Aralin 39: Mga kasalukuyang isyu at suliranin bunga ng globalisasyon

  • View
    828

  • Download
    52

Embed Size (px)

Text of Aralin 39: Mga kasalukuyang isyu at suliranin bunga ng globalisasyon

Mga KAsalukuyang Isyu at Suliranin bunga ng GLOBALISASYON

Mga KAsalukuyang Isyu at Suliranin bunga ng GLOBALISASYON

Aralin 39Kahulugan ng Globalisyon

Ekonomiya- mas malayang pagdaloy ng puhunan, lakas paggawa, kalakal at iba pa.Pampolitika- higit na madali at sistematikong ugnayanKultura- Higit na napalaganap ang wikang English

Sumasaklaw sa Ibat ibang aspekto ng liipunan at buhay ng tao.

Nagbabago ang pamumuhay ng mamamayanPagtangkilik sa produktong tatak kanluranin, kulturang asyano.Negatibong DulotHumina at nabura ang pambansang pagkakakilanlanPamantayan ang wikang EnglishNalugi ang lokal na namumuhunan

Positibong Dulot

Ang WTO at ang GlobalisasyonNagsulong ng globalisasyon (kalakalan at pamumuhunanan).Layuning magtatag ng pandaigdigang estruktura para sa malayang kalakalan

WTO- World Trade OrganizationNag-uugat ito sa.

GATT- General Agreement In Tariffs And Trade.Geneva Switzerland 1947Natatag ang pandaigdigang organisasyon (malayang kalakalan)Taripa at Quota ang sagabal sa malayang kalakalan.

Epekto ng Globalisasyon sa PamumuhayPaniniwalang ang malaya at bukas na kalakalan ay makalilikha ng trabao at pagkakataong makalakal ang produkto sa ibat ibang bansa.Makakabuti sa mamimili, makabibili sila ng maraming produkto.

Nagbunga Ng Inaasahan At Hindi Inaasahang SuliraninPagpapalala sa problemang ekonomiya ng maralita Paglaki ng agwat sa maunlad at umuunlad na bansa Lumala ang pagitan ng mahihirap at mayayaman.

EPEKTO NG GLOBALISASYON SA SEKTOR NG AGRIKULTURAKaraniwang agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga papaunlad na bansa.Bunga ng malawakang kahirapan at mahigpit na pangangailangan sa dolyar, ikinokompromiso ng mga pamahalaan ng mga papaunlad na bansa ang kanilang pambansang interes.

Cash Crop tumutukoy sa mga pananim na ibinebenta sa pamilihan upang pagkakitaan.Crop Conversion tawag sa pagpap alit ng mga itinanim sa sakahan.Halimbawa, mula palay tungong mga produktong panluwas

Umuunlad na Bansa Bilang tambakan ng mga labis na produktoAng umuunlad na bansa ay nagiging tambakan ng mga labis na produkto o surplus product.Mistulan namang tambakan ng basura ang mga umuunlad pa lamang at hindi mauunlad na bansa na nag-aangkat ng mga depektibong produkto.Technological Divide pagpapakita ng hindi pantay na antas ng teknolohiya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na mamamayan.

Umuunlad na bansa bilang taga-suplay ng lakas/paggawa

Para sa mahihirap nang bansa na walang sapat na kakayahan upang maglunsad ng pambansang industriyalisasyon, napipilitang umasa na lamang ang mga ito sa tulong ng kanilang iniluluwas na lakas-paggawa.Ang mga mamamayan ng mga bansang ito ay nangingibang bansa bilang mga migranteng manggagawa.

Internationalization of the Division of Labor pagpapangkat-pangkat sa mga yugto ng produksiyon kung saan ginagampanan ng bawat yugto ng mga manggagawa mula sa ibat ibang bansa sa Third World.Ang call center ay isang bahagi ng organisasyon o kumpanya kung saan ito ang sumasagot sa mga katanungan o namamahala sa mga ipinapaabot na komunikasyon ng mga kliyente.

Banta ng globalisasyon sa mga bansaAyon sa mga eksperto, mahihigitan na ng mga Transnational Corporation (TNC) ang kapangyarihan ng pamahalaan ng mga bansa kung saan may operasyon o sangay ang mga ito.Ang TNC ay isang malaki at makapangyarihang korporasyon na may malawak na operasyon sa ibat ibang panig ng daigdig na ang pangunahing layunin ay higit pang kumita at mapalawak ang kanilang sinasakupan.

Ayon sa aklat ni Fred Halliday na The World at 2000: Perils and Promises na ang mga aspektong panseguridad, panregulasyon at legal; mananatili paring makapangyarihan ang estado, partikular sa mga bansang may matatag na pamahalaan.Prepared by:Margareth E. GimenaGiselle A. MalolesAngelica Mae M. Pajalla STEM III- Mendeleev