64
Suliranin at Sagot sa Corinto Kabanata 1 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 44 Layunin: Upang ipakilala at ibigay ang pangkalahatang ideya nang unang liham ni Pablo sa mga taga Corinto at maunawaan ang pangunahing tema ng mga ito. Hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyong bumalik ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu- Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu- Cristo na ating Panginoon. Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin. —1 Mga Taga Corinto 1:7-10 Ang unang liham na isinulat ni Pablo sa mga taga Corinto ay isang tipikal na liham ng pastor na kanyang isinulat sa mga iglesiang kanyang naitayo sa ministeryo. Tulad ng karamihang liham ni Pablo, ang kanyang unang liham sa mga taga Corinto ay isinulat sa isang iglesiang kilalang- kilala niya, upang maituwid ang kanilang mga problema at turuan at palakasin ang paniniwalal ng mga mananampalataya at ganoon din naman ang ating paniniwala. Ang unang labing-isang kabanata ng 1 Mga Taga Corinto ay tumutukoy sa mga partikular na problema na naninira sa loob ng iglesia. Ito ang mga pumipigil sa paglago nila sa espirituwal at pagiging saksi, ng bawat isa at ng buong iglesia sa lungsod ng Corinto. At ang huling apat na kabanata ay tumatalakay naman sa mga kasagutan sa mga problema ng iglesia. Sa pagsisiyasat ng mga problema at mga solusyon na ibinigay ni Pablo, makikinabang tayo ng mga kaalaman kung paano harapin ang mga ganoong problema kapag sila ay lumitaw sa ating mga iglesia ngayon.

Suliranin at Sagot sa Corinto

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Suliranin at Sagot sa Corinto

Suliranin at Sagot sa Corinto

Kabanata 1 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 44

Layunin: Upang ipakilala at ibigay ang pangkalahatang ideya nang unang liham ni Pablo sa mga taga Corinto at maunawaan ang pangunahing tema ng mga ito.

Hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyong bumalik ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-

Cristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon. Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin.

—1 Mga Taga Corinto 1:7-10

Ang unang liham na isinulat ni Pablo sa mga taga Corinto ay isang tipikal na liham ng pastor na kanyang isinulat sa mga iglesiang kanyang naitayo sa ministeryo. Tulad ng karamihang liham ni Pablo, ang kanyang unang liham sa mga taga Corinto ay isinulat sa isang iglesiang kilalang-kilala niya, upang maituwid ang kanilang mga problema at turuan at palakasin ang paniniwalal ng mga mananampalataya at ganoon din naman ang ating paniniwala. Ang unang labing-isang kabanata ng 1 Mga Taga Corinto ay tumutukoy sa mga partikular na problema na naninira sa loob ng iglesia. Ito ang mga pumipigil sa paglago nila sa espirituwal at pagiging saksi, ng bawat isa at ng buong iglesia sa lungsod ng Corinto. At ang huling apat na kabanata ay tumatalakay naman sa mga kasagutan sa mga problema ng iglesia. Sa pagsisiyasat ng mga problema at mga solusyon na ibinigay ni Pablo, makikinabang tayo ng mga kaalaman kung paano harapin ang mga ganoong problema kapag sila ay lumitaw sa ating mga iglesia ngayon.

Page 2: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Noong sumulat si Pablo sa mga taga Corinto, siya ay sumusulat sa iglesiang hindi pa niya napuntahan.

2. Tama o Mali? Ang iglesia sa Corinto ay isa sa kakaunting mga iglesia sa Bagong Tipan na

halos walang problema dito. 3. Tama o Mali? Ang liham ni Pablo sa mga taga Corinto ay puno ng pagmamalasakit at payo

mula sa isang pastor.

4. Tama o Mali? Ang mga problema sa ating mga iglesia ngayon ay di kakaiba sa mga problema na naranasan ng iglesia sa Corinto.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Anong uri ng komunidad ang iglesia sa Corinto? a. Maliit na grupo ng mga hindi mananampalataya na nagsisiyasat sa ebanghelyo b. Mga mananampalataya na laging nagtitipon sa isang sambahayan c. Isang malaking kongregasyon sa loob ng malaking gusali d. Isang lokal na organisasyon na may matibay na liderato

6. Paano nalaman ni Pablo ang mga isyu sa iglesia ng Corinto? a. Lagi siyang nakikinig sa mga usap-sapan ng mga tao na nagsasabi sa kanya. b. Ipinakita ng Banal na Espiritu ang isang pangitain. c. Ang mga tao sa iglesia ng Corinto ay nagbahagi sa kanya ng kanilang malasakit. d. Nakita niya mismo ito dahil tumira siya sa Corinto.

7. Ano ang ibig sabihin ng “pinaging banal”—ang salitang ginamit ni Pablo sa pagtukoy sa mga taga Corinto?

Page 3: Suliranin at Sagot sa Corinto

a. Maging perpekto at walang kasalanan b. Maging mas espeirituwal kaysa ordinaryong tao c. Inihiwalay para espesyal na gamit ng Diyos d. Magdaan sa lahat ng rituwal nang pagbabagong loob

8. Ano ang mga problema ng mga taga Corinto? (piliin lahat ng akma)

a. Nahahati sa pangkat-pangkat. b. Masyado silang maraming pastor. c. Lubha silang mahirap. d. Ilan sa kanila ay lantarang imoral. e. Masyado silang malupit sa pagharap sa kasalanan. f. May mga pagtatalo sila sa legal. g. Inabuso nila ang Hapunan ng Panginoon. h. Masyado silang disente para aminin na sila ay may kaloob na espirituwal. i. Pinagmamalaki nila ang kanilang espirituwal na kaloob at hindi alam gamitin ang

mga ito.

9. Alin ang sinabi ni Pablo na pinakamahalagang ugali kaysa sa paggamit ng mga espirituwal na kaloob?

a. Sigasig b. Pag-ibig c. Disiplina d. Ambisyon

10. Ayon kay Pablo, ano ang kapangyarihang makakalutas ng mga problema sa iglesia? a. Ang kapangyarihan ng pagkabuhay na muli ni Jesus, na nagbibigay kakayahan sa

atin upang mamuhay ng panibago b. Ang kapangyarihan ng positibong pag-iisip c. Ang kapangyarihan ng batas ng Diyos na ibinigay sa atin sa Lumang Tipan d. Ang kapangyarihan ng sistemang legal ng lipunan Alin sa mga problema ng mga taga Corinto ang nauugnay sa iyo? Paano tayo tinutulungan ng ating relasyon kay Jesus at ang kapangyarihan ng Kanyang pagkabuhay na muli upang malutas ang ating mga problema?

Page 4: Suliranin at Sagot sa Corinto

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na ang Kanyang Espiritu ay nagbigay sa atin ng makapangyarihan at praktikal na kasagutan sa mga malalalim na pangangailangan ng ating mga puso. Hilingin na punuin ka Niya ng Kanyang pagmamahal at kapangyarihan ng Kanyang pagkabuhay na muli habang ikaw ay nagtitiwala at

sinusunod Siya araw-araw. Ipanalangin na pagpalain ang iyong pag-aaral ng Kanyang Salita habang natututo ka mula sa mga aklat ng 1 at 2 Mga Taga Corinto.

Page 5: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ipaliwanag at gamitin ang inspiradong pamamaraan ni Pablo sa paglutas ng mga problema sa

iglesia sa Corinto na nagbigay sa atin ng obra maestra bilang Pastoral Manual, sa ating pagharap sa mga problemang ito sa mga iglesia natin.

2. Bilang karagdagan sa mga solusyon para sa mga indibidwal na problema, ipaliwanag at

gamitin ang paraan ng pag-ibig, na binanggit sa kabanatang 13, isang pangkalahatang solusyon para sa lahat ng mga problemang ito.

3. Bigyang kahulugan at gamitin ang ibig sabihin ni Pablo nang binukod niya ang mga

problemang ito bilang mga bagay na karnal sa iglesia sa Corinto, sa kabanatang 12, sinabi niya na ipapaliwanag niya ang mga espirituwal na bagay sa kanilang iglesia.

4. Ipaliwanag at gamitin ang mga espirituwal na bagay na kanyang tinalakay sa kanyang liham

na ibinilang na mga inpiradong pangkalahatang solusyon na kanyang reseta sa iglesiang ito na inpiradong liham ng pagtutuwid mula sa isang pastor.

5. Ipaliwanag at gamitin paano ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ay bahagi ng

pangkalahatang solusyon sa lahat ng mga problemang ito.

Page 6: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Pagkatapos tayong itaas sa inspirading kagalingan ng pagtalakay sa muling pagkabuhay sa

kabanatang 15, kaagad na ba siyang nagbabago ng paksa o nagapapakilala siya ng panibagong espirituwal ng bagay nang sinulat niya: “Ngayon tungkol naman sa tulong,” sa unang talata ng kabanatang 16? Ipaliwanag.

7. Ipaliwanag at gamitin ang dinamikong solusyon sa problema ng mahinang kapatid kaugnay

sa isyu ng pagkaing inihandog sa diyos-diyosan na tinalakay sa kabanatang 8-11.

Page 7: Suliranin at Sagot sa Corinto

Pagkaka-baha-bahagi sa Iglesia

Kabanata 2 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 45

Layunin: Upang maunawaan ang mga tagubilin ni Pablo sa mga taga Corinto tungkol sa pagkaka-baha-bahagi ng iglesia at paano matuto nang espirituwal na katotohanan.

Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin.

—1 Mga Taga Corinto 1:10

Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.

—1 Mga Taga Corinto 2:11-12

Ang unang problemang tinalakay ni Pablo sa kanyang liham sa mga taga Corinto ay ang problemang pagkaka-baha-bahagi. Ang mga mananampalataya ay nahati sanhi ng pagpili kung sino ang pinaka-dakilang lider sa iglesia. Ang pagsusuri nila sa mga lider ay base sa kung sino ang nagdala sa kanila kay Cristo o sino ang nagbautismo sa kanila. Ngunit kung si Cristo ay naninirahan sa lahat ng mananampalataya, dapat magkasundo sila sa pangunahing bagay tungkol kay Cristo at dapat malaman na si Cristo ay hindi dapat mahati ng mga bagay na yaon. Ang pinakamahalagang mensahe ni Pablo ay wala tayong dapat sundin na makataong lider kundi si Cristo lamang. Itinuro ni Pablo na ang Espiritu ng Diyos lamang ang nagtuturo ng espirituwal sa tao. Hindi tayo matututo ng espirituwal na katotohanan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, o puso lamang. Dapat lamang tayong matuto ng espirituwal na katotohanan mula sa Banal na Espiritu. Ang mga espirituwal ay tumanggap ng Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ang nagbibigay sa atin ng kakayahang malaman at maunawaan ang pag-iisip ng Diyos.

Page 8: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Ang kongregasyon sa Corinto ay nahati at lagi silang may di-pagkaka-unawaan.

2. Tama o Mali? Ang basehan ng pagkakaisa ng mga Kristiyano ay ang relasyon nila kay

Jesus—nasa kanila ang Kanyang Espiritu. 3. Tama o Mali? Iginiit ni Pablo na siya ang tunay na lider at dapat siyang sundin ng lahat.

4. Tama o Mali? Hinikayat ni Pablo ang mga taga Corinto sa pamamamgitan ng kanyang mga matatalinong salita.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ayon kay Pablo ano ang susi sa kaligtasan? a. Bautismo b. Karunungan c. Pagkakaisa d. Paniniwala sa katotohanan ng ebanghelyo

6. Ayon kay Pablo, ano ang susi sa espiritual na paglago? a. Paggawa ng mga rituwal at maraming mabubuting gawa b. Matalinong pangunawa c. Matatag na pamumuno d. Paniniwala sa katotohanan ng ebanghelyo

7. Ano ang pinakamabuting paraan sa pagpapahayag ng ebanghelyo? a. Matatapang na salita b. Malinaw na lohika c. Sa pamamagitan ng matapang at kumpiyansang tao d. Sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu

Page 9: Suliranin at Sagot sa Corinto

8. Ano ang susi sa pangunawa ng katotohanan ng Diyos? a. Ipinapahayag sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. b. Pagpapaliwanag ng matatalinong mangangaral. c. Mag-aral tayo ng mabuti. d. Kailangan tayong maliwanagan sa pamamagitan ng pagmumuni-muni

9. Bakit imposible sa tao na maunawaan ang mga espirituwal na bagay sa natural? a. Pinipili lamang ng Diyos na ipahayag ang katotohanan sa kakaunting tao. b. Hindi sapat ang katalinuhan natin. c. Ang Espiritu lamang ng Diyos ang maaring magbukas ng mga puso at isipan ng

mga ipinanganak na muli upang matanto ang mga bagay na espirituwal. d. Posible, ngunit maraming mga tao ay walang pasensiya o kabatiran na matuto.

10. Sino ang maari nating maging pinakamagaling na guro? a. Si Pablo at ang kanyang mga sinulat b. Ating mga pastor c. Banal na Espirtu d. Ang ating konsiyensiya

11. Paano tayo makakatanggap ng pagtuturo ng Banal na Espiritu? a. Mahabang taon sa edukasyon b. Kapag ipinanganak ka na muli at hihilingin sa Kanya c. Sa pamamagitan ng pangitain at pagbisita ng mga anghel d. Malalim na pagbubulay-bulay

12. Anong uri ng tao ang inilalarawan ni Pablo sa 1 Mga Taga Corinto? (piliin lahat ng akma) a. Hindi mananampalataya b. Mananampalataya c. Mga Monghe at mga madre d. Mananampalatayang namumuhay sa laman e. Mga pantas

Page 10: Suliranin at Sagot sa Corinto

Hiningi mo na ba na maging tagapagturo mo ang Banal na Espiritu? Ano sa partikular ang nais mong maging maliwanag sa iyo? Ano sa tingin mo ang magbabago kapag sinunod mo ang ipinapahayag sa iyo araw-araw?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sapagkat ang katotohanan ay magagamit lagi ng mga mananampalataya at ipinagkakaloob sa atin ang Kanyang Espiritu upang maunawaan natin ang Kanyang Salita, kalooban, at kapamaraanan. Manalangin na buksan ng Banal na Espiritu ang iyong pangunawa at gabayan ka habang

sinusunod mo Siya.

Page 11: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Habang tinatangkang ayusin ni Pablo ang problema ng mga mananampalataya sa Corinto sa

kanilang pagkalito sa mga namumuno sa kanila, ipaliwanag at gamitin kung bakit ipinatungkol niya ang kanyang mga pangungusap sa mga taong pinili niya?

2. Ipaliwanag at gamitin ang tanong na ginamit niya sa talatang 13 kabanatang 1, “Nahati ba si

Cristo?” na nagsisilbing matalinong espirituwal na solusyon sa kanilang problema? 3. Paano natin magagamit ang maamong paraan ni Pablo sa kabanatang 1 at unang bahagi ng

kabanatang 2, kapag tayo ay nagtatayo ng iglesia, nagdadala ng tao kay Cristo, at gumagawa ng alagad para kay Cristo?

4. Ano ang sinasabi niya sa kanila sa kabanatang 1 at 2 sa paraan ng pangangaral at paniniwala

sa ebanghelyo na dapat matuto sila na huwag magkaroon ng pagkakahati dahil sa kanya? 5. Sa kabanatang 2, isinulat ni Pablo na naroon siya sa kanila na may pagkatakot at panginginig.

Saan siya natatakot?

Page 12: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Sa kontekstong ito, bigyan nang buod at gamitin ang itinuro ni Pablo, lalo na sa talatang 9-16 ng kabanatng 2, tungkol sa paraan ng Banal na Espiritu sa pagtuturo ng mga espirituwal na katotohanan.

7. Sa konteksto ng educational psychology, isinulat ni Pablo na natututo tayo sa pintuan ng

ating mata, pintuan ng tainga, pintuan ng puso, at pintuan ng Espiritu. Ipaliwanag at gamitin kung ano ang mga pintuan na ito habang tayo ay natututo o nagtuturo ng mga espirituwal na katotohanan.

Page 13: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Pag-ibig na Nagtutuwid

Kabanata 3 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 46

Layunin: Upang maunawaan ang mga tagubilin ni Pablo sa mga taga Corinto tungkol sa espirituwal na lider, paghuhusga sa iba, at paano harapin ang kasalanan sa iglesia.

Kaya't huwag kayong hahatol nang wala pa sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Siya ang maglalantad ng mga bagay na ngayo'y natatago sa kadiliman at maghahayag ng mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa'y

bibigyan ng Diyos ng angkop na parangal. —1 Mga Taga Corinto 4:5

Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.

—1 Mga Taga Corinto 6:19-20

Marami sa mga taga Corinto ang pumapabor kay Pablo sa kanilang iglesia. Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila na ang kanilang pagkiling sa kanya ay bale wala sapagkat siya mismo hindi niya nararamdam na siya ay karapat-dapat, lalo na kung ang iba ang hahatol sa kaniyang kwalipikasyon. Dahil sa ang puso ng tao ay mas malalim kaysa sa kaniyang pang-unawa, inisip ni Pablo na ipa-sa Diyos na lang ang paghatol sa puso ng tao. Hindi itinuturo ng Biblia na huwag tayong hahatol sa tao sa anumang dahilan. Kung minsan kailangan ang paghatol sa mga nagpipilit na magkasala. Responsibilidad natin bilang miyembro ng pamilya ng Diyos na kausapin ang mga nanakit sa kanilang sarili o sa iba sa loob ng katawan ni Cristo. Mahirap ituwid ang kapatid na nagkakasala sa Panginoon ngunit ito ay kailangan. Ang istratehiya natin upang ibalik sila sa kanilang ugnayan sa Panginoon at sa katawan ni Cristo ay tulungan sila maunawaan kung gaano kasakit ang magiging dulot ng kanilang gagawin sa kanilang sarili o sa iba nilang relasyon. Ang motibo natin sa pagtutuwid sa kanila ay laging pagmamahal, at ang layunin ay maibalik sila sa Panginoon.

Page 14: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Inumpisahan ni Pablo ang kanyang liham sa mga taga Corinto ng pangkalahatang solusyon sa kanilang problema at pagkatapos ay tinalakay ang bawat problema sa bandang huli ng kanyang liham.

2. Tama o Mali? Ang ebidensiya na nasa atin ang Banal na Espiritu ay ang espirituwal na

kaloob, at ang pag-ibig ang siyang ebidensiya na ang Espiritu ay nasa kalooban natin. 3. Tama o Mali? Sa kabuuan, ang mga taga Corinto ay hindi nahihirapang paniwalaan ang

pagkabuhay na muli ni Jesus.

4. Tama o Mali? Ang mga apostol ang siyang pinanggagalingan ng Kristiyanong pananampalataya.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Paano natin makikilala ang mga espirituwal na lider? a. Bilang pinaka may awtoridad sa ating mga buhay b. Bilang lingkod ng Diyos at tagapamahala ng Kanyang ministeryo c. Bilang mga tao na mahal ng Diyos kaysa sa iba d. Bilang mga tao na mas banal at dalisay kaysa sa iba

6. Kapag lumilikha ng pagkakahati ang mga Kristiyano base sa mga espirituwal na lider, ano ang senyales nito sa kanilang pagiging espirituwal?

a. Sila ay nagmimistulang sanggol sa espirituwal—hindi pa sila lumalago. b. Marunong na silang kumilala at lumalago na nang sapat upang malaman ang tama

at mali. c. Hindi pa nila nakilala si Jesus o napuspos ng Kanyang Espiritu. d. Sila ay lumalago na tulad ng kanilang lider na sinusunod.

Page 15: Suliranin at Sagot sa Corinto

7. Paano nagiging epektibong espirituwal na lider ang mga ministro? a. Sa pagtatapos ng tamang edukasyon b. Sa pamamagitan ng kaloob na binigay ng Diyos sa kanila. c. Sa pagiging popular d. Sa pagpupumilit ng kanilang awtoridad sa iba.

8. Sa paanong paraan maaaring humusga ang isang Kristiyano sa iba?

a. Hindi tayo dapat humusga sa iba sa anumang dahilan. b. Huhusga lang tayo doon sa mga di-matuwid kaysa sa atin. c. Dapat nating husgahan ang kasalanan at hindi dapat payagan sa ating samahan,

ngunit hindi tayo dapat humusga sa motibo ng puso ng tao. d. Ang isip ni Cristo ay nasa atin, kaya malaya tayong humusga kanino man sa

anumang bagay na gusto natin.

9. Ayon sa liham ni Pablo sa mga taga Corinto, ano ang epekto ng ating paniniwala kay Jesus sa ating gawaing moral?

a. Ang paniniwala kay Jesus ay nagpapabago sa ating puso ngunit hindi nakaka-apekto sa ating moralidad.

b. Ang paniniwala kay Jesus ay nagbibigay ng pagnanasa na maging matuwid ngunit hindi makakatulong na mabuhay ng matuwid.

c. Ang paniniwala kay Jesus ay nagpapabago sa ating mga puso, ating isip, at ating gawaing moral upang iwanan ang ating mga kasalan.

d. Ang paniniwala kay Jesus ay nagpapaging perpekto sa atin upang huwag na tayong magkasala.

10. Paano dapat harapin ng mga Kristiyano ang lantad at sinasadyang kasalanan sa loob ng

iglesia? a. Matapat nating ituwid ang mga gumagawa ng imoral at hikayatin silang magsisi. b. Hindi tayo pinapayagan humusga kanino man, kaya wala tayong magagawa

kapag ang Kristiyano ay nagkakasala. c. Dapat nating pansinin kapag ang ibang Kristiyano ay nagkakasala at sabihin ang

kanilang imoralidad sa bawat kakilala natin. d. Ni hindi tayo dapat makihalubilo sa mga Kristiyano na gumagawa ng maliliit na

pagkakamali o nagkakasala minsan o makalawa at nagsisisi.

11. Ano ang tamang motibo sa pagtutuwid sa isang taong nagkakasala? a. Galit b. Pagseselos c. Matuwid sa sarili d. Pag-ibig

Page 16: Suliranin at Sagot sa Corinto

Anong bahagi ng iyong buhay Kristiyano na sa palagay mo ay dapat pang lumago? Paano ka matutulungan ng Banal na Espiritu sa mga bahagi na iyon ng buhay mo? Anong bahagi ng iyong buhay ang nais mong matulungan ka ng Panginoon sa linggong ito?

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa mga pinagkaloob na espirtituwal na lider sa iyo. Hilingin na tulungan kang magpatuloy lumago kay Cristo sa iyong isip, puso, at gawain.

Page 17: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano tayo makakaugnay at magagamit ang turo ni Pablo sa kabanatang 4 na hindi tayo

dapat humusga hanggat hindi dumarating ang Panginoon, at pagkatapos sa kabanatang 5 itinuwid niya ang Iglesia sa Corinto dahil hindi nila hinusgahan ang isang imoral na tao?

2. Ipaliwanag at gamitin ang dalawang uri ng pag-huhusga sa kabanatang 4 at 5. 3. Ano ang gagawin ng Panginoon pagdating Niya upang maging posible para sa mga tao tulad

ni Pablo, ikaw at ako na tatanggap ng kanais-nais o di-kanais nais na paghatol? 4. Bakit napahalaga para sa atin na gamitin ang katuruan tungkol sa pagdidisiplina sa loob ng

iglesia, na ipinaliwanag sa kabanatang 5? 5. Paano mo maibubuod at magagamit ang partikular na solusyon ni Pablo na kanyang inilapat

sa problemang pagsasampa ng kaso ng bawat isa sa korte ng Corinto?

Page 18: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Ano ang gamit ng kapamaraanan ni Pablo na kanyang itinuro sa iglesia sa Corinto (sa kabanatang 3 at 4) na igalang ang tungkulin at gawain ng mga numumuno sa kanila na nagakay sa kanila kay Cristo at inalagaan sila sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya?

7. Paano natin magagamit ng personal ang maliwanag na pahayag ni Pablo sa 1 Mga Taga

Corinto 6:13 na ang ating mga katawan ay hindi nilikha para sa sex kundi bilang templo ng Panginoon?

Page 19: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Manual sa Pag-aasawa

Kabanata 4 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 47

Layunin: Upang maunawaan ang mga katuruan ni Pablo sa pag-aasawa. Nais ko sanang ang bawat isa ay makatulad ko. Ngunit may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos at ang mga ito'y hindi pare-pareho.

—1 Mga Taga Corinto 7:7

Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, at magpatuloy sa dati niyang kalagayan noong siya'y tawagin ng Diyos. Ito ang itinuturo ko sa lahat ng iglesya.

—1 Mga Taga Corinto 7:17

Ang ikapitong kabanata ng 1 Mga Taga Corinto ay kilala sa kabanata ng Bibliya para sa mga mag-asawa. Tinutukoy nito ang iilang mga katanungan tungkol sa pag-aasawa, walang asawa, diborsyo, pag-aasawang muli, at pisikal na relasyon ng mag-asawa ng mga miyembro ng iglesia sa Corinto na inilagay sa liham nila kay Pablo. Sa maraming siglo, kapag ang mga miyembro ng iglesia ay magtatanong sa pastor patungkol sa pag-aasawa, ito ang kabanata sa pastor’s marriage manual. Sa kabanatang ito, madidiskubre natin ang plano ng Diyos sa pag-aasawa at maraming mga problemang lumilitaw mula sa relasyon na ito ng mag-asawa. Ang kabanatang ito ay naglalabas ng mga mahihirap na tanong, ang pangunahin dito ay, “Ano ang pag-aasawa sa mata ng Diyos?” Nasagot ito sa Mateo 19:6, “kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.” Kapag ang dalawang mananampalataya ay nagsama sa pag-aasawa, sila ya nangangako na mabuhay para sa isa’t-isa dahil naniniwala sila na pinagsama sila ng Diyos. Ang paniniwalang ito ang basehan na nagbibigay tibay sa pagsasama ng mag-asawa, hindi ang kapirasong papel na nagsasabi na sila ay legal na magkasama. Sa kabila ng mga walang hanggang sangkap ng pagiging tugma at posibilidad para sa dalawang mag-aasawa sa mundong ito, ang desisyon sa pag-aasawa ay dapat base sa gabay ng Diyos.

Page 20: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Ang payo ni Pablo sa pag-aasawa ay ibinigay sa panahon kung saan ang mga Kristiyano ay nasa ilalim nang pagkabalisa at pag-uusig.

2. Tama o Mali? Salungat si Pablo sa pag-aasawa. 3. Tama o Mali? Si Pablo ay walang asawa nang isinulat niya ang 1 Mga Taga Corinto.

4. Tama o Mali? Ang katuruan ni Pablo ay salungat sa katuruan ni Jesus.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ayon kay Pablo, bakit ang pagkasoltero (celibacy) ay isang mahalagang pagpipilian para sa Kristiyano?

a. Hindi banal ang sex, kahit sa pag-aasawa, at ang mga Kristiyano ay dapat manatiling dalisay.

b. Ang pag-aasawa ay isa lamang makataong institusyon na ginawa ng tao para maging maginhawa.

c. Ang mga walang asawa ay laging banal at masaya kaysa sa taong may asawa. d. Ang mga walang asawa ay kayang mag-pokus ng masidhi sa paglilingkod sa

Panginoon.

6. Bakit ang malusog na sex ng mag-asawa ay mahalaga? a. Ang sekswal na kasiyahan sa loob ng pag-aasawa ay pinakamatibay na depensa sa

imoralidad. b. Ang tanging layunin ng Diyos sa pag-aasawa ay panganganak lang. c. Kailangang igiit ng lalaki at babae na maibigay ang kanilang pangangailangan. d. Hindi ito mahalaga; sa halip, ito ay abala lang.

Page 21: Suliranin at Sagot sa Corinto

7. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa pang habang buhay ang pag-aasawa? a. Manatili lang na may asawa kapag ito ang nais ng bawat isa. b. Mahalaga lang na manatili sa pag-aasawa para sa mga anak. c. Dinisenyo ng Diyos na ang pag-aasawa ay pangakong pang habang buhay. d. Ang pag-aasawa ay pang walang hanggan, kahit sa langit ito ay mananatili.

8. Ano ang tagubilin ni Pablo kapag ang isang may asawa ay hindi mananampalataya at ang isa

naman ay naging mananampalataya? a. Ang asawang nananampalataya ay dapat i-diborsyo ang kanyang kaparehang

hindi mananampalataya dahil hindi na sila magkapantay. b. Ang asawang hindi mananampalataya ay kailangang piliting maging Kristiyano. c. Ang asawang mananampalataya ay dapat manalangin para sa di

mananampalatayang asawa at maging matapat, ngunit kung nais ng di mananampalataya na umalis, dapat lang hayaan ng mananampalataya ito.

d. Ang mananampalatayang asawa ay kumilos na parang hindi mananampalataya tulad dati, upang ang hindi mananampalatayang asawa ay hindi magalit.

9. Paano dapat mailapat sa atin ang batas ng Diyos?

a. Masyadong mahigpit—palaging pareho sa bawat kaso b. Sa pamamagitan ng lente ng pag-ibig—laging hinahanap ang pinakamabuti para

sa bawat tao c. Hindi mahigpit—sa mga pagkakataon na nais lamang natin itong gamitin d. Dahil tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, ang batas

ng Diyos ay hindi magagamit sa atin. Malaya tayong gawin anoman ang gusto natin.

10. Bakit ang pag-aasawa at pamilya ay nasa ilalim ng labis na pag-atake? (piliin lahat ng akma)

a. Ang pag-aasawa at pamilya ay mga plano ng Diyos at nais ni Satanas na hadlangan ang plano ng Diyos.

b. Dahil gusto ng mga tao ang lumaban. c. Ang pag-aasawa ay larawan ng pag-ibig ng Diyos sa Kanyang Iglesia at nais ni

Satanas na guluhin, dumihan, at sirain ang larawan na iyan. d. Dahil ang pagpapala ng Diyos sa Kanyang Iglesia at lipunan ay dumadaloy mula

sa mga pamilya, at nais ni Satanas na pigilin ang pagpapala ng Diyos.

Page 22: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ano ang iyong paniniwala kung ano dapat ang pag-aasawa ayon sa Diyos? Ano ang pagkakaiba ng panuntunan ng Biblia sa pag-aasawa doon sa panuntunan ng lipunan sa pag-aasawa?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pagkakaloob ng pag-aasawa at pagkasoltero. Kung ikaw ay mag-isa, hingin na gabayan ka sa iyong desisyon na gagawin balang araw tungkol sa pag-aasawa, at hingin na tulungan kang maglingkod sa Kanya na walang hadlang habang ikaw ay nag-iisa. Kung ikaw ay may-asawa, manalangin

na bigyan ka ng lakas sa iyong buhay may asawa at tulungan ka na maglingkod sa Kanya at ang iyong asawa ng buong katapatan.

Page 23: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano ang simula ng ikapitong kabanata na nagpapahayag ng pangalawang mapagkukunan ni

Pablo, kung saan alam niya ang mga isyu na dapat niyang talakayin sa liham na ito? 2. Sa pagbibigay ni Pablo ng inspiradong solusyon sa mga problema sa pag-aasawa sa

kabanatang ito, kanyang iniugnay ito sa mga katanungang isinulat nila sa kanya. Sa pag-aaral sa mga solusyon na ito, ipaliwanag kung ano ang mga maaari nilang itinanong.

3. Bakit kung minsan sinusulat ni Pablo na wala siyang mga kautusan mula sa Panginoon

ngunit kanyang ibinibigay ang kanyang opinyon, at pagkatapos sa ibang panahon sinulat niya na hindi siya ang nagsasabi kundi ang Panginoon? (Isaalang-alang ang talatang 10, 12 at 40)

4. Sa paanong paraan ang talatang 26 ay susi upang maipaliwanag bakit binigyan ni Pablo ang

pagiging mag-isa ng kahalagahan? 5. Kapag ang pag-aasawa ay nahaluan ng mananampalataya at di mananampalataya, bakit tama

lang na sabihin ni Pablo na ang di mananampalataya ay may kalayaan na manatili o hindi sa kanyang asawa?

Page 24: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Isipin na may mag-asawa na nagkaroon nang maraming relasyon bago pa at nagdiborsyo

bago pa sila nakarinig ng Ebanghelyo at naligtas. Paano ang mga talata sa 17 hanggang 24 ay lapat sa kanila, lalo na ang payo, inulit na maka-ikatlong beses, na ang bawat isa ay manatili o sumama sa dati nilang asawa bago pa sila tinawag o naligtas?

7. Sa liwanag ng isinulat ni Pablo tungkol sa pagkasoltero, dapat ba tayong maghanap sa

katawan ni Cristo ng mga taong single dahil sila’y kontento na walang asawa at nais na maglingkod sa Panginoon na walang hadlang? Ipaliwanag.

Page 25: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Lahat ng Bagay Para sa Lahat

Kabanata 5 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 48

Layunin: Upang maunawaan ang mga katuruan ni Pablo sa mahihirap na isyu sa iglesia at paano ginamit ang mga prinsipyo ng kalayaan ng Kristiyano sa mga isyu na iyon.

Ngunit mag-ingat kayo, baka ang paggamit ninyo ng kalayaang kumain ng anumang pagkain ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina pa sa pananampalataya.

—1 Mga Taga Corinto 8:9

Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon.

—1 Mga Taga Corinto 9:24-25

Isinulat ni Pablo ang mga kabanatang 8-11 upang tugunin ang mga isyu na hinaharap ng mga taga Corinto. Sa bawat kaso, kung ang isyu ay sa labas man ng iglesia, tulad ng pagkain inialay sa mga idolo, o isyu sa loob ng iglesia, tulad ng pagsasagawa ng Hapunan ng Panginoon, ang pokus ni Pablo ay ang relasyon ng mga magkakapatid kay Cristo at kung paano ang mga matitibay ay igalang ang mga mahihina sa pananampalaya. Sa kabanatang ito, matututunan natin ang tatlong prinsipyo ng kalayaang Kristiyano. Una, matututunan natin na sa lahat ng bagay, ang una nating bigyang pansin ay ang kaluwalhatian ng Diyos. Pangalawa, matututunan natin na ang ating mga gawain ay dapat magresulta sa kaligtasan ng iba. At pangatlo, matututunan natin na ang pakinabang ng iba ay mas mahalaga kaysa sa ating pakinabang. Ang isyu ay hindi kung ano ang tama o mali, o ang karapatan nating gawin, o hindi dapat gawin sa isang bagay. Ang isyu ay anong magbibigay luwalhati sa Diyos, ano ang magdadala sa iba sa kaligtasan at ano ang pakinabang ng iba. Kapag pinag-isipan natin ang tatlong prinsipyong ito, makikita natin na nagpapahayag sila ng konsepto na nais ihatid ni Pablo sa isang salita: Pag-ibig

Page 26: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Maraming mga isyu sa Kristiyanong pananampalataya na hindi pinag-uusapan kung ito ay tama o mali kundi kung ito ay ukol sa pag-ibig sa kapwa.

2. Tama o Mali? Ang tanong kung kakainin ng Kristiyano ang pagkaing inihandog sa mga idolo

ay lubhang napakahalaga dahil ang patakaran sa dapat kainin at inumin ay mahalaga sa Kristiyanismo.

3. Tama o Mali? Ang pagsamba sa idolo na karaniwan sa Corinto ay katulad din ng

Kristiyanismo, dahil dito inilipat lamang ng mga mananampalataya ang kanilang mga lumang gawain tungo sa kanilang bagong pananampalataya.

4. Tama o Mali? Sinusuportahan ni Pablo ang espirituwal na kalayaan ng mga

mananampalataya at galit sa ligalismo.

5. Tama o Mali? Mababa ang tingin ni Pablo sa mga kababaihan at hindi siya naniniwala na kapantay nila ang mga kalalakihan sa mata ng Diyos.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

6. Ano ang katuruan ni Pablo sa mga nakakaunawa na ang mga idolo ay bale wala at ang kumain ng inihandog sa idolo ay walang kahulugan?

a. Dapat sawayin ng mga matatatag ang mga mahihina dahil sa kakulangan ng kanilang pangunawa

b. Dapat huwag pansinin ng mga matatatag ang mga mahihina at gawin anuman ang gusto nila.

c. Dapat maging halimbawa ang mga matatatag para sa mga mahihina sa lantarang pagpapakita ng kanilang kalayaan.

d. Dapat igalang ng mga matatag ang paniniwala ng mga mahihina at ingatan na huwag silang matisod.

Page 27: Suliranin at Sagot sa Corinto

7. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang panuntunan upang makilala ang tamang gawain? (piliin lahat ng akma)

a. Ang kaluwalhatian ng Diyos b. Sariling kagustuhan c. Makasariling pagnanasa d. Ang kaligtasan ng iba e. Makasariling pakinabang f. Ang pakinabang o kapakanan ng iba g. Pang-sariling karapatan h. Pag-iingat sa sarili

8. Alin sa mga sumusunod na salita ang pinakamabuting buod ng pilosopiya ni Cristo?

a. Kumita b. Kumuha c. Magbigay d. Umiwas

9. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sabihin niya na siya’y maging lahat ng bagay sa lahat ng

tao upang makapagligtas siya ng iilan? a. Gagawin niya ang lahat, gaano man ito kapanganib, hindi marapat, imoral, upang

makapagdala ng tao kay Cristo b. Papalitan niya ang kanyang mensahe upang maging katanggap-tanggap sa mga

taong pinapangaralan niya c. Itatago ang kanyang mukha upang hindi siya makilala bilang Kristiyano. d. Aayusin niya ang kanyang pakikipag-ugnay base sa kultura at lipunan upang

maipahayag niya ang kanyang mensahe sa mga dapat makarinig nito.

10. Paano inilarawan ni Pablo ang kanyang sarili sa ministeryo? a. Bilang alipin at lingkod ni Jesu-Cristo b. Isang debotong Hudyo c. Isang dating Hudyo d. Isang eksperto sa Kristiyanismo

11. Paano ginawa ng mga taga Corinto ang Banal na Hapunan o Hapunan ng Panginoon nang hindi tama? (piliin lahat ng akma)

a. Hindi nila isinama ang mga mahihirap na hindi makapagdala ng maraming pagkain.

b. Hinaluan nila ng mga rituwal para sa pagsamba sa idolo. c. Lagi silang naglalasing. d. Dumadalo sila ng may makasariling ugali. e. Ginagawa lang nilang isang beses sa isang taon.

12. Kanino tayo nakikipag-ugnay kapag nagdiriwang tayo sa Banal na Hapunan?

a. Sa Diyos lamang b. Sa ibang mga Kristiyano lamang c. Sa Diyos at ibang mga Kristiyano

Page 28: Suliranin at Sagot sa Corinto

d. Sa Diyos, ibang mga Kristiyano, at maging hindi mananampalataya Kung mayroon kang isusulat na mga isyu mula sa iyong iglesia kay Pablo, ano ang isusulat mo? Ano sa palagay mo paano niya ilalapat ang “batas ng pag-ibig” at prinsipyo ng Kristiyanong kalayaan sa mga isyu ng iyong samahan?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamantan ang Diyos sa “batas ng pag-ibig” kung saan tayo ay nabubuhay at sa kalayaan na ibinibigay Niya upang paglingkuran siya ng may kalayaan. Hingin na bigyan ka ng karunungan upang gamitin ang Kanyang prinsipyo sa iyong buhay at sa mga relasyon mo sa ibang mga Kristiyano. Higit sa lahat, hingin na punuin ka

ng Kanyang pagmamahal at tulungan ka na laging hanapin ang pinakamabuti para sa iba.

Page 29: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong mga problema sa ating mga iglesia ngayon ang maiuugnay at magagamit mula sa

solusyon ni Pablo sa problema ng Corinto (natala sa kabanatang 8-11) tungkol sa tama at maling paraan sa mga mananampalataya na kumain ng pagkain na inialay bilang sakripisyo sa paganong idolo?

2. Paano natin magagamit ang katuruan ni Pablo na hindi kung tama o mali kundi tungkol sa

gaano natin ka mahal ang mahinang kapatid na iniisip na mali ang kumain nitong pagkain? (Isaalang-alang ang Roma 14)

3. Ibuod at gamitin ang malalim na pahayag ni Pablo (natala sa 9:19-23) na naglalarawan kung

paano niya ginamit ang prinsipyong ito na inilapat sa kanila sa kabanatang 8. 4. Habang isinasa-alang alang natin ang kabanatang 10:31-33 sa pagpapastor ng tao ng Diyos,

kilalanin at gamitin ang tatlong prinsipyo na maggagabay sa atin sa mga tinatawag nating “gray”(malabo) na isyu o mga isyu na di tiyak kung mali o tama.

5. Paano natin ibubuod at gagamitin ang itinuro ni Pablo sa kabanatang 11 tungkol sa tungkulin

ng mga kababaihan sa iglesia?

Page 30: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Paano mo magagamit ang dakilang kaalaman ni Pablo sa makasaysayan at makatalambuhay

sa Biblia, na natala sa 1 Mga Taga Corinto 10:11?

7. Ibuod at gamitin ang inspiradong alituntunin ni Pablo ukol sa Hapunan ng Panginoon sa

kabanatang 11:23-33 at ang malalim na payo tungkol sa tagumpay laban sa tukso upang magkasala sa kabanatang 10:12-14

Page 31: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Gawain ng Isang Napili

Kabanata 6 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 49

Layunin: Upang maunawaan ang mga katuruan ni Pablo sa mga espirituwal na kaloob at kung paano kumilos ang katawan ni Cristo na may pagkakaisa.

Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman. Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng

paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon.

—1 Mga Taga Corinto 12:1, 4-6

Kaya, mga kapatid ko, hangarin ninyo na makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. Kaya lang, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.

—1 Mga Taga Corinto 14:39-40

Pagkatapos ng napakahabang pagtutuwid na bahagi ng 1 Mga Taga Corinto, ang kabanatang 12 ay isang nagpapabuong bahagi ng liham ni Pablo. Sa kabanatang ito, matututunan natin ang dalawang magkasalungat ngunit nagtutulungang prinsipyo. Una, matutunan natin ang pagkakaiba ng mga kaloob ng mga mananampalataya dahil mayroon silang ibat-ibang kumpul na mga espirituwal na kaloob. Kung tayong dalawa ay eksaktong magkapareho, isa sa atin ay hindi kailangan. Lahat ng mananampalataya na may kaloob ay kailangan sa loob ng lokal na iglesia. Hindi magkakapareho ang mga kaloob ng lahat ng mananampalataya—ang iba ay tagapagturo, ang iba ay mga propeta, ang iba naman ay may karunungan sa pagkilala ng pagkakaiba; ang iba ay may kaloob sa pamamahala at ang iba naman ay may kaloob sa paglilingkod. Ang iglesiang puspos ng Espiritu ay magkakaroon sa kanyang katawan ng isang malawak na hanay ng tao na pinagpala sa ibat-ibang espirituwal na kaloob, na pina-ngungunahan ng Banal na Espiritu. Ang kabanatang 14 ay nagpapamalas ng mga mangyayari kapag ang iglesia ay nagtataas ng isang kaloob higit sa lahat, lalo na ang kaloob ng mga wika. Sa Corinto, ang mga nagsasalita sa ibang wika ay binibilang na higit na mataas kaysa sa mga hindi nagsasalita sa ibang wika. Itinaas ito bilang tanda ng bagong kapanganakan, imbis na ituring ito bilang isa sa mga espirituwal na kaloob ng Banal na Espiritu sa isang mananampalataya. Ngunit ang ating mga kaloob ay dapat magamit sa pagpapalago sa katawan ni Cristo, hindi ng pagkakahati-hati. Ipinagkaloob ang mga ito upang pagyamanin ang pagkakaisa sa gitna ng magkakaibang kaloob at ministeryo.

1. Tama o Mali? Bagama’t ang mga taga Corinto ay maraming problema, itinuring pa rin sila ni Pablo bilang mga espirituwal na tao na ibinukod ng Diyos.

Page 32: Suliranin at Sagot sa Corinto

2. Tama o Mali? Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng mga kaloob sa mga mananampalataya upang mag-ministeryo at magkaroon ng bunga.

3. Tama o Mali? Gumagawa ang Diyos ng ibat-ibang paraan sa ibat-ibang tao.

4. Tama o Mali? Ang pagsasalita ng ibat-ibang wika ay nagpapatunay na ikaw ay Kristiyano.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng iglesiang puspos ng Espiritu? (piliin lahat ng akma)

a. Pagkakaiba-iba b. Pagkakaisa c. Parepareho d. Pagka-perpekto

6. Saan inihalintulad ni Pablo ang iglesiang puspos ng Espiritu na gumagawa sa pamamagitan

ng pagkakaiba-iba ng mga kaloob? a. Isang kamay b. Isang ubasan c. Isang negosyo d. Isang katawan

7. Kanino nagbibigay ng kaloob ang Banal na Espiritu?

a. Sa bawat mananampalataya b. Sa mga humihingi ng walang humpay sa panalangin c. Malalagong Kristiyano d. Sa mga dumadalo sa iglesia bawat Linggo at nagbibigay ng sapat

Page 33: Suliranin at Sagot sa Corinto

8. Ayon kay Pablo, ano dapat ang tingin ng mga nagsasalita sa ibat-ibang wika sa mga hindi nagsasalita?

a. Dapat nilang ibilang ang mga hindi nagsasalita sa ibat-ibang wika na hindi Kristiyano.

b. Dapat nilang matanto na mas espirituwal sila kaysa doon sa hindi nagsasalita ng ibat-ibang wika.

c. Dapat nilang tandaan na ang bawat isa ay may kakaibang kaloob, at walang sinumang mahalaga higit sa iba.

d. Dapat nilang matanto na ang hindi nagsasalita ng ibat-ibang wika ay tanda ng hindi paglago.

9. Alin sa mga sumusunod ang nararapat na pananaw upang maunawaan ang gawain ng Banal

na Espiritu? a. Maging ignorante sa Kanyang gawain dahil wala sinuman ang makakaalam paano

siya kumilos. b. Huwag pansinin ang Kanyang gawain dahil masyado itong pinagtatalunan. c. Pagsasaliksik sa mga kasulatan at paghahanap ng karunungan tungkol sa Kanyang

gawain. d. Paggaya sa Kanyang gawain na nagpapatunay na tayo ang katanggap-tanggap sa

Kanya.

10. Aling espirituwal na katangian ang dapat kasama sa paggamit ng ating mga espirituwal na kaloob?

a. Sigasig b. Pag-ibig c. Pagmamataas d. Kumpetisyon

11. Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa sinabi niyang gawin ang lahat ng bagay “sa kaayusan” sa pagtitipon ng mga mananampalataya?

a. Ang oras ng pagsamba ay dapat sumusunod sa partikular na plano. b. Ang pamunuan ng iglesia ay dapat sumusunod sa istraktura ng maliwanag na

herarkiya. c. Hindi dapat magsalita ng ibang wika sa loob ng iglesia dahil ito ay nakakaistorbo. d. Lahat ng bagay ay dapat gawin na nakakatulong sa paglago ng iba.

12. Ayon kay Pablo, kung may isang nagsalita ng ibang wika sa oras ng pagsamba, ano ang maka-Bibliang panuntunan?

a. Lahat ay dapat magsalita ng sabay-sabay. b. Isa o dalawa lamang ang dapat magsalita. c. Dapat laging meron tagasalin. d. Kailangang ito ay nasa ayos at para sa ikalalago ng iglesia.

Page 34: Suliranin at Sagot sa Corinto

Nakita mo na ba ang mga tao ng Diyos na nagkaisa bilang isang katawan? Ano sa paniniwala mo ang iyong kaloob na makikinabang ang katawan?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sapagkat ginagamit Niya ang Kanyang mga tao upang magministeryo sa bawat isa at sa pagbibigay ng mga espirituwal na kaloob na maaaring gamitin. Hingin na tulungan kang matuklasan mo at mapaunlad mo ang mga kaloob na ibinigay Niya sa iyo.

Page 35: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Base sa kabanatang 12, ipaliwanag at gamitin ang pagkakaiba ng milagrong ginagawa ng

Banal na Espiritu sa loob natin at ng Kanyang milagro sa atin. 2. Ayon sa Mga Galacia 5:16-23, ang ebidensiya ng gawain Niya sa atin ay ang tinatawag ni

Pablo na “bunga ng Espiritu.” Ano ang ebidensiya ng gawain ng Banal na Espiritu sa atin ayon sa kabanatang 12, at paano natin ito magagamit sa sarili?

3. Base sa simula ng kabanatang 12, tukuyin at lumapat ng limang maling posisyon tungkol sa

tungkulin ng Banal na Espiritu gaya ng paliwanag ni Pablo. 4. Sino ang hinirang ng Diyos na tatanggap ng pagpapala ng Banal na Espiritu sa espirituwal na

kaloob? Bakit ang pahayag “na ang milagro Niya ay gumagawa sa loob nila at sa kanila” ay mahalaga?

5. Nagbibigay ba ng espirituwal na kaloob ang Diyos para lang mapasaya ang Iglesia, ang mga

nakatanggap ng mga kaloob, o di-mananampalataya? Ipaliwanag.

Page 36: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Paano mo magagawa ang sarili mong imbentaryo ng mga espirituwal na kaloob o ng ibang mananampalataya?

7. Ipaliwanag bakit kailangan ang mananampalataya sa Iglesia na may espirituwal na kaloob na

wala ka, at bakit kailangan ka rin.

Page 37: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Sentro ng Karisma

Kabanata 7 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 50

Layunin: Upang maunawaan ang kahalagahan ng pag-ibig at bakit ang muling pagkabuhay ay napakahalaga sa Kristiyanismo.

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala,

puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.

—1 Mga Taga Corinto 13:4-8

Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; at siya'y nagpakita kay Pedro, at saka sa Labindalawa. Pagkatapos, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila'y buháy pa hanggang ngayon, subalit patay na ang ilan.

—1 Mga Taga Corinto 15:3-6

Maraming inalok na mga solusyon si Pablo sa mga problema ng mga taga Corinto, ngunit isa lang ang ibinigay niyang solusyon na magagamit sa bawat espirituwal na problema ng isang Kristiyano. Ang solusyon ay pag-ibig. May iba’t-ibang salita ng pag-ibig sa salitang Griyego. Ang ginamit ni Pablo ay agape. Ang salitang ito ay ang ginagamit sa paglalarawan ng pag-ibig ng Diyos sa atin at ang paraan na dapat nating mahalin ang iba kapag ipinapamalas natin ang bunga ng Espiritu ng Diyos. Mahirap ipaliwanag ang salitang ito, ngunit maipapaliwanag natin ang mga katangian nito. Ito ang nais gawin ni Pablo sa kanatang 13. Ang kabanatang 15 ay ang muling pagkabuhay na kabanata ng Biblia. Bagamat ang mananampalataya sa Corinto ay mga Griyego, ang kanilang kultura at minana mula sa mga pilosopong Griyego ay patuloy na may epekto sa kanilang pag-iisip, at nag-aalinlangan sila sa di-pangkaraniwan—lalo na ang muling pagkabuhay muli ni Cristo at lahat ng mananampalataya. Ipinaalala ni Pablo sa mga taga Corinto na ang muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo ay lubhang napakahalagang bahagi ng Ebanghelyo na kanyang ipinangaral at kailangan nila itong paniwalaan. Ito ang Ebanghelyong nagligtas sa kanila at ito ang pundasyon ng kabuuan ng kanilang pananampalataya.

Page 38: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Ayon kay Pablo mas mahalaga na gamitin ang mga espirituwal na kaloob kaysa sa pagpapakita ng pagmamahal sa iba.

2. Tama o Mali? Ang ebidensiya na ang Banal na Espiritu ay sumaatin na ay ang mga kaloob

ng Espiritu. 3. Tama o Mali? Ang ebidensiya na ang Banal na Espiritu ay nasa loob natin ay ang pag-ibig.

4. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pag-ibig? Pagseselos Katotohanan Pagmamataas Walang pasensiya Pag-asa Pagtitiwala Pagtitiyaga Pagkamakasarili Proteksiyon Mapagyabang Mapagpasensiya Mapagakusa Galit Pagbabata Kabaitan

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ang pag-ibig na Agape ay ___________________. (piliin lahat ng akma) a. Hindi masisira b. Walang kundisyon c. Inspirado d. Hindi maitatanggi

Page 39: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagkakaiba nang pag-ibig na agape—pag-ibig ng Diyos—at makataong pag-ibig?

a. Ang pag-ibig ng Diyos ay base sa pakiramdam, ngunit ang makataong pag-ibig ay base sa intelektuwal na desisyon.

b. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang kundisyon, ngunit ang makataong pag-ibig ay may kundisyon.

c. Iniibig lamang ng Diyos ang iilang espesyal na mga tao na gumagawa ng maraming kabutihan, ngunit ang mga tao nagmamahal kahit kanino.

d. Ang pag-ibig ng Diyos ay laging nagbabago, ngunit ang makataong pag-ibig ay matiyaga at nagtatagal.

7. Sa paanong paraan ang mga taong may pag-ibig na agape ay nagbibigay ng inspirasyon sa

iba na magsikap? a. Nakikita nila ang pinakamabuti sa bawat isa. b. Namumuna hanggang magbago ang gawa tao. c. Humihingi ng pagbabago sa iba. d. Ginagawang maniwala ang iba na hindi tapat sa kanilang sarili.

8. Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang sinabi niya na ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw? a. Hindi nakakalimutang ng mga Kristiyano na magmahal sa iba. b. Ang may tunay na pag-ibig ay hindi tumitigil magkaroon ng malakas na

damdamin sa iba. c. Ang tunay na agapeng pag-ibig ay hindi mapaglalabanan at hindi maigugupo. d. Kapag nagmamahal tayo sa tao, lagi silang magmamahal pabalik.

9. Ayon kay Pablo, alin ang pinaka dakila sa tatlong espirituwal na pag-uugali? a. Pananampalataya b. Pag-asa c. Pag-ibig d. Walang mas dakila kaysa iba. Lahat ay pareho.

10. Ano ang dalawang katotohanang bahagi ng ebanghelyo? (pumili ng dalawa) a. Mahalagang espirituwal na lider si Jesus. b. Namatay si Jesus para sa ating mga kasalanan. c. Mapanghikayat na guro si Jesus. d. Bumangon mula sa mga patay si Jesus.

11. Gaano kalakas na ebidensiya ang muling pagkabuhay ni Jesus? a. Masyadong mahina—kakaunting mga tao ang naghaka-haka na maaaring

bumangon Siyang muli, ngunit walang nakakita sa Kanya. b. Medyo mahina—sinabi ng Kanyang mga alagad na nakita Siya pagkatapos

Niyang mabuhay muli. c. Medyo malakas— iilang mga tao karagdagan sa mga alagad sinabi na nakita nila

mismo Siya pagkatapos mabuhay muli. d. Napakalakas—nagpakita ng maraming beses si Jesus sa labindalawang alagad at

maraming mga tao, maging sa mahigit na 500 tao nang minsanan.

Page 40: Suliranin at Sagot sa Corinto

12. Aling Kristiyanong paniniwala na nahirapang paniwalaan ng mga tao sa Corinto?

a. Ang paniniwala na ang bawat Kristiyano ay maaring tumanggap ng espirituwal na kaloob.

b. Ang paniniwala na ang lahat ng mga Kristiyano ay maaaring tumanggap ng karunungan mula sa Diyos.

c. Ang paniniwala na ang lahat ng mga Kristiyano ay mabubuhay muli mula sa mga patay balang araw.

d. Ang paniniwala na babalik muli si Jesus isang araw. Nakakita ka na ba ng isang tao na nagpakita ng agapeng pagmamahal sa kanyang relasyon? Kung nakita ka, sa paanong paraan kakaiba ito doon sa ibang uri ng pagmamahal? Sa paanong paraan mo maipapakita ang ganoong pagmamahal sa isang kakilala mo?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamantan ang Diyos sa Kanyang pag-ibig na walang kundisyon, nagbibigay ng inspirasyon, hindi nasisira, at hindi mapipigil. Ipanalangin na maranasan mo ang kanyang pag-ibig bawat araw. Hingin na bigyan ka ng pagkakataon na ipakita ang pag-ibig na agape sa iba.

Page 41: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ayon kay Pablo, ano ang mga bagay na hindi kasing dakila ng pag-ibig? 2. Bakit ang pag-ibig ay mas dakila sa pananampalataya at pag-asa? 3. Bakit ang pag-ibig ay dakila kaysa espirituwal na kaloob? 4. Bakit kapag lahat ay nasa akin na, kung walang pag-ibig wala akong kuwenta at lahat ng

aking ginagawa ay walang pakinabang? 5. Ano ang 15 mabubuting ugali na binanggit ni Pablo sa talatang 4-7 na siyang nagsusuri sa

pag-ibig na isinulat niya? 6. Paano mo magagamit ang mga mabubuting ugali na iyon sa taong iyong nais mahalin, tulad

ng iyong mga anak, mga magulang, asawa, ibang mananampalataya, hindi mananampalataya, mga taong hindi mo kasundo, at iyong mga kaaway?

Page 42: Suliranin at Sagot sa Corinto

7. Ano ang susi na magiging posible para sa atin na magmahal ng ganito? (Isaalang-alang ang

1 Juan 4:16)

Page 43: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Tungkulin ng Ministro

Kabanata 8 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 51

Layunin: Upang ipakilala ang pangalawang liham ni Pablo sa mga taga Corinto at maunawaan ang layunin niya sa kanyang sulat.

Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan

at hindi na kaaway, at pinili niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya. Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito. Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos.

—2 Mga Taga Corinto 5:17-20 Maraming mga taga Corinto ang tumanggap ng kanyang liham na nagbigay ng kanilang suporta. Ngunit iilan sa mga tao sa iglesia ay nagsimulang atakihin si Pablo bilang isang apostol, ang iba ay pinulaan ang kanyang abilidad na magsalita, at ang iba naman sa tingin nila ay wala siya sa kanyang tamang kaisipan. Marami sa kanila ay nasaktan dahil hindi siya nagbisita mismo sa kanila. Ngunit ang mga kritikong ito ay hindi hinamon ang mga punto na binanggit ni Pablo sa kanyang liham dahil ang lohika ni Pablo ay mahirap at hindi mapapa-bulaanan. Sa halip, kanilang tinuligsa ang kanyang pagkatao. Nang marinig ito ni Pablo isinulat niya ang ikalawang liham sa mga taga Corinto. Sa 2 Mga Taga Corinto, nagdepensa si Pablo tungkol sa kanyang pagiging apostol at kanyang ministeryo. Ipinaliwanag niya kung paano ang paghihirap dahil sa ebanghelyo, na naranasan mismo niya, ay maaaring magsabi na tayo ay tunay na ministro ng Diyos. Inilarawan niya ang tungkulin ng ministeryo bilang isang buhay kung saan si Jesus ay kumikilos sa atin upang baguhin tayo bilang patotoo kung sino si Cristo. At sinabi niya na ang buong buhay niya at ang kanyang motibo ay nakasentro kay Jesus, na nagbigay sa kanya—at lahat ng naniniwala kay Jesus—ng ministeryo ng pakikipagkasundo upang dalhin ang mga tao pabalik sa Diyos.

Page 44: Suliranin at Sagot sa Corinto

1. Tama o Mali? Sa pangkalahatan, ang iglesia sa Corinto ay tumugon ng tama sa unang liham ni Pablo sa kanila.

2. Tama o Mali? Iilang mga tao ay ayaw kay Pablo at sa tingin nila ay mahina siya, hindi

epektibong lider, at hindi tunay na apostol. 3. Tama o Mali? Hindi nag-aksaya ng maraming lakas si Pablo upang ipagtanggol niya ang

kanyang ministeryo.

4. Tama o Mali? Maraming mabubuting payo ang 2 Mga Taga Corinto para sa mga nais maglingkod sa Diyos sa ministeryo.

5. Tama o Mali? Ginamit ni Pablo ang salitang “santo” upang ipaliwanag na ito ang mga

naniniwala kay Jesus.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

6. Ano ang pangunahing tema ng 2 Mga Taga Corinto? a. Espirituwal na kaloob b. Pagkakahati sa iglesia c. Ang mga kredensyal at misyon ng isang ministro d. Ang muling pagdating ni Jesus

7. Sino ang gumagawa sa ministeryo?

a. Ang pastor lang b. Ang pastor at mga lider lang ng iglesia c. Ang mga Kristiyano lang na nakatapos ng pagsasanay d. Lahat ng mga Kristiyano

Page 45: Suliranin at Sagot sa Corinto

8. Ayon kay Pablo, paano tayo sinasanay ng Diyos upang maging ministro? a. Sa pamamagitan ng mahigpit na pag-aaral sa seminaryo b. Sa pagbibigay sa atin ng mga pahayag ng Diyos sa pamamagitan ng pangitain at

ibang di-pangkaraniwang karanasan. c. Sa paglalagay sa atin sa lugar ng paghihirap at makaranas ng Kanyang aliw upang

makapagbigay ng aliw sa iba. d. Sa pagbibigay ng panahon sa panalangin, pangangaral, pagsabi sa iba tungkol kay

Jesus, at pagbabasa ng Biblia.

9. Ano ang pangunahing tungkulin ng isang ministro? a. Maging “halimuyak” ni Cristo b. Magsabi sa iba paano mabuhay c. Mapabilib ang ibang tao sa ating kakayahan sa ministeryo d. Gumamit ng maraming maka-relihiyosong salita upang malaman ng mga tao na

tayo ay naniniwala

10. Saan nasentro ang buong buhay ni Pablo? a. Sa kanyang sarili b. Kay Jesus c. Kanyang iglesia d. Paghihirap

11. Anong uri ng ministeryo ang ibinigay ng Diyos sa lahat ng naniniwala?

a. Ministeryo ng pangangaral at pagtuturo b. Ministeryo ng pakikipagkasundo ng Diyos sa mga taong ligaw c. Ministeryo ng pangunguna d. Ministeryo ng kalusugan at kayamanan Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng maging ministro ng pakikipagkasundo? Sa paanong paraan ka nakipagkasundo sa Diyos? Sa paanong paraaan mo magagawa ang ministeryo ng pakikipagkasundo sa iyong buhay ngayon?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamantan ang Diyos sa Kanyang aliw at pagtawag sa iyong buhay. Hingin sa Kanya na aliwin ka sa gitna ng iyong pangangailangan at bigyang ka nang pang-unawa sa pagkatawag sa iyo. Manalangin na turuan ka at bigyan ka nang pagkakataon na maging ministro ng pakikipagkasundo sa mga tao na dinadala

Niya sa iyong buhay.

Page 46: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano gagamitin ng Diyos ang paghihirap upang bigyan ka ng kredensyal na nagbibigay ng

kakayahan sa iyo na maging ministro? 2. Bigyang kahulugan at gamitin ang inilarawan ni Pablo na ministro ng kaaliwan at paano ka

magiging isa. 3. Paano ka tutugon at paano mo gagamitin ang talinghaga ni Pablo na tayo ay mistulang

palayok gawa sa luwad na mayroong dakilang Kayamanan sa loob? 4. Bakit hinahayaan o minsan dinidirekta ng Diyos ang malaking pagsubok papunta sa maliit na

kaldero na yaon? 5. Ayon sa kabanatang 5, ano ang ipinangako ng Diyos sa bawat mananampalataya na

pinagkasundo sa Diyos dahil kay Cristo? Iugnay ito sa tanong na, “Kanino ipinagkatiwala ng Diyos ang gawain ng ministeryo?” (Isaalang-alang ang Efeso 4:12)

Page 47: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Iugnay at gamitin ang talatang 17-18 sa Mga Await 51:10 at sa Ebanghelyo ni Juan 3:3-5.

7. Iugnay at gamitin ang talatang 21 sa Isaias 53:6 at 1 Pedro 2:24.

Page 48: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Tapat na Buhay ng Ministro

Kabanata 9 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 52

Layunin: Upang maunawaan ang layunin ni Pablo sa kanyang ministeryo at maunawaan ang tungkulin ng mga ministro.

Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak na sisidlan lamang tulad ng mga palayok, upang ipakilalang ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin. Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami

nalulupig. Kung minsa'y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinababayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay. Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay.

—2 Mga Taga Corinto 4:7-10 Ang pangalawang liham ni Pablo sa mga taga Corinto ay tungkol sa ministeryo na nais ng Diyos na maranasan ng bawat mananampalataya. Lahat tayo ay tinawag ng Diyos sa ministeryo ng pakikipagkasundo sa lahat ng tao sa Kanya. Ngunit para madala natin ang mga tao sa Diyos, ang ating buhay ay kailangang kakitaan ng pagiging tapat. Dapat maging maliwanag sa lahat na ang lahat ng mabuti sa atin ay dahil kay Cristo na nagligtas sa atin at nakatira sa ating puso. Upang makita si Jesus sa atin, karaniwan hinahayaan ng Diyos na maranasan natin ang matinding pangangailangan at iba’t-ibang pagsubok. Dahil nakatira ang Banal na Espiritu sa atin, makakatugon tayo ng tama sa mga pagsubok, bagyo, at kagipitan at makikita ng mga tao na kakaiba tayo. Mapapansin nila na kahit tayo ay sisidlan na gawa sa lupa, tayo ay puno ng di mabibilang na kayamanan: si Jesus mismo. Ipinaliwanag ni Pablo ang ating relasyon kay Cristo sa tatlong paraan: ni Cristo, kay Cristo, at para kay Cristo. Ibinigay ni Jesus lahat sa atin sa pamamagitan ng kaligtasan at espirtuwal na pagpapala; tayo ay kaisa sa Kanya na pinanggagalingan lahat ng kailangan natin; at tayo ay sa Kanya habang tayo ay nabubuhay para sa Kanya at sa Kanyang layunin.

1. Tama o Mali? Ang liham sa 2 Mga Taga Corinto ay para sa mga ministro sa iglesia na tinuturing bilang mga lider.

2. Tama o Mali? Naniniwala si Pablo na lahat ng mga Kristiyano ay mga ministro. 3. Tama o Mali? Ang iglesia sa pangkalahatang kasaysayan nito ay epektibong isinagawa ang

mensahe ni Pablo na ang bawat Kristiyano ay ministro.

4. Tama o Mali? Karaniwan ng mga tao na naging Kristiyano ay nadala kay Cristo ng mga propesyonal na ministro.

Page 49: Suliranin at Sagot sa Corinto

5. Tama o Mali? Ang mga matatanda lamang ang maaaring magkaroon ng ministeryo ng pakikipagkasundo.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

6. Anong katibayan ang ipinakita ni Pablo sa mga taga Corinto na siya ay tunay na apostol?

a. Ang pananampalataya ng mga taga Corinto na bunga ng kanyang pangangaral b. Ang katotohanan na siya ay estudyante ng ibang mga apostol c. Ang kanyang edukasyon bilang isang iskolar na Hudyo d. Ang kanyang mga milagro

7. Ano ang nag-udyok kay Pablo na gawin ang kanyang gawain?

a. Ang kapalaluan b. Ang malaking kinikita niya at katanyagan bilang apostol c. Ang pang-gigipit ng kanyang pamilya at mga kaibigan d. Ang kanyang kaugnayan kay Jesus—niligtas siya ni Cristo, nabubuhay kay

Cristo, at naglilingkod kay Cristo.

8. Pagkatapos ng ating pakikipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, ano ang dapat na maging tugon natin?

a. Magsikap tayo na sundin ang Sampung Utos sa Lumang Tipan. b. Dapat tayong maging masagana sa anumang paraan at huwag magpakita ng

kahinaan. c. Mabuhay para kay Jesus at tulungan ang iba na makipagkasundo sa Kanya. d. Patunayan natin na mas banal tayo kaysa sa bawat isa sa paligid natin.

9. Anong larawan ang ginamit ni Pablo upang ilarawan ang mga gumagawa sa ministeryo?

Page 50: Suliranin at Sagot sa Corinto

a. Isang kayamanan na nakatago sa bukid b. Isang palayok na gawa sa luwad na may kayamanan sa loob c. Isang baka na humihila ng mabigat na dala d. Isang nagsasalitang asno

10. Ano ang nagbibigay lakas sa atin upang maharap natin ang mga kagipitan at mga pagsubok na may pasensiya at pagmamahal? (piliin lahat ng akma)

a. Ang Banal na Espiritu b. Ang ating sariling lakas c. Mahigpit na mga prinsipiyo sa relihiyon d. Ang katotohanan at kapangyarihan ng Salita ng Diyos e. Ang baluti ng katuwiran ng Diyos f. Ang opinyon ng ibang tao g. Pananampalataya

11. Ano ang nais ipakita ng Diyos sa ating buhay?

a. Ang sarili nating katuwiran b. Ang sarili nating karunungan c. Ang sarili nating talento d. Si Jesus na nakatira sa atin

12. Ano ang karaniwang layunin ng mga bagyo sa ating buhay? a. Nagpapakita ang mga ito na ang buhay ni Jesus na nasa atin ay mas malakas

kaysa sa mga bagyo, at katibayan na ang Kanyang kapangyarihan ang humahawak sa atin.

b. Nagpapakita ang mga ito na hindi tayo nabubuhay ayon sa kalooban ng Diyos dahil hindi Niya tayo iniingatan.

c. Ebidensiya na nagsasabi kahit ang ating pananampalataya kay Jesus ay hindi kayang lutasin ang mga problema sa mundo.

d. Walang layunin ang mga ito; ito’y mga bagay na nangyayari lamang.

13. Ano ang nakikita ng mga tao kapag tayo’y bukas sa kanila? a. Na hindi tayo kakaiba sa ibang mga tao b. Na ang ating pananampalataya ay hindi kakaiba sa ibang relihiyon ng iba c. Na mayroong kayamanan sa ating kalooban, walang iba kundi si Jesus d. Wala, dahil wala naman talagang nakakapansin sa atin.

Page 51: Suliranin at Sagot sa Corinto

Sinasabi sa atin ng Diyos na huwag nating gawin si Jesus bilang bahagi ng ating plano kundi maging bahagi tayo ng Kanyang plano. Hinanap mo na ba na maging kabahagi ka ng kanyang plano? Sa paanong paraan ka magiging bahagi ng Kanyang layunin sa iyong pamilya, iglesia at buong mundo?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa kayamanang inilagay Niya sa loob mo—ang buhay ni Jesus. Hingin na tulungan kang mabuhay na tapat sa harapan ng iba upang makita ang buhay ni Jesus sa iyo. Manalangin na kapag nakita ng iba si Jesus sa iyo sila ay lalapit sa Kanya nang may pananampalataya.

Page 52: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bilang karagdagan sa pag-ibig ni Cristo, ano pa ang nag-udyok kay Pablo na magampanan

niya ang mga milagro sa ministeryo, ayon sa 2 Mga Taga Corinto 5:14-6:2? 2. Base sa mga talatang nabanggit, ano ang mga tiyak na nag-dala at nag-udyok kay Pablo na

maging pinaka-dakilang misyonero sa kasaysayan ng Iglesia ni Jesu-Cristo? (Isaalang-alang lalo na ang 14-15)

3. Ayon pa rin sa nabanggit na mga talata, ipaliwanag at gamitin ang paraang ginamit ni Pablo

sa sinabi niyang, “ni Cristo,” “kay Cristo,” at “para kay Cristo.” 4. Ipaliwanag at gamitin kung paano ang talatang 16 kabanatang 4 ay lubos na magiging

pagpapala sa isang debotong mananampalataya na nasa bingit ng kamatayan dahil sa malubhang karamdaman.

5. Kapag binasa at pinag-aralan ang buong ika-apat na kabanata, maka-biblia ba na ituro ito,

dahil sa ang panloob ay mas mahalaga kaysa sa panlabas, ang kagalingan sa panloob ay mas dakilang milagro kaysa sa pisikal na kagalingan? Ipaliwanag.

Page 53: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Paano ang talatang 18 sa kabanatang 3 lubos na magpapabago sa iyong personal na relasyon

kay Cristo?

7. Paano mo magagamit ang mga walang hanggang pagpapahalaga ni Pablo sa unang anim na

kabanata sa kanyang liham?

Page 54: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Makalangit na Karanasan ng Ministro

Kabanata 10

Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 53

Layunin: Upang maunawaan ang mga karanasan ni Pablo at paano ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa Kanyang lingkod at sa pamamagitan ng Kanyang lingkod.

At nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako'y tampalin, nang ako'y huwag magpalalo ng labis. Tungkol dito'y makaitlo akong nanalangin sa

Panginoon, upang ilayo ito sa akin. At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. Kaya nga ako'y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka't pagka ako'y mahina, ako nga'y malakas.

—2 Mga Taga Corinto 12:7-10 Mahirap maunawaan ang buhay ni Pablo maliban sa kanyang mga karanasan. Bilang karagdagan sa kanyang karanasan bago siya naging Kristiyano, kinatagpo siya ni Jesus sa daan ng Damasco, tinuruan siya ni Jesus sa disyerto ng Arabo, at dinala siya sa langit at binigyan ng mga pahayag na napakalalim upang kanyang ibahagi. Ang karanasan niya sa langit ay nag-iwan ng permanenteng marka sa buhay niya. Mula noon, parang ang isang paa niya ay nasa langit at isa naman ay nasa lupa. Lagi niyang sinasabi na nais niyang lumisan mula sa lupa upang makasama si Cristo, ibinibilang niya ang kanyang buhay sa lupa bilang hindi mahalaga kaysa sa kaluwalhatian na makasama si Cristo sa langit. Ang karanasang ito ang nagkaroon ng malaking epekto sa pananaw niya sa buhay na kanyang ibinahagi sa iba. Sinabi niya sa mga taga Corinto na binigyan siya ng “tinik” sa laman, isang mensahero mula kay Satanas upang saktan at guluhin siya. Walang sinuman ang nakakaalam kung ano talaga ang tinik na ito, ngunit maliwanag at hinayaan ng Diyos ito upang mapanatiling mababa ang loob ni Pablo at gamitin ang kahinaan ni Pablo upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan. Nais ipakita ng Diyos ang Kanyang pagiging sapat sa pagpapakita sa atin na tayo’y hindi sapat. Gagamitin ng Diyos ang ating limitasyon upang ipakita sa atin at sa iba na ang ating buhay sa Kanya ay hindi dahil sa kung sino o ano tayo, kundi dahil sa kung sino at ano Siya. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi base sa anong magagawa natin kundi ano ang magagawa Niya sa pamamagitan natin.

1. Tama o Mali? Pinagmalaki ni Pablo ang kanyang kalakasan dahil sa mga kaloob ng Diyos na ibinigay sa Kanya.

Page 55: Suliranin at Sagot sa Corinto

2. Tama o Mali? Kinomisyon si Pablo bilang apostol sa mga Hentil. 3. Tama o Mali? Kinatagpo ni Jesus si Pablo sa daan ng Damasco at sa Arabia.

4. Tama o Mali? Nanatili si Pablo sa Arabia ng tatlong taon bago pumasok sa pampublikong ministeryo.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Sino ang nagkomisyon kay Pablo bilang isang apostol? a. Santiago b. Pedro c. Jesus d. Wala

6. Paano nakuha ni Pablo ang maraming mga pahayag?

a. Sa pagbubulaybulay ng maraming oras araw-araw b. Mula sa di-pangkaraniwang karanasan sa Panginoon c. Mula sa mga aklat na sinulat ni Pedro at Santiago d. Sa pamamagitan ng sobrang pagtanggi sa sarili

7. Ayon kay Pablo, kailan natin magagawang mabuhay sa makalangit na dimensyon?

a. Kapag dinisiplina natin ang ating sarili nang sapat na katuwiran b. Kapag nagkaroon tayo ng sapat na bilang ng paglalakbay upang makuha ang

pabor ng Diyos c. Hanggat hindi tayo namamatay d. Ngayon na, habang tayo ay nabubuhay sa lupa

Page 56: Suliranin at Sagot sa Corinto

8. Bakit hindi inalis ng Diyos ang “tinik sa laman” ni Pablo? (piliin lahat ng akma) a. Dahil hindi nanalangin si Pablo ng may sapat na pananampalataya b. Dahil nagkasala si Pablo at kailangan madisiplina siya c. Upang pigilin si Pablo na magmataas dahil sa mga natanggap niyang pahayag d. Upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kahinaan ni Pablo e. Upang tulungan si Pablo na mabuhay ayon sa espiritu at hindi ayon sa laman

9. Anong kagamitan ang ibinibigay sa atin ng Diyos upang tulungan tayong makipaglaban sa espirituwal?

a. Mga karaniwang kahulugan na ibinibigay niya sa lahat ng tao b. Makapangyarihang espirituwal na armas tulad ng panalangin at pananampalataya c. Mga sikretong bulong sa agimat at mantra d. Wala, dahil kung mayroon talaga tayong pananampalataya, hindi tayo

magkakaroon ng mga labanan.

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting larawan sa panananaw ni Pablo tungkol sa mga taga Corinto?

a. Siya ay maramdamin at kanyang binuksan ang kanyang puso sa kanila. b. Siya ay nanatiling malayo at hindi nagpahayag ng kanyang damdamin. c. Siya ay masyadong lohiko dahil ang pananampalataya ay pang-intelektuwal lang. d. Masyado Siyang magaspang at sila’y tinanggihan ng lubusan.

11. Alin sa mga karanasan ni Pablo ang nakalimutan sa kalaunan at napalayo siya dahil doon? a. Ang kanyang karanasan sa daan ng Damasco b. Ang kanyang karanasan sa disyerto ng Arabia c. Ang makalangit na karanasan d. Wala kahit isa sa nasa itaas Ano sa palagay mo ang ilan sa mga kahinaan mo sa buhay? Sa paanong paraan iniisip mo paano maipapakita ng Diyos ang Kanyang kalakasan sa iyong kahinaan? Paano makakatulong ang iyong kahinaan na magdepende sa lakas Niya at hindi sa iyong sariling laman?

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos at kinakatagpo tayo at pinapahayag ang kanyang sarili sa atin sa ibat-ibang paraan at ibat-ibang panahon. Hingin na bigyan ka ng mga karanasan na kailangan mo upang lalo kang maging epektibong ministro para sa Kanya. Pasalamatan din Siya sa iyong kahinaan at Kanyang lakas, at ialay ang

iyong lakas at kahinaan para magamit Niya sa paraan na nais Niya at maipakita ang Kanyang sarili.

Page 57: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ayon sa 2 Mga Taga Corinto 12:7-10, bakit binigyan si Pablo ng tinik sa laman? 2. Iugnay at gamitin ang mga tugon na natanggap ni Pablo, “Ang aking biyaya ay sapat na sa

iyo,” at “sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan” (talatang 9), nang sinabi ng Diyos sa kanya na hindi Niya aalisin ang tinik.

3. Ano ang pisikal na kapahayagan na ipinamuhay ni Pablo araw-araw dahil sa tinik sa laman?

(Isaalang-alang 1 Mga Taga Corinto 2:1-5; Mga Taga Galacia 4:13-15) 4. Paano mo magagamit sa iyong sarili ang katotohanan, nang matanggap ni Pablo ang

pangatlong “Hindi” mula sa Diyos, hindi lang tinanggap ang mga limitasyon na ito kundi itinaas pa sila. (Isaalang-alang 1 Mga Taga Corinto 9:8; Mga Taga Roma 5:2-5)

5. Paano ka makakaugnay at paano mo magagamit ang makalangit na karanasan ni Pablo sa

pagdidiin sa liham niya sa mga taga Efeso na sabi, “makalangit” na lugar, kung saan itinuro niya na maaari tayong makarating sa makalangit na dimensiyon ngayon, habang nandito tayo sa lupa? (Ikumpara ito sa Ebanghelyo ni Juan 3:12-13)

Page 58: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Paano mo paniniwalaan na magagamit ng Diyos ang iyong kahinaan upang ipamalas ang Kanyang kapangyarihan?

7. Paano mo magagamit sa iyong sarili ang paglalarawan ni Jesus na: tayo ang mga sanga na

nakakabit sa Kanya, bilang ating puno ng Ubas, upang mamunga tayo ng marami, ang Kanyang Ama ang nagpuputol sa iba nating mga sanga para tayo ay lumago ng may kalidad at dumami ang ating bunga?

Page 59: Suliranin at Sagot sa Corinto

Ang Biyaya ng Pagbibigay

Kabanata 11 Aralin sa Pakikinig: Bagong Tipan 54

Layunin: Upang maunawaan ang turo ni Pablo sa Kristiyanong pamamahala. Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami. Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos

ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.

—2 Mga Taga Corinto 9:6-8 Sa 2 Mga Taga Corinto 8-9, sumulat si Pablo tungkol sa handog na kukunin niya para sa mga inuusig na mga Kristiyano sa Jerusalem at hiningi niya na mag-ambag ang mga taga Corinto para dito. Binanggit niya ang pag-aambag ng mga taga Filipos, ang lungsod kung saan siya ay tumutuloy sa panahon na isinusulat niya ang liham na ito, dahil sila ay magandang halimbawa nang pagbibigay at katapatan sa pamamahala. Sa paliwanag ni Pablo sa kanilang matapat na pamamahala, ibinigay sa atin ni Pablo ang obra maestra sa paksang katapatan sa pamamahala. Hindi pupuwersahin o imamanipula ni Pablo ang mga tao para makasali sila sa pagbibigay dahil ang nais niya ay ang Diyos ang dahilan ng kanilang pagbibigay. Napakahalaga na ang ating pagbibigay sa Diyos ay kusang loob. Nagbibigay tayo dahil mahal natin Siya, at nagpapasalamat tayo sa ginawa Niya sa atin, at dahil puno tayo ng katuwaan at nais nating ibalik ito sa Kanya. Tinatanggap ng Diyos ang ating handog hindi dahil malaki ito—ang mga taga Filipos ay nagbigay sa kabila nang sila ay mahirap—kundi sa motibo kung bakit ibinibigay natin ito. Tinatawag ni Pablo ang pagbibigay nang “biyaya” dahil nakaya nating magbigay sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan at pagpapala sa ating mga buhay. At bilang sagot sa ating kusang pagbibigay, nakakaya ng Diyos na maglaan para sa atin at sinisiguro Niya na mapupunan ang lahat ng pangangailangan natin.

1. Tama o Mali? Hinikayat ni Pablo ang mga Kristiyano na maging kaiba sa mga hindi mananampalataya at huwag magkaroon ng pagbubuklod na samahan sa kanila.

2. Tama o Mali? Sinikap ni Pablo na aliwin ang mga taga Corinto dahil sa nauna niyang sulat

ay nakaramdam sila ng pagkalungkot. 3. Tama o Mali? Ang salapi ay walang pakialam sa ating espirituwal na buhay, at ang mga

Kristiyano ay huwag dapat magkaroon ng anumang bagay tungkol dito.

Page 60: Suliranin at Sagot sa Corinto

4. Tama o Mali? Sumulat si Pablo sa mga taga Corinto tungkol sa pamamahala dahil nais niyang makakolekta ng pananalapi para sa kanyang mga gastusin.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Bakit nakolekta ng pananalapi si Pablo sa kanyang mga iglesia?

a. Upang tulungan ang mga Kristiyanong Hudyo na naghihirap sa Jerusalem b. Upang bayaran ang mga espiya ng Roma na nanghihingi ng suhol mula sa mga

Kristiyano c. Upang magtayo ng templo para sa mga Kristiyano sa Jerusalem sa tabi ng Jewish

Temple d. Upang matustusan ang pagsusulat niya sa Bagong Tipan

Page 61: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Aling iglesia ang ginamit na halimbawa ni Pablo na tamang halimbawa ng pagbibigay?

a. Ang iglesia sa Jerusalem b. Ang iglesia sa Filipos (o Mecedonia) c. Ang iglesia sa Roma d. Ang iglesia sa Galacia

7. Ayon kay Pablo, alin sa mga sumusunod ang tamang gawi at motibo sa pagbibigay ng handog para sa gawain ng Diyos? (piliin lahat ng akma)

a. Masaya f. Panggigipit mula sa iba b. Bagabag ng damdamin g. Masayang puso c. Obligasyon h. Makuha ang pabor ng Diyos d. Pag-ibig i. Suhol sa Diyos upang masagot ang ating dalangin e. Pagyayabang sa iba j. Pasasalamat

8. Ano ang sinabi ni Pablo sa mga mapagbigay? a. Magkakaroon sila ng mataas na lugar sa langit. b. Magiging mahirap sila habambuhay. c. Aani din sila nang marami. d. Sigurado silang magiging mayaman.

9. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paglalarawan ni Pablo sa paksang pamamamahala?

a. Pamumuwersa sa mga tao na magbigay b. Bagabagin ang budhi ng tao para magbigay c. Pangakong pagpapala sa mga nagbibigay d. Pagpapaliwanag ng pagpapala at pakinabang sa mga nagbibigay na may tamang

motibo

10. Ayon kay Pablo, sino dapat ang magbibigay sa gawain ng Diyos? a. Ang mayayaman lamang b. Ang mga mahihirap at nais yumaman c. Ang mga may utang na sakripsiyo sa Diyos dahil sa kanilang kasalanan d. Ang mga makakapagbigay ng may pag-ibig, pasasalamat, at masayang puso

11. Aling handog ang nagbibigay katuwaan sa Diyos? a. Malaking handog mula sa mayayaman b. Handog mula sa pag-sasakripisyo na may tamang motibo c. Handog na magbibigay suporta sa espirituwal na pangangailangan imbis na

pisikal na pangangailangan d. Handog na hindi natin ginastusan

Page 62: Suliranin at Sagot sa Corinto

Kapag ikaw ay nagbibigay ng handog sa Diyos para sa Kanyang gawain, ano ang motibo mo? Bakit sa palagay mo nais ng Diyos na tayo ay magbigay mula sa pag-ibig at pasasalamat imbis na mula sa bagabag ng budhi natin o obligasyon? Bakit mahalaga na ang mga handog ay kusang ibinibigay? Sa paanong paraan, maaasahan

mo ang Diyos na tumugon sa iyong mapagbigay na handog? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa pag-aaral na ito mula sa iglesia sa Corinto. Pasalamatan Siya dahil binigyan tayo ng biyaya at pinagpala tayo ng maraming pagpapala. Hingin na tulungan ka na makapagbigay sa Kanya ng may pusong masaya at ipakita sa iyo ang mga paraan para ilarawan ang iyong pag-ibig sa Kanya.

Page 63: Suliranin at Sagot sa Corinto

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo magagamit sa iyong sarili ang 2 Mga Taga Corinto 9:8 upang makayang sumagana

ang biyaya ng Diyos sa iyo? 2. Ilan ang mga pangako na binanggit ni Pablo dito sa isang talata tungkol sa kayang ibigay na

biyaya ng Diyos sa iyo mismo? 3. Ano ang partikular na gawain sa ministeryo kung saan ginamit ni Pablo ang

makapangyarihang talata na ito ng Biblia tungkol sa biyaya ng Diyos? 4. Sa pagpuri ni Pablo sa paraan ng pagbibigay ng mga taga Filipos upang hamunin ang mga

taga Corinto, ano ang mga katangian ng mga taga Filipos sa pagbibigay, at paano mo magagamit ang mga ito? (Isaalang-alang ang 2 Mga Taga Corinto, kabanatang 8 at 9)

5. Ipaliwanang ang mga dahilan kung bakit hindi tumanggap si Pablo ng personal na suporta

mula sa mga iglesia sa Corinto, Efeso, at iba pa, kundi ang mga galing lang sa iglesia sa Filipos.

Page 64: Suliranin at Sagot sa Corinto

6. Ipaliwanag ang katotohanan na mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.

7. Paano mo maiuugnay sa iyong sarili ang deklarasyon ni Pablo sa kabanatang 6:14-18 tungkol

sa hindi pakikipagisa sa mga hindi mananampalataya sa pag-aasawa, negosyo, at iba pang pakikipag-ugnay sa hindi mananampalataya?