6
Department of Education Region IV-MIMAROPA Division of Calapan City Calapan East District LAZARETO ELEMENTARY SCHOOL Calapan City BANGHAY ARALIN SA SINING IKAAPAT NA BAITANG Yunit 1: Pagguhit Aralin Bilang 1: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon BUOD NG ARALIN Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation Ang mga kultural na pamayanan ay may kani- kanilang ipinagmamalak ing obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o kapaligiran. Nakaguguhit ng mga disenyo sa basong karton paper cups o anumang bagay gamit ang mga katutubong disenyo. Nasusuri ang gamit ng linya, hugis, kulay, at ang prinsipyong paulit-ulit sa mga disenyo. Naipagmamalak i ang mga disenyo ng kultural na pamayanan ng mga taga- Luzon sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang mga disenyo. I. Layunin A. Nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Luzon at ang kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng pamu- muhay. ( A4EL-la) B. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga, at Gaddang. (A4EL- at lb) C. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo ng Luzon. (A4EL-la) II. Paksang-Aralin: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon A. Elemento ng Sining : Linya, Kulay, Hugis

Banghay aralin sa sining iv

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Banghay aralin sa sining iv

Department of EducationRegion IV-MIMAROPADivision of Calapan City

Calapan East DistrictLAZARETO ELEMENTARY SCHOOL

Calapan City

BANGHAY ARALIN SA SININGIKAAPAT NA BAITANG

Yunit 1: PagguhitAralin Bilang 1: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon

BUOD NG ARALIN

Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o kapaligiran.

Nakaguguhit ng mga disenyo sa basong karton paper cups o anumang bagay gamit ang mga katutubong disenyo.

Nasusuri ang gamit ng linya, hugis, kulay, at ang prinsipyong paulit-ulit sa mga disenyo.

Naipagmamalaki ang mga disenyo ng kultural na pamayanan ng mga taga-Luzon sa pamamagitan ng pagtangkilik sa kanilang mga disenyo.

I. Layunin

A. Nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Luzon at ang kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng pamu- muhay. ( A4EL-la)

B. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga, at Gaddang. (A4EL- at lb)

C. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo ng Luzon. (A4EL-la)

II. Paksang-Aralin: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon

A. Elemento ng Sining : Linya, Kulay, HugisB. Prinsipyo ng Sining : Pag-uulit-ulitC. Kagamitan : basong karton (paper cups) o mga bagay na

pwedeng guhitan tulad ng kawayan, tuyong dahon atbp., lapis, krayola o oil pastel

D. Sanggunian : Philippine Ethnic Patterns, PDDCP, 2006 Forms And Splendors, RobertoMaranba, Bookmark, 1998

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Sabihin:

Noong kayo ay nasa Ikatlong Baitang napag-aralan ninyo ang iba’t ibang uri ng maskara at putong (headdress) na maaaring gamitin sa isang selebrasyon o pagdiriwang. Magbigay nga ng mga halimbawa nito.

2. Pagganyak (Picture Analysis)

Page 2: Banghay aralin sa sining iv

Magpakita ng mga larawan ng tela at mga kagamitan Ifugao, Kalinga, at Gaddang. Suriin ang mga larawan.

Itanong:

Anu-anong mga linya, kulay at hugis ang katulad nito sa maskara at putong na maaaring gamitin sa mga selebrasyon at pagdiriwang?

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.

Ang mga Ifugao ay naninirahan sa Hilagang Luzon. Makikita ang mga disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno at tao.

Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga Kalinga matatag puan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang kulay pula, dilaw, berde, at itim.

Ang Gaddang naman sa Nueva Vizcaya ay kilala at bantog sa pag-hahabi ng tela. Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic beads at bato. Ilan sa kanilang mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt), aken (skirt) at abag (G-string) na gawa sa mga mamahalin at maliliit na bato.

(Sumangguni sa LM, ALAMIN.)

Itanong:

1. Anu-anong mga disenyo ang inyong nakita sa larawan?2. Saan maaaring ihalintulad ang mga disenyong ito?

2. Gawaing Pansining

Magpaguhit sa mga bata ang iba’t ibang disenyo ng mga kultural na pamayanan ng Kalinga, Ifugao at Gaddang. Maaari itong ipagawa sa isang basong karton o mga bagay na pwedeng guhitan tulad ng kawayan, tuyong dahonat iba pa gamit ang krayola o oil pastel.

(Sumangguni sa LM, GAWIN.)

3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

1. Ano-ano ang tatlong kultural na pamayanan sa Luzon ang nabanggit sa ating talakayan? Isa-isahin ang kanilang pagkakatulad.2. Paano mo ginamit ang iba’t ibang uri ng linya, kulay at hugis sa paggawa ng mga disenyo?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

(Sumangguni sa LM, TANDAAN.)

Page 3: Banghay aralin sa sining iv

2. Repleksyon

Itanong:

1. Kung kayo ay naninirahan sa mga kultural na pamayanan ng Luzon, paano ninyo pahahalagahan ang mga katutubong sining o disenyo na mayroon dito?

2. Kaya mo ba itong ipagmamalaki? Papaano?

IV. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong aralin.

Mga Pamantayan Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan.

(3)

Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang

(2)

Hindi nakasunod sa pamantayan

(1)1.Natukoy ko ang iba’t ibang disenyo na nagtataglay ng mga elemento at prinsipyo ng sining sa mga gawa ng mga taga Luzon.2. Nalaman ko ang mga disenyong kultural na pamayanan na nagmula sa Luzon.3. Nakagawa ako ng isang likhang-sining na tulad ng mga disenyong mula sa Luzon.4. Napahalagahan at naipagmamalaki ko ang mga katutubong sining na gawa ng mga kultural na pamayanan sa Luzon.5. Naipamalas ko nang may kawilihan ang aking ginawang likhang sining.

V. Takdang Gawain/Kasunduan

Magdala ng sumusunod na kagamitan:

1. lapis2. pastel3. bond paper

Page 4: Banghay aralin sa sining iv