Ano Ang Pagbasa

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/24/2019 Ano Ang Pagbasa

    1/4

    Ano ang Pagbasa?

    Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na

    nakalimbag. Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin

    sa lahat.

    Ito ay proseso ng pag-unawa sa mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa.

    Dahil sa Knowledge explosion, naging lalong mahalaga ang pagbabasa sa sangkatauhan.

    Ang mga sumusunod ay mga halaga ng pagbabasa:

    . !akapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.". Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba#t ibang larangan ng

    buhay.

    $. %umaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na buhay.&. !alalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao na

    o hindi nakikita.'. !aiimpluwensyan nito ang ating mga saloobin at palagay hinggil sa iba#t ibang bagay at

    tao.(. !akatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagtataas ng kalidad ng buhay

    ng tao.

    )ga *ri ng Pagbasa:

    Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay maaaring skimming o

    s+anning.

    kimming:

    o pinaraanang pagbasa ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.

    +anning:

    tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina.

    atay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.

    ahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.

    Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog ang

    pagbasa.

    )auuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin:

  • 7/24/2019 Ano Ang Pagbasa

    2/4

    tudy speed o bilis habang nag-aaral bumasa: Ito ang pinakamabagal na pagbasa at

    ginagamit ito sa mahihirap na seleksyon.

    /al. Pag-unawa sa Panuto0 dokumento

    )atulin na pagbabasa: )ahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay

    sa layunin ng bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na

    mambabasa.

    . Pag-unawang 1iteral

    Pagpuna sa mga ditalye

    Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

    Pagsunod sa panuto

    Pagbubuod o paglalagom sa binasa

    Paggawa ng balangkas

    Pagkuha ng pangunahing kaisipan

    Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan

    Pagbibigay ng katotohanan 23a+ts4 upang mapatunayan ang isang nalalaman na.

    Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon

    Pagkilala sa mga tauhan

    ". Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang

    kahulugan

    Pagdama sa katangian ng tauhan

    Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghangang salita

    Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan

    Pagbibigay ng mga kuro-kuro at opinyon

    Paghula sa kalalabasan

    Paghinuha sa mga sinundang pangyayari

    Pagbibigay ng solusyon o kalutasan

    Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa

    Pagbibigay ng pamagat

    $. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad

    Pagbibigay ng reaksyon

    Pag-iisip ng masaklaw at malawak

    Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad

    Pagdama sa pananaw ng may-akda

    Pag-unawa sa mga impresyon o kakintilang nadarama

    Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap

    Pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa isang talaan

    Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwento

    Pagpapasya tungkol sa kabisaan ng paglalahad

    &. Pagsasanib ng mga kaisipan nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong

    pananaw at pagkaunawa

    Pagbibigay ng opinyon at reaksyon

    Pag-uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na pangyayari

    sa buhay

  • 7/24/2019 Ano Ang Pagbasa

    3/4

    Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kaugnayan

    sa karanasan

    Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon

    Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan.

    '. Paglikha sa sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang

    seleksyon.

    Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain

    Pagbabago ng wakas ng kwento

    Pagbabago ng pamagat ng kwento

    Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan

    Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento

    Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa

    )ga istratehiya sa interaktib na pagbasa

    1imang uri ng istratehiya

    Pagtatanong 25uestioning4-

    umuo ng mga tanong tungkol sa 2kasalukuyang4 binabasa

    Paghuhula 2Predi+ting4-

    /ulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan

    Paglilinaw 26lari3ying4-

    1inawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga tanong

    Pag-uugnay 2Assimilating4-

    Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.

    Paghuhusaga 278aluating4-

    /usgahan0suriin ang mga element ng teksto.

    Apat na eorya ng Pagbasa

  • 7/24/2019 Ano Ang Pagbasa

    4/4

    . eoryang ottom-*p- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang

    beha8iorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa

    pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga

    simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. !ananalig ang teoryang ito na ang

    pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at

    pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. inasabi nitong ang pagbasa ay

    pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ayisang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya

    ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso

    ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto 2bottom4, patungo sa

    mambabasa 2up4, kaya tinawag itong bottom up.

    ". eoryang op-Down- !abuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil

    napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto

    kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang %estaltna

    naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay

    napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating

    kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang

    ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. inatawag

    din ang teoryang ito na inside out o +en+eptually-dri8en dahil ang kahulugan oimpormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang

    mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa

    kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. unga nito,

    nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang

    inilalahad ng awtor ng isang teksto.

    $. eoryang Interaktib9 unga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang

    teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga

    bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. /igit na angkop daw ang

    kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng

    komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay

    kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at

    mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-dire+tional. )asasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa

    pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

    &. eoryang Iskima- )ahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating

    kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. awat bagong

    impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. amakatuwid,

    bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa

    nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. )aaaring binabasa na niya lamang

    ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama,

    kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang

    sa proseso ng komprehensyon. /indi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi

    ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.