26
Ano ang tula?

Ano Ang Tula, Panulaan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ano Ang Tula, Panulaan

Ano ang tula?

Page 2: Ano Ang Tula, Panulaan

Ayon sa aklat Angeles, et al. Arrogante,et al.,1991.

Ang tula noong pamang unang panahon hanggang sa kasalukuyan ay malinaw, at ganap na katuturan ng kanikang pangarap.

• Ayon kay Alejandro, mula kay Villafuerte, Panunuring Pampanitikan, 2000.

Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay- na ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga may sukat at taludtod.

Page 3: Ano Ang Tula, Panulaan

Ayon kay Balmaceda,Ang tula ay isang kaisipang

naglalarawan ng kagandahan ng kariktan, ng kadakilaan: tatlong bagay na kailangang magkatipun- tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.

Ayon kay Inigo Ed. RegaladoAng tula ay kagandahan, diwa, katas,

larawan at kabuuan ng tanang kariktang makikita sa silong ng alin mang langit.

Page 4: Ano Ang Tula, Panulaan

Ano ang tula?

Ang tula’y hiningang sa puso nagbuhat,Mula man sa puso’y dibdib ang nagsiwalat;Simbuyo’y damdaming gamit ay panulatAt sa titik niyo’y lahat naihayag

Ang tula’y hinaing, tibok pati pulso,Pintig na ang bukal biyaya sa tao,Sikil ng damdamimg siyang patotoo,Ang tula ay buhay, isip at diwa ko.

Page 5: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang tula kung minsa’y nakahuhumalingMagbasa’t magsulat nakaaliw gawin,Lalo pa’t kung tunay nasa’yo nanggaling Ang diwa’t kalatas nagawang likhain.

Ang tula ay wika nitong kaluluwa,Sambit niyang bibig minsa’y may tugma pa;Bilang niyang pantig, sukat iyong dalaTaludtod sa saknong sadyang ipinila.

Ang tula ay aliw sa taynga ng madla,Kariktan ay taglay nitong paksa;Indayog at tono diyan ka hahanga,Aliw-iw naro’n din hindi mawawala.

Page 6: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang tula ay hiyas nitong kamalayan,Umukal sa puso’y daloy sa isipan;Umagos na diwa’y sahod gunamgunam;.Nagbatis sa lupa, nadilig ang tigang.

Ang tula ay gumamit ng piling salita.At sa pamamangka’y sagwan yaong dila.Sa pagpapahayag ng bagwis ng makata Ginawang timbulanng sumadsad sa lupa,

Page 7: Ano Ang Tula, Panulaan

Tula ng dumaong sa dalampasigan,Kay raming lumimot, isip ang

nagtangan;Puso at damdamin ang naging sisidlanAt plumang panulat ginawang sasakyan.

Ang tula’y nabuo nang di sinasadyaAt sa mga aklat yao’y nalathalaDito nagmula alamat ng bansa,Ang tula ay likha, gawa ng makata.

Page 8: Ano Ang Tula, Panulaan

Layunin ng tula

Page 9: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang layunin ng tula para maintindihan natin at magkaroon ng karagdagang impormasyon tungkol sa malalalim na salita nakapaloob dito.

Page 10: Ano Ang Tula, Panulaan

Mga elemento at sangkap ng tula

Page 11: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang sukatAyon kay Gener,(1965) ang

sukat ay bilang ng pantig sa loob ng isang hati o bahagi ng isang pangungusap.

Ito’y sinasabing tagal o ang bilang ng bagsak ng tunog sa diin o bigkas ng mga salita sa taludtod.

Page 12: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang sesuraay katutubong tigil sa

pagbigkas sa dulong pantig na isang pangkat ng mga salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod.

Page 13: Ano Ang Tula, Panulaan

Quezon,Sa Iyong PaglisanMilagros B.Macaraig

Matay kong pagmasdan/ang iyong larawanNakikita rito’y/ang anyo mong taglay;Ang dakilang pita’t/mga kasaysayanSa aklat ng ginto’y/waring mamamasdan

Sa iyong pagyao/nang ika’y pumanaw,Nagluksa ang lahat/ligaya’y naparam;Lungkot at pighati/ang siyang naiwanMga pusong ngayon/ay nangalulumbay

Page 14: Ano Ang Tula, Panulaan

Minsa’y naisip kong/labi mo’y dalawin,At puntod na lupa/ay aking hanapin;Alaya’t diligin/mga panalanginSana’y payapa ka/sanman nakarating.

Ngunit saan kaya/ikaw sasadyain?Pagkat lumisan kang/di man lang

napansin,Tulad mo’y nabuwal/sa gitna ng dilimWalang nakikita/hanggang sa malibing.

Page 15: Ano Ang Tula, Panulaan

Kaya paano ka/magiging kausap?Ako ay hapo na/sa’king paghahanap,Pook na malayo/masukal madawagAy nararating ko na/sa aking pangarap.

Kung gayon ay bigo itong aking asamNa makausap ka/sa panaginip man Sa iyong pagyao/pag-alis,paglisanAng alaala mo’y/isang kasaysayan.

Page 16: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang estropa o saknongay kalipunan ng mga

taludtod na karaniwag magkakatugma at nagpapahayag ng isang kaisipan o bahagi ng paksang tinataglay ng buong tula.

Page 17: Ano Ang Tula, Panulaan

Narito ang pagpapakilala ni Lamberto Ma. Gabriel ukol dito:

1.Kopla- tawag sa estropang may dalawang taludtod.

“Bakit ako’y ibong binuhay pang muli Kung sa iyong palad ay kikitiling

dagli”

(C.M. Vega, “ Sa tagpuan ng araw at gabi”.)

Page 18: Ano Ang Tula, Panulaan

2.Terseto- tawag sa estropang may tatlong taludtod.

“Aninong maitim sa mukha ng araw,Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay,Palagay ko’y ganyan pagmay kakulangan”

(J.V Panganiban,”Kalooban”)

3.Kwarteto-tawag sa estropang may apat na taludtod.

“Sa yungib na yao’y ibig kong ibalikAng hubad na bakas nang ako’y umalis,Sa yungib na yao’y ibig kong isilidAng sugat-sugatang yabag ng daigdig!

(C.C.Marquez,Jr.,”Sa Yungib Na Yaon”)

Page 19: Ano Ang Tula, Panulaan

4.Kinteto-May mga estropang may lilimahing na taludtod.

“Ikaw ba ay ano?Ikaw ba’y pag-ibig.Halamang ligaya ng tigang na dibdib?Bakit nang nupling ka sa puso kong

sabik,Ang mga ugat mo’y may pighating

hatid?”(A.I Dizon,”Ikaw Ba’y Ano?”)

Page 20: Ano Ang Tula, Panulaan

5.Senteto-Ang tawag sa anim na taludtod.

“Hindi na mabilangSa buhok ang uban …Sa pisngi’t sa noo ay nakabalatayAng guhit na tanda ng pinagdanasan…Limampu’t tatlo na ang kapanahunangLumipas sa kanya,sapul nang isilang.

(P.A Dionisio,”Panibugho”)

Page 21: Ano Ang Tula, Panulaan

Ang tugmaay tunog sa dulo ng taludtod sa

tula na kahimig ng dulo ng mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa,

May tugmang tinatawag na:-karaniwang(ordinary)-ganap(perfect)

Page 22: Ano Ang Tula, Panulaan

Sa tugmang KARANIWAN ang mga taludtod ay nagtatapos sa mga tunog na magkakahawig at magkakaiba ang tuldik ng mga huling pantig.

Halimbawa:At sa durungawan ikaw ay nanungaw,At sumulyap- sulyap sa dakong karimlan;Nagmamasid-masid pa’y saka mo inusal,Sino kaya siya…Siya kaya’y nasaan?

“Maging sino ka man!”

Page 23: Ano Ang Tula, Panulaan

Sa tugmang GANAP ang mga taludtod ay nagtatapos sa magkakatulad na tunog at tuldik.

Halimbawa:Pilipinas bayan ko, tanggapin itong

tagubilin,Na sa aking paglisan at kahilingang aking

hihilingin:Sa bayan ko ay ilaan, manariwa’y

kandilihin,Isapuso’t isaisip balang araw pagyamanin.

Mula sa tulang “Ang Bayan ko’y Pilipinas”

Page 24: Ano Ang Tula, Panulaan

Aliw-iw o indayogisang katangian ng galaw kung

ito’y tinataningan , at iya’y mapapansin sa sining ng pagsayaw, pag-awit , musika at panulaan.

may aliw-iw ang tula kapag ang mga tunog ay nahahati sa pare-parehong patlang.

Page 25: Ano Ang Tula, Panulaan

Tatlo ang ginagampanan ng aliw-iw sa ayon kay Alden:

1.Nagbibigay lugod2.Nagpapahayag ng damdamin3.Nagpapaningning sa karanasan

sa tulong ng guniguni.

Page 26: Ano Ang Tula, Panulaan

Maraming salamat!!!

Melody I. Tuibeo