193
ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA PANAHON MODYUL 2

Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

the glory that was Greece, the grandeur that was Rome

Citation preview

Page 1: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT

TRANSISYUNAL NA PANAHON

MODYUL 2

Page 2: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PANIMULA“Change is inevitable”. Karaniwan nang naririnig ang

ganitong kasabihan. Lahat ng bagay sa mundo ay dumadaan sa prosesong ito. Kahit ikaw, marami ka nang pinagdaanang pagbabago mula noon hanggang ngayon. Kung iisipin, tao lang ba ang nagbabago o lahat ng bagay sa daigdig? Paano ba narating ng mundo ang kalagayan nito sa kasalukuyan? Marahil ay may mga pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago. Nais mo ba itong malaman?

Sa Yunit na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa Kasaysayan ng Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Inaaasahang sa pagtatapos ng iyong paglalakbay panahong ito ay masasagot mo ang katanungang: Paano nakaimpluwesiya ang mga kontribusyon ng Klasikal at Transiyunal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig?

Page 3: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MGA ARALIN AT SAKOP NITOAralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa EuropeAralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa PacificAralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon

Page 4: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAG-USBONG AT PAG-UNLAD NG MGA

KLASIKAL NA LIPUNAN SA EUROPE

ARALIN 1

Page 5: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Ang Olympics ay isang pampalakasang paligsahan na nilalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa. Noong 2008, natuon ang pansin ng lahat sa Asia dahil sa ginanap na Olymics sa Beijing, China. Saan at kailan nga ba nagsimula ang paligsahang ito?

Page 6: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Naganap ang kauna-unahang Olympics noong 776 BC sa Olympia - isang lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kontribusyon ito ng Klasikal na Kabihasnan sa Europe na kinabibilangan ng Kabihasnang Greece at Rome.

Page 7: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad, at pagbagsak ng mga Kabihasnang Greece at Rome. Masasagot din ang katanungang: Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?

Page 8: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ALAMIN

Page 9: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANO ANG GUSTO KO? GAWAIN 1

Page 10: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 1: ANO ANG GUSTO KO?Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga

tanong tungkol dito.

Page 11: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tipikal

na anyo ng isang lungsod - estado noong Panahong Klasikal? Ipaliwanag.

2. May pagkakatulad ba ang makikita sa larawan, sa karaniwang tagpo sa mga lungsod sa kasalukuyang panahon? Patunayan

Page 12: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

I – R –F CHART GAWAIN 2

Page 13: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 2: I-R-F CHARTPanuto:Basahing mabuti ang tanong. Pagkatapos ay isulat sa bahaging “initial” ng diagram ang maiisip na sagot.

Page 14: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAUNLARIN

Page 15: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAPA - SURI GAWAIN 3

Page 16: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 3: MAPA - SURISuriin ang mapa upang makita ang

kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad ng kabihasnan nito.

Page 17: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang mga anyong tubig na

malapit sa Greece?2. Saang direksyon ng Greece

makikita ang Isla ng Crete?3. Paano nakaimpluwensiya ang

lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng Kabihasnang Greek?

Page 18: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO GAWAIN 4

Page 19: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 4: MAGBASA AT MATUTOPanuto: Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

Page 20: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 4: MAGBASA AT MATUTO

Page 21: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 4: MAGBASA AT MATUTO

Page 22: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MINOANS Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.

Page 23: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MINOANSHindi nagtagal, kinilala ang

Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.

Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.

Page 24: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MINOANSSa pamayanang Minoan ay may

apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

Page 25: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MINOANS Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.

Page 26: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG 1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan?

________________________________________________________

2. Ano ang dahilan ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?

________________________________________________________

3. Sino-sino ang mga pangkat ng tao sa pamayanang Minoan?

________________________________________________________

4. Bakit nagwakas ang Kabihasnang Minoan?

________________________________________________________

Page 27: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MYCENAEANBago pa man salakayin at sakupin ng

mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece.

Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece.

Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek.

Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. I

lan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.

Page 28: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MYCENAEANBagamat walang naiwang mga

nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin – salin ng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag - ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.

Page 29: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MYCENAEAN Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon ding kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian.

Page 30: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA MYCENAEAN Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang Dark Ages o madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian.

Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.

Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Page 31: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG Ano-anong impormasyon ang mahahalaw mula a teksto?

1. __________________________________________________

2. ___________________________________________________

3. ____________________________________________________

4. ____________________________________________________

5. ____________________________________________________

Page 32: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DALOY NG PANGYAYARI GAWAIN 5

Page 33: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 5: DALOY NG PANGYAYARIPanuto: Batay sa binasang teksto, isulat ang limang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong Minoan at Mycenean.

Page 34: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Batay sa mga tekstong binasa, ano

ang katangian ng kabihasnang Minoan at Mycenean?

2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenean?

3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng kabihasnang Greek?

Page 35: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 B.C.E. hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Page 36: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO GAWAIN 6

Page 37: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 6: MAGBASA AT MATUTOPanuto: Basahin at unawain ang mga tekstong ilalahad sa bahaging ito. Sagutin din ang mga katanungan sa bawat kahon.

Page 38: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA POLISDahil sa mga digmaan bago pa ang

Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5,000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod - estado. Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod.

Page 39: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA POLISSa panahon ng digmaan, ito

ang naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis, matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa

Page 40: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA POLIS Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod - estado ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bomoto, magkaroon ng ari -arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.

Page 41: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA POLISBilang kapalit, sila ay dapat na

makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng kalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod - estado o metropolis.

Page 42: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG MGA POLIS Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

Page 43: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA

Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa rito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot.

Page 44: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA

Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo - militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.

Page 45: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA

Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.

Page 46: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SPARTA, ANG PAMAYANAN NG MGA MANDIRIGMA

Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu - labo kung makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

Page 47: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang pangunahing katangian

ng Sparta bilang isang lungsod-estado ng Greece?

2. Paano sinasanay ang mga Spartan upang maging malakas?

3. Paano nakabuti at nakasama ang paraan ng disiplina ng mga Spartan?

Page 48: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO Sa simula ng 600 B.C.E., ang

Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.

Page 49: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO Sa sinaunang kasaysayan,

ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.

Page 50: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO Sa simula, ang Athens

ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika.

Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan.

Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan

Page 51: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO Di nagtagal, nagnais ng

pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco, isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay – pantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng politika.

Page 52: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO

Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. sa pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.

Page 53: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO

Noong mga 546 B.C.E., isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa walang lupang mga magsasaka.

Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko.

Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo.

Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga nangunguna sa drama.

Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek.

Page 54: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO Noong 510 B.C.E., naganap

muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes.

“Ama ng Demokrasya ng Athens”

Page 55: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO

Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya, ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng lupa o wala.

Page 56: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO

Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga mamamayan.

Page 57: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG ATHENS AT ANG PAG-UNLAD NITO Sa pagsapit ng 500 B.C.E.,

dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

Page 58: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang pangunahing katangian

ng Athens bilang lungsod - estado ng Greece?

2. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig?

3. Nakabuti ba sa Greek ang pagpapatupad ng demoksrasya? Patunayan.

Page 59: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAGHAHAMBING GAWAIN 7

Page 60: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 7: PAGHAHAMBINGPanuto: Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad atpagkakaiba ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ngsinaunang Greece.

Page 61: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Paano nakaimpluwensiya ang

lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian?

2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad ng Kabihasnang Greek?

3. Kung nabuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliiing tumira, sa Athens o sa Sparta? Ipaliwanag ang sagot.

Page 62: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO GAWAIN 8

Page 63: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 8: MAGBASA AT MATUTOBagamat ang Greece ay binubuo ng iba’t

ibang lungsod-estadong malaya sa isa’t isa, iisa lamang ang wika at kultura ng mga Greek. Mataas ang tingin nila sa isa’t isa, samantalang hindi edukado at mababa ang tingin nila sa mga hindi Greek.

Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga kalapit na kabihasnan. Matutunghayan mo sa bahaging ito ang mga digmaang kinasangkutan ng Greece.

Page 64: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG BANTA NG PERSIA Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran.

Noong 546 B.C.E., sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor.

Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito.

Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E.

Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni Darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop sa Greece.

Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma.

Page 65: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA (499-479 B.C.E.)

Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E. sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang - silangan ng Athens. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang humigit - kumulang 25,000 puwersa ng Persia. (Battle of Marathon)

Page 66: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA (499-479 B.C.E.)

Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa Athens. Noong B.C.E., isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae, isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece. Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga - Sparta sa ilalim ni Leonidas ang nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang katapangan at kahusayan ng mga taga - Sparta sa pakikipagdigma. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang puwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas. (Battle of Thermopylae)

Page 67: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG DIGMAANG GRECO- PERSIA (499-479 B.C.E.)

Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Nahirapang iwasan ng malaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa - isang lumubog ang plota ng Persia. Ang nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga lungsod-estado ng Greece sa pamumuno ni Pausanias ng Sparta. Kabilang sa alyansang ito ang Athens, Sparta, Corinth, at Megara. (Battle of Salamis)

Page 68: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG Ano ang dahilan ng pagtatagumpay ng Greek laban sa malaking puwersa ng Persia? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 69: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DIGMAANG PELOPONNESIANNais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod - estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens.

Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League.

Page 70: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DIGMAANG PELOPONNESIANNoong 431 B.C.E., nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 B.C.E.

(Peloponnesian War)

Page 71: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DIGMAANG PELOPONNESIANLahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga desisyon.

Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upang iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod laban sa kanya mismong mga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad at binigyang-muli ng pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens. Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mga Sparta at noong 404 B.C.E., sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades.

Page 72: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DIGMAANG PELOPONNESIANAng dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.

Page 73: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG Ano ang epekto sa Greece ng hidwaan at digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado nito? Ipaliwanag

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 74: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

A – K – B CHART GAWAIN 9

Page 75: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 9: A – K – B CHARTPanuto: Punan ang diagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang teksto.

Page 76: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 9: A – K – B CHART

Page 77: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang pinakamahalagang

kontribusyon ng mga Spartan at Athenian sa daigdig?

2. Alin sa sumusunod na kontribusyon ang may kaugnayan sa kasalukuyan? Patunayan.

Page 78: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO

GAWAIN 10

Page 79: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 10: MAGBASA AT MATUTOBasahin at unawain ang teksto tungkol

Ginintuang Panahon ng Athens.

Page 80: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon - taon ay nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong 429 B.C.E.

Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang Athens.

Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan

Page 81: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”

Page 82: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika, musika at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining, politika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral.

Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito.

Page 83: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan.

Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.

Page 84: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang pambahay.

Page 85: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mga tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao.

Page 86: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece. Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon.

Page 87: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle.

Page 88: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto.

Page 89: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.

Page 90: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World.

Page 91: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang “Ama ng Kasaysayan.” Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates.

Page 92: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika.

Page 93: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pito ay maswerteng mga numero.

Page 94: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at makipagdebate sa mga Asembleya.

Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito.

Page 95: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat

Page 96: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.

Page 97: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GININTUANG PANAHON NG ATHENS

Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t ibang dula-dulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan.

Page 98: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

TALAHANAYAN, PUNAN MO

GAWAIN 11

Page 99: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 11: TALAHANAYAN, PUNAN MOMula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang

panahon ng Athens, buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan.

Page 100: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang epekto ng

kabihasnang Greece sa kasalukuyang panahon?

2. Alin sa mga nabanggit na kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan.

Page 101: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO

GAWAIN 12

Page 102: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 12: MAGBASA AT MATUTOBasahin at unawain ang nilalaman ng

sumusunod na tekstotungkol sa paglakas ng Imperyong Macedonia at pagbagsak ng mga lungsod-estado ng Greece.

Page 103: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

IMPERYONG MACEDONIAN

Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia , na pag-isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kaniyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado. Ang pagkatalo ng Athens at Thebes ay hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado. Ang buong Greece, maliban sa Sparta, ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.

Page 104: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

IMPERYONG MACEDONIAN

Naging tanyag na pinuno ng Macedonia ang anak ni Philip na si Alexander the Great. Noong siya ay bata pa lamang, naging guro niya si Aristotle na nagturo sa kaniya ng pagmamahal sa kultura at karunungan. Habang lumalaki, natutuhan niya ang kagalingan sa pakikipagdigma. Siya ay 21 taong gulang nang mamatay ang kanyang ama at naging hari ng Macedonia at Greece. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno si Alexander. Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan.

Noong 323 B.C.E., sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman.

Page 105: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG 1. Ano ang dahilan ng paghina ng mga lungsod-estado ng Greece? 2. Ano ang nagbigay-daan sa paglakas ng Macedonia? 3. Ano ang maituturing na kontribusyon ng Imperyong Macedonia sa mundo?

Page 106: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GREECE, SA ISANG TINGIN

GAWAIN 13

Page 107: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 13: GREECE, SA ISANG TINGINPunan ang word map ng maikling

pagpapaliwanag tungkol sa bawat konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word map ay sagutin ang tanong sa kahon.

Page 108: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 13: GREECE, SA ISANG TINGIN

Page 109: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 13: GREECE, SA ISANG TINGIN

Page 110: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong kanyang naitatag. Sa kabilang dako naman ng kanlurang Europe, isang pamayanan ang unti-unting namumukadkad. Ito ay ang Rome. Kung ang Greece ay kilala sa taguring “the glory that was Greece” makikilala ang Rome sa taguring “the grandeur that was Rome”. Ano kaya ang kahulugan nito? Halina’t iyong tuklasin.

Page 111: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Page 112: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO

GAWAIN 14

Page 113: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 14: MAGBASA AT MATUTOBasahin at unawain ang teksto tungkol sa

Kabihasnan ng Rome.

Page 114: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ROMA Ang Italy ay isang bansang matatagpuan sa kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece, ang Italy ay binubuo ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome.

Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

Page 115: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa pag - usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 116: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG SINAUNANG ROMEAng Rome ay itinatag sa kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng sakahang pamayanan sa Latium Plain.Ayon sa isang matandang alamat ang Rome ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus. Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.

Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong 753 B.C.E.

Ang mga Roman ay tinalo ng mga Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika, at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal, at kalakalan . Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko, mga aqueduct, mga barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng ubas, at paggawa ng alak.

Page 117: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG Paano nagsimula ang Rome? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 118: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG REPUBLIKANG ROMANO

Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari.

Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E.

Page 119: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG REPUBLIKANG ROMANO

Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.

Page 120: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ANG REPUBLIKANG ROMANO Republika lamang sa pangalan

ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul, ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado.

Mga kapos sa kabuhayan ang plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan.

Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.

Page 121: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG Batay sa binasang teksto, ilarawan ang mga sumusunod na bahagi ng Republikang Romano. Konsul - ______________________________ Diktador - ____________________________ Patrician - ____________________________ Plebeian - ____________________________

Page 122: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

TAGUMPAY NG PLEBEIAN LABAN SA PATRICIAN.

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan.

Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok.

Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod.

Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng

pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at

ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.

Page 123: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

TAGUMPAY NG PLEBEIAN LABAN SA PATRICIAN.

May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian.

Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian.

Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat.

Ang 12 Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman.

Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapg-asawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging ksapi ng Senado.

Page 124: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONGAno ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga plebeian?__________________________________________________________________________________________________Magbigay ng halimbawa ng pangyayari sa kasalukuyang panahon na maihahalintulad sa tinahak ng mga plebeian upang matamo ang kanilang karapatan. Ipaliwanag__________________________________________________________________________________________________Sa kasalukuyan, nabibigyan din ba ng kahalagahan ang kapakanan ng mga karaniwang tao? Patunayan__________________________________________________________________________________________________

Page 125: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAGLAGANAP NG KAPANGYARIHAN NG ROME

Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunud-sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite.

Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog.

Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E.

Nagwagi ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory.

Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng Italy.

Page 126: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAGLAGANAP NG KAPANGYARIHAN NG ROME

Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar.

Kadalasan, naging kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang nasakop na teritoryo.

Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para sa hukbong Roman.

Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy.

Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga hanggang sa Kipot ng Messina sa timog.

Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na kaaway nito - ang mga Carthagenian.

Page 127: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONGMula sa binasang teksto, isa-isahin ang pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 128: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Sa simula makapangyarihan ang Carthage sa dagat bagaman pawang upahan ang mga mandirigma nito dahil sa maliit na populasyon.

Ang mga Roman naman sa simula ay walang hukbong pandagat ni karanasan sa digmaang pandagat.

Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. Nagsisimula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa kanlurang bahagi ng Mediterranean.

Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, naging malaya ang Carthage at nagtatag ito ng imperyong komersyal na nasasakop ng hilagang Africa, silangang bahagi ng Spain, pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily.

Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang Punic - salitang Latin na nagmula sa pangalang Phoenicia. Sa digmaang ito napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.

Page 129: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Digmaang Punic Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan

Unang Digmaang Punic(264-241 B.C.E)

• Bagamat walang malakas na plota, dinaig ng Rome ang Carthage noong 241 B.C.E.

• Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay ang mga sundalo nito na maging magagaling na tagapagsagwan.

• Bilang tanda ng pagkakapanalo ng Rome, sinakop nito ang Sicily, Sardinia at Corsica

• Nanalo ang Rome laban sa Carthage.

Page 130: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Digmaang Punic

Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan

Ikalawanag Digmaang Punic (218-202 B.C.E)

• Nagsimula ito noong 218 B.C.E. nang salakayin ni Hannibal, ang heneral ng Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa Spain na kaalyado ng Rome.

• Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang timog France kasama ng mahigit na 40, 000 sundalo.

• Tinawid din nila ang bundok ng Alps upang makarating sa Italy.

• Tinalo ni Hannibal ang isang malaking hukbo ng Rome sa Cannae noong 216 B.C.E. subalit hindi naghangad si Hannibal na salakayin ang Rome nang hindi pa dumarating ang inaasahang puwersa na manggagaling sa Carthage.

• Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio Africanus, sinalakay ng mga Roman ang hilagang Africa upang pilitin si Hannibal na iwan ang Italy at tumungo sa Carthage upang sagipin ang kaniyang mga kababayan.

• Natalo si Hannibal sa labanan sa Zama noong 202 B.C.E.

• Sa isang kasunduang pangkapayapaan noong 201 B.C.E, pumayag ang Carthage na siraon ang plota nito, isuko ang Spain, at magbayad ng buwis taon-taon sa Rome

Page 131: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Digmaang Punic

Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan

• Ikatlong Digmaang Punic (149-146 B.C.E)

• Matapos ang 50 taon, naganap ang Ikatlong Digmaang Punic.

• Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius Cato, isang pinuno at manunulat na Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa kanyang pagbisita sa Carthage, nakita niya ang kasaganahan at luho ng pamumuhay rito. Batid niyang malakas ang Carthage at nananatili itong banta sa seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome, itinanim niya sa isipan ng Senate at publiko na dapat wasakin ang Carthage.

• Nang salakayin ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod at ipinagbili ang mga mamamayan bilang alipin.

• Muling natalo ang Carthage sa digmaan.

• Kinuha ng Rome ang lahat ng pag-aari ng Carthage sa Hilagang Africa

Page 132: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

KABIHASNANG ROMAN Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece:

libo-libong Greek ang tumungo sa Italy.

Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome.

Kumalat ang kabihasnang Greece sa Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral.

Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome.

Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Roman. Pangunahin na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng pamamahala at batas

Page 133: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

TAGUMPAY SA SILANGAN Pagkatapos ng Second Punic

War, ang mga hukbo ng Rome ay pumunta sa silangan. Tinalo ng Rome ang Macedonia. Noong 146 BCE, ang Macedonia ay naging isang lalawigan ng Rome. Sa taon ding ito, sinunog ng Rome ang Corinth at inilagay ang iba pang lungsod – estado ng Greece sa ilalim ng pangangasiwa nito.

Page 134: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MGA PAGBABAGONG DULOT NG PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG ROMAN

Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate.

Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.

Page 135: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MGA PAGBABAGONG DULOT NG PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG ROMAN

Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digmaan. Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang maghanap ng trabaho ngunit wala namang malaking industriya ang Rome na magbibigay ng kanilang trabaho.

Page 136: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MGA PAGBABAGONG DULOT NG PAGLAWAK NG KAPANGYARIHANG ROMAN

Ang yaman na pumasok sa Rome mula sa napanalunan sa mga digmaan ay napakinabangan lamang ng mayayaman. Higit na lumawak ang agawat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking yaman ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan. Pinalitan ang kasakiman at marangyang pamumuhay ang tradisyon ng pagsisilbi at disiplina sa sarili.

Page 137: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONGBatay sa tekstong binasa, ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng Rome bunsod ng paglawak ng kapangyarihan nito?________________________________________________________________________________________________________________________Paano nakaapekto ang mga nabanggit na suliranin sa Republikang Roman?________________________________________________________________________________________________________________________Maihahalintulad ba ang mga pangyayaring isinasaad sa teksto sa kalagayan ng kasalukuyang lipunan? Sa paanong paraan?________________________________________________________________________________________________________________________

Page 138: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MAGBASA AT MATUTO

GAWAIN 15

Page 139: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 15: MAGBASA AT MATUTOBasahin at unawain ang sumusunod na teksto

tungkol sa mga pangyayaring nagdulot ng pagbagsak ng Republika ng Rome tungo sa pagtatag ng Imperyong Roman.Ang Banta ng

Digmaang Sibil Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at

Gaius Gracchus, kapwa tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bilang panganib sa katatagan ng Republic. May mga nagtangkang magpatupad ng pagbabago katulad ng mga sumusunod:

Page 140: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Pinuno/Taon Pangyayari Epekto

Tiberius133 B.C.E

• Nagpanukala ng batas sa pagsasaka kung saan ang mga lupang nakamit sa pamamagitan ng digmaan ay ipamamahagi upang magkaroon ng bukirin ang mahihirap.

• Nais niyang limitahan ang dami ng lupa na maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang mga ito sa pagkamkam ng higit pang maraming lupa.

Upang hadlangan si Tiberius at takutin ang iba pang nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng mayayaman.

Page 141: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Pinuno/Taon Pangyayari Epekto

Gaius Gracchus 123 B.C.E

• Sinundan ni Gaius Gracchus ang hakbang tungo sa pagbabago na sinimulan ng kanyang nakakatandang kapatid, subalit, ang mga mayayaman ay hindi rin sang – ayon sa kanyang panukala.

Sinalakay si Gaius at ang kanyang 3,000 na tagasunod ng isang pangkat ng mga senador kasama ang inupahang hukbo at alipin. Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius Gracchus. Siya naman ay nagpatiwakal.

Page 142: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1.Ano ang dahilan ng mga

kaguluhang naganap sa Rome?2.Ano ang ipinapahiwatig ng mga

nabanggit na kaguluhan sa relasyon ng mga patrician at plebeian? Ipaliwanag

3.Sa ating bansa sa kasalukuyan, mayroon bang katulad na sitwasyon? Ipaliwanag.

Page 143: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus ang mainit na tunggalian ng mga patrician sa Senate at ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye ng rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 B.C.E. Bumalik ang kaayusan sa Rome nang maging diktador si Sulla noong 82 B.C.E.

Page 144: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SI JULIUS CAESAR BILANG DIKTADOR

Sa unang siglo ng B.C.E., matindi ang agawan sa kapangyarihan ng mga heneral at pinunong militar sa Rome. Karaniwang nauuwi sa digmaang sibil.

Noong 60 B.C.E., binuo ni Julius Caesar, Pompey, at Marcus Licinius Crassus ang First Triumvirate, isang union ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng pamahalaan. Hinawakan nila ang kapangyarihang politikal at militar.

Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin.

Samantala, si Pompey ay kinilala bilang isang bayani dahil sa kanyang tagumpay na masakop ang Spain.

Si Caesar ay isang gobernador ng Gaul kung saan matagumpay niyang napalawak ang mga hangganan ng Rome hanggang France at Belgium. Bagama’t nagkasundo silang pamunuan ang Rome, may namagitang inggit at kompetisyon sa bawat isa.

Page 145: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG 1. Batay sa bahaging ito ng teksto, ano ang kahulugan ng Triumvirate? ___________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 146: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SI JULIUS CAESAR BILANG DIKTADOR

Noong 53 B.C.E., napatay sa isang labanan si Crassus.

Tanging si Caesar at Pompey na lamang ang naiwang maghahati ng kapangyarihan.

Sa pananaw ng mga nasa Senate, higit na may pag-asa silang makitungo kay Pompey kumpara kay Caesar.

Hindi lingid sa kanila ang tagumpay at galing ni Caesar. Isang matagumpay na heneral si Caesar. Popular din siya dahil sa mga reporma niya sa mga lalawigan tulad ng pagbaba ng buwis at pagkakaloob ng lupa sa mga beterano ng hukbo. Inutusan ng Senate si Caesar na bumalik sa Rome nang hindi kasama ang kaniyang hukbo.

Page 147: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SI JULIUS CAESAR BILANG DIKTADOR

Subalit sinalungat ni Caesar ang utos ng Senate at bumalik sa Rome na kasama ang kaniyang hukbo. Sa takot nila sa kapangyarihan ni Caesar, tumakas papuntang Greece ang karamihan sa mga kasapi ng Senate, kabilang si Pompey. Hinabol sila ni Caesar at natalo nito ang puwersa ni Pompey. Ginawang diktador si Caesar sa kaniyang pagbalik sa Rome sapagkat kontrolado na niya ang buong kapangyarihan. Bilang diktador, binawasan niya ang kapangyarihan ng Senate ngunit dinagdagan naman niya ang bilang nito, mula 600 naging 900 ang kasapi nito. Binigyan ng Roman citizenship ang lahat ng naninirahan sa Italy. Sa mga lalawigan, ang pagbabayad ng buwis ay inayos habang ang pamahalaan ay pinagbuti.

Page 148: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Bakit naging tanyag si Julius

Caesar? 2. Bakit siya tinawag na diktador

sa kanyang pagbalik saRome? 3. Anu-ano ang mga pagbabagong

ipinatupad niya sa Rome?

Page 149: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

SI JULIUS CAESAR BILANG DIKTADOR

Nangamba ang Senate na maaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika. Binuo ang isang sabwatan upang patayin si Caesar. Isa sa mga sumali sa sabwatan ay si Marcus Brutus, matalik na kaibigan ni Caesar. Noong March 15, 44 B.C.E., isinakatuparan ang pagpatay kay Caesar. Habang nagpupulong ang Senate, sinaksak si Caesar ng unang grupo ng senador sa pangunguna nina Brutus at Gaius Cassius.

Page 150: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Ano ang ipinapahiwatig ng

kamatayan ni Julius Caesar?

Page 151: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPERORBago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar.

Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.

Page 152: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPEROR

Sa loob ng sampung taon, naghati sa kapangyrihan sina Octavian at Mark Antony.

Pinamunuan ni Octavian ang Rome at ang kanlurang bahagi ng imperyo

samantalang pinamunuan ni Antony ang Egypt at ang mga lugar sa silangan na kinilala bilang lalawigang sakop ng Rome.

Si Lepidus ang namahala sa Gaul at Spain.

Page 153: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPEROR

Habang nasa Egypt, napamahal kay Antony si Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Antony ng lupa si Cleopatra at balak salakayin ang Rome, bumuo ng malaking hukbo at plota si Octavian upang labanan si Antony.

Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang puwersa sa Actium noong 31 B.C.E. Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Antony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon, nagpakamatay si Antony dahil sa maling pag-aakala na nagpakamatay si Cleopatra. Samantala, dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Antony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na rin si Cleopatra.

Page 154: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPEROR

Si Lepidus ay pinagkaitan ng kapangyarihan. Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 B.C.E., hinikayat niya ang rebelyon sa Sicily laban kay Octavian subalit tinalikuran siya ng kaniyang mga sundalo. Ipinatapon ni Octavian si Lepidus sa Circeii, Italy.

Page 155: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPEROR

Nang bumalik si Octavian sa Rome, nangako siyang bubuhayin muli ang Republic bagama’t hawak niya ang lahat ng kapangyarihan. Bilang pinuno ng hukbo, si Octavian ay tinawag na imperator.

Noong 27 B.C.E., iginawad ng Senate kay Octavian ang titulong Augustus. Ang katagang Augsutus ay karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto.

Samakatuwid, ang titulong Augustus ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan.

Page 156: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

AUGUSTUS: UNANG ROMAN EMPEROR

Mula noon, si Octavian ay nakilala na sa pangalang ito.Sa wakas, pagkatapos ng halos isang siglong puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa ilalim ng isang pinuno.Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng Imperyong Roman

Page 157: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Sinu-sino ang bumuo sa

Second Triumvirate?2. Bakit mahalaga ang

pagkapanalo ni Octavian sa labanan sa Actium?

3. Bakit tinawag na Augustus si Octavian?

Page 158: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG SIGLO NG IMPERYO

Si Augustus ay tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog. Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E., ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi, pananampalataya, at kaugalian.

Page 159: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Gaano kalawak ang sakop

ng Imperyong Roman?

Page 160: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG SIGLO NG IMPERYO

Sa pangkalahatan, tahimik at masagana ang unang dalawa at kalahating siglo ng imperyo. Ang panahong ito ay mula sa 27 B.C.E. hanggang 180 C.E.

Kadalasang tinatawag ang panahong ito bilang Pax Romana o Kapayapaang Roman.

Umunlad ang kalakalan sa loob ng imperyo.

‘Ang mga daan at karagatan ay ligtas sa mga tulisan at mga pirate.

Sagana ang imperyo sa lahat ng uri ng pagkain na nanggagaling sa Egypt, Hilagang Africa, at Sicily.

Ang kahoy na gamit sa paggawa ng bahay at iba pang produktong agrikultural ay nagmumula sa Gaul at Gitnang Europe; ginto, pilak, at tingga sa Spain; tin sa Britain; tanso sa Cyprus; at bakal at ginto sa Balkan.

Page 161: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG SIGLO NG IMPERYO

Sa labas ng imperyo, isang masaganang kalakalan ang nag-uugnay sa Rome sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Mula sa India at China, dumarating sa Rome ang seda, mga pampalasa o rekado, pabango, mamahaling bato, at iba pang luho.

Page 162: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Ano ang Pax Romana?

Page 163: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG SIGLO NG IMPERYO

Umunlad din ang panitikan sa panahon ng Pax Romana. Ang mga makatang sina Virgil, Horace, at Ovid ay nabuhay sa panahong ito. Sinulat ni Virgil ang Aineid, ang ulat ng paglalakbay ni Aeneas pagkatapos ng pagbagsak ng Troy. Samantalang binigyang-buhay ni Ovid ang mga mitong Greek at Roman sa akda niyang Metamorphoses.

Sinulat ni Pliny the Elder ang Natural History, isang tangkang pag-isahin ang lahat ng nalalaman tungkol sa kalikasan.

Sinulat ni Tacitus ang Histories at Annals na tungkol sa imperyo sa ilalim ng pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar.

Sinulat ni Livy simula 27-26 B.C.E ang From the Founding of the City, ang kasaysayan ng Rome.

Page 164: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Ano ang kahalagahan ng

pag-unlad ng panitikan sa kasaysayan ng Rome?

Page 165: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

MGA EMPEROR PAGKATAPOS NI AUGUSTUS

Namatay si Augustus noong 14 C.E. Ang Titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senate kay Tiberius napinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng imperyo noong 476 C.E., ang Rome ay nagkaroon ng iba’tibang uri ng emperador.

Page 166: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN

Magaling na administrador si Tiberius bagama’t isang diktador.

TIBERIUS (14-37 C.E.)

Page 167: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN

Nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhong kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip niyang siya ay isang gladiator.

CALIGULA (37-41 C.E.)

Page 168: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN

Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador.

CLAUDIUS (41-54 C.E.)

Page 169: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DINASTIYANG JULIO - CLAUDIAN

Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan, kabilang ang kanyang sariling ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa pa siya diumano habang ginagawa ito.

NERO( 54-68 C.E.)

Page 170: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DINASTIYANG FLAVIAN Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na patakarang pananalapi at pagtatayo ng imprastrukturang tulad ng pampublikong paliguan at amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.

VESPASIAN (69-79 C.E.)

Page 171: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG MAHUSAY NA EMPERADOR

Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva at ang kinitang interes ay inilaan niya para tustusan ang mga ulila.

NERVA (96-98 C.E.)

Page 172: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG MAHUSAY NA EMPERADOR Sa panahon ng pamumuno

ni Trajan, narating ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan.

TRAJAN (98-117 C.E.)

Page 173: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG MAHUSAY NA EMPERADOR

Patakaran ni Hadrian na palakasin ang mga hangganan at lalawigan ng imperyo.

HADRIAN( 117-138 C.E.)

Page 174: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG MAHUSAY NA EMPERADOR Ipinagbawal ni Antoninus

Pius ang pagpapahirap sa mga Kristiyano.

ANTONINUS PIUS (138-161 C.E.)

Page 175: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

LIMANG MAHUSAY NA EMPERADOR

Siya ay isang iskolar at manunulat.Itinaguyod niya ang pilosopiyang stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine will).

MARCUS AURELIUS (161-180 C.E.)

Page 176: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONG1. Ano ang kahalagahan ng

isang mabuting pinuno sa pagpapanatili ng isang imperyo?

Page 177: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

ROME…SA ISANG TINGIN

GAWAIN 16

Page 178: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 16: ROME… SA ISANG TINGINIbuod ang mga pangyayari kaugnay ng

paglakas at paghina ng hirap sa pamamagitan ng pagpupuno ng impormasyon sa chart.

Page 179: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GABAY NA TANONGBakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Roman ?

_____________________________________________________________________________________________________

Page 180: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PAGSULAT NG SANAYSAY

GAWAIN 17

Page 181: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 17: PAGSULAT NG SANAYSAYSumulat ng sanaysay tungkol sa pagkakaiba

at pagkakatulad ng Kabihasnang Greece at Rome. Suriin din ang impluwensiya ng dalawang kabihasnang ito sa daigdig.

Page 182: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

I – R – F CHART GAWAIN 18

Page 183: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 18: I – R – F CHARTPanuto: Isulat sa bahaging “revised” ang

sagot sa tanong na nasa loob ng kahon.

Page 184: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

UNAWAIN

Page 185: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

E - POSTCARD GAWAIN 19

Page 186: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 19: E - POSTCARD Panuto: Pumili ng isang mahalagang kontribusyon ng mga Klasikal na Kabihasnan sa Europe. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format. I-upload sa napiling social networking site ang nagawang E-postcard.

Page 187: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

I – R – F CHART GAWAIN 20

Page 188: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

GAWAIN 20: I – R – F CHARTPanuto: Isulat sa bahaging “revised” ang

sagot sa tanong na nasa loob ng kahon.

Page 189: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

REFERENCES www.google.com/images www. Wikipedia.org Microsoft Student with Encarta AP 8, LM pp. 110 - 165 

Page 190: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

DOWNLOAD LINKhttp://www.slideshare.net/jaredram55E-mail: [email protected]

Page 191: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

All is well, all is well, all is wellMay the odds be ever in your favorGood vibes =)

Page 192: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Page 193: Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon

PREPARED BY:JARED RAM A. JUEZANTEACHER I, AP 9AUGUST 2 - 6, 2014

THANK YOU VERY

MUCH!