14
Mga Tip Talahanayan ng Mga Aktibidad at Aktibidad ng Negosyo o BCAT Iniatas ng Opisyal sa Kalusugan na suspindihin o paghigpitan ang mga limitasyon sa kapasidad ng mga aktibidad na ipinapakita sa talahanayan. Sususugan ng mga pagsuspinde o paghihigpit na ito ang anumang kaugnay na utos, direktiba, o gabay. Inaatasan ang lahat ng apektadong indibidwal na sumunod sa mga bagong limitasyong ito, at patuloy na subaybayan at sundin ang lahat ng naaangkop na Utos sa Kalusugan at Direktiba. Sumangguni sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (Business Capacities and Activities Table, BCAT) (Ingles, Chinese, Spanish, Tagalog, Vietnamese, Russian) para sa lahat ng kasalukuyang paghihigpit, limitasyon, at pagsuspinde. ALERTO: Patuloy na Mag-ingat Alinsunod sa mga rekomendasyon ng Estado, magbubukas na ulit ang San Francisco sa Orange na Tier ng Estado simula sa Marso 24, 2021. Binabalanse ng pagpapasya kaugnay ng muling pagbubukas ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng pagkalat ng COVID-19 at ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng mga problema sa ekonomiya at kalusugan ng isip. Kahit bumaba na ang mga rate ng kaso ng COVID-19, at mas marami nang tao ang nababakunahan, mayroon pa ring posibilidad na may COVID-19 ang mga taong nakakasalamuha mo. Ang karamihan sa mga impeksyon sa COVID-19 ay dulot ng mga taong walang sintomas ng sakit. Nakumpirma rin naming may mga bago at mas nakakahawang variant ng virus sa San Francisco Bay Area at malamang ay magdulot ng malubhang sakit at pagkamatay ang ilan sa mga variant na ito sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal. Hindi pa namin alam kung paano eksaktong maaapektuhan ng mga variant na ito ang pagiging epektibo ng bakuna. Ang pagbubukas ng mga sektor ay hindi ganap na nangangahulugang “ligtas” ang mga aktibidad na ito. Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya upang makagawa ng gabay na makakatulong sa mga aktibidad at sektor na ito na makapagbigay ng mga mas ligtas na kapaligiran para sa mga manggagawa at sa publiko. Gayunpaman, kailangang gawin ng lahat ang kanilang bahagi upang magawang ligtas ang mga aktibidad na ito hangga't maaari, kabilang ang pagsusuot ng mga mask na maayos ang fit na tumatakip sa inyong bibig at ilong lalo na kapag nagsasalita, pag-iwas sa mga indoor na setting hangga't posible, pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo sa mga taong hindi ninyo kasama sa bahay, pag-iwas sa mga pagsasama-sama at pagtitipon hangga't posible, at kung dapat kayong magsama-sama, paikliin ang oras na igugugol ninyo kasama ang mga taong hindi ninyo kasama sa bahay, pagpapasuri at pag-isolate kung kayo ay may sakit, at pagsunod sa mga karagdagang protocol na pangkalusugan na iniaatas sa mga bukas na negosyo. Ang mga taong may posibilidad na magkaroon ng matinding karamdaman dahil sa COVID-19 — gaya ng mga hindi pa nababakunahang nakatatanda at hindi pa nababakunahang indibidwal na may mga panganib sa kalusugan — at ang mga nakatira o nag-aalaga sa kanila ay hinihikayat na huminto sa paglahok sa ngayon sa mga aktibidad kasama ang ibang taong hindi nila kasama sa bahay, kung saan mahirap ang pagsasagawa ng mga pamproteksyong hakbang na pagsusuot ng face mask at social distancing, lalo na indoors o sa matataong lugar. Kung ganap ka nang nabakunahan (ibig sabihin, 14 na araw na ang lumipas matapos ang huli mong bakuna), mas makakampante ka na sa iyong mga panganib sa kalusugan kapag nakibahagi ka sa mga aktibidad na pinapahintulutan ng ating mga pang-estado at lokal na departamento sa kalusugan. Gayunpaman, pag-isipan ang posibleng panganib na puwedeng dalhin ng pagkakalantad mo sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na sa mga kasama mo sa bahay at hindi pa nababakunahan, kapag nakibahagi ka sa mga aktibidad kasama ng mga taong hindi bahagi ng iyong sambahayan.

Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Talahanayan ng Mga Aktibidad at Aktibidad ng Negosyo o BCAT

Iniatas ng Opisyal sa Kalusugan na suspindihin o paghigpitan ang mga limitasyon sa kapasidad ng mga aktibidad na ipinapakita sa talahanayan. Sususugan ng mga pagsuspinde o paghihigpit na ito ang anumang kaugnay na utos, direktiba, o gabay. Inaatasan ang lahat ng apektadong indibidwal na sumunod sa mga bagong limitasyong ito, at patuloy na subaybayan at sundin ang lahat ng naaangkop na Utos sa Kalusugan at Direktiba.

• Sumangguni sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (Business Capacities and Activities Table, BCAT) (Ingles, Chinese, Spanish, Tagalog, Vietnamese, Russian) para sa lahat ng kasalukuyang paghihigpit, limitasyon, at pagsuspinde.

ALERTO: Patuloy na Mag-ingat

Alinsunod sa mga rekomendasyon ng Estado, magbubukas na ulit ang San Francisco sa Orange na Tier ng Estado simula sa Marso 24, 2021. Binabalanse ng pagpapasya kaugnay ng muling pagbubukas ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng pagkalat ng COVID-19 at ang mga panganib sa pampublikong kalusugan ng mga problema sa ekonomiya at kalusugan ng isip. Kahit bumaba na ang mga rate ng kaso ng COVID-19, at mas marami nang tao ang nababakunahan, mayroon pa ring posibilidad na may COVID-19 ang mga taong nakakasalamuha mo. Ang karamihan sa mga impeksyon sa COVID-19 ay dulot ng mga taong walang sintomas ng sakit. Nakumpirma rin naming may mga bago at mas nakakahawang variant ng virus sa San Francisco Bay Area at malamang ay magdulot ng malubhang sakit at pagkamatay ang ilan sa mga variant na ito sa mga hindi pa nababakunahang indibidwal. Hindi pa namin alam kung paano eksaktong maaapektuhan ng mga variant na ito ang pagiging epektibo ng bakuna. Ang pagbubukas ng mga sektor ay hindi ganap na nangangahulugang “ligtas” ang mga aktibidad na ito. Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya upang makagawa ng gabay na makakatulong sa mga aktibidad at sektor na ito na makapagbigay ng mga mas ligtas na kapaligiran para sa mga manggagawa at sa publiko. Gayunpaman, kailangang gawin ng lahat ang kanilang bahagi upang magawang ligtas ang mga aktibidad na ito hangga't maaari, kabilang ang pagsusuot ng mga mask na maayos ang fit na tumatakip sa inyong bibig at ilong lalo na kapag nagsasalita, pag-iwas sa mga indoor na setting hangga't posible, pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo sa mga taong hindi ninyo kasama sa bahay, pag-iwas sa mga pagsasama-sama at pagtitipon hangga't posible, at kung dapat kayong magsama-sama, paikliin ang oras na igugugol ninyo kasama ang mga taong hindi ninyo kasama sa bahay, pagpapasuri at pag-isolate kung kayo ay may sakit, at pagsunod sa mga karagdagang protocol na pangkalusugan na iniaatas sa mga bukas na negosyo. Ang mga taong may posibilidad na magkaroon ng matinding karamdaman dahil sa COVID-19 — gaya ng mga hindi pa nababakunahang nakatatanda at hindi pa nababakunahang indibidwal na may mga panganib sa kalusugan — at ang mga nakatira o nag-aalaga sa kanila ay hinihikayat na huminto sa paglahok sa ngayon sa mga aktibidad kasama ang ibang taong hindi nila kasama sa bahay, kung saan mahirap ang pagsasagawa ng mga pamproteksyong hakbang na pagsusuot ng face mask at social distancing, lalo na indoors o sa matataong lugar.

Kung ganap ka nang nabakunahan (ibig sabihin, 14 na araw na ang lumipas matapos ang huli mong bakuna), mas makakampante ka na sa iyong mga panganib sa kalusugan kapag nakibahagi ka sa mga aktibidad na pinapahintulutan ng ating mga pang-estado at lokal na departamento sa kalusugan. Gayunpaman, pag-isipan ang posibleng panganib na puwedeng dalhin ng pagkakalantad mo sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na sa mga kasama mo sa bahay at hindi pa nababakunahan, kapag nakibahagi ka sa mga aktibidad kasama ng mga taong hindi bahagi ng iyong sambahayan.

Page 2: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 1 ng 13

Tip Sheet para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga Personal na Serbisyo

NA-UPDATE NOONG Marso 23, 2021

AUDIENCE: Mga indoor na provider ng personal na serbisyo, kabilang ang mga hair salon, barbershop, nail salon, body art practitioner, serbisyo sa electrology, massage (sa isang lugar na hindi para sa pangangalagang pangkalusugan), tanning salon, esthetician, pangangalaga sa balat, at serbisyo sa cosmetology.

ABISO: Ang sumusunod na Tip Sheet ay binuo ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (San Francisco Department of Public Health, SFDPH) batay sa mga rekomendasyon at gabay mula sa Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention, CDC) ng US, Estado ng California, at mga grupo sa paglilisensya at industriya ng Mga Provider ng Personal na Serbisyo. Naka-post ito sa http://www.sfcdcp.org/businesses. Ang TIP sheet na ito ay puwedeng baguhin kasunod ng mga pagbabago sa tier ng antas ng panganib ng COVID-19 para sa San Francisco gaya ng itinalaga ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng California. Pakitingnan ang mga nauugnay na pagbabago sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (BCAT) sa itaas ng dokumentong ito: mao-override ng anumang pagbabagong gagawin sa Talahanayan ang magkasalungat na impormasyon sa dokumentong ito.

BACKGROUND: Noong Marso 2, 2021, inilabas ng Opisyal sa Kalusugan ang Direktiba Blg. 2020-20e na nagpapahintulot at nagbibigay ng gabay para sa Mga Indoor na Personal na Serbisyo at binagong Appendix C-1 Mga Karagdagang Negosyong Pinapahintulutang Magpatakbo. Ibinubuod sa dokumentong ito ang mga pangunahing item na nangangailangan ng pagkilos mula sa nasabing Direktiba. Ang lahat ng provider ng personal na serbisyo ay dapat sumunod sa lahat ng pang-estado at lokal na regulasyon.

Buod ng mga rebisyon mula noong 3/2/2021:

• Nagdagdag ng mga karagdagang link ng resource para sa mga nabakunahang indibidwal tungkol sa pag-quarantine at mga mas ligtas na pakikisalamuha.

• Na-update ang wika sa dalas ng paglilinis/pag-disinfect.

Buod ng mga pagbabago mula sa mga nakaraang bersyon:

• Para sa mga serbisyong nangangailangan ng pag-aalis ng customer ng kanyang pantakip sa mukha:

o 6 na talampakan dapat ang layo ng mga serbisyo mula sa ibang tao, o nasa ibang kuwarto dapat ang mga ito.

o Kailangang magsuot ng mga Provider ng Personal na Serbisyo ng proteksyon sa mata gaya ng face shield o goggles.

o Kailangang magsuot ng mga Provider ng Personal na Serbisyo ng mask na maayos ang fit, at lubos na inirerekomendang magsuot sila ng walang vent na N95 mask, kahit na hindi sinubukan kung fit ito, para sa maximum na proteksyon sa panahon ng mga procedure kung saan kailangang alisin ng customer ang kanyang Takip sa Mukha. Makikita ang gabay tungkol sa mga: www.sfcdcp.org/maskingupdate.

• Kung kailangang mag-alis ng pantakip sa mukha sa anumang aktibidad, kinakailangan ng negosyong ipaskil ang Checklist sa Bentilasyon at kailangan nitong magpatupad ng hindi bababa sa isang pag-iingat.

Page 3: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 2 ng 13

Sa Mga Indoor na Aktibidad, Lumalaki ang Panganib ng COVID-19

Sumasang-ayon ang mga siyentipiko, sa pangkalahatan, na mas malaki ang posibilidad na magkahawahan ng COVID-19 indoors kaysa outdoors. Isaalang-alang ang mas malaking panganib sa iyong sarili at sa iyong komunidad bago ka makibahagi sa mga indoor na aktibidad.

Ang COVID-19 ay maaaring kumalat nang mahigit anim na talampakan sa hangin at mamuo indoors. Sa pangkalahatan, kung posible, piliin ang mga outdoor na aktibidad kaysa sa mga indoor na aktibidad, at kung may kailangan kang puntahan indoors, limitahan ang oras mo indoors kung hindi bahagi ng iyong sambahayan ang mga taong kasama mo. Umiwas sa mga kulob na espasyo kung saan siksikan ang mga tao at hindi maganda ang bentilasyon.

Paano Kumakalat ang COVID-19?

Ayon sa aming kasalukuyang pagkakaunawa, kadalasang naikakalat ang COVID-19 mula sa isang tao patungo sa isa pa sa hangin sa pamamagitan ng mga droplet na may virus sa hininga ng isang taong may COVID-19. Humahalo ang mga droplet na ito sa hangin kapag nag-exhale (bumuga ng hangin) ang isang tao, kabilang kapag nagsasalita, kumakanta, umuubo, o bumabahing siya. Posibleng walang anumang sintomas ang mga taong may COVID-19 at nakakapagbuga pa rin sila ng mga droplet na may virus.

• Kung minsan, tinatawag na “ballistic droplet” ang mas malalaking droplet dahil ang mga ito ay kumakalat sa mga tuwid na linya at hinihila pababa ng gravity. Mahahawahan ang mga taong nasa malapit, na karaniwang sa loob ng anim na talampakan, kapag nalanghap nila ang mga droplet na ito o kapag napunta ang mga droplet sa kanilang mata, ilong, o bibig.

• Maaaring lumutang sa hangin ang mas maliliit na droplet o particle na may nakakahawang virus sa loob ng isang partikular na panahon at/o maaari itong kumalat nang lampas sa 6 na talampakan sa mga indoor na daloy ng hangin, lalo na sa mga kulob na lugar na may hindi magandang bentilasyon. Nahahawahan ang mga taong nasa iisang lugar kapag nalanghap nila ang mas maliliit na droplet at particle na ito o kapag napunta ang mga droplet o particle sa kanilang mata, ilong, o bibig – kahit na mahigit 6 na talampakan ang layo nila sa isa't isa. Kung minsan, tinatawag na “aerosol” o “bioaerosol” ang mga droplet na ito.

Puwede ring kumalat ang COVID-19 kung hahawakan ng isang tao ang kanyang mata, ilong, o bibig pagkatapos humawak sa kontaminadong surface (na kilala din bilang fomite), pero hindi ito masyadong pangkaraniwan.

Pangunahing paraan ng pag-iwas sa Covid-19

• Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Kung walang magagamit na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% ethanol o 70% isopropanol.

• Iwasan ang Malapitang Pakikisalamuha. Sa abot ng makakaya, magpanatili ng hindi bababa sa anim na talampakang social distancing sa pagitan mo at ng ibang taong hindi nakatira sa iyong Sambahayan.

• Magsuot ng Pantakip sa Mukha. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang Pantakip sa Mukha kapag nasa mga pampublikong lugar at kapag nakikisalamuha sa mga taong hindi nakatira sa iyong Sambahayan.

• Palaging linisin at i-disinfect ang mga surface na madalas hawakan.

• Obserbahan ang Iyong Kalusugan Araw-araw. Maging alerto para sa mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, pangangapos ng hininga, o iba pang sintomas. Kung nararanasan mo ang alinman sa mga sintomas na ito, manatili sa bahay, at magpasuri.

Page 4: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 3 ng 13

Narito na ang bakuna laban sa COVID-19

Ang bakuna ang isa sa mga pinakamahalagang paraan upang mawakasan ang pandemya. Sinuri ng Pangasiwaan para sa Pagkain at Gamot (Food and Drug Administration, FDA), CDC, pati na rin ng sariling Scientific Safety Review Workgroup ng California ang lahat ng data mula sa mga klinikal na pagsubok para matiyak ang kaligtasan at pagiging mabisa ng lahat ng bakuna laban sa COVID-19. Lubos na hikayatin ang lahat ng tauhang magpabakuna. Bagama't maaaring makapigil ang bakuna sa pagkakaroon mo ng sakit, hindi natin alam kung ang mga taong nabakunahan ay maaari pa ring mahawahan ng virus at maikalat ang COVID-19 sa ibang tao. Samakatuwid, napakahalaga pa rin para sa mga nabakunahan, at para sa natitirang populasyong naghihintay para sa kanilang mga bakuna, na magpatuloy sa paggamit ng lahat ng tool na available upang makatulong na mawakasan ang pandemyang ito: pagsusuot ng mask na tumatakip sa inyong bibig at ilong kapag nasa labas ng inyong bahay, pag-iwas sa mga pagtitipon, pag-iwas sa pananatili sa loob ng gusali kasama ang mga taong hindi ninyo kasama sa bahay, pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakang layo sa ibang tao, at paghuhugas ng inyong mga kamay nang madalas. Matuto pa tungkol sa bakuna, kabilang ang kung saan at kung kailan ito makukuha sa sf.gov/covidvax.

Kung nagpabakuna ka na laban sa COVID-19, magbasa pa tungkol sa kung kailangan mo pang mag-quarantine sa: www.sfcdcp.org/quarantineaftervaccination.

Kung nagpabakuna ka na laban sa COVID-19, magbasa pa tungkol sa mga mas ligtas na pakikisalamuha sa: www.sfcdcp.org/lifeaftervaccine

CA Notify – isa pang paraan para mapigilan natin ang hawahan

Ang CA Notify (canotify.ca.gov) ay isang app na puwede mong idagdag sa iyong smartphone. Gumagamit ito ng teknolohiya ng Bluetooth upang malaman kung malapit ka at ang iyong telepono sa ibang taong mayroong COVID-19 upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating komunidad.

Kung gumagamit ka ng CA Notify at nagpositibo ka sa pagsusuri, hindi ibabahagi sa ibang tao ang iyong diagnosis. Gayunpaman, kung naka-enroll din sa app ang iba pang taong nagkaroon ng malapitang pakikisalamuha sa inyo, ipapaalam sa kanilang nalantad sila. Ipapaalam sa kanila ang petsa ng pagkakalantad, pero hindi ang oras, lokasyon, o pagkakakilanlan.

Kung gumagamit ka ng CA Notify at nalantad ka sa isang taong nagpositibo sa pagsusuri at inilagay niya ang kanyang resulta sa app, ipapaalam sa iyo ang petsa ng pagkakalantad, ngunit hindi ang oras, lokasyon, o pagkakakilanlan.

Available ang CA Notify sa pamamagitan ng Apple at Google. Tingnan ang canotify.ca.gov para sa higit pang impormasyon.

Mga bakuna para sa trangkaso

Mahalaga ang mga bakuna para sa trangkaso sa laban kontra COVID-19 dahil (1) napapanatiling malusog ang mga manggagawa at komunidad at (2) nababawasan ang kinakaharap ng ating pangangalagang pangkalusugan at mga sistema ng pagsusuring tumutugon sa COVID-19. Lubos na hinihikayat na magpabakuna laban sa trangkaso ang mga may edad na mahigit sa 6 na buwan. Tingnan ang http://www.sfcdcp.org/flu

Page 5: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 4 ng 13

Contact Tracing

• Ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco, kasangga ng komunidad, pati na ng mga negosyo, ay tumutulong sa pagtukoy ng mga taong nagkaroon ng malapitang pakikisalamuha sa lahat ng taong may COVID-19. Maaaring maipasa ng mga tao ang virus 48 oras bago pa sila magkaroon ng mga sintomas. Ang ilang tao ay hindi nagkakaroon ng mga sintomas ngunit maaari pa ring makapagpasa ng virus. Maaari tayong makatulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng contact tracing na nakakatulong na matukoy ang mga taong posibleng nalantad dito at pagtulong sa kanila na mag-quarantine upang hindi nila aksidenteng maikalat ang sakit. Ginagawa namin ito sa tuwing may outbreak ng mga nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad.

• Tumulong na tiyakin ang kalusugan ng iyong Tauhan, mga kliyente, at ng ating komunidad. Panatilihin ang attendance/mga iskedyul ng lahat ng Tauhan sa iyong organisasyon sa loob ng hanggang tatlong linggo. Inirerekomendang magpanatili ang mga organisasyon ng listahan ng mga kliyenteng pumapayag na boluntaryong ibigay ang kanilang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan [o pahintulot upang panatilihin ang impormasyon ng kanilang credit card] para sa mga layunin ng contact tracing. Dapat na itapon ang anumang listahan pagkalipas ng tatlong linggo. Hindi na kinakailangang magbigay ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan ang mga suking customer.

• Kung may Tauhan o kliyenteng magpopositibo sa COVID-19, dapat tulungan ng organisasyon ang Departmento ng Pampublikong Kalusugan sa pagtukoy sa iba pang Tauhan o kliyenteng posibleng nalantad.

• Takpan ang iyong mukha, magpasuri nang maaga, at mag-trace! Matuto pa sa https://covid19.ca.gov/contact-tracing

Magplano at Ihanda ang iyong lugar

Suriin ang Tip Sheet for Safer Interactions During COVID-19 Pandemic (Tip Sheet para sa Mga Mas Ligtas na Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Pandemyang dulot ng COVID-19) sa www.sfcdcp.org/safersocial

Plumbing

Kung nabakante ang iyong negosyo o lugar ng trabaho sa panahon ng ordinansang Manatili sa Bahay, tingnan kung gumagana nang maayos ang iyong plumbing at alisin ang naipong tubig sa mga tubo. Tingnan ang gabay ng Komisyon sa Mga Pampublikong Utility (Public Utilities Commission, PUC) dito.

Mga supply

• Magbigay ng mga aprubadong disinfectant para sa mga paggamit laban sa COVID-19. Nakalista ang mga naaprubahang produkto sa website ng Ahensya para sa Proteksyon ng Kapaligiran.

• Maglaan ng mga istasyon para sa paghuhugas/pag-sanitize ng mga kamay para sa mga Tauhan at kliyente.

• Maglaan ng upuan o plastic basket o paper bag na hindi sumisipsip ng basa para sa damit o mga gamit ng kliyente.

• Magbigay ng wastong Personal na Pamprotektang Kagamitan (Personal Protection Equipment, PPE) para sa lahat ng Tauhan. Posibleng mangailangan ng proteksyon sa mata at/o guwantes kapag nagsasagawa ng mga partikular na serbisyo. Tingnan ang gabay ng Pangasiwaan para sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho ng California (California Occupational Safety and Health Administration,

Page 6: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 5 ng 13

Cal/OSHA) tungkol sa Mga Pinalawak na Serbisyo sa Personal na Pangangalaga (Expanded Personal Care Services).

• Dapat magsuot ang mga tauhan ng Pantakip sa Mukha sa lahat ng oras.

• Kung wala ka pang touchless na sistema ng pagbabayad, pag-isipang maglagay ng ganito.

Paglilinis at Pag-sanitize

• Sundin ang lahat ng kinakailangan sa pag-sanitize. Dapat i-disinfect nang wasto ang lahat ng kagamitan nang hindi bababa sa isang beses kada araw, o mas madalas kung iniaatas ng mga pamantayan sa industriya. Ito ay kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, mga upuan, mesa, suklay, brush, gunting, atbp. Suriin ang direktiba para sa mga partikular na ipinag-aatas sa sanitasyon para sa COVID-19.

• Dapat labhan ang lahat ng linen pagkatapos ng bawat kliyente, kahit hindi pumuwesto ang iyong kliyente sa ilalim nito.

• Ang mga tauhang nag-aasikaso sa maruruming linen ay dapat magsuot ng guwantes at sumunod sa protokol sa tamang pag-aalis ng guwantes at paghuhugas ng kamay.

• Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, at maghugas pagkatapos ng bawat kliyente.

• Kung posible, dapat pag-isipan ng Mga Provider ng Personal na Serbisyo na magpalit ng damit pagkatapos ng bawat kliyente o magsuot ng scrubs o ng malinis, nalalabhan, o disposable na smock.

Kapasidad

• Suriin ang BCAT para sa mga kasalukuyang limitasyon sa kapasidad at aktibidad.

• Baguhin ang layout para mabigyang-daan ang tamang social distancing. Hindi dapat bababa sa anim na talampakan ang pagitan ng mga workstation sa isa't isa.

• Magpatupad ng Mandatoryong Metering System upang matiyak na hindi malalampasan ang mga maximum na Antas ng kapasidad na tinutukoy sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo (BCAT). Tingnan ang Iugnay ang iyong Mga Pagsisikap.

• Bumuo at magpatupad ng nakasulat na pamamaraan upang masubaybayan ang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa pasilidad upang matiyak na nasa o mas mababa sa pinapayagang kapasidad ang bilang ng mga tao.

Mga Ipinag-aatas sa Mandatoryong Karatula

Idagdag ang lahat ng karatulang nauugnay sa COVID-19 tulad ng iniaatas ng Seksyon 4.g at 4.h ng Utos na Manatiling Mas Ligtas sa Bahay. Inilalarawan ang kumpletong kinakailangan sa karatula sa Direktiba 20-30d.

Ang mga provider ng indoor na personal na serbisyo na magbibigay ng mga serbisyo kung saan kailangang mag-alis ng Pantakip sa Mukha ng kliyente ay puwede lang magbukas o manatiling nakabukas sa publiko kung ginagamit nila ang kahit isa lang sa mga sumusunod na diskarte sa bentilasyon:

Page 7: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 6 ng 13

Ang lahat ng negosyong nagpapatakbo indoors ay dapat:

• Tingnan ang Gabay sa Bentilasyon ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (SFDPH) https://www.sfcdcp.org/COVID-ventilation at magtago ng kopyang may mga tala. Maaaring gamitin sa halip ang gabay sa bentilasyon mula sa mga kinikilalang awtoridad gaya ng Centers for Disease Control, Samahan ng Mga Engineering sa Heating, Refrigerating at Air-Conditioning ng America (American Society of Heating, Refrigerating and Air-Conditioning Engineers, ASHRAE), o ang Estado ng California.

• Magpaskil ng karatula sa mga pampublikong pasukan at sa lahat ng breakroom na nagsasaad sa kung ano sa sumusunod na sistema ang ginagamit: • Pinapanatiling bukas ang lahat ng available na bintana at pintong accessible sa preskong

outdoor na hangin • Mga ganap na tumatakbong system para sa heating, bentilasyon, at air conditioning

(heating, ventilation, and air conditioning, HVAC) system • Mga portable na air cleaner na may naaangkop na laki sa bawat kuwarto • Wala sa itaas

Hindi kasama ang mga Pinto at Bintanang kinakailangang manatiling nakasara para sa sunog/kaligtasan ng buhay. Halimbawa, kailangang manatiling nakasara ang mga pinto para sa sunog. Tiyaking ang mga nakabukas na bintana ay hindi nagdudulot ng panganib sa pagkahulog lalo na para sa mga bata.

Kung dahil sa usok o iba pang kundisyon, hindi puwedeng ipatupad ng isang negosyo ang alinman sa mga pag-iingat na iyon, dapat pansamantalang magsara ang mga negosyong nag-aalok ng indoor na dining, at hindi puwedeng ipaalis ng mga provider ng indoor na personal na serbisyo ang Pantakip sa Mukha ng kanilang mga kliyente hangga't hindi naibabalik ang (mga) pag-iingat para sa bentilasyon.

Ang County ay may mga template na available para sa karatula, kabilang ang mandatoryong checklist ng bentilasyon, na available online sa https://sf.gov/outreach-toolkit-coronavirus-covid-19. Kasama sa Outreach Toolkit ang mga napi-print na resource na kinabibilangan ng karamihan sa mga karatulang kinakailangan o inirerekomenda upang makapagbukas ng Mga Personal na Serbisyo. Available ang lahat ng karatula tungkol sa wastong hygiene, social distancing, Mga Pantakip sa Mukha, pag-screen sa kalusugan, ang mga panganib ng indoor na paghawa, pagpapasuri, at pagpapabakuna.

Ang Layunin ng Bentilasyon

Sa pamamagitan ng magandang bentilasyon, nakokontrol ang mga droplet at particle na may nakakahawang sakit upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng:

• pag-aalis sa kuwarto ng mga droplet at particle sa hangin • pagpapalabnaw sa konsentrasyon ng mga droplet at particle sa pamamagitan ng pagdaragdag

ng sariwa at hindi kontaminadong hangin, • pag-filter sa hangin sa kuwarto na nag-aalis ng mga droplet at particle sa hangin

Page 8: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 7 ng 13

Gumawa ng Mga Kinakailangang Pagpapahusay sa Bentilasyon, Kung Posible, Kabilang ang:

• Magbukas ng mga bintana para pahusayin ang natural na bentilasyon sa pamamagitan ng outdoor na hangin kapag hindi magiging banta sa kalusugan at kaligtasan. Kung puwede, pag-isipan ding iwanan ang mga pinto nang bahagyang nakabukas para pumasok ang sariwang hangin sa indoor na espasyo.

o Huwag harangan o ipitan ang mga fire exit. Patuloy na sundin ang mga ipinag-aatas sa kaligtasan sa sunog at gusali.

o Kung magkakaroon ng banta sa pagkahulog para sa mga bata ang mga bukas na bintana, gumamit ng mga kandado ng bintana para hindi magbukas ang mga bintana nang lampas 4 na pulgada, o ng iba pang pangkaligtasang device para maiwasan ang pagkahulog.

• Kung may HVAC system (na kung minsan ay tinatawag na mechanical na bentilasyon, forced air, o central air) ang iyong programa, sundin ang mga rekomendasyon sa Gabay sa Bentilasyon ng SFDPH. Bigyang-priyoridad ang pag-maximize sa intake ng outdoor na hangin at i-minimize ang nagpapaikot-ikot na hangin sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19. Kasama sa mga rekomendasyon ang:

o Tiyaking sinusuri ng propesyonal ang HVAC system at na gumagana ito nang maayos. o Buksan ang mga air damper sa labas at isara ang mga damper para sa muling

pagpapaikot (“mga economizer”) Ima-maximize nito ang dami ng outdoor na hangin na nasasagap ng HVAC system at imi-minimize nito ang dami ng indoor na hangin na pinapaikot ulit.

o Kung puwede kang gumamit ng mga air filter na may mas mataas na efficiency nang hindi nababawasan ang airflow o nasisira ang iyong HVAC system, gumamit ng mga air filter na may rate na MERV13 o higit pa.

o I-disable ang ”mga kontrol sa bentilasyon batay sa pagkontrol ng demand” para patuloy na tumakbo ang mga fan kahit hindi kailangang i-heat o i-cool ang isang kuwarto.

o Panatilihing tumatakbo ang HVAC system kahit na hindi ginagamit ang gusali, kung puwede. Kung may timer ang iyong HVAC, itakda na tumakbo ito, sa minimum, nang 1-2 oras bago magbukas ang gusali hanggang sa 2-3 oras pagkaalis ng lahat sa gusali, kasama ang mga custodial na tauhan.

• Pag-isipang gumamit ng mga portable na air cleaner (mga “filter ng mga particulate sa hangin na may mataas na efficiency (high efficiency particulare air, HEPA)”).

• Kung gumagamit ang establisyimento ng mga nakatayong bentilador o bentilador na nakakabit sa pader, isaayos ang direksyon ng mga bentilador upang mabawasan ang pag-ihip ng hangin mula sa espasyo ng isang indibidwal papunta sa espasyo ng ibang tao.

Para sa higit pang impormasyon, pakitingnan ang sumusunod: Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco (SFDPH): https://www.sfcdcp.org/COVID-ventilation o mag-email sa [email protected].

Protektahan ang Mga Tauhan at Kliyente Magsagawa ng mga wellness check para sa lahat (mga Tauhan at kliyente) bago sila pumasok sa gusali. Nakalakip sa Direktiba ang Mga tagubilin para sa pag-screen ng mga kliyente. • Hikayatin ang iyong mga kliyenteng magsagawa ng pag-screen sa sarili bago sila pumunta sa

kanilang appointment.

Page 9: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 8 ng 13

Iugnay ang Inyong Mga Pagsisikap

Magtalaga ng Tagasubaybay ng Kaligtasan sa Lugar ng Trabaho para sa COVID-19. Ang tagasubaybay ng kaligtasan sa lugar ng trabaho ay:

• Kikilos bilang tagapag-ugnay na tauhan, at magiging natatanging taong makakaugnayan ng Mga Tauhan sa bawat site para sa mga tanong o alalahanin tungkol sa mga kagawian, protokol, o posibleng pagkakalantad.

• Magsisilbing tagapag-ugnay sa SFDPH. Dapat sanayin ng tagapag-ugnay ang mga tauhan na abisuhan ang mga kliyente, kung kinakailangan, na itatanggi ng establisimyento ng provider ng mga personal na sebrisyo ang serbisyo sa kliyente kung hindi siya nakakasunod sa mga kinakailangan sa kaligtasan.

• Tiyakin ang pagsunod ng mga kliyente sa lahat ng aspeto ng Plano sa Kaligtasan ng Kalusugan, gaya ng pagsusuot ng mga mask, pag-iwas sa pagtitipon-tipon o pagsisiksikan, at pagpapanatili ng pagdistansya sa iba sa pangkalahatan.

Metering System para sa Pagpapatupad ng Mga Limitasyon sa Kapasidad

Dapat magpatupad ng isang Mandatoryong Metering System upang matiyak na hindi malalampasan ang mga maximum na Antas ng kapasidad na tinutukoy sa Talahanayan ng Mga Kapasidad at Aktibidad ng Negosyo.

• Bumuo at magpatupad ng nakasulat na pamamaraan upang masubaybayan ang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa pasilidad upang matiyak na nasa o mas mababa sa pinapayagang kapasidad ang bilang ng mga tao.

• Isaalang-alang ang pagtatalaga ng mga tauhan upang masubaybayan ang kapasidad ng tindahan.

• Isaalang-alang ang pagdaragdag sa bilang ng mga tauhan sa site upang maiwasan ang mga pagdumog ng tao sa mga abalang panahon.

Pag-iiskedyul

• Alinsunod sa gabay ng Estado ng California, mga kliyenteng nagpa-appointment lang ang maaaring tanggapin ng mga Hair Salon at Barbershop. Hindi pinapahintulutan ang mga walk-in sa ngayon. Lubos ding hinihikayat ang iba pang provider ng Mga Personal na Serbisyo na mga customer lang na nagpa-appointment ang tanggapin.

• Iiskedyul ang iyong mga kliyente upang magkaroon ng sapat na oras sa pagitan ng mga appointment upang malinis at ma-disfinfect nang wasto ang mga lugar ng trabaho at kagamitan. Pag-isipang bawasan ang mga pinagseserbisyuhang kliyente bawat araw o palawigin ang mga oras na bukas para mas matagal na makapag-sanitize pagkatapos ng bawat kliyente.

• Pag-isipang i-pause ang mahihigpit na patakaran sa pagkansela para mahikayat ang mga kliyenteng may sakit na manatili sa bahay. Dapat payagan ang mga kliyente na magpaiskedyul ulit dahil sa mga sintomas ng COVID-19 nang walang bayad.

• Paalalahanan ang mga kliyente na huwag pumunta sa appointment nang masyadong maaga. Posibleng kailanganin ng mga kliyenteng maghintay sa labas depende sa kapasidad ng lugar.

Page 10: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 9 ng 13

Mga espesyal na pagsasaalang-alang para sa Mga Partikular na Uri ng Serbisyo

Nagbibigay ang Cal/OSHA ng mga karagdagang kinakailangan at gabay para sa mga provider ng Personal na Serbisyo, at kasama rito ang mga tip na nakalista sa ibaba.

Mga serbisyo sa pagpapagupit

• Suriin ang BCAT para sa mga kasalukuyang paghihigpit.

• Kapag nagbibigay ng mga serbisyong nangangailangan ng pag-aalis ng kliyente sa kanyang pantakip sa mukha, dapat isagawa ng mga provider ang serbisyo nang may layong hindi bababa sa 6 na talampakan mula sa isa't isa o sa ibang kuwarto, at lubos silang hinihikayat na magsuot ng proteksyon sa mata gaya ng face shield o goggles.

o Kailangang magsuot ng mga provider ng mask na maayos ang fit, at lubos na inirerekomendang magsuot sila ng walang vent na N95 mask, kahit na hindi sinubukan kung fit ito, para sa maximum na proteksyon sa panahon ng mga procedure kung saan kailangang alisin ng customer ang kanyang Takip sa Mukha. Makikita ang gabay tungkol sa mga: www.sfcdcp.org/maskingupdate.

• Lubos na inirerekomendang magsuot ang mga provider ng proteksyon sa mata kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa bandang ulo at leeg at/o kung nasa loob ng tatlong talampakan ang provider mula sa kliyente sa loob ng mahigit 15 minuto.

• Hilingin sa iyong kliyente na limitahan ang pakikipag-usap habang wala siyang suot na mask. Mas ligtas ang hindi pagsasalita.

• Bigyan ang iyong kliyente ng tisyu o lampin sakaling kailangan niyang umubo o bumahing habang nakaalis ang kanyang pantakip sa mukha.

Esthetic, Pangangalaga sa Balat, at Cosmetology

• Suriin ang BCAT para sa mga kasalukuyang paghihigpit.

• Kapag nagbibigay ng mga serbisyong nangangailangan ng pag-aalis ng kliyente sa kanyang pantakip sa mukha, dapat isagawa ng mga provider ang serbisyo nang may layong hindi bababa sa 6 na talampakan mula sa isa't isa o sa ibang kuwarto, at dapat silang magsuot ng proteksyon sa mata gaya ng face shield o goggles.

• Kailangang magsuot ang mga provider ng mask na maayos ang fit, at lubos na inirerekomendang magsuot sila ng walang vent na N95 mask, kahit na hindi sinubukan kung fit ito, para sa maximum na proteksyon sa panahon ng mga procedure kung saan kailangang alisin ng customer ang kanyang Takip sa Mukha. Makikita ang gabay tungkol sa mga: www.sfcdcp.org/maskingupdate.

• Lubos na inirerekomendang magsuot ang mga provider ng proteksyon sa mata kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa bandang ulo at leeg at kung nasa loob ng tatlong talampakan ang provider mula sa kliyente sa loob ng mahigit 15 minuto.

• Limitahan ang pakikipag-usap habang walang suot na mask ang iyong kliyente. Mas ligtas ang hindi pagsasalita.

Page 11: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 10 ng 13

• Bigyan ang iyong kliyente ng tisyu o lampin sakaling kailangan niyang umubo o bumahing habang nakaalis ang kanyang pantakip sa mukha. Ipatapon sa kliyente ang maruruming tisyu o lampin sa isang lalagyang may takip.

• Dapat magsuot ng disposable na guwantes sa kabuuan ng esthetic na serbisyo, at habang nililinis at dini-disinfect ang lahat ng kagamitan at surface pagkatapos ng bawat session ng kliyente.

• Dapat itapon kaagad ang mga applicator na pang-isahang gamit lang sa isang lalagyang may takip at plastic bag sa loob.

Electrology

• Suriin ang BCAT para sa mga kasalukuyang paghihigpit.

• Dapat magsuot ang mga tauhan at customer ng Pantakip sa Mukha sa lahat ng pagkakataon. Kapag nagbibigay ng mga serbisyong nangangailangan ng pag-aalis ng kliyente sa kanyang pantakip sa mukha, dapat isagawa ng mga provider ang serbisyo nang may layong hindi bababa sa 6 na talampakan mula sa isa't isa o sa ibang kuwarto, at dapat silang magsuot ng proteksyon sa mata gaya ng face shield o goggles.

• Kailangang magsuot ang provider ng mask na maayos ang fit, at lubos na inirerekomendang magsuot sila ng walang vent na N95 mask, kahit na hindi sinubukan kung fit ito, para sa maximum na proteksyon sa panahon ng mga procedure kung saan kailangang alisin ng customer ang kanyang Takip sa Mukha. Makikita ang gabay tungkol sa mga: www.sfcdcp.org/maskingupdate.

• Dapat magsuot ang electrologist ng disposable na guwantes.

• Lubos na inirerekomendang magsuot ang mga provider ng proteksyon sa mata kapag nagbibigay ng mga serbisyo sa bandang ulo at leeg at/o kung nasa loob ng tatlong talampakan ang provider mula sa kliyente sa loob ng mahigit 15 minuto.

• Dapat linisin at i-sterilize nang husto ang mga tweezer, roller, at needle holder cap pagkatapos ng bawat kliyente.

• Ang mga karayom na gagamitin para sa electrolysis ay dapat pang-isahang gamit lang, disposable, naka-prepackage, at sterile, at itapon sa isang lalagyang naaprubahan para sa matutulis na bagay (sharps container) pagkatapos gamitin.

Mga Massage Therapist (sa mga setting na hindi para sa pangangalagang pangkalusugan)

• Suriin ang BCAT para sa mga kasalukuyang paghihigpit.

• Hilingin sa kliyente na linisin ang kanyang mga kamay gamit ang hand sanitizer o sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanyang mga kamay gamit ang sabon at tubig bago ang serbisyo.

• Dapat magsuot ang massage therapist at kliyente ng pantakip sa mukha sa lahat ng oras.

• Hindi pinapahintulutan (alinsunod sa estado) ang mga pagmamasahe ng mukha kung kakailanganin nito na alisin ng iyong kliyente ang kanyang pantakip sa mukha.

• Ang mga harang gaya ng washable na sapin at punda ay hindi pamalit sa mga protocol sa paglilinis at pag-disinfect. Ang mga mesa at upuan para sa pagmamasahe ay dapat i-disinfect nang wasto pagkatapos ng bawat kliyente.

Page 12: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 11 ng 13

• Ang mga hand treatment ay dapat ibigay bilang huling bahagi ng masahe at dapat hugasan ang mga kamay kaagad pagkatapos ng masahe.

• Posibleng makapagsagawa ka ng mga outcall kung mayroon kang Permit para sa Outcall Massage.

Mga Nail Service

• Suriin ang BCAT para sa mga kasalukuyang paghihigpit.

• Hilingin sa kliyente na maglinis ng kamay gamit ang hand sanitizer bago ang serbisyo.

• Dapat i-disinfect ang mga portable na tub/bowl gamit ang isang nakarehistro sa Ahensya sa Pagprotekta sa Kapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA) na likidong disinfectant na naka-label bilang bactericide, fungicide, at virucide.

• Gumamit ng mga disposable na tool hangga't maaari. Dapat itapon ang lahat ng disposable na gamit sa isang may plastic at may takip na basurahan.

• Huwag payagan ang mga kliyenteng kumuha ng maraming serbisyo nang sabay-sabay, gaya ng manicure at pedicure.

• Dapat magsuot ang lahat ng provider ng pantakip sa mukha o respirator kapag kinakailangan. Tingnan ang gabay ng Cal/OSHA sa Mga Pinalawak na Serbisyo sa Personal na Pangangalaga (Expanded Personal Care Services).

• Ang lahat ng nail provider ay dapat magsuot ng mga disposable na guwantes sa oras ng serbisyo at habang nililinis at dini-disinfect ang lahat ng kagamitan at surface pagkatapos ng bawat kliyente.

Mga Madalas Itanong

T. Ligtas ba para sa akin na magpamasahe/magpagupit/magpa-facial/atbp.? S. May kaakibat na panganib ang lahat ng aktibidad kung saan kailangan mong lumapit sa loob ng anim na talampakan mula sa mga indibidwal na hindi mo kasama sa bahay, partikular sa mga indoor o sa loob ng isang partikular na panahon (mahigit 15 minuto). Maaari mong mabawasan ang panganib na iyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng maayos na personal na hygiene at pagpunta sa isang provider ng serbisyo na talagang sumusunod sa mga pag-iingat para sa kalusugan at kaligtasan.

o Magsuot ng pantakip sa mukha tulad ng iniaatas. Gumamit ng pantakip sa mukha na may mga ear-loop para maiwasang makaabala ang iyong mask sa iyong mga serbisyo.

o Dapat mong kanselahin/iiskedyul ulit ang isang appointment kung mayroon silang mga sintomas ng COVID-19. Pinagbabawalan ng Direktiba sa Kalusugan ang iyong Provider ng Personal na Serbisyo na maningil ng dagdag na bayad kung kailangan mong magpaiskedyul ulit dahil sa mga sintomas ng COVID-19.

o Pag-isipan ang paglilimita ng tagal ng oras na iginugugol sa mga appointment sa serbisyo sa personal na pangangalaga upang mabawasan ang iyong pagkakalantad at ang pagkakalantad ng mga tao sa paligid mo.

T. Nagdadala ako ng sarili kong gamit/polish sa aking mga appointment; maaari ko ba itong gawin? S. Hindi sa ngayon at lubos na inirerekomendang bawasan ang bilang ng mga item na dinadala mo sa iyong appointment. Mahahalagang bagay lang ang dalhin (pitaka, mga susi, maliit na bag).

Page 13: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 12 ng 13

T. Kailangan ba ang mga N95 mask? S. Hindi kailangan ang mga N95 mask para sa mga kliyente. Patuloy na sumunod sa mga regulasyon ng iyong industriya at gumamit ng N95 mask o respirator kapag kinakailangan. Kung gumagamit ka ng N95 mask o respirator na may valve, dapat mong takpan ang valve gamit ang isang pantakip sa mukha.

T. Kinakailangan ba ang mga guwantes? S. Kinakailangan sa esthetic, pangangalaga sa balat, cosmetology, at mga nail service ang pagsusuot ng mga guwantes sa buong serbisyo at habang naglilinis ng mga tool sa pag-disinfect. Kung posible, maghanda ng guwantes na hindi gawa sa latex para sa mga kliyente at tauhang may allergy sa latex. Ang pagsusuot ng guwantes ay hindi pamalit sa paghuhugas ng kamay.

T. Maaari ba akong magpatakbo ng indoor at outdoor na personal na serbisyo? S. Oo. Lubos na hinihikayat ang pagpapatakbo outdoors.

T. Isa akong practitioner na nag-aalok ng Reiki, Cupping, o Rolfing. Saan ako kabilang? S. Ito ang tamang gabay na dapat sundin. Dapat mo ring basahin ang Direktiba sa Ambulatoryong Pangangalaga.

T. Isa akong body art practitioner; maaari ko bang patuloy na ialok ang aking kumpletong menu ng mga serbisyo?

S. Hindi pinapayagan ng kasalukuyang gabay ng estado ang pagpapabutas ng ilong o bibig o ang anumang serbisyo kung saan kailangan ng kliyenteng alisin ang kanyang pantakip sa mukha.

T. Nagbibigay ako ng mga serbisyo sa personal na pangangalaga sa labas ng aking tahanan; maaari ko na bang gawin ulit iyon? O - nagbibigay ako ng mga serbisyo sa personal na pangangalaga sa bahay ng mga kliyente, maaari ko na bang gawin ulit iyon?

S. Oo, kung nagagawa mo ito bago ang COVID-19, maaari kang magsimulang patakbuhin ulit ang iyong negosyo. Dapat kang sumunod sa kasalukuyang direktiba at gabay.

T. Dapat ba naming i-vacuum o walisin ang buhok? S. Inirerekomenda ang pag-vacuum gamit ang isang HEPA filter kaysa sa pagwawalis. Kung wala kang vacuum na may HEPA filter, pag-isipang maingat na magwalis sa panahon kung kailan pinakakaunti ang mga taong nasa lugar. Pag-isipang magwalis/mag-vacuum bilang bahagi ng mga protokol sa pag-disinfect sa pagitan ng mga kliyente. Magsuot ng pantakip sa mukha at dahan-dahang magwalis upang malimitahan ang paggalaw at pagkalat ng mga particle.

T. Isa akong May-ari ng Negosyo. Paano ko matitiyak na walang sakit ang Mga Tauhan kapag nagtatrabaho sila?

S. Pakitingnan ang gabay ng SFDPH tungkol sa Asking COVID-19 Screening Questions (Pagtatanong para sa Pag-screen para sa COVID-19) na naka-post sa www.sfcdcp.org/screen.

T. Paano kung magpopositibo sa pagsusuri para sa COVID-19 ang isang provider ng serbisyo o kliyente?

S. Posibleng maipasa ng mga tao ang virus 48 oras bago pa sila magkaroon ng mga sintomas ng COVID-19. Maaari pa rin nilang maipasa ang virus kahit na hindi sila magkakaroon ng mga sintomas kahit kailan.

Pakitingnan ang gabay ng SFDPH na Ang Dapat Gawin Kung Mayroong May COVID-19 sa Lugar ng Trabaho.

Dapat magpanatili ang mga provider ng listahan ng Mga Tauhan at Kliyente na makakatulong sa SFDPH para sa contact tracing.

Page 14: Sheet ng Mga Tip para sa Pagpapatakbo Indoors: Mga ......Mga Tip nakakahawang sakit tulad ng tigdas, tuberculosis, at iba pa, upang maprotektahan ang kalusugan ng komunidad. • Tumulong

Mga Tip

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco Na-update noong 3/23/2021. http://www.sfcdcp.org/businesses Pahina 13 ng 13

Mga Resource Makakakuha ka ng mga napi-print na resource sa toolkit para sa COVID-19.

Gabay ng Cal/OSHA:

o Gabay sa Mga Indoor na Personal na Serbisyo at checklist para sa Mga Personal na Serbisyo

o Checklist at Gabay sa Mga Indoor na Hair Salon at Barbershop

Impormasyon ng Employer ng CDC para sa Mga Beauty Salon at Barbershop sa Panahon ng COVID-19

o https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/organizations/beauty-salon-barber-employers.html

Libreng proteksyon sa mata at iba pang PPE:

o https://oewd.org/free-ppe-available