23
1 Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO A.Panimula Sa kulturang Pilipino ang edukasyon ay maituturing na isa sa mahalagang bahagi ng pagkatao ng bawat indibidwal. Ginagampanan nito ang isa sa malaking bahagi sa paghubog ng isipan at ugali ng isang kabataan upang magkaroon ng magandang hinaharap. Kung titingnan, ito ay maituturing na pundasyon ng isang bata sa paghubog ng kanyang katauhan. Sa katunayan kung ang isang bata ay magkakaroon ng magandang edukasyon malaki ang posibilidad na makakuha siya nang maayos na trabaho na magagamit niya upang matulungan ang kanyang sariling pamilya. Dagdag pa nito, ito ay kayamanang hindi makukuha ng sinuman. Ito'y kayamanang madadala n'ya sa kanyang pagtanda. Ang edukasyon ay tumutukoy ay ang pagkuha ng kaalaman, kasanayan, at tamang pag-uugali upang maging mahusay ang isang indibidwal. Hindi lamang ito isang paghahanda sa darating na bukas bagkus ito mismo ang iyong bukas. Sa Pilipinas tunay na mahalaga ang pagtatamo ng karunungan ng isang tao sapagkat sa paniniwalang ang edukasyon ay susi upang makaahon sa kahirapan ng buhay.

Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

1

Tsapter 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A.Panimula

Sa kulturang Pilipino ang edukasyon ay maituturing na

isa sa mahalagang bahagi ng pagkatao ng bawat indibidwal.

Ginagampanan nito ang isa sa malaking bahagi sa paghubog ng

isipan at ugali ng isang kabataan upang magkaroon ng

magandang hinaharap. Kung titingnan, ito ay maituturing na

pundasyon ng isang bata sa paghubog ng kanyang katauhan. Sa

katunayan kung ang isang bata ay magkakaroon ng magandang

edukasyon malaki ang posibilidad na makakuha siya nang

maayos na trabaho na magagamit niya upang matulungan ang

kanyang sariling pamilya. Dagdag pa nito, ito ay kayamanang

hindi makukuha ng sinuman. Ito'y kayamanang madadala n'ya

sa kanyang pagtanda. Ang edukasyon ay tumutukoy ay ang

pagkuha ng kaalaman, kasanayan, at tamang pag-uugali upang

maging mahusay ang isang indibidwal. Hindi lamang ito isang

paghahanda sa darating na bukas bagkus ito mismo ang iyong

bukas.

Sa Pilipinas tunay na mahalaga ang pagtatamo ng

karunungan ng isang tao sapagkat sa paniniwalang ang

edukasyon ay susi upang makaahon sa kahirapan ng buhay.

Page 2: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

2

Itinatag ang Saint Louis School noong Hunyo 1965. Mula

Saint Louis School, ito ay naging Saint Louis College of

Tuguegarao at ngayo’y kilala bilang University of Saint

Louis Tuguegarao.

Mula nang matatag ang institusyong ito, unti- unti

itong nakilala sa pagiging isa sa mga nagungunang

institusyon sa rehiyon at maging sa buong bansa. Ito ay

mapapatunayan ng mga pangunguna ng mga nagtapos nito sa mga

Board Examinations na isinasagawa taun- taon.

Higit pa itong napatunayan sa pagiging accredited ng

mga deparatamento ng unibersidad sa PAASCU. Ang High School

Department nito ay accredited na sa Level II ng dalawang

taon at maaari nang pumasok sa Level III. Samantalang ang

School of Business and Administration (SBAA) nito ay Level

III na nang mga ilang taon kasama ang ilan pang

departamento nito at ang iba ay Level II na nang mga ilang

taon.

Dahil sa matagumpay at maayos na administrasyon nito,

handa nang magbukas ang unibersidad ng karagdagang mga

kurso. Ngayong darating na Hunyo 2012 ay bubuksan na ang

dalawang kurso, ang BS Medical Technology at BS Pharmacy.

Page 3: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

3

Ngunit kung ang mga nagsitapos ang pagbabasehan, ito

ay iba nang usapan. Sapgkat sila’y nagsitapos na at

inaasahang marami nang nalikom na kaalaman. Kung kaya’t

isinagawa ang pag- aaral na ito ay upang malaman ang

opinyon ng mga kasalukuyang mag- aaral ng University of

Saint Louis ukol sa natatamo nilang kalidad ng edukasyon sa

kasalukuyan. Sa gayon, mapapatunayan kung ang nababalitang

magandang imahe ng institusyong ito bilang isang “school of

topnotchers” ay makakatotohanan sa mismong mga mag- aaral

nito.

B. Layunin

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw ng

mga Mag- aaral sa Kalidad ng Edukasyon sa University of

Saint Louis Tuguegarao” ay naglalayong alamin kung ano nga

ba ang opinyon ng mag Luisyano ukol sa kalidad ng edukasyon

na natatamo nila sa USL.

Sa kabuuan, ang pag- aaral na ito ay inaasahang

tutugon sa mga susunod na katanungan:

1. Mataas ba ang kalidad ng edukasyon dito sa University of

Saint Louis?

2. Umuunlad ba ang kalidad ng edukasyong binibgay ng USLT

sa paglipas ng panahon?

Page 4: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

4

3. Sapat ba ang kaalaman ng mga Luisyano upang

makipagsabayan sa mga mag- aaral ng ibang paaralan?

4. Pantay ba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat

ng kurso ng USLT?

5. Ang mataas na marka ba ng mga Luisyano ang

pinakamabisang batayan sa kalidad ng edukasyon sa USLT?

6. Maihahambing mo na ba ang kalidad ng edukasyon ng USLT

sa tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP,

UST)?

7. Nakakatulong ba ang mga programa ng USLT sa pag- unlad

ng mga mag- aaral?

8. Karapat- dapat ba ang imahe ng USLT bilang “school of

topnotchers”?

C. Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay makakatulong sa sumusunod:

Administrasyon ng USLT- Malalaman ng administrasyon ang

opinyon ng mga mag- aaral nito dito. Sa gayon ay masusuri

nito kung may pagkukulang ba o sapat na ang kalidad ng

edukasyon sa USLT.

Page 5: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

5

Mga Mag-aaral- Masusuri kung sapat na bao may ikauunlad pa

ang natatamo nilang kalidad ng edukasyon sa institusyong

ito.

Publiko- Mapapatunayan kung ang mga nababalita ukol sa

magandang imahe ng unibersidad ay makatotohanan sa mga

mismong mag- aaral nito.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay tungkol sa kalidad ng

edukasyon ng University of Saint Louis Tuguegarao. Nakatuon

ito sa pananaw ng mga mag- aaral sa kalidad ng edukasyon

nito. Ang pananaliksik na ito ay hango sa opinyon ng mga

mag- aaral ng USLT. Ito ay isinagawa sa USLT ngayong Marso

2012. Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na tanungin ang

opinyon ng siyamnapu’t walong (98) mag- aaral lamang mula

sa kabuuang populasyon ng USLT dahil na rin sa kakulangan

ng panahon upang mas mapagtuunan pa ang pag- aaral na ito.

E. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

Edukasyon- Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng

isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong

nadadama ngunit higit na malalim, ang pagbabahagi ng

kaalaman, mabuting paghusga at karunungan.

Page 6: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

6

Tsapter 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A. Kaugnay na Literatura

A.1 BANYAGA

Ayon sa www.answers.com, ang Harvard Univeristy ang

pinakamatandang institusyon ng kataasang pag- aaral sa

Estados Unidos at ang kinokosiderang pinakamalawakk at

pinakaprestihiyosong eskwelahan. Ito ay naging unibersidad

na nagkaroon ng establisyimento ng medical na paaralan

noonh 1782. Ang Harvard rin ay nagkaroon ng impluwensiyang

pangnasyunal. Pito sa mga naging president ng Estados

Unidos ay nag- aral sa Hravard pati na rin mga “Supreme

Court Justices”, “Cabinet Officers” at “Congressional

leaders” at marami pang iba.

Ayon sa www.educationuk.org, Kahit na ang institusyon

sa United Kingdom ay responsible sa pamantayan at kalidad

ng programa nito, ang Quality AA ang karaniwang sumusuri

rito. Sinisigurado nitong ang mga institusyon sa UK ay

nagbibigay ng mataas na edukasyon at kwalipikasyon na

katangga- tanggap na kalidad at nararapat na akademikong

pamantayan.

Page 7: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

7

Ayon kay Sona Khudaverdiyeva, Ang edukasyon sa ibang

bansa ay nagbibigay sa mga karagdagang pagkakataon para sa

mga magiging mas matagumpay sa karera. Edukasyon sa bahay

sa kabilang banda ay hindi lang sapat para sa pahahanap ng

trabaho o pagiging isang propesyunal. Pagkatapos ng

pagtatapos mula sa isang paaraln sa ibang bansa, magiging

ganap na kwalipikado para sa iba’t- ibang propesyon.

Ayon sa www.education.com, ang mababang paaralan sa

Japan ay may kurikulum na sakop ang Japanese, Araling

Panlipunan, Matematika. Sa ngayon, mas malaking oras ang

inilaan sa musika, sining at edukasyong pampisikal.

Ayon sa, www.online universities.com, ang unibersidad

ng Hongkong ay nasa ilalim ng control ng mga Intsik. Sa

nakaraan, ang lungsod na ito ay isang British na

prinsipalidad. Bilang resulta, ang bialng ng coursework ay

isinasagawa na rin sa wikang Ingles.

A.2 LOKAL

Ayon sa www.wikimapia.org, ang Unibersidad ng San Luis

Tuguegarao ay ang kaisa-isang mataas na pribadong

institusyong edukasyonal sa Lambak ng Cagayan(rehiyon 2),

at isa sa sampu sa buong bansa na ginawaran ng full

Autonomous Status ng Commission on Higher Education para sa

Page 8: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

8

taong 2007-2012. Gayundin, idineklara ito ng Department of

Education bilang teacher training institution.

Ang Unibersidad ang Pilot Higher Education Institution

sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa ikauunlad ng

abilidad ng mga guro sa Pilipinas. Ito ay may Soil and

Testing Laboratory na pinasinayaan ng bureau of Research

and Standards at mayroon rin itong Special Education

Program para sa mga taong may kapansanan sa pagsasalita at

pandinig.

Ayon sa www.usl.edu.ph, pinatunayan na naman ng

Electrical Engineering Department ang kalidad ng edukasyon

na ibinibigay nito sa pamamagitan ng ipinamalas ng mga

nagtapos sa Licensure Examination for Registered Electrical

Engineering noong Setyembre 2011. Sa mga nakalipas na

taon,nakamit ng US Lang pinakamataas na passing rate sa

lahat ng paaralan sa Hilagang Luzon at isa rin ito sa mga

nangungunang institusyon sa bansa. Nagkamit ng gantimpala

ang USL bilang TOP Engineering School sa bansapara sa

pagtamo ng 100 porsyentong passing rate noong 2001 at 2002.

Ang Electrical Engineering ng USL ay isa ring Level 2

PAASCU-Accredited.

Ayon sa www.usl.edu.ph, nakakuha ng mataas na

porsyento na 96.97% ang Bchelor of Science in Nursing Batch

Page 9: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

9

2011 sa 2011 Nursing Licensure Examination noong Disyembre

na isinagawa ng PRC. Ang kabuuang porsyento ng USL ay

94.2%.

Ayon sa www.usl.edu.ph, nakamit ng Unibersidad ng

Saint Louis ang ikatlong pwesto laban sa iba pang

accountancy schools sa nakaraang 2011 CPA Board

Examination. Nanguna ang UP Diliman at pangalawa naman ang

Unibersidad ng Santo Tomas. Noong Oktubre 2008,

pinangunahan ni Richie Padilla, isang Luisyano, ang CPA

Board Examination.

Ayon sa www.usl.ed.ph, ngayong taon, Hunyo 2012, ang

College of Health and Allied Sciences ng Unibersidad ng

Saint Louis Tuguegarao ay magbubukas ng mga bagong kurso,

ang Bachelor of Science Medical Technology o Bachelor of

Science in Medicine Laboratory Science at ang Bachelor of

Science in Pharmacy. Ang kilos na ito ng institusyon ay

upang bigyan ang komunidad at ang mundo ng mga maabilidad

na tagapagsanay sa kalusugan na may pagkataong Kristiyano.

Page 10: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

10

B. Kaugnay na Pag- aaral

B.1 BANYAGA

Ayon sa www.chinaeducenter.com, ang edukasyon sa China

ang pinakamalking sistema ng edukayson sa mundo. Mayroong

mahigit na 20 milyon na estuyante ang pumasok upang mag-

aral na kataasang institusyong pang- edukasyon ng China.

Ang investment sa edukasyon ang sumasaklaw sa apat na

porsyente ng GDP ng China. Noong 1986, ang gobyerno ng

China ay nagtalaga ng sapilitang bakas pang- edukasyon na

nagsasabing siyam na taong pag- aaral ng mga mag- aaral. Sa

ngayon, naestimang 99.7% sa populasyon ng China ay nakaabot

na sa siyam na taong pag- aaral.

Ayon sa www.silicondia.com, Ang Inndia ay nasa

pinahuling posisyon kung ang kalidad ng eduaksyon ang pag-

uusapan. Habang Russia at Brazil ang nagunguna rito. Ang

kalidad ng pangkolehiyong edulkasyon sa Induia ang

pinakamababa kung kakulangan sa ibang kalapit na bansa. Ang

bilang ng mga mag- aaral na pumapasok sa primary ay may

kabuuang enrollment ratio na 98%

Ayon sa www.eprints.com ,sa ibang bansa, naukol ang

pagkasali ng subordinate staff sa paggawa ng desisyon,

bilang parte ng grupo habang ginagabayan sila at ang

Page 11: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

11

paghawak ng kanilang maayos na organisasyong trabaho ang

pribadong sector ng pangsekondaryang mga paaralan na mas

higit sa pampublikong sector ay mas kwalipikado sila sa

pang- akademikong at pang- propesyunal. Mas marami ding

karanasan ang pampubliko kumpara sa pribadong sector.

Ayon sa onlineuniversities.com, sa China, osang

pangunahing manlalaro sa ekonomiya ng mundo, ayon sa mga

mag- aaral nito, ito ay may mga paaralan na ang setting ay

mainam para sa pag- aaral.

Ayon sa onlineuniversities.com, ayon sa isang pag-

aaral, nararanggo ang University of Hongkong sa tuktok ng

dalawampung paaralan sa mundo. Ang unibersidad na ito ay

nakaakit ng higit pang Amerikano na nagnanais mag- aral

doon upang kumuha ng isang wika o ilang semester ng pag-

aaral.

B.2 LOKAL

Ayon sa www.usl.edu.ph, ang Disater Risk Management

Research Program ng University of Saint Louis Tuguegarao ay

nagawaran ng National Citation (Incentive Award) sa Serach

for the Best HEI Research Program ng Commission on Higher

Education. Tatlumpu’t anim ang sumali sa patimpalak. Siyam

ang napili at isa na rito ay ang USLT.

Page 12: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

12

Ayon sa DepED, Ang K+12 ay sistema ng edukasyon na

tumutukoy sa mga pampublikong sitema ng paaralan sa Estados

UNidos, Canada, Uk at ilan pang bahagi ng Europa.

Kinakatawan nito ang sappilitang edukasyong kinakailangan

ng lahat ng bata sa Amerika.

Ayon sa The Louisian Courier, ang USLT ay nagmula sa

kanyang nakalipas. Nagsimula lamang ito sa isang daan at

tatlumpu’t walonh lalaking estudyante noong HUnyo 1965.

Mula Saint Louis School sa Saint Louis College of

Tuguegarao, ito ngayon kinikilala bilang University of

Saint Louis Tuguegarao.

Page 13: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

13

Tsapter 3

Metodo at Pamamaraan

A. Disenyo

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptiv.

Ginamit din ng mga mananaliksik ang metodong sarbey upang

mangalap ng mga kinakailangang datos para sa pag- aaral na

ito.

B. Respondente

Mula sa kabuuang populasyon ng USLT, ang mga

mananaliksik ay pumili lamang ng siyamnapu’t walo (98)

katao, kung saan labing- apat (14) katao bawat departamento

sa kolehiyo at sekondarya nito para sumagot sa sarbey.

C. Lugar

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag- aaral at

pangakalap ng mga kinakailangang datos sa University of

Saint Louis Tugegarao, Tugegarao City, Cagayan.

D. Instrumento sa Pananaliksik

Talatanungan

Ito ay isang pangunahing instrumento na ginamit sa

aming pananaliksik. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga

Page 14: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

14

tanong na sasasutan ng mga respondent batay sa kanilang

pananaw.

Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakamabisang

instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagkatapos itong

masagutan ng mga respondente ay agad isinagawa ang pagta-

tally sa bawat sagot ng mga katanungan.

E. Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos

Upang mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na

inilahad upang matupad ang layunin ng pananaliksik papel na

ito, napili ng mga mananaliksik na magsagawa ng sarbey sa

piling populasyon ng University of Saint Louis.

Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at

pagsukat ng mga datos ang percentage technique sa

pananaliksik na ito.

Ginagamit ang percentage technique upang makita ang

kinalabasan ng ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga

respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang kalahatang

bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang

particular na tanong.

Page 15: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

15

Tsapter 4

Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Matapos isagawa ang sarbey, gumamit ang mga

mananaliksik ng percentage technique upang suriin ang mga

datos na nakalap. Ang datos sa ibaba ay nagpapakita kung

ilang katao mula sa siyamnapu’t walong (98) respondente ang

sumagot ng Oo o Hindi sa particular na tanong.

Upang makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng

pare-parehong mga sagot sa isang partikular na tanong,

gumamit ang mga mananaliksik ng isang pormula. Ang ginamit

na pormula ay: Bahagdan = (n/N) x 100

Kung saan: n-bilang ng sagot N- bilang ng mga respondente

Tanong Oo Hindi

1. Mataas ba ang kalidad ng edukasyon dito sa University of Saint Louis?

96 2

2.Umuunlad ba ang kalidad ng edukasyong binibigay ng USL sa paglipas ng mga taon?

78 20

3. Sapat ba ang kaalaman ng mga Luisiano upang makipagsabayan sa mga mag- aaral ng ibang paaralan?

82 16

4. Pantay ba ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat ng kurso g USL?

46 52

5. Ang mataas na marka ba ng mga Luisyano ang pinakamabisang batayan sa kalidad ng edukasyon sa USL?

56 42

6. Maihahambing mo na ba ang kalidad ng edukasyon ng USL sa tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP, UST)?

45 53

7. Nakatutulong ba ang mga programa ng USL sa pag- unlad ng mga mag- aaral?

69 29

8. Karapat- dapat ba ang imahe ng USLT bilang “school of top notchers”?

81 17

Page 16: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

16

Sa pamamagitan ng pormulang ito, nakuha ng mga

mananaliksik ang resulta sa ibaba.

1. Batay sa resulta, napag- alamang 98% sa mga mag- aaral

ang naniniwalang mataas ang kalidad ng edukasyon sa

University of Saint Louis at 2& ang hindi.

2. Batay sa resulta, napag- alamang 80% ang naniniwalang

umuunlad ang kalidad ng edukasyon sa USLT sa paglipas ng

panahon samantalang 20% ang hindi.

3. Batay sa resulta, napag- alamang 84% ang naniniwalang

kayang makipagsabayan ng mga Luisyano sa mga mag- aaral ng

ibang paaralan samantalang 16% ang hindi.

Tanong Oo Hindi

1. 98 % 2 %

2. 80 % 20 %

3. 84 % 16 %

4. 47 % 53 %

5. 57 % 43 %

6. 46 % 54 %

7. 70 % 30 %

8. 83 % 17 %

Page 17: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

17

4. Batay sa resulta, napag- alamang 53% ang naniniwalang

hindi pantay ang kalidad ng edukasyong ibinibigay sa lahat

ng kurso sa USLT samantalang 47% ang naniniwala.

5. Batay sa resulta, napag- alamang 57% ang naniniwalang

ang mataas na marka ng mga Luisyano ang pinakamabisang

batayan sa kalidad ng edukasyon sa USLT samantalang 43% ang

hindi.

6. Batay sa resulta, napag- alamang 54% ang naniniwalang

hindi pa maihahambing ang kalidad ng edukayson ng USL sa

tatlong malalaking unibersidad sa Manila (Ateneo, UP at

UST) samantalang 46% ang naniniwala.

7. Batay sa resulta, napag- alamang 70% ang naniniwalang

nakakatulong ang mga programa ng USLT sa pag- unlad ng mga

mag- aaral nito samantalng 30% ang hindi.

8. Batay sa resulta, napag- alamang 83% ang naniniwalang

karapat- dapat lang ang imahe ng USLT bilang “school of

topnotchers” samantalang 17% ang hindi.

Page 18: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

18

Tsapter 5.

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

A. LAGOM

Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga

mananaliksik na malaman anng pananaw ng mga Luisyano

patungkol sa kalidad ng edukasyon natatamo nila University

of Saint Louis Tuguegarao. Nagsimula ang mga mananaliksik

sa paghanap sa internet at mga aklat ng mga ideya at

impormasyon tungkol sa kanilang paksang kalidad ng

edukasyon sa University of Saint Louis sa mga nakaraang

taon.Pumili din ang mga mananaliksik ng paraan ng

pananaliksik na gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa

pagsasarbey, pumili sila ng mga kalahok sa pag-aaral na ito

at napagdesisyunan nilang magsarbey sa ilang mag- aaral sa

bawat departamento ng USLT. Sunod na ginawa ay ang

paghahanda at paggawa ng mga talatanungang pasasagutan sa

mga respondente. Isinagawa ang sarbey at matapos ay

binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot sa

bawat tanong. Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang

bahagdan o porsyento nito sa kalahatang bilang ng mga

respondente. Masusing pinaghambing ang mga resulta at

inanalisa. Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na

karamihan sa mga respondente ay naniniwalang mataas ang

Page 19: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

19

kalidad na natatamo nila sa nasabing unibersidad. Sa mga

mananaliksik naman, nakuha na nila ang kanilang mga

ninanais na mga kasagutan at katanungan nila. Higit sa

lahat nakamit nila at nagawa kung ano ang kanilang layunin

sa pag-aaral na ito.

B. KONKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos at resulta nito, ang

mga mananaliksik ay humantong sa konklusyon na ang mga mag-

aaral ng University of Saint Louis Tuguegarao na

matatagpuan sa Tugegarao City, Cagayan, Philippines ay

nakakatamasa ng mataas na kalidad ng edukasyon at patuloy

pa itong umuunlad sa paglipas ng mga taon. Nakakatulong rin

ang mga programang isinasagawa ng unibersidad sa pag- unlad

ng mga mag- aaral nito. Dahil rito, masasabing kayang

makipagsabayan ng mga mag- aaral nito sa iba pang mga mag-

aaral ng mga paaralan o unibersidad. Mapapatunayan ito ng

kanilang matataas na marka.

Dahil na rin sa mga nakamit na mga gantimpala at

parangal sa mga nakalipas na taon ng nasabing unibersidad

at sa kasalukuyang lagay ng kalidad ng edukasyon nito,

masasabi nating karapat- dapat nga ang imahe ng University

of Saint Louis Tuguegarao bilang “school of topnotchers”.

Page 20: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

20

Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na kalidad

ng edukasyon ng nasabing unibersidad, hindi pa rin

maituturing na pantay ang kalidad ng edukasyong ibinibigay

nito sa lahat ng kursong inihahain nito at hindi pa rin

maituturing o maipapantay ang kalidad ng edukasyon nito sa

tatlong malalaki at tanyag na unibersidad sa Manila, ang

Ateneo, University of the Philippines at University of

Santo Tomas.

C. REKOMENDASYON

Ayon sa pananaw ng mga mananaliksik na ibinatay na rin

sa pag- aaral na kanilang isinagawa, narito ang kanilang

mga rekomendasyon.

1. Para sa mga mananaliksik o nais magsagawa ng

katulad na pag- aaral, pumili ng mas maraming respondente

na magiging kinatawan ng unibersidad.

2. Magsagawa ng katulad na pag- aaral kung saan ang

magiging basehan ng kalidad ng edukasyon ay ang mga iba’t-

ibang particular na paktor tulad ng paraan ng pagtuturo,

pasilidad, mga programa, etc.

3. Para sa mga kabataang pumipili pa lamang ng

unibersidad na papasukan, hinihikayat ng mga mananaliksik

sila na mag- aral sa University of Saint Louis Tuguegarao.

Page 21: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

21

4.Para sa mga guro, pagbutihin nila ang kanilang

pagtuturo . huwag nilang hahayaan ang mag-aaral na

makatapos ng isang antas ng edukasyon ng hindi naman angkop

sa kanilang abilidad.

5. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin nila ang

kanilang pag-aaral nang sa gayun magkaroon sila ng

magandang kinabukasan at maging kapaki-pakinabang na

mamamayan ng bansa.

6. Para sa iba pang mananaliksik , ipagpatuloy o

palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng

marami at higit pang mahahalagang datos o impormasyong

maaaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa

kalidad ng edukasyon sa University of Saint Louis o kung

anu mang unibersidad na kanilang kinabibilangan.

Page 22: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

22

Bibliografi

*Sona Khudaverdiyeva, “Education for Career Success”, 2005

*D. Aguinaldo,et al, “Excellence: Our goal. Our Identity.

Our Legacy.” , 2nd Issue, S.Y. 2011- 2012.

*http://www.wikimapia.org/8289964/University-of-Saint-

Louis-Tuguegarao-City

*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=313

*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=312

*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=314

*http://www.uslt.edu.ph/news/article.php?id=315

*http://www.www.chinaeducenter.com/74629525968

*http://www.silicondia.com/486866593224

*http://www.education-in-japan.com/37737733

*http://www.onlineuniversities.com/3684664

*http://www.eprints.hec.gov.ph/64gefgd454

*http://www.answers.com/topic/harvard-university

*http://www.education.org

Page 23: Tsapter 1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOdocshare01.docshare.tips/files/8618/86184399.pdf · School of Business and Administration ... Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pananaw

23