13
ICT Aralin 9 Pangangalap ng Impormasyon Gamit ang ICT MARY ANN M. ENCINAS Teacher UP TEACHER’S VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

ICT Aralin 9Pangangalap ng

Impormasyon Gamit ang ICT

MARY ANN M. ENCINAS

Teacher

UP TEACHER’S VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

Page 2: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

KAYA MO NA BA?Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan?

Tsekan () ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

• Naipaliliwanag ang konsepto ng computer, internet, at ICT

• Nailalarawan ang mga kakayahan ng computer, internet, at ICT

• Nakikilala ang iba’t ibang kapakinabangan ng ICT • Natutukoy ang mga paraan ng pagkolekta sa iba’t ibang

uri ng impormasyon

Page 3: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Gawain A: Makabagong Teknolohiya Kilalanin ang mga bagay na sumusunod. Paano nakatutulong ang mga ito sa atin?

Mga halimbawa ng ICT ang mga nasa larawan. Bawat isa ay makatutulong sa atin upang mapabilis ang pangangalap at

pagproseso ng impormasyon at upang maging mas malawak at mabilis ang komunikasyon.

Page 4: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Sagutin ang mga tanong na ito:

• Sa tingin mo ba, mahalagang matutuhan ang paggamit ng makabagong teknolohiya? Bakit?

• Sa palagay mo ba, maiiwasan pa natin ang paggamit ng ICT tools sa kasalukuyang panahon?

Page 5: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Ano ang Computer, Internet, at Information and Communications Technology (ICT)?

Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin sa

pagproseso ng datos o impormasyon. Maaari itong gamitin bilang imbakan ng

mahahalagang dokumento na nasa anyong elektroniko o soft copy. May maliliit na computer gaya ng personal computers, laptops, tablets, at mayroon

namang mainframe computers na ginagamit ng malalaking

kompanya.

Page 6: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa ibang organisasyon, kompanya o ahensiya ng gobyerno, ay maaaring naka-network. Ang mga computer networks na ito ay maaaring magkakaugnay at bumubuo ng isang pandaigdigang computer network. Ito ang tinatawag nating internet – ang malawak na ugnayan ng mga computer network sa buong mundo. Binubuo ang Internet ng maraming networks na pampribado, pampubliko, pangkomersiyo, pampaaralan, o pangpamahalaan.

Page 7: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Ang Information and Communications Technology o ICT ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-

imbak, lumikha, at magbahagi ng mga impormasyon. Ilan sa halimbawa ng ICT

ang radyo, telebisyon, smart phones, computer, at internet.

Page 8: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiyang ito sa pangangalap ng iba’t ibang uri ng impormasyon?

• gumagamit tayo ng mga web browser gaya ng Internet Explorer, Mozilla Firefox, at Google Chrome.

• Kailangan lamang i-type ang mga salita o keywords na tumutukoy sa paksang nais nating saliksikin at

ibibigay na sa atin ng search engine ang mga kawing o links sa mga website na maaaring may

kinalaman sa ating sinasaliksik. Napakaraming uri ng impormasyong maaaring makuha sa internet,

gaya ng teksto, musika, video, at animation.

Page 9: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

MGA KAPAKINABANGAN NG ICT

1. Mas mabilis na komunikasyon – Ang mga mobile phone, webcam, at instant messaging applications ay ilan lamang sa produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at mas malawak na komunikasyon.

2. Maraming trabaho – Nagbukas din ang ICT ng maraming oportunidad para sa tao upang magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer programmer, web designer, graphic artist, encoder, at technician.

3. Maunlad na komersiyo – Malaki rin ang ginagampanan ng ICT upang mas mapaunlad ang pangangalakal. Tinatawag na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng internet.

4. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon – Ngayong tayo ay nasa Information Age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong pagsusuri at pangangalap ng makabuluhang impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.

Page 10: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Gawain A: Artista Ka Na!1. Subukin ang iyong talento sa pag-arte.2. Bumuo ng apat na grupo at maghanda ng isang maikling duladulaan(na magtatagal mula 2 hanggang 3 minuto) na nagpapakitang iba’t ibang kapakinabangan ng ICT.Talakayin ang sagot sa mga tanong na ito:• Anong mga kapakinabangan ng ICT ang ipinakita sa inyongmaikling dula? Bakit ito ang napili ng inyong grupo?• Sa paanong paraan nakatutulong ang ICT sa pangangalap ngmakabuluhang impormasyon?

Page 11: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Nakatutulong sa ating pakikipag-ugnayan sa iba ang ICT. Ang computer at internet

• naglalayong gawing mas mabilis at mas malawak ang ating komunikasyon sa iba.

• Malaking tulong din ang ICT sa pagsasaliksik. Pinadadali at pinabibilis ng computer ang pagsaliksik at

pagpoproseso ng mga impormasyon at datos gamit ang mga software application.

• Ang internet, dahil ito ay may malawak na sakop ng iba’t ibang uri ng impormasyong maaring gamitin sa

iyong aralin. Ito rin ang maaaring paraan upang maibahagi sa iba ang iyong ginawa.

Page 12: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

Gawain B: Malikhaing Picture Collage1. Bawat grupo ay kailangang magdala ng mga lumang diyaryo,brochure, at magasin, pati na kartolina, gunting, at permanentmarkers.2. Gumawa ng picture collage na nagpapakita ng kahalagahan ngICT.3. Ibahagi ang ginawa ng inyong grupo sa klase.Sa pagbabahagi ng inyong gawain sa klase, gawing patnubay angsumusunod na katanungan:• Paano maipakikita ang kahalagahan ng ICT sa inyong picturecollage?• Paano tayo magiging mas magaling sa paggamit ng ICT?

Page 13: Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict

SUBUKIN MO!!