16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 1: Konsepto ng Globalisasyon Zest for Progress Zeal of Partnership 1O Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Ikalawang Markahan- Modyul 1: Konsepto ng Globalisasyon...Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan-

  • Upload
    others

  • View
    100

  • Download
    7

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 1:

    Konsepto ng Globalisasyon

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    1O

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Marirose E. Breto Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: James Reymart E. Breto Tagalapat: Peter Alavanza Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Dr. Jephone P. Yorong

    Florence S. Gallemit

    Jr Simed Joseph B. Saguin

  • Alamin

    Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng globalisasyon. Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga hamon at tugon sa isyung nabanggit tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay. Makatutulong ang pag-unawang ito sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng isang indibidwal.

    Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na nagbabago kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At isa sa mga pagbabagong ito ay tinatawag na globalisasyon.

    Halina’t suriin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubusang maunawaan ang mga esensyal na kaisipan patungkol sa globalisasyon. Halina at simulan ang pagsusuri nito.

    Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

    • Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan.

    Balikan

    Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin upang maging handa sa panahon ng

    bagyo? A. Tiyakin na walang sira ang laptop. B. Mag-isip ng mga ibat ibang uri ng sasakyang pandagat C. Pag-usapan ng iyong pamilya ang tungkol sa emergency plan. D. Tandaan ang mga emergency hotline gaya ng Bantay bata 123.

    2. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan?

    A. Maglaro sa baha B. Lumangoy sa baha C. Humanap ng ibang daan D. Subukan tawirin ang baha

    3. Paano muling makababangon kung nasalanta ng kalamidad?

    A. Kumilos ng mabilis. Huwag maging balisa. B. Takpan ang ilong ng basang tela kung may ashfall. C. Sundin ang payo ng PHIVOLCS, lalong lalo na kung pinalilikas na kayo. D. Siguruhing maayos ang inyong tahanan. Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng

    kuryente na nakakalat sa daan.

  • 4. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?

    A. Kulang sa tamang impormasyon. B. Pagyanig ng lupa at pagkasira ng mga gusali C. Pagkakaroon ng malaking hagupit ng alon mula sa baybaying dagat D. Maaaring makaranas ng matinding kalamidad ang mga lugar malapit sa dagat

    5. Paano makapagtutulungan ang mga mamamayan at pamahalaan para mabisang

    maharap ang hindi mabuting epekto ng mga kalamidad? A. Pangalagaan ang buhay ng tao at hayop B. Maaaring puntahan ang mga website upang makita ang mapa. C. Gumamit ng makina upang maobserbahan at matukoy ang galaw ng tubig. D. Magsagawa ng seminar at workshop para maturuan ang mga opisyal

    ng local na pamahalaan at mga mamamayan.

    6. Tinatawag din itong Human-Induced Hazard. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao tulad ng maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan. A. Disaster B. Vulnerability C. Natural Hazard D. Anthropogenic Hazard

    7. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, tsunami,

    thunderstorm, storm surge at landslide. A. Disaster B. Resilience C. Natural Hazard D. Anthropogenic Hazard

    8. Tumutukoy sa tao, lugar at imprastruktura na may mataas na posibilidad na

    maapektuhan ng mga hazard. A. Disaster C. Natural hazard B. Vulnerability D. Anthropogenic hazard

    9. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.

    A. Risk C. Disaster B. Hazard D. Vulnerability

    10.Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

    A. Disaster C. Natural hazard B. Resilience D. Anthropogenic hazard

  • Tuklasin

    Alamin ang mga produkto o serbisyo gamit ang mga sumusunod na logo.

    Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    1. 2.

    3. 4.

    5.

    Aralin 1 Konsepto ng Globalisasyon

  • Suriin

    Basahin at matuto.

    Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito. Ngunit, kailan at paano nga ba nagsimula ang pandaigdigang penomenon na ito? Paano nito binago ang ating pamumuhay? Ano ang globalisasyon? Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang panig ng daigdig (Ritzeer, 2011).

    Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

    Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng kalakalan sa ibat ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig ng taong 1914.

    Higit na pinabilis ng pag-unlad ng teknolohiya at mga polisiyang ipinatupad sa nagdaang mga taon ang palitan ng mga kalakal at serbisyo, pamumuhunan at maging ng migrasyon. Simula taong 1950 halimbawa, ang volume ng pandaigdigang kalakalan ay tumaas ng 20 ulit at mula taong 1997 hanggang 1999 ang dayuhang pamumuhunan ay dumoble mula sa $468 bilyon patungong $827 bilyon.

    Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review ng World Trade Organization sa taong

    2016, ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon samantalang nakapagtala ng humigit na $4 na trilyon naman sa serbisyong komersyal. Bagamat bumaba ng kaunti kung ihahambing sa taong 2014, ito ay halos doble naman sa naitala noong 2005.

    Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na malawak, mabilis, mura at malalim. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang The World is Flat, na nailathala noong 2006, Any job-blue or white collar-that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker.

    Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan.

    Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng ibat ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito.

  • Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil sa

    mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat ibang panig ng daigdig, ang terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan.

    Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng

    mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-kultural. Nariyan ang ibat ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.

    Pagyamanin

    Gawain 1. Alamin ang tamang salita o pangungusap na may salungguhit na angkop sa tanong.

    Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    1. Anu-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw? Electronic gadgets makina produktong agricultural

    2. Sinu-sinong tao ang lumikha nito?

    Skilled workers guro caregiver

    3. Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita showbiz scientific findings

    4. Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan media industriya

    5. Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito?

    Mula sa maunlad na bansa patungong mahirap na bansa. Mula sa mahirap na bansa patungong maunlad na bansa.

  • Gawain 2. Kumpletuhin ang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    Ang (1) ____________ ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang panig ng daigdig.

    Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng (2)_____________ at (3) ______________.

    Hindi na bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng(4) _______________ sa ibat ibang panig ng daigdig. Sa katunayan, marami sa katangian ng globalisasyon sa kasalukuyan ay may pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang (5)________________ Digmaang Pandaigdig ng taong (6)______________.

    Batay sa inilabas ng World Trade Statistical Review ng (7)__________________ sa taong 2016, ang halaga ng mga produktong naipagbili noong 2015 ay umabot ng $16 na trilyon samantalang nakapagtala ng humigit na $4 na trilyon naman sa serbisyong komersyal. Bagamat bumaba ng kaunti kung ihahambing sa taong 2014, ito ay halos doble naman sa naitala noong 2005.

    Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay (8)________________ ay higit na malawak, mabilis, mura at malalim. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang (9)__________________, na nailathala noong (10)____________________, Any job-blue or white collar-that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker.

    Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang (11)________________ Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan.

    Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng ibat ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito.

    Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil sa

    mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa ibat ibang panig ng daigdig, ang (12)_________________ ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan.

  • 1.

    Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan ng

    mga (13) ________________ at (14) _________________ na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong (15)_________________. Nariyan ang ibat ibang paalala o advisories na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng Pilipinas.

    Isaisip

    Ilarawan ang globalisasyon sa pamamagitan ng isang salita. Pumili ng tamang sagot mula sa kahon at isulat sa sagutang papel.

    GLOBALISASYON

    Malawak pag-unlad teknolohiya

    Masinop malinis dahas

    Tayahin

    Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

    1. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Anong konklusyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?

    2. 3.

  • A. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon. B. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa

    BPO. C. Mababa ang pagpasweldo at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika

    na madali sa mga Pilipino. D. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling

    makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line.

    2. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon? A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa. B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig. C. Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at

    kolaborasyon ang mga bansa. D. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na

    magdudulot ng kapinsalaan.

    3. Ano ang kahulugan ng globalisasyon? A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo. B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga

    bansa sa mundo. C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng

    pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo. D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat

    ibang direksyon na nararanasan sa ibat ibang bahagi ng daigdig.

    4. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Paggawa B. Migrasyon C. Ekonomiya D. Globalisasyon

    5. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?

    A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan B. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga tao. C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto D. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga

    malalaking industriya.

    6. Sino ang may-akda ng ‘The World is Flat’? A. Thomas Edison C. Nayan Chanda B. Thomas Friedman D. Gibbon Therndorn

    7. Sa anong taon nagsimulang tumaas ang volume ng pandaigdigang kalakalan?

    A. 1950 C. 1960 B. 1955 D. 1965

    8. Kailan nailathala ang aklat na pinamagatang ‘The World is Flat’?

    A. 2005 C. 2008 B. 2006 D. 2009

  • 9. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon.

    ekonomikal

    Globalisasyon

    Sosyo-kultural pulitikal

    A. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan. B. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. C. Magkaugnay ang ekonomiya, pulitika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao. D. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, political at sosyo-kultural.

    10. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dekada, marami

    sa mga bansa ang gumamit ng sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan. Anong sistemang pang-ekonomiya ito?

    A. Sosyalismo C. Komunismo B. Kapitalismo D. Globalisasyon

  • Karagdagang Gawain

    Ilista ang mga produktong mabibili sa loob at labas ng bansa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    PRODUKTO

    1.

    2.

    3.

    4.

    5.

    6.

    7.

    8.

    9.

    10.

  • Susi sa Pagwawasto

    Balikan

    1. C 6. D

    2. C 7. C

    3. D 8. B

    4. A 9. B

    5. D 10. B

    Tuklasin

    1. Tiktok

    2. Mcdonalds

    3. Facebook

    4. YouTube

    5. Nike

    Pagyamanin

    Gawain 1

    1. Electronic gadgets

    2. Skilled workers

    3. Balita

    4. Media

    5. Mula sa mahirap na bansa patungong maunlad na bansa.

  • Gawain 2

    1. globalisasyon 6. 1914 11. Ikalawang

    2. teknolohiya 7. World Trade Organization 12. terorismo

    3. impormasyon 8. Thomas Friedman 13. impormasyon

    4. kalakalan 9. The World is Flat 14. kolaborasyon

    5. Unang 10. 2006 15. sosyo-kultural

    Isaisip

    1. Malawak

    2. Pag-unlad

    3. Teknolohiya

    Tayahin

    1. D 6. B

    2. C 7. A

    3. D 8. B

    4. D 9. D

    5. B 10.B

    Karagdagang Gawain

    maling crude oil

    nutella cars

    spam appliances maggi Samsung products

    milo Sony products

  • Sanggunian:

    Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Set 1)

    • Learner’s Module (draft)

    • Teacher’s Guide (draft)

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.