9
Gabay sa mga Mag-aaral na Kasalukuyang Gumagawa ng Capstone (Thesis) 2016

Gabay sa mga Mag-aaral na Kasalukuyang Gumagawa ng Capstone

Embed Size (px)

Citation preview

Gabay sa mga Mag-aaral na Kasalukuyang Gumagawa ng Capstone (Thesis)2016

Bakit ba mahalaga ang capstone?

Ito ay ang iyong pagsubok upang iparating sa lahat na ikaw ay may natutunan sa apat na taon ng pag-aaral sa kolehiyo.

Ito din ang kadalasang sinasagot ng mga sumasabak sa interview na ginawa nila nun nasa kolehiyo pa sila.

Masakit na Katotohanan

Marami ang nagpapagawa ng capstone sa iba at nagbabayad na lamang upang magpagawa.

Marami din ang umaasa sa kasama upang gawin ang capstone at sila ay tututok na lamang sa dokumentasyon ng kanilang ginawa.

Dahil sa dalawang naunang dahilan, ang mga employer ay hindi rin tumitingin sa capstone bilang pweba ng iyong kaalaman. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming hirap makahanap ng trabaho kahit na napakaraming IT ang kailangan sa bansa.

Hangad ng Maraming Mag-aaral

Matapos lamang ang capstone upang makapagtapos ng kolehiyo. (Hindi naman lahat ngunit karamihan ay ganito)

Kailan Maganda Simulan ang Capstone

Mula pangalawang taon sa kolehiyo ay dapat naghahanda na ang bawat mag-aaral sa kanilang capstone.

Dapat nagsisimula na nila pagaralan ang technolohiya na kanilang gagamitin.

Dapat na rin magsimula humingi ng payo sa mga guro or sa mga professional upang sila ay magabayan sa mga topic na kanilang pipiliin.

Karaniwang Capstone Title Ngayon (2016) - Nakakalungkot

Library System

Inventory System

Hotel System

POS System

Buy and Sell Website

Mobile App

Mga application na paulit ulit bawat taon na hindi naman nagkakaroon ng pagbabago man lamang or kakaiba sa mga kaparehong nagawa noon pa.

Mga Area na Pwede Pagmulan ng Topic

Artificial Intelligence

Big Data

Virtual Reality / Augmented Reality

Quantum Computing

Mobile

IoT

Encryption

Robotics

Atbp.

Payo sa mga Mag-aaral

Huwag lang capstone (thesis) ang iyong ipagmamalaki kapag ikaw ay nagtapos.

Dapat may sariling portfolio ang bawat mag-aaral. Masmaganda kung ang mga portfolio ay totoong nagamit ng ibang tao o kumpanya.

Gumamit din ng mga bagong technolohiya kung gagawa ng iyong capstone. (Halimbawa: Iwasan na gamitin ang VB6)

Ang mga seminar na laging nakikita sa mga resume o cv ay walang kwenta kapag ikaw ay naghahanap ng trabaho. Hindi ito sukatan ng iyong galing o kaalaman.

Bawat mag-aaral ay dapat matuto din magsalita hindi lamang puro gawa. Hindi ka magtatagumpay kahit na ikaw ay napakagaling kung hindi ka marunong makipagusap o magtanong.

Huling Payo

Ikaw ay nag-aaral sa kolehiyo upang magkaroon ng magandang trabaho hindi lamang para makakuha ng grado kaya pagbutihin mo lahat ng iyong ginagawa lalo na ang iyong capstone.

Gising bago mahuli ang lahat…