Ang Relasyon ng Nutrisyonal na Estado sa Pang-akademikong Gawain ng mga Mag-aaral sa Unang Antas ng Hayskul sa Dasmari±as High School

  • View
    3.665

  • Download
    11

Embed Size (px)

DESCRIPTION

a thesis

Text of Ang Relasyon ng Nutrisyonal na Estado sa Pang-akademikong Gawain ng mga Mag-aaral sa Unang Antas ng...

ANG RELASYON NG NUTRISYONAL NA ESTADO SA PANG-AKADEMIKONG GAWAIN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG HAYSKUL SA DASMARIAS HIGH SCHOOL TP 2009-2010 DLSU-DASMARIAS

Isang Sulating Pananaliksik na Inihaharap sa Kaguruan ng Kagawaran ng Filipino at Panatikan De La Salle Dasmarias Dasmarias, Cavite

Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan sa Kursong FILI 102c (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

JASON R. ROQUE MA. SHEILA S. DEL RIO KAMALJIT KAUR KRISTINE CARL S. SOMEROS ABIGAIL PAULINE F. FRIAS LAURO NIO M. RODRIN

Marso 2010

1

TALAAN NG NILALAMAN PAHINA PAMAGAT NG PAHINA TALAAN NG NILALAMAN KABANATA 1. PANIMULA Kaligiran ng Pag-aaral Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Metodoloji Definisyon ng mga Termino 3 5 6 7 8 10 1 2

2. PAGTATALAKAY Suliranin Bilang 1 Suliranin Bilang 2 Suliranin Bilang 3 Suliranin Bilang 4 12 18 19 21

3. KONGKLUSYON Paglalagom Rekomendasyon REFERENS APNDIKS 22 25 26 33

2

Kabanata 1 PANIMULA

Sa unang kabanata ng pananaliksik na ito, makikita ang pagtatalakay sa kaligiran ng naisagawang pag-aaral, ang paglalahad ng suliranin nito, mga saklaw at limitasyon na nakaapekto sa ginawang pananaliksik, ang kahalagahan ng pag-aaral, ang metodolohiya o mga pamamaraan at iba pang aspetong nagamit sa pananliksik at ang definisyon ng mga termino sa pananliksik na hinango sa diksyunaryo at pagkakagamit sa pag-aaral.

Kaligiran ng Pag-aaral Ang pagkakaroon ng maganda at angkop na nutrisyon ay mahalaga sa bawat indibidwal. Ayon sa mga artikulo ng Child Development Institute (2010), ilang mga pagaaral na ang naisagawa na nagpakita at nagsabi na ang pagkaroon ng angkop na nutrisyon sa kabataan ay hindi lamang pagkakamit ng malusog na pangangatawan, kundi pagkakaroon din ng mas matatag na emosyon at maunlad na kagalingan sa mga pang-akademikong gawain. Malaki ang posibilidad na makaiwas sa sakit ang taong may angkop na nutrisyon ayon kay Dr. Robert Avery (2009). Ayon sa kanya, ang katawan ay talagang nakakamangha, magkasakit man daw ang isang tao, kaya nitong pagalingin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbibigay sa katawan ng tamang nutrisyon. Ang mga bagay na nagdudulot ng sakit tulad ng mababang immune system, pagkakaroon ng bad genes, inflammation at iba pa ay maaaring baguhin ng masusustansyang pagkain at magbigay ng positibong epekto sa pangagatawan, kaya naman talagang mahalaga ang pagkain ng gulay.

3

Ayon kay Le Valle (2003) ang pinakamalaking bilang ng mga kabataang may malnutrisyon ay nakatira sa mga bansang kabilang sa Asya. Hindi maitatanggi na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang apektado nito. Wala na ngang pagbabago, pero patuloy pa rin ang pagtaas ng malnutrisyon sa mga kabataan. Ang pagkakaroon ng hindi angkop na

nutrisyon sa kabataan ay may higit na masamang epekto sa kanila. Maaari silang magkaroon ng mahinang pangangatawan at maaring maapektuhan ang kanilang pang araw-araw na gawain lalo na sa paaralan. Kung hindi maaagapan ang suliraning ito at hinayaang lumala, maaring humantong ito sa kamatayan ng bata. Ayon sa Philippine Ministry of Health, halos kalahati ng mga nabalitang namatay na mga bata at sanggol sa Pilipinas ay dahilan ng malnutrisyon na sinabayan ng ibat iba pang mga sakit. Ito ay nagpapatunay lamang na hindi biro ang paglaki ng malnutrisyon sa kabataan at ito ay hindi rin dapat ipagwalang-bahala ng mga magulang at ng pamahalaan. Ayon sa ulat ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) (2008), maaaring hindi sapat o hindi tama ang kinakain ng maraming batang Pilipino sa ngayon kayat patuloy ang paglaki ng porsyento ng malnutrisyon sa bansa. Dahil sa kalagayan ng bansa ngayon, tila marami nang Pilipino ang nagugutom at hindi nakakakain ng sapat. Ayon na rin sa mga artikulong nakalap ng mga mananaliksik, patuloy na tumataas ang porsyento ng malnutrisyon sa bansa. Mula sa suliraning ito, inalala ng mga mananaliksik ang mga kabataang dapat sana ay pag-asa ng bayan. Kung hindi sila mabibigyan ng sapat na pagkain, maaaring maapektuhan ang kanilang pag-aaral. Kung hindi mapupukaw ang isipan ng gobyerno sa suliraning ito, sino na lamang ang mag-aahon sa bansa mula sa kahirapan?

4

Mula sa mga impormasyon at mga artikulong nakalap, ang mga mananaliksik ay naisipang magsagawa ng pag-aaral upang matukoy at maipagbigay alam kung ano ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin Ang bawat pag-aaral ay nagkakaroon ng paglalahad ng suliranin. Ito ay ginagawa upang bigyang kasagutan ang pananaliksik na gagawin. Ito rin ang magsisilbing gabay upang makamit natin ang mga dapat nating malaman sa ating pag-aaral. Ang pinakasuliranin ng pananaliksik na ito ay nakafokus sa pag-alam ng relasyon ng nutrisyonal na estado at pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang antas ng hayskul sa paaralang Dasmarias National High School. Nais ng pananaliksik na ito na mabigyang kasagutan ang sumusunod na mga katanungan: 1. Ano ang nutrisyonal na estado ng mga mag-aaral sa unang taon ng hayskul ng paaralang Dasmarias National Highschool sa aspeto ng: 1.1. timbang 1.2. taas 2. Ano ang akademikong kalagayan ng mga mag-aaral sa unang taon ng hayskul ng paaralang Dasmarias National Highschool? 3. Ano ang relasyon ng nutrisyonal na estado sa pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang taon ng hayskul ng paaralang Dasmarias National Highschool? 4. Ano ang kahalagahan ng tamang pagkain sa nutrisyunal na estado ng mga mag-aaral?

5

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang sumusunod ay ang mga makikinabang sa pag-aaral ng relasyon ng nutrisyonal na estado at pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral sa unang antas ng hayskul sa paaralang Dasmarias National High School. Mag-aaral. Maiintindihan nila ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at maunawaan ang epekto nito sa kanilang pang-akademikong gawain. Guro. Mauunawaan ang ibat ibang akademikong lebel ng mga mag-aaral upang makapagbigay ng gabay sa kanila lalo na sa mga batang walang sapat na nutrisyon. Magulang. Malalaman nila ang kahalagahan nang tama at sapat na pagkain para makamit ang tamang nutrisyon para sa kanilang mga anak. Paaralan: Mabibigyang-pansin ang mga mag-aaral na walang sapat na nutrisyon at mahihikayat silang gumawa ng solusyon ukol dito. Pamahalaan: Mabibigyang-pansin ang mga suliraning ito at makakapagbigay ng mga proyekto at programa sa mga paaralan ukol dito. Komunidad. Malalaman at magiging alerto sa mga problema tungkol sa tamang nutrisyon at mabibigyan nang sapat na lunas, programa at proyekto upang maayos ang mga problemang ito. Iba pang mananaliksik. Magiging isang dagdag kaalaman at impormasyon ang pagaaral na ito sa iba pang mga mananaliksik. Bukod pa diyan, magiging mahalagang basehan ang pag-aaral na ito sa mga nagnanais pang gumawa ng pagsasaliksik na may katulad na paksa.

6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang isinagawang pag-aaral ay nakapokus sa mga mag-aaral ng unang antas ng hayskul sa paaralang Dasmarias National HighSchool, kapwa babae at lalaki. Para makamit ang mga layunin, nagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral na nabanggit. Sa pamimili ng mga mag-aaral para sa naisagawang sarbey, gumamit ang mga mananaliksik ng random sampling, upang magkaroon ng kaunting varyasyon sa mga kasagutan. Ang distribusyong ng mga magaaral ay makikita sa Talahanayan 2 7 sa Apendiks D. Upang matukoy ang nutrisyonal na estado ng mga mag-aaral, ang huling naitalang timbang at tangkad ng mga mag-aaral ay kinuha sa kanilang klinika. Ikinumpara ito ng mga mananaliksik sa pamantayan ng tamang tangkad at timbang ng kabataan na kanilang nakalap na makikita sa Talahanayan 1 sa Apendiks C. Upang matukoy naman ang estado nila sa paaralan, kinuha na lamang ng mga mananaliksik ang grado ng mga mag-aaral simula sa unang markahan hanggang sa ikatlong markahan sa apat na asignatura, Matematika, Ingles, Siyensya at Filipino. Ang nutrisyonal na estado at pang-akademikong grado ay ipinagkumpara upang alamin kung ito ay may kaugnayan sa isat isa na makikita sa Talahanyan 1 sa Apendiks C. Tinukoy sa pag-aaral na ito ang epekto ng kahalagahan ng nutrisyon sa pangakademikong estado ng mga mag-aaral. Nalaman ng mga mananaliksik ang klase ng nutrisyon batay sa isinagawang sarbey kung saan tinanong sila tungkol sa mga kinain nilang pagkain kasama na rin kung gaano sila kadalas kumain ng sapat at tamang pagkain. Dalawang araw ang inilaan sa paggawa ng nasabing sarbey. Ang nakuhang resulta dito ay ginamit para sa kongklusyon ng pag-aaral. Bukod dito, ang limitadong oras at panahon ay naging sanhi ng ilang kahinaan ng pananaliksik. Dahil sa kakulangan sa oras,

7

pinili na lamang ng mga mananaliksik na magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral. Kinuha na lamang ng mga mananaliksik ang mga grado ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro sa halip na gumawa ng panayam ukol sa kanilang pang-akademikong gawain. Ang iba pang salik na maaring makaaepekto din sa nutrisyonal na estado at pang-akademikong gawain ay hindi na naikonsidera.

Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gumamit ng metod na deskriptib bilang pamamaraan ng pananaliksik ng pag-aaral. Ayon kay Francisco M. Zulueta, ang may-akda ng Methods of Research and Thesis-Writing and Applied Statistics (2003), ang deskriptib na pamamaraan ay isang uri ng metod ng pananaliksik na ginagamit upang malaman ang relasyon ng dalawang variable tulad na lamang sa relasyon ng nutrisyonal na estado at pangakademikong gawain. Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang deskriptib sa kadahilanang ang pamamaraang ito ay tumatalakay sa pag-aaral sa pangkasalukuyang kalagayan. Ang naturang pamamaraan ay sadyang ginamit upang makakalap ng sapat na impormasyon at datos ukol sa pag-aaral na isinagawa. Samantala, ang validasyon ng instrumento ay tumutuon sa paggawa ng mga makabuluhang tanong na siyang ilalagay sa naturang sarbey at magiging pundasyon ng mga manan