16
Ikaapat na Markahan- Modyul 6 - Week 8: Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Araling Panlipunan Name of Learner: Grade & Section: Name of School: 8

Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

Ikaapat na Markahan- Modyul 6 - Week 8:

Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat at Alyansa

Republic of the Philippines

Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Araling Panlipunan

Name of Learner:

Grade & Section:

Name of School:

8

7

Page 2: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

Araling Panlipunan – Ikawalo na Baitang Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat, at Alyansa Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jasyl Jane Cadavedo, Arlene P. Medija, Excel B. Aliawan

Editor: Jo-Ann O. Villafuerte

Tagasuri: Dr. Monina R. Antiquina

Tagaguhit:

Tagalapat: Leo Matinno O. Alejo, Chris Raymund M. Bermudo

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero, DM – Chief, CID Nur N. Hussien, DM – Chief, SGOD Monina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor AP Ronillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDS Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City, Zamboanga del Norte, 7100 Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818 E-mail Address: [email protected]

Page 3: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

1

Alamin

Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga

pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong ng pandaigdigang

kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.

● Nasusuri ang mga katangian ng mga pandaigdigang

organisasyon, pangkat at alyansa,

● Naipapaliwanag ang mga bahaging ginampanan ng mga

pandaigdigang organisasyon sa pagsusulong ng

pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at

kaunlaran,

● Naitatala ang mga pandaigdigang organisasyon at ang

kanilang kontribusyon sa pagsusulong ng pandaigdigang

kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.

Balikan

Gawain 1: Fill in the Blanks

Panuto: Tukuyin kung anong kaisipan ang inilalarawan ng bawat

pahayag. Punan ng mga letra ang patlang upang makumpleto ang

salita.

1. ___ ___ ___ D ___ ___ R - Ito ay tunggalian sa kapangyarihan

at ideolohiya ng mga superpowers na mga bansa.

2. N ___ ___ ___ O ___ ___ N ___ ___ L ___ S ___ O- Makabagong

uri ng pananakop upang mapanatili ang impluwensiyang pang-

ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa dati nilang

kolonya.

3. Y ___ ___ I ___ A ___ A ____ I ___ - Ang unang cosmonaut na

lumigid o umikot sa mundo sa kalawakan sakay ng Vostok I

noong 1961.

Page 4: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

2

4. ___ P___ ___ L ___ ___ ___ - Ang sasakyang pangkalawakan

na ginamit nina Michael Collins, Neil Armstrong at Edwin Aldrin

sa kanilang pagtapak sa buwan.

5. ___ ___ S ___ ___ F ___ I ___ D ___ - Epekto ng neo-

kolonyalismo kung saan nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat

ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling kung kaya’t

nawalan ng interes sa sariling kultura at mga produkto.

Tuklasin

Gawain 2: HULA-BANDILA

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ilahad kung ano ang inyong

opinyon tungkol dito.

https://images.app.goo.gl/2W6ACUmpKmoJ5BLP9 https://images.app.goo.gl/bk3SuYZd6nzCRdh67

https://images.app.goo.gl/eKCPG8xFyZChNxrT6 https://images.app.goo.gl/YZHrzJa8Msiom1Mt5

Mga Pandaigdigang Organisasyon,

Pangkat at Alyansa

ARALIN 8

Page 5: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

3

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

2. Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawang ito?

3. Bakit mahalaga ang mga larawang ito sa halos

lahat mga bansa sa daigdig?

Suriin

Ang mga Pandaigdigang Organisasyon

Ang United Nations ay isa lamang sa maraming oragnisasyon na

nabuo na may layuning pagbigkisin ang mgabansa nang sa gayon ay

makamit ang pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran. Ang mga sumusunod

ay iilan lamang sa mga organisasyon naitatag kabilang ang kanilang mga

layuning pandaigdig.

1. European Union (EU)

Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at pampolitikal na unyon ng 27

malalayang bansa. Itinututi itong pinakamalaking kompederasyon ng mga

malalayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992. Sakop

sa patakarang publiko, patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas,

tanggulan, pagsasaka at kalakalan ang mga gawain at aktibidad ng unyong ito.

2. Organization of American States (OAS)

Ang Samahan ng mga Estadong Amerikano ay nakabase sa Washington,

D.C., Estados Unidos. Ito ay isang pandaigdigang samahan na mayroong

tatlumpu't limang kasaping nagsasariling estado ng Amerika. Ang pagkamit ang

kapayapaan at hustisya, pagtaguyod sa pagkakaisa ng mga estadong kasapi,

pagpapatatag ng kanilang pagtutulungan, pangangalaga sa kanilang

awtonomiya, sa kanilang teritoryo, at sa kanilang kalayaan, pagpapalago ng

ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi,

at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon ay ilan sa mga mahahalagang

layunin ng organisasyong ito.

Page 6: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

4

Iba pang mga Pandaigdigang Organisasyon

3. Organization of Islamic Cooperation (OIC)

Mayroong 57 estado ang siyang bumubuo ng OIC

bilang isang internasyonal na organisasyon . Ang samahan ng mga bansang

Muslim na ito ay naglalayong siguruhin at protektahan ang interes sa

pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

4. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang ASEAN

ay isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa

sa Timog-Silangang Asya. Ang maitaguyod ang paglago ng ekonomiya,

kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi, at

pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon ay kabilang sa mga layunin ng

samahang ito.

WORLD BANK

Bilang isang pandaigdigang bangko, ang World Bank ay nagbibigay ng tulong-

pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang

pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin

ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.

Page 7: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

5

Bukod sa mga pandaigdigang organisasyon na nabanggit sa katatapos

na teksto, marami pang organisasyong internasyunal ang nilikha upang

patatagin ang kooperasyon ng mga bansa at magtaguyod ng kaunlaran.

Nilikha ang mga organisasyong ito upang magbigay tulong sa

pananalapi, magbigay kalayaan sa kalakalang internasyunal, mamahala sa

sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, at iba pa. May mga samahang

rehiyunal din na bumuo ng trade blocs. Ang trade bloc ay isang kasunduan

ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa isang samahang rehiyunal na

naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa at mga hadlang sa

taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa.

INTERNATIONAL MONETARY FUND (IMF)

Ang International Monetary Fund ay isang organisasyong internasyunal.

Ipinagkakatiwala ang pamamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa

organisasyong ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga halaga ng palitan at

balanse ng mga kabayaran. Ito din ay responsible ang pag-alok ng teknikal at

pinansyal na tulong kapag hiningi.

WORLD TRADE ORGANIZATION

Ang World Trade Organization ay pandaigdigang organisasyon na itinatag upang

mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal. Ang

organisasyon ito ay nabuo noong Enero 1, 1995 bilang kahalili ng

Pangkalahatang Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT).

Page 8: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

6

Pagyamanin

Gawain 3: Logo ko, Hula mo!

Panuto: Tukuyin kung anong organisasyon nabibilang ang mga logo na nasa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.

__________________________________________________________1.

__________________________________________________________2.

_________________________________________________________3.

_________________________________________________________4.

_________________________________________________________5.

__________________________________________________________6.

_________________________________________________________7.

_________________________________________________________8.

_________________________________________________________9.

Page 9: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

7

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa

Araling Panlipunan.

1. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyong katulad

ng World Bank, IMF, at WTO na nagsusulong ng pagkakaisa, kapayapaan

at kaunlaran?

2. Paano nakatulong ang mga organisasyong EU, OAS, OIC at ASEAN sa mga

bansang kasapi nito?

3. Bilang isang mag-aaral at kabataan, paano ka makakatulong sa iyong

komunidad o bansa upang maipalaganap ang kapayapaan, pagkakaisa at

kaunlaran?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na may

kaugnayan sa mga pandaigdigang organisasyon. Isulat ang titik na

tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang kwaderno.

1. Anong samahan ng mga bansang Muslim ang naglalayong siguruhin at

protektahan ang interes sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaang

pandaigdig at pagkakaunawaan?

A. European Union

B. Organization of American State

C. Organization of Islamic Cooperation

D. Association of Southeast Asian Nation

2. Anong organisasyong pandaigdig ang naitatag upang mapamahalaan at

magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal?

A. World Bank

B. International Monetary Fund

Page 10: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

8

C. European Union

D. World Trade Organization

3. Alin sa ibaba ang halimbawa ng trade blocs?

A. ASEAN Free Trade Area

B. International Monetary Fund

C. Organization of American States

D. World Bank

4. Anong pandaigdigang samahan ang nakabase sa Washington,D.C.,

Estados Unidos na binubuo ng 35 na kasaping nagsasariling estado sa

Amerika?

A. European Union

B. Organization of American State

C. Organization of Islamic Cooperation

D. Association of Southeast Asian Nation

5. Alin sa ibaba ang pangunahing layunin ng mga organisasyon tulad ng

European Union, Organization of American States, OIC at ASEAN?

A. Ang bawat organisasyon ay naglalayong paunlarin ang ekonomiya

ng kani-kanilang bansa.

B. Ang mga organisasyon ay nabuo upang magtulungan ang mga

kasaping bansa na iangat ang kanilang ekonomiya, kultura at

paniniwala.

C. Ang mga bansa ay nagkaisa upang itaguyod ang pagkakaisa,

kapayapaan at kaunlaran.

D. Ang mga bansang kasapi ay bumuo ng mga alyansa upang maging

handa sa anumang panganib o digmaan na darating.

6. Paano nakatutulong ang mga organisasyong World Bank, IMF at WTO sa

mga bansa sa daigdig?

A. Ang mga organisayong ito ay nagpapautang sa mga bansang

nangangailangan ng tulong pinansiyal para sa programang

Page 11: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

9

pangkaunlaran.

B. Hinihikayat ang mga bansa na palaguin ang ekonomiya sa

pamamagitan ng pangungutang.

C. Layunin ng mga organisasyong ito na tulungan at ibangon ang

industriya ng mga mahihirap na bansa.

D. Tinutulungan ng mga organisasyong ito ang mga bans ana

ipalaganap ang kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran.

7. Alin sa ibaba ang mabuting naidudulot ng trade bloc?

A. Nagbibigay sa mga bansa ng kalayaan sa kalakalang internasyunal

at sa loob ng bansa.

B. Naglalayong bawasan, paliitin o tanggalin ang mga taripa sa mga

miyembrong bansa.

C. Naglalayong hikayatin ang mga kasaping bansa na maging bukas

ang kalakalan o pagpapalitan ng mga kalakal.

D. Nagtutulungan ang mga kaalyadong bansa sa pamamagitan ng

pangtangkilik sa mga produkto nito.

8. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung walang organisasyong pinansiyal

tulad ng World Bank, IMF at WTO?

A. Mahihirapan ang mga bansa na isakatuparan ang mga programang

pangkaunlaran.

B. Magsisikap ang mga bansa na gumawa ng paraan upang

maitagayod ang pambansang kaunlaran

C. Makikipag-alyansa ang mga bansa upang may tumulong sa

kanilang magpahiram ng salapi na kanilang magagamit.

D. Makikipagdigmaan sa mga bansa upang masakop at makamkam

ang kanilang likas na yaman.

9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga pandaigdigang organisasyon?

A. Ang mga organisasyong ito ay binubuo ng mga bansa na may

layuning magtulungan sa panahon ng pangangailangan.

B. Isa ito sa mga solusyon upang maiwasan ang panibagong digmaan

Page 12: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

10

na magdudulot na malaking kapinsalaan.

C. Nakatutulong ito na maipalaganap ang pandaigdigang kapayapaan,

pagkakaisa at kaunlaran.

D. Mahalaga ang mga organisasyong ito dahil tinutulungan ang mga

bansang nasalanta ng sakuna at epidemya.

10. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapalaganap ng

kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran sa iyong komunidad o bansa?

I. Magbebenta ng mga kakanin, load at kung ano-ano pa para kahit

sa munting paraan nakatulong sa ekonomiya.

II. Makiisa sa mga programa o gawaing pangkapayapaan at kaunlaran

ng barangay.

III. Sumunod sa batas o ordinansa na ipanapapatupad ng komunidad

at bansa.

IV. Mag-aral ng mabuti upang sa paglaki maging kapaki-pakinabang at

responsible.

A. I,II,III,IV C. II,III,IV

B. I,II,III D. I,II,IV

Karagdagang Gawain

Gawain 4: Org-Outliner

Panuto: Punan ng hinihinging datos o impormasyon ang tsart sa ibaba.

Organisasyon Layunin Kahalagahan

European Union

Organization of American States

Organization of Islamic Cooperation

Association of Southeast Asian Nation

World Bank

International Monetary Fund

Page 13: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

11

World Trade Organization

ASEAN Free Trade Area

North American Free Trade Agreement

Pamprosesong Tanong

1. Nabasa o narinig mo na ba ang mga nabanggit sa itaas na mga

organisasyon? Saan?

2. Ano ang iyong opinyon o saloobin hinggil sa layunin ng mga organisasyon?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Paano makatutulong ang mga organisasyon sa pagkamit ng pandaigdigang

kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran?

Gawain 5: Synthesis Journal

Panuto: Tingnan ang synthesis journal sa ibaba. Isulat mo sa unang hanay

ang mga gawaing iyong isinagawa at sinagutan. Ang iyong natutuhan naman

ang iyong isulat sa ikalawang hanay. Sa pinakahuling hanay, isulat mo kung

paano mo magagamit sa pang-araw-araw na buhay ang iyong natutuhan.

Mga Gawain Mga Natutuhan Paano ito magagamit?

Page 14: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

12

Sanggunian Kasaysayan ng Daigdig

Rosemarie C. Blando et.al., pp. 513-519

Image credits: https://images.app.goo.gl/868pTepacekRMUpc7

https://images.app.goo.gl/Ei4VUQJjmaS2XUpq8

https://images.app.goo.gl/EsfgMpSMBt4H6Cau5 https://www.google.com/search?q=asean+logo&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903&sxsrf=ALeKk01kbMIC4eU2qUYbG4mSypjbTJuXbQ:1611128098649&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjRo4fw_6nuAhUSq5QKHVkrBawQ_AUoAXoECBAQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=FCr8SJYuP_pAtM

https://www.google.com/search?q=world+trade+organization+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwi1_aLy_6nuAhU3x4s

BHaq4D1kQ2-cCegQIABAA&oq=world+trade+organization+logo&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADIGCAAQBxAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIECAAQGDoHCAAQsQMQQzoFCAAQsQM6BAgAEEM6CAgAEAgQBxAeUI7CAVi9kwJguJgCaABw

AHgAgAHuA4gB3CiSAQowLjE3LjYuMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=J90HYPXNEbeOr7wPqvG-yAU&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=IVAI-lTkD5Fz3M

https://www.google.com/search?q=world+bank+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwialLeIgKruAhWqzYsBHTKaAtIQ2-cCegQIABAA&oq=world+bank+logo&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQsQMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAgg

AMgIIADICCAA6BwgAELEDEEM6BAgAEEM6BggAEAcQHlCKiAFYrp0BYKamAWgAcAB4AIABxQSIAckTkgELMC44LjEuMC4xLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=Vd0HYNqVLqqbr7wPsrSKkA0&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=oxB1fRpIOn73WM

https://www.google.com/search?q=organization+of+american+states+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwjZ3KSVgKruAhXEIaYKHRMDCDUQ2-cCegQIABAA&oq=organization+of++logo&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yCAgAEAcQBRAeMggIABAHEAUQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeOgcIABCxAxBDOgoIABCxAxCDARBDOgQIABBDOgIIADoFCAAQsQNQ3NkBWP-wAmDVwgJoAHAAeAKAAYYEiAHgG5IBDDAuMTQuMi4xLjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=cN0HYNnkK8TDmAWThqCoAw&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=RlTeIw_STM_aaM https://www.google.com/search?q=organization+of+islamic+cooperation+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwjPgIOrgKruAhVGbJQKHQ2ZCgsQ2-

cCegQIABAA&oq=organization+of+islogo&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgYIABAHEB4yCAgAEAgQBxAeOggIABAHEAUQ

HjoGCAAQCBAeUKKyAVjBxAFg9tUBaABwAHgAgAHAAYgBtgWSAQMwLjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=nt0HYM-5EsbY0QSNsqpY&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=lBjxPjbZK0B5vM https://www.google.com/search?q=NAFTA+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwiLtuy6gKruAhXMwIsBHdgTBtYQ2-cCegQIABAA&oq=NAFTA+logo&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIECAAQQzICCAAyBggAEAcQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjoHCAAQsQMQQ1CAgQFY0q0BYLbEAWgAcAB4AIAB6AGIAZEKkgEFMC41LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=v90HYMvaHcyBr7wP2KeYsA0&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=AR8INW3WX2Q6mM https://www.google.com/search?q=AFTA+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwjD4evIgKruAhWUAaYKHdx1B74Q2-

cCegQIABAA&oq=AFTA+logo&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyBggAEAcQHjIGCAAQCBAeUNN3WNN3YIl_aABwAHgAgAGwAYgBsAGSAQMwLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=3N0HYMODM5SDmAXc653wCw&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=FdB4lcO67aVCWM https://www.google.com/search?q=european+union+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwjB0e7SgKruAhV0JqYKHfiEAFsQ2-cCegQIABAA&oq=european+union+logo&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECAAQQzoGCAAQBxAeOgQIABATOggIABAHEB4QE1DZeljOpAFgnqkBaAFwAHgAgAGtAogBlxaSAQcwLjguNi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=8d0HYIGVNPTMmAX4iYLYBQ&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=-OjbCCfrNUUwTM

https://www.google.com/search?q=IMF+logo&tbm=isch&ved=2ahUKEwj-jZ_fgKruAhXjI6YKHZiID-wQ2-cCegQIABAA&oq=IMF+logo&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADIGCAAQBxAeMgYIABAHEB46BwgAELEDEENQ3HJY83dgwX1oAHAAeACAAZQBiAGlA5IBAzAuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=C94HYL7cMePHmAWYkb7gDg&bih=625&biw=1366&rlz=1C1RLNS_enPH903PH903#imgrc=eSVe0B-LR5N-7M

Page 15: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

13

Susi sa Pagwawasto

Page 16: Z P Z P 7Araling Panlipunan · 2021. 6. 1. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ... awtonomiya, sa kanilang teritoryo, ... maitagayod ang pambansang kaunlaran

14