34
Antas ng Wika 1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare' 5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha- likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’. 6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan

Research Wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

wika

Citation preview

Antas ng Wika

1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao3. lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'5. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.6. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal

Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa: Kahati sa buhayBunga ng pag-ibigPusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)Nakain ka na? (Kumain ka na?)Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa: Nasan, pa`no,sakin,kelanMeron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)Orange (beinte pesos)Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutuboHalimbawa: Gurang (matanda)Bayot (bakla)Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyagaHalimbawa: Epek (effect)Futbol (naalis, natalsik)Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalogHalimbawa: Buwaya (crocodiles greedy)Bata (child girlfriend)Durog (powdered high in addiction)Papa (father lover)

4. PagpapaikliHalimbawa: Pakialam pakiTiyak tyak

5. Pagbabaliktad Buong SalitaHalimbawa: Etned benteKita atik

PapantigHalimbawa: Dehin hindiNgetpa PangetTipar Parti

6. Paggamit ng AkronimHalimbawa: G get, nauunawaanUS under de saya

7. Pagpapalit ng PantigHalimbawa: Lagpak Palpak BigoTorpe Tyope torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salitaHalimbawa: Bow na lang ng bowMag-jr (joy riding)Mag-gimikMag-MU

9. Paggamit ng BilangHalimbawa: 45 pumutok1433 I love you too50-50 naghihingalo

10. PagdaragdagHalimbawa: Puti isputingKulang kulongbisi

11. KumbinasyonPagbabaligtad at PagdaragdagHalimbawa: Hiya Yahi Dyahi

Pagpapaikli at pag-PilipinoHalimbawa: Pino PinoyMestiso Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at PagbabaligtadHalimbawa: Pantalon Talon LontaSigarilyo Siyo Yosi

Panghihiram at PagpapaikliHalimbawa: Security SikyoBrain Damage Brenda

Panghihiram at PagdaragdagHalimbawa: Get Gets/GetsingCry Crayola

MGA URI NG BARAYTI NG WIKA

IDYOLEK-pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik. DAYALEK-nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan. SOSYOLEK-pansamantalang barayti. ETNOLEK-nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo. EKOLEK-kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay. PIDGIN-wikang walang pormal na estruktura. CREOLE-nadedebelop ang pormal na estruktura.

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa1935 Saligang Batas 1935 Art. 14 sek. 3 ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. 1936 (Nob. 13) Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.1937 (Dis. 30) sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pang. Quezon na ang WP ay batay sa Tagalog.1940 simula Hunyo 19 ay ituturo na sa mga paaralan ang WP.1940 (Hunyo 7) ang WP ay magiging isa na rin sa OW simula Hulyo 4, 1940.1954 (Mar. 26) Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng WIka taun-taon tuwing Agosto 13-19.1959 (Agosto 13) Pinalabas ni Kalihim Jose Romero ang kautusan na ang PW ay kikilalanin sa katawagang Pilipino1973 Saligang Batas Art 15, sek. 3: Ang OW ay Ingles at Pilipino. Ang pambansang asembleya ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapanlad at pormal na adapsyon ng panlahat na WP na makikilalang Filipino. 1974 Bilingual Eduation Policy 1978 Alinsunod sa kautusan ng kalihim ng Edukasyon, ang mga kolehiyo ay magkakaroon ng 6 na yunit na asignatura ng Pilipino.1987 Peb. 2, nakasaad sa bagong konstitusyon ng Pilipinas, Art.14, sek. 6-9:6 ang WP ng Pilipinas ay Filipino, payayabungin ito salig ng mga umiiral na wika sa Pilipinas.7 OW ay Ingles at Filipino8 wika ng konstitusyon ay Ingles at Filipino at isasalin sa pangunahing wikang panrehyon at Arabik at Kastila.9 Dapat magtatag ng Komisyon ng Wikang Pambansa na siyang mangangasiwa sa pagpapaunlad ng WP.1987 Nagpalabas ng kautusan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo (medium of instruction) sa lahat ng antas ng paaralan kasabay ng Ingles. (BEP)NAipalabas din ang Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino.1996 pinalabas ng CHED ang kautusan na mayroong 6 na units ng Filipino sa kolehiyo at 9 naman kung ang kurso ay nasa HUSOCOM (Humanities, Social Sciences at Communication)1997 idineklara ni Pang. Fidel Ramos na ang Agosto ay buwan ng wika taun-taon.2001 Ipinalabas ang rebisyon ng ortograpiyang Filipino.2006 Sinuspinde ang 2001 na rebisyon ng ortograpiya at ibinalik sa 1987.

Mga Batas Pangwika====1986====. Memorandum Pangkagawaran blg. 523 S. 1986 (Abril 17, 1986). Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 (Dis. 30, 1937) -Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.19871990 Memorandum Pangkagawaran Blg. 85, S. 1990 (Marso 21, 1990)1991 Memorandum Pangkagawaran Blg. 115, S. 1991 (Agosto 14, 1991)1992 Resolusyon Blg. 3-92 (Disyembre 9, 1992)1993 Resolusyon Blg. 1-93 (Enero 6, 1993).1994 Resolusyon Blg. 3-94 (Oktubre 19, 1994)1996 Memorandum Pangkagawaran Blg. 46 S. 1996 (Abril 11, 1996) CHED Memorandum Order (CMD) No. 59, S. 1996 Resolusyon Blg. 96-2 (Disyembre 18, 1996)1998 Memorandum Pangkagawaran Blg. 80, S. 1998 (Marso 3, 1998)1999 Memorandum Pangkagawaran Blg. 36, S. 1999 (Pebrero 3, 1999)2000 Memorandum Pangkagawaran Blg. 323 S. 2000 (Hulyo 28, 2000) Memorandum (Setyembre 13, 2000)

KomunikasyonAng komunikasyon (galing sa salitang Latin nacommnicre, na ang ibig sabihin ay ibahagi) ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semayotiko. Ang komunikasyon sabiologyay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sabiochemicalna paraan. Ang komunikasyong pang tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng lenggwahe. Ang hindi pang taong komunikasyon naman ay inaaral sa biosemiotics. Ang hindi berbal na komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi berbal na komunikasyon ay anghaptic communication, chronemics communication, gestures, body language, facial expressions, eye contact, at kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng hindi berbal na komunikasyon tulad ngparalanguage, e.g. ritmo, intonasyon, tempo at istres. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay hindi berbal nafacial expressionsat ang iba pa ay 38% naparalanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din ng mga elemento ng hindi berbal na komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at ang paggamit ngemoticonsupang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe.Katuturan ng WikaBinanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos napaghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.Kahalagahan ng WikaMahalaga ang wika sapagkat:1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

PROSESO NG KOMUNIKASYONMay ibat ibang hulwaran o modelo ng proseso ng komunikasyon na magagamit sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa kominkasyon. Napiling talakayin dito ang prosesong NMDT (nagpapadala-mensahe-daluyan-tumatanggap). Makatutulong ang modelong ito sa pagpapaliwanag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Dito, susuriin natin ang bawat kaganapan sa nagaganap na proseso ng komunikasyon.Kung titingnan natin ang larawan sa itaas, makikita natin na may 5 salik (essence) ang proseso ng komunikasyon; nagpapadala, mensahe, daluyan, tumatanggap at tugon o feedback. Suriin natin isa-isa ang bawat salik sa proseso.

NagpapadalaSa nagpapadala nagmumula ang mensahe. May limang bagay ang nakakaapekto sa nagpapadala sa anumang mensahe na kanyang nais iparating.

Kasanayang pangkomunikasyonUgaliKaalamanKatayuang panlipunanKultura

(Nakakaapekto rin sa tagatanggap ang 5 bagay na nabanggit)Ang kakayahan natin sa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe ay nakabatay sa ating mga kasanayang pang-wika (verbal communication skills). May limang kasanayang pangwika; dalawa sa kasanayang ito ay nauukol sa kasanayan sa pagpapadala ng mensahe, ang pasasalita at pagsusulat; ang dalawa ay nuukol sa pagtanggap, ang pakikinig at pagbasa. Ang panlimang kasanayan naman ay mahalaga sa kapwa pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito ang kakayahan sa pag-iisip o pangangatwiran. Malaki ang maitutulong ng pagkabihasa natin sa mga kasanayang ito sa ating mabisang pakikipagkomunikasyong verbal.Makikita rin ang kahusayan natin sa komunikasyon sa ating kakahang gumamit ng mga komunikasyong di-verbal .Ugali, ang isa pang bagay na nakakaapekto sa ating pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Malawak ang saklaw ng pag-uugali. Subalit sa talakayang ito sikapin nating ituon ang ugali sa pangkalahatang nararandaman ng isang tao tungkol sa isang bagay. Halimbawa, maaring positibo o negatibo ang ating reaction sa opinion o mungkahi ng isa mong kamag-aral.Nakakaapekto ang ugali sa ating pakikipagkominikasyon sa tatlong paraan. Sa ating sarili, sa paksa at sa tagatanggap o kausap.Sa sarili ito ang ating nararandaman habang pinapadala natin ang mensahe. Mapapansin ng tumatanggap kung tayo ay nasisiyahan o hindi. Nababawasan ng bisa ang ating mensahe kung makikita ng kausap ang kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili.Sa paksa ito ang ating nararandaman tungkol sa isang bagay. Kadalasan, sa pananaw natin ibinabatay ang ating sinasabi. Maaring puro magagandang bagay lang ang iyong sasabihin tungkol sa isang bagay dahil gusto mo ito. Maari mo ring sadyang iwasang sabihin ang mga masamang bagay ukol dito dahil nga sa iyong pananaw o nararandaman.Sa tagatanggap o kausap ang nararandaman natin tungkol sa ating kausap ay malaki rin ang nagagawa sa nilalaman ng ating mensahe. Maaring iba ang ating mensahe kung tayo ay nagagalit o natutuwa sa ating kausap. Gayon din, iba ang paraan ng ating pakikipag-usap sa mga taong nakababa ang posisyon kaysa atin at sa mga taong nakatataas ang posisyon.

Kaalaman, malaki ang epekto ng ating nalalaman tungkol sa isang bagay para sa ating mabisang pakikipagkomunikasyon. Ang isang magsasaka halimbawa ay buong tiwala sa sariling makapagpapaliwanag tungkol sa pagtatanim at pangangalaga sa mga peste sa palay. Subalit makakarandam siya ng kaba kung ang pag-uusapan ay ang trapiko at iba pang problemang panlunsod.Katayuang panlipunan nakakaapekto sa paraan ng pagpapahayag ng nagpapadala at tumatanggap ng mensahe ang kanyang katayuan. Bawat isa sa atin ay may katayuang kinabibilangan sa lipunan. Kabilang sa katuyuang ito ang pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, o barkadahan.Kultura higit na magiging mabisa ang komunikasyon kung ang nag-uusap ay may parehong kultura. Halimbawa ang pagbibigay ng biro (joke) ay magiging mabisa lamang kung ang nagbibigay at tumatanggap ng biro ay may parehong karanasan.

MensaheBawat mensahe ay may dalawang aspeto. Ang nilalaman at pananaw. Sa laman ng mensahe makikita ang tema, dating at katwiran. Halimbawa ang isang lider ng kabataan ay hihiling sa isang kongresista na magpatayo ng isang palaruaan. Maaring maging laman ng kahilingan ang dahilan kung bakit dapat magtayo ng palaruaan sa kanilang lugar, ang halagang gugulin sa pagpapatayo at ang benepisyong matatamo ng komunidad sa pagpapatayo ng nabanggit na proyekto.Sa pananaw naman makikita ang ayos ng mensahe. Sa halimbawang nabanggit sa itaas, maaring ayusin ng lider ng kabataan ang kanyang mensahe sa paraang higit na katanggap-tanggap sa kongresista. Siguro higit na makabubuting bigyan diin sa mensahe ang benepisyo at dahilan ng pangangailangan sa nabanggit na palaruan kaysa sa halagang magugugol.

DaluyanAyon sa mga social scientist, may dalawang anyo ng daluyan ng mensahe. Ito ay ang pandama (sensory channels) na kinabibilangan ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakirandam, at institusyonal (institutionalized channels) sa pamamagitan ng tuwirang pakikipag-usap, sa pamamagitan ng sulat o sa pamamagitan ng mga kagamitang electronics tulad ng telepono, computer, beeper, fax atbp.Bawat daluyang institusyonal ay nanganga-ilangan ng isa o higit pang daluyang pandama. Halimbawa sa ating tuwirang pakikipag-ugnayan tunog sa pandinig, galaw sa paningin, at paghawak sa kamay para sa pakirandam. Ang tuwirang pakikipagkomunikasyon ang pinakamainam gamitin kung ang layunin ay agad makatawag pansin at makakuha ng dagliang tugon.

TumatanggapAng tumatanggap ng mensahe ay dapat magtuon ng pansin, magpakahulugan at tumugon sa mensahe. Layunin ng komunikasyon na mapaabot ang mensahe sa pinatutungkulan nito. Dapat isaalang alang ng nagpapadala ng mensahe na ang pinakaunang hakbang sa papapaabot ng mensahe ay kung paano matatawag ang pansin ng kausap. Matapos matawag ang pansin ng kausap ay dapat namang maipaunawa na wasto ang mensahe. Ang pagtawag ng pansin at pagpapaunawa ay pamamaraan kung saan dapat isaalang alang ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe. (kasanayang pangwika, ugali, kaalaman, katayuang panlipunan at kultura)Matapos maituon ang pansin at maunawaan ang mensahe, ang susunod na hakbang ng tumatanggap ay ang pagtanggap. May tatlong antas o level ang pagtanggap. Una, pagkilala, naniniwala ang tumatanggap ng mensahe na tama ang nilalaman nito. Pangalawa, bisa, hindi lang naniwala sa katumpakan ng mensahe subalit naniwala rin ng may mabuting maidudulot o bisa ito. Pangatlo ay ang aksyon o pagkilos na dapat isagawa bunga ng mensaheng natanggap.

TugonMasusukat ang kahusayan ng komunikasyon sa pamamagitan ng tugon. Ang tugon ay maari ring paraanin sa parehong daluyuan o sa ibang daluyan ayon sa hinihingi ng pagkakataon papunta sa nagpadala ng mensahe. Sa pagpaparating ng tugon dapat muling isaalang-alang ang mga bagay na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe.Ang tugon ay sukatan ng implwensya o kapangyarihan Sa isang bansang demokratiko tulad natin, napakahalaga ang implwensya sa pamayanan o komunidad. Kung ang isang lider o isang grupo ay naging matagumpay sa pangangalap ng pondo para sa isang proyekto, masasabi ng lider o grupong ito na sila ay maimplwensya sa komunidad. Subalit kung walang sumuporta sa kanilang proyekto, masasabi namang silang walang implwensya o kapanyarihan sa komunidad. Samaktwid, maari nating sabihing ang implwensya o kapangyarihan ay nakasalalay sa kahusayan sa komunikasyon.

MGA KOMPONENT NG KOMUNIKASYONUpang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata.

1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?

2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?

3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng salapi sa taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang layunin kung ang sasabihin niyay Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung siya namay manghoholdap, makakamit ba niya ang kanyang layunin kung sa malumanay na pananalitay sasabihin niyang Para mo nang awa, akin na yang pera mo? Hindi ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa paggamit ng wika, kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.

4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away.

5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang debut party? O di kayay ng isang taong naka-gown o barong Tagalog habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?

6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusununog na ang bahay mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang harapan, magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.

7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.

8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang layunin niya ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag.

Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng pangkalahatang kahusayan sa paggamit ng wika upang makapagpahayag nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat malinang ang kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at kahusayang magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang angkop, tumpak, at katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan..MGA ANYO NG KOMINIKASYON1. KATAWAN-Nagpapahayag ng mga sagisag.-Naglalarawan, nagbibigay-diin onaglilinaw ng isang kaisipan.-Kumokontrol sa daloy ngtalastasan.-Nagpapahayag ng damdamin.-Tumutulong sa pagsasagawa ngkilos.

2. MUKHA-Nagpapahayag ng mga batayangemosyon gaya ng saya, lungkot,galit, takot, pagkabigla at iba pa.-Ang ekspresyon ng mukha ayhin

3. MGA MATA-Nagsisilbing tagapagpadaloy ngdamdamin ang mga mata.-Lumilikha ito ng ugnayan sakapwa.

4. ESPASYO O DISTANSYA-Espasyong Initimate malapit ohalos nagkakadikit na ang mgakatawan; nagpapamalas ngpagmamahal o apeksyon sa tao.abago-bago ayon sa kultura.-Espasyong Personal 18 pulgadahanggang 4 na talampakangcomfort zone. Para itong bula nanagsisilbing proteksyon ng isangtao at hindi bastang dapatpinapasok ng estranghero.

-Espasyong Sosyal mga kaibiganat taong kakilala.-Espasyong Publiko ang madlasa pangkalahatan.

5. MGA ARTIFACT-Ang mga gamit na suot ng tao nanagpapahayag ng mensahe.

6. PAGHIPO (HAPTICS)-Ang pisikal na kontak ng mgakamay sa kapwa o sa isang bagayna nagpapahiwatig ng ibat ibangkahulugan, gaya ngpakikisimpatya, paghanga sakagandahan, at iba pa.

7. PARALANGUAGE-Angnamgatunognakaakibatng pagsasalita at may angkinding kahulugan, gaya ng pagtaaso pagbaba ng tono, pagbilis opagbagal ng pagsasalita, at ibapa.

8. PANANAHIMIK-Ang sadyang hindi pagsasalita opagtigil sa pagsasalita nanagpapahayag ng ibat ibangkahulugan, gaya ng pagpapakitang sama ng loob, pagkuha ngatensyon, at iba pa.

9. ORAS O PANAHON(CHRONEMICS)-Ang konsepto ng panahon na maykaugnayan sa komunikasyon.Hal., ang pagdating nang maagaay nagpapahiwatig ng pagigingresponsable at ang pagkahuli ngpagiging pabaya

10. PANG-AMOY-Ang amoy ng isang tao nanagpapahiwatig ng isangmensahe o nagdudulot ng bisa sakanyang kapwa, gaya ng pagigingelegante, pagkagaling sa isangtrabaho, at iba pa.

Modelo ng Komunikasyon

Modelo ni Aristotlebatay sa kanyang Retorika nagbigay ng 3 sangkap ng komunikasyon1. nagsasalita2. ang sinasabi3. ang nakikinigAristotle

Modelo ni Claude Shanman at WeaverAyon kay Claude Shanman at Weaverlima(5) ang sangkap ng komunikasyon1. Pinanggalingan2. Tagapaghatid (transmitter)3. Senyas o Kodigo4. Tagatanggap ng pahatid (reciever)5. Distinasyon6. Modelo ni Shanman at Weaver

Batay sa pag-aaral ni Shanman at Weaver, mayroong pinagmulan ng mensahe o sino ang tagabigay ng mensahe. Ikalawa sino ang tagapahatid ng menshae o sino ang nagdadala o naghahatid ng mensahe. Pangatlo, saan nagdadaan ang mensahe, sa celfon, telepono, senyas ba o nagsasalita? Malinaw ba o magulo ang linya? Senyas, simbolo o salita ang pinagdadaanan ng mensahe? Marami bang tao o maingay ang kapaligiran? Ayon kay Shanman at Weaver, ang inga ay malaking epekto sa pagkakaunawa ng mensahe. Dapat malinaw at maliwanag ang pinagdadaanan ng mensahe upang maunawaan ang komunikasyon.

Modelo ni Berlo

May apat na elemento ng komunikasyon

1. Painagmumulan2. Mensahe3. Tsanel4. Tagatanggap

Ayon kay Berlo, apat ang elemento ng Komunikasyon1. Pinagmumulan ng mensahe maaring isang tao, grupo ng mga tao, tagapagsalita o tagapanayam kung may pulong o seminar, professor sa loob ng klase o estudyante na nagpapaliwanag. Maaari ring isang brodkaster, sa radio o telebisyon. Manunulat sa isang pahayagan o magasino o aklat o anumang babasahin o karaniwang usapan ng mag-ama o mag-ina o mag-pamilya.2. Mensahe anumang ideya, opinion, kaisipan: maaaring ito ay nagtuturo, nagpapatawa, nagbibigay ng impormasyon formal o di-formal.3. Tsanel o daluyan ng mensahe saan dumdaan ang mensahe, gaya ng fax machine, celfon, telepono, radio, telebisyon, advertisement, sulat, e-mail, senyas, anumang daanan, verbal o di-verbal. Tinaggap ang mensahe sa pamamagitan ng pagbasa ,sa pakikinig, paningin, pandama at iba pa.4. Tagatanggap ng mensahe ang taong tumatanggap at nagpapakahulugan ng mensahe. Halimbawa : ang taong nakabasa ng pahayagan, paano tinanggap ang mensahe, ang taong nakarinig, paano tinanggap ang narinig na mensahe; ang taong nakapanood, ano ang reaksyon sa pagpapakahulugan ng mensahe.

SiWilder Schramaay nagsasabing tatlo rin ang elemento ng komunikasyon.

1. Ang pinanggalingan2. Ang mensahe3. Ang distinasyon

Ayon kay Wilder Schrama

1. Ang Pinanggalingan - Halimbawa: taong nagsasalita, sumusulat, gumuguguhit, palimbagan, estasyon ng radio at telebisyon o mula sa tanghalian.2. Ang Mensahe Halimbawa: porma ng tinta sa papel, usok buhat sa siga, tunog ng tambol o kampana, tunog na dala ng hangin, kampaw ng kamay, bandilang iwinawagayway, kodigong morse.3. Ang Distinasyon Halimbawa: taong nakikinig, nanonood o nagbabasa, pangkat ng nagtatalakayan, pangkat na nakikinig sa panayam, pangkat na nanonood ng basketball, nagbabasa ng pahayaganm nanonood n gtelebisyon, nakikinig sa radio at iba pa.

Modelo ni Swanson at Marquard

Ayon naman kay Richard Swanson at Charles Marquard, 1974limaang sangkap ng komunikasyon.

1. Pinanggalingan mensahe (sumulat/nagsasalita).2. Ideya o mensahe3. Kodigo (Wika, kumpas, ekspresyon ng mukha).4. Paraang paghahid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad).5. Tumanggap ng mensahe (bumasa o nakinig) Pinanggalingan ng mensahe.

Layunin pagbibigay ng kabatiran, manghikayat, manlibang o magbigay aliw.

Ang modelo ay maaring maipakita ang kabuuan sa pamamagitan ng ilustrasyong ito.

May anim (6) na mahalagang elemento sa proseso ng komunikasyon: ang tagabigay, ang mensahe, ang daluyan o daanan ng mensahe, ang tagatanggap, ang tugon at ang mga maaaring sagabal sa komunikasyon.

Mga Batayang Kaalaman sa at mga Teorya ng DiskursoAno nga ba ang diskurso? Si Webster (1974) ay may ibat ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya,ang diskurso ay tumutukoysa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon. Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay higit na mapagtutuunan ang mga ito. Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.Ano ang komunikatib kompitens? Tinukoy ito ni Noam Chomsky sa kanyang mga huling akda bilang pragmatik kompitens o kahusayang pragmatiko na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal. Ang konseptong ito ay tinatawag din minsan bilang sosyolinggwistiks. Ang kompitens na ito ay nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o rehistro at kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo: ang tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may kohisyon at organisasyon, at ang ilukyusyonari kompitens o ang abilidad na magamit ang wika para saideation, manipulasyon, heuristik (halimbawa, pagkatuto olearning) at imahinasyon.Ano naman ang linggwistik kompitens? Ito naman angmental grammarng isang indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng maraming linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman na gramatikal kompitens, na para sa kanya ay nagsasangkot ng di-konsyus na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo.Konteksto ngDiskursoAng isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.Halimbawa:Konstekstong Interpersonal usapan ng magkaibiganKontekstong Panggrupo pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaralKontekstong Pang-organisasyon memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyadoKontekstong Pangmasa pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botanteKontekstong Interkultural pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansangASEANKontekstong Pangkasarian usapan ng mag-asawaNgunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung tutuusin kasi, ang hangganan ng konteksto ng isang diskurso ay abstrakto at mahirap uriin. Pansining laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob ng diskursong panggrupo at organisasyunal. Ang diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral sa tuwing ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto. Samantala, kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-ibang kultura, nagkakaroon ng diskurso sa kontekstong interkultural.Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyawna PagtalakayAng mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay maaaring maging susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong upang tayo ay maging konseptwal at prediktib. Samakatwid, ang isang tao ay maaaring makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga saliksik ng mga teorista.Ngunit kailangang isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa ay may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan. Bilang mga mapanuring mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong suriin nang kritikal ang mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa.Pinakapopular na marahil sa mga teoryang ito angspeech act theoryat angethnography of communication.Angspeech act theoryay isang teorya ng wikang batay sa aklat naHow to DoThings with Wordsni J.L. Austin (1975). Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay isangmode of actionat isang paraan ng pagko-conveyng impormasyon. Wika nga ni John Seale,All linguistic communication involves linguistic acts. Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag naspeech acts.Hinati ni Austin ang mga aktong linggwistik na ito sa tatlong komponent. Ang una ay ang aktong lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikalawa ay ang aktong ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ang ikatlo ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa damdamin, pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging ng ibang tao. Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalaway may pwersa at ang ikatloy may konsikwens.Samantala, angethnography of communicationay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad. Halimbawa, kung nais natingpag-aralan angglossolalia(speaking in tongues) na karaniwang makikita sa mga Kristyanong sekta, kailangan nating dumalo sa mga pagtitipon ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa kanila at kung maaariy maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo magiging pamilyar sa konteksto ngglossolaliaupang maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito.May ibat ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant- obserbasyon:1. Introspectiono ang paggamit ngintuition,2. Detached Observationo ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,3. Interviewingo ang istraktyurd na interaksyong berbal sa mga myembro ng komunidad,4. Philologyo ang paggamit ng mga pasulat na materyales,5. Ethnosemanticso ang pag-aaral ng mga kahulugang kultural,6. Ethnomethodologyo ang detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwista, at ang7. Phenomenologyo ang pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang penomenolohikal.Sa website nahttp://www.mcgraw-hill.com, pahapyaw na tinalakay ang iba pang mga teorya. Dalawa sa mga ito ay angcommunication accomodation theoryat ang teorya ngnarrative paradigm.Sacommunication accomodation theory, sinusuri ang mga motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon. Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjustang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba. Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan:divergenceatconvergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking etniko ay madalas na gumagamit ngdivergenceupang ihaylayt ang kanilang identidad. Samantala, angconvergenceay nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sasocial approval. Ang gumagawa nito madalas ay mga indibidwal na walang kapangyarihan.Angnarrative paradigmnaman ay naglalarawan sa mga tao bilang mgastorytelling animals. Ang teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng mabuting katwiran ay nagmumungkahi na husgahan ang kredebilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya. Isang demokratikong paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng paghuhusga batay sa kohirens at pideliti.Ponolohiya (Phonology) -Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in Speaking)1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling)2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal)3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are considered as resonators.)

Ponolohiya ng FilipinoPONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog.

Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang patinig"katinig means consonant and patinig means vowel"

Mga katinig:Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, MPangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, TPanggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, SPangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, WPasutsot (sounds produced by exhaling) - HMga Patinig:A, E, I, O, U

Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.

Halimbawa (Example):aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy.

Halimbawang salita (Example word):bahaw, bahay, okoy, baliw

Morpolohiya (Morphology) - pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.

Morpema - pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat o panlapi.

Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko (Types of Morphophonemic Change)1. Asimilasyon (Assimilation) - pagbabagong nagaganap sa huling posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na ponema. Kung ang ponemang pang ay ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging m.Halimbawa:pang + balabal = pambalabalpang + panitikan = pampanitikanpang + kuha = panguhapang + tabas = pantabas2. Metasis - ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y pag nilagyan ng panliping (in) ay nagkakapalit ng posisyon.Halimbawa:in + layo = nilayoin + yakap = niyakap3. Pagpapalit ng ponema - kapag ang ponema ay nasa unahan ng salitang (d) ito ay karaniwang napapalitan ng ponemang (r) kapag ang huling ponema ng unlapi ay patinig.Halimbawa:ma + damot = maramotma + dungis = marungis4. Paglilipat-diin - ang mga salita ay nagbabago ng diin kapag nilalapian.Halimbawa:basa + hin = basahinlaro + an = laruan5. Pagkakaltas ng ponema - nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag nilalagyan ng hulapi.Halimbawa:takip + an = takipan - takpansara + han = sarahan - sarhan

May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.

1.Ponemang segmental

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Halimbawa:ba: tah - housedresstub: boh - pipeba: ta? - childtub: bo? - profit

c) Ang ponemang patinig aylima: a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:babae - babaikalapati - kalapatelalaki - lalakenoon - nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:uso - modernmesa - tableoso - bearmisa - mass

2.Ponemang Suprasegmental

Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa :sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa:1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.

MORPOLOHIYA AT MORPEMA

Ang Morpolohiya at ang Morpema

MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ngpagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupat kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng ibat ibang morpema.

Katuturan ng Morpema

Galing ang salitang morpema sa katagangmorphemesa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego morph(anyo o yunit) +eme(kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }. Ang salitang makahoy, halimbawa ay may dalawang morpema: (1) ang unlaping {ma-} at ang salitang-ugat na {kahoy}. Taglay ng unlaping {ma-} ang kahulugang marami ng isinasaad ng salitang-ugat. Sa halimbawang salitang makahoy, maaaring masabing ang ibig sabihin nitoy maraming kahoy. Ang salitang ugat na kahoy ay nagtataglay rin ng sariling kahulugan. Ito ay hindi na mahahati pa sa lalong maliliit na yunit namay kahulugan. Angkaathoy, ay mga pantig lamang na walang kahulugan. May pantig na panghalip na ka sa Filipino, gayundin naman ng pantawag nahoy,ngunit malayo na ang kahulugan ng mga ito sa salitang kahoy. Samantala, pansinin ang salitangbabae, bagamat may tatlo ring pantig na tulad ng mabait, ay binubuo lamang ng iisang morpema. Hindi na ito mahahati pa sa maliit na yunit o bahagi nang hindi masisira ang kahulugan. Hindi morpema ang mga sumusunod na maaaring makuha sa babae: be, e, baba, bae, bab, aba, abab, at ab. Maaaring maibigay tayong kahulugan sa baba at aba ngunitgayang naipaliwanag na, malayo na ang kahulugan ng mga ito sa babae.

Uri ng Morpema

May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang pangungusap sa ibaba.

Magaling sumayaw si Rik kaya siya ay nanalo sa dance olympic.

1.Mga morpemang may kahulugang leksikal.Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita. Halimbawa sa pangungusap sa itaas, ang mga salitang magaling, sumayaw, Rik, siya, nanalo, dance at olympic ay nakakatayo nang mag-isa dahil nauunawaan kung ano ang kanilang mga kahulugan. Kabilang sa uring ito ang mga salitang pangngalan, pandiwa, pang-uri at mga pang-abay. Tulad ng mga sumusunod:

Pangngalan: Rik, dance, olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter Panghalip: siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko, mo Pandiwa: sumayaw, nanalo, mag-aral, kumakanta, naglinis Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami Pang-abay: magaling, kahapon, kanina, totoong maganda, doon

2.Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian.Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap. Tulad ng halimbawang pangungusap sa itaas, ang mga salitang si, kaya, ay at sa ay hindi makikita ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap kung wala pang ibang salitang kasama. Ngunit ang mga salitang ito ay malaking papel na ginagampanan dahil ang mga ito ay nagpapalinaw sa kahulugan ng pangungusap. Hindi naman maaaring sabihing,Magaling sumayaw Rik siya nanalo dance olympic.Kasama sa uring ito ang mga sumusunod:

Pang-angkop: na, -ng Pangatnig: kaya, at, o saka, pati Pang-ukol: sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay Pananda: ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina

Anyo ng Morpema

May tatlong anyo ang morpema. Makikilala ang mga morpemang ito batay sa kanyang anyo o porma. Ito ay maaaring ayon sa mga sumusunod:

1.Morpemang ponema.Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang kasariang pambabae. Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa:

Doktora - {doktor} at {-a} Senyora - {senyor} at {-a} Plantsadora - {plantsador} at {-a} Kargadora - {kargador} at {-a} Senadora - {senador} at {-a} Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang {-a} na ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra. Ang mga salitang ito ay binubuo lamang ng tig-iisang morpema, {maestro} at {maestra}. Ang mga ponemang {-o} at {-a} na ikinakabit ay hindi mga morpema. Dahil wala naman tayong mga salitang {maestr} at sasabihing morpemang {-o} at {-a} ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng kasariang panlalaki at ganoon din sa pambabae. Tulad din ng sumusunod na mga salita na may iisang morpema lamang:

bombero - na hindi {bomber} at {-o} o {-a} kusinero - na hindi {kusiner} at {-o} o {-a} abugado - na hindi {abugad} at (-o} o {-a} Lito - na hindi {lit} at {-o} o {-a} Mario - na hindi {mari} at {-o} at {-a}

2.Morpemang salitang-ugat (su).Ang mga morpemang binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. Tulad nito:

tao silya druga payong jet pagod tuwa pula liit taas basa laro aral kain sulat

3.Morpemang Panlapi.Ito ang mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kayat bawat isa ay isang morpema. Halimbawa, ang panlaping {um-}/{-um-} ay may kahulugan pagganap sa kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang {um-} ay nangangahulugang gawin o ginawa ang kilos ng pag-awit. Tulad ng mga sumusunod:mag-ina - {mag-} at {ina} maganda - {ma-} at {ganda} magbasa - {mag-} at {basa} bumasa - {-um-} at {basa} aklatan - {-an} at {aklat} pagsumikapan - {pag-, -um-, -an} at {sikap}

PABBABAGONG MORPOPONEMIKO

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko1.Asimilasyon -kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa/ d, l, r, s, t/, angpanlapingpang-ay nagigingpan-. Ito ay nagigingpam-namankapag ang kasunod na tunog ay alinman sa /b, p/.Paalala:Nananatilinngpang-kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na /k,m, n, ng, w, y/ o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - )kapagang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.Halimbawa:Pang + lunas = panglunas - panlunasPang = baon = pangbaon - pambaonPang + kulay = pangkulayPang + isahan = pang - isahan2.Pagkakaltas- sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ngsalitaHalimbawa:Sunod + in = sunodin - sundinTakip + an = takipan - takpanDala + han = dalahan - dalhan3.Maypalit- may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ngsalita. Nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ay nasa pagitan ng dalawang patinig.Halimbawa :Ma + dami = madami - maramiBakod + bakudan - bakuran4.Pagpapaikli ng salita- Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.Halimbawa :Hinatay ka =Tayka - tekaTayo na = Tayna - tena, tanaWikain mo = Ikamo - kamoWika ko = ikako - kakoSintaks - PangungusapSintaks - kombinasyon nga mga salita upang makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng mga prase upang ito ay makabuo ng pangungusap. Ito ay may dalawang bahagi, linear at hierarchical.

Pangungusap - ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.

Mga Bahagi ng Pangungusap

Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.

Halimbawa: Siya ay maganda.Siya - simunomaganda - panaguri

Uri ng pangungusap ayon sa gamit

1. Pasalaysay (Declarative sentence) - o ang tinatawag din na paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.).

2. Patanong (Interrogative sentence) - ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

3. Pautos (Imperative sentence) kung ang pangungusap ay nag-uutos at Pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap (.).

4. Padamdam (Exclamatory sentence) - ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).Mga Kayarian ng PangungusapPayak - ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

Tambalan - Ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap

Hugnayan - Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Langkapan - Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.

Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap

- Payak na Simuno at Payak na PanaguriHalimbawa: Si Lorna ay maganda.

- Tambalang Simuno at Payak na PanaguriHalimbawa: Si Lorna at Maria ay magaganda.

- Payak na Simuno at Tambalang PanaguriHalimbawa: Si Lorna ay mabait at maganda.

- Tambalang Simuno at Tambalang PanaguriHalimbawa: Si Lorna at Maria ay mababait at magaganda.

- Isang sambita na may patapos na himig sa duloHalimbawa: Umuulan! ; Sunog!

Ayos ng Pangungusap

Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos.

1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain.Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.

Mga HalimbawaPunung-puno ng ibat ibang damdamin / ang musika.Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

Ang Punung-puno ng ibat ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.

2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusapIto ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay.

Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri.

Mga HalimbawaAng musika / ay punung-puno ng damdamin.Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

Panandang Kohesyong Leksikal-pag-uulit at pagbibigay kahulugan sa salita o parirala sa loob ng pangungusap.

Mga uri ng panandang leksikal:1. Pag-uulit na kohesyong leksikal2. Pagpapakahulugan (depinisyon)3. Pagbibigay ng kasingkahulugan na kohesyong leksikalAno ang mga uri ng sugnay. Mga uri ng panandang leksikal: 1. Pag- uulit na kohesyong leksikal 2. Pagpapakahulugan (depinisyon) 3. ...Ano ang mga uri ng kohesyong leksikal? Mga uri ng panandang leksikal: 1. Pag-uulit na kohesyong leksikal 2. Pagpapakahulugan ... ... Pag-uulit na kohesyong leksikal 2. Pagpapakahulugan (depinisyon) 3. Pagbibigay ng kasingkahulugan na kohesyong leksikal. Ano ang mga uri ng ... mga panandang kohesyong gramatikal 6 . Ekonomiya at Globalisasyon Tekstong Deskriptiv (Technical) Mga panandang leksikal 7. .... layon ( ano ang nais sabihin ), paraan ng pagkakasulat ( pagbubuo ng ... Pagkilala sa tiyak na uri ng texto ( ekspositori, narativ, impormativ, ... ano ang 7 kohesyong leksikal live help Halibawa ng panandang kohesyong leksikal? kohesyong leksikal? Mga Uri ng ... ano-ano ang mga halimbawa ng unlapi ... Ano ang mga uri ng kohesyong leksikal_Brother Q & APagbibigay ng kasingkahulugan na kohesyong leksikal Ano ang mga uri ng sugnay. Mga uri ng panandang leksikal: 1. Pag- uulit na kohesyong lekskohesyong leksikal?. Live Guide will help you on MaybeNow ... ng halimbawa ng kohesyong gramatikal. mga uri ng panandang kohesyong leksikal . ... Ano ang ibig sabihin ng grid? and Ano ang kahulugan ng physiocrats? ... kohesyong leksikal. Ano ang mga uri ng nobela? ang mga uri ng nobela ay ang pwet ni patuga. Ano ang mga uri ng tula? ... kohesyong lek. ... Web Search Halimbawa Sa Mga Ito Ay Ang Mga Uri Ng Dulang ... uri ng mag bigay nang halimbawa ng uri ... Ano ang panandang leksikal? Mag bigay halimbawa ng panandang . ...

KOHESYONG LEXIKAL1. inuulit na salita -inuulit sa pangalawang pangungusap ang isang salita sa unang pangungusap2. singkahulugan- kapareho ang kahulugan sa dalawang salita3. kasalungat na kahulugan- magkaiba ang kahulugan ng dalawang salitang ginagamit sa mga pangungusap4. ibang porma ng salita -tukuying isang salitang naunang binanggit5. kolokasyon -magkapares ang mga salita at madalas ito ginagamit sa mga panunulat o pag-uusap6. inumerasyon -gumagamit ito ng numero o bilang7. tansisyon - ?