4
Impormasyon sa Babala sa Baha para sa mga Pangunahing Ilog sa King County 2015-2016 PRESORTED STANDARD US POSTAGE PAID SEATTLE WA PERMIT NO 6013 516 Third Avenue, Room 1200 Seattle, WA 98104 Nilimbag sa niresaykel na papel. Mangyaring magresaykel. 1510_4996m_floodupdateBRO15-16_GenOut.ai Makukuha ang mga Alternatibong Anyo 206-477-4812 (TTY Relay: 711) May mapang poster ng mga ilog sa loob! Mensahe mula sa Distrito ng Pagkontrol sa Baha: Maaaring narinig na ninyo mula sa mga tagahula ng panahon na sa King County umaasa tayo ng isang takbo ng panahon ng El Niño sa taong ito, na nangangahulugang isang mas mainit at mas tuyong taglamig. Ito ay hindi nangangahulugang hindi tayo makakaranas ng pagbaha. Pitong taon pa lamang ang nakalipas tayo ay nagkaroon ng rekord na pagbaha na nagresulta sa mga utos na paglikas para sa maraming lokal na residente. Kung ang polyetong ito ay natanggap mo nangangahulugan ito na ang iyong ari-arian ay nasa isang kapatagang binabaha at kailangan mong maging handa. Ang polyetong ito ay naglalaman ng lahat ng mga impormasyong kailangan mo upang makagawa ng mga kailangang hakbang upang maging handa. Narito ang ilang mga payo na dapat mong sundin na may mga detalyeng kasama sa ibang lugar ng polyeto: Bumuo ng isang basikong kit na pang-emerhensiya para sa iyong bahay at kilalanin ang isang labas-ng-estado na kontak at pang-emerhensiyang lugar ng pagtatagpo. Magpatala para sa libreng Mga Alerto sa Baha sa pamamagitan ng telepono, teksto o email o i-download ang Flood Warning App. Bumili ng seguro sa baha ngayon. Ang pangkaraniwang mga polisa ng seguro ay hindi sumasaklaw sa pinsala ng baha at ang isang bagong polisa ay nangangailangan ng 30 araw bago magkabisa. Huwag maglakad o magmaneho patawid sa tubig ng baha upang maiwasan ang kalagayang hindi makaalis o pagkalunod. Mag-imbak ng mahahalagang bagay sa mataas na lugar at ilipat ang mga sasakyan at kagamitan sa mataas na lupa bago tumaas ang mga tubig ng baha. Habang nasa isang baha matatawagan ninyo ang Sentro ng Babala sa Baha ng King County 24 na oras sa isang araw tungkol sa inyong mga inaalala at katanungan sa baha sa 206-296-8200 o 1-800-945-9263. Ang ating mga ilog ay namamalaging may seryosong panganib ng baha anuman ang hula. Mangyaring samantalahin ang mga makukuhang kasangkapan para sa inyong kaligtasan at maghanda ngayon para sa posibilidad ng matinding pagbaha. Reagan Dunn, Tagapangulo Distrito ng Pagkontrol sa Baha ng King County www.kingcountyfloodcontrol.org. Tumanggap ng paunawa sa pamamagitan ng telepono, tekstong mensahe o email kapag ang isang ilog na malapit sa iyo ay nagsisimulang tumaas kapag nagpatala ka para sa libreng may-awtomasyon na mga alerto sa baha. Maaari mong ipasadya ang mga alerto batay sa ilog at yugto ng baha. Pumunta sa www.kingcounty.gov/flood o tumawag sa 206-477-4899. Nagbabawas ng mga panganib sa baha, nagpoprotekta sa mga tao at ari-arian Distrito ng Pagkontrol sa Baha ng King County na nagtatrabaho malapit sa inyo Snoqualmie-Skykomish Basin – Ang isang malaking proyekto upang muling itayo ang mga 1,100 talampakan ng pampang ng ilog upang protektahan ang Snoqualmie Valley Trail at State Highway 203 ay nagsimula sa nakaraang tag-init. Ang proyektong Sinnema Quaale ay magbabawas sa mga panganib ng baha at pangmatagalang mga gastos sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pampang ng ilog, dating pinatibay sa pamamagitan ng mga katawan ng lumang awto – kaya may palayaw na "car body curve." Ang South Fork Snoqualmie Corridor Plan at Tolt River Corridor Plan ay patuloy na sumusulong na may malalaking paglahok ng publiko na nangyayari patungo sa paghubog ng pangmatagalang mga aksiyon para sa pagbawas ng panganib ng baha. Cedar River – Ang Cedar River Corridor Plan, upang tukuyin, iugnay at ipatupad ang mga proyekto upang magkamit ng pangmatagalang mga hangarin sa mga pagbawas ng panganib ng baha ay ginagawa at nitong 2015 ay binigyan ng isang gawad mula sa National Park Service. Ang Elliott Bridge Reach Mitigation Project sa pagitan ng SR 169 at SE Jones Place malapit sa 154th Place SE ay magbabalik ng mga apat na akre ng aktibong kapatagang binabaha, nagdaragdag ng kapasidad sa pag-iimbak na kaugnay ng baha, nagbabawas ng mga panganib sa paayon sa agos at nagpapabuti ng tirahan ng nabubuhay sa tubig. Green River – Ang Briscoe Desimone Levee Improvement Project ay isang apat-na-yugtong pagsisikap na kumpunihin ang mga 4,450 talampakan ng mga levee upang bawasan ang mga panganib ng baha at protektahan ang kaligtasan ng publiko sa Kent, Tukwila, at Renton. Doon din sa Kent, ang disenyo ay ginagawa para sa proyektong Lower Russell Road Levee Setback na magpapabuti ng proteksiyon laban sa baha sa pamamagitan ng pagpapalit at pagpapahusay ng 1.4 na milya ng kasalukuyang levee at revetment na ang konstruksiyon ay nakatakda sa 2017. White River – Ang konstruksiyon ay nakaplanong simulan sa 2016 sa una ng dalawang malaking proyekto sa pagbawas ng panganib ng baha. Ang proyektong Countyline Levee Setback, na magsisimula sa A Street at mga tulay ng Burlington Northern-Santa Fe Railway at paayon sa agos sa 8th Street Bridge, ay magkakaloob ng proteksiyon laban sa baha sa City of Pacific sa pamamagitan ng pagtanggal ng kasalukuyang levee at muling pagkonekta sa ilog na may 121 akre ng tirahan ng nabubuhay sa tubig. Kasunod ng pagkumpleto sa proyektong Countyline, ang konstruksiyon ay nakaplanong magsimula sa 2018 sa Pacific Right Bank Levee Setback Project sa kahabaan ng hangganan ng Pacific City Park upang bawasan nang malaki ang mga panganib ng baha sa katabing komunidad. At makalampas – Ang Distrito ng Baha ay nagkakaloob ng suporta sa Seattle's 14th at Concord Sewer Improvement Project upang mas mahusay na pamahalaan ang tubig bagyo sa South Park; ang proyektong McSorley Creek sa Des Moines; at ang pagsisikap na muling paghahalaman ng Green the Green sa Duwamish River, upang bigyang-diin ang ilan lamang. Ang Distrito ng Baha ay nakatanggap din ng gawad na pagpopondo mula sa estado upang itaguyod ang isang malawak na pagharap sa pamamahala ng kapatagang binabaha, tinatawag na Floodplains By Design, upang tumulong na simulan ang pagpapatupad ng mga plano sa koridor ng ilog. Sundan ang mga ilog! King County Rivers sa Facebook o @KCDNRP or @KCFloodDistrict sa Twitter. www.kingcounty.gov/flood • 206-477-4899 Libreng Flood Warning App Kumuha ng tunay-na-oras na impormasyon sa pagbaha sa iyong mobile device sa pamamagitan ng pag-download nitong libreng aplikasyon na nagpapakita ng mga kasalukuyang daloy ng ilog, mga datos sa yugto ng baha at mga hula at tunay-na-oras na mga yugto ng baha. Ginagawang madali ng mga graph na makita ang maraming araw na mga datos at hula sa ilog. Kung natanggap mo ang polyetong ito sa pamamagitan ng koreo, ang iyong ari-arian ay nasa o malapit sa isang kapatagang binabaha. Hello! TUNGKOL SA BAHA NA BALITA

2015-2016 UPDATE SA BAHA: Impormasyon ng Babala sa

  • Upload
    ledat

  • View
    286

  • Download
    23

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2015-2016 UPDATE SA BAHA: Impormasyon ng Babala sa

Impormasyon sa Babala sa Baha para sa mga Pangunahing Ilog sa King County

2 0 1 5 - 2 0 1 6

PRESORTEDSTANDARD

US POSTAGEPAID

SEATTLE WAPERMIT NO 6013

516 Third Avenue, Room 1200Seattle, WA 98104

Nilimbag sa niresaykel na papel. Mangyaring magresaykel.1510_4996m_floodupdateBRO15-16_GenOut.ai

Makukuha ang mga Alternatibong Anyo 206-477-4812 (TTY Relay: 711)

May mapang poster ng mga ilog sa loob!

Mensahe mula sa Distrito ng Pagkontrol sa Baha:Maaaring narinig na ninyo mula sa mga tagahula ng panahon na sa King

County umaasa tayo ng isang takbo ng panahon ng El Niño sa taong ito, na nangangahulugang isang mas mainit at mas tuyong taglamig. Ito ay hindi nangangahulugang hindi tayo makakaranas ng pagbaha. Pitong taon pa lamang ang nakalipas tayo ay nagkaroon ng rekord na pagbaha na nagresulta sa mga utos na paglikas para sa maraming lokal na residente.Kung ang polyetong ito ay natanggap mo nangangahulugan ito na ang iyong ari-arian ay nasa isang kapatagang binabaha at kailangan mong maging handa. Ang polyetong ito ay naglalaman ng lahat ng mga impormasyong kailangan mo upang makagawa ng mga kailangang hakbang upang maging handa. Narito ang ilang mga payo na dapat mong sundin na may mga detalyeng kasama sa ibang lugar ng polyeto:• Bumuo ng isang basikong kit na

pang-emerhensiya para sa iyong bahay at kilalanin ang isang labas-ng-estado na kontak at pang-emerhensiyang lugar ng pagtatagpo.

• Magpatala para sa libreng Mga Alerto sa Baha sa pamamagitan ng telepono, teksto o email o i-download ang Flood Warning App.

• Bumili ng seguro sa baha ngayon. Ang pangkaraniwang mga polisa ng seguro ay hindi sumasaklaw sa pinsala ng baha at ang isang bagong polisa ay nangangailangan ng 30 araw bago magkabisa.

• Huwag maglakad o magmaneho patawid sa tubig ng baha upang maiwasan ang kalagayang hindi makaalis o pagkalunod.

• Mag-imbak ng mahahalagang bagay sa mataas na lugar at ilipat ang mga sasakyan at kagamitan sa mataas na lupa bago tumaas ang mga tubig ng baha.

Habang nasa isang baha matatawagan ninyo ang Sentro ng Babala sa Baha ng King County 24 na oras sa isang araw tungkol sa inyong mga inaalala at katanungan sa baha sa 206-296-8200 o 1-800-945-9263. Ang ating mga ilog ay namamalaging may seryosong panganib ng baha anuman ang hula. Mangyaring samantalahin ang mga makukuhang kasangkapan para sa inyong kaligtasan at maghanda ngayon para sa posibilidad ng matinding pagbaha.Reagan Dunn, TagapanguloDistrito ng Pagkontrol sa Baha ng King Countywww.kingcountyfloodcontrol.org.

Tumanggap ng paunawa sa pamamagitan ng telepono, tekstong mensahe o email kapag ang isang ilog na malapit sa iyo ay nagsisimulang tumaas kapag nagpatala ka para sa libreng may-awtomasyon na mga alerto sa baha. Maaari mong ipasadya ang mga alerto batay sa ilog at yugto ng baha. Pumunta sa www.kingcounty.gov/flood o tumawag sa 206-477-4899.

Nagbabawas ng mga panganib sa baha, nagpoprotekta sa mga tao at ari-arianDistrito ng Pagkontrol sa Baha ng King County na nagtatrabaho malapit sa inyo• Snoqualmie-Skykomish Basin – Ang isang malaking proyekto upang muling itayo ang mga 1,100 talampakan ng

pampang ng ilog upang protektahan ang Snoqualmie Valley Trail at State Highway 203 ay nagsimula sa nakaraang tag-init. Ang proyektong Sinnema Quaale ay magbabawas sa mga panganib ng baha at pangmatagalang mga gastos sa pamamagitan ng pagpapatatag ng pampang ng ilog, dating pinatibay sa pamamagitan ng mga katawan ng lumang awto – kaya may palayaw na "car body curve." Ang South Fork Snoqualmie Corridor Plan at Tolt River Corridor Plan ay patuloy na sumusulong na may malalaking paglahok ng publiko na nangyayari patungo sa paghubog ng pangmatagalang mga aksiyon para sa pagbawas ng panganib ng baha.

• Cedar River – Ang Cedar River Corridor Plan, upang tukuyin, iugnay at ipatupad ang mga proyekto upang magkamit ng pangmatagalang mga hangarin sa mga pagbawas ng panganib ng baha ay ginagawa at nitong 2015 ay binigyan ng isang gawad mula sa National Park Service. Ang Elliott Bridge Reach Mitigation Project sa pagitan ng SR 169 at SE Jones Place malapit sa 154th Place SE ay magbabalik ng mga apat na akre ng aktibong kapatagang binabaha, nagdaragdag ng kapasidad sa pag-iimbak na kaugnay ng baha, nagbabawas ng mga panganib sa paayon sa agos at nagpapabuti ng tirahan ng nabubuhay sa tubig.

• Green River – Ang Briscoe Desimone Levee Improvement Project ay isang apat-na-yugtong pagsisikap na kumpunihin ang mga 4,450 talampakan ng mga levee upang bawasan ang mga panganib ng baha at protektahan ang kaligtasan ng publiko sa Kent, Tukwila, at Renton. Doon din sa Kent, ang disenyo ay ginagawa para sa proyektong Lower Russell Road Levee Setback na magpapabuti ng proteksiyon laban sa baha sa pamamagitan ng pagpapalit at pagpapahusay ng 1.4 na milya ng kasalukuyang levee at revetment na ang konstruksiyon ay nakatakda sa 2017.

• White River – Ang konstruksiyon ay nakaplanong simulan sa 2016 sa una ng dalawang malaking proyekto sa pagbawas ng panganib ng baha. Ang proyektong Countyline Levee Setback, na magsisimula sa A Street at mga tulay ng Burlington Northern-Santa Fe Railway at paayon sa agos sa 8th Street Bridge, ay magkakaloob ng proteksiyon laban sa baha sa City of Pacific sa pamamagitan ng pagtanggal ng kasalukuyang levee at muling pagkonekta sa ilog na may 121 akre ng tirahan ng nabubuhay sa tubig. Kasunod ng pagkumpleto sa proyektong Countyline, ang konstruksiyon ay nakaplanong magsimula sa 2018 sa Pacific Right Bank Levee Setback Project sa kahabaan ng hangganan ng Pacific City Park upang bawasan nang malaki ang mga panganib ng baha sa katabing komunidad.

• At makalampas – Ang Distrito ng Baha ay nagkakaloob ng suporta sa Seattle's 14th at Concord Sewer Improvement Project upang mas mahusay na pamahalaan ang tubig bagyo sa South Park; ang proyektong McSorley Creek sa Des Moines; at ang pagsisikap na muling paghahalaman ng Green the Green sa Duwamish River, upang bigyang-diin ang ilan lamang. Ang Distrito ng Baha ay nakatanggap din ng gawad na pagpopondo mula sa estado upang itaguyod ang isang malawak na pagharap sa pamamahala ng kapatagang binabaha, tinatawag na Floodplains By Design, upang tumulong na simulan ang pagpapatupad ng mga plano sa koridor ng ilog.

Sundan ang mga ilog! King County Rivers sa Facebook o @KCDNRP or @KCFloodDistrict sa Twitter. www.kingcounty.gov/flood • 206-477-4899

Bago dumating ang isang baha Alamin ang iyong panganib sa baha. Kung ikaw ay

pinadalhan ng newsletter na ito, ang iyong bahay o ari-arian ay nasa isang kapatagang binabaha. Para sa mga detalye pumunta sa:• www.kingcounty.gov/iMAP o tumawag sa

206-477-4732.• www.floodsmart.gov o tumawag sa 1-888-379-9531.

Bumili ng seguro sa baha. Ang pangkaraniwang seguro ng may-ari ng bahay ay hindi sumasaklaw sa nawalang dulot ng pagbaha at may isang sapilitang 30-araw na panahon ng paghihintay sa mga bagong polisa.

Protektahan ang iyong sarili at iyong pamilya:• Isapanahon ang mga planong pag-emerhensiya para

sa iyong pamilya, sakahan o negosyo.• Alamin ang iba't ibang ruta mula sa iyong bahay o

negosyo patungo sa mataas na lupa.• Pumili ng isang lugar ng pagtatagpo kung sakaling

magkahiwalay ang mga miyembro ng pamilya.• Pumili ng isang labas-ng-estado na kaibigan o

kamag-anak na tatawagan para sa impormasyon kung ang mga lokal na linya ay abala.

• Bumuo ng isang pang-emerhensiyang kit (tingnan ang kahon).

• Kausapin ang mga kapitbahay tungkol sa kahandaan sa baha, naunang mga karanasan at anumang mga espesyal na pangangailangan mo o nila para sa tulong.

Protektahan ang iyong ari-arian laban sa mga panganib ng baha:• Pag-isipan kung paano at kailan mo ililipat ang mga

sasakyan, kagamitan, mga hayop o pet patungo sa mas mataas na lupa.

• Imbakin ang mahahalagang gamit at mga pambahay na kemikal sa lugar na mas mataas sa mga lebel ng baha.

• Sarhan at tiyakin ang katatagan ng mga tangke ng pag-iimbak sa ilalim ng lupa.

• Magkabit ng mga pampatigil na balbula sa mga sewer trap ng gusali upang pigilan ang mga tubig ng baha na bumalik sa mga paagusan ng sewer.

• Panatilihin ang mga paagusan sa kalye, mga rehas na pambagyo at mga flap gate na walang mga dahon at labi.

• Ang mga materyal ng bag ng buhangin ay mabibili mula sa mga tindahan ng hardware at mga tagasuplay ng bag ng buhangin nang maaga.. Manood ng video tungkol sa kung paano lalagyan ng laman at isasalansan ang mga bag ng buhangin sa www.kingcounty.gov/floodservices.

Habang may baha Huwag maglakad, magpainot-inot o magmaneho

patawid sa mga lugar na may baha. Tumalikod. Huwag malunod.

Kung ang iyong sasakyan ay tumirik sa isang lugar na may baha, iwan ito sa pinakamaagang panahon na magagawa at maglakad sa daang pinanggalingan mo patungo sa kaligtasan.

Tawagan ang Sentro ng Babala sa Baha ng King Countyupang malaman kung saan may libreng pang-emerhensiyang mga suplay ng bag ng buhangin na makukuha.

Maghanda para sa paunawa ng paglikas mula sa mga awtoridad. Kung pinayuhan na lumikas, gawin ito agad. Sundin ang inirekomendang mga ruta ng paglikas, dahil ang mga maiikling daan ay maaaring nahaharangan.

Kung hindi mo kayang ligtas na iwan ang iyong bahay o isang gusali dahil sa mabilis na tumataas na mga tubig, tumawag sa 911 para sa tulong. Saka lumipat sa isang mas mataas na palapag o sa bubong. Magdala ng mainit, hindi napipinsala ng masamang panahon na damit, isang lente, isang mobile phone at isang bitbiting radyo.

Kapag ang pagbaha ay namiminto, pero kung ipinahihintulot lamang ng oras:• Sarhan ang iyong pangunahing balbula ng gas.• Patayin ang lahat ng mga utilidad sa iyong gusali sa

pangunahing suwits ng kuryente. Huwag hawakan ang anumang de-kuryenteng kagamitan maliban kung ito ay nasa isang tuyong lugar o ikaw ay nakatayo sa isang piraso ng tuyong kahoy habang may suot na sapatos na may gomang suwelas at mga gomang guwantes.

• Itala ang mga estadistika ng baha tulad ng oras, pagbasa ng panukat, at lokal na mga taas ng baha para sa paggamit sa hinaharap upang maunawaan ang pagbaha sa inyong kapitbahayan. Isama ang mga ispesipikong obserbasyon sa iyong bahay o negosyo.

Pagkatapos ng isang baha Bago muling pumasok sa iyong bahay, mag-ingat sa

posibleng pinsala sa istruktura, posibleng mga singaw ng gas, mga electrical short at buhay na alambre.

Ipasuri sa isang propesyonal ang panel ng kuryente ng iyong sistema ng pagpapainit, mga saksakan at kagamitan para sa kaligtasan bago gamitin. Tawagan ang kompanya ng gas upang muling padaanin ang gas.

Hanapin ang mga pamamaraan para sa ligtas na paglilinis ng mga gamit na pambahay, pagkain, suplay ng tubig at ari-arian.

Idokumento ang mga nawala sa iyo. Kunan ng litrato ang mga pinsala at itala ang mga gastos sa pagkukumpuni. Kontakin ang iyong ahente ng seguro para sa mga claim ng nawala dahil sa baha.

Markahan ang pinakamataas na punto ng tubig sa iyong bahay o napinsalang istruktura.

Unti-unting bombahin palabas ang tubig sa mga binahang silong (mga isang-ikatlo ng tubig kada araw) upang maiwasan ang pinsala sa istruktura..

Alisin at itapon ang mga bag ng buhangin nang wasto.

Alamin mula sa inyong mga lokal na tagapagbalita ang pinakahuli tungkol sa tulong sa kalamidad at mga pamamaraan ng pagpaparehistro.

Radyo na pinatatakbo ng baterya o crank at mga ekstrang baterya.

Mga suplay sa unang tulong at isang pito.

Lente na may mga ekstrang baterya.

Mga kopya ng mahahalagang dokumento sa isang bag na plastik (lisensiya sa pagmamaneho, impormasyon tungkol sa seguro, bangko ng pamilya at ibang impormasyon tungkol sa matatawagan).

Tubig na tatagal ng maraming araw at hindi nasisirang pagkain para sa iyong pamilya at mga hayop.

Maiinit na damit, matitibay na sapatos/bota at kumot.

Mga suplay para sa personal na pangangalaga ng kalusugan at kalinisan.

Mga inireresetang gamot.

Mga bagay na pampaginhawa sa mga bata (kumot, mga libro, mga laruan).

MGA SUPLAY SA PANG-EMERHENSIYANG KIT

Ikaw ba ay naninirahan sa isang 100-taong kapatagang binabaha?

Ikaw ba ay naninirahan sa likod ng isang levee?

Ikaw ba ay naninirahan sa isang sona ng migrasyon ng channel?

Kung sumagot ka ng “hindi ko alam” sa alinman sa mga katanungang nasa itaas, tingnan ang apat na paraang ito upang makakuha ng karagdagang impormasyon sa www.kingcounty.gov/flood tungkol sa mga panganib ng baha na nakakaapekto sa lugar kung saan ka nakatira:

iMap – Paggamit ng hydrographic na tagalatag ng mapa ng impormasyon, tingnan ang mga daanan ng baha, ang 100-taong kapatagang binabaha, mga lugar ng panganib sa migrasyon ng channel para sa mga ilog at mga litrato mula sa himpapawid.

Mga Mapa ng FEMA sa Panganib ng Baha – Humanap ng Mga Mapa ng Presyo ng Seguro sa Baha (Flood Insurance Rate Maps, FIRMs), alamin kung paano basahin ang mga ito, o humiling ng pagbabago ng mapa.

Tagatingin sa litrato ng baha – Tingnan ang mga makasaysayang litrato ng mga baha sa King County.

Tagatingin ng baha para sa Cedar River – Tingnan ang iba't ibang posibleng pagbaha at kaugnay na pag-apaw ng tubig sa kahabaan ng Cedar River.

Sagutin ang Mga Tanong Tungkol sa Panganib ng Baha?1

2

3

1

2

3

4

Ang isang espesyalista ng

King County ay nakahandang tumulong

sa inyo sa pamamagitan ng telepono sa paghahanap ng

ispesipikong ari-arian at pagkuha ng mga Sertipiko ng Taas ng Baha..

Tumawag sa 206-477-4732

PAANO AKOMAKAKATULONG?

• Magtayo mula sa simula. Ang pagtatayo ay kinokontrol upang protektahan ang mga kapatagang binabaha. Ang pagtatayo, mga pagkukumpuni o pagpapabuti ng konstruksiyon, paggagrado, paghuhukay at pagtatambak ay nangangailangan ng permiso. Ang mga pagkukumpuni o pagpapabuti sa isang kasalukuyang istruktura na humihigit sa 50 porsiyento ng halaga nito ay inaatasang maging protektado sa baha at tumugon sa mga pamantayan ng pangangasiwa.. Bago simulan ang isang proyekto, o upang mag-ulat ng labag sa batas na pagtatayo, kontakin ang Kagawaran ng Pagbibigay ng Permiso at Pagsusuring Pangkapaligiran ng King County sa 206-296-6600 o pumunta sa www.kingcounty.gov/permits.

• Iulat ang labag sa batas na pagtatapon. Mula sa mga kemikal hanggang sa basura hanggang sa mga pambahay na kagamitan at muwebles, ang labag sa batas na pagtatapon ay nagpaparumi sa ating kapaligiran at nakakapagbara rin sa ating mga daanan ng baha. Upang iulat ang labag sa batas na pagtatapon kontakin ang Nakahandang Linya sa Labag sa Batas na Pagtatapon sa 206-296-SITE (7483); walang bayad sa 1-866-431-7483; o pumunta sa www.kingcounty.gov/dumping.

• Huwag magpatulo at magmaneho. Ang mga sasakyan ay nagpapatulo ng tinatayang 7 milyong quart ng langis ng motor patungo sa himpilan ng tubig ng Puget Sound bawat taon. Ang langis at mga produktong petrolyo ay nakakapinsala sa maiilap na hayop at likas na tirahan ng hayop. Kapag umuulan, ang agos ng tubig bagyo ay nagdadala ng mga produktong petrolyo sa mga ilog, batis, lawa at Puget Sound. Para sa mga payo at pagrekomenda sa pag-aayos ng mga tulo pumunta sa www.fixcarleaks.org.

Mga Dapat Gawin at Hindi Dapat Gawin sa Pagprotekta sa Kapatagang Binabaha

Libreng Flood Warning AppKumuha ng tunay-na-oras na impormasyon sa pagbaha sa iyong mobile device sa pamamagitan ng pag-download nitong libreng aplikasyon na nagpapakita ng mga kasalukuyang daloy ng ilog,

mga datos sa yugto ng baha at mga hula at tunay-na-oras na mga yugto ng baha. Ginagawang madali ng mga graph na makita ang

maraming araw na mga datos at hula sa ilog.

Kung natanggap mo ang polyetong ito sa pamamagitan ng koreo, ang iyong ari-arian ay nasa o malapit sa isang kapatagang binabaha.

BAGO, SA PANAHON AT PAGKATAPOS NG BAHAKumuha ng mga detalye sa www.kingcounty.gov/floodservices

HuwagMagpatulo at Magmaneho

Ayusin Iyon Tulo

Hello!

TUNGKOL SA BAHA NA BALITA

Page 2: 2015-2016 UPDATE SA BAHA: Impormasyon ng Babala sa

Cedar RiverDaloy malapit sa Landsburg

Green RiverSinukat o inaasahan na daloy malapit sa Auburn

Tolt RiverDaloy malapit sa Carnation

White RiverDaloy na inilabas mula sa Mud Mountain Dam

Issaquah Creek - Taas (baitang) malapit sa Hobart Ipinasiya ng City of Issaquah batay sa taas ng ilog (baitang)

12,000 cfs

9.0 ft.

38,000 cfs

12,000 cfs

8,500 cfs

5,000 cfs

20,000 cfs

10,000 cfs

8.5 ft.

9,000 cfs

5,000 cfs

4,200 cfs

6,000 cfs

5,000 cfs

6.5 ft.

5,000 cfs

2,500 cfs

1,800 cfs

12,000 cfs

8,000 cfs

7.5 ft.

7,000 cfs

3,500 cfs

2,800 cfs

9.31 ft.Nob. 2006

11,700 cfsEnero 2009**

13,800 cfsEnero 2009

54,110 cfsEnero 2009

12,200 cfsNob. 2006

7,870 cfsEnero 2009

14,200 cfsNob. 1911

28,100 cfsNob. 1959

17,400 cfsDis. 1959

28,000 cfsDis. 1933***

ILOG 1 2 3 4 PINAKAHULING SUKDULAN SUKDULANG BAHA*

C

G

S

T

W

I

* Bago ginawa ang mahahalagang dam.

** Batay sa mga datos sa daloy mula sa Mud Mountain Dam ng Pangkat ng mga Inhinyero ng Armi ng U.S.

*** iniulat sa White River malapit sa Buckley.

ILOG

Cedar RiverDaloy malapit sa Landsburg

Green RiverSinukat o inaasahan na daloy malapit sa City of Auburn

Snoqualmie RiverKabuuan ng Hilaga, Gitna at Timog na bahagi ng mga sanga

Tolt RiverDaloy malapit sa City of Carnation

IKA-2 YUGTO IKA-3 YUGTO

Inaasahang mga Epekto ng Baha ng Ilog IKA-4 NA YUGTO

5,000 cfsAng mga karagdagang daan ay maaaring bahain at magsara kabilang ang Cedar Grove Road SE, Maxwell Road SE at SR-169 malapit sa interseksiyon sa Cedar Grove Road SE. Ang mga walang-lagusang kalye ay maaaring bahain at magsara kabilang ang Jan Road SE (SE 197th Street), SE 203rd Street, SE 206th Street, at SE 207th Street. Ang mabibilis at malalalim na daloy ay nakakalikha ng mapanganib na kalagayan sa buong kapatagang binabaha.

38,000 cfsAng ilang mga lugar na tirahan ay maaaring makaranas ng mapanganib na matataas na antas ng tulin at pagbaha sa mga bahay. Ang mga daan na maaaring bahain ay kabilang ang Woodinville-Duvall Road, Carnation-Duvall Road, at Moon Valley Road.

8,500 cfsAng mga levee ay maaaring apawan malapit sa City of Carnation. Ang mga daloy mula sa pagtagas sa levee sa timog na bahagi ng pampang sa pagitan ng tulay ng Snoqualmie Valley Trail at tulay ng Highway 203 malapit sa 323rd Place NE ay maaaring tumawid sa NE 32nd Street. Ang mga pagbabago ng channel ay maaaring mangyari sa pagitan ng pasalungat sa agos na abot ng Tolt River Road NE/361st Avenue NE at ng silangang hangganan ng City of Carnation.

12,000 cfsAng mahahalagang levee ng pagkontrol sa baha ay maaaring magpakita ng pagtagas at/o humina mula sa pagkababad.

N M S

Mga Yugto ng Baha Batay sa Ilog

cfs = Cubic Feet kada Segundo − isang pagsukat ng dami ng tubig (sa cubic feet) na dumadaloy makalampas ng isang ispesipikong lokasyon ng ilog bawat segundo.

12,000 cfsAng mapanganib na antas ng tulin at mga daloy ng labi ay maaaring mangyari sa buong sistema ng ilog. Ang pagbaha sa ibabaw ng pampang ay malamang na mangyari sa City of Paci�c at malapit sa City of Auburn. Ang mga pinsala ay maaaring mangyari sa pamisaan ng isda malapit sa City of Enumclaw. Ang tubig baha ay malamang na sumakop sa SR-410 pasalungat sa agos ng Mud Mountain Dam malapit sa Greenwater.

3,500 cfsAng mga bahay sa lugar ng San Souci ay maaaring hindi mapuntahan; 353rd Avenue NE ay maaaring makaranas ng matataas na lalim at tulin ng tubig kung saan ang mga channel ay tumatawid sa daan. Ang levee sa timog na bahagi ng pampang sa pagitan ng tulay ng Snoqualmie Valley Trail at tulay ng Highway 203 malapit sa NE 3rd Street ay maaaring makaranas ng pagtagas.

12,000 cfsPagbaha sa mababang lugar. Ang mga daan na maaaring bahain ay kabilang ang Neal Road SE; Reinig Road; West Snoqualmie River Road NE (Walker Road); Snoqualmie Meadowbrook Road; at Mill Pond Road.

20,000 cfsAng pagbaha na may iba't ibang lalim ay nangyayari sa buong Snoqualmie Valley. Ang mga daan na maaaring bahain ay kabilang ang Fall City-Carnation Road; Tolt Hill Road; at Novelty Flats Road.

2,800 cfsJones Road malapit sa 156th Place SE ay maaaring bahain at magsara.

4,200 cfsAng mas mababang Dorre Don Way at Byers Road SE ay maaaring bahain at magsara. Ang mga daang ito ay nagkakaloob ng akses sa maraming kapitbahayan kung saan ang mga residente ay maaaring makulong at mangailangan ng paglikas.

7,000 cfsPagbaha sa mababang lupa sa pasalungat sa agos sa lambak ng City of Auburn.

9,000 cfsAng pagbaha na may iba't ilang lalim ay nangyayari sa pasalungat sa agos sa lambak ng Auburn at mas mababang lunas ng Mill Creek. Ang timog-silangang Green Valley Road at West Valley Road ay maaaring bahain.

8,000 cfsAng mga residente ng lugar ng Red Creek ay maaaring makaranas ng pagbaha sa mga daan at mataas na tubig.. Ang pagbaha sa ibabaw ng pampang sa City of Paci�c ay maaaring mangyari.

5,000 cfsNadagdagang lalim at tulin ng tubig sa 353rd Avenue NE sa lugar ng San Souci; tubig sa kabila ng Tolt River Road NE sa paligid ng kapitbahayan ng San Souci . Nadagdagang pagtagas at posibleng pagbaha sa backyard sa levee ng timog na bahagi ng pampang sa pagitan ng tulay ng Snoqualmie Valley Trail at tulay ng Highway 203 malapit sa 323rd Place NE.

10,000 cfsAng mga residente ng lugar ng Red Creek ay maaaring makaranas ng mapanganib na matataas na antas ng tulin ng agos, mga daloy ng labi at pagbaha sa tirahan. Ang pagbaha sa ibabaw ng pampang ay malamang na mangyari sa City of Paci�c.

NMS

UNANG YUGTO: Karaniwang walang pagbaha na nangyayari. Ang mga tauhan ng King County ay nakaalerto para sa posibleng pagbaha.

IKA-2 YUGTO: Maliit na pagbaha. Ang Sentro ng Babala sa Baha ng King County ay magbubukas at ang mga tauhan ay nakahanda 24 na oras sa isang araw upang magkaloob ng tulong.

IKA-3 YUGTO: Katamtamang pagbaha. Ang mga tauhan ng Patrolya sa Baha ng King County ay ipinadadala upang subaybayan ang mga pasilidad ng proteksiyon laban sa baha, tulad ng mga levee, nang personal.

IKA-4 NA YUGTO: Matinding pagbaha. Patuloy na sinusubaybayan ng mga patrolya ng baha ang mga kalagayan at ang Sentro ng Babala sa Baha ay namamalaging bukas..

Mga Yugto ng Babala sa Baha ng King County

American Red Cross206-323-2345 o 360-377-3761www.seattleredcross.org

Paano Dapat Maghanda ng Pagkain www.kingcounty.gov/�oodservices

Mga Alerto sa Baha ng King County206-477-4899www.kingcounty.gov/�ood

Sentro ng Babala sa Baha ng King County206-296-8200 o 1-800-945-9263

Programang Pagkukumpuni ng Bahay ng King CountyPagpopondo para sa malalaking kailangang mga pagkukumpuni ng bahay sa maliit-ang-kita, karapat-dapat na mga may-ari ng bahay. 206-263-9095www.kingcounty.gov/ housingrepairs

Opisina ng Pamamahala ng Emerhensiya - Impormasyon Tungkol sa Kanlungan206-296-3830

King County Road 24/7 Helpline206-296-8100 o 1-800-KC-Roadswww.kingcounty.gov/roadalert

Mga Alerto sa Daan ng King Countywww.kingcounty.gov/roadalert

Mga Pag-antala sa Metro Transitwww.kingcounty.gov/metro

Pambansang Programa sa Seguro sa Baha1-888-379-9531www.�oodsmart.gov

Pampublikong Kalusugan - Seattle at King County - Mga Problema sa Septikong Tangke at Balon206-296-4932

Take Winter By Stormwww.takewinterbystorm.org

Pang-emerhensiyang Impormasyon Tungkol sa Baha

SUNDAN ANG KING COUNTY RIVERS ON FACEBOOK & TWITTER @KCDNRP @KCFloodDistrict

Paano dapat punuin ang mga bag ng buhangin Alinsunod sa Pambansang Programa sa Seguro sa Baha, ang isang pulgada ng pagbaha sa isang 1,000 kuwadradong talampakan na bahay ay maaaring magdulot ng humigit-kumulang na $10,600 halaga ng pinsala. Protektahan ang iyong ari-arian sa pamamagitan ng mga bag ng buhangin upang lumikha ng hadlang sa baha at ilihis ang tubig. Ang mga materyal ng bag ng buhangin ay mabibili mula sa mga tindahan ng hardware at mga tagasuplay ng bag ng buhangin nang maaga. Kapag may baha, tawagan ang Sentro ng Babala sa Baha ng King County upang malaman kung saan makakakuha ng pang-emerhensiyang bag ng buhangin. Para sa mga tagubilin at lokasyon pumunta sa www.kingcounty.gov/floodservices.

MGA ILOG NG KING COUNTY2015-2016

Ang impormasyon na kasama sa mapang ito ay tinipon ng mga tauhan ng King County mula sa iba't ibang mga pinanggagalingan at sumasailalim sa pagbabago nang walang paunawa. Ang King County ay walang ginagawang mga pagkatawan o garantiya, ipinahayag o ipinahiwatig, tungkol sa katumpakan, pagkakumpleto, pagiging napapanahon, o mga karapatan sa paggamit ng naturang impormasyon. Ang dokumentong ito ay hindi nilalayong gamitin bilang isang produkto ng survey. Ang King County ay hindi dapat managot para sa anumang pangkalahatan, natatangi, di-tuwiran, insidental, o ibinunga na mga pinsala kabilang ang, pero hindi limitado sa, nawalang mga kita o nawalang mga tubo na resulta ng paggamit o maling paggamit ng impormasyon sa mapang ito. Anumang pagbebenta ng mapang ito o ng impormasyon sa mapang ito ay ipinagbabawal maliban kung may nakasulat na permiso ng King County.

Panukat ng ilog ng USGS na ginagamit upang malaman ang mga yugto ng baha*Dam*Para sa isang kumpletong listahan ng lahat ng mga panukat ng USGS sa mga ilog ng King County, pumunta sa www.kingcounty.gov/�ood.

0 2 4 na Milya

Agosto 2015

N

River and Floodplain Management Section

206-296-8200 o 1-800-945-9263May mga serbisyo ng Interpreter o tagasalin ng wika. TTY 711

Sentro ng Babala sa Baha ng King County

Page 3: 2015-2016 UPDATE SA BAHA: Impormasyon ng Babala sa

Page 4: 2015-2016 UPDATE SA BAHA: Impormasyon ng Babala sa