16
masalig Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Ikaapat na Markahan Modyul 7 Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________ Baitang atSeksyon:_______________________________ Paaralan:_______________________________________

Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

  • Upload
    others

  • View
    69

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

masaligRepublic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Ikaapat na Markahan – Modyul 7 Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Zest for Progress

Zeal of Partnership

7

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________

Baitang atSeksyon:_______________________________

Paaralan:_______________________________________

Page 2: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

1

Alamin

Paano ka nagpapasiya? Tama ba na humingi ng tulong sa iba kung ikaw ay magpapasiya. Ano ba ang iyong mga batayan para ikaw ay makagawa ng

isang mabuti at tamang pasiya? Alam mo ba ang daang iyong tinatahak ay tama? Saan ka kaya dadalhin ng iyong mga pagpapasiya sa buhay?

Bawat isa ay may karapatang magpasiya ayon sa kanyang kagustuhan subalit mahalaga rin na ang desisyon o pasiya na iyong gagawin ay para sa

ikabubuti ng iyong kinabukasan at para matupad ang layunin mo sa buhay. Ang iyong pagpapasiya ay hindi lamang para sa sarili subalit kailangan mo

rin isipin ang iba.

Sa modyul na ito mauunawaan ng mag-aaral ang kahalagahan ng personal

na pahayag sa misyon ng buhay tungo sa pagkamit sa iyong pangarap. Ano- ano ang mga hakbang.

Kasanayang Pampagkatuto:

Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya

EsP7B-IVd-14.4 Ikapitong Linggo

➢ Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng mabuting pagpapasya

➢ Nakakabuo ng Personal na Pahayag ng mabuting pagpapasiya

➢ Napapahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting pagpapasya sa

pagkamit ng layunin o misyon sa buhay.

Subukin

Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang titik ng

pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang. 1.Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?

A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba. B. Upang masanay sila sa maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.

C. Upang hindi sila lumaking hindi maruning magpahalaga sa perang Kanilang pinaghirapan.

D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.

2. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa: A. pagtanggap B. pagmamahal C. katarungan D. pagtitimpi

Page 3: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

2

3. Ang sumusunod ay makatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:

A. pagtitiwala B. pagtataglay ng katarungan

C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

4. Ano ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya? A. Katanungan. B. Pagpapahalaga

C. Panahon D. Kilos-loob

5. Nakita mo ang iyong kapatid na naglalaro lang ng Mobile Legend at hindi sinasagutan ang kanyang modyul. Paano mo siya kokomprontahin?

A. Sasabihin ko sa kanya na dapat unahin niya ang pagsagot sa kanyang modyul para maipasa niya ito sa takdang araw. B. Sasabihin ko san a kanya na uupakan ko siya kung hindi matapos

sa takdang araw ang pagsagot ng kanyang modyul C. Sasabihin ko sa kanya na sagutin muna ang modyul bago maglaro

D. Sasabihin ko sa kanya na sisirain ko ang kanyang Cellphone kung hindi niya sasagutan ang kanyang mudyol.

6. Isa itong mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya. A. edukasyon B. karunngan

C. kasabikan D. personal na pahayag ng layunin sa buhay

7. Bakit mahalaga ang mabuting pagpapasya? A. Dahil ito ang ating magiging gabay.

B. Dahl ito ay parte na sa buhay ng tao. C. Dahil ikaw ay obligadong pasya D. Lahat ng nabanggit

8. Paano mo malalaman na tama ang iyong pagpapasya? A. Kung maganda at masaya ka sa kinalabasan nito.

B. Kung ikaw ay hindi nagtagumpay C. Kung sumama ang loob mo dahil sa ginawang pagpapasya

D. Lahat ng nabanggit 9. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon kang pakiramdam na maari pagsisihan mo ang iyong pasya, Kailangan mong

A. Huwag mag-agam-agam dahil desisyon mo yan. B. Gawin lamang lang ang magpapasya sayo.

C. Gawin lamang ang magpapasya sa nakakarami kahit labag sa kalooban mo.

D. Pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na panalangin at ibayong pagsususi.

10. Ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay magpapasya?

A. Manalangin para humingi ng gabay upang matimbang mo ang tamang pasyang gawin.

B. Magbakasyon upang makapag-isip. C. Humingi ng payo sa iba at isipin ang ikabubuti ng lahat .

D. Lahat ng nabanggit

Page 4: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

3

Modyul 7

Pasiya ko; Katuparan sa Misyon ng Buhay Ko

Balikan Sa ibaba ay may mga ibinigay na sitwasyon.Basahin at unawain.

Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum kung sa tingin mo tama at ekis kung mali

ang naging desisyon ayon sa iyong pag-unawa.

Pasiya/ Desisyon Tama

Mali

Ang pangingibang bansa ng mga magulang para

mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga

anak.

Ang pagpili ng mga magulang sa kursong kukunin

ng anak.

Ang pagdesisyon ng anak sa kung sino ang dapat

mapapa

Ang pagsali sa mga grupo o gang.

Ang paghihigpit ng mga magulang sa oras ng pag-

uwi ng mga anak at paglabas ng mga anak kapag

gabi.

Tuklasin Gawain: Katangian ng buhay ko!

Panuto: Itala ang iyong mga positibong katangian na iyong nakikita sa iyong sarili na magagamit mo sa pagkamit ng iyong personal na misyon sa buhay.

Pagkatapos, pumili ng isang katangian na gustong –gusto mo at isulat sa loob ng ulap. Ipaliwang ito kung bakit ito ang iyong napili.

A. Mga Positibong Katangian: 1.

2. 3.

4. 5.

Page 5: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

4

B.

________________________________

________________________________ ________________________________

________________________________

_________________________________

Suriin

Ang Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement

Isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya ang pagkakaroon ng personal

na pahayag ng layunin sa buhay o personal mission statement. Ayon nga kay Sean

Covey sa kanyang aklat na The Seven Habits of Highly Effective Teens, “Begin with

the end in mind.” Kung sa simula pa lang ay alam na natin ang gusto nating

mangyari sa ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa atin ang mga

mahahalagang pagpapasya sa buhay. Ang pahayag ng layunin sa buhay ay

maihahalintulad sa isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag

kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas ng iyong buhay.

Iba’t iba ang paraan ng pagpapahayag ng mission statement o layunin sa buhay.

Ang iba ay mahaba; ang iba naman ay maikli. Ang iba ay awit; ang iba ay tula. Ang

iba naman ay ginagamit ang kanilang paboritong salawikain o kasabihan bilang

pahayag ng layunin sa buhay.

Ayon pa kay Covey (1998) ang pahayag ng personal na layunin sa buhay ay

maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat. Ito ay matatag at hindi

mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang

matibay na makakapitan upang malampasan ang anumang unos na dumarating sa

ating buhay. Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay nagbabago.

Maaariing ngayon ay mayaman kayo, bukas naman ay naghihirap; mahal ka ng

nobyo mo ngayon bukas may mahal na siyang iba. Maraming bagay na hindi natin

mapipigil.

Isulat sa loob ang

katangiang iyong napili

Paliwanag

Page 6: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

5

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:

1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. Pumili ng ilang mga kasabihan

na may halaga sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo. Maaring ang mga

ito na ang gamitin mong pahayag ng iyong personal na layunin sa buhay.

2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”. Sa loob ng

labinlimanng minuto ay isulat mo ang anumang nais mong isulat tungkol

sa iyong misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng mga ideya o itama

ang mga pagkakamali dito. Matapos ang labinglimang minuto ay maari

mo na itong salain at itama ang mga pagkakamali sa bararila o gramatika.

Sa loob lamang ng 30 minuto ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag

ng layunin sa buhay.

3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. Magtungo sa isang lugar

kung saan ka maaaring mapag-isa. Doon mo pagtuunan ng panahon ang

paggawa ng iyong layunin sa buhay sa anumang paraang makatutulong

sa iyo.

4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. Hindi kinakailangan ang

perpektong pagkakasulat ng layunin sa buhay. Hindi naman ito isang

proyekto sa isang asignatura na kinakailangan ng marka ng guro. Ito ay

personal mong sekreto. Ang mahalaga, nagsisilbi itong inspirasyon sa iyo.

Itanong sa iyong sarili, “Ako ba’y naniniwala sa aking isinulat?” Kung

masasagot mo ito ng oo, ay mayroon ka ng pahayag ng layunin sa buhay.

Page 7: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

6

Pagyamanin

Gawain: Ako si Hinaharap!

Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makita ang iyong sarili sampung taon buhat ngayon, ano ang iyong nakikita? Gawin ito sa pamamagitan ng talatang sanaysay. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

Ako sa Hinaharap

Pamantayan sa Pagwawasto ng Sanaysay na Gawain

PAMANTAYAN DESKRIPSYON 5 ISKOR

Nilalaman

Wasto, makatotohanan at nakakahikayat ang mga ideya,

mensahe at opinion na isinulat sa sanaysay.

5

Kaangkupan

Madaling maunawaan ang

mga pangungusap at ideya na naaangkop sa mga gabay na tanong at temang

ipinagagawa.

3

Pagkamalikhain

Nakakapukaw ng atensyon ang ginawang sanaysay at

magkakarugtong ang mga ideya.

2

Kabuuan

10

Page 8: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

7

Isaisip Gawain: Ang Direksyon ng buhay ko.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

Ipaliwanag

2. Bakit mahalagang magkaroon ng direksyon ang buhay ng tao?

Ipaliwanag.

3. Bakit mahalaga ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa

Buhay?

4. Sa iyong palagay, makakatulong ba ang pagbuo mo ng Personal na

Misyon sa buhay upang malinaw sa iyo ang karera o kurso na iyong

pipiliin? Paano? Pangatwiranan ang sagot.

Mga Sagot:

1.__________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

2._________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

3._________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

4._________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Page 9: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

8

Isagawa Gawain: Misyon ng Buhay ko.

Panuto: Ngayon naman ay gumawa ka ng isang pagninilay tungkol sa iyong

natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na

tanong. Isulat ito sa iyong journal.

1. Bakit kailangan ko na bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa

Buhay?

2. Ano ang kahalagahan nito sa aking buhay? Isulat mo ito sa nakalaang

talaan sa ibaba.

Panuto: Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay bilang mag-aaral

batay sa mga hakbang ng mabuting pagpapasiya. Isulat ito sa malinis na

bondpaper at gumamit ng pangkulay at dekorasyon. Gawing gabay ang rubriks

sa ibaba.

Narito ang halimbawa sa ibaba.

Page 10: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

9

Ang aking misyon bilang isang mag-aaral ay magsikap at magtiyaga para sa ikauunlad ng aking sarili at tagumpay ng aking mga pangarap.

Hangad kong mapalabong ang aking angking talento at galing upang maging sandata ko para malampasan ang anumang hamong haharapin sa pag abot

ng aking mga minimithi. Kasabay nito ang pangarap kong maiahon ang aking pamilya sa hirap ng buhay. Ang pagmamahal ko sa pamilya at

pananampalataya sa Panginoon ang aking inspirasyon at lakas upang mas lalong magsumikap na magtagumpay. Sa huli, naniniwala ako na upang makamit ang lahat ng ito,

pagkakaroon ng tamang edukasyon at tiwala sa sarili ang susi para maabot ito.

Misyon sa buhay ni Aileen Gwyneth Madaje

Mag-aaral ng Dawa-Dawa National High School

Page 11: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

10

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 5 puntos 3 puntos 2 puntos

Paglalahad ng

impormasyon

Napakahusay at

detalyado ang

pagkalahad ng

mga

impormasyon.

Mahusay na

nailahad ang

impormasyon

Kailangan pang

paghusayan ang

paglalahad ng

impormasyon

Gramatika Napakatama ang

gramatikang

ginamit sa

kabuuan ng

talata

Tama ang

gramatikang

ginamit sa

kabuuan ng

talata

Nangangailangan

pa ng pagsasanay

sa gramatika

Pagkakasulat ng

mga

impormasyon

Napakaayos

pagkagamit sa

mga salita,

baybay, bantas

at ng malaking

titik.

Maayos ang

pagkagamit sa

mga salita,

baybay, bantas

at ng malaking

titik.

Kailangan pang

paghusayan ang

paggamit ng

bantas at baybay.

Kabuuan

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik

ng tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

_____1. Siya ang nagsabi na ang pahayag ng personal na layunin sa buhay

ay maihahalintulad sa isang punong may malalim na ugat

A. Covey C. Clooney

B. Clovey D. Looney

______2. Ang mga sumusunod ay mga mungkahi ni Covey maliban sa:

A. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.

B. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump

C. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito.

D. Huwag magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip

______3. Ito ay isang mabuting giya o gabay sa ating mga pagpapasya.

A. PPMB C. PPM

B. PPNP D. PPP

_____ 4. Ito ay ang hangarin ng tao sa kanyang buhay na magdadala sa

kanya sa kaganapan.

A. Misyon C. Propesyon

B. Bokasyon D. Tamang direksyon

Tayahin

Page 12: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

11

______5. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?

A. Upang siya ay hindi maligaw

B. Upang matanaw niya ang hinaharap

C. Upang mayroon siyang gabay

D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan

_____6. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng

Personal na Misyon sa Buhay MALIBAN sa isa:

A. Sukatin ang mga kakayahan

B. Suriin ang iyong ugali at katangian

C. Tipunin ang mga impormasyon

D. Tukuyin ang pinapahalagahan

_____7. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan

A. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.

B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay

babaguhin o papalitan

C. Tama,sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga

sitwasyon sa buhay

D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Magkakaproblema

kung babaguhin pa.

______8. Anong kataga ang naakasaad sa librong seven habits of highly

effective people ni Covey?

A. Begin with the end in mind C. Beg with the end in mind

B. Begin with the end in mine D. Wala sa nabanggit

_____9. Ano ang kasingkahulugan ng kredo?

A. Tula B. Panalangin C. Motto D. Awit

_____10. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?

A. Sarili, simbahan at lipunan C.Paaralan, kapwa at lipunan

B. Kapwa, lipunan at paaralan D. Sarili, kapwa at lipunan

Page 13: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

12

Karagdagang Gawain 1:

Panuto: Sa iyong talaarawan sumulat ng isang replekasyon o pagninilay

tungkol sa iyong natutunan sa nasabing aralin sa pamamagitan sa pagsagot

sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa malinis na bondpaper.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay?

2. Ano ang dapat gawin upang maisakatuparan ang misyong

ito?

3. Sa iyong palagay, kailangan ba ng tao ng magkaroon ng

misyon sa buhay hanggat maaga?

Page 14: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

13

Karagdagang Gawain 2: Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalaman ng katuparan ng iyong

misyon sa buhay.

Page 15: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

14

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 97-

120

Slideshare

Covey, Sean; “Habit 2: Begin With the End in Mind”; The 7 Habits of

Highly Effective Teens; (1998): 105-130

Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pahina 232-

247

Page 16: Ikaapat na Markahan Modyul 7 - znnhs.zdnorte.net

15

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: CHERRYL LYNN V. YU

Teacher-I Dawa-Dawa NHS, Zamboanga Sibugay Division

Editor: RUBY G. SIARZA, MPA Teacher -III

Buug NHS, Zamboanga Sibugay Division

ROWENA D. QUIBOYEN Master Teacher -II

Malagandis ES, Zamboanga Sibugay Division

Tagasuri: GLOCEL P. DINGCONG Teacher – II

Titay NHS, Zamboanga Sibugay Division

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS

Education Program Supervisor

Tagapamahala:

Evelyn F. Importante

OIC-CID Chief EPS

Aurelio A.Santisas

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI OIC-Schools Division Superintendent