24
2 ITO BA AY PANGKARANIWAN SA ATING PAMILYA Gabay Sa Genetiko at Kalusugan LANAI COMMUNITY HEALTH CENTER

Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

2I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA

Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

LANAI COMMUNITY HEALTH CENTER

Page 2: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Talaan ng NilalamanBakit importante and genetiko sa akin at 1 sa aking pamilya Bakit ako naiiba? 2Ano pa ang masasabi mo tungkol sa aking mga gen 3Bakit may maraming pinagkahawigan ang mga 4 miyembro ng pamilya? Bakit may ilang sakit na lumalaganap sa mga pamilya? 6Paano ang kaalaman ng kasaysayan sa kalusugan ng 8 aking pamilya makakatulong sa akin na ako ay mapanatiling malusog? Bakit kailangan kong ipakita ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya sa aking manggagamot 9

Mga sakit na dumadaloy sa pamilya 10Sakit sa puso 11 Coronary artery disease Alta PresyonAsma 13Dayabetes 14 Unang Uri (Type I) Pangalawang Uri (Type 2)Janser 16 Suso Baga ProsteytTiyak na anomaliya ng mga gen 19Mga Kasangkapan 21

Basahin ang “Libreta Numero 1:Gabay sa Pagsalaysay sa Kalusugan ng Pamilya” para magkaroon ng karagdagang impormasyon kung paano magkolekta, mag-ayos at magbahagi ng iyong kasaysayan tungkol sa kalusugan ng iyong pamilya

(family health history).

Page 3: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

?Bakit importante ang genetiko para sa akin at sa aking pamilya?Nakakatulong and genetiko magpaliwanag kung:

• Kung ano ang nakapagpapaiba sa iyo sa ibang tao

• Bakit magkahawig ang magkakapatid

• Bakit lumalaganap ang ibang sakit tulad ng

dayabetes or kanser sa pamilya

• Paano ang pagaaral sa kasaysayang pangkalusugan

ng iyong pamilya makakatulong na mamalagi

kayong malusog

• Bakit kailangang dalhin mo ang iyong kasaysayang

pangkalusugan ng iyong pamilya sa iyong

manggagamot

Napakahalaga ang paggugol ng panahon para malaman ang tungkol sa kalusugan at mga karamdaman na nararanasan ng iyong pamilya ay napakahalaga. Makakatulong ito para maintindihan mo ang iyong kalusugan at gumawa ng pagpili na makakabuti sa iyo.

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 1

Page 4: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Bawat tao ay naiiba. Ang isang dahilan kung bakit ka naiiba

ay dahil sa genetiko mo. Ang genetiko ay buod ng mga utos na nasa loob ng pinakamaliit na bahagi na komokompone ng katawan mo, na kung tawagin ay mga sel. Ito ang naguutos

kung ano ang magiging hitsura mo at kung paano gumana ang

katawan mo. Dahil ang bawat isa ay may bahagyang kaunti

ng pagkakaiba ng kanilang genetiko, ang bawat isa ay may

ibat ibang buod ng mga utos. Ang genetiko ay ang dahilan kung bakit ka naiiba sa lahat!

Bakit ako naiiba?

1. Kamay 2. Sel

2 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 5: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

• Ang tao ay may dalawang kopya ng bawat gen. Ang isa ay

galing sa nanay at ang isa ay galing sa tatay.

• Ang mga gen ay nag-uutos sa iyong mga sel kung paano

magtrabaho at tumubo.

• Ang mga sel ay ang bumubuo ng iyong katawan. Bawat

bahagi ng iyong katawan ay binubuo ng bilyones na mga sel

na sabay-sabay gumagana.

• Ang mga gen ay nakaayos sa isang estraktura na tawag ay

“chromosomes” sa ingles. Ang tao ay may 23 ka pares na

“chromosomes.”s Ang mga kopya ng “chromosomes” ay

makikita sa bawat sel.

• Ang mga “chromosomes” ay gawa ng mga DNA. Ang DNA

ay espesyal na kodigo kung saan ang utos ng mga gens ay

nakasulat o nakatakda.

Ano pa ang masasabi mo tungkol sa aking mga gen

3. “Chromosomes” 4. DNA

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 3

Page 6: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Bakit may maraming pinagkahawigan ang bawat miyembro ng pamilya?

Ang mga anak ay nakakamana ng dalawang uri ng gen sa

mga magulang. Ang bata ay may isang bahagi ng gen galing

sa tatay at isang bahagi ng gen na galing sa nanay. Itong

mga gen na ito ay puedeng magpares-pares sa maraming paraan para makagawa o magresulta ng

maraming kombinasyon. Ito ang dahilan kung bakit kalimitan

ang mga miyembro ng pamilya ay magkakahawig at kung

bakit naman malalayo ang mga hitsura nila. Ang gen ay puede

ring magdala ng hindi magandang kondisyon na nagdudulot

ng sakit o iba pang problema sa kalusugan.

Ang pamilya ay may napapamahaging kaugalian, diyeta at kapaligiran sa mga miyembro nito. Ito ang magdidikta kung gaano ka

kalusog at paano ang magiging kalusugan mo sa hinaharap.

4 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 7: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 5

May marami kayong

nababahagi sa isa’t isa sa

inyong pamilya – kasama

na dito ang puedeng

ikasanhi ng sakit ninyo.

Page 8: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Bakit may ilang sakit na lumalaganap sa pamilya?

Ang ibang sakit ay sanhi ng pagkakaroon ng pagbabago sa

utos na dala ng mga gen. Ang tawag nito ay “mutation” sa

ingles. Bawat indibiduwal ay may maraming pagbabago ng mga gen. Minsan itong pagbabago ay

walang epekto, minsan naman ito ay nagdudulot ng sakit.

Kalimitan ang pangkaraniwang

sakit ay dulot ng kombinasyon

ng pagbabago ng mga gen,

pamumuhay, mga pagpipili sa

araw-araw, at ng kapaligiran.

Kahit ang mga tao na may parehas na mga gen ay puede o pueding hindi rin magkasakit kong mayroon silang kaibahan

sa kanilang mga pagpili, hilig o

magkaiba ang kanilang tinitirahan

o kapaligiran.

Pangkaraniwang sakit: Dayabetes

Ang mga pagbabago sa

mga gen mo na naipasa

galing sa mga magulang

mo ay maaring magdulot

ng sakit na “type 2”

dayabetes. Kung ikaw ay

aktibo o nag-iinsayo palagi

at kumakain ng tama,

puede mong pababain ang

pagkakataon na ikaw ay

magkasakit nito.

Basahin sa ika-sampung pahina para alamin ang mga sakit na pangkaraniwan sa mga pamilya.

6 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 9: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Libo-libong sakit ay dahil sa

tiyak na pagbabago ng DNA ng

isang gen. Karamihan sa mga sakit na ito ay di pangkaraniwan. Itong

kondisyon ay nangyayari kung

ang indibiduwal ay ipinanganak

na may “mutated” o may ma-

anomaliyang gen.

Kung mayroong di pangkaraniwang sakit na lumalaganap sa

iyong pamilya, kailangang isulat mo ito. Huwag kalimutang

alamin ang tungkol sa mga pangkaraniwang kondisyon naman

na umaapekto sa kalusugan ng pamilya ninyo.

Tiyak na anomaliya sa isang gen: “Sickle Cell Anemia”

Ang “sickle cell anemia”

ay dulot ng isang gen

na may anomaliya

na naipasa galing sa

nanay o tatay (bawat

magulang).

Basahin sa ika-sampung pahina para alamin ang mga sakit na pangkaraniwan sa mga pamilya.

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 7

Page 10: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Paano ang kaalaman sa kasaysayan sa kalusugan ng aking pamilya, makakatulong na mapanatiling ako ay malusog?

Ang kasaysayan ng iyong pamilya ay nagtutukoy kung anong sakit ang dumadaloy sa iyong pamilya. Ang mga problema sa kalusugan na nagsisimulang mabuo sa pagkabata ay palatandaan na ang iyong pamilya ay nanganganib. Samantalang di mo mababago ang inyong gen, pero puede mong baguhin ang iyong mga kilos o estilo ng pamumuhay.

Ang iyong kaalaman tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya ay maaaring makatulong na:• Tukuyin ang delikadong sakit dahil sa gen na ito.

• Alamin at unawain kung anong klaseng estilo ng pamumuhay at kapaligiran na magkaparehas kayo.

• Alamin at unawain kung paano ang makakalusugang estilo ng pamumuhay (healthy lifestyle) makakabawas sa pagkakataon na makuha ang sakit na karaniwan o komon sa iyong pamilya.

• Kausapin mo ang iyong pamilya tungkol sa inyong kalusugan.

• Sabihin sa iyong manggagamot tungkol sa mga sakit na pangkaraniwan sa iyong pamilya.

1. Ipaalam sa iyong manggagamot ang kasaysayan tungkol sa kalusugan ng iyong pamilya.

2. Tanungin sa iyong manggagamot kung puede kang ma-eskrin para sa sakit na karaniwan sa iyong pamilya.

Huwag kalimutan

8 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 11: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Ang iyong manggagamot (doctor, nurse practicioner, physician assistant) ay puedeng gamitin ang kasaysayan sa kalusugan ng iyong pamilya kasama na rin ang iyong kasalukuyang kondisyon, para alamin ang pagkakataong mabuo o magkaroon ka ng sakit. Ang iyong manggamot ay matutulungang magdesisyon kung anong eskrining ang puedeng ibigay sa iyo at anong gamot ang iyong iinumin.

Base sa kasaysayan sa kalusugan ng iyong pamilya, ang iyong manggagamot ay puedeng magrekomenda sa iyo na ipasuri ang iyong gen (genetic testing) o magpatingin ka sa isang “genetic counselor” na magpapayo sa iyo tungkol sa gen mo at puede ka ring ipatingin niya sa eksperto sa genetiko. Malalaman sa resulta ng pagsusuri ng iyong gen kung mayroong pagbabago sa iyong gen na puedeng tumaas ang pagkakataon na makakuha o matablan ka ng takdang sakit (specific ailment or disease or health problem). Puede rin nilang sabihin kung nagkaroon man ng pagbabago ang gen mo at kung ito ay puede mong maipasa sa iyong mga anak. Ang iyong manggagamot ay makakatulong sa iyo na:

• Intindihin ang kahulugan ng mga resulta ng iyong mga susuri.

• Magkaroon ng kaalaman kung paano gamutin ang sakit na nakita base sa resulta ng pagsusuri.

Lahat ng bagong isinilang na bata sa Estados Unidos at sa karamihang mga bansa ay sinusuri, sa tiyak na mga sakit na sanhi sa gen na puedeng magdulot sa kanila ng sakit. Ito ay tinatawag na “newborn screening” o pag-eskrin sa mga bagong isinilang. Kung may problemang natuklasan base sa pag-eskrin, tutulungan ka ng iyong manggagamot na intindihin mo ito.

Bakit kailangang kong ipakita ang kasaysayan ng kalusugan ng aking pamilya sa aking manggagamot?

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 9

Page 12: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Sa mga sumusunod na pagtalakay, bibigyan ka namin ng

mga halimbawa ng mga karaniwang sakit o karamdaman na

nakakaapekto sa komunidad at mga pamilya. Sa bawat sakit,

kasama dito ang mga sumusunod na impormasyon:

• Ano itong mga sakit?

• Sino ang may malaking pagkakataon na matablan o

magkasakit nito?

• Mga makakatulong sa kalusugan

Mga sakit na dumadaloy sa pamilya

1 0 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 13: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 1 1

Ang sakit sa puso ay ang unang sanhi ng pakamatay ng mga tao sa Amerika, maging sa mga lalaki man o babae. Maraming uri ang sakit sa puso. Ang dalawang pangkaraniwang uri ay ang “coronary artery disease - CAD” o sakit sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo papasok at palabas sa puso, at ang “high blood pressure” o alta presyon (lakas ng pagdaloy ng dugo).

ANO ANG “CORONARY ARTERY DISEASE” (CAD)?• Sa sakit na ito ang, ang ugat na nagdadala ng dugo sa puso

ay tumitigas at lumiliit. Ang ugat ay kumikitid o kumikipot at lumiliit dahil sa mga taba (plaque) at “cholesterol” na namumuo sa dingding ng ugat.

• Ang CAD ay lumalala habang tumatagal ang panahon. Habang lumiliit ang ugat na ito, kumakaunti din ang dugo na dumadaloy sa puso, at kumakaunti din ang “oxygen” o hangin na dumadaloy sa puso. Ang kaunting “oxygen” o hangin ay puedeng magdulot ng pananakit ng dibdib o atake sa puso.

• Ang CAD ay ang pangkaraniwan o komon na sanhi ng atake sa puso sa mga Amerikano.

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng CAD?• Umaabot sa 13 ka milyones na Amerikano ang may CAD. Lahat

ay may pagkakataon na magkasakit nito.• Ang CAD ay sanhi ng maraming kombinasyon: mga gen,

pagpipili ng estilo sa pamumuhay, at kapaligiran. Para sa ibang tao, ang pagkain ng tama at pagiging aktibo at pag-ehersisyo, ay puedeng magkapagpabago ng dami ng kolesterol at makakabawas ng pagkakataong magkasakit ng CAD.

• Dahil sa ang iyong mga gen ay di puedeng magbago, ang ibang tao ay kailangang uminom ng medisina para mapababa o mabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng atake sa puso.

Makakatulong sa kalusugan• Kumain ng tama at maging aktibo. Ang pagkamataba ay

nagdadagdag ng pagkakataon na ikaw ay magkasakit.• Inumin ang iyong gamot para mapanatiling mababa ang iyong

kolesterol at alta presyon.• Kung ikaw ay naninigarilyo, kausapin mo ang manggagamot mo

para matulungan kang tumigil.

Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang www.nhlbi.nih.gov/health/dci at pindutin ang “Coronary Artery Disease” o tumawag sa American Heart Association in Hawaii sa 808-244-7185.

Sakit sa puso

Page 14: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

ANO ANG ALTA PRESYON (HIGH BLOOD PRESSURE)? • Ang alta presyon o “high blood pressure” ay sukat kung gaano

kahirap nagtratrabaho ang puso mo para itulak ang dugo na dumadaloy sa mga ugat, papasok at palabas din sa puso.

• May dalawang numero kung babasahin ang sukat ng iyong alta presyon. Ang normal ay 120/80 (kung sa ingles ito ay binibigkas na “120 over 80”) Ang unang numero ay ang lakas na ginagamit ng iyong puso upang itulak o bombahin ang iyong dugo. Ang pangalawang numero ay ang lakas sa bawat pintig ng iyong puso.

• Ang ibig sabihin ng alta presyon o ang sobrang lakas na pagdaloy ng dugo ay; ang iyong puso ay sobrang nagtratrabaho. Sa katagalan ang sobrang lakas ng pagdaloy ng dugo ay magdudulot ng pagkasira ng kidni, atake sa puso, pagputok ng ugat o “stroke” at iba pang mga sakit.

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng alta presyon?• Malamang na isa sa tatlong may idad (adult) ay may alta

presyon. Marami nito ay walang alam na mayroon silang alta presyon dahil wala itong malinaw na palatandaan.

• Ang mga kasaysayan ng alta presyon na nangyayari sa pamilya ay nagdudulot ng mataas na pagkakataon na magkaroon din nito ang kahit bata pa o wala pa sa tamang idad.

• Tumataas ang pagkakataon na magkaalta presyon ka habang ikaw ay nagkakaidad, bumibigat ang timbang, o kung may kapamilya kayo na may alta presyon.

Makakatulong sa kalusugan• Kumain ng kaunting asin o huwag maging mahilig sa asin.

Limitahan ang paginum ng alak, katamtaman lang. Siguruhin na tama lang ang timbang mo at maging aktibo.

• Ayusin ang pagdala ng “stress” o mga problema o sobrang pag-aalala at huwag magpaapekto nito.

• Magpa-eskrin lagi.

Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.nhlbi.nih.gov/health/dci at pindutin ang “High Blood Pressure” o tumawag sa American Heart Association in Maui sa 808-244-7185.

Ang mga palatandaan sa sakit sa puso ay maaring hindi mo mapuna hangga’t ito ay nakapinsala na. Kausapin mo ngayon ang pamilya mo tungkol sa sakit sa puso.

Sakit sa puso itutuloy

1 2 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 15: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 1 3

ANO ANG ASTHMA?• Asma ay sakit sa baga na sanhi ng paulit-ulit na pag-atake

nang mahirap na paghinga, ubo, paghingal, paninikip ng dibdib. Ang pag-atake ay maaaring katamtaman lang hanggang sa delikado na ang kalagayan at makakamatay na ito.

• May mga sanhi ang pag-atake o mga “triggers.” Ito ay katulad ng alikabok, mala-alikabok na maliliit na insekto (dust mites), mga balahibo, buhok, pakpak o balat ng hayop, amag, maliliit na liso o parte ng mga bulaklak, halaman o punongkahoy, malamig na hangin, ehersisyo, mga pag-aalala o problema o “stress”, sipon, alergi, usok galing sa sigarilyo o tabako at polusyon sa hangin.

• Ang ibang tao ay may gen na nagpipigil na maapektohan sila ng mga sanhi ng asma (asthma triggers).

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng asma?• Isa sa bawat sampung bata ay may asma at isa sa bawat

indibiduwal na may sapat na gulang.

• Asma ang malimit na dahilan kung bakit ang mga bata ay napupunta sa “emergency room” at hindi nakakapasok sa klase nila.

• Kung mayroon kang mga magulang, kapatid o anak na may asma o alergi, ikaw ay maaaring magkasakit din nito.

Makakatulong sa kalusugan• Lumayo o iwasan ang mga sanhi sa asma.• Gamitin ang mga gamot nang isakto.

Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.nhlbi.nih.gov/health/dci at pindutin ang “Asthma” or call the American Lung Association in Hawaii sa 808-537-5966 x208.

Asma

Page 16: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

1 4 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Ang dayabetes ay seryoso at di nawawala dahil sa sobrang asukal sa dugo. Tuloy-tuloy na itong sakit. Nalalaman na lang ito ng karamihan kong mayroon na silang dayabetes. Sabi ng American Diabetes Association, isa sa tatlong tao na mayroong pangalawang uri ng dayabetes (Type 2 Diabetes) ay di nila alam na mayroon sila nito.

Ang simtomas nito ay lumalabas kung ang katawan ay nawawalan ng kakayahan na gamitin ang asukal at iba pang pagkain para magbigay ng lakas sa buong katawan. Ito ay nangyayari kung ang katawan ay hindi na nakakapagbigay o nakakagamit ng “hormone” na ang tawag ay “insulin”. Ang malalang problema na dulot ng dayabetes ay pagkabulag, pagkasira ng kidne, at pagkamatay. Puedeng malaman ng maaga kung mayroon kang dayabetes at puede ring gamutin para mapigilan ito o para antala-in muna ang pag-epekto nitong seryosong sakit sa katawan. Genetiko at kapaligiran katulad ng pagkain, at pag-ehersisyo o pagiging aktibo ay may kinalalaman sa pagkakaroon ng dayabetes.

ANO ANG UNANG URI NG DAYABETES (TYPE 1 DIABETES)?• Ang unang uri (Type 1) ng dayabetes ay nararamdaman ng mga

bata o wala pa sa tamang idad o “young adults.”

• Ang mga taong mayroong unang uri ng dayabetes ay tumigil na ng paggawa ng sarili nilang insulin.

ANO ANG PANGALAWANG URI NG DAYABETES (TYPE 2 DIABETES)?• Ang pangalawang uri ng dayabetes ay nararamdaman ng mga

indibiduwal na may 30 taong gulang. Ngunit nitong mga huling taon, maraming mga kabataan ang nagkakasakit nito dahil sa hindi tamang pagkain.

• Ang mga dalub-agham (scientists) ay may dagdag na kaalaman tungkol sa mga gens na may koneksiyon sa ganitong uri ng sakit.

Dayabetes (Sakit sanhi sa tamis o asukal)

Page 17: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 1 5

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng dayabetes?• Isa sa 13 na tao sa Estados Unidos ay may dayabetes.

• Lima sa sampung porsiyento sa mga may dayabetes na Amerikano ay may unang uri ng dayabetes.

• Ang mga kapatid o anak ng mga taong may dayabetes ay malaki ang pagkakataon na magkaroon din sila ng dayabetes.

• Ang mga malalaki o matatabang tao ay kalimitan magkakaroon ng pangalawang uri ng dayabetes.

• Ang mga babae na may mga sanggol na may timbang sobra ng 9 libras (pound) o mayroong dayabetes noong nagbubuntis sila ay malaki ang pagkakataon na magkasakit ng dayabetes.

Makakatulong sa kalusugan• Kumain ng maraming prutas at gulay, kaunting asukal o

matatamis na pagkain at taba.

• Laging mag-ehersisyo at maging aktibo.

• Magbawas ng timbang kung kinakailangan.

Para sa karagdagang impormasyon, tumingin sa www.ndep.nih.gov o tumawag sa Hawaii American Diabetes Association 808-947-5979.

Page 18: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Maraming uri ng kanser. Ang kanser ay sanhi ng pagtubo at paglaganap ng abnormal na mga sel. Pero kahit na ang pagkakataong ikaw ay magkaroon ng kanser ay tumataas habang ikaw ay tumatanda, ang genetiko at ang kapaligiran mo ay may kinalalaman din para ang ibang tao ay magkaroon ng tiyak na tipo ng kanser. Ang ibang karaniwan o komon na kanser ay kanser sa suso, kanser sa baga at kanser sa prosteyt (prostate).

ANO ANG KANSER SA SUSO?• Ang kanser sa suso ay isang tipo ng kanser na kalimitan may

namumuong laman sa loob ng maliit na tubo (ducts) sa suso.• Ang kanser sa suso ay ang pinakakomon na kanser sa mga

babae. Ang mga lalaki ay puede ring magkaroon nito, pero bihira lang.

• Kalimitan ang kanser sa suso ay magagamot kung maaagapan ng maaga.

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng kanser sa suso?• Isa sa bawat walong Amerikanang babae, habang siya ay

nabubuhay, ay magkakaroon ng kanser sa suso. • Sa mga Hispanika/Latina, ang kanser sa suso ay ang

pinakakomon na tipo ng kanser.• May malaking pagkakataon na magkaroon ka rin ng kanser sa

suso kung ikaw ay may malapit na kamag-anak na nagkasakit nito. Kasama na dito ang magkabilaang pamilya ng tatay at nanay mo, kung mayroon sa kanila nagsakit ng kanser sa suso.

Makakatulong sa kalusugan• Ang babae ay dapat magkaroon ng buwan-buwang sariling

pag-eksamin sa suso (self-exam).• Paglampas ng babae ng edad na 40, siya ay dapat

magpamamogram taon-taon.• Magtanong tungkol sa pagsusuri ng genetiko sa mga pamilya

na maraming nagkakasakit ng kanser.• Kumain ng tama at balanseng pagkain at laging mag-ehersisyo.

Limitahan ang alkohol na iyong iinumin.Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.cancer.gov/cancertopics at pindutin ang “Breast Cancer” o tumawag sa Susan G. Komen for the Cure of Breast Cancer in Hawaii 808-754-6659.

Cancer

1 6 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 19: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

ANO ANG KANSER SA BAGA?• Ang kanser sa baga ay sanhi sa di mapigilang pagtubo ng mga

kanser sel sa isa o sa dalawang baga.

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng kanser sa baga?

• Ang kanser sa baga ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng may mga kanser na babae at lalaki.

• Mga 160,000 na tao ang namatay sa Estados Unidos sa kanser sa baga noong 2007.

• Malapit sa 87 porsiyento ng mga kaso ng kaser sa baga sa Estados Unidos ay dahil sa paninigarilyo o may kinalalaman sa sigarilyo.

Makakatulong sa Kalusugan• Huwag manigarilyo.

• Iwasan ang usok ng sigarilyo (secondhand smoke).

• Alamin ang tungkol sa pagtesting para sa radon at saka asbestos sa iyong bahay at sa trabaho.

Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.cancer.gov/cancertopics at pindutin ang “Lung Cancer” o tumawag sa Hawaii American Lung Cancer Association in Maui 808-244-5110.

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 1 7

Page 20: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

ANO ANG KANSER SA PROSTEYT (PROSTATE)?• Ang kanser sa prosteyt ay namumuo sa pampanganak na parte

ng katawan (reproductive system) ng lalaki. Ang prosteyt ay maliit na glandula (gland) malapit sa pantog (bladder).

• Ang mga dalub-agham (scientists) ay wala pang kaalaman kung ano ang sanhi ng kanser sa prosteyt.

• Ang mga doktor ay may pagsusuring ginagawa para malaman kung ang isang lalaki ay may kanser sa prosteyt o wala.

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng kanser sa prosteyt?• Ang mga lalaki kahit ilang taon ay puedeng magkaroon ng

kanser sa prosteyt. Pero, sobra sa 8 sa bawat 10 na kaso ay nangyayari sa mga lalaki na sobra sa 65 taong gulang.

• Ang kanser sa prosteyt ay ang pinakakomon na klase ng kanser sa mga lalaking Hispaniko/Latino at Aprikanong-Amerikano.

• Kung mayroong tatay o kapatid na lalaki na nagkaroon ng kanser sa prosteyt, dumodoble ang pagkakataong magkaroon ng kanser na ito ang isang lalaki. Tumataas pa ito sa pagtaas din ng bilang ng mga kamag-anak na nagkasakit nito, lalo na kung ang mga kamag-anak na ito ay kulang pa sa 50 taong gulang na nagkaroon nito.

Makakatulong sa kalusugan• Sundin ang tamang pagkain o diyeta.

• Mag-ehersisyo palagi.

• Paglampas mo nang 50, magpasuri ka sa prosteyt mo.

Para sa kararagdagang impormasyon, tumingin sa www.cancer.gov/cancertopics at pindutin ang “Prostate Cancer” o tumawag sa American Cancer Sociey Hawaii Pacific Inc. sa 808-595-7544.

Kanser itutuloy

1 8 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 21: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

ANO ANG TIYAK NA MGA ANOMALIYA SA GEN?• Sa unahan nitong libreta, nabasa mo ang tungkol sa mga

kondisyones na sanhi ng pagbabago o “mutations” sa isang takdang gen. Ang tawag sa kondisyon na ito sa ingles ay “single gene disorders.”

• Mayroong 6,000 “single gene disorders”. Sa kalahatang kombinasyon, nangyayari ito sa isa, bawat 300 na isinilang na sanggol.

• Ang mga simtomas sa “single gene disorders” ay masyadong magkaiba-iba, pero kalimitan nito ay makikita sa pamilya.

• Ang pagkolekta ng kasaysayan ng kalusugan sa iyong pamilya para sa ganitong kondisyon o problema ay importante sa pagtukoy at paggamot o pagbakas kung ano ang maaring gawin at desisyon tungkol sa panganganak.

Sino ang may malaking pagkakata-on na magkaroon o magkasakit ng takdang anomaliya sa gen?• Bawat tao ay isinilang na mayroong “mutations”. Kalimitan

sa mga “mutations” na ito ay hindi magdudulot ng sakit sa ganon na lang, pero importante na matukoy kung may takdang idudulot itong pagbabago ng gen (mutation) na sakit.

• Depende kung anong gen ang apektado, ang “single gene disorders” ay puedeng maipasa kahit na kung ang nanay at tatay ay walang simtomas na nakikita o nararamdaman.

• Ang ibang “single gene disorder” ay nadidiskobrehan sa pagbubuntis o sa kapapanganak ng sanggol. Ang iba ay hindi matutukoy (diagnosed) kung di pa ang bata lumalaki o nasa tamang gulang na.

• Ang pinakadelikadong “mutations” ay nagreresulta sa pagkalaglag o pagkamatay ng bata sa loob ng sinapupunan ng ina. Kung mayroon karanasan ang miyembro ng iyong pamilya ng pagkalaglag, baka ito ay may kinalalaman sa “genetic mutation.”

Tiyak na mga anomaliya sa gen

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 1 9

Page 22: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Makakatulong sa kalusugan• Kung mayroon ang iyong pamilya kasaysayan ng “single gene

disorder”, pag-usapan ninyo ito ng iyong manggagamot. Maaaring irekomenda sa iyo na magpatingin ka sa espesyalista.

• Alamin kung anong pagsusuri ang ginagawa sa bagong isinilang na sanggol sa iyong lugar (state).

• Para sa mga libo-libong kondisyones na ito, may mga grupong nagbibigay ng suporta o tulong, impormasyon, at mga paraan para makialam at tumulong sa pagdiskobre ng mga nararapat na lunas na puede mong pagpilian.

Tumingin sa “Disease InfoSearch” sa www.geneticalliance.org para may marami ka pang malaman.

Para sa kararagdagang impormasyon tungkol sa “single gene disorders”, makipanayam sa Genetic and Rare Diseases (GARD) Information Center sa [email protected] o tumawag 888-205-2311 o tumawag sa 888-205-2311 o tumawag sa Hawaii State Genetics Program, Hawaii State Department of Health 808-733-9055 at tumingin sa www.hawaiigenetics.org.

Takdang mga anomaliya ng gen continued

20 I TO BA AY PANGKARAN IWAN SA AT ING PAM I LYA ?

Page 23: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

Ang kasangkapang “Does it Run in the Family” o “Ito Ba ay

Pangkaraniwang Sakit sa Ating Pamilya”, ay may kasamang

2 libreta na makakatulong na magkaroon ng maiksing

impormasyon tungkol sa iyong kalusugan na puede mong

ibigay sa iyong manggagamot – ang Family Health Portrait

at ang Health Care Provider Card. Puede mo ring marinig sa

iyong manggagamot na tawagin ang Family Health Portrait

na “pedigree.”

Bawat pamilya at indibiduwal ay kakaiba at maaaring may

kakaiba ding sakit sa genetiko na hindi nabanggit dito.

Ang nabanggit dito ay ang mga pangunahing sakit na may

kinalalaman sa genetiko.

Para sa karagdagang impormasyon tumingin sa:

Disease InfoSearchwww.geneticalliance.org

National Library of Medicinewww.nlm.nih.gov/services/genetics_resources.html

Lanai Community Health Centerwww.lanaicommunityhealthcenter.org

Mga Kasangkapan

GABAY SA GENET I KO AT KA LUSUGAN 2 1

Page 24: Gabay Sa Genetiko at Kalusugan

478 Lauhala Place

Lanai City, HI USA 96763 – 0142

Phone: 808-565-6919 Fax: 808-565-9111

[email protected]

WWW.LANAICOMMUNITYHEALTHCENTER.ORG

Ang Lanai Community Health Center (LCHC) ay binibigyan ng pundo ng gobyernong pederal ng Estados Unidos na tumatanggap ng pasyente -

mayroon o wala man siyang insyurans. Ang LCHC ay nagbibigay ng malawakang saklaw sa pag-

bibigay ng iyong lunas, maingat sa iyong praybasi, mataas na paggalang at respeto sa

iyong mga paniniwala at kultura at pangunahing pag-aalaga para sa buong pamilya.

ORAS NA BUKASLunes/Miyerkules/Biyernes:

9:00 ng UMAGA – 7:00 ng GABIMartes/Huebes: 8:00 ng UMAGA – 5:00 ng HAPON

Sabado: 8:00 ng UMAGA – 3:00 ng HAPON

4301 Connecticut Ave. NW, Suite 404

Washington, D.C. 20008-2369

Phone: 202-966-5557 Fax: 202-966-8553

[email protected]

WWW.GENETICALLIANCE.ORG