28
BAGONG KAIBIGAN MAKABANGHAY NA KWENTO

Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Embed Size (px)

DESCRIPTION

halimbawa ng maikling makabanghay na kwento

Citation preview

Page 1: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

BAGONG KAIBIGAN

MAKABANGHAY NA KWENTO

Page 2: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

May napulot akong papel . Nakasulat doon

na may matatagpuan daw akong isang kaibigan

Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang

tinutukoy sa . Sumakay ako sa likod ng

kabayo pero wala doon ang bagong .

Page 3: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Binuksan ko ang bintana at nakita ko ang aming

hardin . Maraming halaman at insekto

doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at

nagpunta sa dagat . Sumakay ako ng

bangka upang hanapin ang aking

pero walang ibang tao sa .

Page 4: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng

, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong

isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan

ko ang . Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito.

Page 5: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-

lundag ako sa mga ulap , ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa

bahaghari! . Subalit wala pa rin akong

kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute.

Page 6: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Napunta ako sa kagubatan . Doon ay

nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang

elepante . Maya-maya ay kinalabit na ako

ni inay .

Page 7: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

“Gising na Ariel, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong

bagong !”

“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya

gumising ka na at darating na ang school bus

.“

 

 

Page 8: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

YUGTO- YUGTONG PAGBUOPanuto: Ilahad ang kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng yugto-yugtongpagbuo.

SIMULA

GITNA

WAKAS

Kaugnay na mga Pangyayari

Kaugnay na mga Pangyayari

Kaugnay na mga Pangyayari

Page 9: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Sagutin ang mga gabay na tanong:1. Saan ang tagpuan ng kuwento?2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?3. Paano nagsimula ang kuwento?4. Ano ang naging suliranin/tunggalian ng kuwento?5. Saang bahagi ang kasukdulan?6. Ipaliwanag paano nagtapos ang kuwento?

Page 10: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

SUBUKIN MONG MULI: BASAHIN ANG KASUNOD NA KUWENTO AT ILAHAD MO ITO GAMIT PA RIN ANG YUGTO-YUGTONG PAGBUO.

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Page 11: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba angpropesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mgamagulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan angkaniyang mga magulang.

Page 12: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal aynakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana namatapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanawang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.

Page 13: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataongmakapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin manniyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaanito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.

Page 14: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyangmapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.

Page 15: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdamni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili.Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”

Page 16: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.

Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.

Page 17: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.“Wala po, Dad.”Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin angpagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.

Page 18: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan itona dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, mulingpinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saansila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

Page 19: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

GAWAIN 2. Fist of FiveGawin natin ang Fist of Five. Ipakikita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto – 5 daliri alam na alam na at kayang ipaliwanag

sa iba; 4 daliri nagagawa nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri kailangan pang magpraktis, at 1 daliri nagsisimula pa lamang matuto.

Page 20: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Ang iyong pulso sa: naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento napag-iiba-iba ko ang iba’t ibang uri ng

kuwento naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento napagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang

kaugnayan nito sa kasalukuyan

nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyangnakapaloob sa akda

Page 21: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Ang iyong pulso sa: nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay, nasusuri ang isang kuwentong makabanghay

batay sa mga proseso sa paglikha nito naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng

mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga

o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Page 22: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

EBALWASYON1. Ito ay isang maigsing salaysay hinggil sa

isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.

2. Ang anak na nais iligaw ang amang may sakit.

3. Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa anak?

4- 6. Kung ikaw ang anak gagawin mo ba ang ginawa ni Adrian? Bakit?

Page 23: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

7. Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

9. Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

10. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

Page 24: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

11. Problemang kahaharapin ng tauhan.

12. Sa elementong ito masasaksihan ang matinding bugso ng damdamin ng mga tauhan.

13. Dito naipapahayag ang labanan ng ibat- ibang idea, paniniwala at pangyayari.

14. Pagbaba ng emosyon ng kwento at tulay sa wakas.

15. inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Page 25: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

16. nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

17. pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala at naglalaman ng kwentong katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

18. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa

Page 26: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

19. binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

20. inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Page 27: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

EBALWASYON

Ang anak na nais iligaw ang amang may sakit.

1. Paano ipinakita ng ama kanyang pagmamahal sa anak?

2. Kung ikaw ang anak gagawin mo

Page 28: Bagong kaibigan makabanghay na kwento

Bukas ay magdala ng larawan ng iyong ama na nakadikit sa long bondpaper may desenyo, margin at output 1 na nakasulat sa gitnang bahagi ng bondpaper. Siguraduhin na may masusulatan kayo sa bondpaper.