29
ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO Ni Dr. Muhammad A. As-Suhayim Salin sa Wikang Tagalog Ni Monib M. Sarangani Sa Ngalan ng Allah, Ang Maawain Ang Mahabagin 1

ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

ANGMENSAHE NI KRISTO

ATKRISTIYANISMO

NiDr. Muhammad A. As-Suhayim

Salin sa Wikang TagalogNi

Monib M. Sarangani

Sa Ngalan ng Allah, Ang Maawain Ang Mahabagin

1

Page 2: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, anghindi nag-angkin ng anak, ang walang katambalsa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, anghindi nangangailangan ng anumang tulong. Akoay sumasaksi na walang diyos maliban sa Allah- ang tanging Nag-iisa na walang katambal - atako ay sumasaksi na si Muhammad (SallallahuAlaihi Wasallam)1 ay Kanyang Lingkod at Sugo.Isinulat ang maikling aklat na ito upang bigyangpaliwanag ang orihinal na mensahe ni Kristo atang mga doktrinang Kristiyanismo na pina-iiralsa ngayon. Ito ay inihanda para sa mambabasangKristiyano upang mapag-alaman niya angorihinal na pananampalatayang itinuro ni Kristoat mapag-alaman din kung paano ito nabago atnaiba mula sa kanyang kauna-unahang anyo nanaging isang relihiyong gawa-gawa na lamangng tao. Binanggit ang mga katibayan na

1 Laging nababanggit sa Aklat na ito ang mga salitang Arabikna: Sallallahu alaihi Wasallam at Alaihis Salam na angkahulugan sa Tagalog ay Sumakaniya nawa ang kapayapaan.Gayundin ang salitang Alaihimas Salam at Alaihimus Salamna ang kahulugan sa Tagalog ay Sumakanila nawa angkapayapaan. (Ang tagapagsalin)

Paunang Salita

2

Page 3: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

nagpapatibay sa mga katotohanang makikita sapolyetong ito mula sa Torah at Injeel2 upangmagsilbing patnubay sa mambabasa tungo satamang landas.Ang orihinal na mensahe ni Kristo ay isangmensaheng maka-Diyos na gaya ng mensahengibinigay kina Noah, Abraham, at Moises,(Alaihimus Salam). Lahat ng mensaheng maka-Diyos ay nagkakatugma sa mga pangunahingpaniniwala: Paniniwala na ang Panginoon(Allah) ay iisa na walang katambal, hindinagkaanak, ni hindi ipinanganak. Paniniwala samga Anghel, sa Araw ng paghuhukom, satadhana maging mabuti man o masama nanangyayari dahil sa kapahintulutan ng Allah atang paniniwala sa mga Sugo at mga Propeta.Hindi kailanman nangyari sa buong kasaysayanng mundo mula sa panahon ni Adan hanggang sapanahon ng huling Propeta na si Muhammad(Sallallahu Alaihi Wasallam) na ang isangmensaheng maka-Diyos ay sumalungat sa mga

2 Ang orihinal na kasulatang ibinigay ng Diyos (Allah) kayPropeta Hesus sa kanyang panahon. Ang ilan sa mga talatangnabanggit sa Injeel ay mababasa sa Bibliya. (Angtagapagsalin)

3

Page 4: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

paniniwalang ito. Ang pagkakaiba lamang kungmayroon man ay yaong tungkol sa mga uri ngpagsamba at mga pamamaraan nito, o yaongtungkol sa mga bagay na pinahihintulutan atipinagbabawal at ang mga kadahilanan nito, oyaong tungkol sa mga ibang bagay na iniutos ngPanginoon sa Kanyang mga Propeta upangihayag sa mga taong pinagsuguan sa kanila.Magkagayon, ang orihinal na mensahe ni Kristoay isang mensaheng maka-Diyos na nagtuturong paniniwala na ang Panginoon ay iisa nawalang katambal, hindi nagkaanak, ni hindiipinanganak at nagbibigay-diin na angPanginoon ay may mga Sugo at mga Propeta napinili Niya mula sa ibat-ibang henerasyon ng taoupang iparating ang Kanyang mensahe sasangkatauhan, upang sa gayon ay wala na silangmaipangangatwiran sa Kanya pagkatapos namaipadala ang mga Propeta.

Ang katanungan ngayon ay ganito:Ang mensahe ba ni Kristo sa ngayon aynananatili sa kanyang orihinal na anyo gaya ngpagkapahayag nito ng Allah sa Kanyang Sugo atLingkod na si Propeta Hesus (Alaihis Salam)?

4

Page 5: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Upang masagot ang katanungang ito, nararapatnating suriin ang mga doktrinang Kristiyanismona pinaiiral sa kasalukuyang panahon atihambing sa mga turo nina Moises at Hesusayon sa Torah at Injeel upang matunghayannatin kung ang mga doktrinang ito aynaaalinsunod o sumasalungat sa orihinal namensahe ni Kristo. At kung ang mga salita ninaMoises at Hesus (Alaihimas Salam) nanababanggit sa Bibliya ay nagpapatunay sa mgadoktrinang umiiral sa pamumuhay ng kalakhangKristiyano. At kung ang talambuhay ni Hesus(Alaihis Salam) na matutunghayan sa Bibliya aysumasang-ayon sa mga itinuturo ng simbahantungkol sa kanyang katauhan, anupa’t sa ngayonang kanyang pagkatao ay naging animo’ymitolohiya o alamat na sadyang mahiraptanggapin ng pang-unawa at katuwiran.

ANG MGA PANINIWALA SA KRISTIYANISMOAY ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Ang paniniwalang si Hesus ay “Anak ngDiyos.”

5

Page 6: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Kung tutuusin, ang paniniwalang ito ay walanganumang batayan sa mga tinuran ni Hesus(Alaihis Salam). Bagkus ang Bibliya aynagtataglay ng mga talatang sumasalungat saganitong paniniwala.Ayon sa Ebanghelyo ni Juan mababasa angganito: “Nang makita siya ng mga punongsaserdote at ng mga bantay sila’y sumigaw:Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!! ngunit sinabini Pilato: Kunin ninyo siya at kayo angmagpako sa krus, para sa akin ay wala akongmakitang dahilan upang isakdal siya. Sinagotsiya ng mga Hudyo: May kautusan kami, atayon sa kautusang iyon, dapat siyang mamataysapagka’t nagpapanggap siyang anak ngDiyos.” (Juan 19: 6-8)

Ang Ebanghelyo ni Mateo ay kanyangsinimulan ng talaan ng angkan ni Hesus. Siya aynagsabi: “Ito ang talaan ng angkan ni Hesu-Kristo na mula sa angkan ni David na buhat salahi ni Abraham”. (Mateo 1: 1)

Ang talaang ito ay isang pagpapatunay na siHesus ay isang tao na sadyang hindi naaayon samga sinasabi tungkol sa kanya bilang anak ngDiyos. Kapansin-pansin na ang katawagang

6

Page 7: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

“anak ng Diyos” ay pilit na itinatangi lamangkay Hesus -- kaya naman siya raw ay anak ngDiyos sa literal na kahulugan nito.Ang katotohanan, hindi lamang si Hesus angtinawag na anak ng Diyos. Bagkus, ang Bibliyaay nagsasaad na may ibang mga Propeta, mgatao at mga bansang binigyan ng katawagang“anak ng Diyos”. Upang mapatunayan ito,basahin ang (Exodos 4:22 , Mga awit 2:7, I MgaCronica 22:9-10, Mateo 5:9, Lucas 3:38 at Juan1:12 ).Ngayon maitatanong, bakit ang mga naturangtao na tinawag na “anak ng Diyos” ay hindiiniangat sa antas tulad ng ginawang pag-angatkay Hesus?Ayon sa Ebanghelyo ni Juan, ang katawagang“anak ng Diyos” ay nangangahulugang isangtaong matapat na sumasampalataya sa Diyos.Siya ay nagsabi: “Ngunit, ang lahat ngtumanggap at nanalig sa Kanya aypinagkalooban Niya ng karapatang maginganak ng Diyos.”Samakatuwid baga’y ang lahat ngsumasampalataya sa Kanyang pangalan aymatatawag na anak ng Diyos.

7

Page 8: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

2. Ang paniniwalang si Hesus ay Diyos nakasama ng Panginoon at siya angpangalawang persona sa tinatawag na“Trinidad”.

Kung susuriin natin ang Bagong Tipan upangmakita ang pinagbatayan ng ganitongpaniniwala, wala tayong makikita kahit isangsalita ni Hesus (Alaihis Salam) na nagtuturonang ganito. Bagkus, napakaraming talatangmababasa sa Bagong Tipan na tahasangsumasalungat sa ganitong paniniwala atmalinaw na nagpapahayag na walang diyosmaliban sa Allah (Ang Nag-iisang Panginoon) atsi Hesus ay Kanyang Lingkod at Sugo upangmagpatotoo sa Torah at Injeel sa mga angkan niIsrael.

Narito ang ilan sa mga talatang nagpapatunaytungkol dito:a) Sina Lucas at Cleopas ay sumasaksi na si Hesus

ay isang tao lamang. “Isa sa kanila angnagngangalang Cleopas ay nagtanong, kayoba lamang naninirahan sa Jerusalem na hindinakabalita sa nangyari roon sa mga araw na

8

Page 9: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

ito? Tungkol saan? tanong niya. Tungkol pokay Hesus na taga-Nazaret, tugon nila. IsangPropetang makapangyarihan sa salita at sagawa sa paningin ng Diyos at lahat ng tao.”(Lucas 24: 18-19, Lucas 7: 16 at ang Mga Gawa 2: 22)

b) Ang tinuran ni Hesus (Alaihis Salam): “At itoang buhay na walang hanggan na makilalaKa nila na iisang tunay na Diyos at si Hesu-Kristo na Iyong sinugo.” (Juan 17: 3)

c) Ayon sa Ebanghelyo ni Barnabas, si Hesus aynagsabi: “Ako ay sumasaksi sa harap nglangit at pinasasaksi ko ang lahat ngnamumuhay dito sa mundo na ako ay walangkinalaman sa mga sinasabi ng mga taotungkol sa akin na ako’y higit pa sa isang tao.Sapagka’t ako ay isinilang ng isang babae atako ay nasa ilalim ng kapangyarihan ngPanginoon, gaya ng ibang tao nanasasaklawan ng karaniwang paghihirap.”(Barnabas 1: 94)3

3 The Gospel of Barnabas, Abul Qasim Publication. AngEbanghelyo ni Barnabas na itinuturing apocrypha aynagbibigay kabuuan sa banal na kasulatang ibinigay kayHesus. Ito'y hindi mababasa sa Bibliya sa kasalukuyangpanahon sa dahilang may nilalaman itong hindi naaayon samga pangunahing doktrina ng kalakhang Kristiyanismo. (Angtagapagsalin)

9

Page 10: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Ayon sa unang talata, ang dalawang taongkapanahon niya ay sumaksi na siya (Hesus) aytao lamang na nagpatotoo sa Panginoon (Allah)ayon sa kanyang salita at gawa.Ayon sa ikalawang talata, siya ay nagpahayagna ang malaking katotohanan dito sa sanlibutanna magbibigay ng walang hanggang kaligayahansa sinumang maniwala ay ang pagkilala sa Allahna Siyang tunay na Diyos (Lahat ng iba pangitinuturing na diyos bukod sa Kanya ay huwadat walang kabuluhan) at si Hesus ay KanyangSugo lamang.Ayon sa ikatlong talata, sa Ebanghelyo niBarnabas, si Hesus mismo ay nagpatotoo saharap ng kalangitan at pinasaksi pa ang lahat ngnamumuhay dito sa mundo na siya ay walangkinalaman sa lahat ng mga katangiang nag-aangat sa kanya upang siya’y maging higit pa saisang mortal. Ito ay isang patunay na siya’y taolamang.

3. Ang paniniwalang ang Diyos aynagkatawang tao.

Kung susuriin nating muli ang mga aral niKristo (Alaihis Salam) makikita natin na siya ay

10

Page 11: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, angkanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa samatibay na katunayan tungkol dito ay angtinuran ni Hesus (Alaihis Salam):“Dinggin mo, O Israel, ang Panginoon natingDiyos ay iisang Panginoon.” (Marcos 12: 29)

Maaari ring basahing muli ang mga talatangnabanggit sa unahan (Lucas 24: 18-19, Lucas 7:16, Mga Gawa 2: 22, Juan 17: 3 at Barnabas 1:94) upang matunghayan kung ang mga talatangtaglay ng Bibliya ay naaayon ba o sumasalungatsa ganitong paniniwala!

4. Ang paniniwalang ang Panginoon aybinubuo ng tatlong persona o angkinikilalang “Trinidad”.

Ang ganitong paniniwala ay hindi makikita saanumang rebelasyon na nagmula sa Diyos. Kayanaman, ang Kristiyanismo ay walang katibayantungkol dito maging sa Bibliya. Ang walangpagkiling na pagsisiyasat sa mga turo ni Hesusayon sa Injeel ay tiyak na makikita na angpinakabuod ng kanyang mensahe ay ang pag-aanyaya sa paniniwala sa Allah, ang

11

Page 12: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

pagtuturong ang Panginoon ay walang kawangissa Kanyang mga nilikha, ang pagtuturong anglahat maliban sa Allah ay walang anumangkatangiang pagka-Diyos at ang pagtuturong angAllah lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ngpagsamba. Kung babasahing muli ang mgatalatang nabanggit sa unahan, (Lucas 24: 18-19,Lucas 7: 16, Mga Gawa 2: 22, Juan 17: 3 atBarnabas 1: 94), tunay na makikita na ang mgasinasabi namin ay pawang katotohanan nawalang pag-aalinlangan. Bukod pa rito, angKristiyanismo ay nagpapalagay na ang Diyos aymay tatlong persona na magkakapantay: AngAma (ang una), ang anak (ang ikalawa) at angEspiritu Santo (ang ikatlo). Ito ay malayo sa katotohanan, sapagka’t angKristiyanismo mismo ay naniniwala na angEspiritu ay nagmula sa Ama at anak.Samakatuwid, hindi maaaring maging pantay sapagiging walang simula ang tatlong personakung ang ikatlo ay nagmula sa dalawang higitna nauna sa kanya. Gayon din na naman, angbawat isa sa kanila ay may sariling mgakatangiang nauukol lamang sa kanya na hindimaaaring iukol sa iba. At ang Ama ay laging

12

Page 13: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

nasa unahan, kasunod Niya ang anak at kasunodnaman nito ang Espiritu Santo. Ngunit,kailanman ay hindi ginawang baliktarin angpagkakasunod-sunod ng Trinidad, alalaong bagaay gagawing una ang Espiritu Santo at ang anakang nasa ikalawa at ang Ama ang nasa ikatlongantas. Ang ganitong pagkakasunod-sunod ayitinuturing nilang isang kawalangpananampalataya sa diyos at paglabag saRelihyon. Kaya’t paano maging magkakapantayang mga ito? Gayon din, ang pagtawag na“Banal” sa Espiritu Santo ay isa pang patunayng hindi pagkakapantay.

5. Ang paniniwalang si Hesus (Alaihis Salam)ay ipinako at namatay sa krus.

Ang ganitong paniniwala ay pinabulaananmismo ng Bibliya, sapagka’t ayon na rin dito,ang taong ipinako ay isinusumpa. Ayon saDeuteronomio ang mababasa ay ganito:“Huwag ninyong pababayaang magdamag nanakabitin ang bangkay. Dapat siyang ilibing saaraw ring iyon, sapagka’t sinumang ibinitin sakahoy ay isinumpa ng Diyos, huwag ninyong

13

Page 14: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

aabusuhin ang lupaing ibinigay sa inyo ngPanginoon ninyong Diyos.” (Deuteronomio 21: 23)

Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas, binanggit na siHesus ay binigyang kalinga at pangangalaga ngAllah mula sa maitim na balak ng mga Hudyo,anupa’t hindi nila naipako.“Tumayo silang lahat at itinaboy siya sa labasng bayan, hanggang sa taluktok ng burol paraibulid sa bangin. Datapwat, nagdaan siya sakalagitnaan nila at umalis.” (Lucas 4: 29-30) Ayon naman sa Ebanghelyo ni Juan nabanggitang ganitong mga talata:“Dumampot sila ng mga bato upang siya aybatuhin, ngunit nagtago si Hesus at patalilis naumalis sa loob ng templo.” (Juan 8: 59)

“Muli nilang pinagtangkaang dakpin siyangunit hindi nila nahuli.” (Juan 10: 39) Ang ganitong mga talata at marami pang iba aynagbibigay-diin na si Hesus ay pinangalagaanng Allah laban sa sabuwatan ng mga Hudyo.Karagdagan pa rito, mayroon pang ibang mgatalatang nagpapatunay na ang mga Hudyo ayhindi nila gaanong kilala ang personalidad niHesus, anupa’t sila’y nagbayad pa sa isang tao

14

Page 15: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

upang ituro sa kanila si Hesus. (Basahin angnasa Mateo 27: 3-4).Gayundin si Hesus ay nagpahayag na ang lahatng mga taong nagtitipon sa gabing yaon ay mag-aalinlangan sa pangyayaring magaganap sakanya. Siya ay nagsabi: “Lahat kayo ay mag-aalinlangan sa mangyayari sa akin ngayonggabi.” (Marcos 14: 27)4

Ano ang tunay na nangyari kay Hesus dito samundo?Ang katotohanan, siya ay itinaas ng Allah saKanya upang iligtas siya sa kapahamakan.Malinaw na nababasa sa Bibliya ang mgatalatang ganito:“Ito si Hesus na inialis sa inyo at iniakyat salangit.” (Mga Gawa 1: 11)

“Magbibilin Siya sa Kanyang mga Angheltungkol sa iyo at aalalayan ka ng kanilang mgakamay.” (Mateo 4: 6)

4 Ito ay sinipi mula sa Bibliya sa wikang Arabik na inilathalang (The Holy Book's Publication in The Middle East) ngunithindi ito mababasa sa Bibliya na naisulat sa wikang Inglis osa wikang Tagalog. Ito ay isang patunay ng pagkakaiba sa isa'tisa ng maraming Bibliya sa buong daigdig. (Angtagapagsalin)

15

Page 16: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

“Sapagka’t nasusulat ipagbibilin Niya saKanyang mga Anghel na ingatan ka nila upanghindi ka matisud sa bato.” ( Lucas 4: 10-11)

Ang ilang mga katotohanan ay nababasa saBibliya. Ito ay ang mga sumusunod:a) Ang sinumang nakabitin sa krus ay Isinumpa.b) Si Hesus ay pinangalagaan ng Diyos at hindi

naipako.c) Si Hesus ay nagsabi na ang lahat ng mga taong

nagtitipon sa gabing yaon ay mag-aalinlangan tungkol sa mangyayari sa kanya.

d) Si Hesus ay itinaas ng Allah sa langit.

Ngayon, ano ang dahilan kung bakit itinuturingna banal ang krus sa Kristiyanismo? Hindi ba itoraw ang naging sanhi ng pagkapahamak niHesus? Hindi ba ito isang paalaala ng pagpataysa tao? Hindi ba ito isang sagisag o gamit ngpagpatay sa tao? Hindi ba ang pagkapako sakrus ni Hesus ay walang anumang batayan sakasaysayan o sa Relihiyon? Kaya’t bakit labisna pinahahalagahan ang ganitong paniniwala?

16

Page 17: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Kung mayroon mang patuloy na nasisiyahan saganitong paniniwala, sagutin nang tapat ang mgakatanungang ito: Sino ang naghahawak ng mga kalangitan at

kalupaan noong si Hesus na itinuturingninyong Diyos ay nakapako sa krus?

Pagkamatay ni Hesus paano nanatili ang mundosa loob ng tatlong araw na walang Diyos nanangangalaga at nagpapanatili?

Sino ang namamahala sa mga bituin at planeta?Si Hesus ba?

Sino ang nagkakaloob ng buhay at bumabawinito? Sino ang nagbibigay ng kapangyarihanat nag-aalis nito?

Sino ang nagtutustos sa tao at mga hayop?. Ano ang naging kalagayan ng sanlibutan noong

si Hesus na itinuturing na Panginoon ay nasalibingan?

Sino ang bumawi ng buhay kay Hesus? Sino angnagkaloob muli ng buhay sa kanya?

Ang kaluwalhatian ay sa Allah lamang na lubhangmalaya sa mga kasinungalingang iniuugnay saKanya.6. Ang paniniwalang si Hesus ay namatay sa

krus para sa kaligtasan ng

17

Page 18: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

sangkatauhan at pagtubos ng manangkasalanan.

Bukod pa sa di-matanggap ng pag-iisip atkatuwiran ang ganitong paniniwala, ito rin aysumasalungat sa mga pangunahing alituntunin atmahahalagang talata ng Bibliya.

Ang ilan sa mga alituntuning ito ay ang mgasumusunod:1) Hindi pinapatay ang mga magulang dahil sa

pagkakasala ng anak.2) Ang bawa’t isa ay dapat mamatay dahil sa

kanyang ginawang kasalanan.3) Ang taong nagkasala ay siyang dapat mamatay.4) Tinatanggap ng Allah ang pagsisisi ng mga taong

nagsisisi at nanunumbalik sa Kanya.

Ang ilan sa mga talatang nagsasaad sa mgaalituntuning ito ay ang mga sumusunod:1. “Hindi dapat patayin ang ama dahil sa

kasalanan ng kanyang anak, o patayin anganak dahil sa kasalanan ng kanyang ama,bawa’t isa ay magdurusa sa kanyangkasalanan.” (Deuteronomio 24:16)

2. “Sa mga araw na iyon, hindi na sasabihin ngmga tao na ang magulang ay kumakain ng

18

Page 19: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

maaasim na ubas, ngunit ang ngipin ng mgaanak ang nangilo, sa halip, bawa’t isa’ymamatay para sa sariling kasalanan, sinumangkumain ng maaasim na ubas sarili niyang ngipinang mangingilo.” (Jeremias 31: 29-30)

“Ngunit itatanong mo, bakit hindi mararamay anganak sa kasalanan ng kanyang ama? Yamang angginawa ng anak ay makatarungan at matuwid atnaging maingat sa pagsunod sa aking mga utos,tiyak na siya’y mabubuhay. Ang kaluluwangnagkasala ang siyang mamamatay. Hindi maaaringmaramay ang anak sa kasalanan ng ama, ni angama sa kasalanan ng anak. Ang katuwiran ng taongmatuwid ay tatamuhin niya at ang kasamaan ngmasama ay ipapataw laban sa kanya. Ngunit kungang taong masama ay tumalikod sa lahat ngnagawa niyang kasalanan, susunod sa aking mgautos at gagawa ng may katarungan at katuwirantiyak siyang mabubuhay, hindi mamamatay. Lahatng kasalanang ginawa niya ay di na ibibilang labansa kanya, dahil sa matuwid na mga bagay naginawa niya siya’y mabubuhay.” (Ezekiel 18: 19-22)

7. Ang paniniwala sa “Huling Hapunan.”

19

Page 20: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Nang talakayin nina Mateo at Marcos angtungkol sa Huling Hapunan, walang sinuman sakanila ang nagsabi na ito ay ipinag-utos niHesus (Alaihis Salam) na mananatiling isa sa uring pagsamba at ritwal. Maaari ninyong basahingmuli ang sanaysay nito sa dalawangEbanghelyong nasabi upang mapatunayan angkatotohanan. Ang katotohanan, nang maisip ni Pablo nagawin itong isa sa mga pamamaraan ngpagsamba, idinagdag niya sa sanaysay angsalitang ito: “Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (I Mga taga-Corinto 11: 24)

Ito ang mga pangunahing doktrina saKristiyanismo na ipinaliwanag upangmapatunayan na ang Kristiyanismo sakasalukuyang panahon ay walang kaugnay kayKristo at sa kanyang mensahe maliban sapangalan lamang. At ang ginawang pag-uugnayna ito ay walang anumang batayan sapangrelihyon o pangkasaysayan. Bagkus, angBibliya ay nagtataglay ng mga talatang nasabingtinuran ni Hesus na sadyang sumasalungat samga pangunahing doktrina ng Kristiyanismo.

20

Page 21: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Ang taong naghahanap ng katotohanan aylaging tumatanggi sa kabulaanan at lumalayo sakasinungalingan. Nararapat lamang na tayo'ymaging isa sa mga taong ginamit ang talinongibinigay ng Allah at nagpunyaging tuklasin angkatotohanan.Pag-aralan nang mabuti ang Bibliya upangmatunghayan ang mga talatang magsisilbingpagpapatotoo na ang Kristiyanismo sa ngayonay malayo sa tunay na mensahe ni Kristo. Hindiba’t ganito ang laging sinasabi kung kayo'ynananalangin. “Sambahin nawa ang pangalanMo, Dumating nawa ang kaharian Mo.” (Mateo6: 9-10) Ngunit, hanggang ngayon ay lagi pa ringkayong naghihintay at nananalangin “Dumatingnawa ang kaharian Mo.” Hindi pa ba dumatingang kahariang iyon? At kung dumating atnangyari na, bakit lagi pa ring binabanggit angpanalanging ito?Ang kahariang iyon ay dumating na at natupadna noong dumating si Propeta Muhammad5

5 Ang kaharian ng Diyos ay naitatag na sa pagdating niPropeta Muhammad nang siya ay isugo upang ipangaral anghuling kapahayagang naglalaman ng ganap na mga alituntuninng buhay at mga batas na dapat ipairal sa mundo. Ang

21

Page 22: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

(Sallallahu Alaihi Wasallam) ang panghulingSugo ng Allah.Siya ang ibinalita ni Hesu-Kristo (AlaihisSalam): “Ngunit ang mang-aaliw, ang EspirituSanto na siyang susuguin ng Ama sa akingpangalan, ang magtuturo sa inyo sa lahat ngbagay.”(Juan 14:26)

“Pagdating ng mang-aaliw na susuguin ko sainyo mula sa Ama, ang Espiritu ngkatotohanang nanggaling sa Ama, siya angmagpapatotoo tungkol sa akin.” (Juan 15:26)

Sino ngayon ang nagpatotoo kay Hesus bilangPropeta at nagparangal sa kanya? At sino angnagtatwa sa mga kasinungalingan ng mgaHudyo tungkol sa kanya? Siya ay walang ibakung hindi si Propeta Muhammad (SallallahuAlaihi Wasallam).Si Hesus ay nagsabi rin: “Marami pa akongsasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayangunawain ngayon. Ngunit pagdating ng Espiritung katotohanan ay ipaunawa niya sa inyo angbuong katotohanan. Hindi siya magsasalita sa

Panginoon (Allah) ang Siya lamang dapat maghari dito samundo at tanging Siya lamang ang may karapatang magbigayng mga batas para sa Kanyang kaharian. (Ang tagapasalin)

22

Page 23: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

ganang kanyang sarili, ang narinig lamang niyaang kanyang sasabihin at ibabalita niya angtungkol sa mga bagay na darating ..............(Juan16:12-14) Ang katotohanan ay si Propeta Muhammad(Sallallahu Alaihi Wasallam) ang mang-aaliw natinutukoy ni Propeta Hesus (Alaihis Salam)sapagka’t siya ang nagpatnubay ng katotohanansa sangkatauhan at hindi siya nagsalita ngsaganang kanyang sarili sa dahilang siya aynagsabi lamang mula sa mga rebelasyongipinahayag sa kanya. Kaya halina at sumunod samang-aaliw na tinuran ni Hesus (Alaihis Salam).Siya rin ang ipinahayag kay Moises (AlaihisSalam: “Magpapadala Ako para sa kanila ngisang Propetang katulad mo mula sa kanilangmga kaanak, ilalagay Ko sa kanyang bibig angmga salita Ko at sasabihin niya sa kanila anglahat ng iuutos Ko sa inyo.” (Deuteronomio 18: 18) Ang mga kaanak ng mga anak ni Israel ay angmga anak ni Ismael (Alaihis Salam) at walangPropetang lumabas sa mga anak ni Ismaelmaliban kay Propeta Muhammad (SallallahuAlaihi Wasallam).

23

Page 24: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Siya rin ang ibinalita ni Moises (Alaihis Salam)na lalabas mula sa mga kabundukan ng Paran atumaawit ng kaligayahan ang mga taga-Sela sapagdating niya sa kanila.“Dumating mula sa Sinai ang Panginoon atnagliwanag sa atin mula sa Seir, tumanyagmula sa Bundok ng Paran.” (Deuteronomio 33: 2) “Bayaang umawit sa kalagakan ang mgananinirahan sa Sela, bayaan silang sumigawmula sa ituktok ng mga bundok.” (Isaias 42: 17)

Ang tinatawag na Paran ay ang bayang Makkah,at ang Sela ay isang bundok sa bayang Madinahna kung saan itinatag ni Propeta Muhammad(Sallallahu Alaihi Wasallam) ang unangpamahalaang Islamiko at gumuho sa kanyangpaanan ang mga idolong sinasamba.Ang kanyang mensahe ay lumaganap sa buongmundo na siyang dahilan na maging matiwasayang kalooban ng bawa't pumasok sa Islam. Sanakayo'y magpasiyang yumakap sa Islam atmaging isa sa mga tagasunod ni PropetaMuhammad (Sallallahu Alaihi Wasallam) upangkayo ay magtamo ng katiwasayan dito sa mundoat sa kabilang buhay.

24

Page 25: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

Tungkol naman sa paraan kung paano magingkabilang sa mga tagasunod ni PropetaMuhammad (Sallallahu Alaihi Wasallam) upangmakamtan ang nakamtan ng kanyang mgadisipulo, wala kayong dapat gagawin kung hindibigkasin nang taus-puso ang sumusunod:

أن وأشهد الله إل إله ل أن أشـــهدالله رســول محمدا

“ASH-HADU AN LAA ILAAHA ILLALLAH, WA ASH-HADUANNA MUHAMMADAN RASULULLAH”

Ang ibig sabihin: Ako ay sumasaksi na walangdiyos maliban sa Allah at ako ay sumasaksi nasi Muhammad ay Sugo ng Allah.Matapos bigkasin ito, higit na kanais-nais namaligo at maglinis ng buong katawan. Dapatmaunawaan ang kahulugan ng Shahada (Angpagtestigo na walang Diyos maliban sa Allah atsi Muhammad ay Kanyang Sugo) at mabatidang kinakailangan nito.Ito ay nangangahulugang walang dapatsambahin maliban sa Allah lamang -ang TangingNag-iisa sa Kanyang pagka-Diyos at pagka-Panginoon -at si Muhammad ay Kanyang Sugona dapat sundin sa kanyang mga ipinag-uutos,

25

Page 26: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

paniwalaan ang kanyang mga sinasabi at iwasanang kanyang mga ipinagbabawal. Dapat ding maniwala na si Hesus ay isang alipinat Propeta ng Allah. Siya ay nilikha ng Allah sapamamagitan ng Kanyang salitang كن (mangyari nga) at pinagkalooban ng kaluluwamula sa Kanya. Dapat ding maniwala na angParaiso at Impiyerno ay totoo, at ang mga tao aybubuhaying muli ng Allah mula sa kanilang mgalibingan. Kapag nagawa mo ito, isa ka sa magigingtagapagmana ng buhay na walang-hanggan saParaiso (Jannah) na kasama ng mga Propeta,mga martir at mga matutuwid na Muslim.Kung nais mong bumasa ng mga karagdagangbabasahin at mga aklat na sanggunian tungkol sapaksang ito upang matuklasan ang katotohananat tamang landas, narito ang talaan ng ilangaklat na isinulat ng mga Pari at Ministro nanapatnubayan sa Islam. Isinalaysay nila angpagpasok nila sa Islam at ang kanilang mgakadahilanan kung bakit tinalikuran angKristiyanismo. Inilahad din nila ang mgakatibayan na nagpapatunay na ang Islam ang

26

Page 27: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

panghuling Relihiyon na mananatili habangpanahon.

Ang mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:1. The Religion and The State to Confirm the

Prophecy of Muhammad by: Ali bin RabbinAt-Tabary.

2. The Islamic Advice on Exposing TheChristianity by: Nasr bin Yahiya Al-Motatabbib.

3. Muhammad in The Bible, Published in Arabicand English by: The Ministry of Islamic Lawin Qatar.

4. The Gospels and The Cross By: David BenjaminKaldanie. Siya ay yumakap sa Islam at piniliang pangalang Abdul Ahad Daud.

5. Muhammad in The Torah, The Gospels and TheQur’an by: Ibrahim Khalil Ahmad. Siya aydating isang Ministrong Kristiyano nayumakap sa Islam.

6. The Forgiveness in The view of Islam andChristianity by: Ibrahim Khalil Ahmad.

7. Is God One or Three? by: Magdy Morgan.8. Is Jesus Man or God ? by: Magdy Morgan.9. The Secret of My Embracing Islam by: Fuad Al-

Hashimy.

27

Page 28: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

10.The Evident Light Stands for The Darkness ofThe World by: Muhammad Zakiyuddin Al-Najar.

Ang mga nabanggit na manunulat ay higit napinili ang tamang landas kaysa pagkaligaw. Angkanilang pananaliksik sa katotohanan aynagpalaya sa kanila mula sa pagkagapos ng datinilang pananampalatayang nagtuturo ng mgadoktrinang sumasalungat sa mga itinuro ng mgaPropeta. Kabilang sa mga may-akda ng mgaaklat na ito ay Ministro at Paham sapananampalatayang Kristiyanismo. Hindi ba itonagsisilbing hamon sa inyo na itanong sa sarilikung bakit nila tinalikuran ang datingpananampalataya at hayaang tinanggap angIslam? Ano kaya ang mga katibayang napag-alaman at naghatid sa kanila sa liwanag atpatnubay.Katotohanan hindi lamang sila ang tumalikod sadati nilang relihiyon at yumakap sa Islam. Kungtutuusin sila ay isang maliit na bahagi lamang samga Ministrong Kristiyano na pumasok saIslam. Sadyang napakarami pang iba bukod sakanila na napatnubayan sa Islam. Halos araw-araw may pumapasok sa Islam at nagpapahayag

28

Page 29: ANG MENSAHE NI KRISTO AT KRISTIYANISMO...hindi kailanman nagturo ng ganito. Bagkus, ang kanyang ipinangaral ay ang maniwala sa Nag-iisang Diyos (Allah) na walang katambal. Isa sa matibay

ng: Walang diyos maliban sa Allah at siMuhammad ay Sugo ng Allah.Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Allah lamang,ang Panginoon ng lahat ng nilalang.

Isinulat noong 3/ 1/ 1415 H. - 6/ 12/ 1993

29