Download pptx - Pang ukol

Transcript
Page 1: Pang  ukol

PAGPAPAHAYAG NG SARILING PALAGAY

Pang- ukol

Page 2: Pang  ukol

Binabasa ni Ana ang isang lathalain sa pahayagan.

Page 3: Pang  ukol

Galing ng Pilipino,Kilala sa Mundo

Marami tayong kababayang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo. Nangunguna sila sa larangan ng isports o maging sa siyensiya.

Si Paeng Nepomuceno ay kinikilalang greatest bowler sa buong daigdif dahil sa pagtatamo niya ng kaniyang ikaapat na World Cup sa Belfast, Hilagang Ireland. Naitala rin sa Guinness Book of World Records ang pagkakapanalo niya ng may pinakamaraming World Cup sa loob ng tatlong dekada.

Page 4: Pang  ukol

Bukod kay Paeng, may Luisito Espinosa at Emmanuel “Manny” Pacquiao tayo sa larangan ng boksing, at may Lydia de Vega sa track and field. Isang Lea Salonga ang hinahangaan sa mahusay niyang pagganap sa dulang musical na Miss Saigon. May isang Sarah Balabagan, kabataang Pilipinang nakatawag- pansin sa mundo dahil sa kaniyang walang takot na pagtatanggol sa sarili at sa kapurihan ng kababaihang Pilipino.

Napakarami pa nating magagaling na Pilipino. Huwag mating aakalaing ang talino at galling ng mga Pilipino ay rito lamang tanyag sa bansa sapagkat maging sa buong mundo ay kilala na rin sila.

Page 5: Pang  ukol

Dati- rati, maraming buwan at araw ang ipaghihintay upang maipatayo ang pinapangarap na bahay. Ngayon, kaunting panahon na lamang at may bagong bahay nang matitirhan. Bunga ito ng naimbetong modular housing system ng isang Pilipino at pangulo ng Filipino Inventors Society na si Eduardo Vazquez.

Nagkamit si Varquez ng gintong medalya mula sa World Intellectual Property Organization noong 1995 dahil sa pagbuo niya ng naturang sistemang pabahay. Binansagang Vazbuilt, ang sistemang ito ay ginagamitan ng prefabricated materials na mapanatiling matibay ang isang bahay laban sa pagkasira o pagkaguho nito dulot ng bagyo o lindol.

http://www.txtmania.com/trivia/inventions.php

Page 6: Pang  ukol

Tungkol saan ang lathalain?Ano- ano ang mahahalagang impormasyong nakuha mo sa lathalain?

Page 7: Pang  ukol

May ginagamit tayong mga salita o kataga sa pagpapahayag na nag- uugnay sa iba pang salita o pangngalan sa pangungusap.

Pansinin ang ginamit na mga salita sa lathalain.

Marami tayong kababayang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo.

Nangunguna sila sa larangan ng isports at sining. Isang Pilipino ang nakaimbento ng modular housing

system.

Page 8: Pang  ukol

Ang mga pang- ukol ay mga salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.

Ginagamit ang mga pang- ukol sa pangungusap upang ipakilala na ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari ay inilalaan o iniuukol sa isa pang tao, bagay, pook o pangyayari.HALIMBAWA:

Bumili siya ng pagkain para sa ina.Ang balita raw tunkol kay Tony ay totoo.

Page 9: Pang  ukol

Narito ang iba pang halimbawa ng mga pang- ukol.

ni/nina Kay/kina Laban saayon sa para sa ukol satungkol sa hinggil sa alinsunod salaban kay ayon kay para kayukol kay tungkol kay hinggil kayalinsunod kay

Page 10: Pang  ukol

Gawain 1:

Page 11: Pang  ukol
Page 12: Pang  ukol

Gawain 2

Page 13: Pang  ukol
Page 14: Pang  ukol

Ibigay ang sariling palagay o reaksiyon tungkol sa sumusunod na mga paksa. Gamitin ang pang- ukol sa pagbibigay ng palagay.1. Pag- gamit ng kinagisnang wika sa pagtuturo.2. Pagkakaroon ng mga menor de edad ng social media

accounts tulad ng facebook. Nakakasama o nakakabuti sa kanila.

Gawain 3

Page 15: Pang  ukol

Gawain 4


Recommended