Upload
carl-deus-wayne-willstrong
View
9.347
Download
801
Embed Size (px)
DESCRIPTION
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIKPAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINOAng Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas
Citation preview
PNTC Colleges(Quezon City Campus)
39 Aurora Boulevard, Quezon City
PABASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO
Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas
Ipinasa kay:
Prof. Armenio L. Gallardo, M.A. Ed.
Ipinasa nina:
Mdn Charles Lordwin D. Magtibay
Mdn Ramir Gem Dula
Mdn Lawrence Reyes
Mdn Bill Andrew Bernandino
Mdn Renz Francis Dela Cruz
March 2015
Talaan ng mga Nilalaman
Kabanata I: Ang Suliranin ... Sanligan Nito
Panimula
Batayang Teoretikal
Balangkas Konseptwal
Paglalahad ng mga Suliranin
Mga Pagpapalagay Kaugnay ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng mga Terminolohiyang Ginamit
Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Lokal na Pag-aaral
Lokal na Literatura
Kabanata III: Disenyo ng Pananaliksik at Pamamaraang Ginamit
Disenyo ng Pananaliksik
Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
KABANATA I
Ang Suliranin... Sanligan Nito
Panimula
Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang ating mga
ninuno ay mayroon ng sariling sistema ng pagsusulat, ito ay tinatawag na
Alibata. Sa paglipas ng panahon, ito ay napalitan ng alpabetong Filipino na
atin ngayong kasalukuyang ginagamit.
Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, natuklasan ng mga Kastila noong
1521, na mayroong humigit kumulang dalawang daang dayalekto ang
ginagamit ng mga Pilipino. Sa mga dayalektong ito, ang Tagalog ay ang
pinakalaganap sa bansa at ito ay itinalaga bilang opisyal na wika sa
kapuluan ng Luzon.
Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, kanilang pinalaganap ang
wikang Ingles, subalit tinuturo pa rin ang wikang Tagalog. Sa panahong ito,
nagkaroon ng pagpapasya sa paghirang ng Wikang Pambansa sa ilalim ng
saligang batas at ang wikang Tagalog ang itinalaga. Pinili ang wikang ito
dahil ito ay ang wikang pinakamadaling pag-aralan, madaling maunawaan,
may pinakamayaman na talasalitaan, panitikan at pinakalaganap sa buong
kapuluan. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ay tinatawag na wikang
Filipino.
Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, may iba’t-ibang klase ang wikang
Filipino. Ito ay ang Puristic Tagalog, ang Taglish o Enggalog at ang
Bertaglish. Ang Puristic Tagalog ay wikang nililikha sa halip na humihiram.
Ang Taglish o Enggalog naman ay pinaghalong Tagalog at English habang
ang Bertaglish naman ay binubuo ng Bernakular, Tagalog at English.
Ayon naman kay Gonzales taong 1977, ang mga Pilipino ay nagsasalita
ng bersyon ng Taglish para sa layuning pang-sosyolinggwistika at hindi dahil
sa hindi alam ang sistemang pangwika.
Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas
epektibong komunikasyon at pundasyon ng mabuting pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan. Ito ay sumisimbolo sa mga bagay na nagbibigay ng
kahulugan, interpretasyon at kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at
simbolo na ating nakikita, naririnig at nababasa.
Ang pagiging daynamiko o nagbabago ay isa sa mga makabuluhang
katangian ng wika. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng
pagbabago sa kapaligiran at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao na
nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon ng mga bagong salita.
Sa pag-usbong ng moderno at makabagong teknolohiya, nagkakaroon
ang mga tao ng mga bagong kaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing
pag-iisip. Isa sa mga produkto ng makabagong teknolohiya ay ang
pagkakaroon ng mga Social Media.
Ang pagkakaroon ng mga Social Media ay may iba’t-ibang dahilan. Ang
pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon ay isa na rito. Ang Facebook
ay isang Social Media site na ginagamit sa buong mundo. Sa pamamagitan
nito, nakakakapag-usap ang mga gumagamit nito kahit saan mang dako ng
mundo naroroon.
Malaki na ang naitulong ng Facebook sa mga tao, ngunit hindi sa wika.
Dahil, madalas napapalitan ang orihinal at tamang pakabaybay ng mga
salita. Halimbawa, sa halip na sabihing “dito” ay “d2” nlang ang ginagamit.
Habang may mga bagong lenggwahe naman ay nabubuo katulad ng Jeje
Language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba pa. Nagkakaroon din
ng bagong salita tulad ng “gg” na ang ibig sabihin ay good game, selfie, at
iba pa. Ang paggamit ng mga bagong grupo ng mga salita ay nabubuo din
tulad ng edi wow!, rak na itou at pusuan tayo.
Ang mga nabanggit na suliranin ang nagtulak sa mga mananaliksik
upang tuklasin at alamin ang kalagayang pangwika sa mga mag-aaral nang
dahil sa paggamit ng Social Media.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matugunan ang mga suliranin
ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng sapat nakaalaman sa ating sariling
wika. Ang pagmulat sa isipan ng mga mag-aaral tungkol sa kalagayan ng
wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya ay isa rin sa layunin
ng mga mananaliksik. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan
ang mga mag-aaral kung paano gamitin ng tama at wasto ang ating sariling
wika, ang wikang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pagsusuri sa mga epekto
ng social media sa mga mag-aaral ng PNTC sa unang antas. Ito rin ay
naglalayong tugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang epekto ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral
ng PNTC?
2. Ano-anong wika ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa social
media?
3. Bakit iniiba ng mga mag-aaral ang mga salita sa wikang Filipino sa
Social Media?
4. Paano maiiwasan ang mga masasamang epekto ng social media sa
wikang Filipino?
Batayang Teoretikal
Ang pag-aaral na ito na may pamagat na Ang Epekto ng Social Media
sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas ay nakabatay
sa mga sumusunod na teorya:
Ang Teoryang Eureka na naglalahad na ang wika ay sadyang
inimbento. Ayon kay Boeree(2003), ang paglikha ng mga ideya ay mabilis na
kumakalat sa iba pang tao kung kaya’t nagkakaroon ng pangalan o
katawagan ang mga bagay-bagay.
Ang Teoryang Hey you! na tinatawag ding teoryang kontak. Ayon kay
Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakalilanlan
at pagkakabilang. Iminungkahi ng linggwistikang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang pagkakaroon ng
wika.
Ayon kay Rene Descartes, ang tao ay hindi pangkaraniwang hayop
kung kaya’t likas sa kanya ang gumamit ng wika sa aangkop sa kanyang
kalikasan bilang tao. Mayroong aparato ang tao lalo na sa kanyang utak
gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong anta
sang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus
magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Balangkas Konseptuwal
Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral
Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Unang Antas ng PNTC Colleges
Pananaliksik
Wikang Filipino
Mga Teorya
Sarvey
Mga Epekto ng Social Media
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng mga epekto ng
paggamit ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng PNTC.
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa
wikang Filipino dahil sa paggamit ng social media. Pinagtutunan din ng
pansin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang lenggwahe na ginanagamit sa social
media ng mga mag-aaral.
Ang pagbasa at pananaliksik, pagsisiyasat at pakikipagpanayam ay
isinagawa ng mga mananaliksik upang magkaroon ng kaalaman sa
suliraning napili. Ilang piling mag-aaral sa unang antas ng PNTC Colleges ang
nilapitan ng mga mananaliksik at hiningian ng impormasyon batay sa
nasabing paksa.
Kahulugan ng mga Terminolohiya
Magkakaroon ng mas madaling pag-unawa sa pag-aaral na ito kung
malalama ang mga kahulugan ng mga salita. Kaya’t minarapat ng mga
mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya
na ginamit sa pag-aaral.
Social Media – mga website at application na nagpapahintulot sa mga
gumagamit upang lumikha at magbahagi ng nilalaman o upang
lumahok sa mga social networking.
Teknolohiya – ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,
makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng
suliranin ng tao.
Filipino – ang pambansang wika ng Pilipinas.
Alibata/Baybayin – ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga
kayumangging Pilipino bago nakarating sa kapuluan ang mga
dayuhang Kastila.
Ingles – isang wika na nagmula sa mga wikang Alemanya na isang
sangay ng Indo-Europeong Pamilya ng mga wika.
KABANATA II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Lokal na Pag-aaral
Batay sa pananaliksik na isinagawa ni Prima Jesusa Q. Batoon na pinamagatang Isang Mungkahing Gabay sa
Dayuhang Literatura
Social Media in Higher Education: A Literature Review and Research Directions
Charles H.F. Davis III
Social Media and Literature
Dayuhang Pag-aaral
Ang wika ay bunga ng pangangailangan. “Necessity is mother of all invention. Sa paniniwalang ito, ang mga bagay gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito batay kay Plato
Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik
Upang matugunan ang mga suliranin na nakatala sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat. Ang mga katanungan na nakapaloob sa isinagawang pagsisiyasat ay makikita sa susunod na bahagi ng presentasyong ito.
Respndente
Sa isinagawang pagsisiyasat, mayroong 50 mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa unang antas sa PNTC Colleges ang hiningian ng mga mananaliksik ng mga impormasyon batay sa nasabing paksa.
Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Unang Antas sa PNTC Colleges
(Pagsisiyasat)
I.Social Media
A. Ano ang dahilan mo sa paggamit ng Social Media?
Paglalaro Pananaliksik Pampalipas-oras Pakikipagkomunikasyon
B. Sa isang araw, ilang oras ka gumagamit ng Social Media?
1-3 oras 4-6 Oras 7-9 Oras 10 o mahigit pa
II. Wika
A. Anong wika ang ginagamit mo sa Social Media?
Filipino Ingles Parehas (Taglish)
B. Sa paggamit ng Social Media, iniiba mo ba ang baybay ng mga salita?
Oo Hindi
C. Naisusulat mo ba ng tama ang baybay ng mga salita?
Oo Hindi
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Dahilan ng paggamit ng Social Media
Paglal
aro
Panan
aliksi
k
Pampali
pas-oras
Pakiki
pagko
munikasyo
n0
306090
98
6286 78
Bilang oras ng paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral
52%32%
16%
1-3 Oras 4-6 na oras 7-9 na Oras 10 o mahigit pa
Wikang ginagamit sa paggamit ng Social Media
Filipino; 72
Taglish; 28
Bilang ng mag-aaral na nagbabago o nagpapalit ng baybay ng mga salita
100%
OoHindi
Pagsulat ng tamang baybay ng mga salita.
54%46%
OoHindi
Kabanata IV
Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
*Paglalagom
Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, matutuklasan kung bakit nakakaapekto ang Social Media sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.
Natuklasan
Sa maikling panahon ng pananaliksik sa paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay natulasan ang mga sumusunod:
1. Ang paglalaro ay ang pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng Social Media ang mga mag-aaral, pumapangalawa dito ang paggamit bilang pampalipas-oras pangatlo ang pakikipagkomunikasyon at ang huli ay ang pananaliksik.
2. Pumapatak sa isa hanggang tatlong oras ang kadalasang oras ng paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral.
3. Ang wikang Filipino ang karaniwang wika na ginagamit ng mga mag-aaral sa social samantalang may iba din namang gumagamit ng Taglish o pinaghalong Filipino at Ingles.
4. Lahat ng mga mag-aaral ay nagpapalit ng baybay ng mga salita sa paggamit ng Social Media.
5. Mahigit limangpung porsyento ng mga mag-aaral ay naiisulat pa rin ng tama ang mga baybay ng mga salita sa panahon ng pag-aaral.
Kongklusyon
Ang wika ay isa sa mga pinamahalagang imbensyon ng tao. Ito aymay mga katangian na tumutulong sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ito ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad at pagkakaroon ng mga makabago at modernong tekonlohiya. Ang Social Media ay bunga ng malikhaing pag-iisip ng tao
Rekomendasyon
Batay sa mga natuklasan at kongklusyon ng mga mananalkskik ay iminumungkahi ng pag-aaral na ito na:
Listahan ng Sanggunian
Apendiks o Dahong Pagpapatibay
Bibliograpiya
Aklat
Tesis
Artikulo
Websayt
Kurikulum Bita