12
Ang Panahon ng Renaissance “Re- Birth” ARALIN 22

Ang panahon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang panahon

Ang Panahonng Renaissance

“Re- Birth”

ARALIN

22

Page 2: Ang panahon

Renaissance• Simula noong ika-14 siglo, ininilang ang isang bagong ideya na Malaki ang

pagkakaiba sa namamayaning pag-iisip sa Middle Ages. Ang pananaw nitonoon ay hinggil sa kalawakan, lipunan, at tao ay unti-unting nabago nangsimulang ibatay ito sa agham at sekularismo.

• Ang Sekularismo ay paniniwalang ang mga gawain ng tao ay nakabatay saebidensya at katotohanan, hindi sa pamahiin at paniniwalang panrelihiyon.Dahil sa naranasan at nasaksihang paghihirap at suliranin sa huling bahagi ngMiddle Ages, hindi naging katanggap-tanggap ang mga interpretasyongrelihiyoso hinggil sa kalikasan.

• Tinangkang gamitin ang reasoning o pangangatwiran para sa pagsusuri ngmga bagay at pagbubuo ng mga institusyon.

• Humina ang simbahan bunga ng pagkakahati nito sa Panahon ng Great Schismnoong ika-14 siglo kung saan dalawa ang namuong Papa

1

Page 3: Ang panahon

KAHULUGAN NG RENAISSANCE

• Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 siglo, isinilang angRenaissance.

• Ito ay nangangahulugang “Muling Pagsilag” o “re-Birth”.

• Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang Kultural oIntelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturangGreek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mganasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa MiddleAges tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

• Nagsimula ang Renaissance sa Italy, pagkatapos ay lumaganap sa Germany,France, England at Spain sa huling bahagi ng ika-15 hanggang ika-17 siglo.

2

Page 4: Ang panahon

PAG-USBONG NG RENAISSANCE

• Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sakagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksyon saEuropa noong Middle Ages.

• Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ngpangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ngmaunlad na kalakalan. Ang yaman ng mga lungsod-estado ay hindinakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Kapagnangangailangan ang mga Papa, Hari o Panginoong maylupa,nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker.

• Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ngmangangalakal at banker.

3

Page 5: Ang panahon

ANG PAMILYANG MEDICI

• Ang pamilya Medici ang sinasabing gumabay sa kapalaran ngFlorence, Italy mula ika-15 hanggang ika-18 siglo. Yumaman angpamilyang ito at naging kilala sa Europa bilang mga Duke ngTuscany dahil sa pagiging mangangalakal at banker.

• Bilang mga patron ng sining at karunungan, napag-ibayo ng mgaMedici ang paglaganap ng Renaissance sa pamamagitan ngpagpapatayo ng pampublikong aklatan na sentro ng pag-aaral atpagsuporta sa mga pintor at eskultor.

4

Page 6: Ang panahon

ANG MGA HUMANISTA

• Ang mga tagapagtaguyod ng Renaissance ay kilala bilang mgaHumanista dahil ang pinagtuunan nila ng pansin ay ang mgaasignatura sa Humanidades gaya ng wikang Latin at Greek,komposisyon at pilosopiya, maging ng Matekatika at musika.

• Sila din ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal nasibilisasyon ng Greece at Rome.

• Ang ama ng humanism ay si Frensco Petrarch.

5

Page 7: Ang panahon

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN

POLITIKA

Kinakitaan ang Europe ngpaglalabanang political. Angnaglalaban-laban para sapamumuno ay ang Papa, angemperador ng Holy RomanEmphire, at ang mga pinuno ngFrance at Spain. Isa sakanilang mga hangarin ay angmaibalik ang katanyagan atkapangyarihan na kahalintuladng naganap sa panahon ngImperyong Roman. Marami ringmanwal ang naisulat hinggil sakung paano maging masepektibo ang pamumuno, ayonkay Niccolo Machievalli, “Theend Justifies the means.”

KASAYSAYAN

Naniniwala ang mgahumanista na mahalaga angpag-aaral ng kasaysayanupang maunawaannila angpanahong kanilangkinabibilangan. Maynatuklasan din silang mgahuwad na dokumento kungkaya nagsimula silangmagsiyasat sa pagigingmakatotohanan ng mgadiumano’y isinulat ng mgaeksperto.

PANITIKANMapapansin sa mga akda ngmga manunulat ngRenaissance ang paghamonsa mga kaisipan ng MiddleAges, lalo na sa ideya ngpagiging makapangyarihansa Simbahan. Binalikan dinnila ang panitikan ng mgasinaunang Greek at Romanupang magbigay nginspirasyon sa tema atideya.

6SINING

Ang katangian ng sining sa

panahong ito ay

maihahalintulad sa sining

na klasikal ng Roman at

Greek kung saan binigyang

halaga ang pagiging

kakaiba ng bawat mukha

at pigura ng tao.

Si Gitto di Bondone ang

unang gumamit ng teknik

sa paglikha ng perspektiba

noong ika-14 siglo.

Page 8: Ang panahon

MGA KABABAIHAN SA RENAISSANCE

• Bagama’t limitado sa pagkakataon at karapatan, may kababaihan ding nagkaroonng ambag sa humanism, lalo na sa larangan ng sining , panitikan at mga kaisipangteolohikal at sekular.

7

EPEKTO NG PALIMBAGAN SA PAGLALAGANAP NG

RENAISSANCE• Gumamit na ang mga Europeo ng woodblock printing simula ika-12 siglo. Kahawig ito ng ginagamit

ng mga Tsino simula 800 C.E. Noong unang bahagi ng dekada 1450, nakapaglimbag ang German na si

Johann Gutenberg ng unang aklat, isang kopya ng Bibliya, gamit ang naimbento niyang movable type

na mas modern kaysa naunang tipo.

• Ang mahalagang ideyang umusbong sa panahon ng Renaissance ay hindi lalaganap kung hindi dahil sa

pagkakaimbento ng palimbagan. Pagdating ng ika-16 siglo, laganap na sa Europe ang halos siyam na

milyong kopya ng 40 iba’t ibang aklat. Karamihan dito ay mga akdang panrelihiyon, mga klasiko,

mga akdang may kinalaman sa batas, pilosopiya at iba pa.

Page 9: Ang panahon

Maikling Pagsusulit batay sa Tinalakay na aralin

1-10

Tara na’t

Magbalik Aral !!

8

Page 10: Ang panahon

PANUTO: PILIIN ANG TAMANG SAGOT SA LOON NG KAHON

• Ito ang nangangahulugang “Muling Pagsilang”?

• Saan unang nagsimula ang Renaissance?

• Anong pamilya ang gumabay sa kapalaran ng Florence, Italy mula ika-15hanggang ika-18 na siglo?

• Sino ang ama ng Humanismo?

• Sino ang ama ng humanism?

• Sino ang may akda ng “The Prince”?

• Tumutukoy sa paglalarawan ng tao o bagay batay sa tunay na anyo nito?

• Ano ang ginamit ng mga Europeo na kahawig ng ginamit ng mga Tsino sapaglilimbag?

• Ano ang hangarin ng Politika sa panahon ng Renaissance?

• Ilang mga kopya ang lumaganap noong panahon ng Renaissance?

9

Page 11: Ang panahon

RENAISSANCE

IKA-16 SIGLO

ITALY

PAMILYANG MEDICCI

FRENCESCO PETRARCH

NICCOLO MACHIEVELLI

REALISMO

LEONARDO DA VINDI

MONALISA

MICHAELANGELO

WOODBLOCK PRINTING

KATANYAGAN

SIYAM NA MILYONG KOPYA

KAHARIAN

10

Page 12: Ang panahon

MARAMING

SALAMAT !!