15
EKONOMIKS Aralin: 1 ( 2 nd day) Quarter: 2 nd Paksa: Mga Salik na Nakakaapekto ng Demand Competency: Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto ng demand. Knowledge: Natatalakay ang mga salik na nakakaapekto ng demand Skill: Nailalarawan ang mga salik na nakakaapekto ng demand sa pamamagitan ng mga presentasyon. Attitude: Napapahalagahan ang tamang paggasta at pagkonsumo upang maging matatag ang presyo ng pamilihan.

Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

EKONOMIKS Aralin: 1 ( 2nd day) Quarter: 2nd

Paksa: Mga Salik na Nakakaapekto ng Demand

Competency: Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto ng demand.

Knowledge: Natatalakay ang mga salik na nakakaapekto ng demand

Skill: Nailalarawan ang mga salik na nakakaapekto ng demand sa pamamagitan ng mga presentasyon.

Attitude: Napapahalagahan ang tamang paggasta at pagkonsumo upang maging matatag

ang presyo ng pamilihan.

Page 2: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

IBA PANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND MALIBAN SA PRESYO

Page 3: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

PAANO NAKAKAAPEKTO ANG PRESYO SA DEMAND?

Page 4: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND 1. KITA- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring

makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.

Normal goods-dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita.

Inferior goods-mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.

Page 5: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

2.PANLASA-Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa panlasa,maaring tumaas ang demand para dito.

Page 6: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

3. DAMI NG MAMIMILI-Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal and tinatawag na bandwagon effect . Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat ang iba na bumili.

Page 7: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

4.PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO-magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit sa isa’t isa.

Komplementaryo (complementary) -mga produktong kapag sabay na ginagamit.

Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon ng alternatibo

Page 8: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

5.INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP-kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.

Page 9: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

ANG PAGLIPAT NG DEMAND CURVE-Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan.Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba sa kaliwa.

Page 10: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

PANGKATANG GAWAIN:Panuto: Magbigay ng mga halimbawa sa

paksang itinakda na nakakaapekto ng demand at pumili ng presentasyon ayon sa inyong hilig at gusto(Pagsasadula,slogan,pag-aanunsyo,storyboard, pagbabalita, talk show,poster o graph). Gumamit ng mga halimbawa na makikita o nangyayari sa inyong lugar/pamayanan.

Group I- KitaGroup II-PanlasaGroup III-Dami ng mamimiliGroup IV-Presyo ng magkaugnay na produktoGroup V-Inaasahan ng mga mamimili

Page 11: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

TANONG:

1. Ano-ano ang mga salik na nakakaimpluwensya ng demand?

2. Sa mga salik na nabaggit, alin dito ang kalimitan na nararanasan sa araw-araw na pamumuhay?

3. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw ng demand curve?

4. Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng mga mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand. Ipaliwanag.

Page 12: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

ILIPAT/ISABUHAY

Paggawa ng Pledge of Commitment: Gamit ang iyong matalinong pagpapasiya,

Paano mo matutugunan ang mga pagbabagong dulot ng mga salik na nakakaapekto ng demand ?

Kumpletuhin ang pangungusap.

PLEDGE OF COMMITMENTAko si_______________, isang Pilipinong

mamimiliSisikapin kung_________________________

_________________________________________________________________upang maging________ ___________________________

Page 13: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

RUBRIC SA PAGMAMARKAKraytirya Napakahusay

5Mahusay 4

Nalilinang 3

Nagsisimula 2

Nilalaman KompletoAt komprehensibo

May kunting Kakulangan

May kakulangan at may maling impormasyon

Maraming kulang at may maraming mali na impormasyon

Partisipasyong panlipunan

Komprehensibong nailalahad ang solusyon

May kakulangan sa paglalahad ng solusyon

Hindi gaanong nailahad ang solusyon at may kahirapang maisakatuparan

Hindi maunawaan ang nilalaman

Organisasyon Organisado,malinaw at lohikal

Malinaw at maayos

Maayos ngunit may hindi masyadong malinaw

Hindi maayos at hindi malinaw

Page 14: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

PAGTATAYA:Panuto: Sagutin ang tanong sa ½ bahagi ng

papel.1.Ano-ano ang mga bagay na mayroon kang

demand? Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang dapat mong bilhin.

TAKDANG ARALIN:Magsasaliksik tungkol sa mg sumusunod:1. Elasticity2. Price elasticity3. Elasticity ng supply

LM pp.129-130

Page 15: Ekonomiks Grade 10- Unit 2 Aralin1 -Iba pang salik na nakakaapekto sa demand maliban

SALAMAT PO!

Prepared by: Mrs. Victoria O. Superaland Grade 10 Ar. Pan Teachers of

Dumaguete CityDivision