Upload
others
View
15
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3: Salik ng Produksiyon
9
Araling Panlipunan – Ikasiyam na baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Salik ng Produksiyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Raquel C. Castro Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3: Salik ng Produksiyon
ii
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Salik ng Produksiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipuan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Salik ng Produksiyon!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
iv
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Sa araling ito maiintidihan natin na ang lahat ng mga produktong ating ginagamit ay hindi kaagad-agad napapakinabagan ayon sa ating kagustuhan. Kinakailagan muna itong dumaan sa proseso gamit ang apat na salik ng produksiyon.
Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kasanayan:
1. Natatalakay ang mga ibat-ibang salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw araw na pamumuhay.
Kaugnay nito, pagkatapos ng modyul ay inaasahan din na maisasagawa mo
ang mga sumusunod: 1. Natutukoy ang kahulugan ng produksiyon; 2. nasusuri ang ibat-ibang salik ng produksiyon; at 3. natatalakay ang mga salik ng produksiyon.
Subukin
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
____ 1. Ang proseso ng paglikha o pagpapalit anyo ng isang produkto o serbisyo ay kilala sa tawag na _________________. a. Produksiyon b. Preparasyon c. Organisasyon d. Imbensyon
____ 2. Ang mga ito ay kilala bilang mga bagay na kailangan upang mabuo ang
isang produkto a. output b. input c. economy d. interest
2
____ 3. Ang isa sa mga salik ng produksiyon na may takdang bilang kung kaya’t kailagan tiyakin ang produktibong paggamit. a. kapital b. sahod c. lupa d. kita
____ 4. Ang salik ng produksiyon na tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao para magsimula ng negosyo. a. Entrepreneurship b. Blue collar job c. White collar job d. kapital
____ 5. Ang isa sa mga uri ng lakas paggawa na tumutukoy sa kakayang mental. a. Profession b. Deplation c. White collar job d. Blue collar job
____ 6. Ang lakas ng katawan ang higit na ginagamit sa uri ng lakas paggawa gaya ng karpintero, drayber, basurero at marami pang iba? a. Economiks b. Produksiyon c. White collar job d. Blue collar job
____ 7. Ang tawag sa kita ng isang entreprenyur ay: a. incentives b. paluwagan c. negosyo d. tubo o profit
____ 8. Ang kinikilalang tagapag-ugnay ng mga salik produksiyon upang makabuo ng mga produkto at serbisyo? a. produkto b. serbisyo c. cashier d. entreprenyur
____ 9. Ang tawag sa pakinabang o kabayaran na ipinagkakaloob sa isang manggagawa? a. sahod b. bonus c. incentives d. overtime
____ 10. Ang tawag sa salik ng produksiyon na tumutukoy sa mga makinarya o kasangkapan na gagamitin ng mga manggagawa sa paglikha ng produkto ay _________________. a. Proseso c. Kapital b. Teknolohiya d. Investment
3
____ 11. Ang tawag sa salik ng produksiyon na kung saan ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto.
a. Lakas Paggawa b. Entrepreneurship c. Kapital d. Lupa
____ 12. Ang tawag sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng
produksiyon. a. Lupa b. Interes c. Puhunan d. Kabayaran
____ 13. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng manggagawang may
kakayahang mental maliban sa: a. Doktor b. Guro c. Inhinyero d. Karpintero
____ 14. Ang kapital ay maaring maiugnay sa imprastruktura ang mga
halimbawa nito ay ang mga sumusunod maliban sa: a. gusali b. tulay c. kapital d. kalsada
____ 15. Ang mga sumusunod ang mga katangian na dapat taglayin ng isang
entrepreneur upang maging matagumpay maliban sa: a. May kakayahang pangasiwaan ang isang negosyo b. May matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan c. May inobasyon sa paggamit ng makabagong estilo sa paggawa d. May lakas ng loob na makipagsapalaran.
Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
4
Balikan
Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang ibat-ibang sistemang pang-ekonomiya. Balikan ang naturang paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na Gawain.
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang tamang sagot na hinihingi ng bawat pangungusap.
___________ 1. Sa sistemang ito boluntaryo o kusa ang gawaing pang ekonomiko, tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
___________ 2. Mekanismo ito na layuning maisaayos na maipamahagi at
magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa. ___________ 3. Pinahihintulutan sa sistemang ito na makagawa ng mga
pribadong pagpapasya, gayunpaman hindi ito nangangahulugang ganap ang kanyang kapangyarihan. Karamihan pa rin ng kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalahan.
___________ 4. Sa sistemang ito, masasabi na ang lipunan ay nakagagawa ng
alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman batay sa kultura at tradisyon at kaugalian ng mga tao.
___________ 5. Pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa mga gawaing
pang-ekonomiko. ___________ 6. Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang
nagpapasya kung ano, paano, gaano at para kanino ang produktong gagawin?
___________ 7. Sa pampamilihang ekonomiya, ang nagtatakda o humihikayat sa
prodyuser at konsyumer na gumawa at bumili ng produkto at serbisyo ay ang ______________________.
___________ 8. Ang pangunahing dahilan bakit kailangan ang alokasyon at
sistemang pang ekonomiya sa bansa.
5
___________ 9. Sa sistemang ito payak ang pamumuhay kung kaya’t masabing mabagal ang pag-unlad dahil kadalasan makalumang sistema ang ginagamit.
___________ 10. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at patakaran
upang maisaayos ang mga paraan ng produksyon, pagmamay-ari at paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga gawaing pang-ekonomiko sa lipunan.
Napakahusay! naisagawa mo ng mabuti ang mga gawain bago ang aralin na ito.
Tuklasin
Sinasabing ang produksiyon ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa
ekonomiya. Sa pamamagitan, nito naisasakatuparan natin ang bawat pagkonsumo ng tao. Sa pamamagitan din ng produksiyon nagkakaroon tayo ng masiglang ekonomiya dahil sa masiglang pagkonsumo ng mga konsyumer ayon sa kanilang kagustuhan. Samakatuwid sa pamamagitan ng produksiyon nagkakaroon tayo ng mga makabagong produkto.
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang malaman natin na ang isa sa pinakamahalagang konsepto sa ekonomiya ay ang produksiyon at ang mga salik nito.Dahil sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng kasiyahan sa mga produktong ating kinokonsumo nagiging masigla rin ang takbo ng ating ekonomiya dahil nagkakaroon ng pagbabagong anyo ang mga produkto na inilalagay sa pamilihan ,ito ay ayon sa ating kagustuhan.Sa kabila nito ang mga salik na produksiyon ay may mga limitasyon din gaya ng mga likas na yaman kung kaya’t dapat nating pahalagahan ang mga ito.
6
KUWENTONG PAMPRODUKSIYON
Panuto: Basahing mabuti ang pag-uusap ng apat na salik ng produksiyon at punan ng tamang sagot ang mga patlang na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Magkaibigang Walang Iwanan Ni: Raquel C. Castro
May apat na magkaibigang sina lupa, kapital, lakas-paggawa at entrepreneur na nagtatrabaho sa isang pagawaan. Habang abala ang lahat sa kanilang ginagawa, biglang nagsalita ang isa sa kanila: Lupa: Naisip ko lang kaibigang kapital, kung wala pala ako mahirap magawa ang isang produkto o serbisyo na ipinapagawa sa natin ng mga tao. Nang dahil sa akin may tinitirahan kayong maayos na lugar. Kaya dapat mas mataas ang tinatanggap kong upa o renta bilang kabayaran ng aking serbisyo. At sumagot si Kapital….. Kapital: Naisip mo rin pala ‘yan kaibigang lupa. Naisip ko nga na higit akong kailangan dahil sa taglay kong bilis sa paggawa. Doble ang kaya kong gawin dahil sa makinarya. Mas mataas dapat ang aking matatanggap na interes. Biglang sumagot si lakas paggawa na may kasamang malakas na halakhak….
7
Lakas Paggawa: Hahahahaha! Ngayon nyo lang ba naisip yan? Eh, sa dinami- dami na nang napaglingkuran at nabigyan natin ng kasiyahan, ngayon pa kayo nagrereklamo! Ako ang pinakapagod sa ating apat, kaya ako dapat ang mas mahalaga at mabigyan ng malaking sahod. Biglang dumating si Entreprenuer na isa sa kanilang kaibigan. Entrepreneur- Oh! anong pinagbubulungan ninyo diyan mga kaibigan. Wala ni isa man sa atin ang bida sa pagawaan na ito. Lahat tayo ay mahalaga para magawa ang iniuutos sa atin. Kung makatatanggap man ako ng tubo o profit mula sa aking ginagawa ay walang halaga kung wala lahat kayo, aking mga kaibigan. Magtrabaho lang tayo at nang marami tayong matapos.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga tungkulin ng magkakaibigan sa pagawaan? 2. Sino ang higit na mahalaga sa kanilang apat? Bakit? 3. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe ng kuwento tungkol sa apat na
magkakaibigan?
Aralin
1 Salik ng Produksiyon
Suriin
Noong unang panahon, natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan
sa pamamagitan ng saganang bunga ng kalikasan. Subalit sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng lubhang pagtaas ng antas ng populasyon, higit na mas mataas sa kayang makuha sa kalikasan. Dahil dito na nagkaroon ng suliranin sa kakapusan o pangmatagalang kakulangan ng mga produkto. Sa ganitong sitwasyon, unti-unting natutunan ng tao na huwag nang umasa sa kalikasan at magsimulang gumawa ng mga produkto gamit din ang mga material na matatagpuan sa kalikasan. Nabatid niya na ang kanilang mga pangangailangan ay maaring mapaunlad sa pamamagitan
8
ng paggamit ng mga iba’t ibang salik ng produksiyon gaya ng lupa, kapital, entrepreneur at ang lakas-paggawa. Malaki ang ginagampanan ng apat na salik na ito upang mapabuti ang mga produkto at serbisyo na ikokonsumo ng bawat tao sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya ng isang entreprenuer, tamang paggamit ng kapital, masipag na manggagawa at tamang paggamit ng mga yamang likas gaya ng lupa. Produksiyon
Ang produksiyon ay tumutukoy sa isang proseso ng pagpapalit anyo ng isang produkto sa pamamagitan ng pinagsama-samang salik nito. Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Ang input ay ang mga bagay na kailangan natin para makabuo ng produkto. Ang nabuong produkto naman ay tinatawag na output. Halimbawa, ang arina ay puwedeng gawing tinapay. Ang harina kabilang ang ibang sangkap ay tinatawag na Input. Samantalang ang tinapay na nagawa mula sa harina ang siya naming tinatawag na Output.
MGA SALIK NG PRODUKSIYON
Laging nating tandahan na nagiging posible ang produksiyon sa pamamagitan
ng mga pinagsamasamang salik ng produksiyon. Tara, pag-usapan natin ang kahalagan ng mga ito at ating tingnan kung ano nga ba ang implikasyon nito sa ating pang-araw araw na pamumuhay.
Lupa bilang Salik ng Produksiyon
Sa konsepto ng ekonomiks kapag sinabi nating lupa hindi lamang ito
tumutukoy sa lupang sinasaka o tinatamnan ng mga magsasaka bagkus ito rin ay tumutukoy sa lahat ng yamang likas na matatagpuan sa ibabaw at ilalim nito. Tulad ng yamang mineral, yamang tubig at yamang gubat.
Maraming pakinabang ang lupa sa kabila ng hindi ito nadaragdagan.
Masasabi natin na kaiba ang katangian ng lupa kung ikukumpara sa iba pang salik ng produksiyon dahil ang lupa ay fixed o hindi nadaragdagan. Kaugnay nito ang nagmamay-ari ng lupa ay maaring kumita sa pamamagitan ng upa o renta kapag ito ay pinagamit.
LUPA PAGGAWA KAPITAL ENTREPRENEURSHIP
9
Lakas Paggawa bilang Salik ng Produksiyon
Ang lakas paggawa ang sinasabing pinakamahalagang salik ng produksiyon dahil ang mga likas na yaman, mga hilaw na materyal o sangkap ay hindi maipoproseso kung wala ang mga manggagawa. Kaya naman, ang lakas paggawa ay binubuo ng ng lakas, talino, kakayahan at abilidad na gawin o iproseso ang mga sangkap para magkaroon ng transpormasyon ang mga ito.
Ang lakas paggawa ay binubuo ng dalawang uri: manggagawa may kakayahang mental o white collar job at manggagawang may kakayahang pisikal o Blue collar job. Ang mga manggagawang kinabibilangan ng may kakayahang mental ay higit na kailangan ng talas ng isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay ang doktor, abogado, inhinyero, guro at iba pa. Samantalang ang ikalawang uri ng lakas paggawa ay ang manggagawang may kakayahang pisikal o Blue collar job. Kung sa white collar job higit na kailangan ang kakayahang mental, sa blue collar job naman higit na kailangan ng isang manggagawa ang lakas ng kanyang katawan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga drayber, magsasaka, hardinero, tindero at iba pa.
Tinatawag na sahod o suweldo ang kabayaran ng mga manggagawa sa paglikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa mga pangangailangan ng tao.
Malaking ambag ang naibibigay ng mga mangagagawang ito sa ating pang-
araw -araw na pamumuhay dahil sa pamamagitan nila natutustusan ng bawat tao ang kanilang mga pangangailagan. Maaaring kung wala sila, napakapayak ng mga produktong ating ginagamit kagaya noong sinaunang panahon. Kapital bilang salik ng Produksiyon
Binubuo ang kapital ng mga gawang tao na ginagamit sa paggawa ng produkto at serbisyo. Maaring maiugnay sa salapi at iba pang mga imprastraktura, gaya ng mga makinarya, gusali, at iba pang mga kagamitan na kailagan ng isang mangagawa sa pagbuo ng mga produkto ang kapital. Mahalaga na maging ganap ang kapital sa paggawa ng produkto dahil ito ang nagiging katuwang ng isang mangagawa para maiproseso o mabago ang anyo ng mga produktong kailagan ng tao. Ang pagkakaroon ng maayos na imprastraktura gaya ng mga daungan, kalsada, tulay, tubo ng tubig at kuryente ay mga mahahalang kapital upang magamit ng tama ang mga likas na yaman at maging mabilis ang paggawa. Ayon kay Edward F. Denison, isang ekonomista, ang kapital ay isa sa mga salik na mahalaga para matamo ang pagsulong ng isang ekonomiya. Sa makabagong ekonomiya, ang mga bansa sa buong daigdig ay nangangalap ng malaking kapital upang lubusang makamtan ang pagsulong. Interes ang tawag sa kabayaran ng paggamit ng kapital. Entrepreneurship bilang salik ng Produksiyon
Hindi maisasakatuparan ang mga tatlong naunang salik ng produksiyon kung wala ang entrepreneurship dahil tumutukoy ito sa kakayahan at kagustuhan ng tao
10
na magsimula ng negosyo. Entrepreneur ang sinasabing taga pag-ugnay ng tatlong naunang mga salik upang makabuo ng isang produkto at serbisyo.
Mahalaga ang gawain ng isang entrepreneur kaya naman talas ng isip, pagiging malikhain, pagkakaroon ng maayos na disposisyon ang higit na kailagan upang maging matagumpay ang mga pagbabagong kinahaharap sa pagbuo ng produkto.
Mahalaga rin ang ginagampanan ng isang entrepreneur sa paglikha ng
maraming hanapbuhay para sa mga tao. Sinasabing nasa kamay ng bawat entrepreneur ang pagkakaroon ng mga bagong produkto kung kaya’t ang pagiging innovator o malikhain sa paglikha ng produkto ay kailangang isaalang-alang.
Ang mga sumusunod ay ang mga katangian na dapat taglayin ng isang entrprenuer:
1. May tatag ng loob at may kakayahang magplano at mag-organisa ng
anumang negosyo; 2. masigasig at marunong lumutas ng mga suliranin; at 3. may kakayahang gawing kasiya-siya ang trabaho at may kababaang loob.
Tinatawag na tubo o profit ang kabayaran sa kita ng isang entrepreneur. Ito
ang kita matapos maisakatuparan ang tagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo
Pagyamanin
PRODUKSIYON, ANO KA NGA BA TALAGA?
Panuto: Ayusin ang mga salita na nasa kahon ayon sa inilalarawan ng mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
• Ito ang tawag sa kabayaran sa mga produkto at serbisyo na ipinagkakaloob sa manggagawa.
1.
_____________________________
H S A O D
11
2.
_____________________________
• Siya ang kinikilalang taga pag-ugnay ng tatlong salik ng produksiyon ang may kakayahang magtayo ng negosyo.
3.
_____________________________
• Ito ay binubuo ng mga makinarya o kasangkapan upang gamitin ng isang manggagawa para maiproseo ang produkto.
4.
_____________________________
• Isang uri ng lakas paggawa na kung saan binubuo ng mga doktor, inhinyero, guro at marami pang iba.
5.
______________________________
• Ginagamit ang mga ito sa pagbuo ng mga produkto o output.
E R U E N R R P E R T N E
L T A I P K A
C L L H T W R O B O A I E J
T U I N P
12
PRODUKTO, PAANO KA NGA BA GINAGAWA?
Panuto: Punan ng mga impormasyon ang mga sumusunod na diagram. Isulat sa input kung ano ang mga kailangan upang mabuo ang mga produkto. Itala ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1.
2.
3.
4. .
5.
Materyal na ginamit: 1. 2. 3. 4. 5.
Materyal na ginamit: 1. 2. 3. 4. 5.
Materyal na ginamit: 1. 2. 3. 4. 5.
Materyal na ginamit: 1. 2. 3. 4. 5.
Materyal na ginamit: 1. 2. 3. 4. 5.
13
Masasabing mahalaga ang ginagampanan ng Entrprenuer sa pag-unlad ekonomiya. Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, lakas ng loob at pagiging organisado ay napapaunlad niya ang isang negosyo. Dahil din sa kanya nagagamit ng episyente ang iba’t-ibang mga salik ng produksiyon kulad ng lupa, kapital at lakas paggawa.
6.
ENTREPRENYUR KA BA?
Panuto: Piliin ang titik na angkop sa katangian ng isang entrepreneur. Mangatwiran sa bawat sagot na iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ako ay isang lider dahil: a. inuutusan ko ang aking mga manggagawa ng may paggalang b. napapasunod ko ang aking mga tao sa aking ipinag-uutos c. hinahayaan ko ang iba na mapaunlad ang kanilang sarili d. nagiging modelo ako sa kanila sa lahat ng gawain.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ako ay isang lider na organisado dahil: a. nakaplano ang lahat ng aking ginagawa b. sinisigurado ko ang aking mga plano bago ito ipatupad o gawin c. ako ay nakikinig sa ideya ng iba d. maraming pagpaplano ang aking ginagawa para perpekto ang lahat
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Materyal na ginamit: 1. 2. 3. 4. 5.
14
3. Ako ay marunong lumutas sa mga suliranin dahil: a. nagagawa ko ng tama ang aking mga plano b. tinatapos ko ang aking nasimulan kahit mahirap c. walang nakapipigil sa aking mga ginagawa d. sinisikap kong hindi makasakit sa damdamin ng iba
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Ako ay masipag dahil: a. tinatapos ko ang aking trabaho sa takdang oras b. hindi basta-basta sumusuko sa trabahao c. pumapasok sa tamang oras kahit nasa mataas na posisyon. d. mataas ang aking kita o sahod at tinutumbasan ko ito ng tapat na
paglilingkod
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. May kababaang-loob ako dahil: a. masaya ako kapag masaya ang aking mga mangagawa b. madalas ay nakikisalamuha ako sa aking mga mangagawa c. madali akong nalalapitan d. madalas akong mag bigay ng insentibo
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
15
CONCEPT MAPPING:
Panuto: Punan ng angkop na salik ng produksiyon ang concept map. Isulat sa loob ng bilog ang salik at kahalagahan ng bawat isa sa proseso ng produksiyon. Sagutin ang tanong na nasa kahon sa iyong sagutang papel.
Papaano naaapektuhan ng salik ng produksiyon at kahalagahan nito ang ating pang araw-araw na
pamumuhay?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
MGA SALIK NG PRODUKSIYON
salik at kahalagahan
salik at kahalagahan
salik at kahalagahan
salik at kahalagahan
16
Saliksikin mo!
Panuto: Gumawa ng isang pananaliksik o panayam sa isang negosyanteng malapit sa iyong baranggay. Magtanong ukol sa kanyang negosyo, gamitin ang mga gabay na tanong na makikita sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga gabay na tanong:
1. Anong negosyo meron at bakit ito ang napili? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Paano siya nagsimula sa ganitong negosyo? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Magbigay ng ilang prosesong pinagdaanan sa pagpapatakbo ng negosyo. Maaring bumanggit ng mga salik ng produksiyon. _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga problemang kanyang kinahaharap, lalo na ngayon panahon ng pandemya (COVID 19)? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Paano niya binibigyan ng solusyon ang mga suliraning nararanasan? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
17
Saliksikin Mo Pa!
Panuto: Pag-aralan kung paano epektibong tumatakbo ang mga salik ng produksiyon sa iyong nagawang panayam sa naunang gawain. Gawing huwaran ang mga sumusunod sa iyong pagmamasid.
Pangalan ng negosyo: __________________________________
Pangalan ng negosyante: __________________________________
Uri ng negosyo: __________________________________
Lokasyon: ____________________________________________
Bilang ng manggagawa: ____________________________________________
Obserbasyon sa operasyon ng negosyo:
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Mga aral na nakuha sa pag-aaral:
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
18
Isaisip
MAGPALIWANAG!
Panuto: Basahing mabuti ang nasa loob ng talahanayan. Bigyan ng paliwanag ang mga sumusunod na pahayag.
PAHAYAG PALIWANAG
Dapat na maging produktibo ang lupa at magamit sa produksiyon.
Ang pag-unlad ng teknolohiya ang susi sa mataas na antas ng produksiyon.
Upang maging produktibo ang lakas-paggawa dapat patuloy ang pagsasanay sa kanila.
Mahalagang Isipin din ng entrepreneur na hindi puro kita ang mahalaga sa negosyo.
19
Isagawa
Panuto: Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang pipiliin mo? Kumikita ka ng malaki ngunit mababa ang kalidad ng iyong produkto o kumikita ka ng maliit ngunit ang mga produkto mo ay may mataas na kalidad? Bakit? Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
20
Tayahin
Panuto: Binagong Tama o Mali: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at kung mali tukuyin ang salitang nagpamali sa pahayag at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Suweldo o sahod ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkakaloob na paglilingkod.
2. Ang profit ay ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon.
3. Ang white collar job ay isang uri ng lakas paggawa na nangangailangan ng lakas ng katawan.
4. Ang kapital ay isang salik ng produksiyon na naka-fixed o hindi nadadagdagan.
5. Ang input ay ay mga salik ng produksiyon na ginagamit sa pagbuo ng produkto.
6. Ang tubo ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. 7. Ang lakas paggawa ay ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto
sa pamamagitan ng pinagsama-samang input. 8. Ang Entrepreneur ang tagapag-ugnay sa lahat ng salik ng
produksiyon. 9. Ang Kapital ay maari ding iugnay sa salapi at iba pang
imprastraktura. 10. Ang mga karpintero, drayber, magsasaka ay mga halimbawa ng white collar job.
Analohiya:
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang paghahambing.
1. Entreprenuer: tubo Sahod: ____________ 2. Kapital : Makinarya: ____________ :Masigasig at Organisado 3. Troso : Input Mesa: _____________ 4. Input:__________ Output: Sapatos 5. White Collar Job : Doctor Blue Collar Job: _____________________
21
Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ang hinihingi ng bawat kolumn.
Salik ng produksiyon Kinakaharap na
suliranin sa kasalukuyan
Mungkahing Solusyon
Lupa
Kapital
Paggawa
Entrepreneur
Panuto: Bumuo ng collage na nagpapakita ng iba’t ibang salik ng produksiyon. Lagyan ng maikling pahayag tungkol sa kahalagahan nito.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
22
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.A 2.B 3.C 4.A 5.C 6.D 7.D 8.D 9.A 10.B 11.A 12.B 13.D 14.C 15.D
Balikan
1.Pampamilihang Ekonomiya
2.Alokasyon 3.Pampamilihang
Ekonomiya 4.Tradisyunal na
Ekonomiya 5.Pinag-utos na
Ekonomiya 6.Pinag-utos na
Ekonomiya 7.Presyo 8.Kakapusan 9.Tradisyunal na
Ekonomiya 10.Sistemang pang -
Ekonomiya
Pagyamanin
1.Sahod 2.Entrepreneur 3.kapital 4.White Collar Job 5.Input
Gawain 2,3,4,5,6
Maaring magkaiba-iba ang sagot.
Isagawa
Sa gawaing ito maaring magkaiba-iba ang mga sagot.
Tayahin
Gawain 2
1.Lakas paggawa 2.Entrepreneur 3.Output 4.Balat/Any raw
materials 5.Magsasaka, drayber,
etc
Tayahin
1.Tama 2.Mali-interes 3.Mali- Blue Collar job 4.Mali- Lupa 5.Tama 6.Tama 7.Mali -Produksiyon 8.Tama 9.Tama 10.Mali- Blue collar job
23
Sanggunian Balitao, Berbard R, Martiniano B. Edward, G. (2015)-Ekonomiks Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon Pilipinas Balitao, B. Buising, M. et al., (2015) Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul para sa
Mag-aaral: Pasig City Philippines: Vibal Group, Inc.
Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d).Project Ease Module, Pasig
Ferrer, J. Leonardo, A. Ariola, T. (2009): Ekonomiks para sa Mataas na Paaralan: Quezon City, Philippines: St. Bernadeth Publishing House Corporation
Imperial, C. Ma. Carmelita, B. Samson, et al., (2015) Pana-panahon, Ikaapat na taon
: Ekonomiks.Sampaloc, Rex Book Store Nueva, S. Lauron M., (2002) BEC- Ekonomiks para sa Filipino Kagawaran ng
Edukasyon Pilipinas Peralta, Opulencia L. Pigon., E. (2004) Gabay sa Pag-aaral ng Ekonomiks. Peralta Publications.Bagong Ilog Pasig City, Philippines Pagoso, C. Nayve. et al., (2003) Phillipine ECONOMICS Paranque City, Philippines: Nelson Publishing House Santiago, A. et al., (1998) Ekonomiks Para sa Mataas na Paaralan: Dalandanan,
Valenzuela City: JO-ES Publishing and Printing House Torres., Roderick. (2008) Workbuk sa Araling Panlipunan IV, Quezon City Philiipines St. Bernadeth Publishing House. https://www.puzzle-maker.com/start?O=4bde2e6u8iaU3ir2A5z0ndecpuck5v5pz
D8nk&StartPuzzle=konseptong_Pamproduksiyon.cw
https://tl.wikipedia.org/wiki/Produksiyon
https://economics000rainargifel.wordpress.com/produksyon/
https://books.google.com.ph/books?id=OIzVz7cBD2EC&printsec=frontcover&source=gbs_ge_summary_r&cad=0#v=onepage&q&f=falseBottom of Form
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/EKONOMIKS_LM_U3_V1.PDF
https://www.brookings.edu/wp-content/uploads/1990/01/1990_bpeamicro_baily.pdf
https://en.wikipedia.org/wiki/The_Journal_of_Business
24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III-Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, city of San Fernando (P)