Upload
pablo-pasaba
View
174
Download
4
Embed Size (px)
Citation preview
H E K A S I
5
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
PANAHANAN SA PANAHON NG IKAAPAT NA REPUBLIKA
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.
1
GRADE V
PANAHANAN SA PANAHON NG IKAAPAT NA REPUBLIKA
Pagmasdan mo ang nasa larawan.
Ang suliranin sa pagpapabahay at pagbibigay ng lupang mapagtatayuan ng pamahalaan para sa mga iskwater ay binigyan ng kalutasan sa panahon ng Ikaapat na Republika.
Nagsikap ang pamahalaan na mabigyang pagkakataon ang mamamayang may kakayahang magpatayo ng sariling tirahan, ang suliranin sa pagpapabahay at pagbibigay ng lupang mapagtatayuan ng panahanan para sa mga iskwater.
Sa modyul na ito matututuhan mo ang ginawa ng pamahalaan para sa pagpaparami sa mga tirahang maaaring ariin sa mababang halaga sa panahon ng Ikaapat na Republika.
Handa ka na ba?
ALAMIN MO
2
Bago mo simulan ang pag-aaral sa bagong aralin, magbalik-aral ka muna. Isulat mo sa iyong kuwadernong sagutan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong panahon maraming napinsalang tahanan?
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Espanyol C. Panahon ng Hapon D. Panahon ng Komonwelt
2. Alin ang mga lungsod na nilipatan ng mga taga lalawigan? A. Lungsod ng Quezon at Makati B. Lungsod ng Maynila at Lungsod ng Quezon C. Lungsod ng Maynila at Kamaynilaan D. Lungsod ng Caloocan at Maynila
3. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangasiwa sa paglilipatan ng mga mamamayan?
A. NARRA B. PICC C. PHHC D. RFC
4. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumulong sa pagsasaayos ng tahanan ng mga mamamayan?
A. NARRA B. PICC C. PHHC D. RFC
5. Aling ahensiya ang nagpapahiram ng salapi para sa nais na magpatayo ng bahay?
A. NARRA B. PICC C. PHHC D. RFC
PAGBALIK-ARALAN MO
3
Basahin mo ang Komiks strip na ito. Usapan ito ng isang opisyal ng pamahalaan at ng isang kolumnista ng pahayagan.
PAG-ARALAN MO
Hindi naman may relocation sites para sa mga iskwater ang inilaang panahanan ng pamahalaan
Ang suliranin sa pagpapabahay at pagbibigay ng lupang mapagtatayuan ng panahanan para sa mga iskwater ay wala yatang kalutasan
Naglunsad ang pamahalaan ng palatuntunang Balik Probinsiya. Binigyan ang mga iskwater ng salaping magagamit sa pagbabalik sa mga sariling lalawigan.
Ngunit patuloy pa rin silang nagiging suliranin ng pamahalaan
4
Ang palatuntunang ito na nasa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Human Settlements ay ang National Shelter Program-Pambansang Palatuntunan sa Pabahay
Isa-isahin ko sa iyo ang mga palatuntunan para sa pagpaparami ng mga tirahang maaaring ariin sa mababang halaga. Narito ang inihanda kong tsart.
Mayroon bang ginawang paraan ang pamahalaan para sa mga pabahay?
5
Pambansang Palatuntunan sa Pabahay
1. BLISS Bagong Lipunan Sites and Services itinayo ito sa mga tinatawag
na depressed areas sa mga lungsod at bayan-bayan, pati na sa tabi ng daang-bakal
2. PAG-IBIG para sa mga namamasukan sa pamahalaan at pribadong
tanggapan. Ang sinumang kasapi sa palatuntunang PAG-IBIG ay may karapatang humiram ng salapi na magagamit sa pagtatayo ng bahay.
3. Flexihome Program ito ay may tatlong uri
Tirahan para sa isang mag-anak
Tirahan para sa dalawang mag-anak na magkadikit
Ang multi-family dwelling para sa tatlo o higit pang bilang ang mag-anak.
4. Biglang Bahay Bond biglang pondo para sa pagpapatayo ng bahay at
pag-aari ng lote sa maraming mamamayan. 5. ZIP (Zonal Improvement Program) ito ay para sa pook ng mga iskwater
sa buong bansa, ayusin at pagagandahin ang lupa ng pamahalaan para sa paglilipatan ng mga iskwater.
6. Biglang Bahay layuning makalikom nang sapat na pondong panustos
sa proyekto ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpaparipa (raffle)
Nagpatayo ng mga imprastraktura sa mga pamayanan ng mga pabahay ang pamahalaan.
Bukod sa mga tirahan ng mga mamamayan, may mga proyekto na ang pamahalaan para sa kanilang pangangailangan?
6
Sa palatuntunan na pagpapabahay mahalaga ang tulong na ibinibigay ng pribadong sektor lalung-lalo na sa paglaan ng pondo.
Maayos ang inilaan ng pamahalaan para sa pabahay. Ang mga nabiyayaan ay hindi lamang ang mga iskwater kundi ang mga kawani.
Ito ang mga lansangan, pamilihan, paaralan at mga pagawaan na kung saan makapaghahanapbuhay ang mga naninirahan sa mga pabahay na itatayo.
Anu-ano naman ang mga ito?
7
Napag-aralan mo na ang mga tulong na ginawa ng pamahalaan para sa pabahay. Lagyan mo ng tamang palatuntunan sa pabahay ang bawat petal ng flower web
Tanong: 1. Paano nilutas ng pamahalaan ang tungkol sa pabahay? 2. Anu-anong ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong sa pagpapabahay
ng mga mamamayan? 3. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagpapautang sa mga kawani ng
pamahalaan at pribadong tanggapan.
Mga Palatuntunan sa Pabahay
8
Subukin mo ang iyong natutunan sa modyul na ito. Panuto: Isulat ang napili mong sagot sa kuwadernong sagutan. I. Piliin ang maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng mga pook-
iskwater. _____A. Pandarayuhan sa ibang pook _____B. Kahirapan ng buhay _____C. Pagkawili sa tabing ilog _____D. Paglaki ng populasyon _____E. Paghanap ng mapapasukan
II. Piliin kung alin sa sumusunod ang tumutulong sa paglutas ng suliranin
sa pabahay _____A. Pagtatag ng PAG-IBIG _____B. Relocation Site _____C. Ministry of Human Settlement _____D. Pagkakaroon ng halalan _____E. ZIP (Zonal Improvement Program)
Maraming proyekto ang inilunsad ng pamahalaan upang malunasan ang mga suliranin sa pabahay sa panahon ng Ikaapat na Republika.
PAGSANAYAN MO
TANDAAN MO
9
Basahin mo ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin mo ng buong katapatan ang
tanong pagkatapos nito.
Maraming mga iskwater sa inyong lugar ang pinalilipat sa pabahay ng pamahalaan ngunit ito ay sa isang malayong lugar. Kung isa ka sa mga iskwater nanaisin mo bang lumipat? Bakit/Bakit hindi?
Naririto ang isang Rap. Basahin at pagkatapos ay isaulo mo. Game ka na?
Ngayon handa ka na ba sa pagsusulit. I. Panuto: Piliin at isulat mo sa kuwadernong sagutan ang titik ng tamang
sagot.
ISAPUSO MO
GAWIN MO
PAGTATAYA
Ibat-ibang panahanan Sa ibat-ibang panahon
May maayos at may tahimik May gulo at may sindak
Masarap manirahan Sa sariling tahanan
Na gusto mo, gusto ko At gusto ng lahat. Yeah!
10
1. Alin sa sumusunod ang ginawa ng pamahalaan upang malutas ang
suliranin ng mga iskwater? A. Pinaalis ang mga iskwater sa kanilang pook-tirahan. B. Nagtatag ng panahanan para sa mga iskwater. C. Pinautang ang mga iskwater para sa pagpapatayo ng bahay. D. Pinapunta ang mga iskwater sa pook na kanilang
pinanggalingan.
2. Alin sa sumusunod ang pinakamabuting paraan na makahihikayat sa mga iskwater na mamalagi sa mga panahanang inihanda ng pamahalaan?
A. Pagpapatayo ng mga palengke. B. Pagpapagawa ng maayos na daan. C. Pagpapagawa ng malalaking bahay. D. Pagpapatayo ng mga sentrong mapagkakakitaan.
3. Alin sa mga sumusunod ang nagbigay ng salaping magagamit ng iskwater sa pagbabalik nila sa mga sariling lalawigan?
A. Relocation Sites B. Balik-Probinsiya C. Biglang Bahay Bond D. PAG-IBIG
4. Alin sa mga sumusunod na pabahay ang itinayo sa mga tinatawag na depressed area o mahihirap na pamayanan sa mga lungsod at bayan-bayan?
A. Biglang Bahay Bond B. BLISS C. Flexihome Program D. PAG-IBIG
5. Aling proyekto ng pamahalaan ang naitayo sa mga pamayanang pabahay?
A. Infrastructure B. Charismatic C. Bataan Youth Civic Circle D. LGU
11
II. Panuto: Pagtambalin mo ang hanay A sa hanay B. Titik lamang ang
isulat sa iyong kuwadernong sagutan.
Hanay A Hanay B
____1. Itinayo sa mga depressed area
____2. Pabahay para sa mga
namamasukan sa pamahalaan at pribadong tanggapan.
____3. Itoy biglaang pondo para sa
pagpapatayo ng bahay ____4. Ang pagtutugma ng laki at
ayos tirahan sa laki ng pamilya
____5. Ito ang namamahala sa mga
pangangailangan na dapat matagpuan sa mga pabahay na ipinatayo ng pamahalaan
A. Biglang Bahay Bond B. BLISS C. Flexihome D. Infrastructure E. PAG-BIG F. Relocation Sites
Gumawa ka ng patalastas tungkol sa kabutihan ng programa sa pagtatatag ng panahanan.
PAGPAPAYAMANG-GAWAIN
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
12
Cover_Panahanan sa panahaon ng Ikaapat na RepublikaPanahanan sa Panahon ng Ikaapat na Republika