21
Bb. DONNA G. DELGADO Southwestern University –Cebu City

MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA

Embed Size (px)

Citation preview

Bb. DONNA G. DELGADOSouthwestern University –Cebu City

Kahulugan At Kahalagahan

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ngmga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mgakaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa,nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kunggayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyangpagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansaat marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa samensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. Maykaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin aymaaaring isulat at ang anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ngmata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatutosapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ngmga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayansa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malakingkaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig,pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahilnagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan atmakapagpahayag ng damdamin at maayos namakipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Angmga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ngpagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaringsulatin upang maibahagi sa iba.

Mga Layunin at Mga Uri ng Pagbasa

1. Skimming o pinaraanang pagbasa

- Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.

Ginagamit ito sa:

a. Pagpili ng aklat o magasin.

b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago nito basahinnang tuluyan;

c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at

d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.

Ang skimming ay nanagahulugan din ng pagtingin saisang teksto o kabanata nang mabilisan para magkaroon ngpangkalahatang ideya sa nilalaman ng material at kasanayan sapagkilala ng mga salita upang maunawaan ang isang teksto.Naisasagawa sa paraang mabilisan ang pagsusuri sa teksto.

2. Scanning

Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyonsa isang pahina. Sa uring ito ng pagbabasa, hindi na hinahangadna makuha ang kaisipan ng sumusulat dahil mahalaga Makita anghinahanap sa madali at mabilis na paraan.

Halimbawa:

a. Kung may hinahanap kang particular na pngalan saisang direktoryo, tinitingnan mo nang mabilisan ang pahina nakailangan mo para makita agad ang paryikular na pangalan atnumero ng telepono.

b. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isangdiksyunaryo.

Mahalagang Kasanayan Sa Pagbasa

1. Pagkuha Ng Pangunahing Ideya

a. Paksang Pangungusap

- sentro o pangunahing/pokus sapagpapalawak ng ideya. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad saisang teksto.

b. Ideyang Pansuporta

- mga mahalagang kaisipan o mga susing salitana may kaugnayan sa paksang pangungusap

2. Pagkilala ng mahalagang impormasyon o detalye

a. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa king ano angnais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa.

b. Makikita ito sa mga salitang ginagamit sa teksto saparaan ng pag-oorganisa.

3. Pagsusuri Ng Pagkakabuo O Organisasyon Ng Binasa

4. Pagtukoy Sa Sanhi At Bunga Ng Mga Pangyayari

5. Pagbubuod O Paglalagom Ng Mga Akdang Binasa.

Mga Estratehiya sa Epektibong at Interaktibong Pagbasa sa

Filipino

Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigayng pangunahing diin sa paggamit ng dating kaalaman (iskema) atkonsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing pagbasa ay kakikitaanng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga estratehiyana nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa.

1. Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa

Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni FrancisRobinson (1970) nanangangahulugang Survey, Question, Read, Recite atReview. Angestratehiyang ito ay napatunayan nang epektibo upang malinang angkasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng estudyante. Ito’y angkop gamitin samga tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham panlipunan atagham.

2. Survey (Pagsusuri)

- Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ngestudyane sa mga malalawak na balangkas, pamagat ng kabanata,simula, paksa, at buod.

Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto angbinabasa bago makapili ng estratehiyang gagamitin.

Mga Hakbang

a. Pagtingin muna sa pamagat

b. Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ngmay-akda sa aklat

c. Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata

d. Pahapyaw na pagbasa.

3. Question (Pagtatanong)

- Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuhaat paglilinaw ng dahilan ng pagbasa. Ito ay nagiging batayan sapagbabalik-aral at bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin

ng mga estudyante ang mga sagot habang sila’y nagbabasa

Mga Hakbang

a. Pagsulat sa mga tanong na nalinang bagobumasa, habang bumabasa o pagkatapos bumasa.

4. Read (Pagbasa)

- Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyakna layunin sa pagbasa at malinaw na bigyan ng kahulugan angsuliraning lulutasin. Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa nabinibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.

Mga Hakbang

a. Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ngteksto.

b. Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahingkaisipan

c. Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba

pa. Pagbalangkas sa binasa.

5. Recite (Pagsagot)

- Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mgatanong na hindi ibinatay sa mga naisulat. Kapag hindi makasagotay saka na titingin sa teksto o aklat. Ang sariling sagot sa mgatanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.

- Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawinpagkatapos ng pagbasa.

- Ang pagpapahayag sa sariling salita ay masepektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga bagongkaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.

Mga Hakbang

a. Pagbuo ng sariling sagot.

b. Pagsagot sa sariling salita sa mga bagongkaalaman.

6. Review (Pagbabalik – aral)

- Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sapag-uugnay ng nilalaman at sa paglalahad. Ang pag-aaral ay hindikumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangangmatandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y nagagawasa pamamagitan ng pagbabalik-aral.

Mga Hakbang

a. Sariling pagsulat

b. Pagsagot sa mga tanong

c. Pagtatalakay

d. Paglalagom

e. Paulit na pagbasa

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapangmaaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo atilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasakanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin atkaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrongkasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), angpagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ngpagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolongginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.

Bumubuo siya ng makahulugang salita mula samga titik, atng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.

Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan atemosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalitaay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili opersonal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sasarili at karanasan.

Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sapagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat aypinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao upangmakapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyoksa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ngpagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat paramailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaanang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsansila ng isang mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikano mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng taoang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nangtuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayansa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal aysandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyangsaloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay,sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ngmga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng atingkasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbingdokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Ang Pagsulat Bilang Kasanayan at Proseso

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ngpagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay,pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuongsulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat atpagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.

Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isangblankong papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang,nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mgakailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabingmahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating isusulat.

Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), atArrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod nahakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D)Pag-eedit; at (E) Paglalathala.

A. Bago Sumulat (Prewriting)

Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito angunang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksangisusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan onang pangkatan.

B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindiisinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.

Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat aymalayang ipinahahayag ng estudyante.

Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong namaaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.

Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyanteang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawangpaglalahad.

Pagrebisa

Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mgapayo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mganagsuri.

Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya.Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyakang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madalingmaunawaan ng babasa.

Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian,binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.

Pag-eeditAng bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng

pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita atpangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakitaang kaugnay na mga ideya.