27

Tungkulin ng Wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Tungkulin ng Wika
Page 2: Tungkulin ng Wika

Ang Tungkulin ng Wika

Page 3: Tungkulin ng Wika

Zdenek SALZMANNMichael Alexander Kirkwood HALLIDAYRoman JAKOBSONW.P. ROBINSON Frank SMITH

pangkalahatang gamit ng wikanapapakilos o napagagalaw ng wika ang

lahat ng bagay sa mundo

Page 4: Tungkulin ng Wika

SALZMANNLanguage, Culture, and Society (1993)

Page 5: Tungkulin ng Wika

SALZMANNLanguage, Culture, and Society (1993)

Page 6: Tungkulin ng Wika

- Para sa mga hayop, importante ito sa kanilang survival ngunit sa tao, higit pa sa survival ang tungkulin ng wika- kalawakan ng saklaw ng wika ng tao- antas ng kakayahang maituro sa iba

Page 7: Tungkulin ng Wika

ROMAN JAKOBSON

i. Kognitibo/Reperensyal/Pangkaisipan – pagpaparating ng mensahe at impormasyon.

ii. Conative – paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.

iii. Emotive – pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.

iv. Phatic – pakikipagkapwa-tao

v. Metalinggwal – paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan.

vi. Poetic – patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.

Page 8: Tungkulin ng Wika

W.P. Robinson i. Estetiko – paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.

ii. Ludic – Pagtutugma- paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan- pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito

iii. Pag-alalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao– paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita- mga ritwal sa wika- wika bilang kagandahang – asal

iv. Pag-alalay sa iba – Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin ng iba– paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin o obligasyon

Page 9: Tungkulin ng Wika

W.P. Robinson v. Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin

vi. Pagpapahayag ng sarili– Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin– tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam - di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog

ng tinig

vii. Pagtatakda sa tungkulin o papel sa lipunan– paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao– mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba (G. Gng.

Bb…)

viii. Pagtuturo – Paggamit ng wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at kasanayan.

ix. Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay

Page 10: Tungkulin ng Wika

W.P. Robinson x. Pagtatanong at Panghuhula

– Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto- pagbuo ng haraya (imagining)- pagpapasubali (supposing)

xi. Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistikaa) PagkilalaPagkilala (identification)

– pagkilala at pagpapahayag ng kaibhan at pagkakatulad ng mga bagay

b) PagbuoPagbuo (organization)– pag-uuri-uri at pagbibigay – katuturan sa mga

kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay.

Page 11: Tungkulin ng Wika

MICHAEL A.K. HALLIDAY

Kinategorya niyaang wika bataysa mga tungkulin nitosa ating buhay

Explorations in the Functions of Language

Page 12: Tungkulin ng Wika

1. Interaksyunal pagtatatag, pagpapanatili, pagpapatatag ng relasyon sa

kapwa tao

PHATIC COMMUNIONPHATIC COMMUNION: mga di-pinupuna o walang kabuluhang

pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay

(channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.

tumutukoy ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili

ang mga lipon o grupo

Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng

gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay

sa iba.

Page 13: Tungkulin ng Wika

1. Interaksyunal Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng

wastong pag-uugali , wastong pagsasabi sa wastong paraan

at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian

Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging

malaswang salita sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga

pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa

sa pagkadulas sa pangyayari.

HalimbawaHalimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro,

panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap,

atbp.

Page 14: Tungkulin ng Wika

2. Instrumental Ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan

Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari /

maganap ang mga bagay-bagay

Pinababayaan ng wikang pagalawin (manipulate) ng

tagapagsalita ang kanyang kapaligiran

Pakikiusap o paguutos

HalimbawaHalimbawa: Mga bigkas na ginaganap (performative

utterances) – pagpapangalan/pagbabansag,

pagpapahayag, pagtaya. Iba pang mga halimbawa ay

pagmumungkahi, panghihikayat, pagpilit.

Page 15: Tungkulin ng Wika

3. Regulatori Pag-alalay sa mga pangyayaring nagaganap (maintenance of

control)

Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat at hindi

dapat gawin

itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa,

nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay

ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay

at pag-abala (disrupt) sa kilos ng iba.

HalimbawaHalimbawa: pagbibigay direksyon, paalala o babala, pag-

ayon, pagtutol, pagtatakda ng mga tuntunin at

alintuntunin sa paglalaro

Page 16: Tungkulin ng Wika

4. Personal Pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon sa anyo ng mga

padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng

maingat na pagpili ng salita, pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng

damdamin.

May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila

Malaya ang sinuman magbuka ng kanilang bibig o hindi, magsabi

ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung

paano sasabihin ang kanilang sasabihin.

HalimbawaHalimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura,

pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin, talakaying

impormal at d-pormal, kolum at komentaryo sa dyaryo

Page 17: Tungkulin ng Wika

4. PersonalTotoong may gamit na personal ang wika

ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo.

Sa gamit na ito, nagsasama-samang

gumagalaw sa mga paraang walang

nakaaalam ang wika, ang isipan, ang

kalinangan/ kultura at ang katauhan/

personalidad.

Page 18: Tungkulin ng Wika

5. Imahinatibo Pagpapahayag ng imahinasyon samalikhaing paraan

Nakabubuo ng isang sistema ng haraya, maging mga akdang

pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang

pangarap (utopian visions) at pag-iisip ng walang magawa

HalimbawaHalimbawa: Para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang

tunog; pag-iingay ng sanggol, pag-awit ng isang mang-

aawit, pagtutula ng makata, mga larong pangwika,

paggamit ng mga tayutay, idyoma, sagisag, at

simbolismo, mga akdang pampanitikan tulad ng nobela

at maikling katha

Page 19: Tungkulin ng Wika

5. Imahinatibo Pinapansin ‘di lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga

posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig

Paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa o nakikita sa

telebisyon at sine, pakikinig sa radyo, cd player, MP3 player

(vicarious experience)

Tinutugunan ang maraming estetiko at artistikong

pangangailangan (urges)

Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito

ng artistikong paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong isang

susi sa mga pagkakataon sa paglikha at pagtakas sa

katotohanang ipinahihintulot nito.

Page 20: Tungkulin ng Wika

6. Heuristik Paghahanap o paghingi ng impormasyon

Batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina

Nakakamit lamang sa pamamagitan ng Pormal na Edukasyon

MetalanguageMetalanguage – isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na

naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian,

pagbabago, pangungusap, atbp.

HalimbawaHalimbawa: pagtatanong tungkol sa kalikasan ng daigdig at pabuo

ng mga posibleng sagot, pagbubuo ng konklusyon,

pangangatwiran, paggawa ng hypothesis, pagbibigay

katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna,

pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di-

pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya.

Page 21: Tungkulin ng Wika

7. Impormatib/Representasyunal

Pagbibigay impormasyon

May mga tuntunin sa pagpapalitan ng impormasyon:

i. dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat

gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig

ii. hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong ibinibigay

iii. at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang

misrepresentasyon at kalalabisan.

HalimbawaHalimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag,

paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/maling

impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag

Page 22: Tungkulin ng Wika

7. Impormatib/Representasyunal

Mayroon ding pagkakataong

naiiba (idiosyncratic view) ang

pananaw ng isang tao, maaaring

ituring na naiiba (peculiar) ang

mga bigkas na nagsasaad ng

pagkatawan sa daigdig.

Page 23: Tungkulin ng Wika

Frank Smith1. Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na

karanasan sa komunikasyon.2. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi

nangangahulugan ng kasanayan sa iba pa.3. Hindi lamang isang tungkulin/gamit pangwika ang

naggagamit sa isang pagkakataon. Maaari ring dalawa o higit pa.

4. Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailanagn ng nagsusulat ang nagbabasa.

5. Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat). Madalas upang maging higit na mabisa ang komunikasyon, kinakailangang gamitin ang kumbinasyon ng wika at ng iba pang alternatibo tulad ng pagsasakilos, pagkumpas, pagsasalarawan at ekspresyon ng mukha.

Uses of Language (1997)

Page 24: Tungkulin ng Wika

“Language is a system of

communication that enables humans to

cooperate.”

Ayon sa Wikipedia

Page 25: Tungkulin ng Wika
Page 26: Tungkulin ng Wika

Maraming Salamat Po! ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆ ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆Jo☆☆☆☆☆☆☆Jai☆☆☆☆☆☆Ayn☆☆☆☆☆Ness☆☆☆☆☆Mich☆☆☆Denise☆