16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 5: Panitikang Pandaigdig- Nobela Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

10 · 1 day ago · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 5:

    Panitikang Pandaigdig- Nobela

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    10

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • ii

    Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panitikang Pandaigdig – Isang Nobela mula sa Canada Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

    Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Jillean N. Ocay Editor: Arnie P. Taclap Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Wilvin H. Inding Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

    Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Divisio n Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

  • 1

    Alamin

    Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

    a. Nasusuri ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo

    o alinmang angkop na pananaw/teoryang pampanitikan. (F10PB-IIf-77

    MELC)

    b. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na

    mga elemento nito. (F10PB-IIf-78 MELC)

    c. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga

    terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan. (F10PT-IIf-74

    MELC)

    d. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may

    paksang kaugnay ng binasa. (F10PD-IIf-72 MELC)

    Aralin 5

    Panitikang Pandaigdig Isang Nobela Mula sa Canada

    Balikan

    Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang tungkol sa

    maikling- kuwento. Ngayon, ating sukatin ang iyong kaalaman mula sa iyong

    natutunan sanakaraan. Handa ka na ba? Tara. . . Atin ng simulan!

    Gawain A. LIWANAGAN ANG KASABIHAN!

    Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang tungkol sa maikling kuwentong

    pinamagatang “Ang Kuwento ng Isang Oras”. Nalaman mo ang naging samahan

    ng mag-asawang Ginoong at Ginang Mallard. Base sa iyong kaalaman, punan

    mo ang hinihingi sa ibaba.

    Magbigay ng mga rason kung bakit

    nauuwi sa hiwalayan ang samahan ng mga mag-asawa.

    Paano kaya mapapanatili ng mga

    mag-asaw ang magandang samahan sa kabila ng mga problemang

    kinakaharap?

  • 2

    Tuklasin

    Sa Modyul na ito iyong nasusuri ang nobela bilang akdang

    pampanitikan sa pananaw realismo o alinmang angkop na

    pananaw/teoryang pampanitikan, naihahambing ang akda sa iba pang

    katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito, nabibigyang-

    kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong

    ginagamit sa panunuring pampanitikan at nabubuo ang sariling wakas

    ng napanood na bahagi ng teleserye na may paksang kaugnay ng

    binasa.

    GAWAIN A. Payabungin Natin!

    (Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita. F10PT-IIf-74 MELC)

    Bago mo basahin ang nobelang pinamagatang “Si Anne ng Green Gables”, iyo

    munang bigyan ng kahulagan ang mga salitang nakasulat nang madiin sa

    pangungusap. Hanapin mula sa kahon ang sagot at saka isulat sa iyong

    kuwaderno.

    alagaan libingan magmasid Makipag-usap

    nakapinid nakatago matanong sumama

    1. Si Ginang Rachel ay mausisa at nais malaman ang lahat ng nangyayari sa

    kanyang mga kapitbahay.

    2. Mahilig siyang magmatyag sa mga hindi pangkaraniwang ikinikilos ng mga

    tao sa kanyang paligid.

    3. Nais ni Matthew na kupkupin na lang nila si Anne.

    4. Sa bangko ng Abbey nakalagak ang lahat ng kanilang salapi.

    5. Ang kanyang naging huling himlayan ay isang lugar na malayo sa minahal

    niyang lupain.

    Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

    GAWAIN B. Basa – basa din, pag may time!

    Natapos mo nang bigyan ng kahulugan ang mga salita sa itaas, kaya naman

    binabati kita. Ngayon ay handa ka na para basahin ang nobela na nasa ibaba. https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA

    Si Anne ng Green Gables

    ni L.M Montgomery

    Napansin ni Gng. Rachel Lynde, isang kapitbahay na

    mausisa at mahilig magmatyag sa mga pangyayari sa buhay-

    buhay ng kanyang mga kapit-bahay sa bayan ng Avonlea ang

    hindi pangkaraniwang ikinilos ni Matthew Cuthbert. Si Matthew,

    isang animnapung taong gulang na magsasaka, tahimik, labis na https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA mahiyain, at hindi madalas lumabas ng bahay ay nakita niyang

    bihis na bihis, sakay ng kanyang munting sasakyan, at halatang may

    https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMAhttps://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA

  • 3

    mahalagang sadya sa labas ng bayan. Bihira itong mangyari kaya naman labis

    na naging interesado si Ginang Lynde na malaman ang dahilan.

    Nagpunta siya sa Green Gables, ang lupaing pag-aari ng

    magkapatid na Matthew at Marilla upang makiusisa. Nalaman niyang papunta

    pala sa estasyon ng tren si Matthew upang sunduin ang binatilyong ipinadala ng

    ampunan sa Nova Scotia upang ampunin nila at makatulong sa ilang gawain sa

    bukid. Dito nagpahayag ng pagkagulat si Ginang Lynde at nagsabi na ng kung

    ano-anong nakatatakot na kuwentong nabalitaan niyang ginawa na dati ng mga

    batang inampon. Naisip din ito ni Marilla subalit pinayapa na lang niya ang sarili

    lalo pa’t alam niyang Canadian din ang batang aampunin kaya hindi na rin ito

    naiiba sa kanila. Hindi nga lang niya naisip ang pag-aampon ng isang babae

    dahil wala naman itong magiging silbi sa bukid.

    Nang dumating si Matthew sa estasyon ng tren ay laking

    gulat niya nang malamang nagkamali ng batang ipinadala ang ampunan. Isang

    batang babae, sa halip na ang gusto sana nilang batang lalaki ang inabutan

    niya. Kakaiba si Anne Shirley, isang labing-isang taong gulang na batang

    babaeng may suot na kupas, luma at pangit na damit; lumang sombrero; may

    mapulang buhok na nakatirintas, at may dalang isang lumang bag na lalagyan

    ng kanyang mga gamit. Wala siyang nagawa kundi iuwi muna sa kanilang bahay

    si Anne. Sa maikling biyahe pabalik sa Green Gables ay naging magaan agad ang

    loob ni Matthew sa bata kahit pa siya’y takot makisalamuha sa mga babae dahil

    sa ito’y masayahin, ubod ng daldal, at may napakakulay na imahinasyon.

    Pagdating sa Green Gables ay hindi naitago ni Marilla ang

    pagkadismaya nang makita si Anne. Dito nalaman ni Anne na hindi siya ang

    inaasahan ng mga taong mag-aampon sana sa kanya. Umiyak siya nang umiyak.

    Hindi malaman ng magkapatid kung ano ang gagawin sa bata. Iminungkahi ng

    mahiyaing si Matthew na kupkupin na lang nila at huwag nang ibalik sa

    ampunan si Anne. Kinabukasan nang paalis na sina Marilla at Anne para

    kausapin ang kinatawan ng ampunan sa Avonlea at ayusin ang pagkakamaling

    nagawa ng ampunan sa Nova Scotia ay sinabi ni Matthew na kukuha na lang

    siya ng taong makatutulong sa bukid dahil gusto niyang kupkupin na nila si

    Anne.

    Habang nasa daan ay nalaman ni Marilla ang kuwento ng

    buhay ni Anne. Namatay ang kanyang magulang na kapwa mga guro noong

    siya’y sanggol pa lang. Nagpalipat-lipat siya sa dalawang pamilyang maraming

    anak kung saan si Anne ay naging katu-katulong sa pag-aalaga ng mga bata.

    Muli siyang ibinalik sa ampunan nang mamatay ang asawa ng babaeng huling

    nag-ampon sa kanya. Naawa si Marilla sa narinig. Nang malaman ni Ginang

    Spencer, ang may-ari ng ampunan sa Avonlea ang nagawang pagkakamali ay

    sinabi niyang aayusin niya ang gusot. May isang babae rin kasing naghahanap

    ng batang babaeng maaampon, si Ginang Blewett. Nang marinig ni Marilla kung

    sino ang interesadong mag-ampon ay nagdalawang-isip siya dahil kilala sa

    buong bayan ang masamang ugali ng babaeng ito. Sinabi niyang iuuwi na lang

    muna niya si Anne upang mapag-isipan ang dapat gawin.

  • 4

    Pagdating sa bahay ay kinausap ni Marilla si Matthew.

    Pumayag na siyang aampunin si Anne subalit mayroon siyang kondisyon; hindi

    makikialam si Matthew sa gagawin niyang pagpapalaki kay Anne. Tuwang-tuwa

    naman si Matthew. Ang pakiusap lang niya’y maging mabuti si Marilla kay Anne.

    Kinagabihan ay sinimulan na nga ni Marilla ang pagtuturo

    ng mabubuting asal kay Anne. Pinagsabihan niya ang batang magdasal subalit

    ikinagulat niyang malaman na hindi pala ito marunong. Ayon kasi sa babaeng

    unang nag-ampon sa kanya, sinadya raw ng Diyos na bigyan siya ng pulang

    buhok na labis niyang kinaiinisan kaya naging malayo ang loob niya sa

    Panginoon. Dito napag-isipan ni Marilla na ipasok si Anne sa Sunday School ng

    kanilang simbahan upang matuto siya ng tungkol sa relihiyon.

    Kinabukasan nang muling magtanong ang bata ay

    ipinaalam na ni Marilla kay Anne na patitirahin na rin siya sa Green Gables.

    Tuwang-tuwang nangako ang bata na siya’y magiging mabait at masunurin; mga

    katangiang alam niyang magugustuhan ni Marilla. Nagtanong din siya kung

    puwede niya tawaging Auntie si Marilla subalit sinabi niyang Marilla lang ang

    itatawag sa kanya.

    Naging maayos ang mga unang araw ni Anne sa Green

    Gables. Nagawa niyang maglibot at kilalanin ang mga puno at halaman sa paligid

    hanggang sa muling dumalaw ang mausisang kapitbahay na si Ginang Lynde.

    Nang Makita niya si Anne ay pinintasan ang bata at sinabing napakapayat,

    pangit at may buhok na kakulay ng carrots. Nagalit si Anne at gumanti sa

    pasigaw na sinabing si Ginang Lynde ay mataba, mausisa at walang

    imahinasyon saka patakbong umakyat sa itaas ng bahay. Hindi sinaktan ni

    Marilla si Anne tulad ng mungkahi ni Ginang Lynde subalit sinabi niya sa batang

    humingi ng paumanhin sa ginawang pagsigaw sa bisita. Ayaw itong gawin ng

    bata sa paniniwalang hindi siya dapat humingi ng paumanhin sa bagay na hindi

    naman niya pinagsisihan. Si Matthew ang nagpaliwanag sa kanya kung bakit

    kailangan niyang humingi ng paumanhin. Sumunod si Anne at humingi ng

    paumanhin sa paraang mabulaklak at ma-drama.

    Hindi dito nagtapos ang pagsisikap ni Marilla na maturuan

    ng kagandahang-asal si Anne sapagkat alam niyang kailangan nitong matuto ng

    mga asal na katanggap-tanggap sa lipunan. Pinapunta niya ang bata sa

    simbahan at pinadalo sa Sunday School pagkatapos ng samba upang matuto ng

    tungkol sa relihiyon. Sa daan ay nakakita ang bata ng makukulay na bulaklak

    na kanyang ipinalamuti sa kanyang sombrero at pinagtawanan ng mga

    mamamayan ng Avonlea. Pag-uwi ni Anne ay sinabi niya kay Marilla na

    nakababagot ang sermon at pagtuturo ng guro sa Sunday School. Pinagsabihan

    siya ni Marilla subalit sa loob-loob niya’y alam niyang totoo ang sinasabi ng bata.

    Maliban sa mga kakaibang kilos at prangkang pananalita, ang isa pang naging

    suliranin kay Anne ay ang labis na imahinasyon at wala sa lugar na

    pangangarap na madalas nagdadala sa kanya sa kapahamakan tulad na lang ng

    mag-bake siya ng cake na hindi makain dahil nalagyan niya ng liniment sa halip

    na vanilla at nang muntik na siyang malunod habang iniaarte ang isang tula.

  • 5

    Subalit hindi lang si Marilla ang nagturo kay Anne. Si Anne

    man ay pumukaw rin ng mga damdaming hindi alam ni Marilla na taglay pa pala

    ng kanyang puso tulad nang minsang yakapin at hagkan siya ni Anne sa laki ng

    tuwa nito sa balitang magkakaroon ng picnic ang mga batang kasama sa Sunday

    School, nakadama si Marilla nang hindi maipaliwanag na kaligayahan. Marami

    pang pangyayaring naganap sa akda ang lalong naglapit kay Anne sa puso ni

    Marilla. Kung tahimik at malamig man siya sa pakikitungo sa bata, batid niyang

    mahalaga si Anne at hindi pinagsisihan ang pagkupkop dito.

    Nagsimulang pumasok sa paaralan si Anne kung saan siya

    nagkaroon ng maraming kaibigan. Naging mas malapit nga lang siya sa mga

    babae at umiwas sa mga lalaki. Mas lumawak ang mundo niya at dito lumutang

    ang taglay niyang likas na katalinuhan. Naging karibal niya sa pangunguna sa

    klase si Gilbert Blythe, ang kaklaseng kinainisan niya dahil tinawag siyang

    “Carrots” at pabirong hinatak pa ang kanyang tirintas. Mula noon hanggang sa

    halos pagtatapos na ng nobela ay hindi niya pinansin at kinausap si Gilbert

    kahit pa paulit-ulit na itong nagpapakumbaba at humihingi ng tawad. Masakit

    kay Anne na tawaging “carrot” dahil sa simula pa lang ay ayaw na ayaw niya sa

    pulang buhok na sa tingin niya’y nagpapapangit sa kanya.

    Naging matalik na kaibigan ni Anne si Diana., isang batang

    kapitbahay at kaklase rin niya. Lagi silang sabay sa pagpasok sa paaralan at

    pagsasadula sa mga bagay na bunga ng makulay na imahinasyon ni Anne.

    Minsan, sa kanilang pagsasadula ay aksidenteng napainom niya ng totoong alak

    si Diana sa halip na juice ng raspberry. Inakala ng nanay ni Diana na sinadya

    niyang lasingin ang anak kaya’t pinagbawalan niya si Diana na makipaglaro o

    makipag-usap kay Anne. Labis itong ikinalungkot ni Anne. Nabago lang ito nang

    mailigtas ni Anne ang bunsong kapatid ni Diana nang sumpungin ito ng croup o

    pagdalahit ng ubo habang wala ang kanilang magulang.

    Nagkaroon ng magandang pagbabago sa buhay ni Anne

    nang mapalitan ang mga dating guro sa paaralan at sa Sunday School ng mga

    gurong tulad nina Ginang Allan at Binibining Stacy na higit na makabago,

    mahuhusay magturo at may malasakit sa mga mag-aaral. Lalong lumago ang

    taglay na talino at galing ng bata. Dahil din sa matiyagang paggabay ng

    dalawang guro ay nagbago maging ang mga hindi magagandang ugali ng bata.

    Ang pagsisikap at katalinuhang ipinakita ni Anne ay

    nagbunga nang mapasama siya sa ilang piling mag-aaral na sasanayin ni

    Binibining Stacy upang kumuha ng entrance exam sa Queen’s Academy.

    Nalungkot lang si Anne dahil hindi na niya kasama ang matalik na kaibigang si

    Diana. Wala na kasing balak ang magulang niyang papag-aralin siya sa kolehiyo.

    Nnag lumabas sa mga pahayagan ang resulta, hindi lang basta pumasa si Anne.

    Sila ni Gilbert ay parehong nanguna sa pagsusulit at ang lahat ng mga mag-aaral

    mula sa Avonlea na kumuha rin ng pagsusulit ay pumasa. Tuwang-tuwa sina

    Matthew, Marilla, Ginang Lynde at Diana sa tagumpay ni Anne.

    Nakapasok at nakapagtapos ng isang taong programa si

    Anne sa Queen’s Academy. Hindi lang iyon, nakuha rin niya ang Avery

    Scholarship para sa pinakamahusay na mag-aaral sa Ingles, kaya’t pagkatapos

  • 6

    ng isang taon niya sa Queen’s Academy ay maaari na niyang ituloy ang apat na

    taong kurso sa Redmond College. Naroon pa rin ang paligsahang namamagitan

    sa kanila ni Gilbert subalit para kay Anne, hindi na mahalaga ang Manalo. Sa

    halip, iniisip niyang sana’y maging magkaibigan na sila ni Gilbert.

    Sa pagbabalik niya sa Avonlea ay nalaman niyang

    magtuturo na si Gilbert sapagkat hindi na siya kayang papag-aralin ng kanyang

    ama. Ikinalungkot ni Anne ang balita. Bukod dito, napansin niya ang pagsama

    ng kalagayan ng kalusugan nina Matthew at Marilla. Si Matthew ay may

    iniindang sakit sa puso samantalang si Marilla ay patuloy ang paglabo ng mata

    at madalas na pagsakit ng ulo. Madalas din niyang naririnig ang dalawang nag-

    uusap ukol sa hindi magandang lagay ng Bangko ng Abbey kung saan nakalagak

    ang lahat ng kanilang salapi.

    Ang sakit sa puso ni Matthew ang naging dahilan ng

    biglaan niyang pagkamatay nang malamang bumagsak at nagsara ang Bangko

    ng Abbey kasama ang lahat ng naipon nila. Labis na ikinalungkot nina Marilla at

    Anne ang pagkamatay ni Matthew. Ito ang kauna-unahang pagkakataong

    nakaramdam si Anne ng sobrang sakit sa pagpanaw ng isang minamahal. Naging

    karamay siya ni Marilla na noo’y nagpahayag ng pagmamahal kay Anne. Sa

    kanilang mga pag-uusap ay ipinagtapat din ni Marilla na ang ama ni Gilbert ay

    dating nanligaw sa kanya subalit nang minsang magkasamaan sila ng loob ay

    hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon at ito’y pinagsisihan niya nang labis.

    Isang bagay na ayaw niya sanang maranasan ni Anne.

    Dahil sa paglala ng kalagayan ng mga mata ni Marilla ay

    nagpasiya si Anne na manatili na sa Green Gables upang maalagaan siya sa

    halip na ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng Avery Scholarship.

    Tinanggihan niya ang plano ni Marilla na ipagbili ang Green Gables. Magtuturo

    na lang daw siya sa Carmody, isang paaralang nasa labas pa ng kanilang bayan

    dahil ang paaralan sa Avonlea ay naibigay na kay Gilbert. Subalit hindi

    inaasahan ni Anne ang sakripisyong ginawa ni Gilbert. Nakiusap pa ang binata

    sa mga namamahala ng paaralan sa Avonlea upang ibigay na lang ang posisyon

    kay Anne at nang hindi siya malayo kay Marilla. Siya naman ay sa White Sands

    na magtuturo, isang paaralang malayo sa Avonlea kung saan kakailanganin pa

    niyang mangupahan. Natuwa si Anne na sa Avonlea na lang siya magtuturo

    dahil mababantayan niya si Marilla at malalapit siyang muli kay Diana. Nang

    nagkita sila ni Gilbert ay binasag na niya ang limang taong malamig na

    pakikitungo sa binata. Pinasalamatan niya ito at sila’y nagkamay bilang tanda ng

    pagsisimula ng isang mabuting pagkakaibigan. Naging mas makitid at nagkaroon

    man ng liko ang hinaharap para kay Anne ay nanatili siyang masaya at

    umaasang ito’y maghahatid sa kanya sa higit na mabuting bukas.

    Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

  • 7

    Mga Pagdulog o Pananaw sa Pagsusuring

    Pampanitikan

    Ang panitikan ay sumasalamin sa tunay na búhay. Mababatid ang

    kalagayan at kasaysayan ng isang lugar sa isang partikular na era o panahon

    sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga panitikang nasulat at umusbong sa

    panahong ito. Sa maraming pagkakataon, nakita ang lakas at kapangyarihan

    ng panitikan sa pagiging daan nito upang mabago ang lipunan. Nakita natin sa

    kasaysayan kung paanong ang panitikan ang naging mitsa upang maghimagsik

    ang mga karaniwang taong nasikil ang kalayaan, at magkaisa sa paglagot ng

    tanikalang bumihag sa kanila sa mahabang panahon. Kung ganito kalakas

    ang impluwensiya ng panitikan sa tao ay nararapat lamang na matuto tayong

    sumuri o maging mapanuri sa mga panitikang ating binabasa at sinusundan

    Paano nga ba sumuri ng isang akdang pampanitikan? Kailangan bang

    maging dalubhasa upang makapagsuri ng akdang pampanitikan? Sa ano-anong

    pagdulog o pananaw ba maaaring suriin ang isang panitikan? Mababasa sa

    ibaba ang sumusunod na mga pagdulog o pananaw at pahapyaw na

    pagpapaliwanag sa katangian ng bawat isa :

    1. Moralistiko- Sa pananaw na ito sinusuri ang panitikan batay sa

    pagpapahalagang taglay nito. Mababatid ng isang manunuri kung taglay ba ng akda ang pagpapahalaga sa disiplina, moralidad, at kaayusang

    nararapat at inaasahan ng madla. 2. Sosyolohikal- Sa pamamagitan ng pananaw na ito mahihinuha ang

    kalagayan ng lipunan nang panahong isinulat ang akda. Karamihan sa

    mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na ito ay dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong namayagpag sa panahong

    ito. 3. Sikolohikal- Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala at pagpapahalaga,

    gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at

    kamalayan. 4. Formalismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito, binibigyang-

    pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa pinagmulang kapaligiran, era o panahon, at

    maging sa pagkatao o katangian ng may-akda. 5. Imahismo- Umusbong ang paggamit ng pananaw na ito noong mga

    unang dekada ng 1900. Laganap kasi sa panahong ito ang romantisismo sa panitikan kayâ inilunsad ang imahismo na naglalayong magpahayag

    nang malinaw gamit ang mga tiyak na larawang biswal. Nagiging mas

    epektibo ang pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang nabibigyang- búhay ng may-akda ang mga kaisipang nais ipahiwatig.

    Suriin

    Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang kaalaman tungkol sa mga

    pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan na tutulong sa iyo upang

    higit na maintindihan ang paksang-aralin.

  • 8

    6. Humanismo- Binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang kakayahan

    o katangian ng tao sa maraming bagay.Ang pananaw na ito ay nagpapahalaga higit sa tao kaysa sa anumang bagay.

    7. Marxismo- Ito ay nakabase sa teorya ni Karl Marx patungkol sa pagkakaiba-iba ng kalagayan sa buhay at ang implikasyon ng sistemang

    kapitalista sa ating lipunan. Karaniwang ginagamit ang pananaw Marxismo sa pagbibigay-halaga sa tunggalian sa pagitan ng dalawang malalakas at

    magkasalungat na puwersa o kapangyarihan tulad ng tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, maykapangyarihanat naaapi. Ipinakikita ng

    Marxismo kung paanong ang mahihirap at manggagawa ay naaapi hindi lang sa

    panitikan kundi higit sa lahat sa tunay na buhay. 8. Arketipo-Ang pananaw na ito ay gumagamit ng huwaran

    upang masuri ang elemento ng akda. Ang salitang arketipo ay nangangahulugang modelo kung saan nagmumula ang kapareho nito.

    9. Feminismo- Sa pamamagitan ng pananaw na ito nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan

    ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan. Layon

    nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon, opresyon, at ang tradisyonal na pananaw sa kababaihan.

    10. Eksistensyalismo-Ipinakikita sa pananaw na ito na ang tao ay malayang magpasiya para sa kanyang sarili upang mapalutang ang

    pagiging indibidwal nito at nang sa gayon ay hindi maikahon ng lipunan. Makikita o mababanaag ito sa uri ng mga tauhang gumaganap

    sa akda.

    Ginamit din sa pagsusuri ng panitikan ang tatlong malalaking kilusang

    pansining at pampanitikan tulad ng sumusunod:

    1. Klasisismo- Ang sumusunod ay ang mga katangian ng akdang klasisismo:

    a. Pinahahalagahan nito ang katwiran at pagsusuri. b. Layunin nitong mailahad ang katotohanan, kabutihan at

    kagandahan.

    c.Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod- sunod,at may hangganan.

    2.Romantisismo-Ito'y isang malaking kilusang pansining at pampanitikn sa Europa na sumibol noong huling bahagi ng 1800

    at pagpasok ng 1900. Ang sumusunod ay ang mga katangian ng mga akdang romantiko:

    a. Binibigyang-halaga nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon kaysa konserbatismo, imahinasyon kaysa

    katwiran, at likas kaysa pagpipigil.

    b. Kung ang panitikan sa panahon ng klasisismo ay maayos,mapayapa,ideyal, at rasyonal, sa panahon naman ng

    romantisismo ay higit na lumutang ang damdamin kaysa kaisipan.

    3. Realismo- Ipinakikita ng panitikang realismo ang katotohanan. Ipinalalasap nito ang katotohanan ng búhay maging ito man ay hindi

    maganda. Layunin nitong ilahad ang mga pangyayari sa tunay na buhay.

    Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

  • 9

    Pagyamanin Gawain A. Tanong Ko, Sagutin Mo!

    (Nasusuri ang akdang pampanitikan gamit ang alinmang angkop na pananaw/

    teoryang pampanitikan F10PB-IIf-77 MELC)

    Subuking suriin ang Anne ng Green Gables gamit ang pananaw Feminismo.

    Sagutin ang sumusunod na mga tanong upang maging gabay sa pagsusuri:

    Isulat sa kuwaderno ang iyong kasagutan.

    1. Bakit kahit lalaki ang inaasahang aampunin ay tinanggap at minahal nina Marilla at Matthew si Anne na isang babae nang makilala nila ang

    tauhang babae ang nagpakita ng pagiging malakas at may malayang

    sa pagsusuri: tunay na pagkatao niya? 2. Ano ang makikitang higit na nangingibabaw sa tahanan sa Green

    Gables ang impluwensiya ba ni Marilla na isang babae o ang impluwensiya ni Matthew na isang lalaki? Patunayan.

    3. Paano inilarawan si Anne bilang isang babae? Ano-anong pangyayari sa akda ang nagpapakita sa lakas na taglay niya bilang isang tauhan kahit

    pa siya'y isang babae? 4. Ano ang pinatunayan ng may-akda nang ipakita niyang si Anne at

    lumaban nang sabayan sa lahat ng mga naging kompetisyon nila ng

    tauhang lalaking si Gilbert at hindi lang basta pumantay sa galing nito kundi lumamang pa?

    5. Sa panahong inilathala ang akda noong 1908 ay isang panahon kung saan ang kalalakihan ay kinikilalang mas matimbang. Sino-sinong me

    pag-iisip maliban kina Anne at Marilla? Ano-anong pangyayari sa akda ang nagpatunay sa pantay na karapatan at kalagayan ng mga babae at lalaki?

    6. Bakit itinuturing na isang mabuting huwaran o modelo si Anne ng

    mga kabataang babae sa iba’t ibang bahagi ng mundo? 7. Base sa mga isinagot mo sa mga naunang tanong, bakit masasabing

    isang akdang may kulay Feminismo ang nobelang ito?

    Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

    Isaisip

    Gawain: Relate Kita!

    Ang “Anne of Green Gables” ay maaaring ihambing sa iba pang nobelang may

    kaparehong tema kung saan ipinakita ang pagbabago sa buhay ng isang batang

    babaeng mahirap o ulila subalit may maganda o positibong asal at

    nakapagbigay pa ng pag-asa sa mga taong kumupkop sa kanya. Magbasa ng

    alinmang impormasyon sa mga aklat o sa Internet tungkol sa mga nobelang

    nakalahad sa ibaba at saka buuin ang paghahambing.

    Rebecca of Sunnybrook Farm ni Kate Douglas Wiggin

    Pollyana ni Eleanor H. Porter

  • 10

    Heidi ni Johanna Spyri

    Anne ng Green Gables Pamagat ng nobelang

    tinalakay natin

    Pamagat ng nobelang napili

    mo

    Pangunahing Tauhan Tagpuan Taon kung kalian nalathala ang

    nobela

    Temang tinalakay sa nobela Maikling buod Mga napansin mong

    pagkakapareho ng dalawang nobela

    Mga napansin mong pagkakaiba

    ng dalawang nobela

    Pangkalahatang komento sa ginawa mong paghahambing:

    Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

    Isagawa

    GAWAIN: Wawakasan ko, ang napanood ko!

    (Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may

    paksang kaugnay ng binasa. F10PD-Iif-72 MELC)

    Sa wakas ay binabati kita sa iyong kahusayang ipinamalas sa modyul na ito.

    Kaunti na lamang at matatapos mo na rin ang mga inaaatas sa iyo. Sa gawain

    na ito iyong magagamit ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagbuo ng

    iyong sariling wakas sa napanood na bahagi ng teleserye na may paksang

    kaugnay ng iyong binasa na nobela.

    Teleseryeng

    Hawak Kamay

    Teleseryeng

    Dream Dad

    Nobelang

    Anne ng Green

    Gables

    Nagtapos ang teleserye na

    mga paslit pa ang tatlong

    batang inampon, minahal,

    inalagaan, at ipinaglaban

    ni Gin.

    Ipinakita sa teleserye ang

    pagmamahalan ng isang

    bata at ang lalaking

    kumupkop at nagmahal sa

    kanya na parang tunay

    niyang laman at dugo.

    Sa pagtatapos ng nobela ay

    ipinakita ang kabutihan ng

    puso ni Anne nang

    tanggihan niya ang Avery

    Scholarship para

    maalagaan si Marilla na

    humihina na ang paningin

    sanhi ng pagtanda.

    Ang pagwawakas na naisip

    ko sa paglaki ng mga batang

    ito ay...

    Ang pagwawakas na naisip

    ko para sa teleseryeng ito

    ay...

    Ang pagwawakas na naisip

    ko para sa nobelang ito ay...

  • 11

    Tayahin

    Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang

    tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel

    ang mga sagot.

    1. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga katangian ng isang akdang klasisismo,

    MALIBAN sa isa. Alin sa ibaba ang naiiba?

    a. Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.

    b. Binibigyang- halaga ang indibidwalismo kaysa kolektibismo.

    c. Layuning mailahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan.

    d. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod-

    sunod at may hangganan.

    2. Anong uri ng pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan ang

    tumutukoy sa higit na lutang na damdamin kaysa kaisipan?

    a. Klasisismo

    b. Romantisismo

    c. Realismo

    d. Humanismo

    3. Ang nobelang pinamagatang “ Si Anne ng Green Gables” ay kuwento ng

    dalawang magkapatid na matandang babae at lalaki na gustong mag-

    ampon ng batang lalaki ngunit sa halip na lalaki ay batang babae ang

    naipadala sa kanila ng ampunan. Batay sa pahayag, anong pagdulog o

    pananaw ang nangingibabaw sa nobelang ito?

    a. Humanismo

    b. Eksistensyalismo

    c. Feminismo

    d. Marxismo

    4. Ang nobelang pinamagatang “ Si Anne ng Green Gables” ay tanyag na

    naisalin sa pambatang palabas o animated cartoon , base sa palabas na

    ito, Anong katangian ni Matthew na nagpapakita ng kanyang labis na

    pagkamahiyain?

    a. Hindi niya magawang makipag-usap sa mga babae maliban kina

    Marilla at Anne.

    b. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit sinong tao.

    c. Hindi siya sumasagot kahit kinakausap siya ng mga tao.

    d. Hindi siya lumalabas ng bahay at palaging nagkukulong sa

    kanyang silid.

    5. Sa katapusan ng nobelang “ Si Anne ng Green Gables” si Anne ay naging

    isang?

    a. Abogado c. negosyante

    b. Doktor d. guro

  • 12

    6. Bakit hindi natuloy ang pag-aaral ni Anne sa Redmond College gamit

    ang Avery Scholarship? a. Kailangan siya ni Marilla sa mga panahong humihina na ang

    paningin nito. b. Pinagbawalan siya ni Marilla na lumayo para mag-aral.

    c. Inalok siya ni Gilbert ng kasal. d. Ipinangako niya kay Marilla na hindi siya lalayo sa Green Gables.

    7. Bakit hindi nakasama ni Anne ang kanyang matalik na kaibigan na si Diana sa Queen’s Academy?

    a. Nag-aral siya sa ibang unibersidad.

    b. Nag-asawa na siya agad pagkatapos nila ng hayskul. c. Hindi na siya pinag-aral ng magulang.

    d. Nagtayo siya ng isang maliit na negosyo? 8. Anong uri ng pagdulog o pananaw ang nagsusuri ng kalagayan sa mga

    kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng mga kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan?

    a. Feminismo

    b. Moralistiko c. Formalismo

    d. Imahismo 9. Masasabing ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng

    “Hawak Kamay” ay may pagkakapareho. Sa papaano kaya ito nagkakapareho?

    a. Pareho sila na may temang Feminismo. b. Pareho sila na tumatalakay sa napapanahong isyu ng lipunan.

    c. Pareho ang mga pangalan ng mga tauhan.

    d. Parehong patungkol sa pag-aampon ang tema. 10. Ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng “Dream Dad”

    ay may pagkakahawig din. Magkapareho din ang wakas nito. Sa papaano kaya nagwakas ang dalawang ito?

    a. Parehong napamahal ang mga inampon sa mga nag-ampon sa kanila.

    b. Parehong naging matagumpay na negosyante ang mga tauhan. c. Parehong naging mapagmahal na guro ang mga pangunahing

    tauhan.

    d. Parehong nasawi sa huli ang mga pangunahing tauhan.

    Panuto: Ang tatlo sa apat na salita sa kahon ay magkasingkahulugan. Kilalanin

    at isulat sa sagutang papel ang salitang may naiibang kahulugan.

    11. karibal kakompetensiya kaagaw kapanalig

    12. pagpanaw pagkakasakit pagyao pagkamatay

    13. paumanhin pasensiya pasayahin patawad

    14. kaligayahan gusot problema suliranin

    15. tumangis lumungkot lumuha umiyak

  • 13

    1. b

    2. b

    3. c

    4. a 5. d

    6. a

    7. c

    8. a 9. d

    10. a

    11. kapanalig

    12. pagkakasakit 13. pasayahin 14. gusot 15. lumungkot

    1. b

    2. b

    3. c

    4. a

    5. d

    6. a

    7. c

    8. a

    9. d

    10. a

    11. kapanalig

    12. pagkakas

    akit

    13. pasayahin

    14. gusot

    15. lumungkot

    Karagdagang Gawain GAWAIN.

    Sa wakas! Malapit mo ng matapos ang mga pagsasanay sa modyul na ito.

    Para sa iyong panghuling gawain, maglahad ng mga sitwasyon o pangyayari sa

    nobela na nagpapakita ng pagdulog o pananaw na Feminismo. Isulat ito sa

    iyong kuwaderno.

    Pamantayan 5 puntos 3 puntos 1 punto

    Nilalaman Malinaw na

    nakapaglahad ng 3 o higit pa na

    pangyayari sa nobela na

    nagpapakita ng Feminismo.

    Nakapaglahad ng

    2 na pangyayari sa nobela na

    nagpapakita ng Feminismo.

    Nakapagbigay ng

    isang pangyayari sa nobela na

    nagpapakita ng Feminismo.

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian

    Pinagyamang Pluma 10, Phoenix Publishing House, Emily V. Marasigan, et.al https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA

    1. Matanong 2. Magmasid 3. Alagaan 4. Nakatago

    5. libingan

    https://images.app.goo.gl/2krLeFCoEAap4JEMA