24
Ang mga Katagang Pang-abay o Ingklitik

Ang Mga Katagang Pang-Abay o Ingklitik

Embed Size (px)

DESCRIPTION

patungkol ito sa mga salitang ginagamit bilang pang-abay o ingklitik.

Citation preview

Ang mga Katagang Pang-abay o Ingklitik

Sipag at Tiyaga, Sapat nga kaya?

Totoong masikap nga naman sa paghahanap-buhay ang mga balot vendor o kaya ay mga cigarette vendor. Kita natin ang kanilang pagtitiyaga sa lansangan sa gitna ng init at lamig sa layuning kumita ng pantawid gutom sa araw-araw. Hindi rin matatawaran ang kanilang sipag sa pagtawag ng mga mamimili kahit mapaos ang boses.

Pagod man sa buong magdamag ay di nila alintana. Kaya nga lamang wala pa akong nabalitaan na naging milyonaryo sa pagtitinda ng balot at sigarilyo. Meron ba?

Sipag at Tiyaga, Sapat nga kaya?

Totoong masikap naman sa paghahanap-buhay ang mga balot vendor o kaya ay mga cigarette vendor. Kita natin ang kanilang pagtitiyaga sa lansangan sa gitna ng init at lamig sa layuning kumita ng pantawid gutom sa araw-araw. Hindi matatawaran ang kanilang sipag sa pagtawag ng mga mamimili kahit mapaos ang boses.

Pagod sa buong magdamag ay di nila alintana. Kaya lamang wala pa akong nabalitaan na naging milyonaryo sa pagtitinda ng balot at sigarilyo. Meron ba?

Ang mga katagang Pang-abay o Ingklitik na ginagamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap. Ang bawat isa sa dalawang panlahat na mga bahaging ito maaring buuin pa ng mga maliliit na bahagi. Napalalawak ang pangungusap dahil sa mga maliliit na bahaging ito.

Ang mga pampalawak ng pangungusap ay (1) paningit, (2) panuring (Pang-uri at Pang-abay), (3) pamuno at mga kaganapan.

Sa unang tingin ang mga ingklitik – ay mga kataga na ginagamit sa pagpapahayag na walang kabuluhan, ngunit pag-aralan mo’t mahalaga ang ginagampanan. Nakatutulong ito sa pagpapalinaw ng kahulugan o diwa ng pangungusap. Nag-iiba ang kahulugang inihahatid ng pangungusap kapag iniiba ang ginamit na ingklitik. Maaari itong alisin sa pangungusap na hindi nasisira o naiiba ang diwa.

Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang kahulugan nito.

Halimbawa:ba kasi kaya hodaw/raw din/rin na lamang/lang manmuna naman nga pa po pala sana tuloy yata 

Halimbawang pangungusap.1. Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?2. Kumain kasi ng maraming ginataan ang bata kaya sumakit ang tiyan nito?3. Darating kaya nang maaga ang mga panauhin?4. Naroon na sa pulong ang mga kasapi ng barangay ng mga kabataan sa aming pook.5. Ninanais sana ng aming punong barangay na mag-isip kami ng mga bagong proyekto.

Halimbawang pangungusap.1. Nailigtas ang mga minerong nabarahan sa minahan.2. Kumain ng maraming ginatan ang bata kaya sumakit ang tiyan nito.3. Darating nang maaga ang mga panauhin.4. Naroon sa pulong ang mga kasapi ng barangay ng mga kabataan sa aming pook.5. Ninanais ng aming puno ng barangay na mag-isip kami ng mga bagong proyekto.

*Buuin ang mahalagang kaisipan o kakailanganing pag-unawa para sa gramatika mula sa naging talakayan sa pamamagitan nang pagbuo ng mga salita.

*katagang pang-abay

maliliit na salita ang mga Isang pagpapalawak ng o ingklitik ay pangungusapna ginagamit sang panibagong upang magkaroonkahulugan

Ang mga katagang pang-abay o ingklitik ay isang maliliit na salita na ginagamit sa pagpapalawak ng pangungusap upang magkaroon ng panibagong kahulugan.

*Basahin ang talata. Itala sa ibaba ang mga ingklitik na ginamit.

1. Sadya ngang mahiwaga ang buhay. Tingnan mo si Berto. Siya’y isa na namang maliwanag na katibayan sa gulong ng buhay. Noon daw siya’y laging inaapi at nililibal, ngunit ngayo’y isa nang may sinasabi. Ang kanya raw kasawian ay naging tagumpay; ang kanyang pagluha ay naging halakhak ng kasiyahan. Noong araw, siya’y nasa ilalim ng gulong; ngunit ngayon, bunga ng kanyang pagsusumikap, siya’y nasa ibabaw na at dinadakila pa. Sana, ganito rin ang maging palad namin.

1. Sadya ngang mahiwaga ang buhay. Tingnan mo si Berto. Siya’y isa na namang maliwanag na katibayan sa gulong ng buhay. Noon daw siya’y laging inaapi at nililibal, ngunit ngayo’y isa nang may sinasabi. Ang kanya raw kasawian ay naging tagumpay; ang kanyang pagluha ay naging halakhak ng kasiyahan. Noong araw, siya’y nasa ilalim ng gulong; ngunit ngayon, bunga ng kanyang pagsusumikap, siya’y nasa ibabaw na at dinadakila pa. Sana, ganito rin ang maging palad namin.

2. Talaga palang may kalayuan ang probinsya ninyo. Bukod pa rito’y baku-bako ang mga daan. Kumapal tuloy ang pulbos ko dahil sa alikabok. Mantakin mo pati yata ang mga kilay at pilikmata ko’y namuti rin. Kaya nga pala ayaw sumama sa akin ni Pento nang yayain ko.

2. Talaga palang may kalayuan ang probinsya ninyo. Bukod pa rito’y baku-bako ang mga daan. Kumapal tuloy ang pulbos ko dahil sa alikabok. Mantakin mo pati yata ang mga kilay at pilikmata ko’y namuti rin. Kaya nga pala ayaw sumama sa akin ni Pento nang yayain ko.

*San Pedro Calungsod

Maraming salamat sa

mga nakinig!!!

At sa mga hindi

nakinig….

NGANGA

Ang paglaya raw sa mga mananakop ang siyang laging hinihingi ng mga Pilipinong mandirigma. Kalayaan na matagal na nating ninanais. Ipinaglaban ng tuluyan hanggang sa makamtam natin ito. Maraming nagbuwis ng kanilang mga buhay upang tayo ay makaranas pa ng magandang kinabukasan. Masusuklian ba natin ang kanilang ginawa para sa atin? Hindi ba’t minabuti nating yakapin na lamang ang pag-uugali ng mga taga-kanluran. Hinayaan muna natin silang pumasok sa ating mga puso’t isipan hanggang hindi na natin sila inalis. Hindi man lang natin naisip, kaya tayo Malaya ngayon ay dahil sa pakikipaglaban ng ating mga ninuno. Tuluyan na nga nating nilimot ang tunay na pagkamaka-Pilipino. Anila raw, aanhin pa ang pagbabalik tanaw sa nakaraan. Kung din natin ito nanamnamin ng lubusan.  Huwag sana tayong magsisi sa bandang huli, kasi kagagawan din naman natin ito. Sana maisip din natin na kaya tayo malaya ay dahil pala sa pagkakaroon ng pusong mapagkalinga ng mga bayaning Pilipino.

Ang paglaya raw sa mga mananakop ang siyang laging hinihingi ng mga Pilipinong mandirigma. Kalayaan na matagal na nating ninanais. Ipinaglaban ng tuluyan hanggang sa makamtam natin ito. Maraming nagbuwis ng kanilang mga buhay upang tayo ay makaranas pa ng magandang kinabukasan. Masusuklian ba natin ang kanilang ginawa para sa atin? Hindi ba’t minabuti nating yakapin na lamang ang pag-uugali ng mga taga-kanluran. Hinayaan muna natin silang pumasok sa ating mga puso’t isipan hanggang hindi na natin sila inalis. Hindi man lang natin naisip, kaya tayo malaya ngayon ay dahil sa pakikipaglaban ng ating mga ninuno. Tuluyan na nga nating nilimot ang tunay na pagkamaka-Pilipino. Anila raw, aanhin pa ang pagbabalik tanaw sa nakaraan. Kung hindi rin natin ito nanamnamin ng lubusan.  Huwag sana tayong magsisi sa bandang huli, kasi kagagawan din naman natin ito. Sana maisip din natin na kaya tayo malaya ay dahil pala sa pagkakaroon ng pusong mapagkalinga ng mga bayaning Pilipino.