglang natigilan si Tirong nang pagpihit niya ay nakita niya si Anabel na humihingal na pumasok.

“R-Ron?” nasambit ni Anabel na lumutang ang pag-alala sa kanyang mukha. Tumungo na lamang ang binata na nakaramdam ng hiya. Iginala ni Anabel ang tingin. Nakita niya ang nagkalat na mga boteng basag. Nasulyapan niya si Tikoy na nang magsalubong ang kanilang mga paningin ay agad ding tumungo. Nahihiya. “P-puwedeng mapag-usapan muna bago sila dalhin?” Si Jake ang hinarap ni Anabel.

Tiningnan ni Jake si Tirong. Muling pinagmasdan si Anabel. Natatandaan niyang ito ang kasama ni Tirong noong nakaraang ilang gabi na naghahanap ng kapatid nito. Tumangu-tango siya.

Hindi na nagpumilit ang mga pulis na dalhin sa presinto ang nanggulo. Inako ni Jake ang responsibilidad.

“Ikaw na tao ka,” sabi ni Anabel kay Tirong matapos nilang makuwenta ang mga damage. Napagkasunduan nilang pagtulungan ang pagbayad sa lahat ng pinsala. Mas malaki ang lumabas na pera sa bulsa ng dalaga. “Nagpadalus-dalos ka.”

“T-Tirong... Part,” tila nahihiya si Tikoy. “Seryuso ako. Ang sabi ko kaninang wala na sa akin ang anumang gusot na namagitan sa atin noon... wala na. Tapat ako d’yan. Iisa lamang ang ating mundo, di ba?”

Tiningnan lamang ito ni Tirong. Parang tinitimbang-timbang ang sinabi nito.“Sumpa man... talo mo kami. At kung sino ang matibay ay siyang hinahanap naming

sandalan.” Tiningnan ni Tikoy si Anabel.“Kung ang pakay mo ay para lamang makalapit kay Anabel...”“Magiging amo ko siya... dahil magiging amo ka namin. Parati kaming nasa likod

mo simula ngayon.”Matagal na hindi nakaimik si Tirong. Huminga ng malalim. Maya-maya ay inangat

ang kanang kamay. Hindi ngumingiti.Biglang napaatras si Tikoy. Mabilis namang nakapagitna si Anabel. Nangangamba

sa gagawin ng binata.“Lukoluko!” sambit ni Tirong na tumawa. “Gimme five!”Ang lagapakan ng kanilang mga palad ay nilunod ng malakas nilang tawanan.

16

“TAPAT kaya si Tikoy?” tanong ni Tirong kay Anabel nang gabing iyon habang naghahanda silang matulog.

44

Page 45: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ba’t naitanong mo ‘yan?” sagot ni Anabel habang inaayos ang kumot na nakatabon sa kanyang katawan. Bahagya siyang pumihit sa kinaroroonan ni Tirong. Nakita niyang ipinatong ng lalaki ang kaliwang braso sa noo nito. Tila malalim ang iniisip.

“Iniisip lang kita. Mahirap magtiwala sa katulad niya.” Bumuntunghininga si Tirong.

“Malalaman din natin ‘yan.” Matapos maghikab ay tumagilid na si Anabel at manalukbong. Gusto na niyang matulog.

Napailing na lamang si Tirong.Alas sais na ng umaga nang gumising at magbangon si Tirong. Nag-iinit ang

kanyang katawan. Naalala niya ang kanyang pagwala sa D’ Link Pubhouse nang nakaraang gabi. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili... at kay Jake na kaibigan niya. Ngunit napangiti siya nang maalala ang pagbahag ng buntot ni Tikoy at ng mga kabarkada nito.

“Lalo akong magiging handa, Tikoy... sa anumang plano mo.”Umungol si Anabel. Bumalikwas nang maramdamang nagbibihis na si Tirong. Dali-

daling tinungo niya ang lalagyan ng kanilang tubig at naghilamos.Pagkatapos ay nagbihis siya. Nakita niyang bitbit na ni Tirong ang kanilang gamit sa

pagtitinda kaya tinungo na lamang niya ang pintuan at binuksan.Ngunit napaatras si Anabel nang dalawang lalaki ang biglang lumapit sa pintuan.

Hindi niya kaagad naaninag ang dalawa dahil kokonti pa lamang ang liwanag na pumapasok sa masinsing kabahayan na nakapalibot sa kanilang tinitirhan.

“Sino ‘yan!” malakas ang boses ni Tirong. Agad siyang nagpatiuna kay Anabel.“M-morning, Amo... Ama,” nakangiting bati ng isa. Mga tauhan pala ni Tikoy.

“Inutusan kami ni Tikoy. Susunduin daw namin kayo.”Nakahinga ng maluwag si Anabel. Ngumiti. “Uli-uli ay manilbato muna kayo.

Hindi ‘yang bigla na lang kayong lalapit. Tinakot ninyo ako, a.”Napailing na lamang si Tirong nang kunin ng isa ang kanyang bitbit. Ngunit may

kakaiba siyang naramdaman sa kanyang pagkatao. At nagbigay ito sa kanya ng gilas. Ikalawang pagkakataon na naramdaman niyang may nagbibigay-galang sa kanya na hindi na kailangang magpakita ng kanyang lakas.

“R-Ron...” Napahinto sa paghakbang si Anabel nang paparating na sila sa tambakan. Nilingon si Tirong na sumusunod sa kanyang likuran. “Ano’ng ginagawa nila?”

Napakunot ang noo ni Tirong nang makita ang tinutukoy ni Anabel. Sa kanilang patutunguhan ay abala sa paggawa sina Tikoy. May naglalagare. May nagpapako. Tatlo ang mga itong abala sa paggawa. Marahang itinulak ni Tirong si Anabel. Ipinagpatuloy ang paglapit.

“Aha, ang ating hari’t reyna,” nasambit ni Tikoy nang makalapit ang dalawa. Ang dalawang pinasundo niya kina Tirong ay agad ding nagplasta ng bitbit na mga gamit nina Anabel. Inilagay ang mga ito sa papag na kayayari lang nina Tikoy. “Pasensiya ka na kung ito lang ang kaya naming gawin, Anabel. Papag na yari lamang sa lumang mga kahon na puwede mong patungan ng iyong mga paninda. Pasensiya na rin kung karton lang na pinatungan ng plastik ang bubong nito para hindi ka mainitan at maulanan.”

“Maraming maraming salamat, Tikoy.” Parang yakapin ni Anabel si Tikoy sa labis na katuwaan. “Naniniwala na ako ngayong maputi din pala ang iyong puso.”

“Nagpakahirap ka pa, Tikoy. Wala kaming pambayad d’yan,” naidugtong ni Tirong. Nakita niya sa mukha ni Tikoy ang katapatan ng kilos nito. At nagsisi si Tirong na ilang

45

Page 46: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

beses niyang napinsala ang mukha nitong taong nagdagdag ng kanilang sigla ngayon upang umunlad.

“Tama na sa aming makalibre ng meryenda,” salo ni Tikoy. “Ngayong araw lang ‘to. Bukas magbabayad na kami.”

“Kahit araw-araw na libre kayong lima,” salo din ni Anabel.“Para ngayong araw lang,” ulit ni Tikoy na nakangiti. “Para tiyak na mabura sa

isipan mo ang kalukuhang nagawa namin sa ‘yo... at kay Tirong.”Isang mahina ngunit taos sa pusong tapik sa balikat ang ginawa ni Tirong kay Tikoy.Ang unang tinimpla ni Anabel na isang plastic jar na pineapple juice ay pilit

ipinaubos niya sa lima. Nagpabili din siya kay Tirong ng bale sampung pisong pandesal para sa bago nilang mga kaibigan. Hindi na niya nabigyan ang ibang mga bata kundi pinaghintay ang mga ito sa susunod na timpla.

“Mapupurga kami nito, Anabel,” biro ni Tikoy na muling inilapit sa bibig ang pang-anim na baso ng pineapple juice.

Nang makaalis ang grupo ni Tikoy ay dumagsa naman ang ibang basurero. Marami sa kanila ang mga bata. Tinambayan nila ang paninda ni Anabel. Dahil sa dami ng bumibili ay napilitan si Tirong na manatili sa tabi ng dalaga. Kagaya ni Anabel ay naging abala din si Tirong. Hindi siya magkandaugaga sa paghuhugas ng mga baso. Dahil dito ay nabanggit niya sa dalaga na mas mabuting bumili na lang sila ng disposable plastic cup para hindi na sila mahirapan.

Lagpas na ng alas dos nang mawalan ng mamimili. Nakapagpahinga sina Anabel. Ubos ang kanilang paninda. Ang mga basurero ay abala na sa pag-iimpake ng kani-kanilang kalakal. Ito ang sinamantala nina Anabel. Nananghalian sila ng pinabili niya kay Tirong sa malapit na karinderya.

Patapos nang mananghali sina Tirong nang muling bumalik sina Tikoy. May mga pasan ang mga ito.

“Para ‘to sa ‘yo, Tirong... Part,” sabi ni Tikoy matapos nilang masalansan ang sako-sakong kalakal sa tabi ng tindahan ni Anabel.

“Para sa akin?” Tila hindi makapaniwala si Tirong.“Hindi namin ibinibigay ng libre,” at tumawa si Tikoy. Nilinga niya ang mga

kasamang tumawa din. “Napagkasunduan naming sa ‘yo na lang ibenta ang aming kalakal. Tutal ‘kako, wala ka ng panahong mangalakal dahil tumutulong ka kay Anabel.”

Sinulyapan ni Tirong si Anabel. Nakangiti sa kanya ang dalaga. Sa labis na katuwaan ay nabuhat niya ang dalaga.

Parang gusto niyang isigaw: Humanda ka, Goyo! May kakumpetensiya ka na!“Hoy, hoy! Bitiwan mo ‘ko!” Nagpumiglas si Anabel. Ngunit naramdaman niya

ang tuwang nararamdaman ni Tirong.“Oo nga pala, Part,” si Tikoy. “Sinabihan ko na ang karamihan sa mga basurero dito.

Sa ‘yo din sila magbebenta.”“Nakow, baka hindi ko kakayanin kung marami kayo, Tikoy.”“Walang problema, Part,” salo ni Tikoy. “Payag silang hindi kas basta hindi lang

masyadong mababa ang kuha mo kumpara sa kuha ni Goyo. Sa’min kahit kalahati lang ng kuha ni Goyo, okey na.”

Tingin ni Tirong ay biglang napalitan ang kulay ng itim na plastic bag na may lamang mga basura. Naging kulay ginto ito sa kanyang paningin.

46

Page 47: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Oo nga pala. Inayos na namin ang lumang bodega sa kabila,” si Tikoy muli. “P’wede mong gamiting bodega kung gusto mo. Kami ang bahalang magbantay. Tutal diyan naman kami natutulog.”

Mas malakas ang lagapak ngayon ng kani-kanilang mga palad kaysa una nilang pagpalagapakan noong gabing nagkaayusan sila sa D’ Link Pubhouse. Nawala ang pangamba ni Tikoy kay Tirong. Nawala din ang duda ni Tirong kay Tikoy.

“GUSTO kong uminom ng kape. ‘Yong matapang na matapang,” sabi ni Tirong pagdating nila sa kanilang tirahan. “Mabuti ang matapang na kape.”

“Masama ang matapang na kape... lalo na kung gabi,” si Anabel. “Hindi ka agad makatutulog niyan.”

‘“Yan ang gusto kong mangyari,” ganti ng binata. “Dahil gusto kong isipin ang magandang takbo ng negosyo.”

Pasipul-sipol pa si Tirong habang naglalagay ng kape sa mainit na tubig sa baso. Ngunit natigilan siya nang buksan na niya ang maliit na garapon ng asukal. “Naku, andami palang langgam!”

“Buwenas!” nasambit ni Anabel. Napatingin sa kanya si Tirong. Nagtataka. ‘“Yan ang kalagayan natin ngayon. Parang asukal na umaakit ng langgam.”

Muling nabuhat ni Tirong si Anabel. Isinayaw-sayaw niya. Ngayon ay hindi na nagpumiglas si Anabel. Sinalubong nito ang tingin ng tuwang-tuwang binata.

47

Page 48: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

V

ANG MGA PISKIL

INDI umabot ng isang linggo mula nang magkaunawaan ang grupo nina Tikoy at sina Tirong at Anabel ngunit malaki na ang nabago sa tambakan. Malaki rin ang

nabago sa kalagayan nina Tirong at Anabel.H

“Para sa ‘yo,” nasambit ni Anabel isang hapon nang dumating sila sa kanilang inuupahan. Isang balutan ang iniabot niya kay Tirong.

“A-ano ‘to?” tanong ni Tirong nang makuha at mapisil ang malambot na balutan. Kahuhubad lang niya ng kanyang dyaket na isinabit niya sa nakausling pako sa dinding.

“Buksan mo,” mula kay Anabel. Tumungo siya sa sulok ng silid at pabagsak na umupo sa sahig. Pagod siya ngunit nakangiti pa rin habang pinagmamasdan si Tirong na nagbubukas ng balutan. Nakita niyang biglang lumutang ang katuwaan sa mukha ng binata nang makita ang laman ng balutan.

“Leather jacket!” sambit ni Tirong at nilapitan si Anabel. Yumuko at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. Binuhat.

“B-bitiwan mo ako... ay!” Pumalag si Anabel. “Palagi mo na lang ako’ng binubuhat.”

“Gusto kitang buhatin palagi.” Nakatawa si Tirong. “Para ipaalam sa lahat na ikaw ang aking ulo at palaging mataas kaysa aking katawan.” Inilapag niya si Anabel. “Kita mo, kung wala ka, siguro’y hanggang sa pangarapin ko na lang ‘tong leather jacket.”

“Isukat kung bagay sa ‘yo.” Muling umupong pasandal sa pintuan si Anabel.Agad namang isinuot ni Tirong ang dyaket. Ipinihit-pihit ang katawan. Patagilid.

Patalikod. Ginaya si Richard Gomez nang mag-model ito ng brand ng mga damit. “Ano’ng sey mo?”

“Naging tao ka tingnan,” at tumawa si Anabel.

48

Page 49: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Nake!” Nagkibit-balikat si Tirong. “Pero seryuso... kailangan din sigurong makabili ako para sa ‘yo...”

“Hindi na kailangan,” mabilis na salo ni Anabel. “Pero sakali... ano ‘yan?”“Upuan... para may maupuan ka,” ang katapatan ng sinabi ni Tirong ay ipinakita sa

pag-iba ng kanyang mukha. Marahang lumapit at umupo din sa tabi ng dalaga. “Naaawa ako sa ‘yo. Hindi ko man tingnan... kahit isipin ko lang ay talagang masama. Nawawala ang glamour mo.”

Naunawaan ni Anabel ang ibig sabihin ni Tirong. Mahinang palo ang pinatama niya sa balikat ng lalaki. “Lukoluko!”

“Hindi ako nagbibiro, Anabel. “Marami ang pinaplano kong bilhin... para sa ‘yo. Tutal maganda na rin ang kita ko sa negosyo.”

Nagseryuso din si Anabel. Tumingala. Iginala ang paningin sa kabuuan ng maliit na silid. “Naisip ko nga na maghanap muli ng malilipatan.”

“Hindi mo nagustuhan ‘tong ating silid?” Parang nagtaka si Tirong.“Higit pa sa nagustuhan. Pero siyempre, kailangan natin ang mas malaki dito. ‘Yong

p’wede nating magawan ng isa pang silid. ‘Yong may hiwalay na kusina. At ang mahalaga ay may lugar. Para kung may maipundar tayong gamit ay may paglalagyan tayo.”

“Ang unang sinabi mo ang importante. Ang sinabi mong gawan ng silid. Tama ‘yan. Dahil babae ka at dalaga pa,” ayon ni Tirong “At patawarin mo ‘ko kung hindi kaagad ‘yan pumasok sa isipan ko. Nasanay na kasi ‘ko sa buhay naming mga basurero noon. Kung saan gabihin ay do’n matutulog... na sama-sama ang babae at lalaki.”

“Huwag mo nang lingunin ang nakaraan. Ang importante ay ang ngayon at bukas.” Bumuntunghininga si Anabel.

“Kung gayon, ako ang maghahanap bukas.”Ngunit hindi natuloy ang pakay ni Tirong na maghanap ng malilipatan

kinaumagahan. Pagkagising ay nakita niyang kausap ni Anabel ang may-ari ng bahay na kanilang inuupahan. Malungkot ang mukha nito. Lumapit si Tirong sa dalawa.

“Bakit raw, Anabel? Tila may problema si Manang.”“Problema nga. At naisipan kong lapitan si Anabel. Tutal sabi ko ay maayos na ang

kanyang kita. Baka ‘kako kaya niya kahit hindi buo,” sabi ng matanda na tiningnan si Anabel.

“Hindi ko ho maintindihan,” mula kay Tirong. Tiningnan din niya si Anabel.“Gusto ni Manang na ibenta sa atin ‘tong bahay niya.”“Ano?” Nandilat ang mga mata ni Tirong. “Hindi ho ba kayo nagbibiro, Manang?

At sa’n naman ho kami maghahanap ng pambayad?”‘“Yan nga kung bakit sabi ko kahit hindi buo. Gusto ko lang na makalipat kami sa

Bulacan dahil kung nandito lang kami ay hindi mabaklas si Manong mo sa kanyang kerida.” Muling nanilim ang mukha ng matanda.

Napatango si Tirong. Sa ilang araw nilang pagtira sa bahay ng matanda ay alam na niya kung gaano ka babaero ang asawa nito. Maliban sa babaero ay lasenggero pa. At kapag lasing ay perhuwisyo sa mga kapitbahay. Mabuti na lang at medyo kabado yata sa kanya kung bakit hindi sila pineperhuwisyo.

“O, paano, Anabel. Kahit singko mil lang muna kung meron ka. Para panggastos lang sa paghahakot ng aming mga gamit,” kulit ng matanda kay Anabel. “Ang natira ay punta-puntahan ko lang hanggang matapos ang kabuuang kinse mil.”

49

Page 50: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Kinse mil! Parang namanhid ang katawan ni Tirong. Napakalaking pera. Sa buong buhay niya mula nang dumating siya dito sa Maynila ay hindi pa siya nakahawak kahit kalahati man lang ng naturang halaga. Tumatanggi ang kanyang damdamin. Ngunit nakita niyang kumindat si Anabel. Hindi na siya kumibo. Papayagan na naman niya ang kanyang ulo.

Dalawang palapag itong bahay na binili nina Anabel. Ang sala at kusina kabilang na ang comfort room ay nasa ibaba. Dito rin ang pasibing kuwarto na siyang inuupahan noon ng dalawa. Sa itaas ay isa lang ang kuwarto na siyang inookupa ng mag-asawa. Nang mabili na ito nina Anabel ay doon na sa itaas natulog ang dalaga. Naiwan si Tirong sa kuwarto sa ibaba. Ngunit binago nila ang pintuan. Ang pintuan noon na hindi na dadaan sa sala ng bahay ay ginawa na lang nilang bintana. Nagpagawa sila ng pintuang tagos sa sala.

“Tuloy-tuloy na talaga ang asenso ninyo, Part,” puna ni Tikoy na siyang tumulong sa paggawa ng pintuang tagos sa sala. “Hindi ko talaga inisip na magkabahay kayo ng ganito.” Napalatak pa si Tikoy.

“Dahil sa kanya,” at itinuro ng labi ni Tirong si Anabel na abala sa pag-aayos ng sala. Sinasapinan nito ng papel ang lumang mga bangko na iniwan sa kanila ng matanda. “Hindi ko rin naisip na makakita ako ng ulong kasing talino niya.”

“Totoo ‘yan, Part. Pati kami ay nabago dahil sa kanya. Nakita namin kung paano ka nabago kaya nadala kami.”

Ilang sandali pa ay natapos na ni Anabel ang pag-aayos sa sala. Gumanda tingnan ang lumang mga bangko dahil nasapinan ng wall paper na sobra sa ginamit ni Anabel sa dinding.

“Ano’ng sey n’yo?” nakangiting tanong ni Anabel habang pinagmamasdan ang kabuuan ng sala.

“Para sa akin parang gusto kong pumaritong madalas,” biro ni Tikoy. “Aba, makakalimutan kong basurero lang ako kung makapasok dito. ‘Yan ay kung payag ka, Ama.”

“Welcome kayo rito, Tikoy. Siyempre kasama kayo sa pagbabago ng aming kalagayan. Kung hindi kayo nagbago, paano na kaya kami?”

“Naks, parang sinundot ang dibdib ko, a.” Tumawa si Tikoy. Pinatulis ang bibig at nagkibit-balikat. Ito ang madalas na ginagawi ng lalaking madaling masagi ang damdamin ngunit ayaw namang ipakita sa pamamagitan ng pagpatulo ng luha. “Naalala ko ang mga payo no’n ng nasirang ina ko.”

“Uy!” Tumawa si Anabel. “Ang akala ko sa mga matatapang ay matigas ang damdamin. Pero huwag kang mag-alala, Tikoy. Tutal ay halos buong araw ang pagtulong mo dito sa amin ay bibili ako ng isang kahang serbesa. Pampawi ng inyong pagod. Me pulutan pa, ha.”

“Olrayt!” Nagningning ang mga mata ni Tikoy. Hinawakan ang isang kamay ni Tirong at pinisil. “S’werte mo, Part!”

Napatawa lang si Tirong. Ngunit bigla itong napawi nang makitang papasok ang tao ni Tikoy. Ito ang iniwan niya sa tambakan para magbantay sa mga nagbebenta ng kalakal. Matamlay ang katawan nito at madalas ang iling.

50

Page 51: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

18

“ANO ang nangyari, Boy?” si Tikoy ang nagtanong pagpasok na pagpasok ng kanyang tao sa sala.

“Malas!” sagot ng tinanong. Pabagsak na umupo sa tabi ni Tikoy.“Hindi kita maintindihan. Ano nga ba’ng nangyari na para kang manok na

napisaan?” si Tirong.“Halos kalahati lang ng mga basurero ang nagbenta sa atin. At kokonti lang ang

kanilang naibenta,” sagot ni Boy.‘“Yan lang pala?” Parang bumalik ang sigla ni Tirong. ‘“Kala ko may malaking

problema...”“Pero malaking problema ‘to,” salo ni Boy. “May bagong kumprador. Hindi ko

kilala. Pero kilala ko ang mga alalay. Mga bata ni Goyo.”“Hmmm.” Napatiimbagang si Tirong. Kunot-noo.“Kung gusto mo, Part, aayusin natin,” sabad ni Tikoy. “Hindi p’wedeng pumasok

sila sa ating teritoryo. Sabihin mo lang kung gusto mong palayasin namin. Kahit ngayon!” At kinindatan si Boy.

“Sandali lang...” Pumagitna si Anabel. Ngayon lang siya nakialam. “Hindi maganda ang pinaplano ninyo. Ang tambakan ay teritoryo nating lahat. Kung sino ang gustong mabuhay ay kailangang makinabang.”

“Pero, Anabel... maaapektuhan ang ating negosyo,” tila hindi sang-ayon si Tirong.“Nasimulan mo na at maayos naman ang takbo sa umpisa. Kung may pumasok mang

iba at lumipat sila siguro’y may malaking dahilan.”“Traydor ang mga hayup!” si Boy. “Sayang lang ang pakikisama namin.”“Hindi. Nasabi ko nang may dahilan. At kung anuman ang dahilan, kailangang

malaman ninyo. Kung ano ang kanilang pain sa paghuli ng suki ay tapatan ninyo. ‘Yan ang magandang paraan sa pagnenegosyo.”

“Hmmm. Tama si Anabel. Tuklasin natin kung bakit lumipat sila sa bagong kumprador.”

“Tila may kumperensiya?” tanong ng kasama kanina ni Tikoy na tumulong kina Anabel. Kababalik lang nito dala ang isang kaha ng serbesa at tatlong delatang sausage na kanilang pupulutanin. Ito ang iniutos kanina ni Anabel.

“Ba’t poproblemahin n’yo sila?” sabi ni Anabel na kinuha ang mga delata upang buksan. “Hayan na ang serbesang makapapawi ng inyong pagod at makabubura niyang maliit na problema.”

“Olrayt!”NANG sumunod na araw ay nakita nga nina Tirong at Anabel ang isang grupong

nagkukumpulan sa kabilang bahagi ng tambakan. Kilala ni Tirong ang tatlong kasama ng isang payat na lalaki. Mga tauhan nga ni Goyo. Kilala niya ang mga ito dahil madalas siya noon kay Goyo. Namumukhaan din ni Anabel ang mga ito.

Napatunayan ni Tirong na malaki nga ang epekto ng pagpasok ng bagong kumprador. Bagaman may nagbebenta din sa kanila ng mga kalakal ngunit mas marami ang nagbebenta sa bagong kumprador.

51

Page 52: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“E, Bos... madagdagan sana ng tigsisingk’wenta sentimos ang kilo,” sabi ng isang bata nang tanungin ni Tirong kung bakit mas maraming basurero ang nagbebenta sa bagong kumprador. “Ako nga kung ‘di lang nahihiya senyo, do’n din sana ako magbebenta. Aba, sayang din ‘yong singk’wenta kada kilo, a.”

Ito pala ang dahilan, naisip ni Tirong. Sinulyapan niya si Anabel at nang makitang nakatingin sa kanya ay sinenyasan sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay. Tumango si Anabel. Napangiti si Tirong. Ayos!

“O, sige, Boy. Singk’wentay singko ang dagdag ko kada kilo.”Iyon lang. Ilang sandali pa magkakasunod-sunod na ang mga basurerong pasan-

pasan ang kani-kanilang kalakal patungo sa kinaroroonan nina Tirong. Nahikayat sila ng sinabi ng tuwang-tuwang bata na unang nakatanggap ng dagdag sa presyo ni Tirong.

Ilang basurero pa lang ang nagbenta ay halos naabot na ni Tirong ang nabili ng kakumpetensiya.

“Simple lang naman pala ang taktika, Part,” nasambit ni Tikoy na masaya.“‘Yan ang pagnenegosyo,” dugtong ni Anabel. “Kung wala kang taktika ay hindi ka

pa nakatayo lumpo ka na.”Ngunit hindi basta-basta ang bagong kumprador. Hindi nito ikinatuwa ang ginawa ni

Tirong na pagtapat sa presyo nito. Desisido itong agawin ang pamumuhunan sa tambakan.

“Nakita mo ba’ng nakita ko, Anabel?” sabi ni Tirong habang nagliligpit na ng kanilang mga gamit ang dalaga. Mag-aalas tres na sa hapon at pamamahinga na ng mga basurero.

Sinundan ng tingin ni Anabel ang tinutukoy ni Tirong. Sa di-kalayuan ay nakita ng dalaga na may nagtatakbuhan. Nakita din niya ang ilang mga bata na parang inaagawan ng pasan-pasang sako. Maya-maya ay narinig ni Anabel na may nagsigawan. Nakita niya ang isang tao ni Goyo na may ibinabanderang panghataw. Tubo!

“R-Ron...” Dumalas ang kabog ng dibdib ni Anabel.“Yudip... hindi na ‘to maganda...” Sumibad si Tirong. Dinampot ang nadaanang dos

por dos na nakapatong sa kariton ng isang basurero.“Ron... H’wag!”Ngunit hindi na narinig ni Tirong ang sigaw ni Anabel. Mas malakas dito ang

sigawan ng mga basurero habang papalapit sa nanggugulo.Parang naghalo ang bangis ng leon at lakas ng tigre sa katauhan ni Tirong.

Umilandang ang tauhan ni Goyo na may hawak na tubo nang tamaan ng dos por dos na inihambalos ni Tirong. Duguan ang mukhang nabuwal sa lupa. Kumikisay.

Isa pang tauhan ni Goyo ang tinamaan ni Tirong.Tumilapon ang hawak na balisong nang tamaan ng dos por dos sa kamay.

Nakangiwing napaluhod siya. Nandilat ang mga mata nang mapatingala ay nakita si Tirong na dalawang kamay na iniamba ang dos por dos upang ipadapo sa kanyang ulo.

“H’wag!”Nabigla si Tirong. Hindi niya naituloy ang pagpalo ng hawak na dos por dos.

Dahan-dahang nilinga ang sumigaw nang masulyapan ang kamay nito na nakainat ng indiyan pana.

“Patay ka kung itutuloy mo ‘yan, Kosa!” isang payat na tao ang nakita ni Tirong na pumigil sa kanya. Alam ni Tirong na hindi ito nagbibiro habang patuloy ang pagtutok ng indiyan pana. Patunay dito ang sala-salabat na tato sa dalawang braso nito. Ang mga

52

Page 53: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

taong sanay sa bilangguan ay sanay din sa kasamaan. At ito ang kaharap ngayon ni Tirong.

Ngunit biglang napahiyaw ang payat na lalaki. Kasabay ng kanyang hiyaw ang lagitik ng kamay niyang may hawak ng hawakan ng tirador. Nabitiwan niya ito at malakas na pumitik ang hawakan sa kanyang mukha. Tumilamsik ang dugo sa natamaang mukha niya.

“Ayos ba, Amo?” si Tikoy. Nakangisi siyang sumenyas kay Tirong matapos mapalo ng tubo ang kamay ng payat na lalaki.

“Right timing, Tikoy.” Sumenyas din si Tirong. Nilapitan ang payat na lalaki na ngayon ay sapo ang duguang mukha habang ipinipilig ang isang kamay na tinamaan ng tubo. “Hindi ka patas, bata! At kalaban ko ang mga taong hindi patas makipaglaban. At kalaban ko rin ang mga taong ex-convict. Kagaya mo! Kaya ‘wag mo akong tawaging kosa!” Pinitsirahan ni Tirong ang payat na lalaki.

Dinaklot naman agad ni Tikoy ang lalaki. Gustong siya ang lumumpo dito. Gustong ipakita kay Tirong na sa likod siya nito.

“Tama na!” si Anabel. Lumapit siya nang makitang lupig na ang mga kaaway nina Tirong. “Siguro’y magtatanda na ang mga walanghiyang ‘yan.”

Itinulak ni Tikoy ang lalaki. Sumuray ito palayo. Sunod ay sinipa ni Tikoy ang mga kasama nito na pawang may mga tama rin. “Sa susunod kung manggugulo pa rin kayo ay hindi kayo makaaalis dito ng buhay!”

Walang nagawa ang grupo ng bagong kumprador. Ngunit bago sila makalayo ay isang matalim na tingin ang ipinukol kay Tirong. Nasa kanyang tingin ang pagnanasang makapaghiganti.

Pataas-pababa din ang tinging ibinato ng payat na lalaki kay Anabel. Parang nananakot na pati ang dalaga ay madadamay sa gulong kani-kanina lang nagsimula.

“Hindi n’yo kami kayang takutin!” pahabol ni Tirong sa papalayong lalaki.“Hayaan mo sila,” si Anabel.“Sila ang mga piskil ng kawayan. May tinik ngunit madaling matanggal sa

pagsalubong ng kanilang landas.

19

ISANG linggong natahimik sa tambakan. Hindi na bumalik ang bagong kumprador kaya muling lumakas ang negosyo nina Anabel at Tirong.

Ang palamigan noon nina Anabel ay isa na ngayong maliit na karinderya. Hindi lang pagod at gutom na mga basurero ang bumibili kundi pati ang ibang mga manggagawang mapadpad sa tambakan. Kumuha na ng katulong si Anabel upang hindi siya mahirapan.

Halos kalahati naman ng lumang bodega ang stock ni Tirong mula sa nakalakal sa tambakan. Kulang na ang isang libong pisong puhunan niya kada araw. Ang lahat ng basurang mapapakinabangan pa ay dinadala sa kanya. Kilo-kilong totpik, palito at tingting ay nakatambak sa isang sulok ng bodega. Malaking pera pag nabenta.

53

Page 54: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Hindi ko akalaing mapapakinabangan pa ‘tong totpik at palito. Pati ang basag na butones ay mapapakinabangan pa pala,” nakangiting sabi ni Anabel isang hapon na napadaan siya sa bodega ni Tirong. Maaga pa siya nagsara ng kanyang tindahan dahil balak niyang yayain si Tirong upang muling hanapin ang kanyang kapatid.

“Ang lahat na basura ay mapapakinabangan,” sagot ni Tirong na patuloy ang pagtala ng lahat na kumprada niya nang araw na iyon. “Ang totpik at palito ay mabili para sa mga gumagamit ng kalang de kahoy. Ito ang kanilang pampaningas. Kung minsan itong sirang mga tsinelas ang kanilang binibili. Maganda rin itong pampaningas.”

‘“Yang mga basahang parang bulok na. Paano pa ‘yan mapapakinabangan?” at itinuro ni Anabel ang halos bulok na mga basahan sa sulok.

“Nilalabhan ‘yan. ‘Yan ang palaman sa basahang ibinebenta sa mga drayber. Sa labas lang ang bago niyan. May mapagkukunan ka rin niyan sa mga garment factory. Pero ang laman ay galing dito sa tambakan.”

Napalatak si Anabel. Iginala ang paningin sa iba pang uri ng basura. May kalawanging lata, may kalawanging pako at alambre. Ang mga ito ay napag-alaman niyang ibinababad sa asido o suka upang matanggal ang kalawang. Mga smelters naman ang bumibili nito. Nasulyapan niya ang nakasalansang mga balat ng niyog. Hindi ito ang tira sa pinagkoprahan kundi ng bukong nilalako sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod. Tuyong-tuyo na ito at naibilad ng maayos. Napangiti si Anabel. Naalala niya sa probinsiya. Ito rin kung minsan ang kanilang ginagatong.

Ngunit ang lalong nagpalutang ng pakinabang ng basura ay ang lata-latang kaning-baboy. Pinagtiyagaan ito ng mga basurero na hiwalayin. Bagaman nakasusuka ang amoy ngunit pagkakaperahan pa rin.

“Kung sa probinsiya kahit naghihingalong baboy ay hindi siguro kakainin ‘yan.”“Ang bago lang na kaning-baboy ang ipinapakain sa baboy. Ang hindi na puwedeng

kainin ng kahit na anong hayup ay ibinebenta sa palaisdaan. Doon ay ibinibilad ito at ginigiling.”

“Feeds pa rin ang labas.”“Hindi. Pataba. Pampataba sa lumot na siyang kinakain ng isda.”Natingnan ni Anabel ang binata. “Hindi ko akalaing pati ang gawain sa palaisdaan ay

alam mo na.”‘“Yan ang sabi ng mga tauhan ng palaisdaan na bumibili sa akin.” Tinigilan ni

Tirong ang pagtala. Inihagis sa nakataob na kahon ang bolpen at notbok. Inakbayan ang dalaga. “May kakaibang mensahe ang pagparito mo nang maaga. Kadalasan ako ang dumadaan sa ‘yo sa tindahan.”

“Naalala ko ang kumbentong sinasabi mo. Marami pa ang hindi natin napasok. Sabi ko baka sakaling...”

“May panahon?” salo ni Tirong. “Anabel, ang panahon ko’y nakalaan na sa ‘yo... at sa paghahanap ng kapatid mo.”

Kasama na nina Tirong at Anabel sina Tikoy nang pasukin nila ang ilang night spot. Hindi na diskarte ni Tirong kagaya nang una ang mga ininom nila. Kaya na niyang magbayad. At kaya naman ni Anabel ang ang ilang shot ng ladies’ drink. Nang gabing iyon ay apat na night spot ang kanilang napasok. Apat na shot naman ang nainom ni Anabel.

“Mali yata ang diskarte natin,” si Tirong. “Ano ba ang hitsura ni Teresa?”

54

Page 55: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Magkamukha kami, siyempre...” Tila nayamot si Anabel. Naliliyo na kasi siya sa nainom. Maliban diyan ay inaantok na siya.

“Kung gayon ay mali nga ang diskarte natin. Dapat sa class na klab tayo pumunta,” at ngumiti si Tirong. Pagkatapos inubos ang natirang serbesa.

Tiningnan lamang ni Anabel ang binata. Pakiramdam niya ay iniinsulto siya.“Kung talagang ‘yon ang uri ng trabaho ang kanyang pinasok, dapat sa class na.

Pang-class ang mukha mo, Anabel. At kung kamukha mo siya...”Kunot-noong tumayo si Anabel. Dumukot sa kanyang bulsa. Binulatlat ang pitaka.‘“Wag. Ako’ng magbabayad,” agaw ni Tirong na agad inilabas ang pera. “Kulang

pa ang magagasta ko dito hanggang makita ang kapatid mo... sa nagawa mo sa aking buhay.”

SA kabila ng pagkaabala nina Anabel at Tirong ay hindi sila pumapalya sa paghahanap kay Teresa. Araw-araw ay nandoroon sila sa tambakan. Gabi-gabi naman ang gala nila sa mga night spot.

At ngayong gabi ay sinubukan nila ang pinakahuli at pinakamalaking klab. Ito ang huling pag-asa nila.

“Naaasiwa ako sa mga suot natin, Ron,” sabi ni Anabel habang papasok sila sa klab matapos mabuksan ng unipormadong usher ang pintuan. “Parang mga turista tayo. Walang mag-aakalang sa tambakan tayo galing.”

“S’yempre,” ganti ni Tirong. Inayos niya ang lapel ng kanyang amerikana. Sa buong buhay niya mula nang magkaisip siya ay ngayon lang siya nakapagsuot ng amerikana. “Mapagkakamalan ka ngang’ artista. Pero alam mo bang’ nakikiliti ang aking batok sa suot kong amerikana? At parang hindi ako makahinga dahil sa kurbatang ‘to.” Iniunat-unat niya ang leeg upang makaramdam ng ginhawa.

“Pero kailangan nga bang ganito ang suot natin?”“Kailangan. Nakita mo naman ang mga weyter. Naka-amerikana. E, baka

mapagkamalan tayong valet kung karaniwan ang ating damit. At siguradong hindi tayo papasukin dito.”

Tinungo nila ang isang kubling sulok kung saan may ilang grupo na umiinom. Sa mapusyaw na liwanag ay nakita ni Anabel ang nagkikislapang mga bagay sa kamay ng mga tao. Nagkikislapan din ang mga tainga ng mga babaeng kapareha. Pati ang sa leeg ng mga ito.

“Kargado sa alahas ang mga kustomer dito. Talagang mga bigatin,” bulong ni Anabel nang makaupo na sila. Pumuwesto sila sa isang mesa sa bandang sulok ng klab. Muling iginala ni Anabel ang tingin. Sa kanilang dako ay may apat na mesa ang okupado. May lima pang bakanteng mesa malapit sa kanila.

Hindi sumagot si Tirong sa bulong ni Anabel. Sinabi niya sa lumapit na weyter ang kanilang order. Sa pagkakataong ito ay apple juice ang inorder niya para kay Anabel. Para sa kanya at kina Tikoy ay Scotch on the rocks ang kanyang kinuha.

“Hindi na ladies drink ang kinuha mo para sa’kin?” Nagtaka si Anabel.“Bagong lugar. Kailangan bago rin ang kukunin,” sagot ni Tirong at kinalabit si

Tikoy na madalas ang pag-inat-inat ng leeg dahil naiinitan sa inalkilang amerikana. “Relaks lang, Tikoy. Bubuti rin ang pakiramdam mo pag umepekto na ang lamig ng aircon.”

55

Page 56: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ngumiti lamang si Tikoy. Inayos ang pag-upo. Mula nang makasama siya kina Tirong ay nagbago ang kanyang kilos. Butanggero siya sa tambakan ngunit kung sa mga lakaran na kasama sina Tirong at Anabel ay sinisikap niyang kumilos ng desente.

Pagdating ng weyter na naghatid ng kanilang order ay agad na kinuha ni Tikoy ang para sa kanya. Nagmamadaling lumagok. Nangalahati agad ang kopa.

“Easy lang, Tikoy. Baka tamaan ka agad.”“Giniginaw na ako.” Parang nahihiyang ngumiti si Tikoy.“Pati ako,” sabad ni Anabel matapos makasipsip ng kanyang apple juice.

“Napakalamig kasi ng aircon. Malamig din itong iniinom ko.”“Kukuha ako ng champagne kung gusto mo. O ang kanilang cocktail,” at sumenyas

si Tirong sa weyter na nakatayo malapit sa glass door na nakapagitan sa kanila sa main door. Agad ding lumapit ang weyter ngunit napahinto nang pigilan ng isang lalaki na kapapasok lang.

May limang kasama ang lalaki na sumusunod sa kanya. Apat na lalaki at isang babae.

Hindi man tiningnan ni Tirong ang anyo ng lalaki ngunit natiyak niyang abusado ito sa pagpigil lamang nito sa weyter. Inilipat ni Tirong ang tingin kay Anabel na ngayon ay pakrus na nakatakip ang dalawang kamay sa dibdib. Ngunit biglang napapiksi si Tirong nang mapansing biglang lumipat si Tikoy at ang dalawang kasama sa kabilang mesa. Nakita niya na sa posisyong kinuha nina Tikoy ay nagpapahiwatig na naghahanda ang mga ito upang mapangalagaan siya. Ganito ang madalas na ginagawa ng mga loko na gustong maprotektahan ang kanilang mga amo.

“May mga ulupong,” naibulong ni Tirong sa sarili na sinundan ng tingin ang isinenyas ni Tikoy. Ang grupong bagong dating ang tinutukoy niya. Umupo na ang mga ito sa mesang malapit sa kanila. Hindi nga lang sila napansin ng mga ito dahil natabingan sila ng artificial plants na nakapagitan sa kanila.

“Sinong mga ulupong?” tila kinakabahang tanong ni Anabel.Nanlaki ang mga mata ni Tirong. Nagtagis ang mga ngipin. “Sina Golem!”

20

HALOS umuuga ang mesang inookupa nina Anabel dahil sa galit ni Tirong. Mahigpit ang paghawak ng binata sa magkabilang gilid ng mesa. Tila gusto niyang wasakin ito upang maiwasan ang pagbanggaan nila ni Golem.

“A-ano ang gagawin natin? Nakita na ba nila tayo?” Parang binabayo ang dibdib ni Anabel. Bumalik ang takot na naramdaman niya noong tinangka siyang kidnapin ng mga tauhan ni Golem. Sinulyapan niya ang tinutukoy na utak ng mga ulupong. Kamukha pala ni Max Alvarado. Hindi kataka-takang demonyo ang ugali, kagaya ng kanyang hitsura, bulong ni Anabel sa sarili.

“Tiyak na makikilala ka nila,” bulong ni Tirong sa dalaga. “Nakita mo ‘yang sa bandang kanan ni Golem? ‘Yan ang isa sa mga nagpakilala noon sa ‘yo na pulis daw.

56

Page 57: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

At ang nakaharap dito ay ang kasama noon ng humabol sa ‘yo nang gabing makita mo ako.”

Lalong nanginig sa takot si Anabel. Paano kung makilala nga siya ng mga tauhan ni Golem? Tumungo siya na halos lulubog na sa kinauupuan upang maikubli ng mesa.

“Relaks ka lang,” patuloy na bulong ni Tirong. “Ako ang bahala. ‘Wag ka lang tumingin sa kanila. Kung anuman kaya namin sila. Lima silang lalaki, apat naman kami nina Tikoy.”

“T’yak na may mga armas sila,” naibulong pa rin ni Anabel. Bahagyang isinandal ang ulo sa balikat ni Tirong na kunwari ay lasing na sa nainom. Ito ang naisip niyang pagkubli sa mukha upang hindi pansinin.

“Basta ‘wag ka lang maingay, ‘wag mag-angat ng mukha. Kung sus’wertihin ay hindi nila tayo mapapansin dito. Basta ‘wag lang mag-angat ng mukha.”

Hindi nga nag-angat ng mukha si Anabel ngunit kung puwede nga lang ay gusto na niyang lumabas na sila. Tila sinisilaban siya. Bagaman sanay na siya sa pamumuhay sa tambakan kung saan halos panay mga maton ang kanyang nakasama ngunit iba ang naramdaman niya pagkakita sa grupo ni Golem. Ito ang dahilan kung bakit sa tambakan siya napadpad.

“Kailangang mawili muna sila ng inom bago tayo lumabas, Anabel,” sabi ni Tirong nang maramdamang balisang-balisa si Anabel. “Titiyakin nating hindi nila tayo mapapansin.”

Iyon nga ang kanilang hinintay. Madalas ang order ni Golem ng inumin. Madalas din ang inom ng mga tauhan nito. Nagtitilian na nga kung minsan ang mga kateybol ng mga ito dahil hindi mapigil ang pagkabarumbado ng mga maton.

Ito ang pagkakataong hinihintay nina Tirong. Sinenyasan niya sina Tikoy na tumayo. Balak nila ni Anabel na sumabay kina Tikoy. Kukubli sila sa tatlo palabas. Ngunit hindi pa nakatatayo sina Tikoy nang biglang tumayo ang tauhan ni Golem. Luminga-linga kung saan ang weyter. Nang walang makita ay pasuray na lumapit kina Tikoy. Makikisindi ng sigarilyo.

“B’wisit, layter lang hindi makabili,” yamot na naibulong ni Tirong sa sarili. ‘“Wag sanang makilala si Tikoy.”

Ngunit nakilala ng tao ni Golem si Tikoy. “Aba, tao pala ni Tirong.”Parang sinundot ang dibdib ni Tirong. Lalo na nang masulyapang naglingunan ang

grupo ni Golem. Kinalabit ng binata si Anabel. Binulungan.Agad ding kumilos si Anabel. Marahan siyang tumayo at paurong na lumayo sa

kanilang mesa. Tinungo niya ang isang bakanteng mesa kung saan hindi abot ng makulimlim na liwanag. Umupo siyang paharap sa grupo. Nakita niyang tumayo si Golem.

“Di ba sabi mo’y si Tirong ang humadlang senyo nang habulin n’yo ‘yong babae?” tukoy ni Golem sa taong lumapit kina Tikoy. “Kung gayon kelangang makausap natin si Tirong. Asan si Tirong?” kay Tikoy iniukol ni Golem ang tanong.

Hindi sumagot si Tikoy. Ngunit nakahanda sa anumang mangyari. Naghanda rin ang kanyang mga kasama. Agad nagsitayo ang mga tauhan ni Golem.

“Bata!” mariin ang boses ni Golem. “Tinatanong kita!”Tumayo si Tirong. Bahala na, nausal niya. Kailangang laruin niya ang kanyang

baraha.

57

Page 58: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ako ba’ng hinahanap mo, Golem?” sabi ng binata sa matigas na boses nang makalapit siya kay Golem. Idinantay ang kanyang kamay sa balikat nito.

“Hmm, kaytagal at muli tayong nagkita.” Pilit na ngumiti si Golem. Tinanggal ang kamay ni Tirong sa kanyang balikat at kinamayan ang binata. “Lipat kayo sa amin.”

“Ang tanong ko, ba’t hinahanap mo ‘ko?” Hindi kumilos si Tirong nang alukin ni Golem na umupo at makiumpok sa kanila.

Ngumiti ng mapakla si Golem. Sinenyasan ang mga kasamang magbalik sa kanilang upuan.

“Alam mo naman siguro. Sinabi noon ni Godo...” Sinulyapan ni Golem ang kanyang tauhang siyang lumapit kay Tikoy at ngayon ay nakabalik na sa upuan nito.

Sinulyapan ni Tirong ang tinutukoy ni Golem. Naunawaan niya ang ibig sabihin ng pinuno ng grupo. Si Godo ay ang isa sa mga humabol noon kay Anabel.

“Parang hindi ako makapaniwala. Asensado ka na,” iniba ni Golem ang usapan. Tinapik-tapik ang braso ni Tirong na nakatayo pa rin sa tabi niya. “Siguro’y nakahukay ka rin ng ginto.”

“Patas ang aking laban, Golem. Sa mabuting paraan.” Tila nag-init si Tirong.Tumawa lamang si Golem. “Wala kayang kaugnayan ang babaeng pinakialaman

mo... na naging dahilan kung bakit nakatakas sa aking mga tauhan?”Parang gustong dambahin ni Tirong si Golem. Ngunit nagpigil siya. “Sinabi ko na sa

‘yo. Patas ako. At hindi ko linya ang linya mo.”“Hmm. Kagaya ka pa rin noong una kitang inalok, bata. Matapang. At may utak na

ngayon.” Muling tinapik-tapik ni Golem ang braso ni Tirong. Tiningnan mula ulo hanggang paa ang pustora ng binata.

Talagang mautak! Tila ito ang gustong isigaw ni Tirong sa tainga ni Golem. Utak ng aking ulo na tinangka ninyong ilublob sa putikan! Gusto pa sana ni Tirong na sundan ng ganito.

“Kung wala kang kinalaman noon, okey lang. Pero kung gusto mong sumama sa amin, mas okey. Pero kung sa pakiramdam mo’y hadlang kami sa ‘yo,” at tiningnan ni Golem ng masakit si Tirong, ‘“wag lang humara-hara!” at mariing ikinayod ang kamao sa dibdib ng binata.

Tila kidlat naman ang reaksyon ni Tirong. Biglang dinakma ng mahigpit ang kamay ni Golem. Napangiwi ang puno ng mga maton. Mabilis na itinulak ni Tirong pabalik sa upuan si Golem.

“Ito ang tandaan mo, Golem. ‘Wag mong salubungin ang tuwid na agos ng aking buhay. Baka malunod ka!” Humihingal ang binata sa pagpigil ng sarili.

Isang tauhan ni Golem ang hindi napansin ni Tirong. Nakaikot ito sa kanyang likuran na may hawak na kutsilyo. Mabilis itong umamba upang itusok ang hawak sa tagiliran ni Tirong.

Nang biglang may tumili. Si Anabel.Biglang napakislot si Tirong. At kasabay ng kanyang pagpihit ay napitik niya ang

kamay ng tauhan ni Golem. Tumilapon ang hawak nitong kutsilyo.“Bos, ‘yan ang babaing hinabol namin!” sabi ng pinangalanang Godo nang mapansin

si Anabel sa kabilang mesa.Nakatayo na ang dalaga at lalapit na sana sa kanila nang makitang tatraydurin ng

tauhan ni Golem si Tirong.

58

Page 59: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Todas! naibulong ni Tirong sa sarili. Agad niyang tinabingan ang dalaga upang hindi mapagmasdan ni Golem. Nakahanda ang kanyang mga kamay.

“Nasabi ko na sa inyong ‘wag pakikialaman ang para sa akin!”Biglang napatigil sa paghakbang si Anabel nang makitang tumayo si Tikoy.

Sinenyasan siya ng lalaki na huwag nang lumapit. Gulo na! Ito ang ibig iparating sa kanya ni Tikoy.

Bigla ring napatayo ang babaing katabi ni Golem nang mapagmasdan si Anabel. Padaluhong siyang humakbang palapit sa dalaga.

Ngunit isang malakas na tulak ang nagpabalik sa kanya sa upuan. Naging hudyat iyon upang magsimula ang kaguluhan.

59

Page 60: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

VI

ANG HIYAW NG DUGO

INDI magkamayaw ang kalabugan. May nangabasag na mga bote. Naglalagutukan lang ang tamaan ng inihahambalos na silya. Hinahaluan ito ng

tilian ng mga babae.H

“Tama na!” sigaw ng babaing kasama ni Golem. Nakabangon na siya. Ngunit umiika dahil sa pagkakatama ng balakang niya sa matigas na gilid ng upuan nang itulak ni Tirong. Mabilis siyang pumagitna sa mga lalaking nag-aaway. Ngunit agad ding tumilapon nang hablutin siya ni Golem at itinulak palayo.

“Animal ka!” sigaw ni Golem na susundan pa sana ng sampal ang sumusuray na babae. Ngunit bumaligtad siya nang tamaan ng kamao ni Tirong.

Nagkapunit-punit na ang manggas ng amerikana ni Tirong ngunit tuloy pa rin ang pagdaluhong niya. Bumabalandra ang tamaan ng kanyang suntok.

Napakislot si Anabel sa kanyang pinagkukublihang haligi nang may humila sa kanyang braso. Mabilis niya itong binaliti upang makaalpas.

“Hindi ako kalaban,” ang babaing kasama ni Golem. Nakalapit ito kay Anabel. “Wala kayong magagawa. Kailangang tumakas na kayo. Lalo ka na.”

Binitiwan ni Anabel ang kamay ng babae. Parang may sumagi sa kanyang damdamin. Pinagmasdan niya ang babae habang madalas ang kabog ng kanyang dibdib. “S-sino ka?”

“Hindi na kailangang makilala mo ako,” ganti ng babae na pumihit upang hindi matambad ang mukha kay Anabel. “Kilos na!” at itinulak si Anabel patungo sa pintuan.

Hindi pa sana kikilos si Anabel ngunit nakabalik na ang babae sa tabi ni Golem. Susundan sana ito ni Anabel ngunit natigilan ang dalaga nang may tumunog na silbato. Nalingunan niya ang tatlong mga pulis kasunod ang apat na security guard ng klab.

60

Page 61: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Humingi ng suporta ang mga security guard sa pulis dahil kilala sina Golem at alam ng mga ito na mahirap kalabanin ang ulo ng sindikato.

Pumuslit si Anabel. Sinamantala niya ang pagkakataong nagkakagulo ang mga kustomer sa pagtakas. Upang mapadali ang kanyang paglabas ay tinanggal niya ang kanyang sapatos.

NAKASALAMPAK na si Anabel sa sopa sa kanilang sala nang hingal na dumating sina Tirong. Napangiti si Anabel nang makita ang hitsura ng mga dumating.

“O, ba’t parang natatawa ka pa?” mula kay Tirong. Pabagsak din siyang umupo sa sopa. Sumunod sina Tikoy.

“Paano, nagkapunit-punit ang inyong amerikana,” at tumawa si Anabel. “Teka, ano ba’ng nangyari?”

Napailing si Tirong. Tahimik na dumukot sa mga bulsa. Binaligtad. Sinunod naman nina Tikoy ang ginawa ni Tirong.

“Pati pansigarilyo namin ubos,” mula kay Tikoy.“Hindi bale. Tutal hindi naman ‘ata kayo nadala sa presinto,” si Anabel.“Pero madaragdagan naman ang gastos natin. Palit sa inupahan naming amerikana,”

salo ni Tirong. “Mabuti naman at nakalabas ka agad.”“Tinulungan ako ng babae. ‘Yon bang kasama ni Golem.”Kumunot ang noo ni Tirong.“Pero parang nagkita na kami nu’ng babae. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Basta naramdaman kong parang nagkita na kami.”Mariing natingnan ni Tirong si Anabel. Naalala niya ang boses noong babae ni

Golem. Tunog-Bisaya. Hindi kaya iyon ang kapatid ni Anabel? Ito ang pumasok sa isipan ni Tirong.

“Naaninaw mo ba ang hitsura?”“Hindi siya humarap sa akin ng aninawin ko siya,” malungkot na sagot ni Anabel.

Parang nanghinayang na hindi niya naklaro ang mukha ng babaing nagligtas sa kanya.Baka! Ito naman ang naisip ni Tirong. Ngunit kung ano ang nasa isip niya ay hindi

na niya binanggit sa dalaga. Kailangang tiyakin muna niya. Nawa ay magkita pa sila ng babaing iyon, sabi ni Tirong sa sarili.

DALAWANG araw ang nakaraan. Nakalimutan na nina Anabel at Tirong ang nangyari sa klab. Muli silang naging abala sa kani-kanilang gawain. Tuloy-tuloy ang takbo ng negosyo ni Anabel. Mabuti naman ang takbo ng buy and sell ni Tirong. Madalas namang binibisita ni Tirong ang dalaga sa puwesto nito ngunit hindi siya nagtatagal. Kailangang nandoroon siya palagi sa bodega. Hindi na kaya nina Tikoy ang malakas na bentahan ng mga kalakal na iniatang niya sa mga ito.

Ngunit may napansin si Anabel sa takbo ng pamumuhay sa tambakan. May nangyayaring pagbabago lalo na sa mga bata.

“Anabel,” sabi ng isang bata na paliyad-liyad sa paglapit sa dalaga. Namumula ang mga mata nito. “Wala ka bang ibang tinda maliban sa dyos? May bilog ba?”

Gin ang hinahanap ng bata. Kilala na ni Anabel kung ano ang tinatawag na bilog. Napakunot-noo ang dalaga.

“Tanghaling tapat gin ang hinahanap mo?”“Mas mabuti ang triping kung susundan ng bilog,” sagot ng bata na inilapit ang ilong

sa hawak na plastik. Matagal na suminghot. Pagkatapos huminga ng malalim. Pikit ang mga matang ngumiti. “Aaaa...”

61

Page 62: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Rugby! Alam kaagad ni Anabel ang laman ng plastik na sininghot ng bata.“Hindi mo ba alam na masama ‘yan sa ‘yong katawan?”“Oke lang,” nakangiting salo ng bata. “Sarap naman sa pakiramdam. Tutal libre

naman ‘to. Kaya libre ang triping. Ano kaya’t magtinda ka ng bilog dito?”Hindi pinansin ni Anabel ang sinabi ng bata. Iniisip niya ang maidulot ng druga sa

mga bata sa tambakan. Magiging magulo na sa tambakan. At maaapektuhan ang kanyang negosyo. Bigla ang pasya ng dalaga.

“Eto, libre na ang juice... kahit dalawam baso.” Mabilis na nagsandok ng pineapple juice si Anabel. Alam niya ang maaaring makapag-neutralize sa epekto ng druga habang maaga pa.

“Hoke!” sabi ng bata na kinuha ang basong may lamang juice. ‘“Di ko ‘to tatanggihan.”

“Pero dapat tigilan mo ang rugby, Tsong!”“A, basta libre ‘di ko tatanggihan,” sagot ng bata na binalik ang baso kay Anabel

matapos maubos ang lamang juice. Dito sa tambakan walang tinatanggihan basta libre. Ang sambaso pa?”

Gago mo! Parang gustong sabihin ni Anabel sa bata ngunit hindi na siya nagsalita. Alam niyang hindi masisisi ang bata dahil biktima lang ito ng kung sinong pusher. At ang pusher ang dapat mapatigil sa pagpapakalat ng druga sa tambakan. Ito ang dapat tuklasin ng dalaga bago maging demonyo ang mga bata sa tambakan. At naalala niya si Jimboy, ang mahaba ang buhok at may namumulang mga mata na anak ng kanyang madrasta. Naragdagan ang galit sa kanyang dibdib.

Nang gabing iyon habang nagpapahinga sila sa sala ng kanilang bahay ay sinabi ni Anabel ang kanyang natuklasan kay Tirong.

“Drug pusher naman sabi mo ang nakapasok sa tambakan?’“Oo. Kaya naisip kong kailangang maawat sila bago mawasak ang kinabukasan ng

mga bata.”Huminga ng malalim si Tirong. “Karamihan ng mga bata sa tambakan ay wala nang

maliwanag na kinabukasan.”“Kaya naisip ko ring mag-aral sa pasukan. Para kahit anuman ang mangyari’y

makaalis tayo sa tambakan. Pero kailangang maawat muna natin ang pusher.”KINAUMAGAHAN ay hindi dumaan sa bodega si Tirong. Sumama na lamang siya

sa puwesto ng dalaga. Nagbubukas na sila ng sara ng pintuan nang masulyapan ni Tirong sa di-kalayuan na may nag-uumpukang mga bata. Nakita niya kaagad ang mga plastik na pinag-aagawan ng mga ito. Sa gitna ng umpukan ng mga bata ay nakita niya ang isang payat na tao. Mahaba ang buhok nito. At parang kilala niya ito. Kinalabit niya si Anabel na naghahalo na ng juice sa plastic jar. Tinungo ng paningin ni Anabel ang itinuro ni Tirong. Matagal na tiningnan ang taong pinapagitnaan ng mga bata. Kumunot ang kanyang noo. Kalaunan ay halos nabitiwan niya ang malaking kutsarang panghalo sa juice.

‘“Di ba si...”“Si Jimboy!” tila napahiyaw si Anabel.

62

Page 63: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

22

“ANG demonyo!” Nagtagis ang mga ngipin ni Anabel nang maklarong si Jimboy ang pinapagitnaan ng mga bata.

“Ba’t nakarating ang hayup na ‘yan dito?” may pagtataka sa boses ni Tirong. “Hanggang dito ba’y gusto kang guluhin?”

“Hindi ko inakalang siya pala ang demonyong gumugulo sa mga bata dito.”“Hindi maaari. Sa kanya na ang Payatas kung gusto niya. Akin ang Tondo, kahit

dito lang sa tambakan!” Naglagutukan ang mga buto ni Tirong sa labis na galit.“A-ano’ng gagawin mo?” may pangamba sa boses ni Anabel nang makitang kinuha

ni Tirong ang tubong nasandal sa gilid ng pintuan. Ang tubo ay talagang nakalaan sa mga sitwasyong may manggugulo sa tambakan. Si Tikoy ang naglagay dito ng tubo, para daw magamit ni Anabel kapag wala ang mga ito.

Hindi na sumagot si Tirong. Sumibad na siya sa kinaroroonan ni Jimboy.Nang makita ng ibang mga basurero na may bitbit na tubo si Tirong ay nagsibaran din

silang sumunod sa binata. Naghihiyawan ang iba. Ito ang buhay sa tambakan. Kaligayahan na nilang may manggulo sa kanilang teritoryo upang makalimutan nila kahit saglit man lang ang pagkainip sa paghahalukay ng basura.

Gusto mang sumigaw ni Anabel para pigilan si Tirong ngunit walang lumabas sa kanyang mga labi. Naumid nang makitang nag-angat ng mukha si Jimboy at tiningnan ang paparating na grupo ni Tirong. Tingin ni Anabel ay parang nangalisag ang mahaba at gulong buhok ni Jimboy. Tingin ni Anabel ay parang katulad noong daluhungin siya ng pamangkin ng kanyang ama sa bahay nito sa Payatas.

“Ang hayup!”Bumangis ang mukha ni Jimboy nang makilala si Tirong na siyang nangunguna sa

mga basurerong papalapit sa kanya. Hinawi niya ang mga bata sa kanyang unahan. Agad na hinugot ang bente nuwebeng nakasukbit sa kanyang baywang. Papiksing binuksan. Kumislap ang talim. Kanya-kanyang takbuhan ang mga bata sa kanyang paligid.

Ngising-demonyo si Jimboy. Mahigpit ang paghawak sa balisong. Mabuti! Naisaisip niya. Kuta pala ng mortal niyang kaaway ang kanyang napasok. Hindi siya nagkamali sa pagtanggap ng alok noong tusong Intsik. Ngayon ay makagaganti siya sa agrabyo niya kay Tirong, at kung suwertihin ay mawawasak niya ang pagkababae ni Anabel na nasulyapan niya sa di-kalayuan.

Dalawang dipa na lang ang agwat nina Tirong sa nakangising si Jimboy. Inangat ni Tirong ang hawak na tubo ngunit hindi itinuloy ang pagpalo. Balak niyang takutin ang payat na lalaki. Ngunit napatiim-bagang si Tirong nang makitang hindi natinag si Jimboy. Nakita niyang pinaikot pa nito ang hawak na balisong. Parang naghahamong ipalo ang hawak niyang tubo.

Humahaging ang tubo nang ipalo ni Tirong.Bahagyang umilag si Jimboy. Lagpas. Kumadyot siya. Ngunit napagibik siya nang

may tumamang matigas na bagay sa kanyang kamay. Tumilapon ang hawak niyang balisong. Hindi niya napaghandaan ang pagdaluhong ng kasama ni Tirong. Paglingon ay

63

Page 64: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

nakita niya ang hindi mabilang na mga pamalong nakaamba. Sabay-sabay ang mga itong tatama sa kanya kung walang tutulong sa pagsalag.

Nilingon niya ang mga kasamang ipinadala ni Goyo. Nagtakbuhan pala nang makita si Tirong. Walang nagawa si Jimboy kundi iligtas din ang sarili. At kasabay ng paghaging pababa ng mga pamalo ay sumikad palayo si Jimboy.

“Yudip... hintayin n’yo ‘ko!”Nang makaalis sina Jimboy ay kinausap muna ni Tirong ang mga batang basurero na

nakakuha ng rugby. Dinala niya ang mga ito sa puwesto ni Anabel. Inilibre sa meryenda.

“P-pasensiya na, Tirong,” sabi ng isang binatilyong ang kamay ay nasa kanyang bulsa. “Hindi na kami tatanggap kahit pilitin pa kami ni Boy Agila.”

Boy Agila! At may bansag na pala ang hayup na ‘yon! Ito ang bulong ni Anabel sa sarili. Bagay talaga sa kahayupan niya. Mandaragit ng inosenteng mga biktima.

“Kung tapat ka sa sinabi mo, itapon ‘yan,” utos ni Tirong sa binatilyo nang mapuna ang nakausling plastik sa bulsa nito.

Nakamot na lamang ng binatilyo ang kanyang ulo. Inilabas sa bulsa ang plastik na kinalalagyan ng rugby. “S-sori, Bos.”

“S’werte n’yo kung rehab lang ang inyong bagsak. Pero sigurado akong kung ‘di sementeryo ang bagsak n’yo... sa kalaboso,” patuloy ni Tirong na ang tingin ay iginala sa kaharap na mga bata. “At ayaw kong mangyari ‘yan sa inyo. Gusto kong kagaya sa akin ay makakilos din kayo nang maayos kahit para sa iba ay impiyerno ang ating ginagalawan.”

Nagkatinginan ang mga bata.“Maaaring ‘di pa n’yo ako maunawaan. Pero ang masasabi ko lang ay nag-aalala ‘ko

sa inyo. At kung ang akala n’yo ay gusto kong masolo ang pamimili ng kalakal dito, nagkakamali kayo. Ang gustong magbenta kay Goyo, malaya. Kung sa akin kayo magbebenta, mas mabuti.”

“P’wede kang mag-baranggay kapitan,” biro ni Anabel nang wala na ang mga bata.Napatawa din si Tirong. “P’wede na ba?”“Kung gusto mong lalong lumubog sa gulo.” Tumawa si Anabel.“Pero iba ang damdamin ko kanina. Muling bumalik sa akin kung bakit napadpad

kami noon sa kabundukan. Gusto namin noon ang maraming reporma.... kagaya ng reporma para sa kabataan dito sa tambakan. Upang balang araw ay maging kapaki-pakinabang din silang mga mamamayan.” Bumuntunghininga si Tirong.

“Hindi namamatay ang iyong pangarap.”“Lalo pa ngang nagniningas para maabot ko ang pinapangarap kong pagbabago.”“Nabanggit mo ang pagbabago...” Seryuso na si Anabel. Itinuon ang paningin sa

kabila ng nakatambak na basura sa unahan. “Napag-isip-isip kong mag-enrol sa susunod na buwan. Gusto kong makatapos... upang masiguro kong maging maliwanag ang aking kinabukasan.”

“Tutulungan kita...”“Mag-aral ka rin kung may pagkakataon,” salo ni Anabel. “Upang maging panatag

ang ‘yong buhay balang araw... kung mag-aasawa ka na.”Ikaw ang gusto kong maging asawa! Parang gusto itong isigaw ni Tirong sa dalaga.

Ngunit bumubulong ang kanyang isipan na hindi pa panahon upang ligawan si Anabel. Inaamin niyang hindi pa siya handa upang harapin ang kinabukasan. Inaamin din niyang

64

Page 65: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

ni hindi nagbago ang kanyang kalagayan kung wala ang dalagang ito na di-sinasadyang napadpad sa kanya. Paano maniniwala ang dalaga na kaya niya itong bigyan ng magandang kinabukasan? Puwede bang tapang at tibay lamang ang ihahandog niya sa babaing ngayon ay taos-pusong iniibig na niya kahit palihim lamang?

Hindi na nagtagal si Tirong sa puwesto ni Anabel. Matapos matiyak na naihanda na ang lahat na kakailanganin ng dalaga sa kanyang tindahan ay nagpaalam siya upang magpunta sa kanyang bodega.

Naglalakad lamang si Tirong ngunit magulo ang kanyang isipan. Mas mahirap pala ang landas tungo sa kaunlaran, naibulong niya sa sarili. Noon ang pinoproblema lang niya ay ang pagkain tatlong beses isang araw. Kung hindi siya makatulog sa gabi puwede na sa kanya ang isang boteng serbesa. Makatutulog na siya ng mahimbing sa gitna ng ugong ng mga lamok. Ngunit ngayong nakakikilos na siyang parang tunay na tao, naguguluhan siya. At gaano kaya kagulo ang kinabukasan? Napailing siya.

“Me problema, Part?” boses ni Tikoy na nagpaangat ng ulo ni Tirong. Hindi niya napansing papasok na pala siya sa bodega.

“Kumusta ang bilihan?” pag-iiba ni Tirong. Hindi niya masabi kay Tikoy ang nagpapagulo sa kanyang isipan.

“Okey lang,” sagot ni Tikoy na nakangiti. “Pero mas okey pa ‘tong dumating sa ‘yo.” May ibinulong si Tikoy. May itinuro sa kabila ng salansan ng sako-sakong bote.

“Ano raw ang kailangan?”“Ikaw lang daw ang kanyang pagsasabihan,” at tinapik-tapik ni Tikoy ang balikat ni

Tirong.May babae raw na naghahanap sa kanya. Napailing si Tirong. Ayaw magsalita ni

Tikoy kung sino ngunit nakita na raw nila itong babae na may importanteng sadya sa kanya.

Marahang lumapit si Tirong sa kinaroroonan ng babaing nakatalikod sa kanya. Nakaupo ito sa kahon at nakadekuwatro. Talagang seksi. Napalunok si Tirong.

Pumihit ang babae nang maramdamang may papalapit.Nanlaki ang mga mata ni Tirong. “I-ikaw?”

23

NANGATAL ang kalamnan ni Tirong nang makilala ang babaing naghihintay sa kanya. Tiningnan siya ng babae mula paa hanggang ulo. Parang sinusukat ang kakayahan ng matipunong pangangatawan ng binata. Lalong umigting ang kalamnan ni Tirong.

“Ipinadala ka ni Golem para lalo akong guluhin, ‘no?”Tumayo ang babae habang hindi inaalis ang paningin sa binata. Humakbang paikot

kay Tirong. Pumipihit naman ang binata para makaharap siya palagi. Dumukot ng sigarilyo ang babae sa kanyang shoulder bag. Sinindihan. Humitit nang isang beses at ibinuga ang usok sa mukha ni Tirong. “Sigarilyo?” at agad iniabot ang nakasinding sigarilyo kay Tirong.

65

Page 66: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Hindi ako naninigarilyo.”“Sa tanong mo kanina kung ipinadala ako dito ni Golem, sa tingin mo kaya’y may

kakayahan akong guluhin ka?” Ngumiti ang babae, nang-aakit. Muli siyang humitit ng sigarilyo at inilapit ang mukha sa tainga ni Tirong. Unti-unting ibinuga ang usok at may ibinulong sa lalaki.

Lumingon din si Tirong. Nakita niya sa kabila ng nakasalansan na sako-sakong bote na nanunubok pala sina Tikoy. Talagang sanay itong babae, naisip ni Tirong.

“Please lang, hindi ko gustong may makarinig ng sasabihin ko sa ‘yo,” patuloy na bulong ng babae.

Walang imik na sinenyasan ni Tirong sina Tikoy. Pinapalabas sa bodega. Nagkakamot ng mga batok na sumunod ang tatlo. Sinilip pa sila ni Tirong upang matiyak na hindi sila makarinig sa anumang sasabihin ng babae.

Muling umupo sa kahon ang babae. Pormal na tumingin kay Tirong. Mapupuna ang kahalagahan ng kanyang sadya. “Bago ko sabihin ang aking sadya, pakialis sa isipan mo na kasapi ako ng grupo ni Golem,” malinaw ngunit mahinang sambit ng babae.

“Diretsuhin mo kung ano’ng sadya mo sa akin.”“Pagbabakasakali lang ‘tong sa akin... dahil hindi ko pa sigurado...”“Sabi ko’y diretsuhin mo,” pakli ni Tirong na may halong pagkabagot.“Teresa ang tunay kong’ pangalan,” halos pabulong na sambit ng babae. May pag-

alala sa boses niya dahil sa nakitang pagkabagot ni Tirong.Ang kapatid ni Anabel! Ito ang agad pumasok sa isipan ni Tirong. Biglang dumalas

ang kabog ng kanyang dibdib. Pinagmasdang mabuti ang kaharap kagaya ng tila hinahanap sa mukha nito ang sinabi ni Anabel na pagkakahawig nilang nagkapatid. Matagal ang tingin niya sa babae. At napuna niyang magkahawig ang hugis ng bibig nito at ni Anabel. Pati ang mga mata ay napuna din ni Tirong. Mapungay din ang mga mata ng kanyang kaharap.

Ngunit sa biglang tingin ay hindi mo masabing magkapatid sila ni Anabel. Siguro ay dahil sa tagal niya sa Maynila at sa uri ng mundong ginagalawan ngayon.

“O, bakit tila natigilan ka?” gambala ng babae. “Siguro tama ang hinuha kong ang babae...”

“Nakababata kong kapatid,” mabilis na sagot ni Tirong. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang anyo ni Golem . Bigla ring tumubo sa kanyang isipan na baka may alam na sina Golem sa buhay ni Anabel at pinupursiging makuha ang dalaga sa kanya. Na baka itong nagpakilalang Teresa ay talagang padala ni Golem upang madali ang pagkuha kay Anabel.

“Nakababata mong kapatid?” Gumitaw sa mukha ng babae na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Tirong. “At Anabel din ang pangalan?”

“Maraming tao ang magkakatulad ang pangalan,” bahagyang tumaas ang boses ni Tirong. Gusto niyang matapos na ang pag-uusap nila ng babae. Bagaman may nakita siyang palatandaan na magkamukha si Anabel at ang kaharap niya ngunit ano nga ba ang kanyang katiyakan? Bibig lang at mapungay na mata ang magkatulad kay Anabel. At marami din ang magkamukha na ngunit walang kaugnayan sa isa’t-isa. Lalo na at tauhan ni Golem ang kanyang kaharap.

“Kailangan ko ang tulong mo,” parang nagmamakaawa ang babae. Muli siyang tumayo. May dinukot sa kanyang shoulder bag. Hindi na sigarilyo kundi isang junior size na larawan. “Hindi ako maaaring magkamali. Ipinapakita ng kilos mo na hindi

66

Page 67: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

nagkamali ang aking hinuha. At hindi rin maaaring magkamali ang larawang ito,” at iniabot kay Tirong ang hawak na larawan.

Napamulagat si Tirong.MAAGA pang gumayak si Anabel upang umuwi. Iniwan na lang niya sa katulong

ang pag-asikaso ng kanilang tindahan. Balak niyang mamasyal sa university belt upang malaman kung anong paaralan ang kanyang papasukan pagbukas ng klase. Desidido siyang magpatuloy ng pag-aaral upang maging madali ang pagbabago ng kanyang kalagayan.

Ngunit nagulat si Anabel pagdating niya sa kanilang bahay. Bukas ang pintuan. Kumabog ang kanyang dibdib. Karaniwang nauuna siyang makauwi kung hindi siya masundo ni Tirong. Baka napasok sila ng magnanakaw?

Maingat ngunit mabilis na pumasok si Anabel. Nakahanda siya sa anumang masalubong sa loob ng kanilang bahay. Ngunit bigla siyang natigilan nang makitang may isang bote ng serbesa na kabubukas lang at nakapatong sa mesita sa gitna ng sala. Umaapaw pa ang bula nito sa bote. Napakunot ang noo ni Anabel.

“O, ba’t parang ipinako ka d’yan sa ‘yong kinatatayuan?” si Tirong. Nakangiti habang papalabas sa kusina. May bitbit siyang bukas na lata ng sausage.

Napabuntunghininga si Anabel. “Ikaw pala? Sus, tinakot mo ako. Ang akala ko’y napasok na tayo ng magnanakaw.”

“Naisipan kong umuwi ng maaga. Gusto kong makapagpahinga.” Umupo si Tirong sa sopa. “O, maaga ka rin?”

“Balak kong mamasyal sa university belt,” sagot ni Anabel na umupo sa tabi ni Tirong. “Gusto kong tingnan kung alin ang magandang paaralan.”

“Hmmm. Nasabi mo palang gusto mong mag-aral.”“Ikaw, kung gusto mo rin... sumama ka ngayon.”“Titingnan ko... kung hindi ako ganahang uminom.” Tumawa si Tirong. “Parang

allergic pa ako kahit dumaan lang sa harap ng eskuwelahan. Pakiramdam ko’y hindi pa nakuha ang dumi ng tambakan sa aking balat.”

“Loko mo. Ang paaralan ay para sa lahat. Marumi man o hindi ang balat.”Hindi na nagdugtong si Tirong. Tinungga niya ang laman ng bote.“Kung talagang ginaganahan ka’y do’n mo na lang ituloy ang pag-inom.”Nahinto ang pagtungga ni Tirong. Nilingon si Anabel. “Sa’n?”“Sa kumbento,” sinundan ito ni Anabel ng tawa.Ngunit hindi natawa si Tirong. Kumunot ang kanyang noo. Alam niya kung ano ang

sadya ni Anabel sa sinasabing kumbento. Hahanapin nito ang kapatid na si Teresa.“O, ba’t parang wala kang gana?”Hindi na kailangang hanapin pa si Teresa, ito ang gustong isagot ni Tirong. Ngunit

hindi siya umimik. Nangako siya kay Teresa.“Ipangako mo lang na hindi mo sasabihin kay Anabel na nagkita tayo... Na ako

‘yong babaing kasama ni Golem noong magkagulo sa klab,” pagmamakaawa kanina ni Teresa bago ito umalis sa bodega.

Nangako nga siya kay Teresa na hindi niya sasabihin. Ayaw rin niyang sabihin agad kay Anabel dahil lalong magugulo ang sitwasyon. Baka kung ano pa ang gagawin ni Anabel kapag malamang ang kapatid ay nasa kapangyarihan ng taong nagtangka ring kumidnap sa kanya.

67

Page 68: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ngunit ang lalong nagpapagulo sa isipan ni Tirong ay ang pakiusap ni Teresa na pauuwiin niya si Anabel sa probinsiya. Hindi siya nangako kay Teresa ngunit hindi rin siya tumanggi. Alam niyang tama si Teresa sa pag-iwas sa kapatid ngunit hindi matanggap ng damdamin ni Tirong. Ayaw niyang mapalayo sa kanya si Anabel.

Hindi man nasabi ni Tirong kay Teresa ngunit nagpasya siyang gagawin ang kabaligtaran. Hindi niya pauuwiin si Anabel. Ang gagawin niya ay ang pagligtas kay Teresa sa mga kuko ni Golem, na lihim kay Anabel.

Kung paano, ito ang pinoproblema ni Tirong. At ito ang dahilan kung bakit gusto niyang uminom.

Muling tinungga ni Tirong ang bote ng serbesang kalahati pa ang laman.

24

D’ LINK Pubhouse ang pinasok nina Tirong at Anabel matapos silang mamasyal sa university belt.

“Ba’t dito ang gustong-gusto mong pasukan?” tanong ni Anabel sa binata nang makaupo na sila sa isang kubling mesa sa loob ng pubhouse. “Dito ka nag-wild na nagastusan ako, a.”

Natawa si Tirong. “Yan ang gusto kong isipin. Gusto kong laging maalala ang lugar na ‘to.”

Napaangat ang kilay ni Anabel.“Ang panggugulo ko rito ang dahilan ng pagbago ng ating buhay, remember?”

sinundan ito ni Tirong ng malutong na tawa. “At ikaw, ba’t CEU ang napili mong eskuwelahan?”

Matagal na hindi nakasagot si Anabel. Iginala muna ang paningin sa kabuuan ng klab. Pagkuwa’y tumingala sa kisame at ngumiti.

“O, ba’t parang natatawa ka?” Kumunot ang noo ni Tirong na kakaway na sana sa weyter.

“Uminom ka muna. Mam’ya ko na lang sasabihin sa ‘yo kung bakit.” Lalong tumamis ang ngiti ni Anabel.

Tinawag na ni Tirong ang weyter. Umorder siya ng serbesa at juice para sa dalaga nang makalapit ang tinawag. Tinapik pa ng weyter ang balikat ni Tirong at kinindatan bago ito umalis upang kunin ang order ng dalawa.

“O, ba’t ka nga natatawa?” ulit ni Tirong nang makatalikod na ang weyter.“Naalala ko kasi ang penpal ko noon. Do’n din siya no’n nag-aaral sa CEU.”Kumunot ang noo ni Tirong. Hindi niya nagustuhan ang narinig sa dalaga. “Gusto

mo sigurong magkita kayo no’n, ‘no? Kaya pala sa CEU ka mag-aaral.”“Loko. Wala na do’n ang penpal ko. Nando’n na siya sa abroad at hindi na kami

nagsusulatan,” agaw ni Anabel. “Ba’t parang galit ka?”Ayaw kong magkita kayo! Parang isigaw ito ni Tirong ngunit nagpigil siya. Ayaw

niyang magkasamaan na naman sila ng loob kagaya noong una na naging dahilan kung bakit nanggulo siya dito ring klab.

68

Page 69: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Teka, uulitin ko ang tanong ko kanina sa ‘yo. Hindi ako kuntento sa sagot mo kanina na gusto mo lang isipin ang nangyari dito noon,” mula kay Anabel. “Ba’t dito pa tayo pumasok? Dapat sa iba namang kumbento... baka makita ko pa si Teresa.”

“Nakita ko na siya,” naibulong ni Tirong sa sarili at nagsalin sa baso ng serbesa na kalalagay pa lang ng weyter.

“Ano’ng sabi mo?”“A, e... makikita din natin siya.” Parang nabigla rin si Tirong. Hindi niya akalaing

nabigkas niya ang sinasabi lamang ng kanyang isipan.“Sana’y makita natin siya,” may halo ng lungkot sa boses ng dalaga.

“Napanaginipan ko kasi siya kagabi... hinahabol daw siya kagaya ng nangyari noon sa akin. Ang kaibahan lamang ay nahuli siya, ikinadena. At sumisigaw siya sa akin... humihingi ng tulong. Pero hindi naman daw ako makalapit sa kanya dahil may nakapagitang dagat... pagkalawak-lawak na dagat. Aywan kung ba’t ganun ang aking panaginip.”

Tahimik lamang na nakikinig si Tirong. Ngunit parang may tumusok sa kanyang dibdib. Alam na niya ang katotohanan at nagpasasakit ng kanyang kalooban ang paglihim sa dalaga.

“Baka bilanggo na siya ng mga taong ‘yon...”Tama ka, parang isagot ng binata. Dali-dali niyang nilagok ang kanyang serbesa.

Iniusod ang juice malapit sa dalaga. “Inumin mo na. Lumalalim na ang gabi.”Nahilo si Tirong dahil sa biglaang pag-inom ng serbesa ngunit hindi siya makatulog

nang gabing iyon. Ilang beses siyang bumangon at lumabas upang makalanghap ng hangin ngunit hindi siya dinalaw ng antok. Nagsasalimbayan ang mga suliranin sa kanyang isipan. Ito ang nagpababalisa sa kanya.

Ang higit na gumugulo sa kanyang isipan ay kung paano niya sisimulan ang pagligtas kay Teresa. Alam niyang mapanganib ito kung ikukumpara sa pagtulak kay Anabel na bumalik na lamang sa probinsiya ngunit hindi naman niya magawang mapalayo sa dalaga... ngayong natiyak na niyang mahal niya si Anabel.

Alas tres na ng madaling-araw nang makatulog si Tirong. Talagang pinilit niyang makapagpasya kung ano ang gagawin bago bigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang pagod na katawan.

Wala na sa ibaba si Tirong nang bumangon si Anabel. Ang naratnan na lang niya ay ang almusal na nakahanda na sa mesa. Mainit-init pa ang sinangag at mainit pa rin ang pritong langgonisa. Ipinagtaka ito ni Anabel. Bagaman madalas din niyang mababaang naihanda na ni Tirong ang kanilang almusal ngunit madalas ding sa sandaling ito ay naghihintay na sa kanya ang binata.

Nagmamadaling naligo at nag-almusal si Anabel. Pagkatapos ay nagmamadali ring lumakad. Hindi siya tumuloy sa kanyang tindahan sa tambakan kundi tinungo ang lumang bodega. Naratnan niyang nagbubukas pa lamang ng pintuan sina Tikoy.

“Si Tirong?” bati ni Tikoy nang makitang nag-iisa ang dalaga. “Napadaan ka?”“Ako sana ang magtatanong kung saan si Ron,” ganti ng dalaga. “Wala pa ba siya

dito? Wala na siya sa bahay paggising ko, a.”Nagkatinginan sina Tikoy at mga kasama. Pagkuwa’y napangiti ng may kapilyuhan

si Tikoy. Napuna ito ng dalaga.“Hoy, Tikoy. Kung ang pumapasok sa isipan mo’y nagkatampuhan kami,

nagkakamali ka.” Bahagyang nagpakita ng pagkayamot si Anabel.

69

Page 70: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“S-sori, Anabel.” Napawi ang ngiti ni Tikoy. “Baka may pinuntahan lang siyang importante kaya hindi na hinintay na magising ka. Kilala ko si Tirong. Kaya wala kang dapat ipag-alala sa kanya.”

Nang mga sandaling iyon ay maingat na gumigilid si Tirong sa pader ng kuta ni Golem. Tahimik ang hugis bodega na siyang prostitution den ni Golem. Makailang beses na siyang nakapasok dito noong kinukumbinsi pa siya ni Golem na sumama sa grupo nito. Ngunit hanggang sa panonood na lamang siya sa mga babae. At wala siyang nilugaran kungdi sa counter kung saan pasimsim-simsim lang siya ng beer.

Minabuti ni Tirong na madaling-araw siya pumunta sa kuta ni Golem. Alam niyang kokonti na lamang ang gising na mga tauhan ni Golem at madali niyang matiktikan ang kuta. Matiktikan din niya kung saan natutulog ang puno ng sindikato at kung ang mga babae ay may kani-kanyang inuuwian. Makatutulong ang kanyang matuklasan sa planong pagligtas kay Teresa sa mga kuko ni Golem.

Natanaw ni Tirong mula sa kanyang pinagkukublihan na may lumabas na tao mula sa pintuan sa likurang bahagi ng bodega. Pasuray-suray pa ito. Marahil ay lasing pa rin, bulong ni Tirong sa sarili. Kasunod nito ang isang malaking tao. Nakilala agad niyang isa ito sa mga tauhan ni Golem. Lumapit ang dalawa sa kinaroroonan ni Tirong. Lalong nagkubli sa pader ang binata.

Nakita ni Tirong na pumara ng taksi ang malaking lalaki. Sinamantala ito ni Tirong. Maingat na pumasok habang ang atensiyon ng tao ni Golem ay nasa kustomer na akma nang pumasok sa taksi.

Medyo madilim sa loob ng bodega habang tinatahak ni Tirong ang pasilyo papasok sa pinaka-lobby ng prostitution den. Tinungo niya ang malapit sa counter. Doon siya pumunta kung saan may secret door palabas ng bodega. Naalala niya itong lihim na pintuan nang minsan ay dito siya pinadaan ng tauhan ni Golem noong alukin siyang sumama sa sindikato.

Matagal na nagmatyag si Tirong. Tahimik na tahimik. Marahil ay natutulog na ang ang mga babae at ang sinumang naiwan sa loob ng nakahilerang mga silid na nakikita niya mula sa kanyang kinalalagyan. Ito ang nasa isip ni Tirong. Lalo niyang tinalasan ang kanyang mga mata habang iniisip kung ano ang gagawin. Nagpasya siya kagabi na puntahan itong lugar ngunit hindi niya napaghandaang mabuti kung ano ang gagawin.

Napailing si Tirong. Ngayon lang niya naisip ang kanyang malaking pagkakamali. Nagpadalus-dalos siyang sumuong sa panganib na hindi nakahanda. Marahil ay dala lang ng kanyang kagustuhang mapadali ang pagligtas kay Teresa upang hindi siya mapilitang pauwiin sa probinsiya si Anabel.

Parang nagsisisi ngayon si Tirong. Gusto niyang bumalik ngunit naisip niyang samantalahin na lamang ang pagkakataon dahil naririyan na rin lang siya. Alam niyang ang konting matuklasan niya sa kalagayan ng bodega nang madaling-araw na iyon ay makatutulong din sa kanyang plano.

Napaigtad si Tirong nang makitang bahagyang nakabukas ang pintuan ng isang silid. Lumalabas dito ang konting liwanag mula sa ilaw ng silid. Naghintay siya kung may lalabas. Matagal ang kanyang pag-abang ngunit wala pa ring lumabas kaya naisipan niyang lumapit upang sumilip. Dahan-dahan siyang lumapit habang tinitiyak na kubli siya sa pamamagitan ng mga poste at ornamental plants ng lobby.

Malapit na si Tirong sa pintuan nang biglang may dumantay na malamig sa kanyang batok. Agad na nanlamig ang buong katawan ni Tirong. Hindi na siya nakakilos.

70

Page 71: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

25

“NAMBOBOSO ka, ‘no?” may panunuya sa boses ng babaing nagpapiksi kay Tirong. Biglang tumayo si Tirong nang malamang babae pala ang nasa kanyang likuran. Napalis ang pangamba ng binata.

“I-ikaw?” si Teresa. Biglang humina ngunit mariin ang kanyang boses. “Halika, do’n tayo sa kuwarto ko.”

Hindi umimik si Tirong. Tinanggal ang kamay ni Teresa na nakahawak sa kanyang braso. Basa kasi ang kamay ng babae at muling nanlamig ang katawan ni Tirong. Ito ang dahilan kung bakit ang akala ng binata ay may armas ang lumapit kanina sa kanyang likuran. Nakatapis lamang ng tuwalya ang babae. Maaninaw ni Tirong sa dilim ng pasilyong kanilang dinadaanan ang pagkaputi ng hita ni Teresa na hindi natakpan ng tuwalya.

Sa isang panulukang silid sila pumasok. Bantulot pa sana sa pagpasok si Tirong. Ngunit hinila siya ni Teresa.

“B-baka may kasama ka d’yan...”“Si Golem,” mabilis na sagot ni Teresa. Lumutang ang isang pilyang ngiti sa

kanyang mga labi. “Alam mo namang ako ang kanyang reyna.”Napasikad pabalik si Tirong. Nahila niya si Teresa na muntik nang mapayakap sa

kanya. Ngunit hindi na kumilos ang babae. Lalo pa nga itong dumikit sa kanya.“Baka makita ako dito ni Golem.”“Loko. Madaling araw na ‘to. Alam mo namang basta madaling-araw na’y tapos na

ang role ko. At balik naman siya sa kanyang orig.” Huminga si Teresa sa tainga ni Tirong. “Mas macho ka kay Golem.”

Marahang itinulak palayo ni Tirong si Teresa. Parang sinisilaban siya sa init ng hininga ng babae sa kanyang tainga. Nawala ang panlalamig ng kanyang katawan. Namasdan niya ang kabuuan ni Teresa na nakatingala sa kanya. Ang mga tingin ng babae ay nag-aanyaya. Napalunok si Tirong.

“O, ba’t parang tinuklaw ka ng ahas d’yan? Titingnan mo na lang ba ako? O, ano?” at biglang binitiwan ang tapis na tuwalya.

Biglang tumalikod si Tirong. Pinipigil ang damdamin. “Hindi ‘yan ang sadya ko rito.”

“Hmmm. Kung hindi, ano?” may yamot sa boses ng babae. Yumuko at dinampot ang tuwalya. Muli itong itinapis sa katawan at umupo sa harap ng kanyang dresser. “Sabihin mo sa akin. Ba’t nakapasok ka dito at naratnan pa kitang may sinisilip do’n kanina sa kabilang kuwarto?”

Hindi agad nakaimik si Tirong. Huminga siya ng malalim. Alam niyang hindi siya maaaring magsinungaling. Mahirap maghanap ng lusot sa harap nitong babaing sanay na sa pamamaraan ni Golem. Unti-unti niyang isinara ang pintuan ng silid. Nilapitan ang babae.

“Gusto kong tulungan mo ako... para matulungan kita.”“Ibinibigay ko na nga sa ‘yo. Pero bakla ka siuguro.” Nilingon ni Teresa si Tirong.

Nakakunot ang noo. “Basta alalahanin mo ang ‘yong pangako. Iiwas mo dito sa magulong lungsod si Anabel.”

71

Page 72: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Matagal ko nang nagawa ‘yan. At gagawin ko rin ang pag-iwas sa gulo sa taong malapit kay Anabel. Lalo na sa ‘yo na siyang dahilan kung bakit naririto ngayon sa magulong lungsod si Anabel.”

“Hindi tayo nagkakaintindihan kung ganun, Tirong,” may hinanakit sa boses ng dalaga.

“Ililigtas din kita sa kuko ni Golem.”“Hindi mo siya kaya.”“Sisikapin ko. Ihahandog ko ang aking buhay para sa inyo ni Anabel.”“Ba’t mo ginagawa ‘to?”“Para kay Anabel,” mariin ang boses ni Tirong.“May damdamin ka para sa kanya?”“Sa akin siya napadpad... tungkulin kong pangalagaan siya.”“Nagsisinungaling ka. May iba kang pagtingin sa aking kapatid.”Bumuntunghininga si Tirong. Tumango. “Natutunan ko na siyang mahalin.”“Hindi ka bagay sa kanya!” halos pasigaw na sambit ni Teresa. “Andaming babaing

mas bagay sa ‘yo. Halimbawa kagaya ko... Mas bagay akong mula sa putikan para sa ‘yo na galing naman sa tambakan.”

Nanginig ang buong katawan ni Tirong. Parang dadakmain niya ang babae at dudurugin sa kanyang mga kamay. Ngunit nagtimpi siya. “Ang nais ko lamang ay mailigtas ka dito. Para mapanatag ang damdamin ni Anabel. At matupad niya ang kanyang pangarap.”

“Hindi na ako makakaahon dito. Ilang beses ko nang ginawa pero nandito pa rin ako. Wala ng pag-asa, naintindihan mo?” Hindi na nakapagpigil si Teresa.

“Tess... Tess, ano ka ba? Hindi ako makatutulog dito,” boses ng babae sa kabilang kuwarto na nagpaumid kay Teresa.

“Please, umuwi ka na kung ang pakay mo’y pagpalala lamang ng gulo. At huwag ka nang bumalik dito.” Itinulak ni Teresa si Tirong palabas. “Sundin mo ang pakiusap ko sa ‘yo.”

Umakyat ang dugo sa ulo ni Tirong. “Ikaw na’ng inaahon sa putikan... ikaw pa ang pilit nagpapakalunod dito!”

Madilim ang pag-iisip ni Tirong habang tinatahak ang daan pabalik sa tambakan. Hindi pa siya nakapag-almusal at kumakalam na ang kanyang sikmura ngunit hindi siya bumalik sa kanilang bahay upang kumain. Tumuloy na lamang siya sa bodega. Naratnan niya sina Tikoy na nagsasalansan ng sako-sakong bote.

“Dumaan dito si Ama, Part,” sabi ni Tikoy nang malingunan ang pagpasok ni Tirong. “Sa’n ka ba galing?”

“May importante lang akong lakad. Sige,” paiba niya. “Tingnan ninyo kung p’wede nang ilulan ‘yan para makunan n’yo ng delivery. Kailangan ko ang malaking halaga ngayong linggo.”

“May problema ba?” Tinigilan ni Tikoy ang pagsalansan. “May maitulong ba kami?”

“Kasama kayo sa planong ‘to. Kaya sundin mo ang sinabi ko.”MAAGA pa nang sumunod na araw ay naghanda na si Anabel. Nauna siyang

nagising kay Tirong. Alam niyang natutulog pa ang binata dahil patay pa ang ilaw nang bumaba siya. Naligo muna siya bago nagluto ng kanilang almusal. Nang makaluto ay agad na kumain. Hindi na niya ginising si Tirong dahil alam niyang nakainom ito kagabi

72

Page 73: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

kasama nina Tikoy. Maliban dito ay may konti silang tampuhan ng binata. Hindi na sila nag-usap hanggang gumabi.

Kokonti pa lang ang mga estudyanteng nakapila sa registrar’s office pagdating ni Anabel sa CEU. Pumila din siya matapos makakuha ng brochure na nakalagay sa mahabang mesa sa bungad ng opisina.

Ikatatlo na sa pila si Anabel nang makita niyang umurong ang lalaking nasa unahan na ng pila.

“Aba, bigla naman ang pagtaas ng tuition. Kung ganyan din lang hahanap na lang ako ng malipatan,” bulong ng lalaking kinuha ang papel na nasulatan ng kanyang pangalan sa harap ng registrar. Napapalatak na lumabas sa pila.

Nakita ni Anabel na maayos ang damit na suot ng lalaki. Tipong may sinasabi ang pamilya.

“Hoy, kung mag-e-enrol ka, dalian mo,” tinig ng sa likuran ni Anabel na nagpakislot sa kanya. Hindi niya napansing siya na pala ang nasa unahan ng pila. Nawili kasi siya sa pagtingin sa lalaking umatras.

Sa halip na lumapit sa registrar ay lumabas din sa pila si Anabel. Naisip niyang kung mataas ang tuition ay baka mahirapan siya. Naisip din niya na kung umatras ang lalaking sa tingin niya ay may kakayahan ang pamilya dapat umatras din siya... siya na magiging working student lamang.

Nakita ni Anabel na nagkatinginan ang ibang nakapila. Napako ang tingin ng mga ito sa kanya. Pati ang lalaking umatras ay napatingin din sa kanya.

“O, Miss, nagbago din ba’ng isip mo?” sabi ng lalaki na lumapit kay Anabel. “Kung gusto mo sumama ka sa akin. Hahanap tayo ng ibang eskuwelahan.”

Hindi kumilos si Anabel. Bagaman hindi siya nagdududa sa lalaki ngunit hindi pa niya ito kilala.

“I’m Jun. Jun Santos,” nakangiting pakilala ng lalaki. “Second year ko na ‘to sa Masscom. Good boy ako.”

Nagpakilala na rin si Anabel. Naisip at naramdaman niyang good boy nga si Jun. At napatunayan ni Anabel na may kaya nga ang pamilya ni Jun. May sarili itong kotse na siya nilang sinakyan patungo sa PCU. Mas mura ng konti ang tuition sa naturang eskuwelahan. Mas malapit pa ito sa kanyang tinitirhan malapit sa tambakan at puwede pa nga niyang lakarin.

Masscom din ang kinuha ni Anabel. Tinulungan siya ni Jun sa pasikut-sikot ng eskuwelahan.

“Ba’t tuition ang pinili mo at hindi standard ng eskuwelahan gayung may kaya naman kayo?” tanong ni Anabel matapos silang makapag-enrol.

“Karunungan ang kailangan ko, hindi ang halaga ng karunungan. Kung ano ang pangarap mo sa ‘yong buhay ay gayundin ang pangarap ko. Ang mahalaga’y makatapos ako... na pinagsikapan ko.”

Dala pauwi ni Anabel ang paghanga sa prinsipyo ni Jun. Matiwasay ang kanyang pakiramdam habang patungo na sa kanilang bahay. Ngayon ay naragdagan ang mga taong kagaya ko ang pag-iisip, naisip ni Anabel.

At pakiramdam ng dalaga sobrang liwanag ang isinasaboy ng araw ngunit hindi masakit sa mata at damdamin.

73

Page 74: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

VII

ULAN SA LANGIT

-TIRONG, Part. Ba’t bumili ka n’yan?” may pangamba sa boses ni Tikoy habang pinagmamasdan ang kumikinang na armas sa kamay ni Tirong.“T

“Kelangan natin ‘to,” maigsing sagot ni Tirong habang patuloy ang pagpunas sa kalibre traynta’y otsong rebolber. Pagkatapos pinaikot ito sa kanyang daliri.

‘“K-kala ko’y gowing streyt na tayo.” Nakamot ni Tikoy ang kanyang batok. “‘Di ba sabi mo iiwasan na natin ang gulo?”

“Tama ka, Tikoy. Pero may mga taong nagpapaliko ng ating landas. Kailangang may panlaban tayo kung gusto nating walang makahadlang sa ating pagbabago.”

“Lalong lumalalim, Part. Talagang ‘di ko maintindihan kung ano’ng ibig mong sabihin.” Napasutsot pa si Tikoy.

“‘Wag kang mag-alala. Malalaman mo rin ‘to.” Huminga ng malalim si Tirong. Tinanggal ang bola ng rebolber sa lock. Inilabas ang mga bala sa kanyang bulsa at isa-isang ipinasok sa walong butas ng bola. “Basa steady ka lang. At kailangang lagi kang handa.”

“Ol da taym naman ako, a,” nakangising sabi ni Tikoy. “Basta para senyo ay lagi akong handa.”

Masaya na si Anabel pag-uwi niya nang takipsilim na iyon mula sa kanyang tindahan. May dala siyang mga ulam para sa kanilang hapunan. Sinadya niyang huwag magluto ng hapunan sa kanilang bahay upang mabigyan ng pansin ang paglilinis. Gusto niyang maayos ang lahat bago dumating ang susunod na araw.

“Abalang-abala ka, a,” puna ni Tirong sa dalaga pagdating na pagdating niya. Pabagsak siyang umupo sa silya sa sala. Masusing tiningnan ang dalagang abala sa pag-

74

Page 75: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

aayos ng kanilang mga gamit. “Aba, nakaluto ka na pala? Parang me bertdey, a. Andami niyang handa sa mesa.”

“Me konti lang na selebrasyon,” sagot ni Anabel na pinukol ng isang matamis na ngiti ang binata.

“Hmmm. Para sa ano?”“Hulaan mo.” Lumapit si Anabel kay Tirong. Hinila ang dyaket ng binata na akma

nitong hubarin.“Ayaw kong manghula. Mahirap magkamali,” sinundan ito ni Tirong ng mahinang

tawa. “Ang tiyak ko lang na ‘di ko bertdey.” Tumayo siya upang tunguhin ang mesa ngunit napahinto siya nang pigilan ni Anabel.

“R-Ron? Ba’t may rebolber ka?” may pag-alala sa boses ni Anabel. Nasulyapan niya ang rebolber na nasukbit sa baywang ni Tirong.

Hindi kaagad nakasagot si Tirong. Hindi niya agad naitago ang nakasukbit sa baywang nang mahubad niya ang kanyang dyaket. Pilit siyang ngumiti. “Proteksiyon lang, Anabel.”

“May binabalak ka?” Nabura na ang kanina ay masayang mukha ng dalaga.Hindi masabi ni Tirong kung ano ang kanyang binabalak. Ngunit matalinong babae

si Anabel. Hindi ito madaling paglihiman. Naisip ni Tirong na kung maglihim siya sa dalaga baka hindi ito mapanatag at magiging dahilan pa ng muli nilang pagtalo. At ito ang ayaw niyang mangyari. Ngunit kailangang maghanap siya ng dahilang mapaniwalaan ng dalaga.

“Naalala mo si Jimboy?”“Oo. Pero sino ba naman si Jimboy na paglalaanan mo ng armas na ‘yan? Kaya mo

siya na hindi na kailangan ‘yan, a,” giit ng dalaga.“Nakalimutan mo na bang nakasama na si Jimboy sa organisadong grupo? Aba, may

pera si Goyo na pantaguyod sa kalukuhan ni Jimboy.”Sandaling nag-isip si Anabel. Naisip niyang may rason ang binata. Hindi nga

malalaman kung ano ang gagawin ni Jimboy na nakasandal na ngayon sa tusong Intsik. Napatango siya. Sinamantala ito ni Tirong.

“O, ‘wag mo nang problemahin ‘yan. Sayang kung mawala pa ang mood mong kanina ay masaya ka. Ano nga pala ang okasyon?”

Muling bumalik ang saya sa mukha ni Anabel. “Para sa bagong chapter ng aking buhay.”

“Ano ‘yan?”‘“Di ba sabi ko sa ‘yo mag-aaral ako? Well, magsisimula na ako bukas sa PCU.”“Ayos!” nasambit ni Tirong na itinaas ang kanang kamay at palagapakin sa palad ni

Anabel. “Sanay makatapos ka para matupad mo ang ‘yong pangarap.”Masaya silang nagsalo sa selebrasyong inuukol ni Anabel sa pagsisimula niyang muli

sa pagbalik sa paaralan.NANIBAGO si Anabel sa unang araw ng kanilang klase. Ngunit madali siyang

nakapag-adjust dahil ang mga estudyante dito sa Maynila ay napakamoderno. Ang pakiramdam nila sa paaralan ay parang parke lang na ang kanilang kilos ay tila namamasyal lang.

Ang halos buong araw ni Anabel sa paaralan ay ginugol niya sa pag-familiarize sa lahat ng sulok ng kolehiyo. Pinuntahan niya ang library. Ito ang una niyang pinuntahan

75

Page 76: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

dahil ito lang ang maaasahan niya kung wala siyang ipambili ng libro. At ang libro ang siyang matibay na sandalan sa pag-aaral.

Alas kuwatro y medya na nang maisipan ni Anabel na umuwi. Alas sais sa gabi natapos ang kanyang last subject ngunit dahil umpisa pa lang ng klase ay hindi regular ang kanilang sesyon. Ni hindi na sila nakapagklase sa second to the last subject nila dahil nagkakagulo pa ang ibang mga estudyante sa paghahanap ng kanilang room.

Papalabas na si Anabel sa gate nang biglang napapiksi nang may marinig siyang ingit ng preno ng sasakyan. Muntik na siyang mabundol. Galit na lumapit siya sa kotse sa kanyang likuran. Mumurahin niya ang hindi nag-iingat na drayber.

“Hoy!” sigaw ni Anabel pagtapat niya sa driver’s side ng sasakyan. Agad ding nagbukas ang pintuan nito at dumukwang ang ulo ng drayber.

“Anabel!” si Jun. Agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan. “Whew! Ikaw pala,” at ngumiti nang mahimasmasan.

“Hindi ka nag-iingat,” may halong yamot sa boses ng dalaga. “Gusto mo pala akong sagasaan.”

“No!” Hinawakan ni Jun si Anabel sa braso. “I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya. Come on. Sakay na... ihahatid kita sa inyo.”

“Thank you na lang.” Talagang masama ang loob ni Anabel. Nanginginig pa ang kanyang mga tuhod.

Napabuntunghininga si Jun. “Well... bahala ka. Hindi ka kasi dumaan sa pedestrian,” may tampo din sa boses ng lalaki. Pinukol niya ng tingin ang malaking karatula sa tagiliran ng guardhouse.

Nanlaki ang mga mata ni Anabel nang sundan ng tingin ang tinutukoy ni Jun. Malaki nga ang nakasulat na: PEDESTRIAN, USE THE OTHER GATE. Biglang napalitan ng pagkapahiya ang nadaramang galit ni Anabel. Sinulyapan niya si Jun. Ngumiti ito ng maunawain.

“I-I’m sorry,” nasambit ni Anabel. “Kung gusto mo akong ihatid, okay. Pero hanggang Lawton lang.” At agad siyang pumasok sa sasakyan.

HINDI mapakali si Tirong habang pinapaikot ang rebolber sa kanyang hintuturo. Hindi pa niya nababawasan ang isang boteng serbesa na nasa mesita sa kanyang harap.

“Part, ano’ng problema?” tanong ni Tikoy na nagtataka. “Kanina pang di ka mapakali, a.”

“Iniisip ko lang ang magiging takbo ng pamumuhay ko.”“Taong ‘to. Kung noon parang hindi ka nag-aalalang sa kariton ka natutulog, pero

ngayong may bahay na kayo... at malaki na ang kinikita...”“Iba noon, Tikoy. Mag-isa lang ako no’n. Pero ngayong may kasama na ako... na

nag-aaral na ngayon... hindi ko alam kung ano ang daramdamin.”“Uy, umiibig na ang pare ko.”“Nag-aalala lang ako, Tikoy,” pakli ni Tirong. “Wala ako sa kanyang tabi sa buong

araw.”‘“Wag kang mag-alala. Kaya ni Anabel na pangalagaan ang sarili.”Bigla silang napalingon nang may tumigil na kotse sa unahan. Nakita nilang may

lalaking bumaba. Umikot ito sa kabilang pintuan ng sasakyan. Binuksan ito. Bumaba din ang kasamang babae. Kilala ni Tirong ang babae ngunit hindi niya kilala ang lalaki. Nakaramdam siya ng panghihigpit ng kanyang kalamnan. Nag-init ang kanyang

76

Page 77: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

pakiramdam. At isinukbit niya ang rebolber sa kanyang baywang. Tumayo siya upang salubungin ang kabababa sa sasakyan.

27

“O, paano, dito na lang ako,” nasambit ni Anabel nang makababa siya sa kotse. “Thank you sa paghatid mo, Jun.”

“Hindi mo ba ako yayaing pumasok? Gusto kong makilala ang mga kasama mo.”“Sa ibang araw na lang, Jun. ‘Di ba sabi ko kanina doon mo na lang ako ihatid sa

Lawton? Pero nagpilit ka hanggang dito... at hanggang dito na lang muna.” Pumihit na si Anabel upang tumungo sa kanilang bahay. Ngunit natigilan siya nang masulyapan si Tirong na nagmamadaling patungo sa kanila. Napuna agad ni Anabel na galit ang binata. Alam niyang mahirap na kung madulas si Tirong at mapahiya siya sa kanyang kaibigan.

“Hi,” bati niya sa binata.Ngunit parang walang narinig si Tirong. Matalim pa rin ang tingin niya sa kasama ni

Anabel. Bigla namang nabura ang ngiti ng kaibigan ni Anabel dahil sa talim ng tingin ni Tirong. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Anabel at kay Tirong.

Agad namang nagpasya si Anabel. Naramdaman niya ang papainit na tensiyon. “Halika muna sa bahay, Jun,” nasambit ni Anabel sabay lapit sa lalaki at hatakin sa braso. Muling nilingon si Tirong. Matigas ang mukhang kinindatan ang binata. Gustong ipaalam kay Tirong na hindi niya nagustuhan ang ikinikilos nito. Parang sinubhan din ang lalaki sa ginawa ni Anabel. Agad nag-iba ang timplada nito. “Ron, si Jun... kaibigan ko.”

“H-hi,” pinilit ni Tirong na pasayahin ang boses. “Salamat sa paghatid mo sa aking... kapatid,” parang nabiglang ganti ni Tirong.

Nagtatakang napatingin si Anabel kay Tirong. Ngunit hindi ito umimik.Gustong pitikin ni Tirong ang sariling tainga sa di-sinasadyang pagsambit ng kapatid,

lalo na at may nakita siyang kinang sa mga mata ni Jun. Kumulo ang selos sa kanyang dibdib. “O, paano... hindi ka na dadaan?”

Naunawaan din ni Jun ang ibig sabihin ni Tirong. Hindi na siya nagtagal. Matapos makapagpaalam ay agad siyang sumakay sa kanyang kotse at mabilis na pinatakbo.

Walang imikang magkasunod na pumasok sa kanilang bahay sina Tirong at Anabel. Nagdadabog si Anabel. Nakaramdam naman ng hiya si Tirong. Inaamin niyang naging bastos siya sa ipinakita sa kaibigan ni Anabel. Ngunit wala na siyang magawa. Nangyari na iyon at kailangang humingi na lamang siya ng paumanhin sa dalaga.

Ngunit talagang nasaktan ang loob ni Anabel. Hindi siya maghahapunan kahit ilang beses siyang niyaya ng binata.

“Lumaklak ka d’yan kung gusto mo!” singhal ng dalaga nang akyatin ni Tirong sa kuwarto niya. Hindi na siya nakapagpalit ng kanyang damit at dumapa sa kanyang higaan. “Ang akala ko’y matutuwa kang may nakilala akong makatulong sa akin.”

“Taong ‘to, oo. Hindi mo naman maialis sa aking magduda. Lalo na sa mga lalaking ‘di ko kilala,” pagmamatwid ni Tirong.

77

Page 78: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“First day ko pa naman sa school. Sama ng loob agad ang ibinigay mo sa akin,” may hinanakit pa rin sa boses ng dalaga.

Napabuntunghininga si Tirong. “Okey, hindi na mauulit kung ‘yan ang gusto mo,” at agad siyang tumalikod. Patakbong bumaba.

Nagtaka na lamang sina Tikoy nang sunod-sunod na lagok ng beer ang ginawa ni Tirong. Nagkibit na lamang sila ng balikat at sinabayan ang inom ng kanilang kaibigan.

HINDI na inabutan ni Tirong si Anabel kinaumagahan. Nagising siyang nakahanda na sa mesa ang almusal ngunit nang buksan niya ang kaldero ay nagtaka siya kung bakit walang bawas ang bagong lutong sinaing. Napailing siya. Sobra ang tampo ni Anabel sa ginawa niya kahapon. Sa kabila nito ay nakaramdam ng tuwa ang binata. Nagtatampo nga sa kanya ang dalaga ngunit hindi kinalilimutan ang pag-alaga sa kanya. Katulad na lamang ng paghanda ng kanyang almusal ngayon.

Dala ni Tirong ang pagsisisi sa ginawa kay Anabel hanggang sa kanyang bodega. Nakadagdag ito sa pagkakagulo sa kanyang isipan. Pakiramdam niya ay tatrangkasuhin siya dahil sa pag-isip. Ayaw nang pumasok sa kanyang isipan kung ano ang gagawin upang maayos ang lahat. May pangako siya sa sarili para kay Anabel at sa kapatid nito. Ano ang una niyang gagawin?

Maghapong magulo ang isipan ni Tirong. Sa buong araw na paglagi niya sa bodega ay pag-inom lang ng serbesa ang kanyang inatupag. Nang makaramdam ng pagkaliyo ay naisipan niyang magliwaliw. Gusto niyang makalanghap ng hanging hindi gaanong mainit sa kanyang pakiramdam. Naglakad-lakad siya sa tabing-dagat hanggang nakarating siya sa Luneta.

Nakaramdam ng katiwasayan si Tirong nang muling makita ang karaniwang tanawin sa makasaysayang parke. Naisip niya na sa katulad nitong lugar ay maikukubli ang tunay na damdamin ng tao. Ang madalas mo lang na makita ay ang tuwa sa mga mukha ng namamasyal, at pag-ibig sa bawat parehang nagpapalipas-oras sa naturang lugar.

Tinungo ni Tirong ang lugar na ilang gabi nilang tinulugan ni Anabel. Nais niyang maalala ang mga sandaling iyon na nakasandal pa lamang sa kanya ang dalaga. Kaysarap sa kanyang pakiramdam ang mga sandaling iyon na halos walang minutong hindi sila magkasama.

Nang makarating si Tirong sa malaking punongkahoy na noon ay siyang naging lilim at saksi ng kanilang pagsasama ni Anabel, umupo siya ng pasandal sa puno nito. Pinikit ang mga mata na parang sinisikap balikan ang nakaraan sa kanyang isipan. Bagaman may nararamdamang konting paninikip ng dibdib ngunit nananatili ang ngiti sa kanyang mga labi.

ALAS sais ng hapon ang uwian nina Anabel sa kanilang last subject. Agad siyang nagligpit at tinungo ang gate. Gusto niyang makauwi agad. Sa katotohanan nakikinig lang siya sa kanilang aralin kanina ngunit ang kanyang isipan ay nandoon na sa kanilang bahay. Iniisip niya kung ano ang ginagawa ngayon ni Tirong. Nahihiya siyang isiping ang pag-alala sa kanya ng binata ay itinuring niyang panghihiya sa kanya sa harap ng bagong kaibigan. At ito ang dahilan kung bakit hindi na niya hinintay na magising ang lalaki at umalis patungong paaralan.

Napailing si Anabel na nagmamadaling lumabas sa gate. Ngunit napahinto siya nang may bumusina. Nang lumingon siya ay nakita niya si Jun na dumungaw sa sasakyan nito. Naghihintay pala ito sa tabi ng kalsada.

“Hop in.”

78

Page 79: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“S-sorry, Jun. Pero maglalakad na lang ako.”“Ow, natatakot ka sa kapatid mo?” parang nagtampo si Jun. Nabura ang aliwalas sa

kanyang mukha. “Kung gusto mo hanggang Lawton na lang.”“Sa ibang araw na lang, Jun. Gusto kong maglakad-lakad ngayon.”“Kundi sama tayong maglakad. Mabuti nga ‘yang may time tayong makapag-usap.”

Parang kumislap ang mga mata ni Jun. Bumaba siya sa kotse at lumapit sa dalaga.Mariing napatingin si Anabel sa lalaki. Tinatantiya ang katapatan sa sinabi nito.

Pinag-ukulan din ni Anabel ng tingin ang naka-parking na kotse ng binata. Napakunot-noo si Anabel.

Nakangiti si Jun na sinundan ng tingin ang tinitingnan ni Anabel. “Walang problema. Iiwan ko sa campus ang kotse ko. Hintay lang, ha?” at agad siyang tumakbo pabalik sa kotse. Pinaandar at dali-daling pinaatras upang makabalik sa campus ng paaralan.

Hindi na umimik si Anabel. Parang gusto niyang habulin at pigilan ang binata. Naalala niya ang maaaring isipin ni Tirong. Ngunit naisip niyang mas makabubuting makausap niya ngayon si Jun. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa binata dahil sa nangyaring pambabastos dito ni Tirong.

Kung ilang sandali na nanatiling nakasandal si Tirong sa malaking punongkahoy. Dahil nahihilo pa sa nainom niya ay nakatulog siya... at nanaginip. Inaagaw daw sa kanya ng mga tauhan ni Golem si Anabel. Hinabol niya ang mga taong kumakaladkad sa nagtitiling Anabel. Ngunit parang kinukulang siya sa lakas. Hindi siya makatatakbo ng mabilis. Nang bigla na lamang may humarang sa mga tauhan ni Golem. Isang bata at guwapong lalaki. Nalupig nito ang mga tauhan ni Golem at nailigtas ang dalaga. Ngunit napasigaw si Tirong nang makitang dinala ng lalaki si Anabel. At tingin niya ay parang gusto rin ng dalaga.

Napaupo sa labis na galit si Tirong. Nasuntok niya ang kalsada.Napapitlag si Tirong nang maramdaman ang tigas ng puno. Ito pala ang kanyang

nasuntok. Napailing siya. Matamlay ang katawang tumayo. Nagpalinga-linga. Ngunit kinulapulan ng yamot ang kanyang dibdib. Sa unahan ay may nakita siyang paparating sa kanyang kinaroroonan. Masinsinan ang pag-uusap ng dalawa na siyang nagpasiklab ng damdamin ni Tirong. Nanginig ang kanyang katawan.

28

NAWALA na ang pangamba ni Anabel na hindi siya agad makauwi ng hapong iyon habang masinsinan ang kanilang kuwentuhan ni Jun. Ni hindi na niya napansing nasa kalagitnaan na sila ng Luneta. Malapit na nga sila sa nakahilerang malalaking mga punongkahoy. Kalog kasi si Jun at magaling magdala ng usapan.

“Pakiramdam ko’y parang tao na ako ngayon,” sabi ni Jun habang sinusulyapan ang mga taong nagliliwaliw sa parke. “Hindi kagaya noon na paglabas sa klase ay diretso akong uuwi. Obligado ng mga parents, you know.”

“Mama’s boy ka siguro,” biro ni Anabel.

79

Page 80: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Hindi. Concerned lang sila sa akin. Marami kasi ang kinikidnap kaya nag-aalala din akong maglabas-labas. Pero ngayong kasama kita, pakiramdam ko’y wala akong dapat alalahanin... walang dapat pagdudahan.”

“Uy, may laman ang sinasabi mo.”“Gusto kita.” Saglit na huminto si Jun. Nakangiti sa dalaga.“Hindi ko gusto ‘yan...”“Hindi mo ako gustong maging kapatid... dahil pakiramdam ko ay nakakita ako ng

nakatatandang kapatid sa ‘yo?” birong ganti ni Jun nang makitang nag-iba ang anyo ng dalaga.

“Loko!” Napatawa si Anabel. Pero seriously... gusto rin kita...”“Talaga?” Kumislap ang mga mata ni Jun. Dali-daling humakbang palapit sa dalaga.

Akmang hawakan ang kamay ni Anabel. Ngunit humakbang itong palayo.“Oo... gusto kitang kalaro,” at tumawa si Anabel sabay takbo.Natatawang hinabol din siya ni Jun.Biglang napahinto si Anabel nang may humarang sa kanyang daanan. “R-Ron?”“Hi, Brod,” bati ni Jun kay Tirong nang makalapit na siya. “Sinamahan ko lang si

Anabel hanggang dito. Sinusundo mo ba siya?”“Sinusundo mo ba ‘ko?” ulit ni Anabel sa tanong ni Jun.Hindi nakaimik si Tirong. Binawi ang nanunumbat na tingin kay Anabel. Hindi niya

inaasahang ganito ang itatanong sa kanya ng dalaga. Lalong hindi niya inaasahang magkikita sila dito sa Luneta.

“Aba, hoy,” gambala ni Anabel na hinawakan sa braso si Tirong. “Parang wala ka sa sarili, a. Sinusundo mo ba ‘ko?”

“Ha, a... e, hindi. Nagkataon lang na napadaan ako dito. May kinatagpo ako ditong kontak... at may katatagpuin pa ako doon sa Santa Cruz,” naidahilan ni Tirong. Sa katotohanan ay wala siyang pupuntahan. Ngunit ang nasambit niya ay pag-iwas lang na magkausap sila ni Anabel upang maiwasan din ang pagsiklab ng kanyang damdamin. Ayaw niyang madulas na naman siya sa pagpakita ng selos, lalo na at iniiwasan niyang sumamang muli ang loob ng dalaga.

Napasimangot si Anabel. “Kung gayon ay ‘di pala tayo makakasabay pauwi. Sana sama na lang tayo.”

“P-pasensiya ka na lang, Anabel. Importante ang transaksiyon ko,” at hinarap niya si Jun. “Salamat kung maihatid mo na lang si Anabel.”

“Okey, Brod,” natutuwang sagot ni Jun. “I’ll take care of your sister.”Bantulot pa sana si Anabel sa paghakbang dahil alam niyang nagdamdam si Tirong

dahil magkasama na naman sila ni Jun. Ngunit nang makitang tumalikod na si Tirong ay hinila na lamang niya sa braso si Jun at humakbang.

Malayo na sina Anabel nang lumingon si Tirong. Nakita niyang lumingon din si Anabel. Ngunit nang makita nito na lumingon din siya ay umismid at muling ipinagpatuloy ang paglakad. Ano kung may Jun ka? Ito ang nasa isipan ni Tirong. Ipinagpatuloy niya ang walang direksiyong paghakbang.

Doon sa klab ni Golem inihatid ng kanyang mga paa si Tirong. Maaga pa ang kanyang pagdating kaya kaunti pa lang ang mga kustomer. Tumuloy siya sa isang kubling bahagi ng klab. Ito ang kanyang pinili upang malinaw na makita niya ang lahat nang pumapasok.

80

Page 81: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Tatlong boteng beer kaagad ang sabay na inorder ni Tirong. Pagdating ng weyter na naghatid ng kanyang order ay agad niyang kinuha ang serbesa at tinungga.

“Problema, Part? Baka gusto mo ang kateybol para me mag-aliw sa ‘yo?” puna ng weyter.

“Padalhan mo ‘ko.”Dalawang bote na ang naubos ni Tirong nang may tumapik sa kanyang balikat. “Ang

aga namang pagpapakalunod mo sa beer,” boses ng babae na kilalang-kilala ni Tirong.“Teresa? Ba’t ikaw ang nandito?” nagtatakang sambit ni Tirong. Alam niyang hindi

basta-basta tumiteybol si Teresa. Babae ito ni Golem at ito lamang ang may karapatan dito.

“Maaga pa ‘to. Hindi pa nagsidating ang mga GRO namin.”“GRO?”“Guest relations officer.” Tumawa si Teresa. “‘Yan na ang pagtawag ngayon sa mga

hostes noon. At nang sabihin ng weyter na ikaw ang naghahanap ng kateybol ay ako na ang nagprisinta.”

Napalatak si Tirong. Ngumiti. “Baka magalit si Golem.”“Hmp!” Sumimangot si Teresa. “Busy ‘yon sa bago niyang nadagit.”“Kung gayon scratch ka na pala?”“Hindi naman. Ako pa rin ang reyna. Alam mo namang ako ang katulong niya sa

kanyang mga aktibidad. Ang kanyang maaasahan.”“Delikado pa rin pala...”“Pero may pagkakataon nang makapaglakwatsa... kahit sandali.”“Drinks?”“Kung ano ang iniinom mo, ‘yon na lang,” sagot ni Teresa. Nangalumbaba siya at

tumingin sa binata.Agad ding umorder si Tirong ng serbesa para kay Teresa at isang round pa para sa

kanya. Agad ding nagbalik ang weyter dala ang kanyang order.“Teka,” si Teresa. Sinalinan niya ng beer ang kanyang baso. Lumagok ng isa.

“Pumarito ka ba para pilitin akong umalis dito?”“Hindi sadya ang pagparito ko ngayon.”“Hmmm. Me problema ka lang yatang gustong kalimutan, ‘no?” Ngumiti si Teresa.

“Babae ba?”Babae... at kapatid mo. Ang sagot ay ibinulong na lamang ni Tirong sa sarili. Ngunit

tumangu-tango siya.“Kung babae ang problema mo... ngayon ay solved na. Ako ang bahala sa ‘yo. Kung

gusto mo, gagawin ko ang higit pa sa ginagawa ko kay Golem. Maluwag pa sa kalooban.” Lumipat ng upuan si Teresa sa tabi ni Tirong. Inakbay ang isang kamay sa balikat ni Tirong at ipinatong dito ang baba. “Sabihin mo lang kung saan ang gusto mo.”

Nagsasalit-salitan ang sari-saring kulay sa diwa ni Tirong. Nagpagulo ito sa kanyang isipan. Ngunit ang mabangong alingasaw ng katawan ni Teresa ay nagpainit sa kanyang katawan. Sunod-sunod na nilagok ang kanyang serbesa. Parang dinuduyan siya ng pang-aakit ni Teresa.

ALAS onse na ng gabi ngunit hindi pa umaakyat sa kanyang silid si Anabel. Buklat-tiklop siya ng kanyang aklat habang naghihintay sa sala. Ngunit walang pumapasok sa kanyang binabasa. Nandoon ang kanyang isipan kay Tirong. “Ang gago... nagalit na naman siguro,” usal niya.

81

Page 82: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ilang minuto pa siyang naghintay. Ilang beses siyang sumilip sa bintana kung may paparating. Ngunit wala pa rin kahit anino ni Tirong. Kalauna’y nainip si Anabel. Nagdadabog na umakyat sa kanyang silid. “Bahala ka sa buhay mo!” bulong niya sa sarili.

“I-I’M sorry,” tila nahihiyang sambit ni Tirong habang nagsusuot ng kanyang pantalon.

“Para sa ano? Sa libreng ligaya?” nakangiting tanong ni Teresa. Hinawakan ang kumot na nakatakip sa kanyang dibdib at bumangon. Nariyan sila sa isang silid ng isang mumurahing motel. “Ako’y hindi nakakaramdam ng sori-soring ‘yan. Masaya pa nga ako. Ngayon lang ako sumaya ng ganito.”

Masusing natingnan ni Tirong si Teresa. Nakita niya sa mukha nito ang ganda ni Anabel. At nakaramdam ng pagkaasiwa ang binata.

“Kung gusto mo mag-live in tayo. Ako ang bahala sa ‘yo.”Parang nabigla si Tirong. Bumuka ang kanyang bibig.“Ako ang bahala kay Golem. Hindi niya malalaman. ‘Wag ka nang tumanggi dahil

desidido ako,” at yumakap si Teresa kay Tirong.

29

“TERESA!” mariin ngunit parang palahaw na sambit ni Tirong. Mabilis na isinuot niya ang kanyang dyaket. “Pakiulit ng sinabi mo.”

“Ang sabi ko, ako ang bahala sa ‘yo. Basta magli-live in na tayo.”Hindi nakaimik si Tirong. Ngunit nakabuka ang kanyang bibig. Parang gustong

tumanggi ngunit walang lumabas sa kanyang bibig. Naalala niya si Anabel... ang kawawang Anabel. Higit ngayon ang pagkadama niya ng awa sa dalaga dahil hinahangad niya itong matulungan ngunit siya pa ngayon ang lumapastangan ng pagkatao nito sa pamamagitan ni Teresa.

“At ‘wag ka nang tumanggi pa. Ayaw kong tanggihan mo.”“Pinipilit mo ba ako?” nasambit kalaunan ni Tirong. Nagtagis ang kanyang mga

bagang. Ngunit hindi siya tumingin sa babae.“Kung ‘yan ang pakiramdam mo.” Pumihit si Teresa at inabot ang sigarilyong

nakapatong sa mesita malapit sa headboard. Kumuha ng isa. Nagsindi at humitit.“Lalo ka lang nagpapakalunod sa putikan!”“Kung ‘yan naman ang makapaglayo kay Anabel sa ‘yo!” matigas din ang boses ni

Teresa. “At kung hinahangad mo ang magandang kinabukasan para sa aking nakababatang kapatid... hindi ka tatanggi.”

“Teresa...” Huminga ng malalim si Tirong. “No’n ang akala namin ni Anabel ay nasa kumbento ka. Nasabi ko pa nga’ng talagang bagay sa pangalan mo ang maging madre... sor Teresa.”

“H’wag na nating pag-usapan ‘yan,” saway ni Teresa. “Basta ang sinabi ko sa ‘yo...”“Hindi ko maaaring pabayaan si Anabel!” pasigaw na sambit ni Tirong. “Sino’ng

magpoprotekta sa kanya kung wala ako sa kanyang piling?”

82

Page 83: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ako ang bahala.”MATAMLAY ang katawan ni Tirong nang pumunta siya sa kanyang bodega ng

umagang iyon. Madaling-araw na siya umuwi sa kanilang bahay. Nagugutom siya at gusto niyang magpahinga ngunit nakakandado ang kanilang pintuan. Ilang beses siyang tumawag ngunit walang sumagot. Naisip niyang malaki ang tampo ni Anabel kung bakit hindi siya pinagbuksan. Kaya tumuloy na lamang siya sa kanyang bodega.

Naratnan ni Tirong si Tikoy na naghihintay sa kanya. Nasa anyo ng kaibigan ang pag-alala.

“Me iniwang duplikeyt key si Ama,” banggit ni Tikoy nang makaupo na si Tirong. “Ano ba’ng nangyari? Hindi ka raw natulog sa inyo kagabi?”

“Ano pa ang kanyang sinabi?” pag-iiba ni Tirong.“Wala, basta umalis din agad pagkaabot niya ng susi.”Agad na ibinulsa ni Tirong ang susing iniabot ni Tikoy. Pagkatapos ay

nagmamadaling lumabas at umalis.Nagtaka rin ang katulong ni Anabel sa kanyang tindahan nang makita ang dalaga na

malungkot. Namumugto ang mga mata ni Anabel. Tiningnan ito ng kanyang katulong.“Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi... maraming problema, siyempre,” sabi

ni Anabel. Naunawaan niya kung ano ang ibig sabihin ng tingin ng kanyang katulong. “H’wag kang mag-alala.”

“Kumusta ang iyong pag-aaral?”“Okay lang,” mahinang sagot ni Anabel na sinundan ng tango. Parang nakaramdam

siya ng pagkapahiya sa sarili sa pagtago ng tunay na kalagayan. Alam niyang hindi okay ang kanyang pag-aaral dahil sa gulong namamagitan sa kanila ni Tirong.

Hindi na nagsalita ang katulong ni Anabel hanggang umalis ito upang mamili ng kanilang kakailanganin sa tindahan. Naiwan si Anabel na hindi malaman kung ano ang kanyang gagawin. Tila iiyak siya. Nayayamot ang kanyang damdamin. Umupo na lamang siya sa silya sa sulok ng kanyang tindahan at parang wala sa loob na binuklat ang dalang aklat.

Ngunit natigil ang pagmasid niya sa aklat nang may tumikhim. Napakislot si Anabel. “R-Ron?”

“P-pasensiya ka na na hindi ako nakauwi kagabi,” banayad ang boses ni Tirong. Parang nagpapakumbaba.

Okay lang, ito ang gustong isambit ni Anabel kasabay ng ngiti. Ngunit agad din niyang binura ang ngiti nang kalikutin ng tampo ang kanyang damdamin. Bumalik ang lungkot sa kanyang mukha. “Karapatan mo naman kung ayaw mong umuwi, a.”

“Uy, talagang galit,” pilit pinasaya ni Tirong ang boses sa pamamagitan ng biro. “Gusto ko rin sanang makauwi agad dahil alam kong wala kang kasama sa bahay. Pero marami kaming pinag-usapan,” pagsisinungaling ng binata.

“Kung gutom ka ipaghahain kita,” sabay tayo ni Anabel upang ipaghain ng almusal si Tirong.

“Ako na,” pakli ni Tirong na agad kinuha ang plato sa kamay ng dalaga. “Pagod na pagod ka... alam ko.”

At inaantok pa! Gustong isigaw ito ng dalaga sa tainga ng lalaki. Ngunit nagtimpi siya. Iniabot ang plato sa binata at magbalik sa kanyang upuan. Muling binuklat ang aklat.

83

Page 84: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Kumusta nga pala ang pag-aaral mo?” tanong ni Tirong na ngayon ay naglalapag na ng platong may kanin sa mesa. Kumuha rin ng ulam sa kaserola at umupo sa harap ni Anabel. “Siguro’y mabuti naman.”

Hindi sumagot si Anabel. Ipinikit ang mga mata matapos makatunghay sa hawak na aklat. Bumulung-bulong na tila ipinapakita sa lalaki na nagmememorya siya ng kanyang nabasa.

“Iba na talaga pag may inspirasyon.” Pilit na tumawa ng mahina si Tirong. “Kailangan ang inspirasyon sa pagtamo ng mga pangarap.”

Gustong pukpukin ng dalaga ng aklat ang ulo ng lalaki. Napangiwi ang mga labi ni Anabel sa pagkayamot. Ngunit ngumisi lamang sa kanya si Tirong. Nakaragdag ito ng kanyang galit. At nang makitang paparating na sa tindahan ang kanyang katulong ay agad niyang iniligpit ang kanyang mga aklat. Walang imik na lumakad.

Napatigil sa pagsubo si Tirong. Parang biglang nawala ang kanyang pagkagutom sa nangyari. Hindi niya inaasahan na maragdagan ang galit ng dalaga. Naragdagan naman ang pagkakagulo sa kanyang isipan.

Kinahapunan ay sinadya ni Tirong na maglagi na naman sa Luneta. Nakabihis siya ng maayos. Doon din siya umupo sa ilalim ng malaking puno na noon ay pasilungan nila ni Anabel. Dito niya hihintayin ang dalaga. Gusto niya itong makausap. Gusto niyang iparinig sa dalaga na nagsisisi siya sa kanyang ginawa kung bakit nagalit sa kanya si Anabel. At kung maaari ay iparating niya sa dalaga na nagawa lamang niya ang kabastusang iyon kay Jun sa laki ng pagmamahal niya dito.

Sumandal sa puno si Tirong. Ipinikit ang mga mata upang isipin ang magandang pangyayari kapag bumalik ang pagtingin ni Anabel. Ngunit parang dinedemonyo siya dahil bigla namang sumingit sa kanyang isipan si Teresa. Maganda ito at tila nang-eengganyo ang kilos. Ngunit may pagbabanta ang kislap ng mga mata nito.

Idinilat ni Tirong ang kanyang mga mata. Ipinig-pilig ang kanyang ulo at tumayo. Humakbang siya. Natisod ng kanyang paa ang maliit na bato na nakausli sa lupa. Binalikan niya ito at sinipa. Tumalsik ang bato.

“Aray!” boses ng babae na nagpaangat ng mukha ni Tirong. Si Anabel. Paparating pala ito at tinamaan sa binti nang tumalsik ang bato. “Ano ka ba?”

Nakamot ni Tirong ang kanyang ulo. “H-hindi ko sinadya. Hindi ko nakitang paparating ka pala. Teka, parang nag-iisa ka ngayon. Si Jun?” iwas niya nang makitang hindi kasama ng dalaga ang binata.

Umangat ang kilay ni Anabel. Masakit ang tingin niya kay Tirong. Nangatal ang mga labi ng dalaga.

“O... relaks lang, nagtanong lang ako. Wala namang akong ibang ibig sabihin.” Pilit na tumawa si Tirong.

Agad ding bumalik ang pagkaaliwalas ng dalaga. Pilit na tinimpi ang pagkayamot. Naisip niyang sakyan ang biro ng binata.

“Andito ka na naman. Me katatagpuin ka na naman ba’ng kontak?”“Ang totoo niyan e, sinadya kong pumarito. Inaabangan kita para sumabay sa pag-

uwi.”Napasutsot si Anabel. Isang pilyang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.

“Sayang. May pupuntahan pa ako. Dadaan pa ako sa bahay ng aming propesora. Pinapapunta ako,” pagdadahilan ng dalaga. Humakbang na siya palihis sa daang pauwi.

84

Page 85: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Naiwan si Tirong na nakabuka ang bibig ngunit walang lumabas na kataga. Kung ayaw mo, e ano? Sigaw ng puso ni Tirong. Kung ayaw mo sa akin ayaw ko rin sa ‘yo. Nand’yan si Teresa! At nagmamadali siyang umalis. Tumawid sa kalsada. Tiyak ang pinapatunguhan. Pupunta siya kay Teresa. Ibubuhos ang sama ng loob.

Ngunit nakatawid lang si Tirong sa kalsada nang biglang dumilim ang langit. Sinundan ito ng pagbuhos ng ulan. Maulang hinaharap, naibulong ni Tirong sa sarili.

30

NAPANGITI si Anabel nang makitang tumatakbo si Tirong upang sumilong sa nakahilerang mga tindahan sa bangketa. Ngunit agad ding nabura ang kanyang ngiti nang makitang muling tumakbo ang binata. Patungo ito sa isang maliit na kalye. Alam ni Anabel kung saan ito pupunta. Sa bagong red light district, sa San Andres Bukid.

Nanginig ang katawan ni Anabel. Muli siyang nakaramdam ng yamot. Parang hahabulin niya ang binata. Nakaramdam din siya ng pagsisisi dahil tinanggihan niya ang alok ng binata na sumabay sa pag-uwi. At namuo ang luha sa kanyang mga mata.

Dumaloy ito sa kanyang pisngi. Nagpalabo ito sa kanyang paningin. Hanggang nawala sa kanyang paningin ang unti-unting lumiliit na anyo ni Tirong.

“Anabel...” si Jun. Basa din ng ulan dahil bumaba sa kanyang kotse at sumagasa palapit kay Anabel. “Anything wrong? Tila wala ka sa sarili, a?”

Hindi na sumagot si Anabel. Pilit siyang ngumiti at ipinayong ang mga notbok.“Nakita kita kanina pa. Sinundan kita dahil natanaw kong parang hindi okey ang

iyong pakiramdam. Come...” at hinawakan ng binata ang braso ng dalaga. “Lalo kang mababasa.”

Tumawa si Anabel kahit mapapansin pa rin ang pait sa kanyang pisngi. “Basang-basa na nga ako. At mababasa din ang seat cover ng kotse mo kung aangkas pa ako.” Napailing si Anabel. “Anyway, malapit na rin ako. Thanks, ha?” at agad siyang tumalikod. Nagmamadali.

Basa na sa ulan ang dyaket na ipinayong ni Tirong pagdating niya sa klab na pinagtatrabahuhan ni Teresa. Nakita niya itong nakatayo sa pintuan, parang may hinihintay.

“Sabi ko na’t hindi mo matitiis na hindi pumarito,” sabi ni Teresa. Nakangiti siya habang pinaglalaruan ang sigarilyong iniipit ng dalawa niyang daliri.

‘“Di sadya... naparaan lang ako dahil umulan. Sabi ko’y magpainit muna,” pagdadahilan ni Tirong na piniga sa tanim sa gilid ng pader ang basang dyaket.

Tumawa lamang si Teresa.“Sinong hinihintay mo dito sa labas?”“Ikaw...” Ikinambat ni Teresa ang kamay sa braso ng binata. “Tawag na ng taksi.”Nagtatakang napatingin si Tirong kay Teresa.“May pupuntahan tayo. May ipakikita ako sa ‘yo.” Matamis ang ngiti ni Teresa.

Ngunit ikinabahala ito ni Tirong.

85

Page 86: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Sa isang apartment sa likuran ng PCU pinapara ni Teresa ang taksi. Agad na bumaba matapos magbayad. Nilinga si Tirong na hindi pa kumikilos sa loob ng taksi. “Baba na.”

Walang imik na bumaba si Tirong. Naragdagan ang nadarama kaninang pagkabahala. “A-anong gagawin natin dito?”

Ngiti lang ang iginanti ni Teresa. Binuksan ang dalang shoulder bag. Kinuha ang susi at tinungo ang isang bakanteng unit ng apartment.

“P-parang walang tao...” si Tirong.“Kaya nga pumarito tayo... para magkaroon ng tao.” Binuksan ni Teresa ang pintuan.

Itinulak. “See? Ano’ng masasabi mo?”“Masasabing ano?” Nakamot ni Tirong ang kanyang batok.“Ang masasabi mo sa pugad natin?” Ikinambat ni Teresa ang dalawang braso sa leeg

ni Tirong. “Pangkuin mo ako. Kagaya ng ginagawa ng bagong kasal pagdating sa kanilang bahay,” at humalakhak si Teresa.

Hindi malaman ni Tirong kung ano ang gagawin. Pakiramdam niya ay labis ang init. Ngunit nalalamigan siya. Luminga siya sa bandang bintana. Sa labas ay nakita ni Tirong na muling bumuhos ang malakas na ulan. Sinundan ito ng kidlat at kulog. Nanuot ito sa kanyang damdamin.

HINDI tumuloy si Anabel sa kanilang bahay. Kahit basa siya ngunit naisipan niyang dumaan sa tindahan. Nakaramdam kasi siya ng labis na pagkagutom dahil sa ginaw. Naratnan niyang nakasara na ang bintana ng tindahan. Ngunit bukas pa ng bahagya ang pintuan. Walang liwanag na makikita sa loob. Ipinagtaka ito ni Anabel.

Hindi na pinatulo ni Anabel ang sarili bago pumasok sa tindahan. Nadagdagan ang kanyang ginaw nang makapasok na. Dinagdagan ito ng pagkabahala.

‘“Day...?” tawag ni Anabel sa katulong. Nang walang sumagot ay kinapa niya ang swits sa dinding. Sinindihan ang ilaw.

“Diyos ko! ‘Day?” nahiyaw ni Anabel pagsindi na pagsindi ng ilaw. Nakita niyang nakatungo habang nakasandal sa dinding ang kanyang katulong. May gapos ito habang nakabaliti ang mga kamay sa likod. May panyo ding mahigpit na nakatali sa bibig nito.

Agad na niyugyog ni Anabel ang katulong. Umungol ito. Napakislot at nagdilat ng mga mata. Nangangatal.

“A-ano’ng nangyari?” usisa ni Anabel habang kahog na tinatanggal ang takip sa bibig ng katulong. Pagkatapos tinanggal ang tali sa kamay.

“P-pinasok ako dito ni Boy Agila,” sabi ng katulong matapos makaupo. At ikinuwento niya kay Anabel ang buong pangyayari.

Nanlupaypay ang buong katawan ni Anabel sa labis na poot. Boy Agila? Ang hayup na Jimboy, nausal ni Anabel. Talagang hindi siya titigilan ng demonyo. Sinulyapan ng dalaga ang drawer na kinalalagyan ng benta. Hindi ito nabuksan.

Naunawaan ng katulong ang ibig sabihin ni Anabel. “Hindi nila nakuha ang benta.”Nakapagpasalamat si Anabel na inabutan nina Tikoy ang grupo ni Jimboy. Ayon sa

katulong matapos siyang maigapos ay tinangka na sana nina Jimboy na kumuha ng kung ano lang ngunit siya namang paglapit nina Tikoy. Kaya nagtakbuhan sina Jimboy. Agad naman silang hinabol nina Tikoy.

Nalaman din ni Anabel mula sa katulong na muling namigay ng shabu at rugby ang mga tauhan ni Jimboy. Dahilan kung bakit maliit ang kanilang kita ng araw na iyon. Nawili ang kabataan sa pagsinghot ng rugby at shabu.

86

Page 87: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Matamlay ang katawan ni Anabel pag-uwi niya sa kanilang bahay. Pinauwi din niya ang katulong. Doon sila sa isang eskinita naghiwalay.

Mga isang kanto na lamang ang lalakarin ni Anabel at makarating sa kanilang bahay nang matigilan siya. May nasulyapan siyang mga anino sa kanyang paroroonan. Ang mga anino ay parang mula sa gilid ng malaking building kung saan may poste ng ilaw. Nakaramdam ng init si Anabel. Dumalas ang kabog ng kanyang dibdib. Kinabahan siya.

Mabilis na pumiksing patabi ng kalsada si Anabel. Ginawa niya ito upang hindi agad siya makita ng kung sino mang may-ari ng mga anino dahil madilim sa gilid ng kalsada. Parang hindi na makahakbang sa takot si Anabel. Wala pa namang ibang tao na naglalakad sa kalsada na mahingan niya ng tulong kung may mangyari man. Matagal na nanatiling nakakubli sa dilim si Anabel. Pinag-iisipan kung ano ang mabuting gawin.

Nasulyapan ni Anabel na nawala ang mga anino. Naghintay pa siya ng ilang saglit. Wala nang bumalik na anino. Dahan-dahang humakbang si Anabel. Ngunit bigla siyang napatili nang maramdaman ang malamig na kamay na humawak sa kanyang braso.

87

Page 88: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

VIII

NGUMISI ANG DEMONYO

APAKALAKAS ng tili ni Anabel. Nagpapalag siya upang matanggal ang kamay na nakahawak sa kanyang braso. Bigla namang tumunog ang mga takip ng bintana

na binubuksan. At naramdaman ni Anabel na biglang tinakpan ng matigas na kamay ang kanyang bibig.

N“Anabel... ako ‘to,” boses na kilala ni Anabel. Tumigil sa pagpalag si Anabel.

Naramdaman niyang lumuwag ang paghawak sa kanyang braso at bibig. Nakahinga ng matiwasay ang dalaga.

“Tinakot mo ako, Jun,” nasambit ng dalaga. ‘“Kala ko’y mga loko na.”“Tinakot mo rin ako,” ganti ni Jun na inalalayan si Anabel. “Ang akala ko kanina

kung may humahabol sa ‘yo.”“Ba’t nakarating ka nga pala rito?” paiba ng dalaga. ‘“Di ba iniwan kita kanina sa

Rotonda?”“Sadyang sinundan kita. Nag-aalala ako dahil umuulan. At alam mo naman kung

umuulan. Kokonti lang ang taong naglalakad. Delikado para sa ‘yo. Baka kung ano pa ang mangyari.” Ipinakita ni Jun ang pag-alala sa pamamagitan ng marahang pagpisil sa braso ni Anabel.

May nangyari na nga, parang gustong sabihin ni Anabel. Pinasok ng demonyo ang aking tindahan! Ngunit inilihim na lang ito ni Anabel. Ayaw niyang madamay pa ang binata sa kanyang problema.

“J-Jun... tutal malapit na lang ang amin, umuwi ka na lang.”“Gusto kong tiyakin na ligtas kang makapasok sa inyong bahay.”“Salamat na lang,” tanggi ni Anabel. “Walang mangyayari sa akin.”“Hindi, Anabel,” giit ng binata. “Tutal nandirito na rin lang ako...”

88

Page 89: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Biglang may lumapit na grupo.“Hoy, bitiwan mo siya!” marahas na boses ang nagpatigil kay Jun. Nabitiwan niya

ang kamay ni Anabel.“Tikoy... si Jun ‘to!” Hindi malaman ni Anabel kung ano ang gagawin. Nakita niya

sa mukha ni Tikoy ang malaking galit. Hindi pa kilala ni Tikoy si Jun.“Anabel, nakita kong pinipilit ka niya...”“Gusto lang niyang ihatid ako,” salo ni Anabel. “Friend ko siya. Sige, Jun. Sina

Tikoy na ang bahala sa akin,” at nilingon niya si Jun sabay kindat.Nagkakamot ng batok na sumunod ang lalaki.Nakahinga ng maluwag si Anabel nang makatalikod na si Jun. Umiling-iling siya.

Muntik nang mapagkamalan ang binata.“Kung hindi ka humadlang... siguradong hindi siya makalabas dito sa ating teritoryo,”

si Tikoy.“Oo nga pala. Dumaan ako sa tindahan...”“P-pasensiya ka na, Anabel.” Parang nahihiya si Tikoy. “Medyo naatraso kami.

Pero hindi na siguro babalik ang grupo ni Boy Agila. Hinabol namin pero nakatakas sila. Pero ‘wag kang mag-alala. Pababantayan ko oras-oras ang iyong tindahan.”

“Salamat, Tikoy,” nasambit ni Anabel. “Mabuti na lang at wala naman silang nakuha.”

“Ewan kung ba’t pati tindahan mo’y kinana ng mga unggoy!” Nagtagis ang mga ngipin ni Tikoy. “Wala naman silang kukunin do’n.”

Ako ang kanilang sadya, nasa isip ni Anabel. Gusto siyang sirain ng demonyo. “Salamat muli, Tikoy.”

NANG gabing iyon ay hindi makatulog si Anabel. Hindi siya mapakali. Maraming alalahanin ang naglalaro sa kanyang isipan. Nakaramdam siya ng pagkabahala. Pakiramdam niya ay talagang may humahatak sa kanya pababa. Pilit na hinahadlangan ang kanyang pagtalunton sa maaliwalas na landas. Parang pinatitikim lang siya ng magandang pagkakataon nang makita niya si Tirong. Si Tirong? Napakunot-noo ang dalaga. Minasdan niya ang kanyang relo. Alas onse na sa gabi ngunit wala pa ang binata. Nag-init ang pakiramdam ni Anabel. Nayamot siya sa binata.

“Ilang gabi na itong hindi siya umuuwi dito,” bulong ng dalaga sa sarili. “Kung ayaw niyang magbago, bahala siya.”

Sumandal sa sandalan ng silya si Anabel. Iniunat ang paa at ipinatong sa mesita. Ipinikit ang mga mata. Biglang pumasok sa kanyang isipan si Teresa. Tingin niya sa kapatid ay nandiyan lang sa gitna ng alimpuyo. Nagtitili ito habang nilalamon pababa ng alimpuyo. Kaydaling nawala ito na parang nagpapaalala lamang na kailangan nito ang kanyang tulong. Napakislot si Anabel.

Matamlay ang katawang tumayo si Anabel. Tinungo ang hagdan upang pumanhik sa kanyang silid. Ngunit natigilan siya nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. Saglit siyang nagmatyag. Muling may kumatok. Mas malakas kay sa una. Kinabahan si Anabel. Hindi ito ang estilo ng katok ni Tirong o nina Tikoy.

Maingat na lumapit sa bintana si Anabel. Iniwasan niyang mapatuon sa liwanag upang hindi makita kung may nakasilip man sa kanya mula sa labas.

Sumilip siya sa maliit na butas. Mula sa kanyang kinalalagyan ay makita niya kung sino man ang nasa harap ng kanilang pintuan. Ngunit wala siyang nakita. Matagal siyang nanatili sa kanyang pagsilip. Imposibleng may kumatok na walang tao. Baka

89

Page 90: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

binibiro lang siya ng kanyang pandinig? Napailing si Anabel. Hinatak niya ang silyang inupuan at iniharang sa pintuan. Pinatungan pa niya ito ng mesita upang hindi basta-basta mabuksan ang pintuan sakaling matanggal man ang kandado. Pagkatapos ay pinatay niya ang ilaw.

Papanhik na sana siya nang marinig na may humintong sasakyan sa mayor na kalsada. Bumalik siya sa butas at sumilip. Nakita niyang bumaba sa taksi ang isang lalaki. Nakita din niya na may dumungaw na babae sa taksi. Yumuko ang lalaki at nakita ni Anabel na humawak ang kamay ng babae sa leeg nito. Matagal. Maya-maya ay tumuwid ang lalaki. Lumingon. Kumabog ang dibdib ni Anabel. Si Tirong ang lalaki!

Hindi maintindihan ni Anabel kung bakit parang sumilakbo ang kanyang damdamin. Sinikaran niya ang silyang nakaharang sa pintuan. Binuksan ang kandado. At nagtatagis ang mga ngiping naghintay.

Pasipul-sipol pa si Tirong nang itulak ang pintuan. Bahagya itong bumukas. Natigilan ang binata. Hindi niya akalaing hindi nakakandado. “A-Anabel?”

“Umuwi ka pa!” Umungol ang dalaga. Diniinan ang swits ng ilaw sa gilid ng pintuan. “Hmp! Masaya ka, ha.”

“M-may importante lang akong pinuntahan.”“Siguro. Dahil kung hindi importante ay hindi ka ihahatid.” Lumabi si Anabel. “At

ang ganda pa ng bayad.”Napatuwid si Tirong. Kung gayon ay nakita sila ni Anabel. Napalunok si Tirong.

“A, e... friend ko lang ‘yon.”“Babae ‘yon. Girlfriend mo!” Muling lumabi si Anabel. Parang iiyak sa galit.“Ano’ng dip’rensya? May Jun ka naman, di ba?” Napikon din si Tirong. Parang

sabihin niyang amanos na tayo. Ngunit nagtimpi siya. Pilit siyang ngumiti.Ngunit biglang napawi ang ngiti ng binata nang lumagapak ang kamay ni Anabel sa

kanyang mukha.Nag-init ang kalamnan ng binata. Pinadilim ng pagkagulat kaya mabilis na

nahawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. “Sobra ka na!”“Bitiwan mo ‘ko!” Nagpumiglas si Anabel. Ngunit lalong humigpit ang paghawak

ni Tirong sa kanyang balikat. “Umaabuso ka na!”Muling pumiglas si Anabel. Itinaas ang kamay at sinampal ang lalaki ngunit

nahawakan ito ni Tirong.Sa isang kisapmata ay hindi na nakakilos si Anabel. Napasinghap siya. Nayakap siya

ni Tirong at nahalikan sa labi. Matagal.Humihingal pa si Tirong nang bitiwan si Anabel. Nakita niyang nakabuka ang bibig

ng dalaga na tila hindi makapaniwala. Makikita sa mukha ng dalaga ang pagkagimbal. Maluha-luha ang mga mata nito. At nakaramdam ng pagkapahiya si Tirong. Sa unang pagkakataon ay nagawan niya ng katarantaduhan ang babaing minamahal at iniingatan.

Pait ang naramdaman ni Anabel sa ginawa ni Tirong. Dali-dali siyang pumanhik sa kanyang silid. Itinrangka ang pintuan at dumapa sa kanyang kama. Isinubsob ang mukha sa unan at umiyak. Ngunit may iba pa siyang naramdaman maliban sa pait. Ipinagtaka niya ito.

Unti-unting nakaramdam ng katiwasayan ang kanyang dibdib. Sa loob ng kanyang dibdib ay may naramdaman siyang tamis. At naramdaman pa ni Anabel. Tila dinuduyan siya. Tila pilit siyang pinapatulog, upang managinip. At sa kanyang pilit na panaginip ay

90

Page 91: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

nakita niya si Tirong na nakatunghay sa kanya. Napaka-macho ng binata. Tingin ni Anabel ay parang isang knight in a shining armor si Tirong.

At lalong ipinikit ni Anabel ang kanyang mga mata. Gusto niyang magpatuloy ang kanyang panaginip.

32

KUNG gaano kaginhawa ang pakiramdam ni Anabel sa kanyang panaginip ay kabaligtaran ang nangyayari kay Tirong. Hindi makatulog ang binata. Hindi siya mapakali. Kinukunsensya siya sa nagawang kapangahasan sa dalaga.

Kung ilang beses na si Tirong na nagpabiling-biling. Anumang pikit niya ay hindi siya patutulugin ng kanyang pagkapahiya. Tinalo siya ng pagsisisi.

Bumangon si Tirong. Tiningnan ang oras. Alas tres pa lang ng madaling-araw. Tumingala si Tirong sa ikalawang palapag. Madilim pa sa itaas. Ano kaya ang naging damdamin ng dalaga? Ito ang nagpapagulo sa isipan ni Tirong. Napailing siya. Talagang nadala siya ng kanyang damdamin.

Tinungo ni Tirong ang sala. Umupo siya at sumandal. Sa isipan pa rin ang ginawa niya. Nakatatawa. Ngayon pa na napatunayan niya sa sarili na pinakamamahal niya ang dalaga noon pa at nakagawa siya ng hindi nararapat. Naalala niya si Golem. Naalala din niya kung bakit napadpad sa kanya si Anabel. Gustong sirain ni Golem ang kinabukasan ng dalaga. At iniligtas niya ang dalaga dahil hindi niya gustong may masamang mangyari kay Anabel. At natutunan na niya itong mahalin. At paano niya ipinakita ang pag-ibig?

Napangiti si Tirong. Unti-unting nawala ang pagpakahiyang naramdaman sa dalaga. Hindi pala siya dapat mahiya. Ipinakita lamang niya ang pag-ibig sa dalaga. Kailan pa ba naman siya magkakalakas-loob upang ipadama kay Anabel ang kanyang pag-ibig? Kung lubos nang nabuyo ang damdamin ni Anabel kay Jun? A, hindi ito mapayagan ni Tirong. Bahala na kung marahas ang kanyang hakbang, naisip ng binata. Wala man sa panahon at hindi nababagay, wala siyang magawa.

Nahipo niya ang kanyang bibig. At napangiti siya.NAPAKAGAAN ng pakiramdam ni Anabel nang siya ay magising. Agad siyang

nagsuklay bago bumaba. Marahan siyang humakbang ng matapat sa silid ni Tirong. Napangiti ang dalaga. Patay ang ilaw sa kuwarto ng binata. Ibig sabihin ay natutulog pa ito.

“Ipagluluto kita ng masarap na almusal. Sinangag at itlog at tapa. Paborito niya ito,” sabi ni Anabel sa sarili. Ngunit nabura ang kanyang ngiti nang mapansing nakasindi ang ilaw sa kusina. Nauna si Tirong sa kanya. At siguradong nakaluto na ang binata, naisip ni Anabel.

Hindi na tumuloy sa kusina si Anabel. Tinungo na lamang niya ang swits ng ilaw sa sala na nasa dinding. Pinailaw. At nagulat nang makita sa mesa ang nahandang almusal. Lumulusot pa ang usok sa natatakpang plato. Napailing na lamang ang dalaga.

91

Page 92: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

SA bodega tumuloy si Tirong. Nagulat pa sina Tikoy nang kumatok ang binata. Nagkukusot ng matang binuksan ni Tikoy ang pintuan.

“A-amo... maaga ka pa?” bati ni Tikoy.“Gusto kong bumawi,” nakangiting ganti ni Tirong. “Ilang araw na napabayaan ko

kayo dito.”Pumasok si Tirong. Iginala ang paningin sa nakasalansang stock. Ikinatuwa ito ng

binata. Talagang maasahan si Tikoy.“Maraming-maraming salamat, Tikoy.”“Walang kaso, Tirong. Kaylanma’y hindi ko mapabayaan ‘tong negosyo mo. Aba,

dito kami kumikita nina Boy, a,” at nilinga si Boy na ngayon ay nagsisiga na para mag-init ng tubig. “Ang ikinalulungkot ko lang ay napabayaan ko si Anabel dahil sa pagkaabala ko dito.”

“Si Anabel? B-bakit?” Lumutang ang pagkabahala sa mukha ni Tirong.At sinabi ni Tikoy ang ginawa ni Boy Agila. Nasuntok ni Tirong ang nakasalansang

mga sako sa kanyang tabi. Nangabasag ang mga bote sa loob ng sako. “Mga yudip...”“Pero ‘wag kang mag-alala, Tirong.” Seryuso ang mukha ni Tikoy. “Sisiguruhin na

namin na hindi na makatuntong dito sa ating teritoryo si Boy Agila. Suwerte lang niya at hindi namin siya inabutan.”

Tinapik-tapik ni Tirong ang balikat ni Tikoy. Tanda ito ng pagtitiwala niya sa kaibigan. Tinungo niya ang kahong walang laman. Pabagsak na umupo. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin. Nilapitan siya ni Boy at inabutan ng kape. Walang imik na kinuha ito ni Tirong. Agad na lumagok. Binalewala ang init ng umuusok na kape. Nagmamadali siya. May dapat siyang gawin.

“AKO na ang bahala dito, Day,” ang katulong ni Anabel.“Hindi muna ako papasok sa klase ngayong araw.” Matigas ang mukha ni Anabel.

“Gusto kong nandito ako kung magbalik man ang mga demonyo.”Napatingin ng may pagtataka ang katulong ni Anabel. Lumutang ang lungkot sa

kanyang mukha. Alam niya kung ano ang pagtitiis ng dalaga matupad lang ang mga pangarap. At gusto niyang tulungan ang dalaga.

“Huwag kang mag-alala. Kabisado ko na ang bituka ng mga loko dito. Kaya ko silang harapin.” Itinuloy ng katulong ang pag-aayos ng kanilang paninda.

Napatigil lamang si Anabel sa kanyang ginagawa nang matanaw na paparating si Tirong. Mapapansin niyang tila wala sa sarili ang binata.

“W-wala kang klase?” bati ni Tirong nang dumating sa tindahan.“A-absent ako ngayon,” nahihiyang ganti ni Anabel. Ngunit hindi siya tumingin sa

binata. Inaagaw ng hiya at yamot ang kanyang damdamin sa nangyari sa pagitan nila kagabi. At nahihiya siya sa sarili dahil pagkatapos noon ay pilit niyang pinabalik sa kanyang panaginip ang pangyayaring iyon.

“N-nabalitaan ko kay Tikoy...” Parang nahihiya si Tirong ngunit nandiyan ang panginginig ng kanyang boses sa labis na pagpigil ng galit.

“Tapos na ‘yon,” balewalang sagot ni Anabel. “Siguro hindi na sila babalik. Kung bumalik man sila... nakahanda ako.”

Parang tinusok ang dibdib ni Tirong. Parang pinaparinggan siya ni Anabel. Inaamin niyang talagang nagkamali siya. Kung hindi sana siya nagpadala sa barubal na damdamin sana ay hindi nangyari ang kalukuhan ni Jimboy. Ngunit nagpadala siya sa kanyang damdamin. At hindi lamang ang pag-abuso ni Jimboy ang naging epekto.

92

Page 93: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Nasadlak pa siya sa pinakanakakaasiwang sitwasyon. Napatulan niya si Teresa, ang babaing naging dahilan kung bakit nagkita sila ng babaing higit niyang minamahal ngayon.

“I-ikinalulungkot kong ilang araw na nawala ako dito.”“Walang kaso. Wala naman akong karapatang pigilan ka upang hindi umalis,”

lumutang ang hinanakit sa boses ni Anabel.“P-patawarin mo ‘ko. Kung hindi ako umalis hindi nangyari ‘to.”“Okay lang.”“Pati na sa ginawa ko kagabi...”Bumuntunghininga si Anabel.“Hindi ko akalaing magawa mo ‘yon,” ngunit sa isipan ni Anabel ay parang gusto

niyang sabihing bakit kagabi lang iyon nagawa ni Tirong. Kung bakit nagawa iyon ng binata sa panahong nag-aagawan na sa kanyang puso ang larawan nito at ng bagong kakilala, si Jun.

“H-hindi na ‘yon mauulit.”Ngiti lamang ang iginanti ni Anabel. Ngunit nagbigay ito ng sigla kay Tirong.Nang gabing iyon ay hindi pumunta sa apartment ni Teresa si Tirong. Balak niyang

huwag nang bumalik doon. Naaasiwa siyang isiping nakikipagrelasyon siya sa nakatatandang kapatid ng babaing pinapangarap niyang maging kasama sa buhay. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pag-aayos ng mga pinamili nina Tikoy sa araw na iyon.

Malalim na ang gabi nang umuwi si Tirong. Pagod na pagod siya. Naratnan niya si Anabel na nag-aaral sa sala. Sa mesa ay may nakahandang pagkain. Alam niyang hindi pa naghahapunan si Anabel dahil dalawang plato ang nakita niyang nakataob sa mesa.

“Hinintay mo pala ako?” nakangiting bati ni Tirong. Umupo siya sa tabi ng dalaga.“Gustong kong sabay tayong kumain.”Natingnan ni Tirong si Anabel. “Sorry uli, ha?”Matamis ang ngiti ni Anabel. Mahinang hinampas ng binabasang aklat ang balikat ng

binata. Tumayo siya. “Halika na, kakain na tayo.”Ngunit biglang natigilan si Anabel nang may marinig silang katok. Mabilis namang

binunot ni Tirong ang rebolber sa kanyang baywang. Sinenyasan si Anabel na lumayo sa pintuan. Sumunod naman ang dalagang kinakabahan habang maingat na binubuksan ng binata ang pintuan. Nakahanda ang armas sa kanyang kamay.

33

DAHAN-DAHANG pinihit ni Tirong ang siradura ng pintuan. Halos hindi siya humihinga habang mahigpit ang paghawak niya ng armas at door knob. Nang matanggal ang lock ay biglang binuksan ni Tirong ang pintuan sabay tutok ng armas sa kumatok.

Sinalubong si Tirong ng isang malakas na sigok.“Boy?!”

93

Page 94: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Yudipokpok!” hiyaw ng bata. Anak siya ng kapitbahay nina Tirong. Namumutla pa siya habang nanginginig ang tuhod sa labis na takot nang dumikit ang malamig na kanyon ng rebolber sa kanyang noo. “Kala ko’y todas na ‘ko.”

Agad na ni-release ni Tirong ang hammer ng kanyang rebolber at isinukbit sa kanyang baywang. Hinila papasok si Boy.

“Sa susunod tumawag ka,” mariin ang boses ni Tirong. Isinara niya ang pintuan. “Delikado ‘yang ginawa mo.”

Nakamot na lamang ng bata ang kanyang batok. “I-inutusan lang naman ako.”“Nino?”Sumenyas si Boy. Pinapayuko si Tirong. May ibinulong siya sa binata. Napakunot-

noo naman si Tirong sa ibinulong ni Boy.“Asan siya?” pabulong na tanong ng binata. Ayaw niyang makarinig si Anabel.Ngunit napuna ng dalaga ang pag-alala sa mukha ng binata. Lumapit siya. “Ano

raw, Ron?”“W-wala,” iwas ng binata na pilit ngumiti. “G-gusto lang ng barkada kong magkita

kami.”“Barkada?” Tumaas ang kilay ni Anabel. “Ang alam kong barkada mo ay sina

Tikoy. Siguro’y kontak mo.” Sumimangot siya.“Oo. Kontak ko nga,” ayon ni Tirong. “Sasaglitan ko muna. Importante lang daw.

Halika na, Boy,” at hinila ang bata palabas.Duda si Anabel. At lalong sumimangot ang dalaga.Nagmamadali ang hakbang ni Tirong habang tinatalunton ang eskinita palabas sa

mayor na daan. Gusto niyang makarating agad sa labasan. Nag-alala siyang magsuspetsa si Anabel at gustuhin nitong sumama sa kanya.

Pinabalik ni Tirong si Boy pagdating niya sa mayor na daan. Parang hindi siya mapakali. Nang magdaan ang isang taksing walang pasahero ay agad niyang pinara.

HINDI mapanatag si Anabel. Ang kaba kanina sa pagkatok na hindi nila inasahan ay napalitan ng yamot. Yamot dahil halos natiyak niyang nagsinungaling si Tirong sa pagsabing kontak ang gustong makipagkita dito. At lalo pang nagdagdag sa kanyang pagkayamot ay ang matagal niyang pangungulila na magkasabay sila ng binata sa pagkain. At sabay na sana silang kakain kung hindi lang dumating ang bata. Ku, parang kakain siya ng tao. Nang hindi na makatiis sa pagkayamot ay agad siyang nagbihis at lumakad.

Tamang-tama na nakabungad sa mayor na daan si Anabel nang magsara naman ang pintuan ng taksing sinakyan ni Tirong.

“Ron!” malakas ang sigaw ni Anabel. Ngunit nilamon lang ito ng umarangkadang taksi. Tinandaan na lang niya ang plaka ng taksi- PAF 123. Nagpalinga-linga siya.

Nasulyapan ni Anabel ang isang taksi na huminto sa kabilang kalsada. Nagmamadaling lumapit siya sa taksi. Ibinukas ang pintuan nito na ipinagtaka ng pasaherong pababa na rin. “Baba na!”

“Hindi pa siya nakapagbayad,” sabad ng drayber.“Ako na ang magbabayad,” pakli naman ni Anabel. Tinulungan niya sa pagbaba ang

lasing na pasahero, patulak at agad siyang pumasok.Napasutsot ang drayber nang makaupo na si Anabel sa front seat. “Emergency?

Saan?”

94

Page 95: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Yellow taxi. Plate number PAF 123. Kaaalis lang dito patungo ro’n,” iba ang sagot ni Anabel na itinuro ang unahan nila. “Habulin natin, sundan natin kahit saan pumunta.”

MARAMI nang mga sasakyan ang nakaparking sa harap ng klab nang dumating si Tirong. Mabuti, naisip ng binata. Makakapag-usap sila ni Teresa na hindi gaanong mapansin. Hinintay ni Tirong na marami ang pumapasok at nakisabay.

Ngunit natigilan siya nang makita ang isang payat na lalaking palabas ng pintuan. Si Jimboy. Mabilis na umatras si Tirong at nagkubli sa haligi. Sa kanyang kinukublihan ay binantayan niya kung saan patungo si Jimboy. Ngunit nakita ni Tirong na hindi naman umalis ang demonyo. Nakipagkuwentuhan ito sa security guard ng klab. At napakunot-noo si Tirong nang makitang madalas ang tango ng guwardiya kay Jimboy. Sa kilos ay parang inuutusan ng payat na lalaki ang guwardiya. Nagulumihanan si Tirong.

Naisipan ni Tirong na umikot sa likod ng klab. Balak niyang doon dumaan upang makapasok agad sa klab. Ayaw niyang sayangin ang sandali. Kailangang magkita sila ni Teresa upang malaman niya ang importanteng ipaparating sa kanya ng babae.

Pasubok na hinanap ni Tirong ang pintuan sa likod ng klab. Nangilid siya sa nakaparadang mga sasakyan. Isang sasakyan na lang ang agwat ng pintuan sa likod ng klab nang biglang mapaurong si Tirong. Sa di-kalayuan ay nakita niya si Anabel na bumaba sa taksing kahihinto lang sa harap ng klab. Paigpaw na sumikad si Tirong at pumasok sa pintuan.

Tumayo-tayo muna si Anabel sa harap ng klab, ngunit malayo pa sa pintuan ang kanyang kinaroroonan. Iginala niya ang paningin sa nakaparadang mga kotse. Halos puno na ang parkingan at may dumarating pa. Nakaramdan ng pag-alala si Anabel. Tiyak na puno ng tao ang klab at parang napapangitan siyang pumasok na nag-iisa, lalo na at babae siya. Baka mapagkamalan pa siyang mababa ang lipad.

Nasulyapan ni Anabel ang isang maliit na puno. Sa tabi nito ay may concrete bench at medyo madilim sa kinaroroonan nito ngunit malinaw na makita mula doon ang mga pumapasok sa klab. Naisipan ni Anabel na doon umupo at maghintay sa paglabas ni Tirong. Alam niyang sa klab na ito pumasok si Tirong dahil natanaw niyang dito huminto ang taksing sinakyan kanina ng binata.

NASULYAPAN agad ni Teresa mula sa counter ang pagpasok ni Tirong sa likurang pintuan ng klab.

Bagaman abala siya sa pag-aasikaso ng mga kustomer ngunit madalas ang tingin niya sa pintuan, maging sa harap at likod. At nang makitang pumasok ang binata ay agad itong sinalubong ni Teresa. Hinila sa kanyang silid.

“B-bakit?” tanong ni Tirong nang makapasok na sila sa silid ni Teresa. Nasa kilos ng binata ang pagkabagabag. “Importante raw?”

“At talagang dapat ipangamba,” pakli ni Teresa. “Nasabi na ba sa ‘yo ng bata?”“Wala siyang sinabi maliban sa importante raw. Kung ano man ‘yan, sabihin mo

agad.”Hindi muna umimik si Teresa. Lumapit siya sa pintuan at sumilip sa labas, tinitiyak

kung may taong malapit sa kanila. Nang makitang walang tao ay bumalik siya sa tabi ni Tirong.

“Tungkol ‘to kay Anabel...”“Oo nga pala... nasundan ako ni Anabel.”“Ha?” Namutla si Teresa. “Diyos ko!”

95

Page 96: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“B-bakit?” lumakas ang boses ni Tirong. Nag-ibayo ang pangambang nararamdaman niya ngayon. Nanginig ang kanyang kalamnan. Nagtagis ang mga bagang. Galit!

Sa salit ng hikbi ay isinalaysay ni Teresa ang dahilan. Nakapasok na raw si Boy Agila sa kampo ni Golem. At upang ipakita ang kakayahan ay ito ang naging masugid na pusher na nakasama sa grupo. At para lalong lumapad ang papel sa ulupong ng Metropolis, may ireregalo raw itong babae kay Golem. May ipinakita itong larawan ng naturang babae. Ang larawan ay nagpadilat ng mga mata ng mga alipores ni Golem, na lalo naman nitong ikinatuwa.

“Yan pala ang dahilan kung bakit nakita ko siya dito!” Nagtagis ang mga ngipin ni Tirong. “Ang demonyong si Jimboy. At si Anabel pa na anak ng ikalawang asawa ng kanyang ina ang gustong ipahamak kay Golem!”

“P-paano ngayon?” Nanginginig si Teresa. “Nasundan ka pa ni Anabel...”“Kailangang kumilos na tayo!” mariing sabi ni Tirong. Mabilis na kumilos upang

lumabas. Kailangang makalayo sa lugar na ito si Anabel!“T-Tirong... ano ang gagawin natin?” Patakbong sumunod din si Teresa sa binata.Ngunit hindi na nakasagot si Tirong nang biglang may tumili sa labas. Senyas ito na

nagpakislot sa binata. Parang may spring ang kanyang mga paa na sumibad palabas.“Aaaaaa!”

34

NAKANGISING muling dinuhapang ng lasing si Anabel. Ngunit bumalik na ang tatag ng dalaga. Napatili siya kanina nang una siyang yakapin ng lasing dahil hindi niya napuna ang paglapit nito sa kanyang kinauupuan. Isang malakas na sampal ang isinalubong ni Anabel sa lasing. Umikot ito at nabuwal sa nakaparadang kotse. Lumagabog.

Susundan pa sana ni Anabel ng sampal ang lasing ngunit nasulyapan niyang nagkakagulo sa harap ng klab. Mga tauhan ni Golem. Kilala niya ang ilan sa mga ito na ngayon ay nagtatakbuhan palapit sa kanyang kinaroroonan. Alam ng dalaga na narinig ng mga ito ang lagabog nang mabuwal ang lasing sa kotse.

Pagapang na lumayo si Anabel. Madalas ang sulyap sa nagsisibarang mga lalaki. Ngunit natigilan si Anabel nang makita ang nangunguna sa mga lalaki. Isang lalaking payat at mahaba ang buhok.

“Ang walang’ya!” Nagtagis ang mga ngipin ni Anabel nang maklaro ang hitsura ni Jimboy. Nag-apoy ang poot sa dibdib ng dalaga. Napawi ang kanyang takot. Pagbabayarin niya si Jimboy sa pagpasok sa kanyang tindahan.

Nangapa sa semento si Anabel habang hindi inaalis ang mga mata sa lumilingang Jimboy na ngayon ay nasa kabila na ng kotseng pinagkukublihan niya. Nakapa ng dalaga ang batong kalso sa gulong ng kotse. Dahan-dahan itong inangat ng dalaga at naghintay. Malakas at madalas ang paghinga ng dalaga.

96

Page 97: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Maya-maya ay narinig ng dalaga ang ragasa ng mga yabag. Lalong hinigpitan ng dalaga ang paghawak sa bato. Hinintay ang pagsungaw ng ulo ni Jimboy.

“Jimboy!” tinig na nagpatigil kay Anabel. Si Tirong.Nagsalangisag si Anabel. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Kung itutuloy

niya ang pagpalo ng bato kay Jimboy ay tiyak na makikita siya ni Tirong. At ayaw niyang malaman ni Tirong na sinusundan niya ito.

“Yudip ka... Ano’ng ginawa mo kay Anabel?” Sobra ang galit ni Tirong.Nakita ni Anabel na pinitsirahan ni Tirong si Jimboy na ngumisi lamang sa ginawa ng

binata. Maya-maya ay nakita ni Anabel na nag-umpukan ang mga tauhan ni Golem. Isa sa mga ito ang tumapik sa balikat ni Tirong. Kilala ng mga ito si Tirong. Pinapakalma ang binata.

Nakita ni Anabel na kumalma si Tirong dahil binitiwan nito si Jimboy. Siguro ay dahil wala sa kilos ng mga tauhan ni Golem na subukan si Tirong. Nakita pa ni Anabel na kinamayan ng mga ito si Tirong.

Sinamantala ito ni Anabel at pakubli-kubling lumabas.Naawat nga ng mga tauhan ni Golem si Tirong ngunit hindi nawala ang galit ng

binata. Matapos makapag-usap ay hinanap ni Tirong kung nasaan si Anabel. Ngunit nakailang ikot na siya sa harapan ng klab ay wala siyang nakita kahit anino man lang ng dalaga.

Nanlulumong bumalik sa likod ng pintuan si Tirong. Inabutan niya si Teresa na naghihintay sa kanya.

“M-mabuti’t hindi mo pinatulan si Boy Agila.”“Mas’werte siya’t malamig ang ulo ng kanyang mga kasama. Kung hindi, tiyak na

hindi siya makaliligtas.”“N-nasa’n na kaya si Anabel?” paiba ni Teresa.“Umuwi na siguro.” Bumuntunghininga si Tirong. “Uuwi na rin ako. Tutal nasabi

mo na sa akin ang gusto mong ibalita.”“Teka.” Hinawakan ni Teresa ang braso ni Tirong.“O?”“Kailangang mapag-usapan natin ng mabuti ang ating gagawin para maiwasan ang

pagkapahamak ni Anabel.”‘“Yan ang problema ko.”“Natin ,” pakli ni Teresa. “Pag-usapan natin ‘to sa apartment.”“Babalik na lang ako kapag natiyak ko na ang mabuting gawin. Sa ngayon ay gusto

kong magpahinga,” at umakma siyang tumalikod. Ngunit hinila siya ni Teresa. May ibig ipahiwatig ang tingin.

“Please...”“Teresa,” matatag ang boses ni Tirong. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Teresa

sa kanyang braso. Ngunit napakunot-noo si Tirong nang maramdamang nanlalamig si Teresa. At nang pagmasdan niya ito, namumutla pala ang babae.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Tirong. Agad siyang nagpara ng taksi at isinakay si Teresa na ngayon ay sapo ang ulo at nakangiwi.

DUMAAN muna si Anabel sa isang bukas na tindahan bago siya tumuloy sa kanilang bahay. Bumili siya ng apat na boteng serbesa. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay ni hindi na niya sinindihan ang ilaw. Nangapa na lang siya ng abre-lata sa kusina na siyang

97

Page 98: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

ipinambukas sa serbesa. Pagkatapos ay bumalik siya sa sala at isa-isang tinungga ang serbesa.

Mapait ang hindi malamig na serbesa ngunit higit ang pait na naramdaman ni Anabel sa loob ng kanyang dibdib. Ito ang pilit niyang nilulunod sa pag-inom. Magulong-magulo ang kanyang isipan. Bakit nagkaganito ang takbo ng kanyang kalagayan? Ngayong unti-unti nang tumatatag ang kanilang pagkampay sa pagsalubong sa magulong agos ng pamumuhay sa lungsod?

Biglang nagbalik sa alaala ni Anabel ang pangyayari kung bakit nakarating siya sa gayong kalagayan. Bagaman pinandidirihan niya ang pangyayaring iyon na muntik na siyang mahulog sa kamay ni Golem ngunit iyon ang dahilan bung bakit napadayo siya sa poder ni Tirong. A, si Tirong na siga ng tambakan.

Mapait ang ngiti ni Anabel. Natutunan na niyang pakamahalin ang binata na noon ay walang pangarap na makaahon kundi ang nariyan lang sa isipan ay ang makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Iniibig na talaga niya ang binata. Patunay dito ang pakikisama niya sa binata sa ilalim ng iisang bubong lamang. At ano pa ba ang itatawag sa ginawa niya kaninang pagsunod sa binata. Hindi ba pag-ibig ang nagtulak sa kanya upang alamin kung sino ang kinakatagpo ni Tirong?

Naghapdi ang pakiramdam ni Anabel. Dinampot ang natitirang serbesa at tinungga. Straight!

“M-MAHAL na kita, Tirong,” nanginginig ang boses ni Teresa.“A-alam mong di dapat,” naaawang sabi ni Tirong. “K-kung alam ko noon pa na sa

ganito hahantong ang ating pagkadulas..”“Hindi ko hinihinging gantihan mo ng pagmamahal ang iniuukol ko sa ‘yo.”

Pumatak ang luha ni Teresa. “Dahil alam kong pighati ang idudulot niyan sa aking nakababatang kapatid.”

Nakahinga ng malalim si Tirong. “Hindi ko pa naipagtapat sa kanya ang aking damdamin. Hindi pa siguro panahon. Pero mahal ko siya.”

“Alam ko. ‘Yan din ang dahilan kung bakit di mo matupad ang aking pakiusap na pauwiin siya sa probinsiya.”

“Ayokong magtagal ang namagitan sa atin.”“Hindi ko rin ‘yan ninanais.” Pilit ngumiti si Teresa. “Marami lang akong

ipakikiusap sa ‘yo...”“Kung kaya ko...”“Okay lang kung hindi mo kaya, walang kaso. Alam kong imposible para sa ‘yo na

tuparin ang iba ko pang pakiusap. Katulad halimbawa ng ibigin mo ako. Pero gantihan mo man o hindi ang aking pagtingin ay maligaya na ako.. At least,” at ngumiti si Teresa sa nabanggit na Ingles. “At least, may nakilala akong totoong tao, walang pagkukunwari. Hindi mapagsamantala. Hindi kagaya ng mga tao sa lugar na aking kinasasadlakan.”

“S-sorry pala sa maling naisip ko kaina. Ang akala ko’y gusto mo lang akong makasama ngayong gabi dahil sa pagnanasa sa laman.” Tinapik ni Tirong ang balikat ni Teresa. “Di ko alam na masama pala ang iyong pakiramdam.”

“Matagal ko na ‘tong naramdaman. Kaya nga sinasamantala ko ang anumang tunay na kaligayahan na matitikman ko.”

“Baka kailangang magpatingin ka sa doktor?”“May maibigay ba’ng kabutihan?”

98

Page 99: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Matagal ka sa gayong impiyerno. Baka...” hindi tinapos ni Tirong ang ibig sabihin. Ayaw niyang magbanggit ng nasa kanyang isipan lalo na at isiping ilang beses din silang nagpakalunod sa kaligayahan.

“Kung kagaya rin ako kay Sarah Jane at iba pang sawimpalad na nabiktima ng AIDS?” Ngumiti si Teresa ngunit maaninag sa mukha ang pag-alala. “Matagal ko ‘yang pinag-isipan. Nasabi ko sa sarili na bahala na. Mangyari na ang mangyayari.”

Higit ang pag-alalang naramdaman ni Tirong. Hindi para kay Teresa kundi para sa sarili. Paano na kung nahawa na ng nakapandidiring sakit si Teresa? Paano kung nailipat na sa kanya? At paano si Anabel, si Anabel na balak niyang iharap sa altar?

Kinaumagahan ay pinilit ni Tirong si Teresa na magpatsek-ap. Gusto niyang makatiyak. Sa PGH dinala ng binata si Teresa. At pagkalipas ng ilang oras na medical examination, parang bombang nagpayanig sa binata ang inihayag ng doktor.

“We have yet to check her thoroughly. But initial findings show a presence of HIV.”

99

Page 100: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

IX

NADUROG ANG BATO

ARANG bombang sumabog sa pandinig ni Tirong ang sinabi ng doktor. Hindi kaagad siya nakahuma. Nanatiling nakabuka ang kanyang bibig na magsasatinig

sana ng palahaw ngunit walang lumabas na boses.P

Pakiramdam ni Tirong ay umuga ang buong paligid. Nahilo siya na pakiramdam niya ay nagpasuray sa kanya palabas ng examination room. Doon siya sumalampak sa mahabang bangko sa lobby ng ospital. Umigting ang kalamnan ng binata. Nanikip ang kanyang paghinga.

Kung gaano katagal si Tirong sa gayong kalagayan ay hindi na niya napansin. Maraming alalahanin ang pumasok sa kanyang isipan. Ngunit wala siyang nalinawan sa gumugulo niyang diwa. Napakalamig ng kanyang kaugatan. Nagdagdag ito sa panlulumo ng kanyang katawan. Pati utak niya ay parang nanigas sa labis na panlalamig. Nawala ang kanyang pakiramdam.

“Hey, namumutla ka,” si Teresa. Matagal na pala siya sa harap ni Tirong. Nang makitang hindi nag-angat ng mukha ang binata pagtabi niya rito ay niyugyug niya.

Parang naalimpungatang nag-angat ng mukha si Tirong. Nakita niyang nakangiti sa kanya si Teresa.

“Parang ikaw ang may sakit, a.” Natatawang umupo si Teresa sa tabi ng binata. Ngunit agad ding dumistansiya nang maalala ang katitiyak lang ng doktor. “Oo nga pala. Kailangan ang konting ingat.”

Mapait ang ngiting hinawakan ni Tirong ang kamay ni Teresa. Nariyan ang pagkaawa sa babaing bagaman nakangiti ngunit alam ng binata na pinipilit lamang upang maitago ang totoong damdamin.

100

Page 101: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Hinila ni Teresa ang kanyang kamay. “Gusto mo bang masira din ang iyong kinabukasan?”

Pilit ang ngiti ni Tirong. Umiling-iling. “Di pa naman siguro apektado ang buong katawan mo.”

Nakahinga ng malalim si Teresa. Pinalitan ng lungkot ang kanyang mukha. “K-kung sa bagay. Sabi ng doktor ay hindi pa naman ako maituturing na carrier. Nasa development stage pa lang naman daw ako. Pero kung anu’t-ano man...” Muli siyang huminga ng malalim. Matagal, “nakahanda ako. Pinahanda ng katotohanang naramdaman at naamin ko namang wala na siguro akong pag-asa sa buhay.”

Inihatid ni Tirong si Teresa sa apartment na kanilang inuupahan. Sa taksi ay wala silang imikan. Bagaman sinisikap ni Tirong na hindi magpakita ng pandidiri ngunit si Teresa mismo ang umiiwas na magkalapit sila. Inaamin ni Tirong na naipasya na niyang iwasan si Teresa dahil kay Anabel ngunit ngayong nalaman niya kung ano ang karamdaman ng babae ay nakunsensiya siyang pabayaan na lamang ito... ngayong higit na kailangan nito ang pang-unawa at pakikiramay.

SA klase ay hindi mapakali si Anabel. Ayaw pumasok sa kanyang utak ang anumang ituro ng kanilang instructor. Blangko ang kanyang isip. Inagaw ito ng kakulang ng tulog at konsumisyon. Upang maiwasan na mapahiya kapag matanong ng kanilang instructor at hindi makasagot, minabuti na lamang ni Anabel na lumabas.

Nakasalubong ni Anabel sa corridor si Jun. Muntik nang mabangga ng dalaga si Jun dahil nakatungo siya.

“Hey, what’s wrong?” bati ni Jun na hinawakan sa braso ang dalaga. “Parang wala ka sa sarili, a.”

Nag-angat ng mukha si Anabel. “I-I’m sorry, Jun. Parang wala ako sa kundisyon. Uuwi na lang sana ako. Ikaw, sa’n ka ba pupunta?”

“Do’n din sana sa kuwarto n’yo. Hihintayin sana kita... yayaing magmeryenda.”“Gusto kong magpahinga,” matamlay na sagot ng dalaga.“In that case, ihahatid na lang kita. Come,” at hinila ni Jun ang braso ng dalaga

palabas sa building.Walang imikan ang dalawa habang banayad ang patakbo ni Jun ng kanyang kotse.

Paminsan-minsang sinusulyapan ng binata si Anabel na ang paningin ay natuon sa labas ng sasakyan. Ngunit napuna pa rin ni Jun na wala sa tinitingnan ang isipan ng dalaga. Gusto sana niyang tanungin si Anabel ngunit ginagalang niya ang pananahimik nito. Binalik na lang ng binata ang kanyang atensyon sa manibela.

Magulo ang isipan ni Anabel. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkagayon ang kanilang kalagayan. Umasa siyang magiging matiwasay ang kanilang pagsasama ngunit mula nang unti-unti silang nakakabangon sa tambakan ay nagbago na si Tirong. Natuto nang mambabae ang loko, nausal ni Anabel. At ito ang nagpahimagsik ng damdamin ng dalaga. E, ano sa akin? Ito ang bawi ng dalaga sa sarili. Ngunit iba ang ibinubulong ng kanyang dibdib. At nagpasikip ito ng kanyang hininga. Nang hindi na niya napigilan ay napahikbi siya.

“Anabel?”Hindi umimik si Anabel. Pilit pinipigil ang sarili. Dinukot ang panyo sa kanyang

bulsa at marahang diniinan ang luha sa kanyang mata. Pagkatapos ay luminga sa binata. Pilit na ngumiti.

“It’s nothing. May naisip lang ako.”

101

Page 102: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Pagdating sa bahay nina Anabel ay walang imik na bumaba si Jun sa kotse. Lumigid at binuksan ang pintuan upang makababa si Anabel. “Well?”

“Naisip ko, siguro kanina ka pa gutom dahil balak mong magmeryenda kanina.” Panatag na ang mukha ni Anabel. “How about dito ka na magmeryenda? Makakapagkuwentuhan pa tayo.”

Tumango na lamang ang binata. Agad niyang isinusi ang pintuan ng kotse at sumunod kay Anabel na ngayon ay nauuna nang papasok sa kalyehon patungo sa kanilang bahay.

Nang makapasok na sila sa bahay nina Anabel ay pinaghintay ng dalaga ang binata sa sala. Agad din siyang lumabas. At nang magbalik ay may bitbit na malaking plastic bag.

“Pinakyaw mo na ang paninda sa kanto, a,” nakangiting puna ni Jun. Ngunit napanganga siya nang makita ang laman ng plastic bag na ngayon ay kinukuha na ni Anabel at ipatong sa mesita. “De lata at serbesa?”

Isang dosenang bote ng serbesa ang inilagay ni Anabel sa ibabaw ng mesita. May binili din siyang karne norte at ilang balot ng salted peanut. Pagkatapos kumuha siya ng abrelata sa kusina. Kumuha din siya ng platito, dalawang tinidor at dalawang baso. Pagkatapos umupo paharap kay Jun. “Well, ikaw na ang magbukas.”

Napailing si Jun. “Umiinom ka pala?”“Isa hanggang dalawang bote lang ako. Ngayon lang siguro ako iinom ng marami.”

Inabot ni Anabel ang isang boteng nabuksan na ni Jun. Ibinuhos ito sa kanyang baso at agad din itong tinungga. Hindi na niya hinintay pang kumonti ang bula ng serbesa. Mapait ito ngunit tiniis lang ni Anabel.

Kung gaano kadalas ang lagok ni Anabel ng serbesa ay siya naman kadalas ang iling ni Jun. Parang hindi malunok ng binata ang serbesa. Nag-aalala siya sa magiging epekto nito sa dalaga.

“B-baka masobrahan ka, Anabel. Hinay-hinay lang.”Tumawa lamang si Anabel. “H’wag kang mag-alala. Kaya ko.” Inilapit ni Anabel

ang baso ni Jun sa kamay nito. Pagkatapos inangat ang kanyang baso at ipiningki sa baso ni Jun. “Toast!”

Inangat din ni Jun ang kanyang baso at nilagok ang laman. Ngunit parang bumabara ang serbesa sa kanyang lalamunan. Lalo na nang makitang pulang-pula na ang dalaga. At may napuna si Jun. Hindi lamang namumula ang mata ni Anabel dahil sa nainom. May namumuong luha sa mga mata ng dalaga na unti-unting nang dumadaloy.

“Tell me honestly, Anabel.” Inilapag ng binata ang kanyang baso at hinawakan ang kamay ni Anabel na ngayon ay akma namang lumagok. “There’s something wrong. Sabihin mo sa akin, please. Gusto kitang tulungan.”

Hindi na napigilan ng dalaga ang pagragasa ng kanyang luha kahit mariing kinakagat ang kanyang mga labi. Bumuntunghininga.

“There. Cry if it can make you relax.”Umiyak na si Anabel. “H-hindi ko na matiis, Jun. Hindi ko alam kung bakit

nangyayari ‘to sa akin ngayon...”“I can’t understand. Nag-away kayo ni Brod mo?”“He’s not my brother!” halos pasigaw na nasagot ni Anabel na ikinagulat ni Jun.

“And I don’t give a damn kung ano man siya sa buhay ko.”Natigilan si Jun. Kung gayon baka ka-live in ni Anabel si Tirong, ito ang nasa isipan

ni Jun. At baka nagkaselosan ang dalawa.

102

Page 103: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“D-do you love him?” wala sa loob na tanong ni Jun. Nanginginig ang kanyang boses. Hindi maikukubling sumasakit ang kanyang damdamin.

“Ikaw ang dapat kong tanungin, Jun,” agaw ng dalaga na ngayon ay nagtatagis na ang mga ngipin ngunit hindi nakatingin sa binata. “Do you love me?”

“God knows I do, Anabel. But...”“Then sleep with me tonight.”

36

PARANG tinusok ang dibdib ni Jun sa narinig niya kay Anabel. Parang hindi makapaniwala ang binata. Inaamin niyang malaki ang bahagi ng dalaga sa kanyang puso ngunit ang sinabi nito ay nagpasakit ng kanyang dibdib.

“Ba’t natigilan ka?” tumigas ang boses ni Anabel. Halos nabubulol na sa kanyang pananalita dahil sa sunod-sunod na lagok niya ng serbesa.

“Lasing ka na, Anabel.” Huminga ng malalim si Jun. Marahang tinapik ang balikat ng dalaga. “I think you need to rest now.”

Pinalis ni Anabel ang kamay ni Jun. Nandidilat ang kanyang mga mata sa galit. Parang mabubuwal na tumayo siya. “K-kagaya ka rin ni Ron. Hindi ko maintindihan kung ano ang pagtingin sa’kin. Pero madalas niyang saktan ang aking damdamin.” Muling nanangis ang dalaga. Pasalampak na umupo.

Labis na pagkaawa ang naramdaman ni Jun sa dalaga. Muling tinapik ng marahan ang balikat ni Anabel. Yumuko at maingat na hinalikan sa noo ang dalaga.

“Anabel... God knows how much I care for you. Pero hindi ito ang klase ng pag-ibig na gusto kong ipadama sa ‘yo.”

MATAMLAY ang katawan ni Tirong nang bumaba siya sa apartment ni Teresa nang gabing iyon. Bagaman alas siyete pa lang ng gabi ngunit pakiramdam ng binata ay napakadilim na tila wala siyang makita sa paligid. Malabo ang kanyang paningin dahil sa laki ng problemang gumugulo sa kanya. Paano na lang si Teresa? At paano si Anabel? Hindi malaman ng binata kung sino ang itatangi sa dalawang babaing nagkaroon na ng bahagi sa kanyang buhay. Si Anabel, kabahagi ng kanyang buhay. Si Teresa ay kabahagi ni Anabel at kailangang bahaginan din ito ni Tirong sa kanyang puso, bilang kapatid ng babaing kanyang minamahal.

Tumuloy si Tirong sa bodega. Parang wala siyang lakas na umuwi dahil sa hiya kay Anabel. Nahuli siya ni Anabel na pumunta sa klab ni Golem. Ngunit hindi alam ng dalaga kung sino ang kanyang pinuntahan. Baka akalain ng dalaga na natuto na siyang mambabae dahil bahay ng mga kalapating mababa ang lipad ang klab ni Golem. Hindi naman niya maipagtapat sa dalaga kung sino ang pinuntahan niya sa klab. Hindi pa panahon upang malaman ng dalaga.

Ngunit kailan pa dapat malaman ni Anabel na alam na niya ang kumbentong pinupugaran ng nakatatandang kapatid nito? Napailing si Tirong. Parang may bumubulong sa kanya na tama ang kanyang ginagawa. May narinig din siyang bulong na mali ang lahat ng kanyang mga hakbang.

103

Page 104: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Napabuka ang bibig ni Tikoy nang makita si Tirong na papasok sa bodega. Parang nanibago din si Tikoy pagkakita sa hitsura ng kaibigan. Sa tingin niya ay labis ang pagpayat ni Tirong. Nanlalalim ang mga mata nito. At parang buong mundo ang nakaatang sa balikat nito.

“P-part... me problema ba?” sabi ni Tikoy nang makaupo na sa kahon si Tirong. Sumandal ito sa pader at itinakip sa mukha ang dalawang kamay. “Me trobol ba? Babae?”

Isang malalim na paghinga ang hinugot ni Tirong. Kinuha ang mga kamay sa mukha at tiningnan si Tikoy. Umiling-iling.

“P-part... kaibigan mo ‘ko. Narito ‘ko parati sa likod mo. Hindi maaaring ilihim mo sa amin ang ‘yong problema,” banayad ang boses ni Tikoy. Nilapitan ang kaibigan at tinapik-tapik sa balikat. “Kung ano man ang nagpapagulo sa ‘yo... nagpapagulo din sa amin. Nung primero bumili ka ng armas. Naunawaan namin dahil hindi maiiwasan ang trobol. Nakahanda naman kami parati. Pero ngayon...” at bumuntunghininga, “hindi namin alam kung ano ang paghahandaan sa ipinakikita mo.”

“Tikoy,” nasabi ni Tirong. Tumayo at idinantay ang kamay sa balikat ng kaibigan. “Naalala mo ‘yong babaing pumarito no’n?”

“O-oo. Bata ‘yon ni Golem, di ba?”Tumango si Tirong.‘“Yon ‘yong nagbibigay sa ‘yo ng problema? S-sinedyus ka?” napangiti si Tikoy sa

huling binanggit. “Paano na lang si Anabel?”“‘Yan nga ang pinoproblema ko. N-naaawa ako kay Anabel. At, Part, huwag mong

sabihing sinedyus ako ni Teresa. Merong di mo alam. Si Teresa ay ang matagal nang hinahanap ni Anabel.”

Bumilog ang mga mata ni Tikoy. “K-kapatid ni Anabel si Teresa, ang bata ni Golem?”

Tumango-tango si Tirong.“Putsa! At matagal mo nang alam?”“Matagal na. No’ng pumarito siya.”“At inilihim mo kay Anabel?”“Kung ikaw sa lugar ko, sasabihin mo kaya?” Umiling-iling si Tirong. “Siguro baka

sabihin mo. Pumasok din ‘yan sa isip ko. Pero aywan kung bakit di ko nagawa. Naisip ko no’n na makasama kung sasabihin ko agad kay Anabel. Pero mas masama palang inilihim ko pa. Hanggang...” Natigilan si Tirong. Parang hindi masabi ang gustong idugtong.

“Hanggang nahulog ang loob mo sa kanya? ‘Yan ba ang dahilan kumba’t bihira ka nang umuuwi?” may panunumbat sa boses ni Tikoy. Ngunit nandiyan pa rin ang pang-unawa.

“Ang damdamin ko sa kanya ay bilang kapatid lamang ni Anabel. Sabihin na lang natin na sa isang pagkakataon ay nadala kami ng simbuyo ng aming damdamin.”

“Sanay si Teresa sa lalaki. ‘Yan ang buhay niya kay Golem.” Napasutsot si Tikoy. “Pinoproblema mo ngayon kung pa’no makaiwas sa kanya?”

Hindi. Pinoproblema ko kung ano ang magawa ko para sa kanya.”“Ano?”“May sakit si Teresa. Wala siyang ibang masasandalan at hindi ko siya maaaring

pabayaan.”

104

Page 105: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Dapat sigurong ipaalam mo na kay Anabel?”“Pa’no? Galit siya sa akin ngayon.”Bumuntunghininga si Tikoy.“Naisip ko na nga’ng ipaalam na lang kay Mang Aldo.”“Sino’ng Mang Aldo?”“Ama ni Teresa at ni Anabel.”“Kilala mo pala ang kanilang ama? Nakapunta ka na ba sa Bacolod?”“Hindi. Do’n lang sa Payatas ang ama ni Anabel.”“Kung ganun, ba’t hindi nakatira si Anabel sa piling ng kanyang ama? Ba’t dito siya

nagtitiis sa tambakan?”“Marami pang mga bagay na dapat mong malaman kay Anabel. Natatandaan mo si

Boy Agila?” paiba ni Tirong.“Ang hayup? Ang demonyong tauhan ni Goyo?”Nandilat ang mga mata ni Tikoy. Tumiimbagang. “Pag nakita ko siyang muli...”“Si Boy Agila ay si Jimboy. Anak ni Maribel na pangalawang asawa ni Mang Aldo.”“Yudip... At naatim ng gagong ‘yon na ransakin ang tindahan ni Anabel?”‘“Yan ang buhay. Magulo. Kasinggulo ng binabagtas ko ngayon.”“Ano ngayon ang gusto mong gawin?”“Bahala na. Sa ngayon ay plano kong tulungan muna si Teresa. Marami siyang

kakailanganin. Kayo na muna ang bahala kay Anabel. Bantayan n’yo siya. Sa kanya ngayon natuon ang paningin ni Golem. Gusto ni Jimboy na iregalo si Anabel kay Golem.”

“Yudiponggol! Dadaan muna siya sa ibabaw ng aking bangkay!”May dinukot si Tirong sa bulsa ng kanyang pantalon. Paldong pera. Kumuha ng

ilang piraso at iniabot kay Tikoy. “Pakibili ng groseri. Gatas, sabon... de lata.”“Para kanino?”“Para kay Teresa. Dadaanan ko lang dito mam’ya. Uuwi pa ako sa bahay at

magbihis.”Napangiti si Tirong nang makarating siya sa kanilang bahay. Nakita niyang

nakasindi ang ilaw sa sala. Naisip niyang gising pa si Anabel dahil may ilaw pa sa sala. Kadalasan kung tulog na ang dalaga sa itaas ay pinapatay muna nito ang ilaw sa ibaba bago pumanhik sa kanyang kuwarto.

Makailang beses na tumikhim si Tirong nang nasa pintuan na siya. Ngunit wala siyang narinig na gumalaw man lang sa loob. Sinubukan niyang itulak ang pintuan. Nakakandado ito. Marahan siyang kumatok. Ngunit walang sumagot sa loob. Dahan-dahan siyang sumilip sa maliit na siwang ng bintana.

Kumabog ang dibdib ni Tirong nang masilip ang mga basyo ng serbesa sa ibabaw ng mesita.

“Anabel?” sinabayan ito ni Tirong ng malakas na katok.Sa loob ay may narinig si Tirong na ungol.Muling kumatok si Tirong. Malakas.

105

Page 106: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

37

LUMAKAS ang ungol na narinig ni Tirong sa loob ng bahay. Ungol ng babaing may dinaramdam na sakit. Si Anabel!

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Tirong. Nalipos na ng pangamba ang kanyang pagkatao. Naghalo ang masamang mga duda sa kanyang isipan. Nag-init ang kanyang tainga. At buong lakas na binalya niya ang pintuan. Natanggal ang bolt lock at kumalabog ng magbukas ang pintuan.

Napabalikwas si Anabel dahil sa lakas ng kalabog. Biglang napawi ang kanyang pagkaliyo. Mabilis na inabot niya ang basyo ng serbesa at tumayo. Akmang susugod. Nag-anyong mabangis na hayup si Anabel dahil sa magulong buhok at pagkagulat nang kumalabog.

“Anabel!”Natigilan si Anabel. Parang naalimpungatan nang marinig ang malakas na boses ni

Tirong. Binitiwan niya ang basyo ng serbesa at pasalampak na umupo sa bangkong hinigaan niya kanina. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha at mangalumbaba.

“Bakit, Anabel?” may pagtitimpi sa boses ni Tirong.Biglang nag-angat ng mukha si Anabel. Nariyan ang yamot sa kanyang mga mata.

“Ano’ng bakit? Wala na ba akong karapatang gumawa ng gusto kong gawin?”“Hindi sa gano’n, Anabel,” naging banayad ang boses ni Tirong. “Ang inaalala ko

lang ay baka masobrahan ka. Aba, sandosenang bote ‘to, a.”“Mauubos ko ba lahat ‘yan?” sinabayan ito ng dalaga ng ungol.Kung gayon ay may kasama si Anabel na uminom. Nangunot ang noo ni Tirong.

Bigla rin itong pinalitan ng pagtatagis ng mga ngipin dahil nakita niyang may upos ng sigarilyo sa isa sa mga basyo ng serbesa. Mariing natingnan ni Tirong si Anabel.

“Kaylan ka pa natutong magsigarilyo?”“Nakita mo na bang’ nagsigarilyo ako?” Sumilakbo si Anabel.“Kung gayon, tama ang hula ko. May kasama kang lalaki dito!” Sumingasing na sa

galit si Tirong.Ngunit higit ang galit ni Anabel. Nagbabaga ang mga matang tumayo at dinuro ang

binata. “Wala kang karapatang sigawan ako!”Umangat ang mga kamay ni Tirong.“Sige!” Mabilis ang pagdampot ni Anabel sa basyo ng serbesa. “Ituloy nang

matodas na tayong lahat. Tutal wala namang silbi ang lahat nating pangarap at pagsisikap na mabago ang ating kalagayan. Sayang ang pagsumikap kong kayo lang naman pala ang wawasak!”

‘“Di mo alam ang tunay na dahilan!” singhal ni Tirong.“Hindi?” Sumingasing si Anabel. “At ano ang ginagawa ‘nyo ng kontak mong

babae?”“Wala kaming ginagawang masama. Kung meron man, wala namang mawawala sa

akin. Lalaki ako. Pero ikaw...” at tiningnan ang basyo ng serbesa na may upos sa loob nito. “Dito pa kayo gumawa ng kademonyuhan!”

106

Page 107: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Pakiramdam ni Anabel ay kinusot ang kanyang mga tainga. Inangat niya ang baso at iniambang ipalo sa mukha ng binata ngunit nahawakan ni Tirong ang kanyang kamay. Pilit na piniga ng binata ang kamay ni Anabel upang mabitawan ang bote ngunit kahit nakangiwi ay nakalmot pa ng dalaga ng kabilang kamay ang mukha ni Tirong.

Hindi na nakapagtimpi si Tirong dahil sa hapdi ng mukha na kanyang naramdaman. Nanlilisik ang mga matang inambahang sampalin ang dalaga ngunit hindi niya naipadapo nang makarinig sila ng sunod-sunod na katok. Humihingal na ibinaba ni Tirong ang nakaambang kamay. Pawaksing binitiwan ang kamay ni Anabel na may hawak na bote. At bago tunguhin ang pintuan upang buksan, isang matalim na tingin ang ipinukol sa dalaga.

Naratnan pa ni Tikoy na nanunulis ang bibig ni Anabel habang matalim ang tingin kay Tirong nang pagbuksan siya ng binata. Natanto agad ni Tikoy na nag-away ang dalawa kaya madali rin niyang binawi ang tingin sa dalaga. Parang nahihiyang yumuko si Tikoy sabay lapag ng plastic bag sa gilid ng bangko na kubli sa paningin ni Anabel.

Ngunit matalas ang mga mata ni Anabel. Matalas din ang pandinig ng dalaga kahit pabulong ang pagkasabi ni Tirong kung bakit dinala pa ni Tikoy ang ipinabili dito.

“Hindi ako interesado kung anuman ang pinabili mo,” parunggit ni Anabel. “Tikoy, ilabas ‘yan!”

Hindi nakakilos si Tikoy. Tila nalagay siya sa alanganin. Napatingin siya kay Tirong na parang humihingi ng tulong kung ano ang dapat gawin. Kinindatan siya ng binata na naunawaan din niya agad. Pinapaalis na lang siya.

Nang makaalis si Tikoy ay nilapitan ni Tirong si Anabel. Umupo siya sa tabi ng dalaga. Ngunit mabilis na tumayo ang dalaga at lumipat sa kabilang silya. Sa ginawa ni Anabel ay nag-init ang tainga ni Tirong.

“Pa’no natin maayos ang lahat kung nagkakaganyan ka?”“Meron bang dapat ayusin?” Umangat ang isang kilay ni Anabel. “Kung meron

mang dapat ayusin, siguro’y ang problema mo. At ang problema mo, problema mo. Wala akong paki. ‘Yan naman ang parating pakiramdam mo, di ba?”

Napabuntunghininga si Tirong. Tinamaan siya ng sinabi ni Anabel.Minabuti niyang maging payapa, magpakumbaba.“A-Anabel... alam kong may nagawa akong mga pagkakamali. Pero humihingi ako

ng paumanhin kung ipinagdamdam mo man ‘yon.”“Wala akong karapatang magdamdam,” pakli ni Anabel.“Kung ikaw wala, ako meron,” nanginginig ang boses ni Tirong. Sa katotohanan ay

labis ang kanyang hinanakit, hindi kay Anabel kungdi sa sarili. “Pero hindi sa ‘yo... sa nangyayari ngayon.”

“Kasalanan mo!” asik ni Anabel.“Inaamin ko.” Nilinga ni Tirong ang dalaga. Pinakiramdaman ito. “May gusto

akong ipagtapat...”“Ang babae mo?” May laman ang pilit na ngiti ng dalaga. “Ang kinahuhumalingan

mo?”“Iisa lamang ang kinahuhumalingan ko. Ang babaing nagbago ng aking buhay,

nagpalawak ng aking isipan at nagbigay kahulogan upang di mawalan ng pag-asa.”‘“Yong babaing binabalik-balikan mo sa klab ni Golem? Si Golem na muntik nang

magwasak ng aking kinabukasan?” masakit na himutok ang idinugtong ni Anabel. Ngunit pilit na siyang nagpakawala ng mapait na ngiti.

107

Page 108: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“‘Di siya ang ibig kong sabihin. Kung may iba mang babae na pinag-uukulan ko ng... ng pag-alala, ‘yan ay walang iba kungdi ang mahal din sa ‘yong buhay.”

Biglang napatingin ng mariin si Anabel kay Tirong. Ngunit hindi siya umimik. Parang gustong malinawan sa sinabi ng lalaki ngunit nanatili siyang tahimik.

Napayuko si Tirong. Parang nanikip ang kanyang dibdib. Ito na ba ang pagkakataon para ipagtapat niya sa dalaga kung bakit gumugulo ang kanilang pagsasama ay dahil din sa kapatid nito, kay Teresa? Napatiimbagang si Tirong. Hindi niya masabi kung ano ang magiging resulta kapag sinabi niya kay Anabel na si Teresa ang binibisita niya sa klab? Na si Teresa ang dahilan kung bakit madalas siyang hindi makauwi sa gabi. At may lakas kaya siya ng loob sa pagtapat sa dalaga na ilang beses din silang nagsalo sa kaligayahan? Kinilabutan si Tirong sa pag-isip.

“A-ang mabuti pa’y magpahinga ka na,” nasabi kalaunan ni Tirong. Tumayo siya at iniligpit ang mga bote sa mesita. “Hindi pa ‘ata nawawala ang epekto ng nainom mo... ng nainom ninyo.”

Parang sibat sa pakiramdam ni Anabel ang sinabi ni Tirong. Ang bakas nito sa kanyang pakiramdam ay parang nagpauga ng kanyang katawan. Nanginginig ang kalamnang tumayo si Anabel. Sinipa ang mesita na kinapapatungan ng mga boteng hindi pa naubos ipunin ni Tirong. Nangabasag ang natirang mga bote sa pag-ilandang ng mesita.

Natigilan si Tirong sa ginawa ng dalaga. Muntik na siyang masugatan ng tumilapong bubog. Ngunit hindi na siya umimik. Walang kibong dinala sa kusina ang bitbit na mga bote. Pabalik na siya dala ang basurahang paglalagyan niya ng mga basag na bote nang marinig niya ang papanhik sa hagdanang si Anabel. Maya-maya ay narinig niya ang lagabog ng pintuan. Malakas. Kagaya ng pagkalabugan sa loob ng kanyang dibdib.

108

Page 109: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

X

MULING DUMILIM ANG LANGIT

ASAKIT na ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kanyang silid nang magising si Anabel. Maagap na natakpan ni Anabel ang kanyang mga mata dahil

sa pagkasilaw. Pumihit siya upang makatalikod sa bintana ngunit napangiwi siya. Napakasakit ng kanyang katawan. Ang sakit ay dumadaloy sa kanyang ulo. Labis na pagkaliyo ang kanyang naramdaman.

M

Sandaling nanatili sa pagkakahiga si Anabel. Pikit ang mga mata. Pilit na inaalala ang dahilan kung bakit tinanghali siya sa pagbangon. Mula noon ay ngayon lang siya tinanghali sa pagbangon.

Pumasok sa kanyang isipan ang anyo ni Tirong. Kumirot ang puso ng dalaga. Nag-away pala sila kagabi kung bakit napuyat siya. At ang pagkaliyo niya ay bunga pa ng nainom niya kagabi. Dahil din sa pagkayamot niya kay Tirong! Ang alalahanin ay nagpabalik ng lakas ni Anabel. Muling nag-apoy ang kanyang galit. Bumalikwas siya upang bumangon.

“Ang demonyo!” mariing usal ni Anabel habang bumababa sa hagdanan.Tinungo ng dalaga ang kusina. Malamig ang stove. Ibig sabihin walang nagsaing.

Hindi pa yata nagising ang lukoluko, naisip ni Anabel. Maingat na lumapit sa kuwarto ng binata at nagmatyag. Tahimik. Sinubukan niyang itulak ang pintuan. Bukas. Walang tao sa loob.

Nagtatagis ang mga ngiping napailing si Anabel. Muli siyang bumalik sa kusina at sinindihan ang stove.

Naglagay ng tubig sa takuri at isinalang. Pagkatapos ay nagmamadaling pumasok sa banyo. Kailangang makapasok siya sa kanilang paaralan upang makaabot kahit sa second period na.

109

Page 110: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

MALALIM ang kaisipan ni Tirong habang humihitit ng sigarilyo. Hindi umaalis ang kanyang paningin sa kisame habang nakasandal sa sopa. Nasa malayo ang kanyang kaisipan.

Napapitlag lamang si Tirong nang maramdamang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Lumabas si Teresa. Nakabihis na ng damit panlakad. Mahina pa ang pangkilos ni Teresa ngunit pinipilit niyang mangiti.

“Hanggang ngayon ba’y pinoproblema mo ‘yan?”“Desidido ka na nga ba sa gagawin mo?” iwas ni Tirong na dinutdot sa ash tray ang

sigarilyo. “Parang mahina ka pa.”“Napag-usapan na natin ‘to kanina, di ba?” Lumapit si Teresa kay Tirong. Tumayo

sa harap ng lalaki. “Okey rin ba ang simpleng suot ko?” at ngumiti ang kapatid ni Anabel.

Napatango si Tirong. Sa totoo lang ay malaki ang ipinagbago ng anyo ni Teresa sa suot nitong t-shirt at maong na pantalon. Hindi mo sasabihing matagal na namuhay sa kumbento ng mga taong hayok sa laman. Parang si Anabel ang kaharap ni Tirong. Nakita ni Tirong ang malapit na pagkakahawig ng hitsura ni Teresa kay Anabel ngayong walang make up ang kaharap.

“H’wag ka nang magproblema. Siguro ito na lamang ang paraan para malutas ang problema nating lahat.”

Nakahinga ng malalim si Tirong. “Pero ano ang gagawin mo sa probinsiya?”“Gaya ng nasabi ko na, bahala na. Basta makaiwas ako bago dumating ang sandaling

magsisi man ako... huli na.” Umupo si Teresa sa tabi ni Tirong. “Last night ko na sigurong panunungkulan ngayon.”

“Mas makabuti nga siguro.” Tumango si Tirong. “At maaaring ito ang nararapat na sandali sa pagsimulang muli.”

Muling tumayo si Teresa. Tiningnan ang relo. “Alas nuwebe na pala. Kailangang masingil ko ang lahat ng mga pautang ko. Sayang na iiwan ko lang kahit maliit lang ‘yon.”

“Sabihin mo lang kung anong oras ka magsasabi kay Golem, para masamahan kita.”HINDI mapakali si Anabel sa kanilang silid-aralan. Hindi pumapasok sa kanyang

isip ang lecture ng kanilang guro. Bagaman halos hindi kumukurap ang dalaga sa pakikinig ngunit iba ang pumapasok sa kanyang isipan. Magulo.

Pagkatapos ng kanilang subject ay naisipan ni Anabel na magpunta sa library. Gusto niyang may pagkaabalahan ang kanyang utak. Gusto niyang may kapakipakinabang na bagay na pagtuunan ng kanyang panahon.

Nakatungo lamang si Anabel papunta sa library. Ni hindi siya nag-aangat ng mukha kahit may mga kaklase sa ibang subject na bumabati sa kanya kapag magkasalubong sila.

Papasok na si Anabel sa library nang maramdaman niyang may sumagi sa kanyang balikat. Mas tama sigurong sabihin na may bumangga dahil napasuray si Anabel ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Ni hindi siya lumingon kung sino ang kanyang nabangga o bumangga sa kanya. Tumuloy siya sa loob at kumuha ng libro sa unang estante na kanyang nalapitan. Marami ang mga tao ngunit walang tiningnan si Anabel. Tahimik siyang umupo sa isang silya sa isang bahagyang kubling mesa.

Malalaki ang mga titik ng librong binabasa ni Anabel ngunit pakiramdam niya ay parang malabo ito sa kanyang paningin. Pakiramdam niya ay parang may nakatabing sa kanyang binabasa. Itiniklop niya ang libro at mangalumbaba.

110

Page 111: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

May tumikhim sa tabi ni Anabel.“J-Jun?” nasambit ni Anabel nang malingunan sa kanyang tabi si Jun. “Nandito ka

pala?”“Kanina pa. The fact is nabangga mo pa nga ako pagpasok mo dito,” banayad ang

boses ni Jun. Nakakunot ang kanyang noo. “I wonder kung ano ang gumugulo sa ‘yo. Ni hindi mo na nga ako napansin kanina kaya bumalik ako rito sa loob... to find out...”

“Kung nabaliw na ako?” mapait ang ngiti ni Anabel na sinundan ng mahabang paghinga.

‘“Yon pa rin ba ang pinoproblema mo... ang gumugulo sa ‘yo?”Marahang tumango si Anabel. Napapikit siya. At nang magdilat ay mapula na ang

kanyang mga mata. May luhang namumuo at akmang tumulo. “I-I’m sorry sa naging actuation ko kagabi.”

“It’s alright. Naunawaan kita.”“Hindi ako cheap.” Tumungo si Anabel. Hindi upang ikubli ang pagkapahiya kungdi

upang maikubli ang pagpatak ng kanyang mga luha. “I... I want to make that clear.”“Anabel... please,” parang bulong na lamang ang boses ni Jun. “Wala akong iniisip

na ganyan. Although honestly, talagang nagtaka ako kagabi kung bakit nagawa mo ‘yon. I mean ang pag-inom ng sobra.”

Hindi nagdugtong si Anabel. Nanatili siyang tahimik. Patuloy na nakatungo. Tumahimik din si Jun. Ngunit minamatyagan nito ang kilos ng dalaga. Kalauna’y nag-angat ng mukha si Anabel. Basa na ng luha ang kanyang mga mata. Ngunit hinayaan niyang malaya itong bumasa sa kanyang mukha. Nilingon niya si Jun.

“A-Anabel... please.” Tumungo din si Jun. Iniiwas ang tingin sa dalaga. “Ayokong makita kang umiiyak. Nasasaktan din ako. At ang masama I can’t do something upang mabawasan man lang ang nadarama mo... like to hold you in my arms. Hindi dapat. May itinatangi na ang iyong puso.”

Sa narinig ay nasagi ang damdamin ni Anabel. Nagpasilakbo ito ng kanyang yamot.“Jun, ang akala ko’y masasandalan ka sa sandali ng aking pighati,” may pait ngunit

mariin ang boses ni Anabel. “Lalo mo lamang palang susugatan ang aking damdamin.”“I-I’m sorry, Anabel. God knows gusto kitang tulungan... to comfort you...”“Hindi mo ako inuunawa!”Napalingon ang ibang mga estudyante sa loob ng library dahil sa di-napigilang

pagtaas ng boses ni Anabel. Naging senyas iyon upang magbulungan. May napasutsot dahil sa yamot. May tumawa ng mahina dahil nakita nila si Jun na parang napahiya. At meron ding hindi nakapagpigil na sumipol.

“Wow, drama!” dagdag pa ng iba.“Please, Anabel.” Parang hindi malaman ni Jun ang gagawin upang maiiwas sa

kanila ang tingin ng ibang mga estudyante. Marahang tinapik ni Jun ang balikat ni Anabel upang pakalmahin ito ngunit pinalis lamang ng dalaga ang kanyang kamay.

“Leave me alone!” Humikbi na si Anabel.Parang nabigla din si Jun sa ginawa ni Anabel. Parang matunaw siya sa pagkapahiya

dahil alam niyang patuloy silang pinagtitinginan ngunit hindi rin naman niya magawang lumabas. Hindi niya mapababayaan si Anabel sa gayong kalagayan.

“Gentleman,” banayad ngunit mariin ang boses na nagpapiksi kay Jun. Boses ng kanilang librarian. “You heard what that lady said. Leave her alone!”

111

Page 112: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

39

HALOS matunaw sa pagkapahiya si Jun nang palabasin siya ng librarian. Tumatanggi sana ang kanyang damdamin na iiwan si Anabel ngunit nakita niya sa tingin ng ibang mga estudyante na minamasama siya. Ang akala siguro ng mga ito ay kung ano ang ginawa ko kay Anabel, naibulong ni Jun at tinungo ang pintuan.

Parang naalimpungatan din si Anabel sa kanyang ginawa nang makitang laglag ang balikat ni Jun paglabas nito sa library. Nakaramdam ng pagkapahiya sa binata si Anabel. Parang gusto niya itong habulin ngunit nagtimpi siya. Ayaw niyang sabihin pa ng iba na lovers’ quarrel lang ang namagitan sa kanila na pagkatapos ay hahabul-habulin din niya.

Kung ilang ring na ng iba’t-ibang period ang narinig ni Anabel ngunit hindi siya lumabas sa library. Marami nang mga aklat ang kanyang nabuklat ngunit ni hindi niya matandaan kung ano ang kanyang nabasa. Ginagawa lang niya ito upang hindi mapansin ng iba na ang kanyang pakay ay pagpalipas lamang ng kanyang sama ng loob.

Naisipan lamang ni Anabel na lumabas sa library nang makaramdam siya ng gutom. Minasdan niya ang kanyang relo. Pasado ala una na pala. Dali-dali siyang nagtungo sa kanilang canteen. Nag-order siya ng sopas. Ayaw niyang kumain ng heavy dahil ni hindi pa siya nakapag-almusal. Ayaw niyang mabigla ang kanyang tiyan.

Nakatapos lang ng kain si Anabel nang mapansin na may pumasok. Parang sinundot ang dibdib ni Anabel. Nakita niya si Jun na matamlay ang katawan habang nakatungong lumapit sa counter. Umorder ng soft drink si Jun at nang makuha ang inorder ay tahimik na tinungo ang mesang malapit sa bintana, malapit sa kinauupuan ni Anabel.

Napailing si Anabel nang makitang nakaupo na si Jun. Nakatungo pa rin ang binata. Parang walang ganang pansinin ang paligid. Ni hindi nito napansin si Anabel na nandiyan lamang sa katabing mesa.

Tumayo si Anabel. Nilapitan si Jun at walang imik na humatak ng silya at umupo sa tabi nito. Napalinga si Jun nang maramdaman ang pagtabi ni Anabel. Pumihit ito upang maharap ng maayos ang dalaga, ang paningin ay parang nagtatanong kay Anabel, malungkot.

“S-sorry...”May pait ang tango ni Jun. Pinaparamdam ang pag-unawa ngunit hindi maikubli ang

tampo.Bumuntunghininga si Anabel. Kalauna’y tumawa, hindi sa natatawa kundi

pagpaluwag sa dibdib upang hindi niya maramdaman ang paninikip. “You know... ang akala ko noon ay talagang matatag na ako. Hindi pala...”

Ang sinasabi ni Anabel ay inagaw ng buntunghininga ni Jun.“Ang akala ko’y kaya ko nang harapin ang lahat ng unos.” Parang nananaginip si

Anabel. Nakapikit-mata. “Pero sa nangyayaring pagsugat ng aking puso...” Pumatak ang kanyang mga luha.

“A-Anabel?”“Parang wala na akong hangad na mabuhay. After all...” Huminga siya ng malalim

at sinundan ng buntunghininga, “wala naman palang dapat pag-ukulan nitong buhay.” “God, no!”

112

Page 113: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

ALAS siyete na ang oras sa gabi nang umuwi si Tirong. Nagmamadali siya dahil babalik pa siya sa apartment. Alas otso ang napagkasunduan nila ni Teresa na ihatid niya ang babae sa klab, upang pagkatapos ay ilayo sa impiyerno, ang kumbentong napapaligiran ng apoy. Kapag nagawa niya ito, mawawala ang lahat niyang problema may kaugnayan kay Anabel.

Ilang beses na kumatok si Tirong sa kanilang bahay. Ngunit walang nagbukas. Patay ang ilaw sa loob at naisip ni Tirong na natutulog na si Anabel. Ngunit nang lumapit ang anak ng kanilang kapitbahay na siya ring nagsabi sa kanya na pinapapunta siya ni Teresa ay nalaman ni Tirong na hindi pa nakauwi ang dalaga.

Matapos pasalamatan ang bata ay dali-daling tumungo sa tindahan sa tambakan si Tirong. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Gayundin kabilis ang andar ng kanyang utak kung ano ang idadahilan sa dalaga kapag hindi siya makauwi hangga’t hindi rin makauwi sa probinsiya si Teresa. Napagkasunduan nila ni Teresa na mula sa klab ay tutuloy sila sa piyer at doon na lamang magpapaumaga upang siguradong makasakay kaagad sa barko ang babae. Araw-araw na raw ang biyahe ng barkong patungo sa Bisayas at puwedeng sa piyer na lang bumili ng tiket.

Ngunit natigilan si Tirong nang may maalala. Paano kung hindi pumayag si Golem na palayain sa mga kamay nito si Teresa? Marami nang nalalaman si Teresa sa aktibidades ni Golem at halos natitiyak ngayon ni Tirong na hindi papayag ang lider ng sindikato na may makalabas sa poder nito upang walang makalusot na lihim.

Umasim ang mukha ni Tirong. Kung tutuloy sila sa piyer upang maging madali ang pag-alis ni Teresa ay bakit pa ito hihingi ng permiso kay Golem? Dapat tumuloy na lamang sila na hindi na magpaalam kay Golem! Napasutsot si Tirong sa naalalang ito. Napailing siya dahil sa kitid ng kanyang pag-iisip noon. Kung bakit hindi niya napag-isipang mabuti ang maaaring ibunga ng padalus-dalos na plano ni Teresa.

Nagsasara na ang katulong ni Anabel nang dumating si Tirong.“Si Ate mo?”“Hindi siya naparito, a,” parang nagtakang sagot ni Inday. “Kapag pumaparito siya

ay maaga pa. Pero ilang araw na ngayon na bihira na lang siyang pumarito. Siguro abalang-abala si Ate sa kanyang pag-aaral.”

Tumango-tango na lamang si Tirong. Nag-aalala siya ngunit hindi siya nagpahalata. Nangangamba din siyang baka mag-alala din si Inday at maapektuhan ang pagtitinda nito.

Agad na tinungo ni Tirong ang bodega. Naratnan niyang nag-iinuman sina Tikoy. Tigdalawang boteng beer pa lang ang nainom ng tatlo pagpasok ni Tirong.

“P-Part,” parang nahihiya si Tikoy na agad tumayo at inabutan ng serbesa si Tirong. “Nagpapainit lang kami. Gamot sa pagod.”

Inabot ni Tirong ang serbesa. Tinungga at lumagok ng makalawa. “Si Anabel, naparito ba?”

“Hindi pa ba siya nakauuwi?” Parang nagtaka din si Tikoy. Napasutsot siya. “Kadalasan maaga pa siya umuuwi, a.”

Hindi na nagdugtong si Tirong. Muli siyang tumungga. At nang bitiwan ang bote ay wala na itong laman. Ang nainom ay nagdagdag ng pamumula ng kanyang mga mata.

“Gusto mo bang sunduin namin, Part? Baka may okasyon lang sila sa eskuwelahan at naatraso sa pag-uwi.”

113

Page 114: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Kung p’wede, Tikoy. Pero maghihintay na lamang ako sa bahay. Galit na galit pa siya siguro sa akin at ayokong sumama sa pagsundo. Baka lumala pa ang kanyang tampo.”

NGUNIT naikot na nina Tikoy ang buong campus at napuntahan naman nila ang halos lahat na mga kuwartong bukas ngunit wala si Anabel. Natanong din nila ang guwardiya kung may klase pa ang departamento nina Anabel ngunit wala rin itong naisagot.

“Baka nagdeyt?” biro ni Boy.“Lukoluko!” saway ni Tikoy.“Ano’ng gagawin natin? Sa’n natin siya hahanapin?” Napalitan na ng pag-alala ang

pagbibiro ni Boy.“Magbabakasakali tayo kahit sa’n.”Paglabas nila sa PCU ay tinalunton nila ang mga kainan sa kahabaan ng Taft Avenue.

Ngunit talagang wala si Anabel. Unti-unti nang lumalalim ang gabi at naisipan nina Tikoy na bumalik na lang. Naisip nilang baka may pinuntahan lang si Anabel at hindi naman dapat alalahanin. Kilala nila si Anabel. Matatag ito at natitiyak ni Tikoy na alam ng dalaga kung saan dapat pumunta at kung ano ang dapat gawin.

Tumawid sina Tikoy sa Taft, patungong Luneta. Malapit na sila sa kalagitnaan at malapit naman sa nakahilerang mga puno nang masulyapan nila ang ilang mga bata na parang nanunubok. Nakita din nilang kung minsan ay humihinto ang mga bata at magtawanan habang itinuturo ang tinutumbok nila.

Kumunot ang noo ni Tikoy. Hinila niya ang mga kasama at dali-daling lumapit sa mga bata.

Nang makita ng mga bata na papalapit sina Tikoy ay nagtakbuhan sila.Nagpalinga-linga sina Tikoy kung ano ang minanmanan ng mga bata. Wala silang

nakitang ibang tao. Ngunit may narinig sila sa likod ng puno. May umiiyak. At kilala ni Tikoy kung sino ang umiiyak na iyon.

Agad na lumigid si Tikoy sa puno. Nakita niya si Anabel na nakasandal sa puno habang nakaupo sa isang malaking bato.

Si Anabel ang umiiyak. At lalong naragdagan ang pag-iyak nang mapansing sina Tikoy ang nakapaikot sa kanya at nasa mga mukha ang pagtataka.

40

SAGLIT lamang ang pagdagdag ng iyak ni Anabel. Nakaramdam siya ng pagkapahiya dahil inabutan siya nina Tikoy sa nakatatawang kalagayan. Kahit sa sarili ay alam ng dalaga na parang bata ang kanyang kalagayan sa ayos ng kanyang pagkakaupo at pagpunit-punit niya sa larawan nila ni Tirong. Kuha iyon nang maraanan sila ng photographer ng park na kumuha sa kanila habang nakaupo sila sa malambot na damuhan.

“A-Anabel...”

114

Page 115: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ano’ng ginagawa n’yo dito?” pilit pinataas ni Anabel ang kanyang boses sabay tayo nang mapuna si Boy na nakangiti ngunit hindi maitago na natatawa. “Kung nagtataka kayo kung bakit gabi na ay hindi pa ako umuuwi, wala siyang paki!” tinigasan ng dalaga ang pagbanggit ng siyang.

“Alalang-alala siya,” salo ni Tikoy na siniko si Boy. Agad namang nagseryuso si Boy at dumistansiya sa kanila. “Kahit kami ay nag-alala kaya hinanap ka namin. Alam mo naman kung gaano kainit ang panahon ngayon.”

Nasagi naman ang damdamin ni Anabel sa ipinahayag na pag-alala ni Tikoy. Ngunit hindi na siya dumugtong. Walang imik na dinampot ang kanyang mga gamit at tumalikod. Nakatungo lang siya habang mabilis ang paghakbang.

Napailing na lang si Tikoy habang sumusunod sila sa dalaga.BIGLANG napalis ang ngiti ni Teresa nang malingunan ang itim na kotseng kanina

pa bumubuntot sa kanila. Papaliko na ang sinasakyan niyang taksi at malapit na siya sa kanyang apartment. Hindi niya kilala ang may-ari ng kotse ngunit nakilala niya ang mga sakay nito nang pagliko ng kanyang sinasakyan ay siya namang pagdungaw ng isang payat at may mahabang buhok na lalaki sa nasabing kotse. Si Boy Agila!

Napakunot-noo si Teresa. Kilala na niya si Boy Agila na tauhan ni Golem. At ang pagsunod nito sa kanya ay hindi nagkataon lamang. Sadya siyang tinutugaygayan. At tiyak na inutusan ito ni Golem. Wala naman siyang alam na nagkabanggaan sila ni Boy Agila kaya walang dahilan na sundan siya kung hindi rin lang utos ng sindikato.

Nagtagis ang mga ngipin ni Teresa. Bagaman hindi pa siya nakapagsabi kay Golem na titigil na siya sa pagpasok sa klab ngunit nakaamoy agad ang ulupong. Kailangang lalong mag-ingat siya... sila ni Tirong dahil kasama na ang binata sa kanyang plano.

Bigla ang pagpapara ni Teresa ng taksi nang mapalingon siya at nakitang naiwan ng ilang metro ang kotse nina Boy Agila. Ilang sasakyan ang nakapagitan sa kanila at hindi basta-bastang makalusot ang kotse nina Boy Agila kaya ipinasya ni Teresa na bumaba na lang upang mailigaw ang sumusunod sa kanila.

Humihingal at kumakabog pa ang dibdib ni Teresa nang ikandado ang pintuan ng kanyang apartment. Maingat siyang sumilip sa bintana. Naabutan pa ng kanyang paningin ang mabagal na takbo ng kotseng itim. Nakadungaw ang mga sakay ng kotse. Palinga-linga. At dahil sa bagal ng patakbo ng itim na kotse ay naasar ang ibang mga drayber at malakas na nagbusinahan.

Nakahinga ng maluwag si Teresa nang makita ang drayber ng kotse na ibinagsak ang kamay nito sa manibela. Naasar. At nakita na lamang ni Teresa na pumiksi ang kotse. Humarurot.

TAHIMIK na umiinom si Tirong pagdating nina Anabel. Pilit pinatigas ng dalaga ang kanyang mukha. Nais niyang salubungin ng poot ang galit ng binata, kung galit ito sa pag-uwi niya ng gabi na. Ngunit parang nanlamig ang pakiramdam ni Anabel nang mag-angat ng mukha si Tirong. Napakalungkot ng mukha ng lalaki. Parang pumapasan ito ng napakabigat na problema.

“P-pinasundo kita,” sabi ni Tirong nang mapansin sina Tikoy na hindi man lang ngumingiti. Nabasa agad ng binata na marahil ay ayaw ng dalaga ang pagsundo nina Tikoy kaya gusto niyang malaman ng dalaga na siya ang nagpasundo dito.

Hindi umimik si Anabel. Umismid lang siya at itinaas ang noo. Tinungo ang hagdanan upang umakyat sa kanyang silid.

“Kain na.” Sinundan ni Tirong ng tingin ang papaakyat na dalaga.

115

Page 116: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Parang grabe na ang tampuhan n’yo, Part,” puna ni Tikoy na umupo sa tabi ni Tirong. “P’wede?” tukoy niya sa serbesa na nakapatong sa mesita. At nang tumango si Tirong ay kinuha ang isang bote. Sumenyas kina Boy upang kumuha din. Pagkatapos tinungga ang laman ng bote.

“Hindi ko nga alam ang gagawin, Tikoy. Sumasakit ang ulo ko,” sinundan ito ni Tirong ng buntunghininga.

“Ang mabuti pa siguro’y pag-usapan n’yong maigi. Aba, parang ako ang nahihirapan senyo. Sayang ang pinagsamahan n’yo,” si Tikoy. “Sayang ang pagkakataon sa pagbabago at pag-unlad.”

Matagal na itong naisip ni Tirong, inaamin niya. Ngunit aywan kung bakit hindi niya magawa. Siguro ay dahil nahihiya siya sa ginawang paglihim sa dalaga... na nakita na niya si Teresa. At nagkaroon pa siya ng panandaliang kaligayahan sa piling ng kapatid nito.

Wala naman siya talagang balak na ilihim nang matagal ang pagkakita niya kay Teresa. Nais lamang niyang panindigan ang una niyang pagsisinungaling. Hihintayin niya ang tamang panahon upang ipaalam sa dalaga na talagang nakapasok ang kapatid nito sa kumbento- ng mga hayok sa laman.

At naisip ni Tirong, ang tamang panahon ay ang pagtakas ni Teresa sa kapangyarihan ni Golem. Ito na lamang ang huling pagkakataon para malutas niya ang pagtatampo ni Anabel. Pagkatapos na makatakas si Teresa ay wala nang dahilan na hindi siya makauuwi sa gabi. At magkakaroon na siya ng pagkakataong malutas ang problema ng kanyang puso. Kung may natitira pang pagtingin sa kanya si Anabel.

Kung gayon ay dapat siyang kumilos agad. Napapitlag si Tirong sa kanyang pag-iisip. Tumayo siya. Tinapik ang balikat ni Tikoy tanda ng kanyang pasasalamat. Senyas din iyon para magbalik sina Tikoy sa bodega.

Pagkaalis nina Tikoy ay umakyat si Tirong sa itaas.Bibihira siyang umakyat upang pumasok sa kuwarto ng dalaga. Iyan ay kung may

ipagagawa lamang si Anabel na hindi nito kaya. Ngunit ngayon ay aakyat siya upang magkaunawaan sila ni Anabel. Pagsisikap na mailigtas pa ang kanilang pagtitinginan.

Halos ibaon na ni Anabel ang ulo sa unan sa kanyang pagsubsob ngunit naramdaman pa rin niya ang yabag ni Tirong na papaakyat. Lalong isinubsob ni Anabel ang kanyang ulo. Kinapa pa ang isang unan at itinabon sa kanyang ulo. Ngunit malinaw pa rin sa kanyang pandinig ang banayad na hakbang at pagbukas ni Tirong ng pintuan.

Parang hindi malaman ni Tirong ang sasambitin pagkakita sa kalagayan ni Anabel. Alam niyang gising pa ang dalaga dahil nakita niyang umiigting ang mga ugat nito. Ang natutulog ay relaks ang katawan, naisip ng binata.

“A-Anabel...”Hindi kumilos si Anabel. Hindi rin umimik.“N-nais kong bumalik ang lahat... katulad noong una tayong magkita,” banayad ang

boses ni Tirong. Hindi siya humawak sa dalaga. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ng higaan ng dalaga. “Mas gusto ko ang ating kalagayan noon. Kahit naghihirap pero... maligaya tayo.”

Nakita ni Tirong na kumilos si Anabel. Bahagyang umangat ang ulo ng dalaga. Ngunit hindi pa rin umiimik. Wala naman talaga siyang balak na makipag-usap sa binata. Ngunit parang nagustuhan niya ang sinabi ni Tirong kaya inangat niya ang kanyang ulo upang marinig nang mabuti ang sasabihin pa ng lalaki.

116

Page 117: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Alam kong galit na galit ka sa akin,” patuloy ng binata. “Nasaktan ka ng mga ginawa ko nitong ilang araw.” Bumuntunghininga si Tirong. “Pero alam mo bang’ higit akong nasaktan? Na higit ang nararamdaman kong sakit sa sandaling makagawa ako ng mga bagay na nakasasakit sa ‘yo? Pero kailangang ko lang kasing gawin. Para naman sa ating katahimikan ang lahat ng ito.”

Pakiramdam ni Anabel ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Parang nabawasan ang paninikip ng kanyang dibdib.

“Lagi kong iniisip ang darating pang mga araw... Na maligaya tayo. Ang lahat ng hirap na ating naranasan ay nais kong mapalitan sa huli ng pawang kaligayahan lamang.”

Napapikit si Anabel. Nakaramdam siya ng tamis sa kanyang dibdib. Parang gusto niyang pumihit at harapin si Tirong. Nais niyang ngumiti dito. Ayaw naman niyang marinig ang malungkot na mga pangungusap mula sa taong nagligtas sa kanya. Hindi bagay sa kagaya nitong tigasin ng kariton.

“Iisa lang ang hinihingi ko, Anabel,” napakalambot ng boses ni Tirong. Tila nagmamakaawa. “Huling pagkakataon para malutas ang pinagmulan nitong mga problema natin. Aalis ako kahit malalim na ang gabi.” Matapos ang isang malalim na paghinga ay dali-daling lumabas at bumaba si Tirong.

Bigla din ang pagbangon ni Anabel. “Ang hudas!” bulong ng dalaga. “Ang akala ko’y kung ano na ang sasabihin. ‘Yon pala’y...”

Sa labis na pagkayamot ay naibato ni Anabel ang dalawang unan sa pintuan.

41

HINDI mapanatag si Teresa. Kung ilang beses na siyang nagpabiling-biling ngunit hindi siya makatutulog. Ayaw siyang lisanin ng pangamba na aabutin siya ng galamay ng sindikato. Kilala niya ang ugali ni Golem. Matagal siya sa ilalim ng kapangyarihan nito. Alam niya ang patakaran ng sindikato. Kamatayan lamang ang maaaring makapagpaalis ng kasapi nito sa organisasyon.

Ngunit bakit hindi agad ito pumasok noon sa kanyang isipan? Napailing si Teresa. Nasabunutan niya ang kanyang buhok. Marami siyang nagawang pagkakamali. Una, ang pagtangka niyang agawin si Tirong sa kanyang nakababatang kapatid. Ikalawa ang pagkuha niya ng apartment na hindi alam ni Golem. Ang akala niya noon ay balewala na kay Golem kung ano ang kanyang gagawin dahil may bago naman itong babae. Ngunit nagkamali si Teresa. Sa ilang pagkakataon na hindi siya nakapasok sa klab ay nagsuspetsa si Golem. Patunay ang pagpasunod ni Golem kay Boy Agila. Para patayin siya?

Bumalikwas si Teresa. Dali-daling binuksan ang closet at pinanghablot ang mga damit. Pagkatapos na makuha ang lahat na mga gamit ay agad niyang binuksan ang kanyang maleta at pinaglalagay ang mga ito. Nasira nga ang siper ng kanyang maleta dahil sa labis niyang pagmamadali. Kailangang makaalis siya kaagad. Baka matagpuan siya ni Boy Agila.

117

Page 118: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Humihingal si Teresa ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagkukumahog. Nagtatalsikan ang ibang samut-sari sa labis niyang pagmamadali. Ni hindi na niya napatay ang ilaw sa kuwarto nang lumabas. Parang hindi na siya makagulapay sa pagod nang makarating sa pinakamayor na pintuan sa sala. Sumandal muna siya sa dinding at nagpahinga. Ngunit tinalasan ni Teresa ang kanyang pandinig. Nais niyang marinig kung may di-karaniwang ingay sa labas ng apartment.

MAHIGPIT ang paghawak ni Tirong sa tanganan ng kanyang rebolber na nakasukbit sa kanyang baywang. Naglalakad lang siya dahil walang dumaang sasakyan patungo sa apartment nila ni Teresa. Sa magkabilang bangketa ay nakahilera ang mga inumin at marami na ang mga lasing na nagkakasayahan. Ngunit hindi ito pinansin ng binata. Sanay na siya sa kagaya nitong mga tao. Ang iniiwasan lang ngayon ni Tirong ay ang mga tauhan ni Golem. Hindi siya natatakot ngunit iniiwasan niyang makita upang hindi siya masundan kung saan pupunta. Baka masundan siya sa apartment ni Teresa. At hindi niya matitiyak kung ano ang mangyayari.

Papaliko na si Tirong sa kanto papunta sa apartment nang may pumarang taksi. Nakita niyang bumaba ang isang babae. Maaga pang umuwi ang pokpok, bulong ni Tirong. Madali niyang makilala ang prostitute. Karamihan sa mga babaing nag-iisa kung magpagabi at kung makapal ang make-up ay mga prostitute.

Dali-daling lumapit si Tirong upang makasakay sa taksi. Ngunit hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang biglang may kumalabog na sinundan ng tili ng babae. Natigilan si Tirong. Nakita niyang may biglang bumulaga na kotse mula sa kabilang kalye at sumagi sa taksi. Umuga ang taksi at ang bukas na pintuan nito ay tumama sa kabababang babae.

Nagmumura ang drayber ng taksi na umakmang buksan ang pintuan upang bumaba. Ngunit natigilan ito nang makitang dalawang armadong lalaki ang mabilis na lumapit mula sa sumaging kotse. Si Tirong na nagulat dahil sa nakita ay mabilis na sumibad. Balak niyang tulungan ang drayber.

Ang pangyayari ay natanaw din ni Teresa mula sa bintana ng apartment. Bagaman may kalayuan ng kaunti sa kanyang apartment ngunit malinaw na nakita niya ang armadong mga lalaki. Dahil sa pangamba ay mabilis siyang lumabas at tumakbo patungo sa madilim na bahagi ng kalsada.

Nakatawid lang si Teresa nang bigla siyang mapatili. Nabangga niya ang isang pusa na bigla ring dumaan sa kanyang daanan. Sa pagkagulat ay nasubasob si Teresa. Nabitiwan niya ang bitbit na maleta.

“Hayun siya!” sigaw ni Boy Agila na nakapigil kay Tirong sa pagdaluhong sa dalawang armado na ngayon ay humahaltak na sa drayber ng taksi upang gulpihin. Pati ang drayber ay napahinto sa pagpalag nang marinig ang tili. Parang natigilan.

“Si Teresa!” halos nahiyaw ni Tirong na dali-daling tumakbo patungo sa pinagmulan ng tili. Ngunit bigla siyang napaigpaw patabi nang bigla ring umarangkada ang itim na kotse at muntikan na siyang masagi. Nakita niyang nakasakay na ang mga armado kahit hindi pa naisara ng maayos ang pintuan ng sasakyan.

Binilisan ni Tirong ang pagtakbo. Kailangang maunahan niya sina Boy Agila. Ngunit mas mabilis ang itim na kotse. Hindi pa nangangalahati ang distansiya niya sa kinaroroonan ni Teresa ay nakita niyang nakahinto na ang kotse sa tabi nito at nakalundag naman ang dalawang tao. Agad na hinila ng mga ito si Teresa at itinulak papasok sa kotse.

118

Page 119: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Teresa!” dumadagundong ang boses ni Tirong na lalong binilisan ang pagtakbo. Ngunit dalawang metro pa ang layo bago maabutan ng binata ang kotse, bigla naman itong humarurot. Mabilis na binunot ni Tirong ang kanyang rebolber at inasinta ang gulong ng kotse. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Ngunit sinikap niyang makaasinta ng mabuti. Hindi siya sanay sa barilan at ayaw niyang pumalpak at baka tamaan si Teresa.

“Tirong... sakay!”Hindi na nakalabit ni Tirong ang kanyang rebolber. Pinatigil siya ng halos sabay na

ingit ng preno ng taksi at ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nagtataka man kung bakit nakilala siya ng drayber ay mabilis siyang sumakay. Agad namang humarurot ang taksi.

“M-Mang Aldo?” nasambit ni Tirong nang maaninag ang drayber ng taksi.Tumango lamang ang matanda ngunit hindi nagsalita. Ni hindi siya lumingon kay

Tirong. Nagtatagis ang mga ngipin ng matanda habang hindi inaalis ang tingin sa hinahabol na kotse. Halos sumagad na ang kanyang sapatos sa sahig ng taksi dahil sa pagdiin sa silinyador. Napakatulin ng pagpapatakbo ng matanda. Sumisibad! Kung minsan ay bigla na lang ihilig ang katawan sa pag-iwas sa inoobertikang mga sasakyan. Ngunit sumisibad din ang hinahabol nilang kotse.

“Ang hayup na Jimboy!” usal ng matanda na nagtatagis ang mga ngipin. Labis ang galit ng matanda.

Nalinga ni Tirong si Mang Aldo. Nagtaka kung bakit labis ang galit ng matanda. Kung gayon ay hindi nakilala ng matanda ang boses ni Teresa? Ang galit lang nito kay Jimboy o Boy Agila ang dahilan kung bakit hahabulin niya ang kotse? Ito ang pumasok sa isipan ni Tirong.

“Labis ang galit mo kay Jimboy?”“Siya ang dahilan ng kamatayan ng kanyang ina!”Saglit na nawala ang silakbo sa dibdib ni Tirong. Nalungkot siya sa narinig kay

Mang Aldo. Bagaman naikuwento sa kanya ni Anabel na pati si Maribel na ina ni Jimboy ay nagmaltrato din sa dalaga ngunit nakaramdam ng lungkot si Tirong. Hindi pala natural ang dahilan ng kamatayan ni Maribel.

“P-paano, Mang Aldo?”“Dahil sa kanyang kademonyuhan... nag-away sila ng kanyang ina. Sa galit ni

Maribel ay kumuha ng kutsilyo. Ngunit nakaiwas ang demonyo nang dambahin ni Maribel. Nasubasob siya at nadapa sa hawak na kutsilyo...” nahinto ang pagkuwento ni Mang Aldo. Bumuntunghininga siya. Maya-maya ay muling nagtagis ang mga ngipin. “Kung no’n ay nakaiwas siya... sisiguruhin kong hindi na ngayon!”

Hindi na nagsalita pa si Tirong. Itinuon niya ang tingin sa kotseng kanilang hinahabol. Malayong-malayo na ito. Napatiimbagang si Tirong. Inilabas niya ang kanyang ulo sa bintana ng taksi. Parang gusto niyang liparin upang maabutan sina Teresa.

Napansin ni Tirong na unti-unti pang lumalayo ang kanilang hinahabol. Nilinga niya si Mang Aldo. Nagtatagis pa rin ang mga ngipin ng matanda. Ngunit nasulyapan ni Tirong na nanginginig sa galit si Mang Aldo. At napuna ni Tirong na nakaapekto ito sa pagpapatakbo ng matanda. Nanginginig pati tuhod ni Mang Aldo. Hindi makadiin ng mabuti sa silinyador. May naisip si Tirong. Alam niyang mapanganib ngunit kailangang gawin niya. At dapat malaman ng matanda.

119

Page 120: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Kailangang matapos na ang demonyong ‘yon, Mang Aldo,” banayad ngunit malinaw na sambit ni Tirong. “Lalo na’t si Teresa na anak mo ang kinidnap nila.”

Sa narinig ay saglit na nadiinan ng matanda ang preno. Ngunit simbilis din ng kidlat na diniinan ang silinyador. Sumibad ng napakatulin ang taksi.

120

Page 121: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

XI

ANG LANDAS PABALIK

UNG nagbibiro ka, Tirong,” nagtatagis ang mga ngipin ni Mang Aldo, “ay hindi ito ang tamang sandali.”“K

“Alam ko, Mang Aldo,” banayad pa rin ngunit matatag na sagot ng binata. Hindi inaalis ni Tirong ang tingin sa hinahabol nilang kotse na ngayon ay unti-unti nang lumalapit ang distansiya. “Lalo na ngayong nasa panganib ang kalagayan ni Teresa sa demonyong ‘yon.”

“Kay Jimboy!” ang lakas ng boses ng matanda ay kasinlakas ng ugong ng taksing minamaneho niya. Parang hinahabol lang ang sasakyan palapit sa sinasakyan nina Jimboy.

Ilang saglit pa at halos isang dipa na lang ang agwat ng kotse nina Jimboy sa taksi ni Mang Aldo. Dinagdagan ni Mang Aldo ang pagdiin sa silinyador sabay kabig ng manibela pakaliwa para makaoberteyk sila. Ngunit umangil ng malakas ang kotse. At sa isang kisapmata ay muling lumaki ang agwat sa kanila.

“Kaya natin sila. Malakas ‘tong makina ko.” Halos inatin ng matanda ang mga tuhod upang lumakas ang pagdiin niya sa silinyador. Muling lumapit ang distansiya. Unti-unti namang kinabig ng matanda ang manibela pakaliwa ngunit bigla rin niyang ibinalik pakanan nang masulyapan sa side mirror ang humaharurot ding kotse sa kaliwa nila. Hindi makaoberteyk si Mang Aldo. Tiyak na mababangga ang kanilang likuran.

Nag-aalab ang damdamin ni Tirong. Malapit na malapit na ang kotse ngunit hindi sila makaoberteyk upang harangan ito. Nanginginig ang kanyang kamay na humahawak ng rebolber ngunit hindi rin niya makalabit ang gatilyo. Ayaw niyang barilin ang gulong ng kotse dahil baka bumaligtad ito at madisgrasya pati si Teresa.

121

Page 122: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Lumingon si Tirong. Nakaagapay pa rin ang kotse sa kanilang tagiliran. “A-ano ang gagawin natin?” Napansin ni Tirong na papasok na sila sa Edsa patungong norte. “M-mahihirapan tayo kung magpapanorte sila.”

Sinilip ni Mang Aldo ang kotseng nakadikit sa kanila. Hindi ito kumakalas. Mabilis din at hindi maaaring kabigin ng matanda ang taksi para madaling makaoberteyk sa kotse nina Jimboy. Tinanaw niya ang hinahabol. Malapit na ito sa Magallanes interchange. Nakita ng matanda na hindi sa flyover ang tuloy ng sasakyan. Hindi rin pakanan sa Bicutan dahil sa gitna ito ng dalawang daan. Napuna ni Mang Aldo na nagmenor ang takbo ng kotse. Nagmenor din siya. Ito ang sinamantala ng kotse sa tagiliran ni Mang Aldo. Umoberteyk. Nalampasan pati ang kotse nina Jimboy na naalangan kung saan dadaan. Nasagi ito ng umoberteyk na kotse. Hndi nakontrol ng drayber nina Jimboy ang manibela kaya umekis ang sasakyan at bumangga ang ulo ng kotse sa approach ng flyover. Kumalabog.

PABILING-BILING si Anabel. Hindi siya dinadapuan ng antok. Nangingibabaw pa rin sa kanyang isipan ang pagkayamot kay Tirong. Nagdagdag ito ng init na kanyang nararamdaman. Nababalisa siya.

Bumangon si Anabel. Umupo siya sa gilid ng katre. Nangalumbaba. Ngunit pakiramdam niya ay nahilo siya sa labis na pag-iisip. Pakiramdam niya ay lalong nanikip ang kanyang dibdib sa labis na pagdaramdam. Nilinga niya ang garapon ng tubig na nakapatong sa mesita sa ulonan ng katre. Wala nang laman.

Tumayo si Anabel at tinungo ang pintuan. Ngunit parang hinilas siya pagbukas niya ng pintuan at matambad sa kanya ang pusikit na karimlan sa ibaba. Bumalik siya at nagsuot ng pantalon at t-shirt matapos mahubad ang daster. Nang maayos ang sarili ay bumaba siya.

Binuksan ni Anabel ang ilaw sa ibaba. Tiningala ang relo sa dinding. Maghahatinggabi na. Dapat ay mahimbing na ang kanyang tulog. Ipinilig-pilig ng dalaga ang kanyang ulo. Naragdagan ang kanyang pagkauhaw. Dali-dali niyang binuksan ang maliit na refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Dalawang baso ang sunod-sunod niyang ininom. Nakahinga ng matiwasay si Anabel.

Pabalik na ang dalaga mula sa kusina nang parang may sumundot sa kanyang isipan pagdaan niya sa kuwarto ni Tirong. Saglit siyang huminto. Maya-maya ay marahang itinulak ang pintuan. Bukas. Ibinukas na ni Anabel ng maluwang ang pintuan. Kinapa ang swits sa gilid. At napakunot-noo siya nang matambad ang kabuuan ng kuwarto. Nakakalat lang ang mga gamit ng binata.

Naisipan ni Anabel na ayusin ang mga gamit. Kumuha siya ng walis at nilinis ang sahig. Makapal na ang alikabok. Inayos niya ang mga damit ng lalaki. Inihiwalay ang malinis sa mga marumi. Bagaman naiinis siya sa binata ngunit hindi rin niya matiis na pabayaan na lamang ang kuwarto nito na nakita na niyang walang kaayusan. Naiinis siya sa lalaki ngunit may natitira pa rin siyang paggalang dito.

Inipon ni Anabel ang maruruming damit ni Tirong at itinambak sa gilid ng katre. Ngunit natigilan siya nang may nalaglag sa bulsa ng pantalon. Maliit na plastik na lumagitik ng mahina pagbagsak nito sa katreng playwod. Tulak ng kuryosidad ay binuksan ito ni Anabel. Mga kapsula ang laman ng plastik. May mga bitamina pa. Napailing si Anabel. ‘Yan, ganyan dahil nagbibisyo ka. Di kailangan mo ngayon ang gamot. Ito ang sa isipan ni Anabel. Napangiti siya.

122

Page 123: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ngunit agad na nawala ang ngiti ng dalaga nang may maalala. Parang wala namang sakit ang lokong ‘yon, a, naibulong ng dalaga sa sarili. Baka... at kumabog ang dibdib ni Anabel. Pinagmasdang mabuti sa liwanag ng ilaw ang mga kapsula. Pawang 500 miligrams na mga antibodies. Kilala niya ang iba dahil gumagamit rin siya nito kung magkasakit siya ngunit ang ibang brand ng kapsula ay parang ngayon lang niya nakita. Sumibol ang pagdududa sa isipan ni Anabel. Baka nahawahan na ng sakit ang animal na Tirong dahil sa pambababae? Nag-init ang pakiramdam ni Anabel. Ikinalat niya ang kaaayos lang na mga gamit at nagmamadaling lumabas.

Naghanap ng bukas na tindahan si Anabel. Sa lugar nila ay marami ang mga tindahang bukas magdamag. Pinili niya ang may telepono. Nang makatapos gamit ang nauna sa kanya, agad siyang nagdayal.

NAPAPITLAG si Jun nang magring ang telepono sa ulunan ng kanyang kama. Nagmulat siya at tingalain ang relong nakasabit sa kanyang ulunan. Alas dose pa lang. Napakunot-noo siya at muling pumikit. Istorbo, naibulong niya sa sarili.

Patuloy ang ring ng telepono. Wala ring sumagot sa sala dahil patuloy ang ring sa ekstensiyon ni Jun. Inaantok man ay napilitan siyang sumagot.

“A-Anabel?” nasambit ni Jun na nagtaka nang marinig sa kabilang linya ang boses ni Anabel. “May problema ba? Hatinggabi na ‘to, a.”

“E...” parang nauntol ang boses ni Anabel na narinig ni Jun. Naramdaman ni Jun na parang nahihiyang magsabi ng problema ang dalaga.

“Is there anything I can do for you?”Ilang saglit din ang inihintay ni Jun bago marinig muli ang sagot ni Anabel. Natawa

ang lalaki nang marinig ang problema ng dalaga.“Wala naman sigurong dapat ipag-alala d’yan. Natural lamang sa lalaki ang mag-

ingat.”“Hindi mo ako naunawaan, Jun,” hindi mapakali si Anabel. “Malakas ang suspetsa

kong baka nahawahan na siya ng mapanganib na sakit. HIV you know...”“Parang hindi ako makapaniwala, Anabel.” Mahabang buntunghininga ang ginawa ni

Jun. “Wala sa hitsura ni Ron na magkakaroon siya ng gano’ng sakit. Ang macho niya. Kung titingnan nga ay parang walang kinatatakutan na pupuwedeng bumangga kahit kanino. At sa pagkakaalam ko karamihan lang naman sa kinakapitan ng HIV ay ang mga alanganin.”

“At granting na meron na siya, Jun... ano ang mangyayari? Magkasama kami sa bahay. You know that. At kung mahawahan ako?” Hindi mapigilan ni Anabel ang pangamba.

Matagal na hindi nakasagot si Jun.“What can you say, Jun?” Talagang hindi mapanatag si Anabel.“Aywan. Pero pakiramdam ko ay dapat kang magrelaks. Huwag mag-alala.”

Nakaramdam na si Jun ng kawalang interes na makipag-usap. Matagal na hindi siya umimik. Pinapakinggan lamang niya ang buntunghininga ni Anabel sa kabilang linya. Naaawa rin naman siya sa dalaga na lubos din niyang hinahangaan ngunit nagtataka na siya sa mga ginagawi nito.

Kalaunan ay narinig na lamang ni Jun ang mahinang lagitik ng telepono. Matamlay din ang katawang ibinalik niya ang telepono at muling humiga. Ngunit nakakunot ang kanyang noo.

123

Page 124: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

43

TUMILI si Teresa. Ngunit nilamon ito ng nakaririnding kalabog nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa approach ng flyover. Halos kasabay din niyon ang langitngitan ng preno.

Dumaing si Mang Aldo. Muntik namang lumusot ang ulo ni Tirong sa windshield dahil sa biglang pagpreno ng matanda sa taksi upang maiwasan ang pagsalpok sa kotse nina Jimboy na ngayon ay nakatagilid na sa kalsada. Nanginig ang buong katawan ng matanda. Gayundin si Tirong. Nabitiwan nga niya ang hawak na rebolber dahil sa labis na pagkagulantang at pagkabigla.

Ngunit napakislot si Tirong nang matanaw na may mga lalaking nagsibabaan sa omoberteyk na kotse. Mga armado. Agad na niyugyog ni Tirong si Mang Aldo.

“Mang Aldo... si Teresa.”Pumiksi din si Mang Aldo. Mabilis na binuksan ang pintuan ng taksi at bumaba.

Halos kasabay din si Tirong na nakababa at tumakbo patungo sa sumirkong kotse. Naratnan niyang sinisikap ng mga lalaki na mabuksan ang pintuan ng itim na kotse. Nahihirapan ang mga ito sa pagbukas dahil pumaibabaw ang kabilang tagiliran ng kotse nang sumirko. Awtomatiko ding tumulong si Tirong.

Ilang saglit pa ay sumungaw ang ulo ni Teresa sa bintana ng kotse. Duguan ang mukha nito ngunit matatag pa ang paghawak sa bintana upang makalabas. Dalawang lalaki ang humatak sa babae upang maiangat at makalabas sa sasakyan. Si Tirong na ang humawak sa kamay ni Teresa upang makababa ito sa kalsada.

“T-Tirong!” Agad na yumakap ang nanginginig na babae nang mapansin si Tirong. ‘“Kala ko’y hindi na ako makaliligtas,” at umiyak ito.

“T-Teresa?” boses na nakapagpahiwalay kay Teresa sa pagyakap kay Tirong. Si Mang Aldo. Nakalapit na siya sa dalawa ngunit huminto. Parang gustong tiyakin kung ang kanyang anak nga ang kaharap ngayon.

T-Tay?” halos bahaw ang boses ni Teresa na lumapit kay Mang Aldo. Pinahid ng likod ng kamay ang dugo sa kanyang mukha at sinipat ang matanda. Hindi pa malinaw sa paningin ng babae ang hitsura ng kaharap ngunit ang piglas ng kanyang puso at ang lukso ng kanyang dugo ay hindi niya maitanggi. “Tayy!”

Parang bato na ang puso ni Tirong sa kasanayan sa gayong kalagayan ngunit hindi siya nakatagal sa pagtingin sa nakakabagbag-damdaming pagyakapan ng mag-ama na matagal na panahong pinaghiwalay ng malupit na kapalaran. Parang sumugat din sa damdamin ng binata ang panangis ni Teresa. Dagdag pa dito ang pag-iyak din ni Mang Aldo.

Kalaunan ay ibinalik ni Tirong ang paningin sa nakatagilid na kotse. Sinisikap ng mga lalaki na maitayo ito upang makalabas ang mga sakay na naipit sa kabilang gilid. Tumulong din si Tirong. Ngunit nahirapan sila dahil sa bigat. Maya-maya ay isa sa mga armadong lalaki ang sumilip sa loob ng kotse. Ipinasok ang isang kamay at sinikap na mapulsuhan ang nasa loob ng kotse. Nang umagwat siya sa kotse, umiling-iling.

“Patay lahat.”SA ospital na inumaga sina Tirong at Mang Aldo dahil dinala nila upang maipagamot

si Teresa.

124

Page 125: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Hindi naman malala ang mga sugat na natamo ng babae maliban sa malaking bukol sa kanyang ulo. Bagaman labis pa ang pagkagimbal na nararamdaman niya ngunit bahagya na siyang napanatag. Hindi umaalis sa kanyang tabi si Mang Aldo. Si Tirong ay hindi rin umaalis kahit tahimik lamang na nakatingin sa mag-ama.

“Buwenas sa atin ‘yong kotse,” puna ni Mang Aldo. “Kung hindi sila humabol talagang tayo ang nakaengkuwentro ng mga demonyo... At hindi malaman kung ano ang nangyari.”

“Mga awtoridad pala ang mga ‘yon,” dugtong ni Tirong. “Talagang sina Jimboy ang kanilang pakay. Mabuti na lang daw at napansin nilang parang hinahabol natin kaya nagsuspetsa sila. Hanggang nakilala nila ang kotse ni Golem.

Masusing napatingin si Teresa kay Tirong. “Kung gayon ay huhulihin si Golem?”“Talagang matagal na rin daw na nasa order of battle ng mga awtoridad si Golem.

Pero malaya siya dahil sa corrupt na mga opsiyal. Pero ngayong pinupursige na ng alkalde ang kanyang kampanya laban sa mga kriminal ay napilitan silang harapin si Golem.”

Parang lumuwag ang dibdib n Teresa. “Kung gayo’y wala na akong dapat alalahanin kay Golem. Hindi na kailangang tumakas pa ako. Sana’y mahuli siya agad at masilya elektrika.”

“Ang pagkatuklas noong mga awtoridad kay Jimboy nang kidnapin ka ay bahagi lamang ng kanilang plano na pagbitag kay Golem.”

“Sana’y hindi na siya makaligtas,” mula kay Mang Aldo. “Sa ginawa niya sa ‘yo,” patungkol niya kay Teresa, “at kay Anabel...”

“Oo nga pala... si Anabel?” pakli ni Teresa. “Gusto ko na siyang makita at mayakap,” puno ng pangungulila ang boses ni Teresa. Ngunit saglit din itong napalitan ng pagkapahiya. Tumingin siya kay Tirong. May kahulugan.

“Ang tangkang pagkidnap noon kay Anabel ay isa rin sa mga ebidensiyang gagamitin ng mga awtoridad laban kay Golem,” patuloy ni Tirong. Pag-iwas niya ito sa ibig ipahiwatig ni Teresa sa kanya.

“May rekord nga pala sa NBI tungkol sa pangyayaring ‘yon,” ayon ni Mang Aldo. “At kung wala ka, aywan kung ano na ang nangyari sa anak ko.”

Ngiti lamang ang iginanti ni Tirong.“Utang na loob na lalong lumaki sa pagkakaligtas ni Teresa,” patuloy ng matanda.“Pagkakataon ang gumawa ng lahat ng ito,” malumanay na sagot ni Tirong. Parang

ayaw ipakita ang nararamdamang pagmamalaki. Paano niya maipagmamalaki ang gawang hinaluan niya ng kataksilan sa pamamagitan ni Teresa?

“Hangga’t nabubuhay ako’y di ko makalilimutan ang mga kabutihan mo, Tirong.” Seryuso ang mukha ng matanda. Nilapitan si Tirong at mahigpit na pinisil sa kamay.

PAGKATAPOS maayos ang mga bayarin sa ospital ay lumabas na sina Teresa. Napagkasunduan nila sa paanyaya ni Tirong na doon na manirahan ang mag-ama sa bahay nila ni Anabel. Hindi na nakatanggi ang mag-ama dahil pangarap din nilang magkasama sila ngayong wala na rin ang pangalawang asawa ni Mang Aldo.

MAAGA pa nagising si Jun. Hindi siya nakatulog ng mabuti nang nakaraang gabi. Hindi siya pinatulog ng kaiisip sa nangyayari kay Anabel. Nakukunsensiya siya kung bakit hindi niya nabigyan ng panahong makapagpalabas ng damdamin ang dalaga.

125

Page 126: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Naligo si Jun. Pagkatapos nagbihis. Ni hindi na siya nag-almusal at lumakad. Nais niyang makapunta kaagad kina Anabel. Hindi niya mapababayaan ang dalagang magpasan ng problema nito ng nag-iisa.

Malapit na sa Philippine General Hospital ang kotse ni Jun nang bigla siyang nagpreno. Napansin niya ang isang taksi na kalalabas lang ng gate ng ospital. At kilala niya ang isa sa pasahero. Si Tirong, kasama si Teresa at si Mang Aldo na siyang nagmamaneho.

Binagalan ni Jun ang pagpapatakbo habang madalas ang paglingon. Nakita niyang lumiko ang taksi at sumunod sa kanyang pinatutunguhan. Hinintay niya ito hanggang makalagpas sa kanya. Sa unahan ay huminto ang taksi. Bumaba ang mga sakay at tinungo ang isang restawran. Napakunot-noo si Jun. Inaalalayan ni Tirong ang kasamang babae habang nakangiti namang bumubuntot sa kanila ang matanda.

Hindi na nag-aksaya ng sandali si Jun. Mabilis na pinasibad ang kotse habang umiiling-iling. May dahilang mamroblema si Anabel, bulong ng binata sa sarili. At muling gumuhit sa kanyang mukha ang lungkot. Bunga ng labis na awa kay Anabel.

NAPABALIKWAS si Anabel nang marinig sa ibaba ang mahinang katok. Tiningala niya ang relo sa dinding. Alas siyete na pala. Napuyat siya dahil halos mag-uumaga na siya makatulog. Nahihilo pa siya ngunit dahil sunod-sunod ang katok ay napilitan siyang bumangon. Alam niyang hindi si Tirong ang dumating dahil kilala niya ang katok nito.

Nagulat pa si Anabel nang masilip sa bintana kung sino ang kanyang bisita. Dali-dali niyang binuksan ang pintuan.

“J-Jun?”“I-I’m sorry sa nangyari kagabi.”“Ako ang dapat mag-sorry, Jun. Nagambala kita kagabi.” Napayuko ang dalaga.

“Pasok ka.”“Pumarito ako para makabawi. Pero know what? On the way may natuklasan ako.”

Bumuntunghininga si Jun. “I know makadagdag ito sa kalungkutan mo pero dapat sigurong tanggapin mo ng maluwag.”

Napakunot-noo si Anabel. Ngunit hindi siya nagsalita.“Nakita ko siya... sila.” Matamlay na umupo sa sopa si Jun. Tumabi din sa kanya si

Anabel.“S-sino?” Malakas ang kabog ng dibdib ni Anabel.“Si Ron... at ang babae. May kasama silang matandang lalaki.”“What?” Biglang napatayo si Anabel.

44

NAG-AAPOY ang paningin ni Anabel.“Baka sabihin mong intriga lang, Anabel,” nasambit ni Jun na patuloy ang pagtungo.

“Wala akong balak na dagdagan ang pagkainis mo kay Ron. It just came to my mind na kailangan sigurong malaman mo. At least ang katotohanan...”

126

Page 127: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Hindi na nagsalita si Anabel. Sumisingasing na tumayo. Tinungo ang silid ni Tirong. Sinipang pabukas ang pintuan. Lumagabog. Sinundan siya ni Jun na parang nag-aalala kung ano ang gagawin ng dalaga.

“I-I’m sorry, Anabel.” Pinigilan ni Jun ang kamay ni Anabel. “Please don’t.”Nilingon ni Anabel si Jun. Nang makitang parang hindi mapakali ang binata ay pilit

na ngumiti si Anabel.“Don’t worry, okay? Alam ko ang aking gagawin. At kung gusto mo, tulungan mo

lang ako sa pag-ipon ng mga ito.” Itinuro ni Anabel ang nakakalat na mga gamit ni Tirong.

Tumulong din sa pagsamsam ng mga kalat si Jun. Ngunit nagtaka siya nang makita na ang mga gamit na nakasabit sa dinding ay pinaglalagay ni Anabel sa katre. Pati ang sapatos at tsinelas sa ilalim ng katre ay kinuha ni Anabel. Pagkatapos nakita ni Jun na binuksan ni Anabel ang isang malaking maleta na nakuha nito sa sulok ng kuwarto. Natigilan si Jun. Masusing tiningnan si Anabel.

“B-bakit?”Ismid lamang na sinundan ng kunot-noo ang sagot ni Anabel. Patuloy ang kanyang

ginagawa. Nang mailagay na ang lahat ng mga gamit sa maleta ay agad ding isinara ang siper. Binuhat. Ngunit napairi na siya ay hindi niya naiangat ang malaking maleta.

Agad namang kinuha ni Jun ang handle ng maleta sa kamay ni Anabel. Binuhat. “Aanhin ‘to?”

“Pakidala lang sa labas, please.” Agad na lumabas si Anabel sa kuwarto at umakyat. Nagmamadali.

Lumabas din si Jun at inilapag ang maleta sa sala. Pagkatapos ay umupo sa sopa. Nangalumbaba. Pilit inuunawa kung ano ang nangyayari. Kung ano ang binabalak ni Anabel.

Mga ilang saglit din ang paghihintay ni Jun at marinig niyang bumababa na ang dalaga. Nakita ni Jun na nakabihis na si Anabel. Ngunit hindi uniporme ng eskuwela ang suot nito. Naka-t-shirt ito at maong na pantalon. May nakasakbat na maliit na shoulder bag.

“Puwede mo akong masamahan ngayon?” tanong ni Anabel pagdating niya sa harap ni Jun.

Tumayo si Jun. Nagtataka pa rin. “Hindi ka ba papasok?”“Sa tingin mo’y makapag-concentrate ako sa kalagayang ‘to?” Bumuntunghininga si

Anabel.“Saan ka ba pupunta?”“Kahit saan... magpapalamig. Magbabakasakaling may makasalubong na

makaunawa sa akin.”“Kung minsan... sa oras ng problema ay ganyan din ako. Parang hindi ko malaman

ang gagawin,” dugtong ni Jun. “Lalo na kung nadarama kong nag-iisa lang akong pumapasan ng problema... Na parang pinabayaan ako ng aking mga parents...”

Oo nga pala. Kumislap sa isipan ni Anabel ang kanyang ama. Hindi naman talaga siya pinabayaan ng kanyang ama. Sa katotohanan ay inaway pa nga ng ama ang asawa nito dahil sa pagkampi sa kanya. Kaya lang siya rin mismo ang umalis sa poder ng ama. Ayaw lang niya noon na lalong magulo ang buhay ng ama sa ikalawang asawa nito.

Nilinga ni Anabel si Jun. “Pakisuyo, samahan mo ako sa Payatas.”

127

Page 128: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Tumango na lamang si Jun. Alam ng binata kung sino ang pupuntahan ng dalaga sa Payatas. Minsan ay nabanggit ni Anabel na doon sa Payatas naninirahan ang ama. Sumunod na si Jun kay Anabel palabas sa pintuan.

Agad ding ikinandado ni Anabel ang pintuan. Lalakad na sana nang may maalala. Binuksan ang shoulder bag at may dinukot. Isang yellow pad na nakatupi. Ipinasok ito sa siwang ng pintuan. Isiniksik upang mahulog sa loob.

Nagkibit na lamang ng balikat si Jun at tinungo ang nakaparadang kotse.NAKAPIKIT si Teresa habang tumatakbo ang taksing kanilang sinasakyan patungo

sa kaharian nina Tirong sa tambakan. Ngunit panatag ang pakiramdam ng babae. Wala na ang pangamba sa kanyang dibdib kagaya noong una na palinga-linga siya lalo na kung may awtoridad. Ngayon ay napalitan na ng kapanatagan ang kanyang damdamin.

Nilinga ni Teresa si Tirong. Maaninag ng babae ang pagod at antok sa lalaki ngunit hindi man lang ito umidlip. Tinuturuan nito ng daan si Mang Aldo. Napangiti si Teresa. Inayos ang pagsandal upang makapagpahinga ng mabuti.

“Nandito na tayo,” boses na narinig ni Teresa kay Tirong makalipas ang ilang saglit. Iminulat ni Teresa ang mga mata. Nariyan na nga sila. Naalala niya ang kanto na pinaghintayan niya noon kay Tirong isang gabi. Pinihit niya ang lock ng pintuan at bumaba.

“Dito lang pala? Kabisado ko ‘tong lugar. Napatira din ako no’n sa lugar na ‘to. Hindi nga lang napakasikip ng mga bahay noon. Ngunit ganun pa rin ang lugar. Wala kasing pagbabago sa kabuhayan,” puna ng matanda habang hinihimas ang balakang. Marahil ay napagod ang matanda sa matagal na pagmaneho.

Kinuha ni Tirong ang ilang balutan sa baggage compartment. Mga gamit iyon ni Teresa na binili nila sa Divisoria dahil nalaglag ang maleta ng babae nang habulin ito nina Jimboy.

Nakakandado ang pintuan pagdating nina Tirong.“Parang walang tao?” si Mang Aldo. Bagaman gumuhit sa mukha ang pagtataka

dahil alam niyang magkasamang nakatira sa bahay na ito sina Anabel at Tirong at parang walang tao sa loob, hindi maialis ng matanda ang paghanga sa labas pa lang ng bahay. Iba ito sa mga katabing bahay. Parang hindi bahay ng eskuwater.

“Nasa eskuwela na siguro,” sagot ni Tirong na ngayon ay binubuksan na ng dalang duplicate key ang kandado. At nang mabuksan ay umurong siya. “Pasok kayo sa inyong magiging tahanan.” Ibinuka pa ni Tirong ang kamay at isenyas sa dalawa.

“Wow!” si Teresa. “Maliit lang pero maganda. Maayos. Iba talaga pag may babae sa loob ng bahay.” Tumuloy siya sa loob at mag-usyuso. Tinungo ang komedor hanggang ang banyo.

Si Mang Aldo ay agad na umupo sa sopa. Iniunat ang mga paa at inunan ang dalawang palad at sumandal. “Ito ang totoong tahanan. Areglado. Maaliwalas kahit maliit. At kung ito ang titirhan mo ay mapapayapa ang isipan mo. Hindi kagaya ng amin noon...”

Parang tinusok ang dibdib ni Tirong sa narinig sa matanda. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Kung alam lamang ng mga ito na magulo ngayon ang pagsasama nila ni Anabel. Napasulyap si Tirong kay Teresa na nagsindi ng gas stove.

“Magpapakulo ako ng tubig. Baka may gustong magkape sa inyo.”“Mang Aldo, tingnan ho ninyo ang magiging kuwarto mo,” patungkol ni Tirong kay

Mang Aldo na hindi pinansin ang sinabi ni Teresa. Tinungo niya ang silid.

128

Page 129: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Dali-dali namang tumayo si Mang Aldo upang sumunod kay Tirong. Ngunit dahil sa pagmamadali ay natalisod sa maletang inilagay ni Jun sa tabi ng sopa. Napasubsob ang matanda.

Dali-daling nilapitan ni Tirong ang matanda upang tulungang makatayo.“Matanda na talaga ako,” nakatawang sabi ni Mang Aldo. Sobra kasi ang ka-excited

ko. Nakatatawa.”Ngunit hindi natawa si Tirong. Napakunot-noo siya nang makita kung ano ang

natisod ng matanda. Bakit nakalabas sa kuwarto ang aking maleta? Naibulong ni Tirong na nakakunot pa rin ang noo. Parang tinahip ang kanyang dibdib. Nagmamadali siyang pumasok sa silid. At parang nanlupaypay siya sa nakita. Malinis na ang kanyang kuwarto! Ano ang ibig sabihin nito? Hindi maikubli ang pangangatal ng kalamnan ni Tirong.

“T-Tirong?” Napabuka ang bibig ng matanda sa nakitang ikinilos ni Tirong.Hindi sumagot ang binata. Binalikan ang maleta sa sala. Nandoon ang lahat niyang

mga gamit. Napatiimbagang si Tirong. Iginala ang paningin sa kabuuan ng sala. Nang may mapansin sa sahig, isang nakatuping sulat. Dali-dali itong dinampot ni Tirong at binasa. Ang nakita niyang sulat-kamay ni Anabel ay nagpaguho ng kanyang katauhan. Nagpalambot ng kanyang kalamnan. Nabitiwan niya ang sulat. At napaupo siya sa sahig. Para siyang iiyak.

Napatakbo palapit si Teresa. Parang tinatahip din ang dibdib.

45

DINAMPOT ni Teresa ang sulat na nabitiwan ni Tirong sa sahig. Binasa. Pagkatapos ay bumuntunghininga. Naaawang tiningnan si Tirong.

“N-nagbibiro lang siguro si Anabel, Tirong.”“Ano ba ‘yan, ha?” si Mang Aldo. Kinuha ang papel sa kamay ni Teresa.“Galit ho si Anabel kay Tirong, Tay. Pinalalayas niya si Tirong. Ayaw raw ho

niyang madatnan na nandito pa si Tirong,” paliwanag ni Teresa sa ama na hindi na nabasa ang sulat. Binitiwan na lamang ito ng matanda.

Huminga ng malalim ang matanda. Tinapik sa balikat si Tirong. “H’wag kang mag-alala, Tirong. Ako ang bahalang magpaliwanag kay Anabel kung ano ang dapat ipaliwanag.”

“Hindi na ho siguro kailangan, Mang Aldo.” Pilit na ngumiti si Tirong. “Kilala ko ang anak mo. Kilala ko ang kanyang katatagan. Parang wala pa akong nalalaman na sinabi niyang hindi niya nagawa.”

“Hindi puwede, Tirong, kung papayagan mo siya. H’wag kang umalis.”“Oo nga naman, Tirong,” ayon ni Teresa. “May karapatan ka dito. Dalawa kayong

nagsumikap para mapasainyo ang bahay na ‘to, di ba?”Umiling-iling si Tirong. “Si Anabel ang nagpursige ng lahat. Ako, nagpatiayon lang.

Kaya mas may karapatan siya.”

129

Page 130: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Dumilim ang mukha ni Teresa. Labis ang awang naramdaman sa binata. Alam niyang may bahagi siya kung bakit nangyari ang gayon. Parang hindi rin malaman ni Mang Aldo kung ano ang gagawin. Nakatiim ang mga bagang nito na nagpalakad-lakad sa sala.

“H’wag kayong mag-alala.” Tumawa si Tirong kalaunan. “Wala namang problema kahit umalis ako dito, di ba? Siyempre, hindi na rin mahihirapan si Anabel dahil nandito naman kayo.”

“Aalis ka ba talaga?” nasa boses ni Teresa ang lungkot.“No choice,” pag-iingles pa ni Tirong na sinundan ng tawa. Tumayo siya at tinapik

sa balikat si Mang Aldo, gayundin si Teresa. Pilit na pinatatag ang sarili. Ngunit alam niyang hindi niya maikubli sa mag-ama ang panlulupaypay ng kanyang kalamnan.

“Kung talagang hindi na magbabago ang iyong pasya ay wala kaming magagawa, Tirong. Ako, kami ni Teresa, hindi rin namin natitiyak kung ano ang pagtanggap sa amin ni Anabel,” malumanay ang boses ni Mang Aldo. “Pero isang pakiusap lang, bago ka umalis ay saluhan mo kami kahit sa kape lang. Marami akong dapat ipagpasalamat sa ‘yo... at marami ding dapat malaman... mula noong magbalik sa ‘yo si Anabel pag-alis niya sa bahay. Nais kong malaman ang kanyang naging damdamin... at ang sa ‘yo.”

NAKAILANG balik na sina Anabel at Jun sa Dama de Noche Street sa Barangay Payatas ngunit hindi nila nakita kahit anino man lang ng ama. Wala na rin ang barung-barong na tinitirhan noon ng kanyang ama. Nagtanong sila sa mga taong parang naalala ni Anabel na nakita niya noon sa nabanggit na lugar ngunit walang makapagturo kung nasaan na ang kanyang ama. Kaya napilitan na lang silang umalis.

Lalong dumilim ang pakiramdam ni Anabel. Parang lalong bumigat ang sakit na kanyang nadarama.

“A-ano’ng balak mong gawin ngayon?” tanong ni Jun habang tinatahak na ng kanyang kotse ang Commonwealth Avenue pabalik ng Maynila.

Hindi sumagot si Anabel. Umiling-iling lang siya. Sumandal ng tuwid at tumingala, pikit ang mga mata.

‘“Yong mga gamit pala ni Ron... hindi ko maintindihan kung bakit inilabas mo sa kanyang kuwarto?” muling tanong ni Jun makalipas ang ilang saglit.

“Ayoko na siyang makita.”“Nagseselos ka?”Umungol si Anabel.“Do you love him?” parang bulong lamang na nausal ni Jun. Sa katotohanan ay

parang hindi niya ito masabi dahil nangangamba siyang malaman ang suspetsang matagal nang nananakit ng kanyang puso.

Hindi pa rin sumagot si Anabel. Nilinga ito ni Jun. At nakita ng binata na lalong diniinan ng dalaga ang pagpikit ng mga mata.

“You love him,” nilakasan ni Jun ang pagsambit. “And very much. Hindi mo ‘yan maitago, Anabel. Kagaya ng hindi ko rin maitagong damdamin sa ‘yo. Ang pagkakaiba lamang ay hindi ako nagsisinungaling sa sarili. Ikaw, nagsisinungaling ka sa ‘yong sarili. And that’s unfair.”

Nagmulat si Anabel. Luminga kay Jun. May namumuong luha sa kanyang mga mata. “Please, Jun. Sumasakit ang ulo ko.”

“Walang gamot sa botika para sa sakit ng ulo mo, Anabel. Ang gamot ay nasa dikta ng iyong puso.”

130

Page 131: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Please,” nagmamakaawa na si Anabel. “Stop it.”“I won’t stop so we can stop this foolishness, Anabel,” medyo tumaas ang boses ni

Jun. “All I want to let you know is that you’re a fool... crazy!”Umagos na ang mga luha ni Anabel. “Perhaps...”“Anabel,” muling naging malumanay ang boses ni Jun. “Kagaya ng nasabi ko na I

love you. Pero ginagamit ko ang aking utak. Hindi lang naman damdamin ang mahalaga, di ba? Once you ignore what your heart dictates... flop! Sira ka. Same with ignoring what your sanity desires.”

Hindi na sumagot si Anabel. Napatungo na lamang at bumuntunghininga. Sumigok-sigok. Napasulyap-sulyap na lamang sa kanya si Jun. Hinihintay na maging kalmante ang kanyang pakiramdam. Maya-maya ay bahagyang napanatag ang pakiramdam ni Anabel. Nakatulong ang mabilis na pagpapatakbo ni Jun ng kotse. Malakas ang hanging dumadapyo sa mukha ni Anabel.

“Relaxed?”“A little.” Bahagyang ngumiti si Anabel.“Lubusin natin.” Ngumiti din si Jun. “Tutal parang ginutom ako. Mag-I love you

Sabado muna tayo.”“Ano?”“Mag-Jollibee,” sinundan ito ng binata ng halakhak na inayunan din ni Anabel.MATAGAL nang nakaalis si Tirong ngunit wala pa ring may nakaimik kina Mang

Aldo at Teresa. Tahimik na humihitit ng kanyang sigarilyo si Mang Aldo habang pasandal na nakaupo. Nakatingala siya sa kisame ngunit wala doon ang kanyang isipan. Nakapangalumbaba naman si Teresa sa kaharap na silya. Madilim ang mukha.

Kalaunan ay tumayo si Mang Aldo. Lalapit sa pintuan. “Lalabas muna ako.”“Mamamasada ka pa ho, Tay?”“Hindi. Magpapahangin lang ako,” naiiling na sagot ng matanda. “Sa nangyari ay

parang nangangamba ako sa pagkikita-kita natin ni Anabel.”“Ako... puwede ho akong tumuloy sa probinsiya. Kagaya ng nauna kong plano.”Natigilan si Mang Aldo. Nilingon ang anak. Bumuntunghininga. “Siguro’y dapat

din akong umuwi. Tutal parang wala namang naibigay na kabutihan sa akin ang malaking lungsod.”

“Gayundin ho sa akin, Tay.” Parang nanlagkit ang pakiramdam ni Teresa. Naalaala ang madilim na bahagi ng kanyang nakaraan dito sa Maynila.

“Doon ay makakapamuhay tayong mapayapa... malayo sa polusyon...”“At kapahamakan,” salo ni Teresa.Tumango si Mang Aldo. Pagkatapos ay lumabas na.Naiwan si Teresa na hindi mapakali. Parang bumalik ang paninikip ng kanyang

dibdib. Kinapa niya ang kanyang bulsa. Dinukot ang natitirang kapsula. Tumayo para kumuha ng tubig.

MATIWASAY ang pakiramdam ni Anabel nang bumaba sa kotse ni Jun nang ihatid siya ng binata. Nagbabay pa siya nang patakbuhin na ni Jun ang kotse nito. Pagkaalis ng lalaki ay agad niyang tinungo ang pintuan ng kanilang bahay. Dinukot ang susi sa kanyang bulsa. Ngunit nagulat siya nang akmang ipasok ang susi sa siradura. Bumukas ang pintuan. Ngayon lang niya napansing nakaawang na pala ang pintuan.

131

Page 132: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Parang tinusok ang dibdib ni Anabel. May tao sa loob. Dali-dali niyang itinulak ang pintuan. At parang sinilaban siya nang makitang may babae sa kusina. Nakatalikod ito kay Anabel.

“Sino ka!”Nabitiwan ni Teresa ang hawak na baso sa malaking pagkabigla.Parang tigre naman na sumibad si Anabel upang daluhungin ang hindi nakikilalang si

Teresa.

46

“AAAA!” Dumaluhong si Anabel. Pikit ang mga matang nakaamba ang mga kamay. Nakahandang mangalmot.

“A-Anabel...” Parang nagimbal si Teresa na hindi malaman kung ano ang gagawin. Nag-aalangan siyang kumilos dahil nagkalat sa sahig ang basag na baso. Hindi naman siya makayuko para makita at maiwasan ang mga bubog dahil mabilis ang pagdaluhong ng hindi nakakakilalang Anabel.

Bago pa makakilos si Teresa ay nasabunutan na siya ni Anabel. Pahaltak na hinila siya ng nakababatang kapatid.

“Walanghiya ka! May mukha ka pang mandayo dito sa aking teritoryo!” sigaw pa ng nakababatang kapatid.

Bumalandra si Teresa. Sumuray siya papunta sa sala. Nagulo ang kanyang buhok. Agad siyang bumangon habang hinahawi ang buhok upang matambad ang kanyang mukha. “Anabel... ako ‘to...”

Ngunit nanilim na ang lahat para kay Anabel. Pinadilim ng pag-iisip at selos na ang akala ay dinala pa ni Tirong ang babae nito sa kanyang bahay. Isang igpaw ni Anabel ay nasakyan niya si Teresa. Iningudngod sa sahig ang mukha ng nakatatandang kapatid.

MATAGAL na hindi nakaimik si Tikoy. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig.“H-hindi ka ba nagbibiro, Tirong... Parts?”Mapait ang ngiti na umiling si Tirong. “Kilala mo ‘ko, di ba?”“At sabi mo... ako pa rin ang... magpapatakbo dito? Kung mamarapatin ni Anabel?”Tinapik ni Tirong ang balikat ni Tikoy. Tumango.“P-pa’no kung pati kami’y palayasin din ni Anabel?” May pag-alalang napatingin si

Tikoy sa mga kasama. Napatungo din ang dalawang kasama. Natiyak ni Tikoy na malaki din ang pangamba ng mga kasama dahil kung magkataon ay balik sila sa pamumuhay na walang direksiyon.

“Sa’kin lang galit si Anabel, Tikoy. Kaya h’wag kayong mag-alala.” Pagkatapos ay mahigpit na niyakap ni Tirong si Tikoy. Mahigpit ding pinisil ang mga kasama nito. Mabigat ang mga hakbang ni Tirong nang tumalikod. Para namang hindi makatingin ang mangiyak-ngiyak na mga kasama.

Matagal nang nakaalis si Tirong nang kumilos sina Tikoy. Balak nilang puntahan si Anabel. Hindi sila mapanatag hangga’t hindi nila natitiyak ang magiging damdamin ng dalaga sa pag-iwan ni Tirong sa kanila ng tungkulin kaugnay sa buy and sell. Bagaman

132

Page 133: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

si Tirong ang nagpundar ng negosyong ito ngunit naunawaan din nilang wala ang lahat ng pagbabagong ito kung wala ang dalaga.

NAPABILIS ang hakbang ni Mang Aldo nang malapit na siya sa bahay ni Anabel. Narinig niyang may nagkakalabugan sa loob. At may narinig pa siyang tili.

Humihingal na itinulak ni Mang Aldo ang pintuan. Ngunit hindi ito mabuksan kahit nakaawang. Naharangan ng kanyang mga anak na nagpapambuno sa loob.

“Anabel!” nasigaw ng matanda. Lalong nilakasan ang pagtulak sa pintuan. “H’wag!”

‘“Wag kang kumilos!” mariin ang boses na narinig ni Mang Aldo. Kasabay nito ay naramdaman niya ang matulis na bagay na dumikit sa kanyang tagiliran. “Ano’ng ginagawa mo dito?”

Napasigok si Mang Aldo. Nagimbal lalo na nang paikutan siya nina Boy at isinalya sa dinding. Kumalabog. Napaungol si Mang Aldo.

Ang kalabog ay nagpatigil kay Anabel sa pagngudngod kay Teresa. Mabilis siyang bumangon. Umagwat siya sa pintuan kaya nabuksan ito dahil sa pagkasandal ni Mang Aldo na nagpupumiglas upang makaalpas sa pagpigil nina Boy.

“Tay!” palahaw ni Anabel nang sumuray papasok si Mang Aldo. Mabilis na sinalo niya ang matanda upang hindi mapahandusay sa sahig.

Nagkatinginan sina Tikoy na halos sabay pumasok nang marinig ang palahaw ni Anabel.

“A-Anabel... Anak. Ano’ng ginawa mo sa ‘yong kapatid?” may pag-alalang tanong ni Mang Aldo habang nakatingin kay Teresa na ngayon ay sinisikap na makabangon.

Parang naalimpungatan si Anabel. Dali-daling nilapitan si Teresa na hirap sa pagbangon. Hinawakan ito ni Anabel sa mukha at masusing minasdan. Maya-maya ay humahagulhol na niyakap ang kapatid. “A-Ate Teresa... I-I’m sorry... so sorry.”

“A-Anabel...”“Anabel, siya ‘yong tauhan ni Golem,” si Tikoy.Napabuka ang bibig ni Mang Aldo sa narinig. “T-tauhan ni Golem?” Parang hindi

makapaniwala ang matanda.Hindi nakasagot si Teresa. Mahigpit ang pagyakap niya sa nakababatang kapatid na

mahigpit din ang pagyakap sa kanya. Sa narinig ni Teresa ay nangagsibalikan sa kanyang isipan ang madilim na bahagi ng kanyang buhay. Hanggang ang pagsalubong ng kanilang landas ni Tirong. At ang maigsing panahon na ipinagsama nila ng binata sa ilalim ng isang bubong lamang. At nakaramdam siya ng pagkapahiya... kay Anabel. Dumistansiya siya sa nakababatang kapatid.

“Ate Teresa... I’m sorry. Talagang hindi ko inakala kanina na ikaw pala... na magkikita pa tayo.” Patuloy ang paghikbi ni Anabel.

“Teresa... totoo ba ang narinig ko?” sabad ni Mang Aldo.Bumuntunghininga muna si Teresa. Tiningnan sina Tikoy na ngayon ay pawang

nakabuka ang mga bibig ngunit walang nagsalita. Inilipat ang tingin kay Anabel na humihikbi pa rin.

“Mahabang estorya, Tay...”Walang inilihim si Teresa. Ikinuwento niya ang pagkasadlak niya sa isang lalaki na

inalayan niya ng kanyang pagkababae. Hindi niya akalaing ang lalaki palang iyon ay siyang magpahamak sa kanya. Tauhan pala iyon ni Golem. At nang mapalublob na siya

133

Page 134: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

ay hindi na nakaahon kundi lumangoy na lamang sa gustong mangyari ni Golem. Hanggang sa magkita sila nina Tirong.

“K-kung gayo’y nakita mo na ako?” Parang hindi makapaniwala si Anabel.“At nakita mo rin ako...” ganti ni Teresa. “Noong magkagulo sa klab.”“Ikaw nga ang tumulong sa akin para makatakas ako. Hindi ko lang naklaro noon

dahil madilim. At dahil kasama ka ng mga taong nagtangkang kumidnap sa akin.” Nagtagis ang mga ngipin ni Anabel pagkabanggit ng mga taong nagpahamak sana sa kanya.

“Siguro kung wala si Tirong...” Muling bumuntunghininga si Teresa. “Siguro wala na ako.”

Biglang nanginig ang kalamnan ni Anabel pagkarinig ng pangalan ni Tirong. Bumalik ang pagkainis sa kanyang dibdib. “Ang demonyo!” bulong niya sa sarili.

Napailing si Mang Aldo. “A-anak, may ipinagtapat sa amin si Tirong...”“Wala akong pakialam kung ano man ang ipinagtapat niya, Tay,” agaw ni Anabel.Nagkatinginan sina Teresa at Mang Aldo. Napangiti si Teresa. Naunawaan ito ng

matanda. Ibig sabihin ay nagseselos si Anabel. Talagang may pagtingin din ito sa binata.“Tapatin mo ‘ko, Anak,” patuloy ni Mang Aldo. “Mahal mo ba si Tirong?”Sumimangot si Anabel. “Walang kaugnayan ang puso kung bakit nagsama kami dito

sa bahay. Napadpad ako sa kanya. Sa kanya rin ako pumunta pag-alis ko sa inyo. So, natural lamang na magtulungan kami para mabuhay. Pangit ding umasa na lang ako sa kanya, di ba?” Pinilit niyang iwaksi ang kinikimkim na galit.

“Ang totoo, Anak...” Hindi naniniwala si Mang Aldo.“May iba siyang kinahuhumalingan.” Napatiimbagang si Anabel.Nagkatinginan naman sina Teresa at Mang Aldo.“Nagkakamali ka, Anak,” malumanay ang boses ng matanda. “Ang sinabi mong

kinahuhumalingan ni Tirong ay si Teresa. Ngunit nais kong klaruhin sa ‘yo... hindi kinahuhumalingan kundi nais lang niyang tulungan.”

Tumango-tango si Teresa bilang pag-ayon. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib ay nakaramdam siya ng hiya. May lihim sila ni Tirong.

“Nang malaman niyang kapatid mo si Teresa, sinikap niyang matulungan... na ang akala ko nga’y naging biktima lang. ‘Yon pala’y naging miyembro pa ayon sa kanya.” Nilingon ng matanda si Tikoy.

“Hindi maiwasan...” salo ni Teresa.“May iba siyang tinatambayan. Sinusustentuhan,” si Anabel.Tumikhim si Tikoy.“Anabel, nasabi sa’kin no’n ni Parts... nagkita na raw sila ng ‘yong nakatatandang

kapatid. At me sakit. ‘Yan ang dahilan kumba’t pinabili niya ako no’n ng groseri.”“S-sorry kung nakapagbigay ako ng problema, Anabel,” si Teresa.“Ba’t hindi man lang niya sinabing nagkita na kayo?” Kumunot ang noo ni Anabel.“Ayokong malaman mo kaagad habang nasa kapangyarihan pa ako ni Golem. Sabi

ko’y baka kung ano ang gawin mo dahil delikado.”“Nagkasakit ka?”Tumango si Teresa.Parang nalinawan si Anabel. Naalala niya ang mga kapsulang nakuha niya sa bulsa

ni Tirong. Kung gayon ang mga kapsulang iyon ay para sa kanyang nakatatandang kapatid? Ngunit bakit inilihim pa sa kanya? Hindi maunawaan ni Anabel kung bakit

134

Page 135: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

kailangang paglihiman pa siya. Ang naunawaan lang niya ay ang unti-unting pagbalik ng paghanga niya kay Tirong. Sa isang kisapmata ay gusto na niyang makita ang binata.

135

Page 136: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

XII

AT HUMIYAW ANG PAG-IBIG

ULA nang magsama ang mag-ama sa ilalim ng isang bubong lamang ay lalong sumaya sa bahay ni Anabel. Palagi nang maayos ang bahay dahil nandiyan si

Teresa na nangangalaga habang nasa eskuwela si Anabel. Si Mang Aldo ay patuloy ding pumapasada ng taksi. Sa gabi ay masaya silang nagsasalo sa hapunang inihahanda ni Teresa.

M

“Bumalik na ang kulay mo, Ate Teresa,” puna ni Anabel isang gabi habang nagpapahingalay sila sa sala matapos maghapunan. Si Mang Aldo ay tahimik na nanonood ng paborito nitong basketbol sa TV.

“Nararamdaman ko rin. Mas masigla ako ngayon,” ganti ni Teresa na hinihipo ang mukha. “Kaya lang ay nakakainip ang palagi na lang sa loob ng bahay.”

Biglang napalingon si Mang Aldo. Kumunot ang noo sa narinig sa anak. Pumasok sa kanyang isipan ang gawain noon ni Teresa sa ilalim ng kapangyarihan ni Golem. “Ano ‘kamo, Teresa?”

Natigilan din si Teresa. Ngunit natawa lang si Anabel. Nakuha agad niya ang dahilan kung bakit nasabi iyon ni Teresa.

“Huwag kang mag-alala, Tay,” nakangiting sabi ni Anabel. “Tiyak na walang planong bumalik sa putikan si Ate Teresa. Siyempre, kahit sino naman ay makakaramdam ng pagkabagot kung maiwang nag-iisa sa bahay na walang pinagkakalibangan.”

Nakahinga ng maluwag si Teresa dahil sa pagsalo ng kapatid. Lalo na nang makitang nawala ang kunot sa noo ng kanilang ama.

“Mabuti nga naman sana kung may ginagawa... may mapagpalipasan ng oras.”

136

Page 137: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Ayaw mo niyang para kang pensyunada?” biro ng matanda na iniunat ang dalawang binti at pinagpatong. “Ako, antagal na nangarap na makaraos... at dito lang nangyari.”

“Iba talaga pag may pinagkakaabalahan,” agaw ni Teresa. “Kahit magbantay lang sana ng tindahan.”

Biglang kumislap ang mukha ni Anabel. “Oo nga pala. Mabuti’t nabanggit mo ang tindahan.”

Napatingin din sa kanya sina Teresa at Mang Aldo dahil sa hindi maikubling tuwa sa boses ni Anabel.

“May tindahan ako... kumbinasyon ng tindahan at kainan.”“Wow!” Napalatak si Teresa.Napabuka ang bibig ni Mang Aldo. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ng anak.

Sa tingin ng matanda ay mas matanda pa ngayon sa kanya ang kanyang anak. Mas matanda ang pag-iisip kung tungkol sa buhay ang pag-uusapan, naamin ni Mang Aldo.

“Kaya lang...” at gumuhit ang lungkot sa mukha ni Anabel. “Hindi ko alam kung paano na ngayon ang tindahan ko. Matagal kasing hindi ko naasikaso.”

“Hayan pala, Teresa,” sabad ni Mang Aldo. “Ikaw ang mag-asikaso para mapakinabangan mo ang ‘yong oras.”

“Ang problema’y parang pumasok no’n sa isipan kong ibigay na lang kay Inday ang tindahan.”

“S-sinong Inday?” si Mang Aldo. “At pinamimigay mo lang sabi mo?”“Katulong ko si Inday. Pero hindi ko sigurado kung nasabi ko nga sa kanya ang

balak ko no’n.”“Puwes, kung hindi pa, h’wag mo nang ituloy. Makakatulong ‘yan sa kapatid mo.”“Okay...” at ngumiti si Anabel. “Puntahan natin ngayon.”KUNG gaano katagal ang pagsalampak ni Tirong sa malambot na damuhan sa lilim

ng puno ay hindi niya napansin. Parang wala siyang ganang kumilos. Magulo ang kanyang pag-iisip. Hindi nagkakaugnay-ugnay ang kanyang iniisip. Hindi siya namumroblema kung saan pupunta... kung saan matutulog. Sanay na siya sa buhay-lagalag. Ang pinoproblema niya ay ang katanungan sa kanyang isipan kung bakit kaydaling natapos ang lahat. Na parang pinatikim lamang siya ng magandang kapalaran upang mawili lamang.

Iginala ni Tirong ang kanyang paningin. Unti-unti nang dumadami ang mga promenaders. Nakalubog na ang araw at pumalit na ang unti-unting lumalamig na dapyo ng hangin. Inayos niya ang pagsandal sa puno. Nang bigla siyang matigilan. Sa di-kalayuan, sa kabilang hilera ng mga puno, nakita niya ang isang babae na pasandal na nakaupo sa lilim ng malaki ring puno. Bahagya itong nakatungo. Kung minsan ay nag-aangat ng mukha. Iginagala ang paningin. Parang naramdaman ni Tirong na malungkot ang babae. At nagpakabog ito sa kanyang dibdib. Tingin niya ay parang si Anabel ang babae.

Mabilis na tumayo si Tirong. Umikot sa likod ng puno upang kumubli. Unti-unting sumilip. Gusto niyang matiyak na mali ang paningin niya sa babae, na sa tingin niya ay si Anabel. At kung si Anabel nga ang babae ay ayaw niyang makita siya.

Maya-maya ay nakita ni Tirong na tumayo ang babae. Parang bigla itong sumigla. At nakita ni Tirong ang dahilan. Papalapit ang isang medyo matabang lalaki. “Buysit,” naibulong ni Tirong sa sarili. “Gold digger at DOM pala!”

Napailing ang binata. Nakaramdam siya ng gutom. Hahanap siya ng makakainan.

137

Page 138: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“KAHIT pa naibigay mo sa akin ang tindahang ‘to...” Ngumiti si Inday. “Isasauli ko pa rin. Aba, malaking tulong na ang pagkuha mo sa akin para maging katulong, a.”

“Kung nagkasundo tayo, siguro nama’y magkakasundo rin kayo ni Ate Teresa.”“Tingin ko’y kagaya mo rin siyang mabuti’ng ugali. Kaya lang...” at parang

nahihiyang tinakpan ang bibig. “Baka hindi siya sanay sa amoy dito... at sa gulo dito.”Napatawa si Teresa. “Kung sanay ang nakababata kong kapatid siguro’y higit na

sanay akong nakatatanda.”Tumawa din si Anabel. “O, di, ikaw na ang bahala dito bukas... kayo ni Inday?”ALAS siyete na ng gabi nang maisipan ni Tirong na maghanap ng maayos na tulugan.

May pera siya ngunit iniwasan niyang matulog sa motel. Iniiwasan niyang magkagasta ng malaki. Naisip niyang magpalipas muna ng gabi sa kahit saang hindi dinadayo ng tao. Saka na lang siya maghahanap ng mauupahan kahit maliit lang na kuwarto.

Sa pook kung saan naroon ang parkingan noon ng kanyang kariton dinala ng kanyang mga paa si Tirong. Wala na ang nakatambak na mga basura ngunit naririyan pa rin ang nakalubog na pader. Madilim pa rin sa bahaging ito at kapag sumiksik ka sa pagitan ng dalawang pader ay hindi ka mapapansin. Napangiti si Tirong. Tinawid ang kanal. Ngunit biglang natigilan. Wala pala siyang magagamit na higaan.

Nagpalinga-linga si Tirong. Ngunit wala siyang naaninag na tumpok ng papel. Wala rin siyang nakitang kahon na maaari niyang patungan. Napailing siya. Naalala niya ang bodega. Doon muna siya magpapalipas ng gabi. Bahala na, naibulong niya sa sarili. Hindi naman siguro papasyal sa bodega si Anabel kapag gabi.

Habang patungo sa bodega ay mabagal ang hakbang ni Tirong. Naririyan pa rin sa kanyang dibdib ang pagbabantulot. Bagaman halos natitiyak niyang hindi na pupunta sa bodega si Anabel kung gabi ngunit nahihiya siyang magpakita agad kina Tikoy. Nakapagpaalam na kasi siya sa mga kasama na magpakalayo- na hindi malaman kung magkikita pa sila o hindi.

Malapit na si Tirong sa bodega nang masalubong ang isang newsboy. Pauwi na ito dahil ilang kopya na lang ang diyaryo nito. Matamlay ang bata habang nakatungong naglalakad. Pinapaindayog nito ang diyaryo na ang front page ay nakaharap kay Tirong.

Biglang napahinto si Tirong. Sinundan ng tingin ang headline sa diyaryo. Kumabog ang kanyang diddib. Mabilis na dumukot ng barya at tinawag ang bata. Patulak na ibinigay ang barya sa kamay ng bata at hinaltak ang diyaryo.

SA loob ng bodega ay napabalikwas sina Tikoy nang marinig ang sunod-sunod na katok. Halos sabay-sabay silang nagsitayo. Mahigpit ang paghawak ng bawat isa sa bote ng beer. Nagkatinginan habang maingat na lumalapit sa pintuan ng bodega.

“Tikoy!” boses ni Tirong sa labas.Nakahinga ng maluwag sina Tikoy. Pinalitan ng tuwa ang kanilang mukha. Dali-

daling binuksan ni Tikoy ang pintuan upang papasukin ang kaibigan. Ngunit napakunot-noo nang matambad si Tirong na hindi maikubli ang pag-alala sa mukha.

138

Page 139: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

48

“PROBLEMA ba, Parts?” nasa boses ni Tikoy ang pag-alala habang inaakay papasok sa bodega si Tirong.

Nilingon niya si Boy at sinenyasan. Mabilis namang nagbukas ng serbesa si Boy at iniabot kay Tirong. “Painit muna, Parts. Para mabawas-bawasan ang problema mo kung meron man.”

Kinuha din ni Tirong ang iniabot ni Boy. Ngunit hindi niya agad ito ininom. Pumasok siya at naghanap ng kahon at umupo. “Si Golem... nakatakas,” mahinang sabi niya ngunit nagtatagis ang mga ngipin.

Bumuka ang mga bibig nina Tikoy. Hindi sila natatakot ngunit alam nilang malaki ngang problema ang pagtakas ni Golem. Tiyak na mamiminsala na naman ito. At higit na mapanganib ang magagawa ng ulupong na nasaktan na.

“Talagang malakas ang kapit ng hayup!” napatiimbagang si Tikoy.“Narito sa diyaryo. May malaking drug lord daw na tumulong para makatakas siya.

Tsinoy daw.” Inihagis ni Tirong ang diyaryo na sinalo naman ni Tikoy.Yudip... Parts,” ungol ni Tikoy. “Kung Tsinoy na draglord baka dito sa Tondo.”Nagkatinginan sina Boy at ang kasama niya. Nakakunot ang mga noo. Parang may

iniisip din.“Kung draglord at tagarito wala sigurong iba...”Bumuntunghininga si Tirong.“Baka si Goyo?” halos sabay na salo nina Boy.Masusing napatingin sina Tirong at Tikoy kay Boy. Napatango sila. May punto nga

sina Boy. Si Goyo lamang ang utak sa pagpalaganap ng druga sa tambakan. Naalala agad nila si Boy Agila nang unang pasok nito sa kanilang teritoryo.

“At baka dito nagtago si Golem. Baka nakipagsabwatan kay Goyo dahil mainit siya sa mga lespo.”

‘“Yan ang dahilan kung bakit nagbalik ako kahit parang ayoko dahil nakapagpaalam na akong mawawala dito,” paliwanag ni Tirong. “Hindi ko maaaring pabayaan si Anabel.”

“Alam namin,” agaw ni Tikoy.“Kaya kailangan ko ang tulong ninyo, Tikoy. Alam mo namang galit sa akin si

Anabel. At maaaring makasama pa kung magpapakita ako. Lalo tayong mahihirapan na mabigyan siya ng proteksiyon.”

“Ano sa palagay mo ang mabuting gawin namin?” tanong ni Tikoy.Nang gabing iyon ay pinag-usapan nila kung ano ang mabuting gawin. Napangiti si

Tikoy sa panukala ni Tirong. Ang totoo niyan ay matagal na niyang binabalak na mabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap.

Maaga pa umuwi nang hapong iyon si Anabel. Bibisitahin niya ang kanilang tindahan. Titingnan niya kung nagustuhan din ni Teresa ang bago nitong mundo.

Malayo pa si Anabel sa tindahan ngunit nakita na siya ni Teresa. Sinalubong siya ng nakatatandang kapatid.

139

Page 140: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Enjoy ako rito,” panimula ni Teresa na tumawa. “At mabuti naman at naparito sina Tikoy. Inayos nila ang sirang mga dinding ng tindahan.” Nilinga niya sina Tikoy na nagmemeryenda na ng inihanda ni Inday para sa mga ito.

“Sila din ang gumawa nito noon,” sagot ni Anabel na ipinatong ang mga gamit sa estante at lumapit kina Tikoy. “Kumusta ang negosyo, Tikoy?”

“Okey lang, Anabel. Marami ngayon ang ating stak. Depende na kay Mang Aldo kung kelan niya gustong ideliber namin. Pero hindi pa siya nakakapunta sa bodega.”

“Hmmm. Nawili siguro sa pamamasada si Tatay.” Napailing si Anabel. “Bahala ka nang dumiskarte, Tikoy. Tutal marunong ka naman kung ano ang gagawin.”

Ngumiti lang si Tikoy. Itinuloy ang pagmeryenda. Ngunit may napansin sa kanya si Anabel. Nakita ng dalaga na napakapormal ng kilos ni Tikoy. At napansin din ng dalaga na nakapustura ang lalaki.

Tumikhim si Anabel. Tikhim na may panunukso. Pilyong ngiti ang ipinukol kay Tikoy.

Naramdaman ni Tikoy ang nanunuksong tingin ni Anabel. Parang nahihiyang napasulyap kay Anabel na abala sa pagtulong kay Inday.

“Tikoy, ha?”Pinamulahan si Tikoy. Lalo na nang makitang nakatingin sa kanila si Teresa.

Nagkatinginan ang magkapatid. Nagngitian. Kumindat si Anabel. Pinamulahan din si Teresa. Parang hihiyaw si Tikoy.

KINAGABIHAN ay napag-usapan ng magkapatid ang takbo ng tindahan. Masaya si Teresa. Ngayon lang daw niya naramdaman ang tunay na kaligayahan bunga ng pagtatrabaho na bagaman nakapapagod ngunit desente naman.

Si Mang Aldo ay panatag ding nanonood ng telebisyon habang magkapatong ang nakaunat na mga binti. Kuntento siya lalo na at masaya ang kuwentuhan ng dalawa niyang anak. Lubos ang kaligayahang nadarama niya. Pakiramdam niya ay nakadagdag sa katiwasayan ng kanyang isip ang serbesang binili ni Anabel para sa kanya.

Napunta ang usapan ng magkapatid kay Tikoy. Sanay sa lalaki si Teresa at ang pakipagrelasyon ay parang karaniwan lang sa kanya ngunit ang ipinakita ni Tikoy ay nagpatibok ng naiibang damdamin sa kanya. At ito ay hindi niya naikubli kay Anabel. Ipinagkanulo ito ng kislap ng kanyang mga mata.

“Kunsabagay boto ako kay Tikoy, Ate Teresa. Kahit ganyan lang si Tikoy pero natitiyak kong magiging mabuti siyang asawa.”

Hindi na sumagot si Teresa. Ngunit ang ngiti niya ay nagpapakita ng kaligayahan.Ikinaligaya din ni Anabel ang nararamdaman ng kapatid. Ngunit sa loob ng kanyang

dibdib ay naghihinagpis siya. Hindi siya makatulog nang gabing iyon. Ilang beses na siyang nagpabiling-biling ngunit hindi siya dinalaw ng antok. Nasa malayo ang kanyang isipan. Nagliwaliw ito hanggang sa Luneta Park, pabalik sa ilang panahong nakalipas. Naalaala niya si Tirong. Ang kanilang masayang pagsasama. At ito ay nagdagdag ng hapdi na nadarama niya sa kanyang puso.

Bawat sandaling pilitin ni Anabel na ipikit ng mariin ang mga mata ay nagpapakita ang malaking larawan ni Tirong sa kanyang isipan. Sa bawat pagmulat naman niya sa hangaring mamulatang nasa harapan niya ang lalaking iniibig, pangungulila lamang ang masalubong ng kanyang paningin. Wala na si Tirong dahil din sa padalus-dalos niyang pasya.

140

Page 141: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

SA isang ilang na bahagi ng Luneta ay hindi naman mapakali sa pagkakasandal sa ilalim ng puno si Tirong. Magulo ang kanyang isipan. Nagsasalit-salitan ang pasyang uuwi na lang sa Bicol. Ngunit ang panganib na nakapaligid kay Anabel ay pumipigil sa kanyang plano. Sa katotohanan ay halos ito lamang ang palagi niyang iniisip. At hindi niya mapapayagang pabayaan na lamang ang pinakamamahal niyang babae ngayong nakatakas si Golem sa mga awtoridad.

Binuksan ni Tirong ang kanyang maleta. Kinuha ang nakatagong armas. Tinanggal ang bola at tiningnan kung kumpleto ang bala. Nang matiyak na walang blangko ay isinukbit ito sa kanyang baywang. Inayos niya ang kanyang dyaket upang hindi mapunang may dala siyang baril. Pagkatapos ay binitbit ang maleta. Nagmamadaling lumakad.

Ilang saglit pa ay nangingilid na siya sa eskinitang malapit sa bodega ni Goyo. Natanaw niya sa di-kalayuan na bukas pa ang gate ng bodega. May nakita siyang mga basurero na naglalabasan sa gate. Ang iba ay nagbibilang ng napagbentahan. Ang iba naman ay nagmamadaling nagtutulak ng wala nang lamang kariton. Naisip ni Tirong na marahil ay bibili pa ng pagkain para sa kani-kanyang pamilya. Ngunit hindi ito binigyan ni Tirong ng pansin. Pasubok siyang lumapit sa bodega. Nais niyang tiyakin kung totoo ang sabi nina Boy na baka itinatago ni Goyo si Golem. Kailangang makatiyak siya upang makagawa ng nararapat na hakbang.

Hindi lumapit sa gate si Tirong. Naghanap siya ng butas sa yerong bakod na hindi kalayuan sa gate. Sumilip siya sa loob. At may nakita siyang nagkukumpulan sa isang sulok ng bodega. Nag-iinuman. Tatlong tao. At natiyak agad ni Tirong na hindi mga basurero dahil namumukol ang mga baywang. May mga armas.

Isa sa umiinom ang lumingon. At biglang dumalas ang paghinga ni Tirong. Si Golem ang lumingon!

49

MABILIS na lumubog sa kanyang pinagkukublihan si Tirong. Halos pigilan niya ang paghinga. Luminga siya sa siwang ng yerong bakod. At bigla siyang napalubog pa nang makitang papalapit sa kanyang kinaroroonan si Golem.

Kinapa ni Tirong ang trayntay otso sa kanyang baywang. Dahan-dahan itong binunot. Napatiimbagang siya. Kung magkataon ay magagamit niya ang kanyang armas. Wala na siyang panahong umalis. Malapit na malapit na si Golem dahil lumalakas ang tunog ng sapatos nito. Hindi makatatakbo si Tirong dahil tiyak na makikita siya dahil mababa lang naman ang bakod. Makatutulong ang malamlam na liwanang ng ilaw sa poste kung tatayo siya. Hinintay na lamang ni Tirong ang paglapit pa ni Golem. Mahigpit ang paghawak niya ng rebolber.

Pigil ang paghinga ni Tirong habang hinihintay ang pagsungaw ng ulo ni Golem. Ngunit nagtaka ang binata nang maramdamang tumigil sa paghakbang si Golem. Napakunot-noo si Tirong. Nakita na kaya siya ng ulupong? Parang hindi mapakali si Tirong. Dahan-dahan siyang luminga upang makita kung ano ang ginawa ni Golem.

141

Page 142: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ngunit napakislot siya nang makarinig ng pulandit na sinundan ng bagsak. Naramdaman ni Tirong na may mainit-init na bumagsak sa kanyang pisngi. Buwisit! Nausal ng binata.

Matagal nang nakabalik sa mga kasama si Golem ngunit hindi pa rin kumikilos si Tirong. Nagtatagis ang kanyang mga ngipin. Hindi lang dahil sa mapanghing bumagsak sa kanyang pisngi kungdi ang pag-aagawan ng sari-saring balak sa kanyang isipan. Kung sasalakayin na lang ba niya ang grupo o i-tip na lang sa pulisiya na nandiyan sina Golem, sa teritoryo ni Goyo. Matagal na nag-isip si Tirong. Kalaunan ay nagpasya siyang ipagbigay-alam na lamang sa pulisiya kung nasaan sina Golem. Ipapasa na lamang niya kina Tikoy para hindi na siya madamay pa. Tutal makatitiyak naman siyang maiwas na sina Anabel sa panganib kung mahuli sina Golem.

Dahan-dahang tumayo si Tirong. Maingat na nangilid siya sa bakod upang lumayo. Ngunit natigilan siya nang biglang may pumasok na tao. Humihingal. Tuloy-tuloy itong lumapit kay Golem.

“Totoo ba’ng sinabi mo?” marahas ang boses ni Golem na narinig ni Tirong. “At dito lang pala nagtago ang malditang ‘yon!”

Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Tirong. Halos natiyak na niya kung sino ang tinutukoy ni Golem. Maingat siyang lumapit upang marinig kung ano pa ang ibinabalita ng tauhan ni Golem.

“At alam na namin kung saan siya nagtatago dito. Sinundan namin siya kanina. May tindahan pala siya sa tambakan,” ito ang narinig ni Tirong na ibinalita ng tao kay Golem. Nagtagis ang mga ngipin ni Tirong. Hindi nagkamali ang kanyang kutob. Si Teresa nga ang tinutukoy nina Golem.

“At may magandang balita, Boss,” patuloy ng tao. “Ang tinitirhan pala ni Teresa ay ang bahay no’ng babaing kinidnap sana namin pero nakatakas.”

Yudip...! Parang mandaluhong si Tirong. Mas higit pala ang panganib ngayong nagkita ang magkapatid. At may posibilidad na dalawa silang mapahamak sa isang putok. Kailangang kumilos siya agad. Aabisuhan niya ngayon sina Tikoy.

Ngunit muling natigilan si Tirong. Kikilos din pala agad sina Golem.“Ano pa ang hinihintay n’yo?” dumadagundong ang boses ni Golem. “Kung alam

n’yo kung nasa’n sila, kunin n’yo... ngayon na!”Sa narinig ay parang itinulak si Tirong. Malakas na tulak na nagpasibad sa kanya.

Tiyak ang tinutumbok. Ang bodega.MALIWANAG pa sa loob ng bodega. Mahimbing na ang tulog nina Boy ngunit

walang tigil ang pabalik-balik ni Tikoy. Ilang bote na ng serbesa ang kanyang nainom ngunit parang mailap sa kanya ang antok. Balisa siya. Hindi niya maintindihan kung dahil lang sa damdaming iniuukol niya kay Teresa o dahil sa hindi niya mahulaang pangyayari. Basta hindi niya maiwaksi ang pag-alala.

Naisip niyang lumabas. Pupunta siya sa bahay nina Anabel. Tutal pinababantayan naman sa kanya ni Tirong ang magkapatid kaya may dahilang silipin niya ang tirahan nina Anabel. Lokong pag-ibig ‘to, naibulong ni Tikoy na agad lumabas sa bodega.

BIGLANG naapakan ni Mang Aldo ang preno ng minamanehong taksi nang makita ang dalawang lalaking nakakubli sa bakod malapit sa pintuan ng kanilang bahay. Kumabog ang dibdib ng matanda. Masama ang kanyang kutob. Nakita niyang parang nagsesenyasan ang dalawang lalaki habang pasulyap-sulyap sa pintuan. Patay na ang ilaw sa loob ng bahay at naisip ni Mang Aldo na may masamang balak ang dalawang

142

Page 143: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

lalaki dahil tila nasa bahay nila napako ang paningin ng mga ito. At sa kilos ng dalawa ay hindi maaaring hindi magsuspetso si Mang Aldo.

Muling pinatakbo ni Mang Aldo ang kanyang taksi. Sinabayan ito ng malakas na pagbusina. Balak niyang gambalain ang dalawang lalaki. Ngunit nakasama ang pamumusina ng matanda.

Isa ang pumagitna sa kalsada. Sinasalubong siya. Napakunot ang noo ni Mang Aldo. Talagang masama ang pakay nila, sa isip ni Mang Aldo. May dinukot ang lalaki sa baywang nito. Armas! At itinaas ito ng lalaki sabay senyas na huminto ang matanda.

Ngunit hindi huminto si Mang Aldo. Bagaman mabagal ang kanyang pagpatakbo ngunit patuloy ang paglapit niya sa lalaki na ngayon ay malinaw na sa matanda ang hitsura dahil maliwanag ang ilaw ng taksi. Talagang mukhang sanggano. Pinatatag ng matanda ang kanyang sarili.

“Gagarahe na ‘ko.” Hindi nagpahalata ng kanyang pangamba si Mang Aldo.Saglit na napahinto ang lalaki. Lumingon ito sa kasama na naiwan sa harap ng bahay

ni Anabel. May isinenyas. Dali-dali din itong lumapit. Pagdating sa kasama ay may isinenyas. Binunot din ang armas na nakasukbit sa baywang. Lumapit sa taksi na mabagal ang pagtakbo. Pinukpok ng kamay nito ang tapaludo ng taksi.

“Balik!”Todas, naibulong ni Mang Aldo. Naragdagan ang pangamba ng matanda. Lalo na

nang umikot sa kanyang tagiliran ang isang lalaki at itinutok ang baril. Muling nagpreno si Mang Aldo.

“Hindi p’wede, mga pare. Dito ang garahe ko,” malumanay na sagot ng matanda ngunit itinatagong mapansin ang kanyang panginginig.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Saglit na nagbulungan. Ngunit hindi marinig ni Mang Aldo kung ano ang bulungan ng dalawa. Tumalas ang paningin ng matanda. Nagpalinga-linga kung saan dadaan para makaiwas sa dalawa. Nang biglang may masulyapan siya sa di kalayuan na paparating. Parang nanunubok ito palapit sa kanila. Nakita niyang may hawak na dos por dos ang lalaki. Naisip agad ng matanda na hindi kasama ng dalawa ang paparating. At nakahinga siya ng maluwag nang maklarong si Tikoy pala. Sumenyas ito sa kanya na iikot sa kabila. Naunawaan agad ng matanda ang ibig ipahiwatig ng binata. Tig-isa sila.

Muling lumapit sa matanda ang isang lalaki. Ang isa ay nagpaiwan sa unahan ng taksi habang ang paningin ay natuon sa kanya. Nakatalikod na ito kay Tikoy na ngayon ay nasa malapit sa likuran nito. Hinintay ng matanda na makatapat sa pintuan ang lumalapit sa kanya. At nang matantiyang maabot na niya ay biglang ibinukas ng malakas ang pintuan ng taksi. Lumagabog ito sa kamay ng lalaki. Tumalsik ang baril nito.

Ito naman ang hinihintay ni Tikoy. Buong lakas na hinataw ng dos por dos ang isang lalaki. Napahandusay ito sa hood ng taksi. Walang ulirat. Agad namang sinugod ni Tikoy ang isang nangangapa ng tumalsik na baril nito nang biglang buksan ni Mang Aldo ang pintuan ng taksi. Si Mang Aldo ay nakababa na sa kalsada at pilit na pinipigilan ang lalaki.

“Mang Aldo, bitiwan mo siya!” sigaw ni Tikoy na itinaas ang dos por dos upang hatawin ang lalaki. Ngunit hindi na nabitiwan ng matanda ang lalaki. Nahawakan siya nito sa kamay at naramdaman na lamang ng matanda na parang may kumalabsaw. Namanhid ang kanyang tiyan. May balisong pala ang lalaki at nang makita na nakaambang maghataw si Tikoy ay dinukot ito at itinusok sa matanda.

143

Page 144: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Mabilis na sinapo ni Tikoy ang duguang Mang Aldo. Tumakbo ang lalaki.“Dadalhin kita sa ospital.”“H’wag na,” humihingal ang matanda. “K-kaya ko pa. Hindi naman grabe ang sugat

ko. Daplis lang naman ‘to.”Sa narinig ay isinandal ni Tikoy ang matanda sa taksi. At nagtatagis ang mga bagang

na sumibad dala ang dos por dos.

144

Page 145: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

XIII

NAMULAKLAK NA ANG KAWAYAN

ANG malaman ni Tirong na wala sa bodega si Tikoy ay agad din siyang sumibad palabas. Humahagibis. Sa nakita ay sumibad din sina Boy. Natiyak nilang may

trobol dahil kabisado na nila si Tirong kung gayon ang kilos.N

Papaliko na si Tirong sa isang makitid na eskinita patungo sa kanilang bahay nang bigla siyang napaubo. May nabangga siya. Napasuray siya. Kasabay noon ay may bumagsak. Lumagitik din ang balisong na tumalsik mula sa bumagsak na lalaki.

“Part!” Humihingal si Tikoy. Hawak niya ang dos por dos na inihataw sa hinabol na lalaki.

“Mabuti’t nakita kita.” Humihingal din si Tirong. “May trobol!”“Na naman? Sina sino?” Kumunot ang noo ni Tikoy.“Nakita ko na sina Golem. At balak nilang kunin ngayon sina Teresa... at Anabel.”“Kung gayon...” Yumuko si Tikoy. Itinihaya ang nakadapang lalaki na hinataw niya

ng dos por dos. Minasdan. “Tama! Tauhan nga ‘to ni Golem.”Nanginig sa galit si Tirong. “Ando’n na pala sila?”“Hindi ko pa nakita si Golem. Dalawa lang ang nakita ko. Ando’n pa ang isa at wala

ring malay. Pero ‘tong isa,” at sinipa ang lalaking wala pa ring ulirat, “nasaksak pa si Mang Aldo bago nakatakbo.”

“Nasaksak?”“Oo. Pero daplis lang.”“Balikan mo si Mang Aldo. Dalhin n’yo sa ospital. Boy,” linga ni Tirong kay Boy,

“samahan mo si Tikoy. Sasalubungin ko naman sina Golem.”Matapos mabigyan ng karagdagang instruksiyon sina Tikoy ay agad ding sumibad si

Tirong. Kabisado niya ang maaaring daanan nina Golem patungo sa bahay nila ni

145

Page 146: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Anabel kaya madali ang paglusot-lusot ni Tirong. Pumuwesto siya malapit sa bahay. Doon ay tanaw ang sinumang lumapit. Ngunit wala pa siyang nakikitang tao sa harap ng bahay. Naghintay siya habang mahigpit ang hawak sa kanyang baril.

NAPAPITLAG si Teresa nang maramdamang may kumalabog sa pintuan sa ilalim ng bahay. Ginising niya si Anabel. Sinabi sa nakababatang kapatid ang narinig. Agad din silang bumaba. Sinindihan ang ilaw sa sala.

“T-Teresa... A-Anabel...” bahaw na boses ang narinig ng dalawa. Parang umuungol.“Si Tatay!” nahiyaw ni Anabel na parang nalagim. Dali-dali niyang binuksan ang

pintuan. At natambad sa kanilang paningin ang duguang ama. Halos nanilim ang paningin ni Anabel sa nakitang kalagayan ni Mang Aldo.

“S-sino ang gumawa niyan, Tay?” si Teresa. Humagulhol siya. Mabilis namang inalalayan ni Anabel ang ama at pinasandal sa silya. Kagaya ni Teresa ay humagulhol din si Anabel. “K-kailangang madala ka agad sa ospital.”

Pilit na ngumiti ang matanda. “H-h’wag kayong mag-alala. Daplis lang ‘to. Magpakulo lang kayo ng tubig at linisin ang sugat ko.”

Mabilis namang kumilos ang dalawa. Si Teresa ang nagpakulo ng tubig. Si Anabel naman ay naghanap ng luma ngunit malinis na kamesita upang ibenda sa sugat ng ama. Kumuha din siya ng alkohol at ilang antibiotic na naitago niya.

Kalalapag lang ni Teresa ng maliit na palangganang may mainit na tubig sa mesita nang may kumatok. Saglit na nagkatinginan sina Anabel at Teresa. Walang nakaimik sa kanila. Nakangiwi pa sa hapdi si Mang Aldo ngunit pinilit niyang makasandal ng maayos para makaharap sa pintuan. Kailangang nakahanda siya kahit sugatan.

“T-Teresa... sina Tikoy ‘to,” tinig mula sa labas.Nakahinga ng maluwag si Anabel. Nilinga si Teresa at kinindatan. Pinapabuksan

dito ang pintuan. Dali-dali namang sumunod ang nakatatandang kapatid.“T-Tikoy... kailangang madala natin sa ospital si Tatay. Nasaksak siya.”“Alam ko. Hinabol ko ang sumaksak at naabutan ko naman. Ayun siya sa di-

kalayuan, walang malay.”“Kilala mo ba, Tikoy?” si Anabel. Nabasa na niya ang bimpo ng mainit na tubig.

Ipinahid sa dugo sa tiyan ng ama.“Mga tauhan ni Golem,” malumanay ang boses ni Tikoy na nilingon si Teresa.

“Pero naitimbre na namin sa mga pulis.”Halos napalundag si Teresa pagkarinig sa sagot ni Tikoy. Napahawak siya sa braso

ng lalaki. “A-ako kaya ang sadya?”Tango lang ang isinagot ni Tikoy. Nadagdagan ang takot ni Teresa. Naramdaman ni

Tikoy ang panginginig ng kamay ng babae na nakahawak sa kanyang braso.“Pero ‘wag kang mag-alala,” pinatatag ni Tikoy ang kanyang boses. “Dadaan muna

sila sa ibabaw ng aking bangkay bago ka nila magalaw.”Nagkatinginan sina Anabel at Teresa. Kahit natatakot ay napangiti si Teresa.Nabawasan din ang pangamba ni Anabel. Natitiyak niya, wala man ngayon si Tirong

ngunit may tutulong pa sa kanila. Bahala na kung ano man ang mangyari.ILANG saglit din ang paghihintay ni Tirong sa madilim na bahagi ng eskinitang

pinagkukublihan nang marinig niya ang mga yabag ng sapatos. Maya-maya ay nakita niya ang pagsungaw ng apat na mga lalaki. Nakilala agad ni Tirong si Golem.

146

Page 147: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Pagapang na sinalubong ni Tirong ang grupo. Nais niyang malapit na malapit ang kanyang mga kalaban bago siya magpaputok. Titiyakin niyang mamamatay ang mga ulupong.

Malapit na sina Golem sa taksi ni Mang Aldo. Natabingan sila ng taksi kaya hindi na sila lantad kay Tirong.

Dali-daling umigpaw si Tirong upang malantad sa kanya ang ulupong. Ngunit natigilan siya nang marinig na nagmura si Golem. Tinalasan ni Tirong ang kanyang paningin. Nakita niyang may pinitsirahan si Golem.

“Tarantado! Mga lampa kayo!” dumadagundong ang boses ni Golem. “Sino’ng nakaengkuwentro n’yo?”

Nabubulol ang pinipitsirahan ni Golem. Hindi marinig na mabuti ni Tirong kung ano ang isinagot ng lalaki. Ngunit nakita ni Tirong na itinulak ito ni Golem. Galit na galit. Itinaas ang kamay na may hawak na kuwarentay singko. Dalawang putok ang ibinuga.

“Hayup ka, Tirong!” Humihingal sa galit si Golem. “Magpakita ka!”“Andito ‘ko!” sumisigaw din si Tirong na dumaluhong. Halos dalawang dipa na

lamang ang agwat niya nang iputok ang armas.Napatakbo ang tatlong kasama ni Golem. Nangagulat sa hindi inaasahang

pagdaluhong ni Tirong.Humaging lang ang punglo ni Tirong sa tainga ni Golem. Dahil sa labis na galit ay

hindi na ni Tirong naasinta ng mabuti si Golem. Muling itinutok ni Tirong ang kanyang trayntay otso. Ngunit bago niya nakalabit ang gatilyo ay nakatakbo si Golem sa madilim na bahagi ng kalsada. Bumubuga din ng apoy ang hawak nitong kuwarentay singko. Ngunit parang tigre pa ring humahabol si Tirong.

Ang malakas na sigaw ni Golem ay narinig hanggang sa sala nina Anabel. Natigil ang dalaga sa pagbenda ng sugat ng ama nang marinig ang pangalan ni Tirong na isinisigaw ni Golem.

“N-nandito si R-Ron?” may pag-alalang naitanong ni Anabel habang matiim na tingin ang ipinukol kay Tikoy.

Tumango si Tikoy. “Siya ang sumalubong sa grupo ni Golem. Siya ang nagbalitang susugod sina Golem para kunin kayo.”

Nagtagis ang mga ngipin ni Anabel. Minadali ang pagbenda sa ama. At nang makitang wala nang peligro sa sugat nito ay agad siyang pumanhik. Pagbaba niya ay nagulat sina Mang Aldo.

“B-ba’t nakapantalon ka, Anak?” Natakot ang matanda. “At bakit may dala kang batanggenyo?”

Hindi sumagot si Anabel. Nilapitan si Teresa na nakasiksik sa likod ni Tikoy. “A-Ate... kahit ano ang mangyari’y h’wag na h’wag ninyong buksan ang pintuan habang wala ako.”

“A-anak... delikado sa labas...”“Hindi nila kami titigilan, Ate, Tay. Kaya kailangang kumilos na. Sasalubungin ko

ang kanilang kahibangan!” Agad lumabas si Anabel at isinara ng malakas ang pintuan.Napailing na lamang si Mang Aldo. Natiyak niyang si Tirong ang dahilan kung bakit

sasagasain ni Anabel ang panganib.

147

Page 148: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

51

NANUOTSUOT sa pagitan ng mga bahay si Golem. Tuloy ang paputok ng kanyang kuwarentay singko. Tuloy din ang buntot sa kanya ni Tirong. Humahaging ang balang sinasalubong ni Tirong. Lumalagapak ang mga ito kapag tumama sa marupok na dinding ng mga bahay. Nagtilian sa loob ng mga barung-barong. Nagkagulo.

Pabalik sa tambakan ang takbo ni Golem. Bagaman iba ang dinadaanan ngayon ni Golem ngunit kabisado ni Tirong ang daan. Maaari niyang abutan si Golem kung abangan niya sa kabilang kalye dahil dead end ang tinutumbok ng ulupong. Hindi nga lang masundan ni Tirong hanggang sa dead end dahil napakadilim at delikadong madisgrasya siya.

Sa bahay nina Anabel ay nanginginig si Teresa. Hindi naman mapanatag si Mang Aldo. Tinalasan naman nina Tikoy ang mga mata habang nagbabantay sa labas ng bahay.

“Antagal naman ng mga pulis,” puna ni Teresa. “Baka mapahamak si Anabel.”Tumayo si Mang Aldo. Nakangiwi dahil sa humahapding sugat. “H’wag kang

umalis dito. Susundan ko si Anabel.”“Lalong mapanganib, Tay. Hindi ka makakakilos ng mabuti,” saway ni Teresa na

pinigilan sa braso ang ama.“Kaya ko. Isa pa hindi ko dapat pabayaang siya ang haharap nito.” Napatiimbagang

ang matanda. Naisip na malaking kamalian ang nagawa niya dahil hindi agad niya pinigilan ang pag-alis ng anak sa gitna ng panganib na ito.

“Kung gayon ay tayong lahat ang haharap.” Bumuntunghininga si Teresa. “Tutal isa ako sa sadya ni Golem. Bahala na kung ano ang mangyari.”

Ngunit hindi pa nakalabas ang mag-ama nang makarinig sila ng sunod-sunod na wang-wang ng mga patrol car malapit sa kanilang bahay. Nandiyan na ang mga awtoridad na tinimbrihan nina Tikoy. Nakahinga ng maluwag ang mag-ama.

Hindi nagkamali si Tirong. Tama ang hula niyang pabalik sa bodega ni Goyo malapit sa tambakan ang tumbok ni Golem. Palingun-lingon pa ang ulupong sa likuran nito. Tinitingnan kung nasundan ni Tirong.

Ilang dipa pa ang agwat ni Golem kay Tirong. Dahan-dahang itinaas ng binata ang kanyang traynta’y otso. Ipinatong ang kamay sa kahon na pinagkublihan kanina. Patuloy ang paglapit ni Golem. Apat na dipa. Tatlong dipa. Lalong lumaki sa paningin ni Tirong ang palingun-lingong si Golem. Ni hindi pumasok sa isipan na naghihintay ang kamatayan.

Dahan-dahang kinalabit ni Tirong ang gatilyo ng kanyang baril. Kagaya ng dahan-dahan ding paghinga niya upang hindi makaramdam si Golem. At nang umabot sa full cock ang hammer ng baril ay hinigpitan ni Tirong ang pagpiga. Ngunit nagulat siya nang lumagitik lang ito. Hindi pumutok.

Labis ang pagkagulat ni Golem nang marinig ang lagitik at makita si Tirong na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan. Ngunit saglit lamang ang pagkagulat ni Golem. Napangiti siya.

“Wala ka nang bala.” Ngumisi si Golem. “Todas ka ngayon!”Alam ni Tirong na hindi na maiwasan ang kanyang katapusan kung hindi siya kikilos.

Kaya buong bilis na nilundag niya si Golem. Pumutok ang kuwarenta’y singko nang

148

Page 149: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

tumingala ang kanyon nito. Sabay na natumba ang dalawa. Mabilis na bumangon si Tirong upang damdahin si Golem ngunit nasalubong niya ang sipa nito. Umilandang si Tirong.

Dali-daling bumangon si Golem. Nagtatagis ang mga bagang, mahigpit pa rin ang paghawak sa armas. Tinutukan si Tirong. Ngunit bago niya nakalabit ang gatilyo ay sumambulat ang nakasisilaw na liwanag. Mula ito sa dump truck na papalapit sa kanila.

Ito ang sinamantala ni Tirong. Agad na naghanap ng anumang magagamit na armas. Nakadampot naman siya ng dos por dos. Ngunit nang makalampas ang dump truck ay wala na si Golem sa kinatatayuan noon. Nakasabit pala ito sa dump truck. Tumakbo si Tirong. Paekis-ekis. Hindi na mabilis ang takbo ng dump truck dahil malapit na ito sa tambakan ng basura at natiyak ni Tirong na aabutan niya si Golem, basta maiwasan lamang niya ang humahaging na bala.

HINDI malaman ni Anabel kung saan hanapin si Tirong. Nakailang ikot na siya sa inakala niyang lugar kung saan dumagundong ang putukan ngunit wala siyang inabutan sa kalsada. Bagaman marami ang mga tao ngunit sa bawa’t mga tahanan lamang at nakadungaw sa mga bintana. Maya-maya ay nagkaputukan. Halos sabay-sabay na nangagsara ang mga bintana ng mga bahay. Hindi malaman ni Anabel kung saan nanggaling ang putok. Ngunit natiyak niyang malapit lamang. Mga dalawang kanto sa kanyang tantiya. Tumakbo si Anabel. Nangilid siya sa mga bahayan upang hindi matambad sa nagpapaputok. Sa direksiyon na pinanggalingan ng putok ang kanyang tungo.

Mga isang kanto na ang natakbo ni Anabel nang may makita siyang dalawang lalaking tumatakbo. May hawak na mga armas ang dalawa. Sinusundan ang mga ito ng sasakyang may umiikot na pula at bughaw na liwanag sa bubong nito. Patrol car, bulong ni Anabel na agad nagkubli sa dinding ng isang barung-barong.

Ang dalawang lalaki ay huminto malapit sa pinagkukublihan ni Anabel. Ilang saglit pa huminto din ang patrol car. Mabagal ang takbo nito dahil makitid ang eskinita. Nagbabaan ang mga pulis.

“Biglang nawala!” narinig ni Anabel na sabi ng isang pulis matapos magpalinga-linga. Lalong nagkubli si Anabel sa dinding. Halos ay hindi siya humihinga. Natatakot siyang maramdaman ng mga pulis at baka paulanan na lamang siya ng putok. Nagsisisi siya ngayon kung bakit lumabas pa sa gayon kadelikadong sitwasyon. Ang lokong Ron kasi, e. Bulong ni Anabel na parang nanlupaypay ang mga tuhod.

Kalaunan ay umatras ang patrol car. Ngunit may naiwang dalawang pulis. Alerto sila habang ang mga armalite ay nakatutok sa lugar na pinasukan ng dalawang lalaki. Ngunit hindi lumapit ang dalawang pulis. Marahil ay natatakot din dahil madilim at hindi nila makita ang hinahabol.

Ilang sandali pa ay dali-daling umalis ang dalawang pulis. Nang wala na ang dalawa ay unti-unting kumilos si Anabel. Tumawid siya sa kalsada. Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya nang mapalingon siya.

“Anabel!” sigaw na nagpahinto kay Anabel. Humihingal na dumating si Teresa. Kasunod nito si Mang Aldo. Nakita ni Anabel na sa di-kalayuan ay tumatakbo din sina Tikoy palapit sa kanila.

Mahigpit na niyakap ni Teresa ang nakababatang kapatid. “Delikado, Anabel. Ang mabuti pa’y bumalik na lamang tayo sa bahay.”

149

Page 150: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

“Oo nga, Anak,” salo ni Mang Aldo na nakalapit na sa dalawa. “Tutal may mga pulis na. Baka makasama pa kung lumantad ka sa mga kaaway.”

Hindi na umimik si Anabel. Tahimik na lamang siyang sumunod nang hatakin ni Teresa. Inalalayan naman nina Tikoy si Mang Aldo na ngayon ay sapo ang tiyan dahil sumakit ang sugat nito. Naglalakad lang pabalik si Anabel ngunit palingun-lingon siya.

Naunawaan din ni Teresa ang damdamin ng nakababatang kapatid. Alam niyang alalang-alala ito para kay Tirong.

Ilang dipa pa lang ang nalakad nila nang biglang tumili si Teresa. Biglang napalingon sina Tikoy at akmang lalapit ngunit natigilan sila.

“Sabog ang bao nito pag lumapit kayo!” malakas ang boses ng lalaking nakahawak sa braso ni Teresa at ang armas ay nakatutok sa ulo ng babae.

Hindi naman nakakilos si Anabel na hawak din sa braso ng isa pang lalaki. Nakatutok din sa kanya ang armas nito. Kaya hindi na sila ni Teresa nakapiglas nang hatakin sila ng dalawa papasok sa madilin na eskinita. Matagal din bago makakilos sina Tikoy.

NAGSASALIMBAYAN na ang mga trak ng basura na nagtatapon sa tambakan. Mag-uumaga na at ang ilaw ng mga dump truck ay nagdagdag ng liwanag sa paligid. Nakatulong ang liwanag upang hindi mawala sa paningin ni Tirong si Golem na ngayon ay nanunuot-suot sa ilang mga dump truck na nagtatapon ng basura.

Sandaling nag-isip si Tirong kung paano niya maabutan si Golem. Mahirap tumakbo ng mabilis sa tambak ng basura. Delikado ang mga basag na salamin. Naisip niyang umikot sa kabilang tambak kung saan nakatumbok sa bodega ni Goyo. Natiyak niyang doon lamang pupunta si Golem dahil doon lamang ito makakukuha ng sasakyang maaaring magamit sa pagtakas. Maliban diyan ay marami ding tauhan si Goyo at puwede itong matulungan.

Tama ang hula ni Tirong. Nauna pa siya makarating sa kalsada sa harap ng bodega. Pababa pa lang si Golem sa tambakan ng basura. Kumubli si Tirong sa isang kalawanging dram. Hihintayin niya ang pagdaan ni Golem.

Mahigpit ang paghawak niya ng dos por dos. Ilang hakbang pa at makatapat si Golem. Inangat ni Tirong ang dos por dos. Sa tantiya niya ay maabot na ng hambalos niya si Golem. Titiyakin niya ngayon ang kanyang hataw.

Pakiramdam ni Tirong si Golem ay parang ulupong na nakalabas ang dila at handang tumuklaw sa kanya. Kailangang mapatay niya ang ulupong. Huminga ng malalim si Tirong. Ubod-lakas na inihataw ang dos por dos.

Biglang may tumili. Sinundan ito ng tawanan. Ang tili ay nakahadlang sa pagbagsak ng dos por dos. Natulig naman si Tirong sa tawanan. At nang panumbalikan ng wisyo si Tirong ay nakita niyang papasok na si Golem sa bodega at itinutulak pasalubong dito ng mga tauhan nito si Anabel.

150

Page 151: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

52

NAPAHALAKHAK si Golem nang gumapang sa harap niya si Anabel na itinulak ng dalawang tauhan.

“At sa wakas babagsak ka rin pala sa aking mga kamay.” Nakangisi si Golem. Lalong nadagdagan ang kanyang ngisi nang makita sa unahan na pinipigilan din ng kanyang mga tauhan si Teresa. “Aha, kung gayon ay ikaw nga pala ang kapatid ni Teresa, ha, hipag?”

Sa isang kisapmata ay sumikad si Anabel. Pasuwag na dinaluhong si Golem. Sabay silang natumba sa lupa. Mabilis na bumangon si Golem upang sugurin si Anabel na sinisikap pa lang na makatayo ngunit lumutang ang ingay ng mga sirena. Kasabay nito ang nakasisilaw na liwanag mula sa mga police patrol car. Nalagay sa alanganin si Golem. Wala siyang nagawa kungdi tumakas.

Dumagundong ang putukan. Parang tinusok ang dibdib ni Tirong habang sinasamantala ang pagkakataon upang makalapit sa kinaroroonan nina Anabel na hindi mapansin. Ngunit muling nagkaputukan sa bandang tinutumbok ni Golem. Nasulyapan ni Tirong na bumalik si Golem. Namumutla ito. Nakahinga ng maluwag si Tirong. Naisip na talagang malalambat ng mga pulis ang ulupong. Unti-unting umatras palayo si Tirong. Napag-isip na hindi na marahil kailangang sumali pa siya. Magmamanman na lamang siya sa di-kalayuan.

Ngunit hindi pa nakalayo si Tirong nang may tumili. Kasunod niyon ay tumigil ang putukan. Maya-maya ay dumagundong ang boses ni Golem na lumunod sa pagmumura ni Anabel. Demonyo! Tumiimbagang si Tirong. Hostage ngayon ng ulupong ang babaing kanyang pinakalangit.

Hindi na nakakilos si Tirong. Ngunit mahigpit ang paghawak niya ng dos por dos. Madalas ang kanyang paghinga. Kasingdalas ng pagtatagis ng kanyang mga ngipin sa labis na galit. Nasulyapan niya ang mga pulis na lumantad na, ngunit ang mga armas ay hindi na nakatutok kay Golem. Nangangamba ang mga ito na matamaan si Anabel na ngayon ay kinikipit ni Golem at ipinansasalag habang umaatras palayo. Ngunit ang hindi alam ng ulupong, papalapit ito sa kinaroroonan ni Tirong.

Nagpupumiglas si Anabel. Ngunit mahigpit ang paghawak sa kanya ni Golem. Parang madurog ang tagiliran ni Anabel sa higpit ng pagkahawak sa kanya. Nagpadagdag ito sa kanyang galit. Nawala ang kanyang takot. Patay kung patay, naisip niya. Ibinagsak niya ang paa sa paa ni Golem. Ngunit hindi natinag si Golem na inangat lang siya upang hindi sumayad sa lupa ang kanyang mga paa.

“Ikaw ang premyo ko sa aking pagtakas,” nakangising sabi ni Golem. Tilamsikan ang kanyang kaway sa mukha ni Anabel.

Parang susuka si Anabel. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas sa pagpiglas kahit idinidiin pa ni Golem sa kanyang ulo ang hawak na kuwarenta’y singko. Nang hindi pa rin matanggal ang kamay ng ulupong ay kinagat niya ito sa braso. Napahiyaw si Golem. Nabitawan nito ang dalaga.

Sa galit ay sinipa ni Golem si Anabel na sumusuray pa nang bitawan niya. Agad na tinutukan ng baril upang paputukan ang dalaga.

151

Page 152: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Naramdaman ni Anabel na may lumagabog na sinundan ng hiyaw. Parang huminto ang kabog ng kanyang dibdib. Dinagdagan pa ito ng pagkagimbal nang magputukan. Nang tumigil ang putukan ay nakiramdam si Anabel. Hinipo ang katawan. Wala siyang tama. Walang sakit na naramdaman maliban lamang sa tama ng sipa ni Golem. Sa natuklasan ay bumalik ang lakas ni Anabel. Bumangon at tumakbo palapit kina Teresa at Mang Aldo na kasama nina Tikoy na nagkukubli sa salansan ng mga kahon. Wala na ang mga tauhan ni Golem. Ngunit marami ang mga pulis na nagbabantay sa bodega ni Goyo. Ang ibang mga pulis ay tumugis kay Golem.

May salawikain, ang dagang nabitag kapag nakaalpas ay lalong dumudulas. Nang mapalo ni Tirong sa paa si Golem at makabangon ay parang hubot na humarurot ang ulupong. Sinagasa na lamang niya ang paputok ng mga pulis na nag-abang sa kanya. Marahil ay inayunan ni satanas dahil hindi man lang nadaplisan. Tuloy-tuloy si Golem sa parang bundok na basura. Nagbubukang-liwayway na at naisip ni Golem na madali siyang mahuli kaya tinungo ang mga dump truck na nagtatapon ng basura. Ito na lang ang natitira niyang pag-asa. Kailangang makaagaw siya ng dump truck. Mas mabilis ang kanyang pagtakas kung may sasakyan.

Kung gaano kabilis ang sibad ni Golem ay ganoon din kabilis ang pagsunod dito ni Tirong. Hindi lang makalapit ng husto si Tirong dahil madalas ang kanyang pagdapa upang hindi tamaan ng naghahagingang mga bala mula sa armas ng mga pulis. Walang armas si Tirong ngunit malakas ang loob niya dahil nakita niyang wala na ring armas si Golem. Kailangang makauna siya sa mga pulis upang sa kamay niya mismo matapos ang kahibangan ni Golem. Bahala na pagkatapos kung maging kriminal siya. Marahil ay mamumundok na naman siya sa Bicol.

Nagpulasan ang mga drayber ng dump truck nang dumating si Golem na sinusundan ng bala. Agad na sinakyan ni Golem ang isang dump truck na wala nang laman at ang drayber ay tumakbo na. Dahil umaandar pa ang dump truck ay madali itong napatakbo ni Golem.

Sumunod ang ilang patrol car ngunit hindi sila agad nakapagmanyubra sa gabundok na basura. Kaya lumaki naman ang agwat ng ulupong sa mga pulis.

Ngunit hindi nakalayo ang ulupong kay Tirong. Nang makita ng binata na nakasakay na si Golem sa dump truck ay agad din siyang umakyat sa isang dump truck na una niyang naratnan. Mas kabisado ni Tirong ang tambakan kaya nakauna siyang magmanyubra pababa sa kalsada. Ngunit hindi siya tumuloy. Huminto siya sa pababa. Hinintay niya si Golem na mabilis ang pagpapatakbo patungo sa kanyang pinaghihintayan. Sa di-kalayuan ay nagwawangwang ang dalawang patrol car na humahabol. Tumatalon-talon ito sa uka-ukang daan.

Nakapa ni Tirong ang tool box sa gilid ng kanyang kinauupuan. Kinuha niya ito at ipinatong sa silinyador habang mariin ang pag-apak ng brake at clutch. Umangil ang makina ng dump truck dahil sa paglubog ng silinyador. Sinubukan ni Tirong ang lakas ng makina. Bahagyang inangat ang mga paa sa clutch at brake. Dumamba ang dump truck ngunit agad ding diniinan ni Tirong ang pag-apak sa brake. Napangisi ang binata. Todas ka ngayon, Golem ka, bulong ni Tirong sa sarili.

Humahagibis ang paglapit ng dump truck ni Golem sa kinaroroonan ni Tirong. Ngunit nilupig ito ng hagibis ng dump truck na sinasakyan ni Tirong nang biglang inangat ng binata ang paa sa brake na sinundan ng clutch at agad ding tumalon.

152

Page 153: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Nakatutulig ang ingay ng pagbangga ng dump truck ni Golem sa tagiliran ng dump truck na pinadausdos ni Tirong. Nakagigimbal man ang palahaw ni Golem ngunit nilunod ito ng nakangingilong ingay ng salpukan. Pansamantalang naghalo sa bukang-liwayway ang kislap ng nagkiskisang mga bakal na agad din namang naparam. Kasunod niyon ay narinig ni Tirong ang daing.

Mula sa kinalalagyan ay nag-angat ng mukha si Tirong. Ngunit hindi siya tumayo. Nakita niyang nakalapit na ang dalawang patrol car at mabilis na naglabasan ang sakay na mga pulis. Nakahanda ang mga armas na pinaligiran ang dalawang dump truck.

“Buhay pa!” sigaw na narinig ni Tirong mula sa isang pulis na umikot sa tagilirang bahagi ng ulo ng dump truck. Isang pulis na nakatutok ang armas ang lumapit sa bandang driver’s seat ng dump truck. Kalaunan ay nakita ni Tirong na sinundot ng pulis ang katawan ni Golem sa pamamagitan ng dulo ng armalite nito.

“Suwerte dahil matibay ang dump truck. Kung hindi siguradong pisa ka,” narinig ni Tirong na sabi ng pulis na sumundot kay Golem. “Pero hindi ka naman makaliligtas sa amin. Mabubulok ka sa bilangguan,” dagdag pa ng pulis.

Nakahinga ng maluwag si Tirong. Tumayo siya. Tinatanaw ang mga pulis habang hinahatak ang duguan na Golem palabas sa dump truck. Maya-maya ay naglapitan ang mga usisero. Bata matanda. Napailing si Tirong. Talagang mga usisero, naibulong niya. Kung sa bagay inaamin ni Tirong na pati siya ay parang hinahatak din upang makalapit para matiyak na hindi panaginip lamang ang pagkahulog ni Golem sa mga kamay ng awtoridad. Kaya lang ay nangangamba siyang pati siya ay madamay. At higit sa lahat, umiiwas siyang makita ni Anabel na nasulyapan niyang mabilis na papalapit sa nakaumpok na mga tao. Kasunod ng dalaga si Teresa. Na sinusundan naman nina Tikoy na umaalalay kay Mang Aldo. Tumalikod na lamang si Tirong at lumayo kahit mabigat ang kanyang pakiramdam.

NATAPOS na ang inisyal na imbestigasyon kina Anabel sa headquarters ng WPD at pinayagan na silang makauwi ngunit matamlay ang pakiramdam ng dalaga. Hindi ito nalingid kay Teresa na hindi hinihiwalayan ni Tikoy. Pati kay Mang Aldo.

“Hahanapin natin siya,” si Mang Aldo. Nilingon niya si Tikoy na agad tumango.Hindi na umimik si Anabel. Madilim ang mukhang nagpatiuna sa paghakbang.

Kung saan patungo ay wala ito sa kanyang isipan.LABIS ang pagod ni Tirong nang makarating siya sa terminal ng Philtranco sa Pasay.

Tiningnan niya ang schedule. Una ang alis ng ordinary bus kaysa air-conditioned. Ngunit alas otso pa ang larga para Bicol. Hindi muna siya umakyat sa bus kungdi sinabihan na lang niya ang konduktor na gisingin siya kapag madali na lang lumarga. Iidlip muna siya sa bangko sa loob ng estasyon. Malamig sa loob dahil air-conditioned ang kuwarto.

Humihingal na dumating sa terminal si Anabel. Agad siyang pumasok sa estasyunan. “Baka umuwi siya sa Bicol? Nasabi niya noon na uuwi kapag wala na siyang pag-asa dito sa lungsod,” paulit-ulit itong naglalaro sa isipan ni Anabel.

Napabalikwas si Tirong nang may sumagi sa kanyang mga paa na nakalaylay sa dulo ng bangko. Mabilis siyang bumangon at bitbitin ang plastik na kinalalagyan ng sitsiryang binili niya kanina para kainin sa sasakyan. Ngunit natigilan siya nang mapansin ang nakasagi sa kanya. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

“Me humahabol na naman ba sa ‘yo? Nahuli na sina Golem, a,” pilit na binura ni Tirong sa boses ang hiyaw ng kanyang damdamin.

153

Page 154: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Sandaling hindi nakaimik si Anabel. “H-hinahabol ako ng aking budhi,” nasambit niya kalaunan.

“H-hindi ka na galit sa akin?” Nabitiwan ni Tirong ang hawak na plastik.Ngiti lang ang iginanti ni Anabel. Pakiramdam ni Tirong ay iyon na ang

pinakamatamis na ngiti na iniukol sa kanya ni Anabel. Sa labis na kaligayahan ay nabuhat ni Tirong ang dalaga na nagpatianod din na iduyan niya paikot

“Aba, hoy!” boses ng konduktor. “Akyat na’t lalarga na tayo!”“Maghihintay kami ng aircon!” ganti ni Tirong na lalong hinigpitan ang pagyakap

kay Anabel.Gumanti din ng paghigpit si Anabel. Paghigpit na ngayon lang niya nagawa sa isang

lalaki. – B. T. DAQUITA, JR.

Ang nobelang ito ay para kay Misis at sa aming mga anak na sina Gingging, Toto Kaizer, Inday Kaye, Bingbing at sa aming mga apo na sina Nonoy Kyle Andrei at

Abrielle.

154

Page 155: AT NAMULAKLAK ANG KAWAYAN

Ang awtor na ang totoong pangalan ay si Mansueto T. Daquita, Jr. ay ipinanganak sa Bgy. Agsalanan, Dingle, Iloilo noong Agusto 28, 1949.

Sa murang edad ay natuto siya sa pagsulat ng mga tula, maiikling mga kuwento at mga nobela dahil sa hilig niya sa pagbasa ng Hiligaynon Magasin.

Labing apat na taong gulang pa lamang siya ng sulatin niya ang nobelang Ang Likom Nga Humalangad (Ang Lihim Na Tagahanga) na lumabas din sa Hiligaynon Magasin.

Ang awtor ay naging manunulat din ng drama sa DYRP at DYPL sa Iloilo sa edad pa ring katorse anyos.

Sa edad na labing-anim na taon ay isinulat niya ang isang full-length sarsuwela, ang Maria Luz Amor.

Habang nanunungkulan noon sa RMN-DZXL Manila bilang provincial news coordinator/reporter, manunolat naman siya ng drama sa DZRH, DZNN, at DWIZ at dokumentaryo sa telebisyon.

Ang awtor ay naging proofreader, literary editor hanggang editor-in-chief ng Hiligaynon Magasin.

Ang mga pangalang Alan Rey Imaginacion, Dimas Culado, Jess Agustin, at BTDJR ay ilan lamang sa mga pen name na ginagamit ng awtor sa larangan ng pagsusulat.

155