Upload
others
View
13
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
A g o s t o 2 0 1 7 7170 L i a h o n a
MG
A BATA
Mula sa “Sinomang Tumanggap sa Kanila, ay Ako ang Tinanggap,” Liahona, May 2016, 49–52.
M G A S A G O T M U L A S A I S A N G A P O S T O L
MG
A PA
GLA
LARA
WAN
NI J
ULIS
SA M
ORA
Ni Elder Neil L. Andersen
Ng Korum ng Labindalawang
Apostol
Maging mas mahabagin tayo at tumulong tayo sa ibang
mga tao.
Anyayahan ang isang tao na
tumabi sa iyo.
Malaki ang magagawa ng pag-alam sa pangalan
ng isang tao.
Maaari mong tulungan ang isang taong nakadarama na
nag-iisa siya o napag-iiwanan.
Tulungan ang mga taong natatakot o nahihiya. Isaalang- alang sila. Tanggapin
sila.
Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak. Lahat tayo ay Kanyang anak. Kailangan nating maging maalalahanin at mabait. Ang ilan sa ating mga kaibigan ay nagsisimbang mag-isa.
Ang ilan ay maaari lamang mabinyagan kapag malaki na sila.
PAGTULONG sa mga Bagong Kaibigan
Bumisita sina Elder Neil L. Andersen at ang kanyang asawang si Kathy sa Democratic Republic of the
Congo sa Africa. Nagdaos sila ng pulong ng Simbahan sa mga tolda sa labas. Napapaligiran ng malaking bakod ang mga tolda. Nakikita ni Elder Andersen ang mga batang nanonood sa kanila sa kabila ng bakod. Tinanong siya ni Sister Andersen, “Gusto mo bang papa-sukin ang mga batang iyon?” Lumapit si Elder Andersen sa lalaking nasa mikropono. Pinaimbitahan niya sa lalaki ang mga bata na pumasok at sumali sa kanila.
Patakbong nagsipasok ang mga bata! Nakangiti silang lahat at sabik na maging bahagi ng pulong.
Ikinuwento rin ni Elder Andersen ang batang si Joshua na tumulong sa isa pang bata sa simbahan.
Nang magsimba si Joseph, isang bata mula sa Uganda, sa unang pagkakataon, wala siyang kasamang
kapamilya roon para tulungan siyang malaman kung saan pupunta. Pagkatapos ay ipinakilala siya ng mga missionary kay Joshua.
Sinabi ni Joshua kay Joseph na magkaibigan na sila. Binigyan niya si Joseph ng isang aklat ng mga awitin para sa Primary, at tinabihan niya ito sa upuan. Pagkatapos ay kumanta ang Primary class ng “Ako ay Anak ng Diyos” para kay Joseph. Ipinadama ng lahat kay Joseph na napakaespesyal niya, lalo na ng bagong kaibigan niyang si Joshua. Nang lumaki na sila, naging magkompanyon sina Joshua at Joseph sa misyon!
Ipinaalala ng mga karanasang ito kay Elder Andersen na kailangan nating lahat na tulungan ang mga tao sa ating paligid na maaaring nadarama na sila ay di-kabilang o nag-iisa. ◼
Paano ko maipadarama
sa LAHAT na tanggap sila sa Primary?