Panahon ng amerikan

  • View
    428

  • Download
    2

Embed Size (px)

Text of Panahon ng amerikan

  1. 1. 1
  2. 2. Kaligirang Pangkasaysayan Sa halos tatlong daang taon na pananakop ng mga dayuhang Kastila sa Pilipinas. Naiwagayway natin ang ating bandila sa bayan ng Kawit, Cavite noong ika-12 Hunyo, 1898 sa pamumuno ni Hen. Emilio F. Aguinaldo, noon bilang unang pangulo ng unang Republika ng Pilipinas. Subalit ang kasarinlang iyon ay naging panadalian lamang sapagkat lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano na naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Maraming Pilipino ang nagsalong ng sandata at muling nanulat, sapagkat ang diwa at damdaming makabayan ng mga kababayang ito ay hindi nakuhang igupo ng mga Amerikano, bagkus ay lalong naging maalab pa. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan tulad ng lathalain, kwento, dula sanaysay, nobela at iba pa. Maliwanag na mababasa sa mga akda nila ang pag-ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan. 2
  3. 3. MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO 3
  4. 4. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) - itinatag ni Sergio Osmea noong 1900. Makalawang pinatigil ng mga sensor na amerikano ang paglalathala nito at binalaan si Osmea at ang mga kasamahan na ipapatapon dahil sa lathalaing makabayan. 4
  5. 5. El Grito Del Pueblo (Ang Sigaw Ng Bayan) itnatag ni Pascual Poblete noong 1900. 5
  6. 6. El Renancimiento (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900. 6
  7. 7. Walang Sugat ni Severino Reyes Kahapon, Ngayon at Bukas- sinulat ni Aurelio Tolentino. Naglalahad ito ng panlulupig ng mga Amerikano at ang tangka nila na manakop sa Pilipinas. Tanikalang Ginto ni Juan Abad Malaya ni Tomas Remegio 7
  8. 8. Mga Katangian ng Panitikan sa Panahong Ito Tatlong pangkat ng mga manunulat ang kumatawan sa panitikan Pilipino nang panahong ito: Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng wikang Kastila. Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng wikang Tagalog. Pangkat ng mga manunulat na gumamit ng katutubong wika sa mga lalawigan. 8
  9. 9. A. Panitikan sa Kastila Naging inspirasyon ng ating mga manunulat sa Kastila si Rizal hindi lamang sa kanyang pagiging makabayang lider kundi dahil pa rin sa kaniyang naisulat na dalawang nobelang Noli at Fili. Sinasabing ang dalawang nobelang ito ang nagtataglay ng pinakamahusay na katangian sa lahat ng naisulat na nobelang pampanitikan, maging sa Ingles at Pilipino. 9
  10. 10. Mga Manunulat Sa Panitikan Sa Kastila 10
  11. 11. - ay may mga tulang handog kay Rizal, Jacinto, Mabini at halos sa lahat ng mga bayani ng lahi, ngunit ang kaniyang tulang handog kay Rizal ang ipinalalagay na pinakamainam ng tulang papuri sa dakilang bayani ng Bagumbayan. Cecilio Apostol 11
  12. 12. Fernando Ma. Guererro -ipinalalagay na kasukob ni Apostol sa paghahari ng balagtasan sa kastila noong kanilang kapanahunan. Sumulat din sya ng mga tulang handog kay Rizal, ngunit ang kanyang mga pinakamagagaling na tula ay tinipon niya sa isang aklat na pinamagatang Crisalidas (Mga Higad). 12
  13. 13. Jesus Batikuling Balmori -naging kalaban ni Manuel Bernabe sa balagtasan sa Kastila sa paksang El Recuerdo Y El Olvido. Nahirang syang poeta laureado dahil sa tinalo niya sa labanang ito si Bernabe. 13
  14. 14. Manuel Bernabe -isang makatang liriko at ang sigla ng kaniyang damdaming makabayan ay hindi nagbabago sa alin mang paksang kaniyang sinusulat. Sa pakikipagbalagtasan niya kay Balmori, higit siyang naging kaakit-akit sa madla dahil sa melodiya ng kaniyang pananalita. Ipinagtanggol niya ang Olvido na nangangahulugang limot. Narito ang taludtod na kanyang binigkas: Gumugunita! Kaawa-awang kaluluwang may gunita! Ang pagkadurog na dinanas ng tagimpan Ang gunita ay halimaw na sumila Sa kaawa-awang puso. 14
  15. 15. Claro M Recto -isang siyang matayog at dakila sa pananalita at pamamakas sa panitikang Kastila. Tinipon nya ang kanyang mga tula sa aklat na pinamagatang Bajo los Cocoteros (Sa Ilalim ng Niyugan). Narito naman ang ilang bahagi ng kanyang isinulat para kay Rizal na pinamagatang Ante El Martir Tagalog na manunubos! Ang banal na isip Na ipinunla mo sa kaluluwang Pilipino Ay matipuno nang pananim ngayon Na ninibol sa bawat dibdib at lumalaki Pinamumulaklakan ng mga simulaing makabayan. 15
  16. 16. Mga Iba pang Manunulat sa Wikang Kastila Isidro Marpori -napatanyag siya dahil sa kanyang apat na aklat na pinamagatang Aromas de Ensueno 16
  17. 17. Adelina Gurrea - kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa Kastila. Nagkamit siya ng gantimpalang Premyo Zobel sa kaniya tulang El Nido 17
  18. 18. Macario Adriatico -sumulat ng magandang alamat ng Mindoro na pinamagatang niyang La Punta de Salto Ang Pook na Pamulaan 18
  19. 19. Epifanio De Los Santos nakilala sa tawag na Don Panyong. Ipinapalagay siyang magaling na mamumuno, at mananalambuhay sa buong panitikang Kastila. 19
  20. 20. Pedro Aunario sumulat ng Decalogo Del Protocionism o. 20
  21. 21. Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar at ang Urbana at Felisa ni Modesto De Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog. 21
  22. 22. Panitikan sa Tagalog Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar at ang Urbana at Felisa ni Modesto De Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog. 22
  23. 23. Tatlong URI NG MAKATANG TAGALOG ayon kay Julian Cruz Balmaceda A. Makata ng Puso C. Makata ng Dulaan Lope K Santos Aurelio Tolentino Inigo Ed. Regalado Patricio Mariano Carlos Gatmaitan Severino Reyes Pedro Gatmaitan Tomas Remegio Jose Corazon De Jesus Cirio H Panganiban Nemecio Carabana Mar Antonio B. Makata ng Buhay Lope K Santos Jose Corazon De Jesus Florentino Collantes Patricio Mariano Carlos Gatmaitan Amado V Hernandez 23
  24. 24. Sa panunulat naman ng mga maiikling katha na magpasimulang lumabas sa mga pampitak ng PANANDALIANG LIBANGAN at DAGLI, nahanay rito ang mga pangalan nina Lope K. Santos, Patricio Mariano, Rosauro Almario, Teodor Gener, Cirio H. Panganiban, Atbp. Naging tanyag namang nobelista o mangangathambuhay sina Valeriano Hernandez Pena, Lope K Santos, Inigo Ed. Regalado, Faustino Aguilar, Atbp. 24
  25. 25. Lope Taga-Pasig K. Santos -isang nobelista, makata, mangangatha, at mambabalarila sa tatlong panahon ng panitikang Tagalog: Panahon Ng Amerikano, Hapones at Bagong Panahon. Kung si Manuel L. Quezon ang Ama Ng Wikang Pambansa, si Santos naman ang Apo ng mga Mananagalog. Ang Banaag at Sikat ang siyang pinalalagay niyang pinaka-obra maestra. Ang tulang Pagtatapat ang malimit niyang bigkasin sa tuwing hihingan ng tula. 25
  26. 26. Mga Akda: Banaag at Sikat Alas ng kapalaran Ang Selosa Ang Pangginggera Puso at Diwa Mga Hamak na Dakila Sino ka.Akoy Si. Pagtatapat Sa Harap ng Libingan Kadaki-dakilaang Asal 26
  27. 27. Jose Corazon Huseng Batute De Jesus -tinaguriang Makata ng Pag-ibig noong kanyang kapanahunan. Ang Isang Punong Kahoy na tulang elehiya ang kanyang pinaka-obra maestra. -Mga Akda: - Mga Dahong Ginto - Sa Dakong Silangan - Itinapon ng Kapalaran - Ilaw sa Kapitbahay -Ang Pamana - Ang Pagbabalik - Isang Punongkahoy - Ang Bato - Halamanan ng Diyos -Maruming basahan 27
  28. 28. Florentino Kuntil Butil Collantes -isa ring batikang duplero tulad ni Batute. Siya ang unang makatang tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang pampolitika sa panahon ng mga Amerikano. Ang kanyang obra maestra ay ang Lumang Simbahan 28
  29. 29. Amado Makata Ng Mga Manggagawa V. Hernandez sa kanyang mga tula masasalamin natin ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa kanya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim, aliw-iw. Ang panitik ay makapangyarihan at ayon sakanya pati hari ay mapapayuko ng panitik. Marami siyang akdang naihandog tulad nang: Isang Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit, Luha Ng Buwaya, Baying Malaya, Ang Panday, Munting Lupa, Atbp. Ngunit ang pinakaobra mestra niya ay ang tulang Ang Panday 29
  30. 30. ANG PANDAY Kaputol na bakal na galing sa bundok. Ang lumang araro'y pinagbagang muli sa dila ng apoy kanyang pinalambot; atsaka pinanday nang nagdudumali sa isang pandaya'y matyagang pinukpok naging tabak namang tila humihingi, at pinagkahugis sa nasa ng loob. ng paghihiganti ng lahing sinawi! Walang ano-ano'y naging kagamitan, Kaputol na bakal na kislap ma'y wala araro na pala ang bakal na iyan; ang kahalagahan ay di matingkala Ang mga bukiri'y payapang binungkal, ginawang araro: pangbuhay ng madla nang magtaniman na'y masayang tinamnan. ginawang sandata: pananggol ng bansa! Nguni't isang araw'y nagkaroon ng gulo Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi, at ang boong bayan ay bulkang sumubo, bakal na hindi man makapagmalaki; tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo subali't sa kanyang kamay na marumi pagka't may laban nang nag-aalimpuyo! ay naryan ang buhay at pagsasarili! 30
  31. 31. Valeriano Kintin Kulirat Hernandez Pea -kilala siya sa tawag na Tandang Anong at ang kanyang pinaka-obra ay ang Nena at Neneng. 31
  32. 32. Inigo Ed. Odalager Regalado -anak siya ng isang tanyag na manunulat noong panahon ng Kastila. Pinatunayan niya na hindi lamang siya nanalunton sa dinaanan ng kanyang ama, kundi nakaabot pa sya sa karurukan ng tagumpay o sumpong sa panitik. Naging tanyag din siyang kuwentista, nobelista, at peryodista. Ang kalipunan ng kaniyang tula ay pinamagatang Damdamin 32
  33. 33. Ang Dulang Tagalog Sa pagpasok ng panahon ng mga Amerikano, sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ay nagsimula ng kilusan laban sa moro-moro at nagpilit na magpakilala sa mga tao ng mga lalong kapakinabangang matatamo sa zarzuela at tahasang dula. 33
  34. 34. Severino Reyes -Ama ng Dulang Tagalog at Ama ng Sarswelang Tagalog. - unang patnugot ng lingguhang Liwayway kayat tinawag din ng ibang manunulat ng Ama ng Liwayway. - dahil sa kanyang mga akdang Mga Kwento ni Lola Basyang ay tinawag siyang lola Basyang. -Akda: -Wa