12
Ayon kay Henry Gleason Ang wika ay masistemang balangkas ng isinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.” Universal o Panlahat na Katangian ng Wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas – anumang wika sa daigdig ay sitematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Ang lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema ( makahulugang tunog)

kASAYSAYAN NG WIKA

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: kASAYSAYAN NG WIKA

Ayon kay Henry Gleason

“Ang wika ay masistemang balangkas ng isinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”

Universal o Panlahat na Katangian ng Wika

1. Ang wika ay masistemang balangkas – anumang wika sa daigdig ay sitematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.

Ang lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.

Ponema ( makahulugang tunog)

Morpema (pagsasama-sama ng mga tunog – hal. salitang-ugat, panlapi at kataga)

Sintaksis / Palaugnayan ( pagsasama-sama ng mga salita --- pangungusap)

Page 2: kASAYSAYAN NG WIKA

2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang anumang tunog na may kahulugan ay maituturing na wika.

16 na katinig + 5 patinig = 21 na Ponema

3. Ang wika pinipili at isinasaayos. Hindi maaaring ipagpilitan ang paggamit ng isang wika kapag hindi mauunawaan ng kausap.

4. Ang wika ay arbitraryo. Ang bawat lipunan ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang lipunan, gayundin ang bawat tao sapagkat may sarili itong katangian, kakayahan, at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba.

5. Ang wika ay ginagamit. Kasangkapan ng komunikasyon kaya kailangang patuloy na ginagamit.

6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura sa mundo.

English Filipino Filipino English

Glacier BigasIcebergs Yelo o Nyebe Palay RiceFrozt Kaninhailstorm

Eow Poh..jajaja..

Wud? Jejejeje..

JEJEMONS JEJEBUSTERS

Page 3: kASAYSAYAN NG WIKA

MGA

eorya ng inagmulan ng ika

1. Teoryang Bow-wow. Ang wika raw ay mula sa panggagaya ng tunog sa mga tunog ng kalikasan.

Hal. Aso - aw-awPusa - miyaw-miyawTuko - tuko

2. Teoryang Pooh-pooh. Di sinasadyang napabulalas ang mga tao at nakakalikha ng mga tunog bunga ng masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, atbp.

Hal. Aray - sakit

3. Teoryang Yo-he-ho. Ang tao ay natututong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.

Hal. Aargh o Ahhh - nagbubuhat ng mabibigat na bagayYa! - sumusuntok o nangangarate.

4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Ang wika raw ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng tao sa mga ritwal (pakikidigma, pagtatanim, pag-aani..atbp) na kalaunan ay nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

5. Teoryang Ta-ta. Ang kumpas o galaw raw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunan ay magsalita.

Hal. Ta-ta (French) - paalam o goodbye

6. Teoryang Ding-dong. Magkahawig sa teoryang bow-wow ngunit hindi limitado sa tunog ng kalikasan lamang kundi sa lahat bagay-bagay sa paligid.

Hal. Ding-dong - kampanaTsu-tsu Tsug-tsug - tren

Page 4: kASAYSAYAN NG WIKA

Tik-tak - relo

Page 5: kASAYSAYAN NG WIKA

TUNGKULIN NG WIKA

(Eplorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday, 1973)

KATANGIAN NG TUNGKULIN NG WIKA

HALIMBAWA

Pasalita Pasulat

Nakapagpapanatili / nakapagpapatatag ng realsyong

sosyal.

PangungumustaPagpapalitan Kuru-kuro o Biro

Liham-pangkaibigan

Tumutugon sa mga pangangailangan.

PakikiusapPag-utos

Liham-pangangalakal

Kumukontrol / gumagabay sa kilos / asal ng iba.

Pagbibigay ng DirekdyonPaalala o Babala

Panuto

Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

Pormal / Di-pormal na Talakayan

Liham sa Patnugot

Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing

paraan.

PagsasalaysayPaglalarawan

Akdang Pampanitikan

Naghahanap ng mga impormasyon / datos.

PagtatanongPakikipanayam

SurveyPananaliksik

Nagbibigay ng impormasyon / datos.

Pag-uulatPagtuturo

UlatPamanahong Papel

Page 6: kASAYSAYAN NG WIKA

KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Instrumento ng Komunikasyon

2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman

3. Nagbubuklod ng Bansa

4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

ANTAS NG WIKA

A. PORMAL

1. Pambansa. Mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika , pambalarila sa paaralan, wikang ginagamit ng pamahalaan, at itinuturo sa mga paaralan.

Hal. Kapatid, ina , ama at bahay

2. Pampanitikan o Panretorika. Mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan, at karaniwang matatayog, malalim, makulay at masining.

Hal. Kapusod, ilaw ng tahanan, haligi ng tahanan at tahanan

B. IMPORMAL

1. Lalawiganin. Mga salitang gamitin sa mga tanging pook o lalawigan lamang.

Hal. bangko, lamesa, kawatan, kwarta at buang

2. Kolokyal. Mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Karaniwang may kagaspangan nang kaunti at pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita.

Hal. piyesta – pista kailan - kelan nandoon – nandun mayroon - meron

3. Balbal (slang). Mababang antas na wika na karaniwang nagmumula sa pangkat-pangkat na naglalayong magkaroon ng sariling codes o kodigo .

Hal. ihi – jingle pulis – parak/lespu Sigarilyo – yosi probinsyano - promdi

Page 7: kASAYSAYAN NG WIKA

KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA SA PILIPINAS

“...dumating na ang panahon sa atin upang magkaroon ng isang pambansang wika...hangga’t hindi nagkakaroon niyon, tayo’y hindi magiging isang bayan.”

Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Pambansa

Wikang Pambansa

- Wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit nito sa pamamahala at pakikipag-uganayan sa mga taong sakop nito.

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Wikang Pambansa

1. Bigkis ng pagkakaisa.2. Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.3. Kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.4. Ugat ng nasyonalismo.5. Kaluluwa ng bayan.

Apat na Hakbang sa Pagpapalanong Pangwika

1. Pagpili ng wikang saligan.

Batayan sa Pagpili ng Batayang Wika:a. Higit na maunlad na istrukutura.b. May mekanismo.c. Mabisang nagagamit sa panitikan.d. Tinatanggap at ginagamit ng nakararaming Pilipino.

2. Kodipikasyon ng porma o anyo ng napiling wikang saligan.(paglalahad ng deskripsyon ng kayarian, tuntunin ng wastong pagpapahayag, paghahanda ng diksyunaryo)

3. Pagpapaunlad at pagpapalaganap ng tungkulin ng wika upang ito ay matanggap at magamit ng taong bayan.

Page 8: kASAYSAYAN NG WIKA

Mahahalagang Batas, Kautusan, Proklama at Tanggapang Pampamahalaan na may kinalaman sa kaunlaran ng ating

wikang pambansa .

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935 ( Seksyon 3, Artikulo XIV) – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Nobyembre 13,1936 – Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa.

Surian ng Wikang Pambansa

Pangunahing Layunin: piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Mga Nahirang na Kagawad:

1. Jaime C. Veyra - (Visayang Samar) Tagapangulo2. Cecilio Lopez - (Tagalog) Kalihim at Punong Tagapagganap3. Santiago Fonacier - (Ilokano), Kagawad4. Filemon Sotto - (Visayang Cebu), Kagawad 5. Felix S. Salas Rodriguez - (Hiligaynon), Kagawad6. Casimiro Perfecto - (Bikol), Kagawad7. Hadji Butu - (Muslim), Kagawad

Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay. 

Disyembre 13, 1939 – nakapagpalimbag ng kauna-unahang Balarilang Pilipino si Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Pilipino).

Hunyo 19, 1940 -- sinimulan ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Page 9: kASAYSAYAN NG WIKA

Hunyo 4, 1946 -- nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

Agosto 13, 1959 -- ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

Saligang-Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Sek 6-9) – ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Enero taong 1987 -- batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas

Agosto 14, 1991 -- nalikha sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

   

Mga Sanggunian:

Bernales, Garcia, Abesamis, et al. 2002. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Valenzuela City: Mega-Jesta Prints, Inc.

http://wika.pbworks.com/Tungkol+sa+KWF