40
N N a a t t a a t t a a n n g g i i n n g g T T a a g g a a p p a a n n g g a a l l a a g g a a Mga Maikling Pagpapasya sa Debosyunal na Buhay ni Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj Kasama ng pagpapakilala ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Natatanging Gabay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A Filipino version of the book Exclusive Guardianship by His Divine Grace Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Citation preview

Page 1: Natatanging Gabay

NNaattaattaannggiinngg

TTaaggaappaannggaallaaggaa

Mga Maikling Pagpapasya sa Debosyunal na Buhay

ni

Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj

Kasama ng pagpapakilala ni

Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Page 2: Natatanging Gabay

Kung tunay ngang tapat ang aking paghahanap

sa Diyos, Ito’y darating

mula sa Kanyang kinaroroonan

at kaninoman ko Siya matagpuan,

Siya’y dapat lamang nating ituring na Guru. Dahil siya mismo ang kinatawan

ng Diyos.

Page 3: Natatanging Gabay

Ang Kanyang Banal na Pagpapala

Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj

Ang Acharyya at Tagapagtatag ng bantog na

Sri Chaitanya Saraswat Math

Page 4: Natatanging Gabay

Purihin ang Banal na Maestro at ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Natatanging

Tagapangalaga Mga Maikling Pagpapasya sa

Debosyunal na Buhay

Mula sa mga impormal na pakikipag-usap ng Kanyang Banal na Pagpapala

Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj

Kasama ang Panimulang Pangungusap ng Kanyang Banal na Pagpapala

Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj Presidente at Humaliling-Acharyya ng SRI CHAITANYA SARASWAT MATH

Kolerganj, P.O. Nabadwip, District nadia, West Bengal, PIN 741302, INDIA

At mga sangay nito sa ibang bansa

Page 5: Natatanging Gabay

Ang lahat ng karapatan sa aklat na ito ay pag-aari ng: Sevaite na Presidente at Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math, Ang Kanyang Banal na Pagpapala si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj Unang Inimprenta noong 1992 sa Malaysia Unang Inimprenta sa Wikang Filipino taong 2007 Isinalin sa panulat ni Mahananda Dasa Bhakti Ranjan Isinalin ni Rupa Vilas Dasa sa wikang Filipino At inialay kasama ang mga Filipinong deboto bilang pag-aalay sa ika 113 Taon ng Banal na Araw ng Pagsapit ng Kanyang Banal na Pagpapala ni Om Visnupada Astottara-sata Sri–Srimad Nitya lila Pravistha Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj, Oktubre 3, 2007. Ang sinumang nagnanais makipagsulatan o makipag-ugnayan ay maaaring tumungo o sumulat sa: SECRETARIAT Sri Chaitanya Saraswat Math Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia, West Bengal, PIN 741302, INDIA O sa local na sangay nito: SRI CHAITANYA SARASWAT MATH, (PHILS.) INC. NAMA HATTA CENTER 66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Brgy. U.P. Campus, Diliman, Q.C. 1101, PHILIPPINES (Phone) 433-4108 Cellphone no. 0922-2413704

Page 6: Natatanging Gabay

MGA NILALAMAN

Editoryal . . . . . . . . . i

Pambungad “Pagsasalin nang Lubusan” . . . . . vii

Isang Pagpapakilala---ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj . . . . . . xii

Kabanata 1: Ang May Paninindigan at May Kakayahan . . . 1

Kabanata 2: Isang Napakagandang Dampi . . . . 11

Kabanata 3: Pananalig at Pakikiisa . . . . . 22

Kabanata4: Nakapokus sa Guru . . . . . . 38

Pangwakas na Pahina: . . . . . . . 47

Ang Huling Kahilingan at mga Pag-uutos ni Srila Guru Maharaj Sa Kanyang Huling Kahilingan at Testamento

Page 7: Natatanging Gabay

Ang babasahing ito ay buong puso naming inaalay para sa kasiyahan ng ating mga

Natatanging Tagapangalaga

Ang Kanilang mga Banal na Pagpapala Sina

Om Vishnupada Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

At ang Ananta-sri Vibhusita Paramahamsa-kula-cudamani

Om Vishnupada Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj

Orihinal na inialay sa okasyon ng kauna-unahang Paglilibot sa Mundo

ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj noong June-July 1992

Page 8: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Guru at si Gauranga

Editoryal

Ibinibigay ko ang aking lubos na dandavat pranams sa aking mga Banal na Maestro at sa lahat ng Vaishnavas. Ang kanilang kadakilaan ay pinupuri sa lahat ng bahagi ng mga Banal na Kasulatan at gayun din mismo ng Panginoon. Saanmang daigdig tanging sila lamang ang aking pag-asa. Habang tangan ko ang aking panulat at papel ito ang panahon kung saan di-mabilang na mapapalad na kaluluwa naman dito sa Kanlurang bahagi ng mundo ang nagkaroon ng pagkakataong makasilong sa malamig na silungan ng lotus na paanan ni Om Vishnupada Sri Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Siya ang Sri Acharyyadeva ng Sri Chaitanya Saraswat Math at siya din ang itinalagang ganap na tagapangalaga ng sampradaya ng ating bantog na Banal na Maestro, si Om Vishnupada Sri Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj. Sa kasalukuyan ay wala din ako sa Math para gawin ang ilang bagay para sa ating mga Srila Guru Maharajs, Napakalaki ng kamalasan ko dahil isa ako sa iilang tao na hindi nagkaroon ng pagkakataong makaharap o kaya ay makapaglingkod kay Srila Govinda Maharaj sa alinman sa bahagi nitong kanyang kauna-unahang paglilibot at pangangaral sa Kanluran. Ito kasi ang pagkakataon nating lahat na maaari natin siyang alalahanin saanman siya naroroon at ibahagi sa iba ang sarap ng kanyang mga kasalukuyang pag-aaliw. Para makapaglingkod man lamang ako, kahit sa di-tuwirang pamamaraan, sa kanyang paglilibot sa mundo, ang libretong ito’y ginawa para purihin ang debosyunal na paaralan at para na rin bigyan ng papuri ang ating mga Natatanging Tagapangalaga dahil mahalaga sa atin ang kanilang mga pagpapala para sa ating paglalakbay pabalik sa ating tahanan. Ito’y mga tipon ng mga naka-record sa tape na pag-uusap ng ating mga Natatanging Tagapangalaga sa panahong ito ng Rupanuga-sampradaya, ang ating mga Srila Guru Maharajs—sina Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj at Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj. Idinadalangin ko na sana’y tanggapin nila ang aking pagtatangkang makapaglingkod sa kanila. Sa umpisa ay aking isinalin sa panulat ang pakikipag-usap kay Srila Guru Maharaj noong ika 29 ng Abril taong 1987 na higit pang nagbibigay linaw sa pinaka-mataas na kalagayan ni Srila Govinda Maharaj. Ito’y isa lamang sa napakaraming mga pagkakataon noong matibay na ipinahayag ni Srila Guru Maharaj ang pagtatalaga kay Srila Govinda Maharaj na lubusang kahalili niya. Tunay ngang, matapos niyang ibigay ang pamamahala dito, itinuon naman ni Srila Guru Maharaj ang ganitong tema ng kanyang pangangaral sa mga bumibisitang deboto sa Math, kung saan ako mismo, marahil dala nang aking kahambugan ay ganito ang inisip, “Srila Guru Maharaj, hindi na po masyadong mahalaga ang paglilinaw ninyo sa ganap na pagsasalin ninyo kay Srila Govinda Maharaj dahil siya’y iginagalang na namin at sinusunod katulad ng mga ginagawa namin sa inyo. Dahil maraming ulit na po ninyong nasabi ito, sa harap ng publiko at maging sa mga indibidwal na pumupunta dito at marami na rin ang napagsabihan ninyo. Alam na po namin ang bagay na ito at naiintindihan.” Pero batid ‘niya’ ang kahalagahan sa pag-uulit-ulit nito---dahil ito’y para sa ‘ating’ kapakinabangan.

Page 9: Natatanging Gabay

Ngayon nama’y binibigyang katuparan na ni Srila Govinda Maharaj ang isa pang paulit-ulit na kagustuhan ni Srila Guru Maharaj: ang maglakbay ito sa mundo para mangaral ng kamalayan kay Krsna. Noong unang araw pa lamang, madalas na inaanyayahan na ni Srila Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad si Srila Govinda Maharaj para samahan ito sa Kanluran at ito’y inalok pa nga niya ng libreng tiket sa eroplano, atbp. At gusto din noon ni Srila Guru Maharaj na sumama ito, kung kaya’t minsan ay sinabi pa sa kanyang ibenta na muna niya ang ilang lupain ng Math para magamit na panggastos nito habang ito’y nasa ibang bansa. Ganunpaman, dahil sa laging bumabagsak ang kalusugan ni Srila Guru Maharaj, ito’y ayaw iwan ni Srila Govinda Maharaj. At sa paglipas nga ng panahon, ang di-natin mawari ay nangyari din, si Srila Guru Maharaj ay pumanaw sa mundong ito. Ito’y noong ika 12 ng Agosto taong 1988. Ilang araw bago mangyari ito, at ilang araw din matapos siyang pumanaw, ang Gauda-desa ay nayanig ng lindol. Naramdaman ng lahat ng deboto sa buong mundo ang yanig ng kanyang paglisan. Ang Math mismo ay naging lugar ng mga biyak na puso. Sa gitna ng kirot na aming naramdaman dahil sa pagkakawalay sa ating minamahal na gabay, mayroon parin tayong nag-iisang kapalaran: ang malinaw na tagubilin ni Srila Guru Maharaj, ang kanyang Misyon ay magpapatuloy sa pamumuno ni Srila Govinda Maharaj. Ito’y isa na namang kabanata sa marangyang kasaysayan ng Rupanuga-sampradaya na nagsimula nang ibigay kay Srila Govinda Maharaj ang pamamahala sa lahat ng mga usapin sa Math noong ika-26 ng Marso 1986. Ito’y malugod na tinanggap naman ng lahat ng matapat na deboto ni Srila Guru Maharaj bilang paglilingkod para ayusin ang kanilang debosyunal na buhay sa ilalim ng lilim ng lotus na paanan ni Srila Govinda Maharaj. Dumagsa na talaga mula sa lahat ng panig ng mundo ang mga imbitasyon para kay Srila Govinda Maharaj na maglakbay ito sa ibang bansa at mangaral nang husto. Pero ang inuna muna niya ay ang pagpapatayo ng Samadhi Mandir para maayos na mailagay sa libingan ang sagradong katauhan ni Srila Guru Maharaj. Ito’y ginawa kahit walang plano mula sa mga arkitekto, puro meditasyon lamang at halos araw-araw itong pinagasiwaan ni Srila Govinda Maharaj, ang Templong ito ng Magkawalay na Pagsasama ay natapos sa tulong ng mga tuluy-tuloy na pagsuporta ng mga deboto sa buong mundo. Ito’y nakatindig bilang marangyang pagkilala kay Srila Guru Maharaj ng lahat ng kanyang mga deboto sa pamumuno ni Srila Govinda Maharaj. At hindi lamang dito sa Sri Chaitanya Saraswat Math matatag na nagpapatuloy ang mga programa natin, kundi maging doon din sa ibang sentro natin sa India. Doon naman sa Sridham Jagannath Puri naging maganda din ang pagkakaayos ng ating Templo para kina Sri Sri Nitai-Chaintanyadev; natapos na din ang dalawang-palapag na bahay para sa mga bisita (na sinasabing pinakamaganda sa Puri), at maging ang bagong kusina doon, ang tulugan ng mga pujari at ang maliit na silid para sa pamamahagi ng Prasadam. Sa kasalukuyan naman ay inaayos din ang mga silid para sa mga brahmacharis at sannyasis. At dagdag pa sa madaming pagbabago sa mga sentro natin, tayo’y nakabili na ng isang maliit na lupa sa Vrndaban, at doon din sa Burol ng Govarddhan. Plano din ni Srila Govinda Maharaj na magtayo doon ng mga debosyunal na tuluyan sa darating na panahon. Bagama’t nagtuluy-tuloy ang mga pagbabago sa mga sentro natin sa India sapul ng pumanaw si Srila Guru Maharaj, hindi parin naramdaman ni Srila Govinda Maharaj ang kalayaan para makapaglakbay: dahil ibig niyang bigyan ng tamang pagpaparangal sa

Page 10: Natatanging Gabay

napakaimportanteng taon ng ating Math. Nakita natin noong araw ng Pagdiriwang sa Jagannath Rathayatra noong Hunyo 1991 ang simula ng Ginintuang Taon ng Pagdiriwang ng Sri Chaitanya Saraswat Math. Matapos na matanggap ni Srila Govinda Maharaj ang isang inspirasyon mula kay Srila Guru Maharaj, pinasimulan nito ang isang buong-taon na punung-puno ng mga programa ng mga pagdadakila kay Srila Guru Maharaj at sa kanyang banal na Misyon. Ang Ginintuang Taon ng Pagdiriwang na ito ay pinasimulan sa Jagannath Puri ng Hari ng Puri, ang iginagalang na Vaishnava, si Gajapati Maharaj Sri Divyasinghadev Bahadur. Kabilang sa idinagdag na iba’t-ibang programa para sa buong taon ay ang paglalakbay sa banal na lugar sa Vrndaban at Govarddhan at sa wakas ay natapos sa pinaka-pangunahing pagdiriwang sa Math kasabay ng pinahabang selebrasyon hanggang sa panahon ng Sri Gaura-purnima noong 1992. Samantala, dumadagsa parin ang mga nag-iimbita kay Srila Govinda Maharaj para maglakbay ito sa Kanluran, dahil dito, para bigyan ng katuparan ang mga kahilingang ito, gusto niya, para narin sa kasiyahan ni Srila Guru Maharaj, ang paglilibot na ito ay magsimula sa panahon ng Ginintuang Taon ng Pagdiriwang, samantalang naihanda na ng mga deboto ang kanyang “Ang Paglilibot ng Banal na Tagapaglingkod.” Dapat bigyan din ng isang espesyal na pagkilala dito sina Sripad Bhakti Ananda Sagar Maharaj at Sripad Mohanananda Prabhu dahil sa kanilang mga walang-kapagurang tulong matuloy lamang ito. Isang malaki at madamdaming sankirttan ang naghatid noon kay Srila Govinda Maharaj sa Airport ng Calcutta, kasama ang maliit na grupo sa kanyang paglalakbay, ito’y nagsimula noong ika 2 ng Hunyo 1992 at ang unang naging destinasyon ay bansang Australia. Magmula noon ay nakatanggap na ako ng mga nakatutuwang pagtanggap sa kanya noong unang araw pa lamang ng kanyang Paglilibot. Ngayon, dahil sa labis na kalungkutan sanhi ng pagkakawalay ko sa kanya, ang maikling lathalaing ito ay aming inilabas upang kahit bahagya ay makapag-ambag man lamang ako sa pinakamalaking espirituwal na kasaysayang ito, na isang pagkakataon din para sa mga mambabasa natin na direktang makilahok sila. Ako’y nagdarasal para sa mga walang-kinikilingang pagpapala nina Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj, Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj at ang lahat ng mga kagalang-galang na deboto at ang kanilang mga kasamahan, Nagpapakumbaba, Mahananda Dasa Bhakti Ranjan Hunyo 1992

Page 11: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Pambungad

“Pagsasalin nang Lubusan”

Mula sa naka-taped na pag-uusap sa pagitan nina Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj at ng ilang disipulo nito noong ika 29 ng Abril taong 1987. Deboto: (Dr. Amiya Astahana): Ako po’y medyo balisa tungkol sa kalagayan ni Srila Govinda Maharaj. Srila Guru Maharaj (Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj): Naibigay ko na sa kanya, naibigay ko na sa kanya ang kapangyarihan, para gawin ang lahat ng ito sa ngalan ko: Rttvik. Sa ngalan ko, itinalaga ko siya para gawin ang lahat ng mga espirituwal na gawain. Deboto: Pero mali po ang pagkakaunawa ng maraming tao dito sa salitang “Rttvik” na ito. May mga nagsasabing siya’y hindi talaga tuwirang humalili sa inyo; ang sabi nila’y Rttvik lamang siya. Srila Guru Maharaj: Ito’y higit pa sa Rttvik. Kahit ano pa, siya’y binibigyan ko ng kapangyarihan. Katulad ng paglagay ng Hari sa kanyang anak bilang isang Hari at pagkatapos ito’y nagretiro, ano na siya ngayon? Katulad ng ginawa ni Dasarath kay Ramachandra. Iginawad ng Hari ang lahat ng kanyang kapangyarihan bilang Hari sa kanyang anak at ito’y namundok bagama’t masasabing ito’y may ganap na kapangyarihan at puspos sa kadakilaan. Deboto: Marami sa mga nakausap kong tao ang nagsasabing ang Rttvik ay hindi daw tuwirang isang Guru. Kundi, ayon sa kanila ang Rttvik ay Rttvik lamang. Srila Guru Maharaj: Ang Rttvik ay Rttvik talaga, pero kung ibinibigay ko sa kanya ang aking kapangyarihan ano ang masama dito? Yung mga taong wala talagang sraddha, ay maaari ng umalis, ayoko sa kanila. Deboto: Ang ibig po bang sabihin ng Rttvik ay direktang humahalili? Srila Guru Maharaj: Ang ibig sabihin ng Rttvik ay kinatawan, representante. Ito’y maaaring pansamantala lamang o dili kaya ay maaaring permanente. Maaaring bahagi lamang o kaya ay lubusan na talaga, pero siya’y may kapangyarihan na. Deboto: Ang ipinagkaloob mo po bang kapangyarihan kay Srila Govinda Maharaj ay pansamantala lamang o permanente na? Srila Guru Maharaj: Permanente. Lahat-lahat na---pati na sa mga ari-arian at mga gawain---ito’y isinasalin na. Ang sinumang hindi kumikilala sa opinyon kong ito, ay ayaw kong nandito sila sa Misyon. Kakaladkarin ko sila palabas. Deboto: Pero maaari pa silang kumilos mula sa labas at gumalaw bilang bahagi ninyo? Srila Guru Maharaj: Ano to bilang isang pagrerebelde ba (tunay na sinabi). Ito’y isang paghihimagsik—ito’y walang kapahintulutan—ito’y maaari nga nilang gawin. Subalit sila’y iniwan ko na. Gawin na nila kung anuman ang gusto nilang gawin at anihin ang mga resulta nito na malayo sa espirituwal na mundo, malayo mula sa Diyos. Dahil ito’y labag sa batas.

Page 12: Natatanging Gabay

Ang kapangyarihan ay maaaring ipagkaloob at maaaring bawiin din—gusto kong layuan sila. Sa mga taong walang paniniwala sa aking naging desisyon, ay aking tinatalikuran na. Ito’y hindi dahil sa nauuso kundi ito’y dahil sa pananalig. Kung wala talaga silang paniniwala sa akin, sila’y tinatalikuran ko na. Deboto: May ilang deboto ang maaaring magsabi na, “Ang kapangyarihang ito (Rttvik) ay naipagkaloob din sa akin noong 1982 o noong ’84, at samantalang ang kapangyarihang ito’y naipagkaloob lamang sa kanya noong ’86 kaya masasabi kong mas seniour ako sa kanya.” Srila Guru Maharaj: Wala ditong senyoridad o patandaan. Wala ditong patagalan. Walang ganito--Walang pinag-uusapan dito na patagalan bilang katangian Deboto: Balak ko po sanang padalhan ng sulat ang lahat ng mga senior na deboto para linawin sa kanila ang bagay na ito, para sa pagtagal ay walang lalabas na ganitong kumplikasyon dahil baka magdulot pa ito ng kalituhan sa pagsulpot ng iba’t-ibang interpretasyon. Srila Guru Maharaj: Ang sinumang susuway sa akin matapos akong pumanaw ay awtomatikong iiwan ko. Ito’y usapan lamang ng pananalig. Walang karapatan kundi pananalig lamang. Kung wala silang paniniwala sa mga sinasabi ko, sila’y awtomatikong ipinagtatabuyan ko na. Deboto: May mga taong wala talagang paniniwala sa kahit kaninuman. Iba’t-ibang tao ang pinupuntahan nila para kumuha ng mga bagay-bagay. Interesado lamang sila sa karunungan at sa posisyon. Srila Guru Maharaj: Wala tayong pakialam sa kanila. Galit tayo sa kanila. Kinapopootan natin sila dahil alam nating wala talaga sa kanila ang linya ng pagiging maka-diyos sa buhay. Dahil wala pa talaga silang sapat na kaalaman maaari sigurong sa di-maayos na kalagayan ay kaliwa’t-kanan ang pangungulekta nito ng karunungan. Wala silang kakayahan (na makita) ang Diyos sa pamamagitan ng ibang tao, na nasa harapan na pala nila. Kung talagang tapat ako sa paghahanap ko sa Diyos, walang-dudang, ang Diyos ay pupunta din sa akin, at saan ko man Siya makita, ito’y itinuturing kong aking Guru. Dahil ang ibig sabihin ng Guru ay kinatawan mismo ng Diyos.

Page 13: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Isang Pagpapakilala

Isang impormal na pakikipagtalakayan

Nang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Ang aral na ito ay ipinagkaloob bilang isa sa mga diskursong ibinibigay sa salitang English tuwing umaga sa Srila Guru Maharaj Samadhi Mandir: doon sa Templo ng Magkawalay na Pagsasama, sa Sri Chaitanya Saraswat Math, Koladwip, Nabadwip, West Bengal, India. Minsan ay mahalaga din ang magkaroon ng isang istagosthi. Kapag ang mga deboto ay nagsasama-sama at pinag-uusapan ang isang usapin, ito ay tinatawag na istagosthi. Ito rin kasi ang pagkakataon para ayusin ang mga gusot sa pagitan ng mga deboto. Makaraan ang isa o dalawang taon ng ako’y pumasok dito sa Sri Chaitanya Saraswat Math madalas kaming magkaroon noon ng istagosthi. Natatapos noon ang aming tanghalian ng mga ala-1 ng hapon at pagkatapos ay natatapos ang aming istagosthi ng bandang alas-2 at alas-3 na ng hapon. Ang lahat ng mga nakatirang deboto noon dito sa Math ay sama-samang nauupo at sumasali. Minsan ay sumasama din sa amin si Srila Guru Maharaj, at ito’y may isang espesyal na pamamaraan sa pagpapatakbo nito. Ang pangkaraniwang kaalaman natin kasi, tinatawag na deboto ang deboto kung ito’y may ganap na pananalig sa Panginoon. Pero dito sa Vaishnavaismo ang ganap na deboto ni Krsna ay mga debotong ganap na deboto sa Sri Guru-Vaishnava. Dahil ganito mismo ang sinasabi ni Krsna,

ye me bhakta-janah partha, ne me bhaktas ca te janah mad bhaktanam ca ye bhaktas, te me bhaktatama matah

“Sila na mga nagsasabing deboto Ko ay hindi tunay na deboto Ko, dahil ang deboto Ko ay ang mga taong deboto ng Aking deboto at sila ang tunay na deboto Ko.” Ibinigay noon ni Srila Guru Maharaj sa pamamagitan ng istagosthi ang higit na pagkakataon para purihin ng mga deboto ang bawat-isa. Minsan kasi ay may nag-away na deboto, dahil magkaka-iba ang kanilang opinyon. Ang isa ay gusto sa ganoong direksyon, samantalang ang isa ay sa kabila naman, dahil dito nagkakaroon ng mga pagtatalo hanggang sa umabot sa insultuhan ng bawat-isa. Pero sila’y pinag-aayos din ni Srila Guru Maharaj matapos itong ipatawag at iutos sa kanilang purihin ang bawa’t-isa, “Ilarawan mo nga kung ano ang magagandang katangian ng debotong ito.” Sa ganitong paraan itinuro sa amin ni Srila Guru Maharaj kung papaano purihin ang mga Vaishnavas ng hindi tumitingin sa kanilang mga kamalian. Madalas gamitin ni Srila Guru Maharaj ang salitang, “Kayo’y hindi mga inspector o tagahanap ng butas.” Ganito ang kanyang paliwanag, “Kayo’y nagsasaliksik, naghahanap sa kamalayan kay Krsna. At hindi naghahanap ng butas. Ang langgam ay naghahanap ng butas

Page 14: Natatanging Gabay

na mapapasok. Huwag kayong maghanap ng anumang butas, ang tignan lamang ninyo ay ang mga magagandang katangian ng mga Vaishnavas at ito ang sundan ninyo.” Sa ganitong paraan isinagawa ni Srila Guru Maharaj ang kanyang klase sa istagosthi para magsama-sama ang mga deboto at purihin ang bawa’t-isa. At ito rin kasi ang pagkakataon ng mga deboto para magtanong. Gusto kasi ni Srila Guru Maharaj na kami na mismong mga deboto ang sumagot sa aming mga katanungan. Sa paraang ito pinatakbo ni Srila Guru Maharaja ng aming isipan. Kailangang maging mapagkumbaba tayo, maging mapagtiis, at magbigay nang paggalang sa ibang deboto. Mauunawaan natin ang lahat ng siddhanta kapag binasa natin ang Sri Chaitanya-charitamrta. Pero papaano natin masusundan ang linya ni Srila Rupa Goswami at ng iba pang Goswamis? Ang bagay na ito’y madali nating mauunawaan sa pamamagitan ng mga aklat ni Srila Guru Maharaj. Maraming mga katanungan ang nabigyan na ng kanilang mga kasagutan. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para mabasa ang lahat ng aklat ni Srila Guru Maharaj, pero masaya ako sa mga naging pamagat nila. Noong marinig ko ang aklat na Ang Mapagmahal na Paghahanap sa Nawawalang Katiwala (The Loving Search for the Lost Servant) naalala ko agad ang mga naging aliwan noon ni Krsna katulad ng inilalarawan sa Brhat-Bhagavatamrtam. Doon naman sa Ang Mapagmahal na Paghahanap sa Nawawalang Katiwala ay mayroong napakagandang larawan ni Krsna na yumayakap sa nawawalang katiwala, na siya naman naging tema ng naging titulo nito. Tanging ang pag-ibig lamang ang makapagbibigay sa atin ng lahat ng yaman ng transedental na kasiyahan, pero dito sa materyal na paniniwala tanging ang anino lamang nito ang makikita, at ito’y masama. Doon sa anino ay wala tayong makikitang orihinal. Doon sa negatibong mundo ang lahat ay pawang negatibo, at doon naman sa positibong mundo ang lahat ay pawang positibo. Dito sa materyal na mundo ang bawal na pag-iibigan ay hindi kapuri-puri, subalit ito’y kabaligtaran doon sa transedental na mundo. Doon ay tanging si Krsna lamang ang tumitikim. At ang lahat ay abala sa pagbibigay sa Kanya ng mga magagamit sa Kanyang pagsisiya, samakatuwid, ang lahat ng bagay doon ay napakasaya, mabubuti at transedental. Buong pagmamahal na hinahanap ni Krsna ang Kanyang sariling kasiyahan. Doon sa positibong mundo, ang mapagmahal na paghahanap ay nasa positibong pamamaraan. Bagama’t si Krsna ang lumalasap ng kasiyahan, Siya’y nakararanas din ng kakulangan nito sapagkat ang Kanyang tagapaglingkod ay nawawala. Ang lahat ng bagay nasa sa Kanya na, subalit ibig din Niyang maging maligaya ang nawawala Niyang tagapaglingkod. Tayo ay Kanyang binigyan ng kalayaan, subalit ito’y ginamit natin sa maling paraan kung kaya’t napapunta tayo dito sa materyal na mundong ito at naghanap ng kasiyahan sa mga materyal na bagay. Hinahanap natin ang kaligayahan, subalit ang kaligayahang ito’y wala dito, kung kaya’t bigo parin tayo. Ganito ang nararamdaman ng mga tao dito, “Magiging masaya ako pagnagkaroon ako ng limang rupees.” Pero matapos siyang magkaroon nang limang rupees, “Mashigit ang aking kasiyahan kapag nagkaroon pa ako ng sampung rupees.” At pagkatapos ay, “Siguro masmainam kung isandaang rupees na lang para talagang maging masaya na ako.” Katulad din nito, tayo ay naghahanap ng kanak, kamini, at ng pratistha (yaman, kasiyahan at kasikatan) subalit tayo’y paulit-ulit paring nabibigo. Sabi nga ni Krsna,

xv

Page 15: Natatanging Gabay

te tam bhukta svarga-lokam visalam ksine punye martya-lokam visanti

(Bg. 9.21) “Matapos malasap ng mga residente ng kalangitan ang masarap at matinding mala-langit na kasiyahan, at matapos na maubos din ang kanilang kabanalan, sila’y pumapasok sa kapatagan ng mga tao.”

abrahma-bhuvanal lokah, punar avartino ‘rjjuna (Bg. 8.16) “Magmula sa planeta ng Panginoong Brahma, pababa nito, ang lahat ng naninirahan sa lahat ng planeta ay pumapailalim sa paulit-ulit na kamatayan at pagsilang.” Ganito ang naging galaw natin dito sa materyal na mundong ito, sa Brahmanda. Subalit tayo ay hinahanap parin ni Krsna, “Nasaan na ang kaluluwang iyon na nagkamali sa paggamit ng kanyang kalayaan?” Ang lahat ng bagay ay Kanyang nakikita subalit Siya’y hindi nakikialam. Ang tanging dahilan kung bakit hindi Ito nakikialam ay dahil nais Niyang maging kusang-loob ang paglilingkod natin sa Kanya. Ang sinumang makatatawid sa ilusyon at makakapasok sa transedental na mundo ng paglilingkod, partikular na doon sa bahagi ng mga super-na naglilingkod na nasa ilalim ng pamamahala ng madhura-rasa, ang debotong ito’y agad nang niyayakap ni Krsna, “Oh, ang tagal na Kitang hindi nakikita. Batid Kong Ako ang layunin ng buhay mo, at matapos ang napakahabang panahon ikaw ay nakabalik na sa tahanan mo. Matagal na talaga Kitang hinahanap kung kailan ka babalik.” Ito ang damdamin ni Krsna. Binabanggit doon sa Sri Chaitanya-charitamrta kung papaano nakatago si Sri Gopalji sa Giriraj Govarddhan, at ng dumating nga si Sri Madhavendra Puri, ito’y Kanyang binigyan ng gatas at nagpakita sa panaginip, “Hinihintay Kita at kung dadating ka, kunin mo Ako at ilabas dito at iayos mo ang seva Ko. Matagal na Akong naghihirap dito. Sa tag-lamig ay wala Akong anumang kasuotan; sa panahon naman ng tag-init ay wala Akong kahit na anumang pamaypay. Wala sa Aking nagpapakain sa araw-araw. Lagi Akong nag-aayuno, pero araw-araw pa rin Kitang hinihintay para kunin Ako at pakainin.”

om purnam adah purnam idam, purnat purnam udacyate purnasya purnam adaya, purnam evasisyate

(Sri Isopanishad) Ang Diyos ay punung-puno. Siya’y punung-puno ng lahat ng bagay, pero ang Kanyang kahinaan ay matatagpuan sa pag-ibig. Ito’y hindi talaga kakapusan sa bahagi Niya kundi ito’y isa lamang Niyang pag-aaliw, Kanyang lila. Siya’y nakakaramdam ng kakulangan sa Sarili, at kapag Siya’y pinaglilingkuran ng Kanyang mga tagapaglingkod, ito’y masayang tinatanggap ni Krsna at bilang kabayaran, ibinibigay naman Niya ang pagkakataong higit na makapaglingkod pa ito sa Kanya. Hangga’t hindi bukal sa kanilang kalooban ang paglilingkod sa Kanya, hinihintay parin ni Krsna ang nawawala Niyang tagapaglingkod. Si Krsna ay punung-puno ng kaligayahan, kalugud-lugod na kasiyahan at ng lahat ng bagay, subalit Kanya lamang libangan ang Kanyang mga paglalaro, kung ganoon kapwa Siya

Page 16: Natatanging Gabay

dapat maging positibo at negatibo dahil kung hindi Siya’y hindi makapaglalaro. Doon sa positibong mundo ay mayroong isang uri din ng pagiging “negatibo,” dahil kung wala nito, Siya’y hindi makapaglalaro, at ang tawag dito ay pagkakawalay. Sa kasalukuyan ay nandirito at nabubuhay si Srila Guru Maharaj, subalit hindi natin nakikita ang kanyang kaanyuan. Dahil dito, sa pamamagitan ng negatibong paraan nararamdaman parin natin ang katauhan ni Srila Guru Maharaj, at ito’y masasabing positibo din. Doon sa positibong mundo ang lahat ng bagay ay pawang positibo, subalit kung mayroong magaganap na paglalaro sa bahagi Niya, dumarating ang isang uri ng negatibo. Ang pagiging “negatibong” ito ay hindi katulad ng pagiging negatibo dito sa materyal na mundo. Ang negatibong nararamdaman sa masmataas na kapatagan ay palaging tumutulong sa positibo. Ayon sa kanyang pangangailan ang “negatibo” ay darating, at ang bagay na ito’y tinatawag na paghihiwalay. Ang Magkawalay na Pagsasama ay sinasabing nasa pinakamataas na pamantayan sa transedental na mundo. Para sa paglalaro ng Supremong Katauhan ng Punung Diyos, ang paghihiwalay ay nagbibigay ng higit pang ekstasi, ng kalugud-lugod na kasiyahan.

krsnamayi----krsna yara bhitare bahire yanha yanha netra pade tanha krsna sphure

(Sri Chaitanya-charitamrta Adi. 4.85) Kapag si Krsna ay nagtatago, ang Kanyang katauhan ay laging nasa harapan ni Radharani. Dahil hindi matiis ni Radharani na wala sa Kanya si Krsna. Dahil dito, ang magkawalay na Pagsasama ay ang pinakamataas na hantungan ng buhay. Sa pagsasama, walang-dudang ang mga deboto ay masaya, subalit kailangan parin nila ng higit pang kasiyahan! At ang bagay na ito ay matatagpuan sa pamamagitan ng paghihiwalay. Ang bagay na ito’y naipakita na sa Krsna-lila kung saan Ito’y nawalay sa mga Gopis na tumagal ng isandaang taon. Pero ang lahat ng ito’y hindi kayang arukin ng ating isipan. Dahil ang ganoong kalagayan ay hindi kayang ilarawan ng ating isipan, at hindi rin mainam kung ito’y ating ilalarawan pa sa ating isipan. Minsan ay masama din ang magkaroon tayo ng tuwirang pakikisalamuha. Dahil minsan inimbita noon ni Rupa Goswami Prabhu si Sanatan Goswami para kumain ng minatamis na kanin (biko), atbpa. Pero noong nalaman ni Sanatan Goswami na si Srimati Radharani pala ang nagbigay ng mga sangkap sa pagluto nito, ito’y labis niyang ikinalungkot: “Ibig natin Siyang sambahin, at kahit na maliit na serbisyo lang ang naibibigay natin sa Kanya, ito’y itinuturing na nating isang katuparan na sa ating buhay. Subalit, nakita Niya ang kagustuhan ni Rupa, at tayo ay Kanyang pinaglingkuran.” Ayaw makita ng mga matataas na kaluluwa si Krsna. Sabi nga ni Raghunatha Dasa Goswami, “Anong gagawin ko kay Krsna? Ang ibig kong paglingkuran ay Ikaw, O Radharani, at kung ibibigay Mo sa akin ang pagkakataong ito, ito’y katuparan na ng aking buhay. Pero kung ako’y hindi makapaglilingkod sa Iyo, ayaw kong maglingkod ng direkta kay Krsna.” Ang mga Gaudiya-Vaishnavas, lalung-lalo na ang Rupanuga-sampradaya, ay hindi sumusunod kay Mirabhai dahil ipinakikita niyang direkta siyang nakakunekta kay Krsna, sa halip ganito, ang naging isipan ng mga Gaudiya-Vaishnavas, “Kami’y mga tagapaglingkod ng mga tagapaglingkod ng mga tagapaglingkod ni Radharani.” Ito ang ating linya, at sa paraang ito ay makakamit natin ang ating transedental na buhay.

Page 17: Natatanging Gabay

Kapag nakikita ng mga tunay na Vaishnavas si Krsna ipinapalagay nilang Ito’y isang ilusyon lamang at dahil dito’y hindi sila nakararamdam ng anumang kasiyahan. Maging si Mahaprabhu ay ganito din ang ipinahayag,

na prema-gandho ‘sti darapi me harau krandami saubhagya-bharam prakasitum

(Chaitanya-charitamrta. Madhya-lila 2.45) Hindi Nito makayanan ang pagkakawalay kay Krsna, kung kaya’t Siya ay labis na umiiyak. Pero habang Ito’y umiiyak, ganito ang Kanyang sinabi, “Ako’y walang magawa para kay Krsna. Ang totoo, Ako’y wala talagang pagmamahal kay Krsna. Bakit Ako tumatangis para kay Krsna? Simple lamang dahil ito’y isang pagpapakitang-tao lamang. Hindi ito tunay na pagmamahal dahil kung ito’y talagang tunay na pagmamahal, sana’y hindi na Ako nabuhay pa, tiyak na Ako’y mamamatay para sa Kanya. Pero ang malinaw, Ako’y buhay at hindi pa patay.” Tuwing makikita ng mga Vaishnavas si Krsna iniisip nilang Ito’y isa lamang ilusyon: “Ako’y labis na walang katangian, hindi ko Siya makita. Siguro ito’y isang ilusyon lamang. Ayaw ko Siyang makita sa paraang ito.” Ang gusto nila’y makita si Krsna na kasama si Radharani, at ito ang tunay na kanyuan ni Krsna. Sa piling ni Radharani ay labis-labis ang kasiyahan ni Krsna. At ito ang ating layunin. Kapag isinantabi natin ang mithiing ito si Krsna ay makikita natin sa Kanyang mga pag-aaliw sa iba’t-ibang lugar: doon sa Dvaraka, sa Mathura, doon sa Hastinapura, atbp. Siya’y makikita natin sa lugar na Kanyang mga pinaglibangan, pero ang mga Gaudiya-Vaishnavas ay walang kuneksyon sa mga lugar na iyon. Ni hindi sila pumupunta sa Dvaraka, sa Hastinapura, at maging sa Mathura ay hindi din sila pumupunta. Ayaw nilang makita maging ang lugar na pinagsilangan ni Krsna. Ayon sa damdamin ng Rupanuga-sampradaya ang linya natin ay napaka-pinong linya. At si Srila Guru Maharaj ay napaka-istrikto at idinidiin ang puntong ito. Bilang serbisyo sa Math na ito, kami ay nagpatakbo ng mga paglalakbay sa mga banal na lugar sa iba’t-ibang lugar dito sa India ito’y para magka-pondo na din kami at makaakit ng mga mabubuting tao. Sa simula ay nag-umpisa kami sa Purusottama-dham—sa Puri dham—Parikrama. Ang lahat ng mga pulyetos na ginawa namin ay ginawa sa ilalim ng masusing paggabay ni Srila Guru Maharaj para matiyak na ito’y sumusunod sa linya ng Rupanuga-sampradaya. At pagkatapos kami ay nagpunta sa Badarikasram, pero ito’y lugar ni Nara-Narayan, pero ano ang kahalagahan nito sa mga Gaudiya-Vaishnavas? Wala talaga. Pero gustong pumunta din doon ng mga peregrino, at ito’y makakatulong din sa aming Math. Dahil dito, tinanong ko noon si Srila Guru Maharaj, “Maaari po bang sabihin ninyo kung papaano kami makakapunta doon at ano ang kahalagahan nito sa ating linya.” At itinuro nga ni Srila Guru Maharaj ang daan at sa di kalayuan pagkalagpas ng Badarikasram ay ang lugar ni Vyasadeva, ang kanyang kweba. “Kung gusto ninyong pumunta sa lugar na iyon bilang serbisyo sa Math na ito, huwag ninyong putulin ang linya ng mga Gaudiya-Vaishnavas. Kailangang ilagay din ninyo sa mga pulyetos ninyo ang kweba ni Vyasadeva.” Iniutos din niya sa akin na banggitin din namin sa aming pulyetos na talagang pakay namin ang kuneksyon ng mga paglalakbay ni Nityananda Prabhu sa mga banal na lugar at ang ashram ni Vyasadeva at ni Sukadeva Goswami.

Page 18: Natatanging Gabay

Nagplano din akong mag-ayos ng mga paglalakbay sa Dvaraka, pero ang sabi sa amin ni Srila Guru Maharaj, kung pupunta kami sa Dvaraka kailangang puntahan din namin ang Kuruksetra, dahil kung hindi, ito’y hindi ayon sa linya ng mga Gaudiya-Vaishnavas. Kailanma’y hindi pumayag si Srila Guru Maharaj na umalis tayo sa landas ng Rupanuga-sampradaya at dumako tayo sa landas ng ibang sampradaya. Tayo ay nasa landas ng Rupanuga-sampradaya, kaya hindi tayo dapat umalis sa ating tinatahak na landas para tignan ang ibang pananaw. Ang mga Gopis noon ay nagpunta sa Kuruksetra. Pero dapat natin tandaan kung bakit sila nagpunta doon. Ang lugar na dumanas ng pinakamatinding pagkakawalay kay Krsna ay ang Kuruksetra. Si Krsna bilang puno ng mga Yadavas ay naroroon kasama ng Kanyang mga asawa. Silang lahat ay pawang may matataas na karangalan. Samantalang ang mga Gopis ay mga mahihirap lamang at ganito ang kanilang mga naging kaisipan, “Siya nga ang ating Krsna, at Siya’y masaya nilang kasama. Ibig namin Siyang makasama, pero hindi sa ganitong paraan.” Ganito ang naging damdamin noon ni Radharani, “Kaharap nga natin ngayon si Krsna pero hindi dito sa ganitong paraan. Ako parin si Radharani at totoo ang Aming pagkikita, pero ito’y hindi nagbibigay sa Akin ng tunay na kasiyahan.” Naganap din dito ang rasa-lila subalit Kanyang patuloy na ipinahayag, “Kasama nga namin si Krsna at kasayaw, pero labis Akong nalulungkot. Papaano Ako magiging masaya? Ako’y magiging masaya lamang, tulad noon, kapag pumunta si Krsna sa tabing ilog ng Yamuna at makikipaglaro sa amin.” Ito’y malawakang ipinangaral noon ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur at ni Srila Bhaktivedanta Swami Maharaj din, pero noong mawala na si Srila Saraswati Thakur, si Srila Guru Maharaj na ang nagpatakbo at matibay na kumontrol ng timon. Dahil dito nagdatingan ang lahat ng mga Kapatid sa Pananampalataya ni Srila Guru Maharaj at sumama na sa kanya. Dahil si Srila Guru Maharaj ang humahawak nang buong Rupanuga-sampradaya lahat sila’y nagpunta dito. Hindi lamang sa kinukontrol niya ito, kundi lahat sila’y kanyang ginagabayan din. Lahat sila’y tinulungan ni Srila Guru Maharaj. Si Srila Guru Maharaj ang timon, at siya din ang nagtatago ng susi ng kaha-de-yero. Ganito ang respeto sa kanya ng lahat. Ganito din ang naging kaisipan sa likuran ng desenyo ng kanyang Samadhi Mandir. Siya ang ating ingat-yaman, kung ganoon, kailangang may impresyon din ng kayamanan ang kanyang Samadhi Mandir. Dahil dito, lahat ng mga malalaking personalidad—lahat sila—ay gumalang kay Srila Guru Maharaj. Kinikilala siya ng lahat bilang pinakalider ng ating sampradaya. Kung mababasa lamang ninyo ang pasimulang polyetos sa alinman sa mga ginawa naming parikrama—papuntang Pakanlurang bahagi ng India, Timog bahagi ng India, sa Purusottama-dham, sa Badarikasram, atbpa.—mauunawaan mo kung papaano inayos ni Srila Guru Maharaj ang bawat mga paglalakbay na iyon na nakaayon sa ating sampradaya. Dahil talagang dapat na nakaayos ang lahat ng bagay sa tinatahak nating landas. Hindi tayo dapat lumampas dito, at si Srila Guru Maharaj ay talagang naging maingat sa pagbabantay sa bagay na ito. Mahirap talaga ang magbigay ng gabay sa linyang ito. Maraming lugar na ang napuntahan ni Gopa Kumar, at siya’y naging masaya lamang ng marating nito ang Vraja-dham at mayakap si Krsna. Sabi nga ni Krsna, “Matagal na Kitang hinihintay. Matagal Akong naghintay. Pero ngayo’y masaya na Ako.” At kapwa sila hinimatay—si Krsna at ang Kanyang deboto. Ito ang puso ni Krsna, at ito’y inyong mauunawaan.

Page 19: Natatanging Gabay

Minsan ang mga asawa ni Krsna na taga Dvaraka ay hindi makasama si Krsna. Bagama’t Ito’y nakakasiping nila sa kanilang mga pagtulog, nakakausap at napaglilingkuran, subalit minsan ay nasasabi parin nilang, “Hindi namin kasama ang tunay na Krsna. Ang sinasamba naming Krsna ay hindi talaga si Krsna. Napaglilingkuran nga namin ang Kanyang katauhan subalit hindi ang Kanyang isipan, kaya nga hindi talaga ganap na Krsna ang pinaglilingkuran namin.” Ganito ang kanilang naging damdamin. Mga pambihirang serbisyo talaga ang hinahanap ni Krsna. Hindi Nito kinasasabikan ang pagtanggap sa mga bagay na madali talagang nakukuha. Ang ganitong kaugalian, na negatibong pamamaraan ay matatagpuan din dito sa kapatagan ng materyal na mundo. Ang totoo’y wala talaga akong panahon para magbasa ng mga Banal na Aklat. Dahil maaari parin tayong maligaw sa pagbabasa ng mga Banal na Aklat, pero kung makakasalamuha natin ang isang mabuting Vaishnava na isang maestro, hindi tayo maliligaw. Ganito din ang sinasabi ng mga Banal na Aklat tungkol sa mga sinabi ni Krsna, ni Vyasadeva, at ng marami pang iba: ”Humanap kayo ng mabubuting Vaishnava, makisalamuha sa kanila at paglingkuran din sila.” Maaaring maligaw din kayo sa inyong mga pagbabasa, dahil kung hindi, sana hindi na sinabi pa ni Mahaprabhu, “Basahin ninyo sa harap ng Vaishnava ang Srimad-Bhagavatam dahil alam nito ang kahulugan nito.” Ang mga mabubuting mga tagapaglingkod ni Srila Guru Maharaj ang siyang yaman ng Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang tunay nating yaman ay ang mga deboto at sa abot ng aking makakaya, nais kong lahat kayo’y mapaglingkuran ko. Ang totoo’y gusto ko kayong makasama. Dahil nakakatikim ako ng transedental na pagkain mula sa inyo. Dahil tuwing makikita ko kayo ganito ang sumasagi sa aking isipan, “May gawain ako,” pero ang maging mag-isa ay hindi mabuti para sa atin, at maging para sa aking sarili din. Walang-dudang ibig din nating nakakapaglingkod lingcod din tayo, at dahil nga mag-isa tayo, minsan ito’y masakit para sa atin, pero kapag kasama natin ang mga deboto, ito’y hindi na masakit, dahil ito’y nakapagbibigay na ng pag-asa at kasiyahan. Lahat tayo’y ibig nating mag-relaks, magpahinga, pero ang pagpapahinga ko ay ang makasama ang mga deboto. Labis-labis ang naging kasiyahan ni Srila Guru Maharaj ng magkaroon ng araw-araw na programa sa wikang english dito sa kanyang Samadhi Mandir, dito sa Templo ng Magkawalay na Pagsasama. Ang Samadhi Mandir na ito ay naririto hindi para palabas lang, kundi ito’y para magamit natin sa serbisyo kay Srila Guru Maharaj. Ang tunay na serbisyo ay ang pagdakila sa mga Vaishnavas sa pamumuno ni Srila Guru Maharaj at ng kanyang mga kasamahan. Kailangang araw araw na nagpapatuloy ang programang ito ng pagdakila kay Srila Guru Maharaj sa pamamagitan ng kanyang mga kasamahan at mga deboto. Nang sa ganoon ay higit na maging masaya si Srila Guru Maharaj.

Page 20: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Unang Kabanata

Ang May Paninindigan at May Kakayahan

Deboto: Kapag nagpapatugtog po ba kami ng recording ng aming Gurudeva, transedental po ba ang naririnig naming tunog o kailangang direktang naririnig namin ito sa kanya? Srila Guru Maharaj: Noong bago pa lamang ako pinasama ako noon sa isang sannyasi papuntang Benares. Nagustuhan ko ang kanyang mga naging paliwanag sa mga Banal na Aklat katulad ng Srimad-Bhagavatam. Isang araw may sinabi ito sa akin, “Maganda na ang nangyayari dito, kung ipag-uutos nilang magtayo dito ng sariling sentro natin dito, kaya na natin, o kaya utusan tayong bumili ng lupa, atbp., pero hindi tayo pahihintulutan, dahil mapupuri lamang tayo: at dadami lang ang pratistha ko.” Noo’y sumulat ako sa aking Guru Maharaj (Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Prabhupad): “Maganda po ang ginagawa dito ng Maharaj na ito. Kung inyo pong ipag-uutos kaya po niyang magtayo dito ng ating sentro. Sa palagay ko po’y mahalaga ang lugar na ito ng Benares, dahil karamihan sa iba’t-ibang sekta ng relihiyon ay dito po nagtatagpo, kaya sa palagay ko po ay mahalagang makapagpatayo tayo dito ng ating sentro. Ipinapanalangin ko na sana’y pagpayuhan po ninyo siya para mangyari ito.” Noon kasi ay umuupa lamang kami at nailagak na rin namin ang aming Imahen. Hindi ako tuwirang sinagot, ang pinaka-kalihim namin ang sumulat sa akin at ganito ang kanyang sinabi, “Batid naming naging matagumpay ang mga pangangaral ng sannyasing ito. Pakinggan mo ang kanyang mga mapanuring paliwanag tungkol sa Bhagavatam at pagyamanin mo ang iyong sarili.” Subalit wala siyang nabanggit sa mga puntong itinatanong ko. At pagkaraan ng ilang panahon ay nagpunta si Srila Prabhupada sa Benares, at siguro noong mag-isa ako ipinahayag naman niya ang bagay na ito, “Ano ba ang resulta ng karmma-kanda? Ang karmma-kanda ay ang paggamit ng ating lakas para sa ating sariling kasiyahan, at ito’y hindi para sa kasiyahan ni Krsna. Masmahalaga pa ba ang mga kapritso natin? Ang mga gusto lamang ni Krsna ang gagawin natin, at ito’y masasabing isang paglilingkod.” Nagbigay noon siya sa akin ng isang halimbawa: “Halimbawang nagsabi sa atin ang isang Vaishnava o kaya ang ating Panginoon ng, “Pahingi nga ako ng bulaklak,” at matapos kang kumuha ng mga bulaklak ay sinabi niyang, “Wagna, wagna. Ayoko na ng bulaklak, tubig na lang.’ Ipagpipilitan parin ba natin ito? ‘Ha?Hindi ba’t sinabi mong gusto mo ng bulaklak?Ito na lang,’ ito ang karmma-kanda. Ito’y pagpilit ng mga bagay na gusto natin sa Kanya, at ito’y hindi masasabing isang paglilingkod.” At dahil malaya Siya, ito’y maaari Niyang iutos kung anoman ang Kanyang gusto—at baguhin kung ano ang Kanyang kagustuhan. Naroroon Siya sa ganoong kalagayan at Siya’y hindi maaaring matali

Page 21: Natatanging Gabay

sa Kanyang mga naging pahayag, ito’y malaya Niyang magagawa. Ang Kanyang kagustuhan ang Siyang lahat-lahat at ito’y maaari Niyang ipahayag at maaari din naman Niyang bawiin. Ganito ang Kanyang kalagayan. Malaya. Siya ay may mataas na uri ng kalayaan at katangian. Katulad din nito, may kapangyarihan ang sumpa ng mga matataas na brahmanas kung nais nilang mawala sa isang tao ang ganap na pag-iisip nito—at ang sumpang ito ay maaari din nilang bawiin. Noo’y nagpunta si Karna kay Dronacharyya at nagpanggap na isang brahmana. At siya ay tinuruan ni Dronacharyya ng lahat ng bagay na alam niya tungkol sa paggamit ng iba’t-ibang sandata. Isang araw, inantok si Parasurama at ipinatong nito ang kanyang ulo sa hita ni Karna. At si Indra, sa kaanyuan ng isang uod, ay pumasok sa hita ni Karna, at lumusot patungo sa ulo ni Parasuram at kinagat ang ulo nito. Nagulat si Parasurama, “Ano ito?” Tumulo noon ang madaming dugo sa buong katawan nito. Hinarap ni Dronacharyya si Karna, “Hindi ka isang brahmana! Dahil ang brahmana ay hindi nagtitimpi sa mga ganitong bagay, kung ganoon isa kang ksatriya. Bakit ka naparito sa akin? Nagsinungaling ka para pag-aralan ang paggamit ng mga sandata, kung ganoon, isinusumpa kita, at sa oras na kakailanganin mo ang lahat ng ito, ito’y iyong makakalimutan.” At kanyang binawi ang lahat ng mga itinuro nito sa kanya. Minsan ang mabuting kalooban ay isang katangian dahil ito’y tumutulong, pero kung kinakailangan ito’y maaaring bawiin din. Napakaraming mga pinuno ng bansa ang nagpapahayag ng kanilang mga pagtulong at obligasyon. Ito nga ang kanilang ginagawa, at kung kinakailangan, ang pag-uutos na ito’y maaari din nilang bawiin. Katulad din nito ang mga Banal na Aklat, ang shastras ay sinulat ng mga Mahatmas at ito’y nagbibigay ng mga kautusan sa pamamagitan ng maraming simbolo sa anyo ng mga titik ng ating alpabeto. Ito’y may kahalagahan din, subalit higit na masmabigat ang kahalagahan ng mga nagsulat nito: medyo ganito. Katulad din nito, kung ang layunin, ang pinakasentro ng taginting nito, ay nakaugnay pa din—i.e. kung ito’y may kapahintulutan—ito’y may bisa parin. Noo’y nagbigay ng kanyang harinama na pasimulang binyag sa isang tao noon na taga Dhaka ang aming Guru Maharaj, dahil mga ilang araw na lamang ang buhay nito. Binigkas noon ni Guru Maharaj ang Mantra sa telepono, at ito’y may bisa sapagkat ito’y may kapahintulutan niya. At kapag ang isang kautusan ay nasa isang aklat, o kaya ito ay nakarekord sa tape at ipinahayag sa iba, ito’y may halaga parin, pero ang mahalaga sa lahat ay ang pinanggagalingang kapangyarihan nito.

maya tatam idam sarvvam, jagad avyakta-murttina mat-sthani sarvva-bhutani, na caham tesv avasthitah

(Srimad bhagavad-gita 9.4)

“Ang lahat ay nasa Akin, at Ako’y wala roon: wala sila sa Akin.” Acintya-bhedabheda-tattva. Maaari Niyang ihiwalay ang Kanyang sarili, at maaari din Niyang pangibabawan ang lahat. Dahil ito ang Kanyang kagustuhan, ang shastra ay maaaring basahin ng maraming tao, pero kung ang isang tao’y nasa ilalim ng isang sumpa balewala parin ang kanyang pagbabasa nito, o kahit mula sa taong pinagmumulan nito o kahit sa anupamang koneksyung pinaniniwalaan nito. Dahil ito’y walang kapahintulutan. Sinumpa noon ni Durvvasa Muni si Sakuntala: “Binalewala mo ako dahil sa mga pagmemeditasyon mo sa mapapangasawa mo. Isa akong kagalang-galang na panauhin pero iyong binalewala parin. Kung ganoon, sinusumpa kong kapag nasa harapan ka na ng mapapangasawa mo kahit katiting ikaw ay hindi na niya makikilala.”

Page 22: Natatanging Gabay

At pagkatapos, tatlong kaibigan ni Sakuntala ang dumating at nakiusap sa kanya, “O, Rishi, payapain po ninyo ang inyong kalooban, bawiin na po ninyo ang inyong sumpa.” At ito’y kanya ngang binago at sa halip sinabi na lamang niya na, maaalala lamang ito kapag ito’y nakapagpakita ng bagay na galing sa mapapangasawa nito. Ang mahalaga dito ay ang kalooban at ang intensyon nito. Kahit anupa ang dumating ito’y dapat na tuluy-tuloy mula sa pinanggalingan nito, mula sa pinagmulang kapangyarihan nito. At hindi lamang mula sa nagbabantay ng kapangyarihang ito, kundi maging sa grupo ng mga nananalig, maging sa lahi ng mga magkakaisang-uri, dahil sila’y may kapangyarihang magbukas at magsara din nito. Hindi sapat ang sabihing ang lahat ng ito’y nai-taped ko na at ibinigay sa akin: at ako na ang tagapagmana ng kanyang mga ari-arian. Hindi pwedeng ganito. Pero pangkaraniwang, ang lahat ng ito’y ginagawa dahil sa ipinag-uutos ng mga Banal na Aklat: iba’t-ibang paham ang sumulat ng iba’t-ibang shastras na binabasa natin. Kung ganoon, ilagay natin sa ating isipan ang pagbabasa ng mga ganoong Banal na Aklat. Pero kung ito’y basta babasahin lamang masasabing ito’y isang intelektwalismo lamang, pagbabasa dahil ito’y kaya nating basahin, wala itong bisa. Ito’y ating basahin sa pamamagitan ng tamang pamamaraan—pranipatena pariprasnena sevaya (sa pamamagitan ng pagpapakumbaba sa Guru na siyang nakakaalam ng katotohanan, at magtanong ng mga kaugnay na bagay at maglingkod sa kanya), at jaho bhagavat pada vaisnaver sthane. Sa pamamagitan ng Kanyang sugo, magiging maayos ang ating mga pagbabasa, at ito’y higit na makabubuti sa atin, dahil kung hindi, dahil sa mapanlinlang na pag-uugali natin, maaaring ipagpilitan natin ang sariling pang-unawa o opinyon natin sa shastra katulad ng ginawa noon ni Sankaracharyya. Ibinigay nito ang kanyang sariling paniniwala sa Vedas at itinago ang tunay na kahulugan nito. Sariling kuru-kuro ang kanyang ibinigay tungkol sa Vedas. Ganito ang sinabi ni Mahaprabhu tungkol kay Sankaracharyya, “Hindi tinanggap ni Sankaracharyya ang tunay na aral ng Vedas. Binago nito ang mga aral ng Vedas ayon sa kanyang intelektwal na karanasan, kaya hindi natin makita sa mga sinulat niya ang tunay na kahulugan ng Vedas.” Ito ang naging paratang sa kanya ni Mahaprabhu. Hindi lamang sinulat nina Rupa Goswami at Sanatana Goswami ang mga tuwirang itinuro sa kanila ni Mahaprabhu, kundi, dahil narin sa mga pagpapala ni Mahaprabhu higit pa ang mga ginawa nito. Ganito ang sinabi sa kanila ni Mahaprabhu, “Ibinibigay Ko sa inyo ang inspirasyon. Ibinibigay Ko sa inyo ang Aking mabuting pagpapala na tutulong sa inyo para harapin ang lahat ng maaaring sumalungat sa inyo. Ito’y magagamit ninyo, nasa sa inyo ang Aking pagpapala. Ito’y makakatulong sa inyo sa oras ng inyong mga pangangailangan,.” Ito ang naging pahayag ni Mahaprabhu sa kanilang dalawa ni Rupa at Sanatan. Ang mabuting pagpapala kahit hindi sinasaad sa pamamagitan ng tunog ay maaaring gawin din. Sa bawat kapatagan o yugto ay mayroong ibinibigay na katiyakan para tumulong sa mga nasa paligid nito. May kahalagahan din ang mag-isip ng kabutihan sa kapwa. Kung sa isipan ng Guru ay mabuti ang ginagawa ng mga disipulo nito, sila’y magiging matagumpay at yayabong at kanilang makakamit ang tunay na layon ng kanilang hinahanap. Kapwa sila may ginagampanang papel: isa ang nagbibigay ng kapahintulutan at ang isa nama’y may tamang pag-uugali at katangiang tumanggap nito, para ito maipasa mula sa ibang lugar patungo sa kanila, magsisimula ang kanilang usapan kapag kapwa sila nagharapan na.

Page 23: Natatanging Gabay

Ang kuryente ay hindi dumadaloy sa lahat ng bagay. Dahil may ilang bagay na hindi nito maaaring daluyan. Mahalaga ang parte ng pag-uugali muna ng isang disipulo sa pagtanggap nito dahil kung hindi, ito’y walang bisa. Ang isang binhi kapag ipinuntala sa bato ay hindi tutubo. Kapag ang isang bagay ay hindi siento-por-sientong nakapagtatawid ng kuryente, ito’y inaayos. Ang pag-aayos na ito ay ginagawa ng isang Guru sa kanyang disipulo: taga-ayos ng kulay at ang pinasahan, ito rin ang nag-aayos ng kulay para sa kanyang papasahan, pasa-pasa sa iba’t-ibang henerasyon. Sa isang Guru marami ang mga disipulong nakikinig dito, pero ayon sa iba’t-ibang kakayahan nila sa pag-unawa sa narinig, ito’y kanilang ipinapasa din hanggang sa magkaroon ng mga pagkakaiba. Sa umpisa ang aral ay iisa, pero sa ngayon ito’y parang isang kagubatan na. Sabi nga ni Krsna sa Bhagavad-gita,

ivam vivasvate yogam, praktavan aham avyayam vivasvan manave praha, manur iksvakave ‘bravit

evam parampara-praptam, imam rjarsayo viduh

sa kaleneha mahata, yogo nastah parantapa

sa evayam may ate ‘dya, yogah, praktah puratanah [Srimad Bhagavad-gita 4.1-3]

“Kay Vivasvan Ko unang ibinigay ang kautusang ito ng karmma-yoga, at pagkatapos niya ito’y ipinasa kay Manu na ibinigay naman niya sa kanyang anak na si Iksvaku. . Ito’y bumaba sa ganitong paraan subalit ito’y unti-unting nawala. At ngayon, ito’y muli Kong sinasabi sa iyo.” Dahil sa ating mga di-matuwid na gawain, ang espirituwal na katotohanang ito ay nakulayan. Ito’y nadumihan at nabago nang mga makamundong pag-iisip. Sa tabing-ilog ng Ganges ay makikita ang maraming puno ng neem, sampalok, at mangga, atbp. Parehong tubig ng Ganges din ang kanilang sinisipsip pero iba ang kanilang bunga, may mapait, may maasim, at meron namang matamis na bunga. Isang tubig lamang ang kanilang sinisipsip pero magkakaiba ang mga produkto. Sina Indra at Virochan ay kapwa mag-aaral ng konseptong Brahman ng “so ham.” Sa isipan ni Indra ang ibig sabihin ng salitang “so” ay atma, at si Virochan na demonyo ang kaisipan, akala niya ang kahulugan ng salitang “so” ay ang katawang ito. “So ham” – “Ako siya.” Pero sino ang “siya” na ito? Sa loob ng isang silid-aralan ang isip ng iba ito ay ang kaluluwa, pero mayroon namang iba na sa isip nila ito ay tumutukoy sa katawan, kaya dito umikot ang magkakaibang paniniwala ayon sa kanilang mga pag-aakala.

Page 24: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Ikalawang Kabanata

Isang Napakasarap na Dampi

Hindi maitatanggi na kailangan natin ang isang uri ng enerhiya para manatili tayo sa kasalukuyang kinatatayuan natin. Kailangan dito ang isang uri ng lakas, pero ang pinaka-importante sa lahat ay ang ibayong tulak na maibibigay natin para tumakbo tayo. Ang isang mananaliksik ng katotohanan ay laging naghahanap ng bagong pamantayan, bagong antas, at masasabing ito’y maybuhay at matulungin. At tayo ay kailangang maging higit na matulungin, masigasig at nananabik.

sva-dharmme nidhanam sreyah, para-dharmmo bhayavahah [Bg. 3.35]

Ganito ang ipinapayo sa atin: “Manatili ka sa kalagayan mo kahit magbuwis ka pa ng buhay, “ at sa sumunod, “Sige. Sige pa. Lumakad ka.” Bakit noong una’y sinasabi sa ating manatili tayo sa kinatatayuan natin? Ito’y sapagkat para hindi tayo bumagsak, at ito’y hindi nangangahulugang hindi na tayo aabante pa. Sva-dharmme nidhanam sreyah—hindi ibig sabihin ng salitang “Kahit ikasawi pa ng buhay mo, manatili ka sa kalagayan mo,” ay hindi ka na susulong.

sarvva-dharmman parityajya, mam ekam saranam vraja [Bg. 18.66]

-- “Bitiwan mo na ang lahat ng nasa iyong mga pag-aalala, makipagsapalaran ka.”

Bilang tulong, ito ang unang ibinigay na payo. Sa simula ay ganito, “Kahit anong mangyari huwag kang aalis sa lugar na ito,” at pagkatapos ay, “Sige lumakad ka!” Ito ang mga kaganapan ng mga magkakaugnay na bagay-bagay. Kailangang mayroon tayong ganitong klaseng buhay na paniniwala. Ang higit na kailangan dito kailangang alam natin na sa bandang likuran kung papaano natin ito mapapanatili—mapapabuti—ang kinatatayuan natin. Deboto: Doon po ba sa espirituwal na mundo ang lahat po ba ng mga pumapasok doon ay pawang mga Guru? Srila Guru Maharaj: Oo naman, kahit maliit na tulong lamang ang matanggap natin, sila’y pasasalamatan parin natin. Ang taong may matinong pag-iisip ay nagpapasalamat sa kanilang lahat. Kahit sa katiting lang na tulong ganito dapat ang kanyang nararamdaman, “Nagpapasalamat po ako sa inyong paggabay.”

Page 25: Natatanging Gabay

Kailangang matutuhan natin ang teorya at siyensya ng pagtanaw ng utang na loob. “Ito’y utang na loob ko sa inyong lahat,” at kailangang mangibabaw sa atin ang ganitong pag-uugali. Isipin nating tayong lahat ay pawang mga magnanakaw, “nanghihimasok sa iba. Tanging sa pagpapala lamang ng ating kapaligiran tayo maaaring makatayo dito. Lahat sila’y may mabubuting kalooban maliban sa akin,” ito ang dapat na maging pag-uugali natin. Dahil sa labis na paglilingkod minsan ay nakakalimot din ito sa sarili.

vaikunthera prthivy adi sakala cinmaya [Cc. Adi 5.53]

Kung gusto nating pumasok sa loob ng sukdulang lupaing ito, kailangang maging ganito ang ating kaisipan, “Ang lupaing iyon na aking pinakamimithing marating ay higit na mabuti kaysa sa akin.” Kailangang maging ganito ang kaisipan ng lahat ng mga baguhan: “Ako’y nasa ilalim lamang, isang marhinal na kapangyarihan lamang, isang tatastha, subalit ako’y pinayagang makapasok sa sukdulang lupaing ito, kung saan ang lahat ng bagay ay pawang masmatataas sa akin.” Dahil ang lahat ng naroroon ay may ganitong kaisipan. “Ang hangin, ang lupa, ang mga puno, atbpa. Lahat sila’y nasa masmataas na kalagayan kaysa sa akin, subalit ako ay pinahintulutan ng supremong awtoridad na makapasok dito. Ako’y pinagbigyan nilang makapaglingkod, at gusto kong maglingkod sa lupaing iyon.” At kapag naging ganito ang nasa likuran ng ating isipan, kayo’y maaari ng manirahan doon, doon naman sa mga harapan natin kayo’y masasanay sa pagsasagawa ng isang partikular na tungkulin. “Ako’y naparito at ngayo’y naglalakad sa lupaing ito na ang kakaibang kahalagahan ay higit na masmataas ang uri.” Ang ina ay higit na iginagalang ng kanyang anak subalit ito’y kanyang kinakandong, ganito ang maaaring maging kalagayan natin sa pagpunta natin sa Vaikuntha at sa Goloka. “Ang lahat ng naroroo’y higit na masmataas ang uri kaysa sa akin at sila’y kagalang-galang, subalit ako’y maaari nilang yakapin at kandungin—svarupa-sakti—at ako’y binigyan nila doon ng tungkuling gagampanan. Doon ang lahat ng nasa kapaligiran ay kapita-pitagan, at ang pagtira ko sa lugar na iyon ay kanilang pagpapala lamang, at hindi bilang isang karapatan.” Tayo ay mga tatastha, at maaaring itapon sa Brahmaloka, sa marhinal o sa panggitnang kapangyarihan, ito ang dapat nating tatandaan. Kaya bago tayo magpalista ng ating mga pangalan sa pamantasan ng kamalayan kay Krsna kailangang alamin muna natin ang pangunahing kaalamang ito. “Saan ba ang ibinibigay na pagkakataong makapasok tayo? Ito’y doon sa isang kagalang-galang at kapita-pitagang lupain, doon sa trono ng Diyos. Ang ating templo na masmataas ang kalagayan ay aking pinapasok lamang dahil sa isang partikular na paglilingkod. Ako’y naroroon dahil nais kong maglingkod lamang, at dahil sa likas nilang kabutihan ako ay kanilang naakit. Ako’y parang nasa kandungan ng aking ina. Ang alikabok sa kanyang paanan ay inilagay ko sa aking ulohan, pero ako’y kanyang kinuha, maging ang aking paa, doon sa kanyang kandungan.” Deboto: Bakit po kahit na may ganoong mabuting kapalaran, makikita parin nating umaalis ang ilang deboto sa misyon ng Gaudiya? Srila Guru Maharaj: Ito’y maaaring mangyari lamang kung tayo ay naghahangad pa rin, kaya kailangang maging matatag tayo sa mataas na antas na iyon habang naririto pa ang ating Guru Maharaj. Nakatala na ang pinakamataas na pagsusulit ay dumarating sa isang jiva kung ito’y humuhulagpos sa pagkakadakma sa kanya ni maya, sa ilusyon. At sa panahong iyon ang katauhan ni maya, si Mayadevi, ay dumarating nagsusumamo at

Page 26: Natatanging Gabay

nananalangin, “Bakit mo ako iiwan? Hayaan mong paglingkuran kita. Pag-utusan po ninyo ako handa akong maglingkod sa iyo. Huwag mo lamang akong iwan.” Napakalupit ni maya kung sila’y dakma-dakma niya, pero nung sila’y makakaalis na, ito’y nagsusumamo pa, “Bakit mo ako iiwan? Paglilingkuran kita. Huwag mo akong iiwan.” Pasabaddha bhavet jiva, pasamukta sadasiva—ang noo’y kanyang bihag ngayon ay kanya namang amo. Kaya mayroon talagang pagsusumamo din dito. Kaya kung talagang tayo ay naaakit sa masmataas na uri ng buhay, tayo ay dadaan sa kaakit-akit na aspetong ito na handang mag-alay at magbigay ng mga matatamis na pangako huwag lamang tayo lumayo sa kanyang kapangyarihan. Ito ang kanyang katangian at ito’y dapat nating tatandaan. Kaya, hindi lamang ganito ang isisigaw natin, “Diyos ko, iligtas po Ninyo ako sa aking mga kaaway,” kundi, “Diyos ko iligtas din po Ninyo ako sa aking mga kaibigan”!

sadrsam cestate svasyah, prakrter jñanavan api prakrtim yanti bhutani, nigrahah kim karisyati

[Srimad Bhagavad-gita 3.33] Ang kalikasan ay hindi nasasakop o napapasuko, medyo natural lang kung kayo’y muling mabihag ng dati nating pag-uugali, kung ganoon papaano tayo maliligtas sa resulta ng mga dati nating naging gawain—dulot ng ating mga nakaraang pag-uugali? Naririto ang susi nito:

indriyasyendriyasyarthe, raga-dvesau vyavasthitau [Bg. 3.34] Ang bawat pandama natin ay mayroong kaakibat na panlabas na atraksyon. Magiging matagumpay ka lamang sa gawi nito kung ito’y iyong mapipigilan bago pa man ito magsimula. Pero kung ito’y hahayaan ninyong lumago, ito’y mahirap ng mabago. Ito’y kaya lamang pigilan kung pasimula pa lamang. Magagapi ka kung hahayaan mo silang dumikit sa bahagi ng ating kaaway.

Prakrtim yanti bhutani, nigrahah kim karisyati [Bg. 3.33—kahit sabihing ikaw ay napakatalino, wala parin ito dahil si maya ay may higit na kapangyarihan sa iyo. Masmainam kung mahuhuli lamang agad ninyo ang pag-usbong nang gawing ito, dahil sa anumang sandali sila’y hindi mo na maaaring pigilin. Ito ang minumungkahi ng Panginoon mismo, “Huwag kang makipag-usap sa kabilang partido. Sa umpisa pa lamang ay putulin mo na agad ito. Kapag ito’y hinayaan mong lumago, malamang na ito’y hindi mo na mapigilan pa.” Ito ang pangkalahatang aral para sa lahat ng materyal na kalikasan. Kaya, sa bawat yugto o usapin ito’y dapat na hinaharap.

Ang isa pang malawak na punto dito ay ganito:

indriyani parany ahur indriyebhyah param manah

manasas tu para buddhir buddher yah paratas tu sah

evam buddheh param buddhva samstabhyatmanam atmana

jahi satrum maha-baho kama-rupam durasadam

Page 27: Natatanging Gabay

[Srimad Bhagavad-gita 3.42-43]

Dito’y binabanggit ang isang marangyang daan na nakapagbibigay ng isang napakalawak at maayos na pagkontrol sa lahat ng mga masasamang pag-uugali. Papaano natin makakamit ang tulong na ito? Una kailangang malaman mo ang kahalagahan ng iyong mga pandama kaysa sa mga materyal na bagay; at pagkatapos, ang kahalagahan ng iyong kaisipan kaysa sa iyong mga pandama. At pagkatapos, kailangang malaman mo, pag-isipan at unawain mo ang bisa, ang pinong kagalingan at kahalagahan ng kakayahan ng iyong kaisipan na manimbang ng mga bagay-bagay. At kapag ito’y nalampasan mo, tumaas ka pa at hanapin mo ang pinanggagalingan ng iyong katalinuhan—ang bukal na pinanggagalingan nito. At kung sa sandaling nabatid mo na ang sustansyang ito, makikita mo ang isang napakagandang palapag na higit na kakaiba sa lahat kumpara dito sa kapatagang kasalukuyang tinitirhan natin. Ito’y labis na kaakit-akit at nakakaalindog at makakatulong para kalimutan natin sa wakas ang materyal na kariktang ito. Kahit isang sandali lamang natin natikman ang sustansyang ito, hindi magtatagal ang materyal na kasiyahan ay ating maibabasura na. Dahil ang lahat ng bagay sa gawing iyon ay pawang napakaganda—ang lahat ng ating mga nakakausap at nararanasan.

ascaryavat pasyati kascid enam ascaryavad vadati tathaiva canyah

ascaryavac caiman anyah srnoti

srutvapy enam veda na caiva kascit [Srimad Bhagavad-gita 2.29]

Ang di-mawari, kaakit-akit na konsepto nitong napakataas na kapatagan ay nakapagbibigay ng isang partikular na sagradong uri ng kabuhayan na kagyat na nagiging basura ang lahat ng inyong materyal na paniniwala. Na kahit balikan pa ninyo, ito’y hindi parin maka-iimpluwensya sa inyo. Ito ang kaalaman tungkol sa atma, maslalu na kung sa Paramatma: na higit pang maskapuri-puri at kaakit-akit. Ang evam buddheh param ay ang atma. Sa simula, kahit sa isang sandali, sa pamamagitan ng iyong mga pangangatwiran, ang bagay na ito’y pag-isipan mo. Dahil maaaring sa isang sandali na iyon ay maaaring matagpuan ng nagsasaliksik na ego mo ang tunay mong katauhan—jahi satrum maha-baho, kama-rupam durasadam—at pagkatapos nito ang lahat ng kariktan sa materyal na kasiyahan, maging ang mga pino at nakikitang bagay ay habambuhay na lilisanin ka. Ang unang katangian ay ang pagiging simple lamang. Kung talagang simple ka lamang o tunay na matapat, awtomatikong mapapailalim ka sa ilalim ng sagradong paanan ni Mahaprabhu, Sri Chaitanyadev. Ito’y napakalinaw at natural. Ang pag-ibig ay isang simpleng katotohanan na umaakit sa lahat. Ang Banal na Pag-ibig ay higit pa sa pag-ibig na ating nadarama dahil walang-dudang ito’y umaakit sa lahat ng normal na tao. Napakaimportanteng tayo’y maging simple at laging may pinagbabatayan. Tanging ang anti-tesis lamang ang isang bagay na humihila sa atin palayo sa Diyos, dahil kung hindi, masasabing ito’y antas ng pandaigdigang pag-ibigan. At ang `sandaigdigang’ ito ay hindi lamang ang partikular na bahagi ng sandaigdigan kundi isang kabuuan nito. Ang pag-ibig ay nagmula sa Kalubusan.

Page 28: Natatanging Gabay

Mayroon bang baliw dito sa gitna ng mortalidad ng mundong ito ang hindi sasamba sa sinasamba ng mga immortal? Nakakagulat siguro kung mayroon mang ganoong klaseng tao na umiiwas sa mga ganoong pagsamba at sa halip ay masgusto pang pumailalim sa mga mortal na paghihirap.”

20

Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu kasama

ang Kanyang mga deboto

Page 29: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Ikatlong Kabanata

Pananalig at Pagkakaisa

Dito sa mundong ibabaw, dahil sa pag-alis nila sa Diyos, ang lahat ay pawang naging makasarili at dahil dito nagkaroon ng mga pagtutunggali at reaksyon. Subalit doon sa masmataas na lupain, dahil may pagkakaisa, pagkakaunawaan, doon ay walang labanan. Sa kapatagang iyon, ang inaakala nating mga pagtutunggali ay nagbibigay ng panloob na yaman.

Dito sa mundong ibabaw ay makikita natin ang isang pagkakaibigan subalit mayroong nakapaloob na poot, subalit doon sa kapatagang iyon Diyos ang nakasentro, ang nakikita nating animo’y paligsahan ay may malalim na pagkakaibigan dahil ang pagdaloy ng serbisyo sa Diyos at pangkaraniwan na lamang para sa kanilang lahat.

Tayong lahat ay kayang tulungan ng kamalayan kay Krsna. Dapat nating tandaan ito’y higit pa sa hustisya. Ito ang lupain ng pagpapala. Ang pinakamataas na hantungan natin ay nakasalalay sa pagpapala, sa habag, at hindi sa hustisya o katarungan. Ito’y hindi kayang abutin ng isipan, subalit sa itaas ng katarungan ay ang kapatagan ng mga pagsasaalang-alang, habag at pagmamahal, at ito ang kamalayan kay Krsna. At ito’y lumalagpas pa maging sa mga bagay na dapat nating pagbayaran, kung kayat ito’y masasabing masmataas pa. Ang konsiderasyon dito ay ang kakayahan nitong tawirin o lagpasan ang ating kakayahan, kaya wala tayong puwang para umangal. Ang lahat ng bagay ay dumarating sa pamamagitan ng pagmamahal at ito’y hindi nakabase sa ating kakayahang humarap sa hustisya, kaya sa madaling salita, wala tayong karapatang humusga. Dahil sa kanilang pagmamahal sa atin tayo ay nagkaroon ng katungkulan doon. Sa kabuuan, tayo ay nakapasok sa lugar na iyon dahil sa kanilang pagpapala, dahil sa kanilang habag. Wala tayong aangkining karapatan doon, at maaaring hindi Niya tayo payagang makapasok sa lugar na iyon. Para makapasok tayo sa lugar na iyon, ang tanging visa lamang natin ay ang mabuting kaloobang makapaglingkod sa lupaing iyon, at hindi gumawa ng anumang mga panlilinlang, mga panloloko, dahil hindi tayo papapasukin sa loob nito. Ang matapat na ambag sa lupaing iyon ay sraddha, dahil sa pamamagitan nito tayo ay maaaring papasukin—hindi lamang papapasukin kundi matatagpuan din natin ang kaginhawahan ng isang tahanan at ganap na kalayaan. Ang lubos na kalayaan ay nasa kamalayan kay Krsna, at ito’y masmataas pa sa hustisya o katarungan. Ang batas dito sa ating bansa ay magiging balewala, at higit pang biyaya ang ipinagkakaloob. Higit tayong magkakaroon ng kalayaan, kaginhawahan sa buhay, at sa lahat ng mga naroroon sa Vrndaban. Bakit? Anong dahilan? Sapagkat ito’y usapan ng natural na pananalig, ng natural na paniniwala at pagmamahalan, at pag-iibigan, atbp. At ang bagay na ito’y di kayang arukin ng ating kaisipan,

Page 30: Natatanging Gabay

acintyah khalu ye bhava na tams tarkena yojayet

Ayon sa Upanishads, “Kung pupunta ka sa kapatagang iyon huwag kang

magkakamaling subukan ito sa pamamagitan ng iyong mga pangangatwiran. Ito’y higit pa sa kakayahan ng iyong isipan, ito’y may kakaibang batas, kaya huwag kang pupunta doon na mayhalong mga pagtatantya, o pagsusuri.”

Kaya, minsan ay nakakakita tayo ng banggaan sa pagitan ng mga taong umuunawa,

mga taong naghahangad ng realisasyon, ang bagay na ito’y kailangang maunawaan nating maigi. Dahil maaaring mawalan tayo ng gana: “Ang sabi nila ay pagkakaisa, e bakit merong banggaan?” Pero ang bagay na ito’y nangyayari, at maaaring ito’y ibang klase ayon sa antas na pinangyarihan nito. Doon sa Vaikuntha ay makikita natin ang apat na Kumaras na nooy bumibisita kay Narayan, pero sila’y hinarang nina Jaya at Vijaya at hindi pinapasok sa loob. Nagalit noon ang apat na Kumaras at sinumpa sina Jaya at Vijaya. Minsan ay nakakakita tayo ng animo’y mga di kanais-nais na paglalaban sa pagitan ng mga deboto, bagama’t ang lahat ng ito’y para sa masmataas na dahilan at ito ay para sa kasiyahan ng Panginoon.

Ang pag-aaway ay makikita din natin sa Krsna-lila. Walang-duda na doon nga sa Vrndaban ang labanan ay nasa masmataas na uri at ang bagay na ito’y dapat nating unawain dahil ito’y kailangan. Ito ang naging plano ni Yogamaya para higit pang mabigyan ng kasiyahan si Krsna. Iba’t-ibang plano ang inaayos ni Yogamaya, at ang animo’y mga pag-aaway na ito’y kanyang inaayos para lumikha ang kakaibang kasiyahan para kay Krsna. Ang mga bagay na ito’y makikita din natin sa loob ng iba’t-ibang grupo at maging sa loob din ng grupo ni Radharani. Sa mga naging aliwan din ni Krsna doon sa Vrindaban makikita din natin ang napakaraming asuras na laban sa Kanyang lila, at ang mga demonyong iyon ay may ambag din—sa pamamagitan nga lang ng negatibong pamamaraan—at ito’y nagpapakita ng kabayanihan ng isang bayani. At ang pagpatay sa mga asuras na ito’y bahagi din ng Kanyang kabayanihan.

Makikita din natin minsan ang labanan sa loob ng iisang grupo—grupo sa loob ng isang grupo—anuman ang makita natin ito’y tanggapin natin bilang bahagi ng isang lila. Ang katangian ng lila ay ganito, ito’y nagaganap para sa kasiyahan ng pinaka-Sentro.

Makikita din natin ang matitinding away maging doon sa lila ng pinakamaunawain at mapagmahal na inkarnasyon ng Panginoon, si Sriman Mahaprabhu. Kilala sila Advaita Prabhu at Srinivas Pandit na nagmula sa uri ng mga aristokrata, sa lahi ng mayayaman, at sila Nityananda Prabhu at Haridas Thakur naman ay kumakatawan sa kabligtaran nito: kabilang sila sa ordinaryong tao. Naitala ito sa Sri Chaitanya Bhagavat na isang araw matapos makumbinsi at sumama sa sankirttan sina Jagai at Madhai, umangal noon si Advaita Acharyya: “Bakit kayo nagsasama nang mga ordinaryong tao? Mahirap kasi para sa mga taong tulad naming may dangal at katungkulan kagaya ni Srivas Pandit ang sumama pa dito sa lipi ng sankirttan.” Nang marinig ito ni Mahaprabhu, ito’y tumagos sa Kanyang puso. Hindi Nito matanggap ang ganitong mga pahayag. Agad-agad Itong umalis at iniwan ang mga kasamahan, at nagpunta sa Ganges at inihagis ang sarili sa ilog. Si Mahaprabhu’y madaling sinundan nina Nityananda Prabhu at Haridas Thakur at sila’y lumundag din. Hawak ni Nityananda Prabhu si Mahaprabhu sa kilikili habang tangan naman ni Haridas ang paa Nito at iniaahon sa ilog ng Ganges.

Page 31: Natatanging Gabay

Sabi ni Mahaprabhu, “O sige tama na, pero doon na lang Ako tutuloy kay Nandan Acharyya.” Si Nandan Acharyya ay isang deboto din at ito’y nakatira sa tabing-ilog ng Ganges na hindi naman kalayuan sa bayan ng Nabadwip. Doon muna nagtago si Mahaprabhu at nagbigay nang Kanyang kautusan, “Huwag ninyong sasabihin kina Advaita Acharyya na nandito Ako.”

Nag-isip isip si Advaita Acharyya, “Ano itong nagawa ko? Nawala ako sa sarili ko. Biglang lumabas ang pagiging aristokrata ko at ito ang sumugat at bumayo sa damdamin ni Mahaprabhu at ito rin ang naging dahilan kung bakit Ito umalis at tumalon sa ilog ng Ganges.” Pagkatapos nito’y nag-ayuno si Advaita Acharyya. At siya’y nangulila, “ano itong nagawa ko.”

At pagkaraan ng dalawang araw, nakarating kay Mahaprabhu ang naging desisyon ni Advaita Acharyya na mag-ayuno hanggang sa mamatay. At muli na namang natunaw ang puso ni Mahaprabhu at Kanyang pinuntahan si Advaita Acharyya. “Bumangon ka Acharyya, hala bangon, umalis na Ako sa pinagtataguan Ko at nandirito na Ako.” Binigkas ni Mahaprabhu ang isang talata na nagsasaad na sa utos ng Hari sa pamamagitan ng kanyang ministro maraming tao ang nabibitay nito, pero ang kinatawang ito mismo ng Hari na, dahil na rin sa kautusan ng Hari na nagpabitay sa maraming tao ay maaaring bitayin din kapag ipinag-utos din ng Hari. “Ganito ang Kalubusan, kaya huwag mong alalahanin ito. Kaya bumangon ka na at kumain ka na nang prasadam.”

Dahil dito si Advaita Acharyya ay napakiusapan. Dagdag pa dito nadinig din namin na ito’y ginagalang din ni Mahaprabhu dahil narin sa edad nito. Si Advaita Acharyya ay higit na masmatanda, maaaring ito’y masmatanda pa kaysa sa ama ni Mahaprabhu, ganun pa man, batid niyang hindi tao si Mahaprabhu, kung kayat palagi nitong ginagalang si Mahaprabhu. Subalit ito’y hindi pinayagan ni Mahaprabhu, “Ha. Higit kang masmatanda sa Akin. Kahanay ka ng Aking mga Tagapangalaga, kahanay ng Aking mga magulang. Hindi ka dapat magbigay ng paggalang sa Akin, sa halip Ako ang dapat na nagpapakita nito sa iyo.” At pwersahang inilagay ni Mahaprabhu sa kanyang ulo ang alikabok sa paa ni Advaita Acharyya na higit pang nabalisa sa pangyayari.

Ganito ang sumagi sa kanyang isipan, “kailangang gumawa ako ng plano para matikman ko ang Kanyang kaparusahan.” At ito’y nagpunta sa kanyang bahay sa Santipur at inumpisahan ang pangangaral nang jñana-marga na dito ang ipinapakitang pinakamataas na antas ay ang mukti; at ang bhakti ay nasa masmababang antas. “Ayon sa prinsipyo ng bhakti ang Diyos ay ganap na malaya, “Siya’y atin lamang bibigyan ng kasiyahan, at Siya’y maaaring masiyahan o hindi, kagustuhan Niya kung ano ang ibig Niya.” Kaya sa bagay na ito ano pa ang hinahanap natin? Ang Diyos ay maaari nating Suyuin at maaaring hindi rin natin makamtan ang Kanyang pagpapala, ang lahat ng ito’y walang katiyakan. Pero ang mukti ay higit na makakatulong sa atin: sa pamamagitan lamang ng mga ilang Gawain ay maaari na tayong pumasok sa Samadhi, kaya mukti talaga ang tunay na pamamaraan at tunay nakaibigan. Ito ang dapat nating gawin.” Sa ganitong paraan sinimulan ni Advaita Acharyya ang kanyang pangangaral sa kanyang kampo sa Santipur.

Ang bagay na ito’y nakarating kay Mahaprabhu: “Si Advaita Acharyya po na dating nangangaral mula sa kampo Ninyo ay nangangaral na nang konseptong sumasalungat sa prinsipyo Ninyo.” Isang araw, magkasamang nagpunta sina Nityananda Prabhu at Mahaprabhu sa Santipur, magugulat kayo sa inyong makikita! Inuupakan ni Mahaprabhu ang matandang Acharyya, “Bakit inimbita mo pa Akong bumaba dito? Inakit mo Ako at

Page 32: Natatanging Gabay

inimbitahang bumaba pero yun pala ay kakalabanin mo rin pala Ako. Bakit, anong dahilan? At sinimulan siyang sampalin ni Mahaprabhu.

Nangangatog na nagsalita si Haridas Thakur, “Ano ito? Di ko mawari ang nakikita ko.” Si Nityananda Prabhu ay nakatayo lamang at parang nasisiyahan sa Kanyang nakikita, at nag-aantay kung ano pa ang maaaring mangyari. At si Sita Thakurani naman, na asawa ni Advaita Acharyya ay nagsusumigaw at umaawat, “Huwag, huwag. Huwag po Ninyong saktan ang matanda. Baka mamatay po yan. Tama na po.”

Subalit si Advaita Acharyya ay nakangiti lamang: “Ngayon nakaganti din ako sa Iyo. Lagi Mong inilalagay ang alikabok ng paa ko sa ulo mo ha. Ngayon tignan Mo! Nandito Ka para parusahan ako, kaya sino yung sinasabi Mong masmataas, Ikaw ba o ako?” Nakangiti lamang si Acharyya at ang lahat ay naging maayos na, subalit medyo matamlay si Mahaprabhu. Minsan ang mga ganitong bagay ay makikita din natin sa hanay ng mga deboto. Mayroon din ganoong bagay!

Sa Dvaraka ay mayroong din ganoong uri ng mga paglalaban. Makikita din natin na may mga pagtatalo din sa Dvaraka at ito’y tungkol sa isang batong hiyas. Nakuha noon nang tatay ni Satyabhama, si Satraji, ang batong hiyas na ito sa pamamagitan ng pagsamba sa diyos-araw. Ito’y kilala bilang ang Hiyas ng Syamantaka, subalit ito’y sunud-sunod na ninanakaw nang ibang tao.

Ito’y kinuha noon ni Prasena, ang nakababatang kapatid ni Satrajit. Isinabit sa kanyang leeg at nangaso sa kagubatan. Habang siya ay nasa kagubatan isang leon ang nooy naakit sa kagandahan ng hiyas na ito, pinatay nang leon si Prasena at kinuha ang kanyang kwintas. At pagkatapos ang oso na si Jambavan, na isang tagapaglingkod ni Ramachandra, ang nakipaglaban naman sa leon na ito, na kanya namang napatay at kinuha ang hiyas.

Ganunpaman umugong noon ang isang tsismis na na kay Krsna daw ang hiyas na ito, at ang lahat ng istoryang ito’y pawang gawa-gawa lamang Niya. At dahil dito, ganito ang Kanyang naisip, “Mabigat ngayon ang Kalagayan Ko, dahil kailangang hanapin Ko ang hiyas na ito, isauli at ibigay sa tamang nagmamay-ari. Masama ang naging hinala nila sa Akin, kaya para malinis ang pangalan Ko ito’ykailangang hanapin Ko.” At tinunton ni Krsna ang mga dinaanan ni Prasena. At sinundan din Niya ang bakas ng mga paa ng leon at nakita din Niya ang lugar kung saan naglaban ang leon at ang oso. Nakita Niyang nakahandusay ang leon.

Habang sinusundan ni Krsna ang mga bakas ng oso Siya ay nakarating sa isang lungga. Ito’y pinasok Niya at ito nga ang nangyari. Ganunpaman, matapos ang 15 araw na pakikipaglaban, sa wakas ay naunawaan din ni Jambavan ang mga naging sitwasyon, at ito’y lumabas sa kanyang lungga at inialay ang batong hiyas—at maging ang kanyang anak na babae, si Jambavati—kay Krsna.

At ang batong hiyas na ito ay muling nawala. At ang pinaghihinalaan naman ngayon ay si Satadhanva. Hinihinala nilang si Satadhanva nga ang kumuha, subalit hindi naman talaga. Nang marinig ang balitang ito ni Satadhanva ito’y natakot, “Ako angpinaghihinalaan nilang kumuha nang batong hiyas, malamang ako’y papatayin din.”

Bagama’t hindi niya ito kinukuha, malakas ang tsismis na siya talaga ang kumuha at ito’ytakot na takot at lumayas sa lugar na iyon. At dahil siya ay nagtatatakbo, ito aysinundan ni Krsna at ni Balaram. Mabilis na hinabol ito ni Krsna, Kanyang nadakip at pinatay. Sa kanyang pagkapkap sa katawan nito napansin Niyang wala pala dito ang hinahanap na batong hiyas at Ito’y medyo naguluhan. Sa oras na iyon ay saka pa lamang

Page 33: Natatanging Gabay

dumating si Balaram at ito ang sinabi sa Kanya ni Krsna, “Balewala ang pagpatay Ko kay Satadhanva. Wala sa kanya ang hinahanap nating hiyas.”

Napabulalas si Balarama, “Ha? Niloloko mo ba Ako? Pati ba naman Ako ay lolokohin Mo. O sige, bumalik Ka na, pupunta Ako kay Jarasandha, doon sa kampo ng mga kaaway.” At sa kampo ngang iyon ay kanyang hinasa at sinanay si Duyodhana. Ang lilang ito’y talagang naganap at ito’y makikita ninyo sa Srimad-Bhagavatam.

Tuwing ipinapaliwanag sa amin ang mga bagay na ito, madalas kaming sabihan ni Guru Maharaj nang, “Ang mga paghahadlang o balakid na ito ay dumarating sa ating landas para magkaroon ng kahalagahan ang mga ito at para iligaw na din ang taong may mahinang pananalig at walang katapatan. Mapapalad ang mga kaluluwang makatatawid sa lahat ng mga insidenteng ito dahil sila’y higit na maaakit sa katamisan ng lila ni Krsna. Sila’y makakapasok sa lugar na iyon.

Ang totoo, ang mga paghahadlang na ito’y talagang inilagay sa daang iyon para hindi makapasok ang mga ordinaryong tao. Ang Krsna-lila ay para lamang sa mga taong may malalim na paniniwala at may tunay na damdamin sa mga bagay na iyon. Kahit sabihin pang maraming humahadlang ito’y darating pa din sa mga taong tunay na nabihag ng kariktan nito, at dahil sa pumanaog na pagpapala o biyaya, makikita nilang sila’y hinahatak para makatawid sa mga nakikita nating mga paghahadlang. Ang teknikal na katawagan para sa lilang ito ay asura-mohan. Ang bagay na ito’y dati ng naiplano para iligaw at linlangin ang mga ka-uri ng mga asura: ang mga taong may masamang pag-uugali.

Kaya kailangang maging maingat tayo sa lahat ng ito. Maaaring mag-away away ang magkabilang partido hanggang doon sa pinakamataas. Ang rosas kung ating titignan ay napakaganda at mahalimuyak, pero bakit ito may tinik? Ang ugat ng rosas ay nakabaon sa lupa, at ang dagta nito’y nakagagawa nang isang napakaganda at malambot na bulaklak, at ito’y napakaganda. Pero bakit lumilikha din ang dagta nito ng napakaraming tinik sa kanyang sanga? Kaya, sa bagay na iyon ay mayroong tesis, antitesis at sintesis. Minsan ang isang bagay ay pumapaibabaw, at pagkatapos ay may sumasalungat naman, at ito’y naaayos sa pamamagitan ng isang sintesis at doon din niya makakapiling ang mga matataas na grupo, na may mataas na pagkakaisa at pakikisama. At muli ang sintesis na ito ay magiging isang tesis at isa na namang antitesis ang darating at ang dalawang ito, ang tesis at ang antitesis, ay mapagkakaisa at mapagkakasundo. Ganito ang lila, at ang kalikasan nito ay naroroon para tayo tulungan.

Minsan sa isang dula para hindi antukin ang mga nanonood ito ay pinapasukan ng ilang mga katatawanan para sumigla ang mga nonood. Sa kalagitnaan ng isang drama ay pwedeng tawagin ang isang kumedyante para hindi nakakabagot, ang asura-mohan-lila ay kailangan para magkaroon ng mga kakaibang aliwan si Krsna. Maraming bagay ang dapat nating ayusin kapag Krsna-lila na ang ating tinutukoy.

Nagulat ako sa nabasa ko sa Srimad-Bhagavatam noong pumasok si Krsna sa Dvaraka, matapos itong mawala ng matagal, Siya ay sinalubong ng mga tao mula sa bayan. Kabilang sa mga inilarawan ng Srimad-Bhagavatam na sumama sa prosisyon ay mga nagsasayawang babae na mababa ang lipad. Sabi ko, “Ano ‘to? May mga masasamang babae sa Dvaraka?” Nagulat ako noon, sa aking napag-alaman. “Bakit may mga babaeng mababa ang lipad sa Dvaraka?”

Sa langit din kasi ay mayroong mga babaeng mabababa ang lipad, pero kailangang suriin natin muna ang basehan ng lahat ng ito. May masama at mabuti, pero ang kasamaan ay matatagpuan din dito sa materyal na mundo. Anumang bagay na naririto ay ating

Page 34: Natatanging Gabay

matatagpuan din doon sa masmataas na lupain—at ang bagay na naririto ay kabaligtarang larawan lamang ng naroroon. Ang lahat ng bagay dito ay unang makikita sa lugar na iyon. Mula sa lugar na iyon ay kabaligtaran ang larawang ipinadala dito. Ang pangunahing kaibahan, ang lahat ng bagay sa espirituwal na lupain ay punung-puno ng damdaming makapaglingkod, subalit dito ang gusto ay tikman ang kasiyahan.

Ang lahat ng bagay ay hindi natin maipapaliwanag sa pamamagitan ng mga pagrarason at argumento, ganunpaman unawain natin ang mga bagay-bagay ayon sa ating kakayahan, ayon sa ating pananalig at pagkakaunawa. Sa likuran ng lahat ng ito, ang matamis ay talagang matamis at ang katotohanan ay katotohanan. Ang katotohanan, kahit ano pa ang tibay nito ay katotohanan parin. Ito ang ilagay natin sa ating isipan. Huwag nating isipin na tanging sa pamamagitan lamang ng materyal na kalinisan maaari nating patunayan ang transedental na kabanalan: hindi natin maaaring gamitin ang mga pamantayan dito para sukatin ang mga naroroon. Dapat nating malaman ang serbisyo ay talagang malinis at dalisay.

Si Draupadi ay may limang asawa, pero kung ating aawitin ang kanyang pangalan tayo ay magiging malinis:

ahalya-draupadi-kunti-tara-mandodari yatha

pancakanya smaret nityam mahapataka nasanam

Higit sa isa ang asawa ng limang babaeng ito, subalit ito’y nakuha nila dahil sa kakaibang pangyayari. Maaaring ipinag-iingat tayo ng mga iskolar hinggil sa mga bagay na iyon, subalit huwag ninyo itong isipin: dahil kung aawitin ninyo ang kanilang pangalan kayo ay magiging malinis—ito ang kanilang katayuan. Ang bagay na ito’y hindi para sa ating kasakiman o pananabik sa laman. Nagkaroon sila nang mga asawa hindi dahil sa kanilang pananabik sa laman kundi para sa pagsasakripisyo na siyang nasa ilalim ng lahat ng ito. Ito ang tatandaan ninyo. Pag-aralan ninyo ang lalim nito bago ninyo ito bigyan ng pagsusuri. Kailangang sundan ninyo ang basehan nito, ang pinaka-pundasyon nito. Kayang gawing dalisay ng pagsasakripisyo ang lahat ng bagay. Kailangang unawain ninyo ang pinaka-pangunahing bagay sa buhay. Ang bigat ng kalinisan o dumi ng isang bagay ay hindi nakadepende sa kaanyuan, kundi doon sa sustansyang nilalaman nito. Ito ang dapat nating hanapin. Alamin natin kung ano ang sustansya nito, at hindi masyado sa kaayusan.

Page 35: Natatanging Gabay

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Ikaapat na Kabanata

Nakapokus sa Guru

Doon sa Srimad-Bhagavatam ibinigay ni Narada Muni ang sumusunod na paalala bilang pangkalahatang rekumendasyon kung papaano makawala sa mga di kanais-nais na pagnanasa, sa kama:

asankalpaj jayet kamam, krodham kama-vivarjanat arthanartheksaya lobham, bhayam tattvavamarsanat

[Bha: 7.15.22]

Huwag nating hayaang magkatroon kaya o pumasok sa isang pagpaplano sa buhay. Ang dapat nating harapin ay ang hinaharap, at hindi ang hinaharap na plano para sa kinabukasan. Kung wala tayong anumang kama, anumang plano, ikaw ay hindi magagalit. Ikaw ay nagagalit kapag may humahadlang sa mga pagpapalano mo sa buhay, pero kung wala kang plano sa buhay ikaw ay magiging bukas sa paglilingkod sa kasalukuyan at sa ganoong paraan, tayo ay magiging malinis—malaya sa utang at mga obligasyon. Tanggapin ninyo bilang isang tungkulin ang anumang bagay na dumarating sa ating buhay. Dahil kung tayo ay magpaplano at may hahadlang tayo ay magagalit. Arthanartheksaya lobham—ang lobha, o pagkaganid, ay maaari nating gapiin sa pamamagitan ng pagtanaw sa mga nangyayaring reaksyon dulot ng pera. Ang perang ibinibigay sa atin mula sa ibang tao ay may kaakibat na pagkakasala at mentalidad o kaisipan ng taong nagbigay nito. Ito’y nahahaluan ng partikular na kaisipan ng nagbigay. Kapag naging ganito ang ating kaisipan sa pera hindi tayo magiging ganid sa kapangyarihang mahahawakan natin. Bhayam tattvavamarsanat—marami tayong nakukuhang masasama at mabubuting bagay—natatakot tayo. At para malupig natin ang takot kailangang alamin natin ang tunay na kalikasan dito sa ibabaw na lupa: ang lahat ng ito’y pinapatakbo ng Panginoon pero ibang interes ang ating hinahangad na nagbibigay naman sa atin ng ibang reaksyon. Tanggapin nating maaaring hindi maging matagumpay ang ating buhay dito. Ang lahat ng bagay na nakikipaglaban sa kagustuhan ng Kalubusan ay mapupuksa. Sa pamamagitan ng kaisipang ito magiging bukas tayo sa nagaganap sa kasalukuyan at tayo’y magiging malaya sa anumang plano para sa kinabukasan. Ang lahat ng tagubiling ito’y naipahayag na, pero sa bandang huli ito ang ibinigay:

etat sarvvam gurau bkatya, puruso hy añjasa jayet [Bha: 7.15.25]

Page 36: Natatanging Gabay

Isang bagay lamang ang maaari nating gawin para magapi natin ang mga kakulangang ito. Ano ito? Ito ang Guru-bhakti. ‘Ako’y tagapaglingkod nangaking Guru. Anuman ang sabihin niya, ito’y gagawin ko.” Hindi na tayokailangang mag-isip pa, magplano, atmagdesenyo, atbpa.: “Gusto ko nito, gagawin ko ‘yan,” ang lahat ng ito’y hindi mahalaga. Sa isang punto lamang tayo magtutuon. Dahil naroroon ang representasyon ng Pinaka-Sipremo—ang Guru—at anuman ang nais niya, ito’y ating gagawin. Ang lahat ng bagay ay nakatuon lamang sa iisang punto at wala sa iba. Ang isang natatanging pagpokus nang isipan ay ipinakita sa ginawang pagsusuri ni Dronacharyya sa kanyang mga estudyante sa pamamagitan ng pagsipat o pag-asinta ng pana sa mata ng laruang ibon na inilagay sa itaas ng puno. Ito’y inasinta nang bawat isa kanila, tinanong sila ni Dronacharyya, “Ano ang nakikita mo?” Sagot nang naunang estudyante, “Ang ibon po, at ang puno, atbp.” Hindi nasiyahan si Dronacharyya, at kanyang sinabi, “Tumabi ka.” Pero noong si Arjjuna na, sumagot ito nang, “Nakikita kop o ang ibon.” “Nakikita mo baa ng buong ibon?” “Hindi po. Ulo lamang niya.” “Ang buong ulo ba?” “Hindi din po. Mata lang po nang ibon.” “May nakikita ka pa bang iba?” “Wala napo. Tanging mata lamang ng ibon.” At doon lamang nasiyahan si Dronacharyya. Kaya kailangang ipokus nating lahat an gating isipan sa iisang bagay, “Ako’y nasa harap nang kinatawan ng Supremo, ang aking Guru, at ako’y maaari niyang pag-utusan. Anoman ang sabihin niya, ay aking gagawain. Tanging siya lamang ang aking paglilingkuran.”

etatsarvvam gurau bhaktya, puruso hy añjasa jayet [Bha. 7.15.25]

Sa paraangito’y wala kang mararamdamang anumang galit, walang pag-iimbot, walang pagnanasa—wala kahit anuman. Kung ang bagay na ito’y magagawa ninyo sa pamamagitan ngng isang natatanging Guru-bhakti kayo ay malalagay sa isang napakatibay at ligtas na kalagayan, at ito ang magiging susi sa inyong napakadali at mabilis na tagumpay.

Yasya deve para bhaktir, yatha deve tatha gurau Tasyaite kathaita hy arthah, prakasante mahatmanah

[Svetasvatara Upanishad 6.23]

Ang tunay na kahulugan ng mga Banal na Kasulatan ay madaling mauunawaan nang mga taong naglilingkod sa Guru at kay Krsna, dahil kung walang paglilingkod, ang tunay na kahulugan nito ay hindi mahahayag at ito’y hindi nila masusundan ang tunay na layunin nito. Ito ang pamamaraan nang pangangatwiran sa pag-aaral ng Vedas. Acaryyavan puruso veda—ang kahulugan ng Upanishads ay maaari lamang maunawaan nang mga taong may Guru. Hindi lahat ng tao ay maaaring umintindi nang

Page 37: Natatanging Gabay

tunay na kahulugan ng Upanishads, kundi ang mga taong nasa ilalim lamang ng tunay na Guru. Ang tunay na kahulugan nito ay hindi natin mauunawaan sa pamamagitan ng pagiging intelektuwal. Ang kahulugan nito ay mahahayag lamang sa pamamagitan ng pagdulog sa isang Guru at maglingkod dito. Siya mismo ang papanaog sa atin at maghahayag nang Kanyang sarili sa atin, ito ang dapat nagingmaging kaisipan, “Hindi ako karapat-dapat at ako’y napakababa, subalit Siya ay pumarito at ako’y Kanyang tinanggap kahit naging ano pa ang naging kalagayan ng aking isipan, pag-aaral o kahit nang anupamang bagay.” Ang pamamaraan ng pagsasaliksik sa pamamagitan ng ating pinag-aralan dito sa mapanlinlang na mundo ay medyo kakaiba. Ang mala-siyentipikong pagsasaliksik ay nauuwi sa maling konsepto tungo sa isa pang maling paniniwala. Dahil ang lahatng ito’y pawang maling paniniwala. Ito’y isang pagkakamali at may nakaugat na pagsisinungaling. Acintya-bhedabheda. Ang lahat ng kapangyarihan ay nasa pinaka-sentro at ito’y maaari Niyang gamitin: “Magkaroon nang liwanag,” at nagkaroon nga ng liwanag. “Magkaroon nang tubig,” at nagkaroon nga ng tubig. Gustong malaman nang mga nagsasaliksik na iskolar kung ano ang kalikasan at dahilan ng lahat ng bagay, pero sa wakas ang lahat pala ng ito’y pawang kagustuhan lamang Niya. Pero kung Siya’y aalisin ninyo, at kayo’y magsasaliksik nang magsasaliksik at muli pa kayong magsasaliksik, at wala itong kapahintulutan sa Kanya, ang lahat ng ito’y mauuwi lamang sa pagkakamali, pagsisinungaling. Ayaw natin nang malalim na kaalaman ng mga nagsasaliksik. Ang totoo’y wala tayong pakialam sa maliit na bahagi iyon, doon sa katiting at di-mabilang, doon sa mababaw na kaalaman na bumibighani sa mga nakalutang, sa mga nagbibigay at tumatanggap Ang lahat ng ito’y pawing mali at walang kapahintulutan. Ang lahat ng pera nila’y maitim at ito ang gamit nila. Sa lipunang ito kumakalat ang maraming huwad na salapi na akalamo’y tunay na salapi. Acintya-bhedabheda. Ang lahat ng bagay ay pawang kagustuhan Niya, napakatindi at pambihirang karanasan ang paghahanap kay Krsna, doon sa pinaka-ugat na kabuuan nang walang-hangganan. Kailangang maging matibay tayo at matatag sa ating pakikipagsapalaran. Sa pagpunta natin sa North Pole [PulongHilaga] o kaya sa pinakamataas na bundok ng Himalayas, ang unang kailangan natin ay kakaibang tapang sa pakikipagsapalaran, kaya sa pagtuklas sa Kalubusan na Dahilan ng Lahat, ang kailangan ay higit na ibayong lakas at tapang para ating Siyang malaman. Ang kailangan ay internal na tapang—espirituwal na tapang. Kailangan natin ng tapang ng kaluluwa at malalim na pananalig at pagtitiwala. Dapat nating malaman ang mahalagang katangian ng paniniwalang nasa loob natin. Kung walang buwan o ang ibang planeta tayo ay hindi magkakaroon ng kuryente. Ito’y hindi kayang abutin nang ating mga kamay at paningin. Subalit ang pinakamalayong bagay ay kayang abutin nang ating pananalig. Atang lahat ng iba pang pamamaraan ay hindi magtatagumpay. Mahalaga angating pananalig, dahil ito’y hindi bahagi ng ilusyon ng isipan. Ang ating isipan ay gawa-gawa laman: dito nanggagaling ang mga paghughuwad. Wala kang makikita ditong pananalig. Dahil ang pananalig ay tungkulin ng kaluluwa. Sa tulong ng mga aparato nakikita natin ang mga nasa loob ng katawan natin. At sa pamamagitan ng pananalig, sa pamamagitan ng paniniwala, nang sraddha, maaaring puntahan nang isang kaluluwa ang nasa masmataas na mundo.

Page 38: Natatanging Gabay

Sa pamamagitan lamang ng pananalig maaari nating puntahan ang pinakamataas, ang pinaka-maringal, at hindi sa pamamagitan ng ating mga kamay o kaya sa pamamagita ng tulong ng anupamang material na bagay.

Page 39: Natatanging Gabay

Pangwakas

Ang Huling Kahilingan at mga Pag-uutos ni

Srila Guru Maharaj sa kanyang

Huling Testamento at Habilin

Ang binabanggit ko dito na si Sriman Bhakti Sundar Govinda Maharaj (at ako, si Sri Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj, na kanyang Ninong, at ang naging katayuan sa buhay ay, isang Gaudiya-Vaishnava Brahmin, at isang Mangangaral nang Relihiyon at Sumasamba sa mga Imahen na nasa Sri Chaitanya Saraswat Math, P.O. at istasyon ng Pulisya sa Nabadwip)—ang binabanggit ko dito na si Sriman Bhakti Sundar Govinda Maharaj, na, bagama’t binago ko ang kanyang pormal na katayuan, ay aking tinawag at kinilala bilang si Sri Govinda Sundar Vidyaranjan, siya ang aking inatasan para magsagawa nang lahat ng mga gawain dito sa Math; at noong ika 6 ng Nubyembre 1985 ay aking ginawaran naman nang kaayusang sannyasa at muli kong binago ang pangalan at ngayon ay kinilala bilang si Sri Bhakti Sundar Govinda Maharaj; at, dahil sa kanyang walang-kapaguran at buong-pusong pagtulong sa mga gawain ng pagtatayo at mga pagsasaayos nang Math na ito at maging sa mga gawain nang pag-aayos at pagtatayo ng aming Sentro din sa Calacutta at Hapaniya, atbp., at dahil sa simula ay siya na rin ang nag-ayos sa karamihan sa nagbigay nang donasyon at siya rin ang nagbigay, maging sa akin, nang lakas ng loob habang pinamamahalaan ang Math na ito, atbp., na hanggang sa kasalukuyan ay kanyang ginagampanan parin; at dahil bukal ang kanyang kalooban sa paglilingkod sa Math at sa mga naninirahan dito, at sa lahat ng oras ay nagsusumikap na mapaganda ang Sri Math na ito, at higit sa lahat, at dahil kilala narin siya ng lahat at kinikilala ng halos-lahat na matatag at mag paninindigan sa pilosopiya ng Perpektong Paniniwala sa Katotohanan ng Bhakti na kapwa namin ipinangaral nang aking Banal na Maestro—dahil dito, ay aking

Page 40: Natatanging Gabay

itinatalaga bilang Kahaliling-Sevaite(Kahaliling-Tagapangasiwa at tagapaglingkod), Acharyya, at Presidente. Alinsunod sa mga Pamantayan at Regulasyon nang nabanggit na Kasunduan, ang lahat ng aking ari-arian, pagiging direktor, at karapatan, ay kanyang minamana na. At sa lahat ng aking Maths, atbp., at bilang Sevaite (Nangangasiwang-tagapaglingkod) at Presidente, ay mangangasiwa sa lahat ng mga gawain sa mga naitayo nang Templo, ashrams, atbp. At sa pamamagitan nito, ay inilalahad ko ang aking huling kahilingan at mga pag-uutos sa lahat ng aking mga taga-Kanluran at Katimugang debotong disipulo, babae man o lalake kaya, at maging sa mga matapat na kaluluwang may pananalig sa Dibinidad, na: siya’y dapat nilang igalang bilang natatanging Acharyya at Presidente, manatiling matapat sa kanya at nakikipagtulungan sa kanya sa mga gawain ng paglilingkod sa Math. At ang sinumang hindi makasusunod sa mga ipinag-uutos kong ito at huling kahilingang ito, ay maaaring nang kumalas at humiwalay sa mga itinayo kong Maths, atbp.