Click here to load reader

Aralin 22 patakaran ng pananalapi

  • View
    1.893

  • Download
    29

Embed Size (px)

Text of Aralin 22 patakaran ng pananalapi

SEKTOR NG PANANALAPI

Aralin 22Patakaran ng PananalapiInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Mga Dapat Tandaan:Patakaran ng PananalapiInstitusyon ng PananalapiBangkoInstitusyong Di-Bangko

Patakarang Pananalapi (Monetary Policy)Ito ay may kinalaman sa pamamahala o pagkontrol sa suplay ng salapi upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa at tiyakin na magiging matatag ang buong ekonomiya. Mga institusiyon ng pananalapi ang may malaking pananagutan sa pagpapatupad ng patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Institusyon ng Pananalapi Ito ang pangunahing institusyon na inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa paglikha, pagsu-supply, pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.Nahahati ito sa dalawang uri; ang bangko at di-bangko. BangkoIsang uri ng institusyong pampananalapi na tumatanggap at lumilikom na labis na salapi na iniimpok ng tao at pamahalaan. Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga taong may labis na salapi at mga negosyanteng namumuhunan sa bansa.

Mga Uri ng Bangko Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) ito ay tinatawag din sa savings bank na humihikayat sa mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi ng kanilang kita. Savings and Loan Association nagpapahiram ng salapi at tumatanggap ng impok na pare ng mga kasapi nito Private Development Bank tumatanggap ng deposito ng mga mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga puhunan sa mga small ang medium scale industries. Savings and Mortage Bank humihikayat din sa tao na mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda sa pangungutang ng puhunan. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) Ito ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok at mga negosyante at kapitalista. Bangkong Rural (Rural Bank) mga bangko na ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang magkaroon ng puhunan. Trust Companies bangko na nangangalaga sa mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions. Mga Espesyal na Bangko Land Bank of the Philippines itaguyod ang pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol sa reporma sa lupa. Development Bank of the Philippines (DBP) ito ang nagbibigay tulong pinansyal sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magpapaunlad ng pangunahing sektor ng ekonomya, ang agrikultura at industriya.

Mga Institusyong Di-BangkoPag-IBIG Fund Pagtutulungan sa kinabukasan Ikaw, Bangko Industriya at Gobyerno ay itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito na magkaroon ng sariling bahay. Government Service Insurance System (GSIS) Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa ng pamahalaan. Social Security System (SSS) Ito ang nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa mga pribadong industriya at kompanya. Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok sa bangko sa buhay ng tao? Paano ito nakakatulong sa kanyang pag-unlad.PAGPAPAHALAGAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!Tandaan:

References:Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing HouseDe Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHIMateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Search related