12
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

Mga Kasanayan sa Pagbasa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Kasanayan sa Pagbasa

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

Page 2: Mga Kasanayan sa Pagbasa

Pag-uuri ng mga Ideya/Detalye

Ang mga ideya ay nahahati sa dalawa:

Page 3: Mga Kasanayan sa Pagbasa

Pangunahing Ideya (Main Idea) sentro o pangunahing tema/pokus sa

pagpapalawak ng ideya ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad

sa teksto kadalasay makikita sa unang talata

(implayd) at huling talata (kon ekspositori)

Page 4: Mga Kasanayan sa Pagbasa

Mga suportang detalye(Supporting details)

mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa pangungusap

tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw sa paksang pangungusap

Page 5: Mga Kasanayan sa Pagbasa
Page 6: Mga Kasanayan sa Pagbasa

• Bawat manunulat ay gustong maghatid ng impormasyon, manlibang, at maghayag ng kanyang damdamin, magpabatid, pakilusin ang kanyang utak, at papag-isipin ang mambabasa.

• Bawat manunulat ay gustong magdagdag ng kaalaman sa mambabasa.

Page 7: Mga Kasanayan sa Pagbasa

• Anumang nasulat (akda, artikulo, mensahe, at iba pa) ay nagpapakita lamang ng sariling “tayo” ng manunulat sa bagay ng kanyang tinatalakay.

• Ang kanyang napiling wika ay sumusunod/naaayon sa damdamin niya habang sinusulat ang akda.

Page 8: Mga Kasanayan sa Pagbasa

Pagtiyak sa Damdamin, Tono, Layunin at Pananaw ng Teksto

• Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit niya sa teksto.

Page 9: Mga Kasanayan sa Pagbasa

• Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais, pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis, pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.

Page 10: Mga Kasanayan sa Pagbasa

• Tono (tone) – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-akda na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko.

Page 11: Mga Kasanayan sa Pagbasa

• Layunin (objective) – tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa. ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.

Page 12: Mga Kasanayan sa Pagbasa

• Pananaw (point of view) – ito ay  tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay ng anomang akda o teksto, ito ang sumasagot sa tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”