20
MGA PANAHONG PALEOLITIKO AT NEOLITTIKO

Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

MGA PANAHONG

PALEOLITIKO AT

NEOLITTIKO

Page 2: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

PRE-HISTORY

Ang prehistory ay yugto sa mahabang nakaraan ng sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5 milyong taon na ang nakalilipas o bago pa ang pagkakalikha ng isang sistematikong pagsusulat at pagtatala.

Kabilang sa ilang disiplina na nagtutulungan sa pag-aaral ng prehistory ay ang biology, botany, geography, geology at zoology.

Page 3: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

 May dalawang mahahalagang proseso ang naganap at nararapat na pagtuunan

ng pansin sa panahong prehistoriko:

 Una ay ang ebolusyon o sapientization, ito ang mga pagbabagong naganap sa aspetong biyolohikal ng tao hanggang sa makamit ang katalinuhang naghiwalay sa kanya sa mga hayop.

Ang ikalawa ay ang pagkakaroon ng kasalukuyang uri ng tao ng kakayahan na makagawa o makalikha ng bagay-bagay.

Page 4: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Sa pagtatakda ng mga petsa sa prehistory, mahalaga ang paggamit

ng makabagong teknolohiya at kagamitan. Ang ilan sa mga

kaparaanang isinasagawa upang matukoy nang tuwiran ang panahon ng mga pangyayari o bagay-bagay

mula sa nakaraan ay ang mga sumusunod:

Page 5: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Dokumentong Historikal at mga kagamitang hatid ng panahon Ang tinatayang panahon ay mula sa kasalukuyan hanggang sa 3000 BCE sa ilang mga lugar. Ito ang pangkaraniwang paraan ng pagpepetsa.

Page 6: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Radiocarbon (C14) – Ang tinatayang panahon ay mula 1500 CE hanggang 40, 000 taon o higit pa. Ito ay naimbento nina J. R. Arnold at W. F. Libby noong 1949. Sa paraang ito, ang mga isotope- carbon 14 ang siyang sinusuri upang matukoy ang edad ng mga materyales na may carbon o carbonaceus materials.

Page 7: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Dendrochronology o Tree-Ring Dating Ang tinatayang panahon ay mula sa kasalukuyan hanggang 5000 BCE. Ito ay ay isang pamamaraang ginagamit upang siyentipikong matukoy ang gulang o edad ng isang puno.

Page 8: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

 Potassium-Argon Dating – Ang tinatayang panahon ay mula 50, 000 hanggang 4.5 milyong taon at mas higit pa. Ito ay isang kaparaanang ginagamit upang tukuyin ang edad o gulang ng mga sinaunang depositong mineral.

Page 9: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

PANAHONG PALEOLITIKO (2, 500, 000 – 10, 000 B.

C. E.)

Page 10: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Ang Panahong Paleolitiko (Paleolithic Period o Old Stage Age) ang pinakamaagang panahong kinakitaan ng pag-unlad ng tao.

 Ang terminong ito ay mula sa mga katagang Greek na paleos o ”matanda” at lithos o “bato.”

Kaalinsabay nito ang napakalawak na panahong heolohikal na Pleistocene. Ito ang pinakamaagang bahagi ng Panahong Bato (Stone Age)at pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Page 11: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

LOWER PALEOLITHIC PERIOD

Ito ang panahon ng pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig simula nang maitala sa arkeolohiya ang kanyang pamumuhay. Ito ay nagtapos 120, 000 taon BCE nang magkaroon ng mahahalaga at kapansin-pansing pagbabago sa ebolusyon at teknolohiya ng tao na nagbigay daan sa pagdating ng Middle Paleolithic Period

Page 12: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

MIDDLE PALEOLITHIC PERIOD

Ito ay ang panahon sa kalagitnaan ng Panahong Paleolitiko na tumagal mula 120, 000 hanggang 40, 000 taon.

Sa panahong ito, ang mga unang hominid ay higit pang nakontrol ang kanilang kapaligiran.

Umusbong ang ekspresyong artistiko ng mga tao.

Nagkaroon na rin ng paglilibang at pagkakaroon ng mga kaparaanang relihiyoso at ritwal. Kabilang sa panahong ito ang kulturang Mousterian na kadalasang iniuugnay sa mga Taong Neanderthal.

Page 13: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko
Page 14: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

UPPER PALEOLITHIC PERIOD

Ito ang ikatlo at panghuling dibisyon ng Panahong Paleolitiko sa Europa, Africa at Asya.

Saklaw nito ang mga panahon mula 40, 000 at 8500 taon. Matapos lumisan mula sa Africa noong Middle Paleolithic Period ang mga

makabagong tao, sila ay nagsimulang bumuo ng kanilang sariling kulturang panrelihiyon. Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa anyong campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak.

Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba ng pandaigdigang temperatura. Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at gayun din ang mga

kumplikadong pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri ng pagkain at mas espesyalisadong uri ng kagamitan. Nagkaroon ng mga unang pamayanan sa anyong campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak.

Panahon din ito ng makailang ulit na pagbaba ng pandaigdigang temperatura. Lumitaw ang pagiging artistiko ng mga tao at gayun din ang mga

kumplikadong pagpapangkat sa lipunan, mas maraming uri ng pagkain at mas espesyalisadong uri ng kagamitan.

Page 15: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Venus FigurineSumisimbolo sa kakayahang magkaanak. Maliban dito, lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkaat sa lipunan, mas maraming uri ng mga kagamitan.o Gawa ito sa limestone

na nahukay sa austria

Page 16: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Cro-Magnon Ang pangalang ito ay hango sa lugar sa katimugang France kung saan natuklasan ang kanilang labi noong 1856

Page 17: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

Mayroon silang naiwang mga pinta ng mga hayop na matatagpuan sa mga yungib ng Altamira sa hilagang Spain at Lascaux sa Timog Kanlurang France

Page 18: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

PANAHONG NEOLITIKO (10, 000 – 4, 000 B. C. E.)

Page 19: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

 Ang Panahong Neolitiko (Neolithic o New Stone Age) ay ang huling bahagi ng Panahong Bato. Ang pangalan nito ay hango sa salitang Greek na “neos” o bago at “lithos” o bato.

Ang terminong Neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa teknolohiya.

Page 20: Aralin 4 Panahon Ng Paleolitiko At Neolitiko

 Ilan sa mga katangian ng panahong ito ay:

• Paggamit sa iba’t ibang kasangkapang bato na higit na pulido at pino.

• Pananatili ng mga tao sa mga pamayanan. • Domestikasyon ng mga pananim at hayop. • Pagkakaroon ng mga kasanayan sa

paggawa.o Ang pagtatapos ng Panahong Neolitiko ay

itinakda simula sa pagkakaroon ng malalaki at mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.