Author
jonathan-paranada
View
3.804
Download
1
Embed Size (px)
*Mga Mungkahing Gawain para sa Ikaapat
na Araw(Una at Ikalawang Markahan)
*mga pagsasanay, pagtataya, paalala at iba pang gawaing magsisilbing panghubog sa kasanayan at
kaalamang naitalaga*maaari ring magsilbing follow-up o key
intervention para sa mga kasanayang kailangan pang hubugin
Unang Markahan: Linggo 1
“Batang-bata ka pa”
*Pagbuo ng Simbolo*Pagsulat ng Talata
Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”
*Pagbuo ng Simbolo
- balikan ang uri (tuwiran, di-tuwiran)
- magbigay ng iba pang halimbawa ng akda na sinadyang maraming ginamit na simbolo
- magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang bagay (hal. bulaklak, krus, agila) at hayaang magbigay ng sagot na maaaring sinisimbolo ng mga ito
- (pabigkas) gamit ang iba pang lunsarang akda (na maraming simbolong ginamit) hayaang tuklasin ng mga mag-aaral ang mga ginamit na simbolo mula rito at humingi ng patunay bilang pagpapatibay sa kanilang kasagutan.
Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”
*Pagsulat ng Talata
-balikan ang uri (Naglalahad, Naglalarawan, Nagsasalaysay, atbp.)
- alalahanin ang mga:
Mga Dapat Tandaan:
*layunin (bakit ka nagsusulat?)
*madla (para kanino kaya ka nagsusulat?)
*persona (sino ka at ano ka bilang manunulat?)
Iba pang Dapat Tandaan:
*4B (bantas, balarila, baybay, walang banyagang salita)
*nilalaman
*panuto
*estilo
*pamagat
*KKK (kaisahan, kaayusan, kabuuan)
Unang Markahan: Linggo 1“Batang-bata ka pa”
*Pagsulat ng Talata
- bago ang kani-kaniya / indibidwal na gawaing pasulat, mas makabubuting magparanas muna sa klase ng SAMA-SAMANG PAGBUO NG SULATIN (pisara)
*mula ito sa pagpili ng paksa hanggang sa paglalagay ng angkop na pamagat
Hal. ng RUBRIK para sa SANAYSAY
4B 5 4 3
Kaisahan 5 4 3
Kaayusan 5 4 3
Kabuuan 5 4 3
Estilo 3 2 1
Panuto 2 1
- Mula sa nakuha/nabasa/namarkahang 33% na sulatin ng mga mag-aaral, maaaring gamitin ang mga datos na makakalap upang muling balikan ang mga KARANIWANG PAGKAKAMALI ng mga mag-aaral.
Unang Markahan: Linggo 2
“Ang Sundalong Patpat”
*Talasalitaan*Readers' Theatre
Unang Markahan: Linggo 2“Ang Sundalong Patpat”
*Talasalitaan
Mga Paraan sa Pagtuklas ng Kahulugan
*kunin ang salitang-ugat
*sumangguni sa diksyunaryo
*balikan kung paano ginamit sa pangungusap (konteksto)
*magtanong sa nakatatanda
- Magpalaro sa mga mag-aaral upang matiyak sa bawat isa na marunong silang tumingin at sumangguni sa diksyonaryo. Magbigay ng 3-4 na salita, isasaayos nila ito sa kung ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito.
- Sa paghanap ng kahulugan, magbigay ng maraming halimbawang salita na sadyang nagtataglay rin ng maraming kahulugan ngunit iisa ang paraan ng pagbaybay. (Hal. “bata”)
-Magsisilbing quiz ang mga pagsasanay (drills) na isinagawa.
- Dito makikita ang consistency ng mga mag-aaral na may kahinaan pa sa kasanayan at maging ang mga pamamaraan sa pagsagot at pag-iisip sa paghanap ng talasalitaan.
Unang Markahan: Linggo 2“Ang Sundalong Patpat”
*Readers’ TheatreMga Dapat Tinataglay:
May Mahusay na Nilalaman Kahusayan sa Pagbigkas Talab sa ManonoodMalikhain
Unang Markahan: Linggo 3
“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat na
“ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong
*Simbolo (sarili)*Talatang Naglalarawan
Unang Markahan: Linggo 3“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat
na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong
*Simbolo (sarili)
- sa pagpili ng simbolo, natiyak bang:
> angkop ang mga katangian ng 2 bagay?
> naipaliwanag nang maayos ang dahilan kung bakit ito ang napiling simbolo?
Unang Markahan: Linggo 3“Isang Dosenang Klase ng High School Students” mula sa Aklat
na “ABNKKBSNPLAko” ni Bob Ong*Talatang Naglalarawan
Hal. ng RUBRIK para sa TALATA
4B 5 4 3
Kaisahan 5 4 3
Kaayusan 5 4 3
Kabuuan 5 4 3
Estilo 3 2 1
Panuto 2 1
Unang Markahan: Linggo 4
“Isandaang Damit” ni Fanny Garcia
*Idyoma, Simili, Metapora
Unang Markahan: Linggo 4“Isandaang Damit” ni Fanny
Garcia
*Idyoma
- magpapalaro sa klase tulad ng pagpapakita ng mga larawan at mag-uunahan ang mga mag-aaral na sabihin kung anong idyoma ang ipinapakita nito
Unang Markahan: Linggo 4“Isandaang Damit” ni Fanny
Garcia*Simili/Metapora
- balikan ang kahulugan, pagkakaiba/pagkakatulad at magbigay ng maraming halimbawa.
- simulan ito sa SALITA (bagay), pag-iisip kung ano ang maaaring ikumpara rito patungo sa gamit nito sa pangungusap, sa talata, sa sanaysay, sa kuwento, sa tula at sa iba pa.
- PAGTUKOY (identification) kung ano ang ginamit sa pahayag: simili, metapora
- PAGKILALA kung ano ang bagay na kinumpara at pinagkumparahan
-PAGGAWA ng sariling halimbawa
Unang Markahan: Linggo 5
Kung Bakit Umuulan
*Alamat*Poster
Unang Markahan: Linggo 5Kung Bakit Umuulan
*Alamat
- kahulugan, katangian, kahalagahan, tungkol saan ang ALAMAT?
*Poster
HAL. ng RUBRIK ng POSTER
Nilalaman 6 5 4
Pagkamalikhain 5 4 3
Katapatan sa Paksa 5 4 3
Kalinisan 3 2 1
Panuto 1 0
Unang Markahan: Linggo 6
Alamat ni Tungkung Langit ni Roberto Añonuevo
*Alamat
*Paggawa ng Banghay
Unang Markahan: Linggo 6Alamat ni Tungkung Langit ni
Roberto Añonuevo*Alamat
-Tungkol saan ang alamat?
- Ano ang pagkakaiba nito sa iba pang genre?
PAGSULAT
*tiyaking napapaloob ang mga katangian ng alamat
PAGBIGKAS
*naiparanas ba sa klase ang tradisyong pasalita (oral tradition) na pinagmulan ng alamat?
Unang Markahan: Linggo 6Alamat ni Tungkung Langit ni
Roberto Añonuevo
*Paggawa ng Banghay Masasagot ba ng ginawang banghay ang sumusunod na tanong?
-> nandito na ba lahat ang nais kong isulat?
-> malinaw ba ang daloy ng pagkakasunud-sunod nito?
-> kuntento na ba ang sa saklaw o sakop ng isusulat ko?
-> isinaalang-alang ko ba ang persona, madla at layunin sa pagbuo ko nito?
Unang Markahan: Linggo 7
“Salamin” ni Assunta Cuyegkeng
*Tula
Unang Markahan: Linggo 7“Salamin” ni Assunta Cuyegkeng
*Tula
- maaaring makatulong kung bigyang-pansin ang pormalistikong pananaw (uri, elemento)
- bago ang kani-kaniya / indibidwal na gawaing pasulat, mas makabubuting magparanas muna sa klase ng SAMA-SAMANG PAGBUO NG SULATIN (pisara)
- maaaring magsimula sa tulang may sukat at tugma (TANAGA) hanggang sa maiparanas sa klase ang pagsulat ng tulang may malayang taludturan
Hal. ng RUBRIK para sa TULA
Bantas 5 4 3
Baybay 5 4 3
Balarila 5 4 3
xBanyaga 5 4 3
Nilalaman 5 4 3
Panuto 5 4 3
Unang Markahan: Linggo 8
“Ang Pintor” ni Jerry Gracio
*Tayutay*Pagbigkas ng Tula
Unang Markahan: Linggo 8“Ang Pintor” ni Jerry Gracio
*Tayutay
- pasalita man o pasulat, mahalagang malinaw ang kasanayang nalinang sa mag-aaral:
+PAG-ALAM, kung batid ng mag-aaral na may ginamit na tayutay sa teksto/akda
+PAGTUKOY, kaya ng mag-aaral na tukuyin/sabihin ang uri ng tayutay na ginamit sa teksto/akda
+PAGBUO, (may padron man o wala) may kakayahan ang mag-aaral na gumawa ng halimbawa ng pahayag na may tayutay
*dito makapipili ang guro ng pagsasanay na aangkop sa
pangangailangan ng klase
Unang Markahan: Linggo 8“Ang Pintor” ni Jerry Gracio
*Pagbigkas ng Tula
- saulado man o binabasa, kailangang malinaw sa mag-aaral ang nilalaman at konteksto ng kaniyang bibigkasing tula upang mas maging ganap at may sandigan ang paraan ng pagbigkas niya rito:
- Hal. ng rubrik ng pagbigkas ng tula:
Lakas (Volume) 20 17 15 12
Bigkas (Pronunciation)
20 17 15 12
Ginhawa (Self-Confidence,
Comfortability)
20 17 15 12
Kulay (Emotion, Color)
20 17 15 12
Ugnay (Audience Impact)
20 17 15 12
Unang Markahan: Linggo 9
Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat
*Pagbubuod ng Maikling Kuwento
Unang Markahan: Linggo 9Impeng Negro ni Rogelio R. Sicat
*Pagbubuod ng Maikling Kuwento -pabigkas man o pasulat, kailangang matiyak sa mga mag-aaral na sa pagbubuod, dapat tandaan na:
^malinaw pa rin ang daloy ng pangyayari
^nailalarawan pa rin nang maayos ang mga tauhan at ang kanilang papel sa kuwento
^natutukoy ang mga lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento
^nag-iiwan sa tagapakinig o mambabasa ng kakaibang dating at pag-unawa kahit buod lamang ang napakinggan o nabasa
Unang Markahan: Linggo 10
Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan
*Pagbubuod at Presentasyon
Unang Markahan: Linggo 10Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan
*Pagbubuod at Presentasyon
- ang pinakamabigat na pagsubok sa bahaging ito ng guro at mag-aaral ay ang matiyak ang katapatan sa paksa ng nilalaman at presentasyon
- para sa guro, mahalagang itanong ang sumusunod sa mag-aaral na magtatanghal:Nakasunod ba sa mga panuto?
Angkop ba ang presentasyon sa paksa at nilalaman?
Malinaw ba ang layunin ng gawain para sa lahat ng miyembro?
Anu-ano ang naging o magiging balakid para sa ikatatagumpay ng pangkatang gawain?
Anu-ano ang posibleng solusyon para sa
mga nabanggit na balakid?