Upload
others
View
17
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
1
READY ANCHORAGE
AKING
PANG-EMERHENSIYANG
PLANO
PANGALAN: TELEPONO: MGA TALA:
Komisyonado ng
Pamamahala ng
Emerhensiya
Joseph J. Esposito
Ang patnubay na ito ay
ginagamit nang may permiso ng
NYC Emergency Management
Bersiyon ng Abril 2017
AKING IMPORMASYON
Mangyaring ilimbag. Sa pagtingin
bilang isang PDF, i-click ang mga lugar
na nilagyan ng highlight upang i-type
ang impormasyon.
Pangalan:
Address:
Telepono sa Araw:
Telepono sa Gabi:
Cell Phone:
Email:
1
3
May tatlong basikong hakbang upang
maging handa para sa emerhensiya:
GUMAWA NG PLANO
MAGTIPON NG
MGA SUPLAY
KUMUHA NG
IMPORMASYON
Isipin ang tungkol sa kung paano
maaaring makaapekto sa iyo ang mga
emerhensiya. Ang mga emerhensiya ay
maaaring mula sa mga pagkatumba
hanggang sa mga sunog sa bahay
hanggang sa mga lindol. Gamitin ang
patnubay na ito ngayon upang ilista
ang maaaring kailanganin mo sa
panahon ng emerhensiya.
Mangyaring kumpletuhin ang mga
seksyon na angkop sa iyong mga
pangangailangan.
2
GUMAWA
NG PLANO
LUMIKHA NG ISANG NETWORK NG
SUPORTA SA EMERHENSIYA
Huwag haraping mag-isa ang isang emerhensiya.
Pasamahin ang hindi bababa sa dalawang tao sa iyong
network ng suporta sa emerhensiya — mga miyembro
ng pamilya, kaibigan, kapitbahayan, tagabigay ng pag-
aalaga, katrabaho, o mga miyembro ng mga grupong
pangkomunidad. Tandaan, magagawa mong tulungan
at aliwin ang isa't isa sa mga emerhensiya.
Sa isang emerhensiya ang ating network ay dapat:
Manatiling nakikipag-ugnayan.
Alamin kung saan matatagpuan ang iyong mga suplay
na pang-emerhensiya.
Alamin kung paano patatakbuhin ang iyong kagamitang
medikal at tutulungan kang dalhin sa kaligtasan.
Mga kontak sa network ng suporta sa emerhensiya:
Pangalan/Relasyon:
Telepono (bahay/trabaho/cell):
Email:
Pangalan/Relasyon:
Telepono (bahay/trabaho/cell):
Email:
Pumili ng isang labas-ng-lugar na kaibigan o kamag-
anak na matatawagan ng pamilya o mga kaibigan kapag
may kalamidad. Kung ang mga lokal na linya ng
telepono ay abala, ang mga tawag na pangmalayong
distansiya ay maaaring mas madaling gawin. Itong
labas-ng-lugar na kontak ay makakatulong sa iyo na
makipag-ugnayan sa mga kasama sa inyong network.
Labas-ng-lugar na kontak:
Pangalan/Relasyon:
Telepono (bahay/trabaho/cell):
Email:
3
BUMUO NG PLANO
Impormasyong Pangkalusugan at Medikal
Gumawa ng plano na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan. Makipag-usap sa iyong (mga) doktor, parmasyutiko, at ibang mga tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iyong mga ispesipikong pangangailangan at kung paano tutugunan ang mga ito kapag may emerhensiya.
Gumawa ng litratong kopya ng iyong mga kontak sa emerhensiya at impormasyong pangkalusugan; panatilihin ito sa iyong pitaka o purse sa lahat ng oras.
Mahalagang impormasyong pangkalusugan at panligtas ng buhay:
Mga alerhiya:
Ibang mga kondisyong medikal:
Mahahalagang gamot at pang-araw-araw na
mga dosis:
Reseta ng salamin sa mata:
Tipo ng dugo:
Mga aparatong pangkomunikasyon:
Kagamitan:
Plano sa segurong pangkalusugan:
Gustong ospital:
Individual #/Group #:
Doktor/Espesyalista:
Telepono:
Doktor/Espesyalista:
Telepono:
Parmasya:
Address:
Lungsod:
Telepono/Fax:
4
GUMAWA
NG PLANO
BUMUO
NG PLANO (IPINAGPAPATULOY)
Ang mga emerhensiya sa pampublikong kalusugan ay
maaaring mula sa sukdulang init hanggang sa pagkalat
ng sakit. Ang mga panganib na ito ay makakaapekto sa
lahat. Kung magkaroon ng emerhensiyang
pangkalusuggan:
◼ Manatili sa bahay kung may-sakit.
◼ Kung ikaw ay may matindi o lumalalang mga sintomas,
pumunta agad sa pang-emerhensiyang silid ng ospital o
tumawag sa 911.
◼ Madalas na hugasan ang mga kamay ng sabon o
nakabase-sa-alkohol na panlinis.
◼ Manood ng lokal na TV at makinig ng radyo para sa
mga pahayag ng mga opisyal na pangkalusugan.
◼ Makipag-ugnayan
Isama ang komunikasyon sa Iyong Plano
Mag-ukol ng panahon ngayon kung paano ka
makikipag-usap sa mga kaibigan o mga
manggagawang pang-emerhensiya sa isang
emerhensiya. Sa isang emerhensiya, ang iyong
pangkaraniwang paraan ng pakikipag-ugnayan ay
maaaring maapektuhan ng mga pagbabago sa
kapaligiran, ingay, pagtigil ng serbisyo o mga
pagkalito. Sa iyong pang-emerhensiyang plano ay
dapat kabilang ang magkakaibang paraan ng
pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao.
◼ Kung ikaw ay bingi o nahihirapang makarinig,
magsanay ng mga panghaliling paraan upang ipabatid
ang iyong mga pangangailangan, tulad ng sa
pamamagitan ng mga muwestra, mga kard ng tala,
tekstong mensahe, o ibang mga paraan.
◼ Kung ikaw ay bulag o mahina ang paningin, maging
handa sa pagpapaliwanag sa iba kung paano
pinakamahusay na mabibigyan ka ng patnubay.
5
Makipag-ugnayan sa Ibang mga Tao
Isulat ang maiikling prase na makakatulong sa iyo sa
isang emerhensiya. Ang mga nauunang sinulatan na
kard o tekstong mensahe ay makakatulong sa iyo na
magbahagi ng impormasyon sa iyong network ng
suporta o mga tagatugon sa emerhensiya kapag may
isang matensiyon o hindi komportableng kalagayan.
Maaaring hindi ka magkaroon ng mahabang oras
upang maipabatid ang iyong mensahe. Sa mga prase
ay kabilang ang:
◼ Maaaring nahihirapan akong maintindihan ang
sinasabi mo sa akin. Mangyaring magsalita nang
dahan-dahan at gumamit ng mga simpleng pananalita
o larawan.
◼ Gumagamit ako ng isang aparato upang makipag-
ugnayan.
◼ Ako ay bingi at gumagamit ng American Sign Language.
◼ Mangyaring isulat ang mga direksiyon.
◼ Ako ay nagsasalita ng [ipasok ang wika sa ibaba].
Ang mga praseng isinulat mo nang maaga ay dapat
gamitin sa mga emerhensiya sa loob at labas ng iyong
bahay. Tiyakin na dala mo ito sa lahat ng oras. Kung
nahihirapan ka, humingi ng tulong sa pamilya, mga
kaibigan, o tagabigay ng pag-aalaga.
Nasa ibaba ang espasyo para sulatan mo ng iyong
mga sariling prase:
6
GUMAWA
NG PLANO
ALAMIN KUNG PAANO
LUMIKAS
Mga Lugar ng Pagkikita
Alamin kung saan ka makikipagkita sa pamilya, mga
kaibigan, o tagabigay ng pag-aalaga pagkatapos ng isang
emerhensiya. Pumili ng dalawang lugar upang magkita-
kita: isa sa mismong labas ng bahay at isa sa labas ng
iyong kapitbahayan, tulad ng isang aklatan, sentro ng
komunidad, o lugar ng pagsamba.
Gawing isang gawi ang pag-alam sa mga labasan tuwing
ikaw ay nasa isang bagong lokasyon (halimbawa,
shopping mall, restoran, sinehan).
Lugar ng pagkikita na
malapit sa bahay:
Address:
Lugar ng pagkikita sa labas
ng kapitbahayan:
Address:
Lokal ng presinto ng pulisya:
Telepono at address:
◼ Lumikas agad kung nanganganib ang iyong buhay.
◼ Lumikas agad kung nakaamoy ka ng gas, o nakakita ng
usok o apoy.
◼ Tumawag sa 911 kung kailangan mo ng pang-
emerhensiyang tulong.
◼ Tandaan na makinig sa lokal na istasyon ng radyo at
TV, para sa pinakahuling impormasyon sa emerhensiya.
7
Alamin Kung Saan ka Mananatili
Piliin ang mga kaibigan o pamilya kung saan ka
mananatili kung hindi ka makakatigil sa bahay.
Magagawa kong manatili sa:
Pangalan/Relasyon:
Address:
Telepono (bahay/trabaho/cell):
Email:
Pangalan/Relasyon:
Address:
Telepono (bahay/trabaho/cell):
Email:
Magpraktis na lumikas nang regular kasama ang mga
miyembro ng iyong sambahayan (kabilang ang iyong
mga pet at mga tagaserbisyong hayop) at isaalang-
alang ang iba't ibang kalagayan na maaaring kaharapin
mo, tulad ng mga nahaharangang landas o labasan.
Lahat ng residente ng mga gusaling may panlaban sa sunog ay hinihimok na gawin
ang mga sumusunod kung magkaroon ng sunog:
Kung ang sunog ay
nasa iyong
apartment:
◼ Umalis agad at
sarhan ang pinto sa
iyong likuran.
◼ Tumawag sa 911 sa
sandaling makalabas
ka sa apartment.
Kung ang sunog ay wala sa iyong apartment:
◼ Manatili sa iyong apartment.
◼ Tumawag sa 911; ipagbigay-alam sa opereytor na
ikaw ay naroon.
◼ Panatilihing nakasara ang iyong pinto. Kung ang usok
ay papasok sa iyong apartment, maglagay ng basang
tuwalya sa ilalim ng iyong pinto.
8
GUMAWA NG PLANO
ALAMIN KUNG PAANO LUMIKAS (IPINAGPAPATULOY)
Transportasyon
Maging handang gumawa ng ibang mga plano sa transportasyon kung ang iyong bus o ibang mga paraan ng transportasyon ay hindi tumatakbo. Magpatala sa Nixle, ang libre, opisyal na programang komunikasyon sa emerhensiya ng Anchorage, para sa impormasyon tungkol sa mga nangyayaring emerhensiya at mga pagbabago sa mahahalagang serbisyo ng Lungsod.
Panghaliling Bus:
Panghaliling paraan ng paglalakbay:
Iba:
Tatawag ako ng (kaibigan):
Telepono (bahay/trabaho/cell):
Serbisyo ng taksi:
Telepono:
Tandaan: Kung kailangan mo lumikas mula sa iyong bahay sa isang emerhensiya at kailangan ng tulong, mangyaring tumawag sa 911.
Kung ang isang utos na paglikas ay inilabas, lumikas gaya ng itinagubilin. Maglaan ng karagdagang oras ng paglalakbay at isaalang-alang ang iyong mga pangangailangan.
Huwag kalimutang dalhin ang iyong mga nakokontrol na pet.
Ang mga taong may kapansanan o ibang mga pangangailangan ng akses o pagganap na walang ibang mga mapipili upang ligtas na lumikas ay makakahiling ng tulong sa transportasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa 911.
Depende sa iyong pangangailangan, ikaw ay maaaring dalhin sa:
Isang madaling mapupuntahang sentro ng paglikas sa isang madaling magagamit na sasakyan, O
Isang ospital sa labas ng sona ng paglikas sa pamamagitan ng ambulansiya.
9
BUMUO NG
PLANO
Kung ikaw ay tinutulungan ng mga pang-
emerhensiyang serbisyo hindi ka makahihiling ng
transportasyon sa isang ispesipikong address.
Lumikas nang maaga kung umaasa ka sa mga
elebeytor upang makalabas ng iyong gusali. Ang mga
elebeytor ay maaaring hindi gumagana at maaaring
hindi nakahanda sa lahat ng oras.
Aking Planong Paglikas
Pagkanlong
Kung ang isang emerhensiya ay nag-aatas sa iyo na
lumikas o humahadlang sa iyo na manatili sa bahay,
isaalang-alang ang pagpunta sa isang hotel, bahay ng
isang kaibigan o kamag-anak o isang kanlungan.
Ang mga pang-emerhensiyang kanlungan ay
MAAARING itatag sa mga paaralan, mga gusali ng
Lungsod, at mga lugar ng pagsamba. Ang mga
kanlungan ay nagkakaloob ng BASIKONG pagkain,
tubig at mga suplay. Maging handang magdala ng
mga bagay na maaaring kailanganin mo, kabilang ang
espesyal na kagamitan (halimbawa, oksiheno, mga
pantulong sa mobilidad, mga baterya, atbp.). Ang
mga miyembro ng pamilya o mga miyembro ng iyong
network ng suporta sa emerhensiya ay maaaring
sumama sa iyo sa isang kanlungan.
Kung ikaw ay isang may-ari ng pet, ikanlong ang iyong
pet sa isang kennel o sa mga kaibigan o kamag-anak
sa labas ng lugar ng paglikas. Kung hindi mo magawa
ito, ang mga kanlungan ng pet ay itatatag, pagkatapos
ng unang paglikas. Mangyaring dalhin ang mga suplay
sa pangangalaga ng iyong pet, kabilang ang pagkain,
tali, pambuhat, at gamot.
Magdala ng mga suplay na panlinis ng iyong hayop.
Mga legal na pet lamang ang ipahihintulot. Ang
mga tagaserbisyong hayop ay laging
ipinahihintulot.
Ang mga kanlungan ay hindi ipinapasiya nang
nauuna dahil ang katangian ng mga kalamidad (mga
lindol, matinding panahon) ay ginagawang
imposibleng malaman kung ano ang magagamit
pagkaraan ng kalamidad.
10
MAGTIPON NG MGA SUPLAY
MAGHANDA NG ISANG GO BAG
Ang lahat sa iyong sambahayan ay dapat magkaroon ng isang Go Bag— isang kalipunan ng mga bagay na gusto mo kung kailangan mong umalis agad. Ang iyong Go Bag ay dapat na matibay at madaling buhatin, tulad ng isang backpack o isang maliit na maletang may mga gulong.
Markahan ang mga bagay na taglay mo na at idagdag ang kakailanganin mo:
Nakaboteng tubig at hindi nabubulok na pagkain, tulad ng mga granola bar.
Mga kopya ng iyong mahahalagang dokumento sa isang waterproof na sisidlan (halimbawa, mga kard ng seguro, mga kard ng Medicare/Medicaid, photo ID, katunayan ng address, mga sertipiko ng kasal at kapanganakan, mga kopya ng kredito at mga kard ng ATM)
Lente, hand-crack o pinatatakbo-ng-baterya na radyong AM/FM, at mga ekstrang baterya
Listahan ng mga gamot na ginagamit mo, bakit mo ginagamit ang mga ito, at ang mga dosis ng mga ito
Impormasyon sa kontak para sa iyong sambahayan at mga miyembro ng iyong network ng suporta
Pera, sa maliliit na bill
Masusulatan at pluma
Pamalit na kagamitang medikal (halimbawa, mga salamin, baterya) at pangkarga
Aerosol na mga kit ng pagkumpuni ng gulong at/o pambomba ng gulong upang kumpunihin ang flat na silyang may gulong o mga gulong ng scooter
Mga suplay para sa iyong tagaserbisyong hayop o pet (halimbawa, pagkain, ekstrang tubig, mangkok, tali, panlinis, mga rekord ng pagbakuna, at mga gamot)
Mga bitbiting pangkarga ng cell phone
Ibang mga personal na bagay:
11
1
12
READY NEW YORK
AKING
PANG-EMERHENSIYANG
PLANO
Office of Emergency Management
(Tanggapan sa Pamamahala sa
Emerhensiya) Department for the
Aging (Kagawaran ng Pagtanda)
Mayor’s Office for People with
Disabilities (Tanggapan ng Alkalde
para sa mga Taong May Kapansanan)
Michael R. Bloomberg, Alkalde
KIT NG UNANG LUNAS
TOO
TH
PA
STE
GRA
NO
LA B
AR
BA
TERY
A
BA
TERY
A
MAGTIPON NG MGA SUPLAY
BUMUO NG ISANG KIT NG PANG-EMERHENSIYANG SUPLAY
Sa ilang emerhensiya, tulad ng mga bagyo ng taglamig at mga alon ng init, maaaring kailangan mong manatili sa bahay. Ang isang kit ng pang-emerhensiyang suplay ay dapat magtaglay ng sapat na suplay para sa hanggang pitong araw.
Markahan ang mga bagay na taglay mo na at idagdag ang kakailanganin mo:
Isang galon ng inuming tubig kada tao kada araw
Mga hindi nabubulok, nakahandang kainin na mga de-latang pagkain, at isang manwal na pambukas ng lata
Kit ng unang lunas
Mga gamot, kabilang ang isang listahan ng mga gamot na ginagamit mo, bakit mo ginagamit ang mga ito, at ang mga dosis ng mga ito
Lente o pinatatakbo ng baterya na parol, pinatatakbo ng baterya na radyong AM/FM, at mga ekstrang baterya, o wind-up na mga radyo na hindi nangangailangan ng mga baterya
Mga glow stick
Pito o kampana
Pamalit na kagamitang medikal, kung posible (halimbawa, oksiheno, gamot, baterya ng scooter, mga pantulong sa pandinig, pantulong sa mobilidad, salamin, maskara sa mukha, guwantes)
Istilo at mga serial number ng mga aparatong medikal (tulad ng mga pacemaker) at mga tagubilin sa paggamit
Ibang mga bagay:
13
Isaalang-alang ang pagdagdag ng mga bagay na maaaring
kailanganin mo para sa mga emerhensiyang tulad ng mga bagyo
ng taglamig at mga alon ng init.
Mga suplay sa panahon ng taglamig:
Mga kumot, bag ng pagtulog, ekstrang diyaryo para sa insulasyon
Mga ekstrang mitten, medyas, bandana at sumbrero, kapote at
mga ekstrang damit
Ibang mga bagay:
Mga suplay sa mainit na panahon:
Magaan, maluwag na damit
Sunscreen (hindi bababa sa SPF 15)
Mga pang-emerhensiyang suplay sa paghahanda ng pagkain
kung mawala ang kuryente, tulad ng mga maitatapong plato,
baso, at iba pang gamit sa pagkain
Kung ikaw ay may sasakyan, isaalang-alang ang paggawa
ng isang kit ng pang-emerhensiyang suplay sa loob ng
kotse na kabilang ang:
Sako ng buhangin o kitty litter para sa pagkakaroon ng
traksiyon sa ilalim ng mga gulong, at isang maliit na pala
Set ng mga kadena ng gulong o mga mat ng traksiyon
Gumaganang jack at lug wrench, ekstrang gulong
Pangkaskas ng windshield at walis
Maliliit na kasangkapan (mga plier, wrench, screwdriver)
Mga booster cable
Matitingkad ang kulay na tela upang gamitin bilang bandera,
at mga flare o reflective triangle
14
15
MAGTIPON
NG MGA
SUPLAY
BUMUO NG ISANG KIT NG PANG-
EMERHENSIYANG SUPLAY (IPINAGPAPATULOY)
KIT NG UNANG LUNAS
BA
TERY
A
BA
TERY
A
MAGTIPON
NG MGA
SUPLAY
BUMUO NG ISANG KIT NG PANG-
EMERHENSIYANG SUPLAY (IPINAGPAPATULOY)
Mga Natatanging Pagsasaalang-alang
Isaalang-alang ang pagdaragdag ng mga bagay sa iyong
mga pang-emerhensiyang suplay na pinakaangkop sa iyong
mga pangangailangan, kabilang ang mga pangangailangan
sa pagkain at paggamot.
Kung umaasa ka sa elektrikal na kagamitang medikal, kontakin
ang iyong kompanya ng suplay na medikal para sa
impormasyon tungkol sa isang pamalit na pinagkukunan ng
kuryente.
Kung umaasa ka sa kuryente para sa kagamitang
nagpapatuloy ng buhay, itanong sa iyong kompanya ng
utilidad kung ang iyong pinatatakbo ng kuryente na
kagamitang medikal ay ginagawa kang kuwalipikadong
ilista bilang isang parokyano ng kagamitang nagpapatuloy
ng buhay. Habang ang pagpaparehistro ay isang
mahalagang hakbang, dapat kang magkaroon ng isang
pamalit na pinagkukunan ng kuryente, tulad ng isang
baterya o tangke ng oksiheno na hindi nangangailangan
ng elektrisidad.
Kung umaasa ka sa oksiheno, kausapin ang iyong tagasuplay
ng oksiheno tungkol sa mga pang-emerhensiyang pamalit.
Kung tumatanggap ka ng mga napakahalagang
paggamot, tulad ng dialysis o chemotherapy, kausapin
ang iyong tagapagkaloob tungkol sa kung paano ka
patuloy na makakatanggap ng mga paggamot na ito
kapag may emerhensiya.
17
Ang mga tao ay dapat laging manatiling alerto at
maging handa sa hindi inaasahan. Kung mangyari
ang isang likas na kalamidad o atake ng terorista,
mahalagang gawin ang mga sumusunod na hakbang
upang protektahan ang sarili.
Pakinggan ang mga pang-emerhensiyang opisyal para
sa mga tagubilin kung lilikas o mananatili sa lugar:
Kung ikaw ay pinalilikas, lumabas sa pinakamabilis na
paraang magagawa. Manatiling mababa sa sahig kung
magagawa mo. Kung ikaw ay nakasakay sa isang
pangmaramihang transportasyon tulad ng isang bus,
subway o tren at sinabihang lumikas, tandaang
makinig sa mga tagubiling ibinigay ng mga tauhan o
ibang mga tagatugon sa emerhensiya.
Kung ikaw ay pinatitigil sa kinalalagyan o “magkanlong
sa lugar,” huwag umalis hanggang sabihan ka na gawin
ito. Kandaduhan ang mga pinto, sarhan ang mga
bintana, air vent, at mga fireplace damper.
Maging Alerto at Umaksyon
Laging magkaroon ng kamalayan sa iyong paligid.
Kung may mapansin kang hindi pangkaraniwan, huwag
sarilinin ito; tiyaking iulat ito.
Kung nakakita o nakarinig ka ng anumang kahina-
hinalang aktibidad, tumawag sa 911.
Kung makakita ka ng bagahe o mga bag na naiwan sa mga
bus o sa mga pampublikong lugar, PeopleMover o APD.
Kung nakatanggap ka ng kahina-hinalang padala sa
koreo, huwag itong hawakan. Tumawag sa 911. Kung
nahawakan mo ang pakete, hugasan agad ang iyong
mga kamay ng sabon at tubig.
SA SANDALING MAKUMPLETO MO ANG
PATNUBAY NA ITO, IKAW AY ANCHORAGE
READY! MALIGAYANG PAGBATI!
18
KUMUHA NG IMPORMASYON
MGA TAGATULONG SA ANCHORAGE
Municipality of Anchorage (Munisipalidad ng Anchorage) Office of Emergency Management (Tanggapan sa Pamamahala sa Emerhensya) http://www.muni.org/Departments/OEM/Pages/default.aspx
State of Alaska (Estado ng Alaska): Division of Homeland Security and Emergency Management (Dibisyon ng Seguridad ng Tinubuang-Bayan at Pamamahala sa Emerhensiya) (DHS&EM) https://ready.alaska.gov/
19
MGA TAGATULONG
MANATILING MAY KAALAMAN
Anchorage Police Department (Kagawaran ng Pulisya ng Anchorage)
Facebook https://www.facebook.com/APDInfo
Twitter https://twitter.com/APDInfo
Website ng Munisipalidad http://www.muni.org/departments/police/pages/default.aspx
Anchorage Fire Department (Kagawaran ng Bumbero ng Anchorage)
Facebook https://www.facebook.com/pages/The-Anchorage-Fire-Department
Twitter https://twitter.com/afdinfo
Website ng Munisipalidad http://www.muni.org/departments/fire/pages/default.aspx
Office of Emergency Management (Tanggapan sa Pamamahala sa Emerhensya)
Facebook https://www.facebook.com/AnchorageOEM
Twitter https://twitter.com/Anchorage_OEM
Website ng Munisipalidad http://www.muni.org/departments/oem/pages/default.aspx
Linya ng mga Emerhensiyang Kondisyon: 907-343-4701
Lokal na Media
Alaska Dispatch News http://www.adn.com/
KFQD Radio (750 AM/103.7 FM) http://www.kfqd.com/
KNBA Radio (90.3 FM) http://knba.org/
KOAN Radio (1080 AM/95.1 FM) http://www.1080koan.com/
KTUU Channel 2 TV (NBC) http://www.ktuu.com/
KTVA Channel 11 TV (CBS) http://www.ktva.com/
KYUR Channel 13 TV (ABC) http://www.youralaskalink.com/
UTILIDAD
Chugach Electric
Iulat ang Pagkawala ng Kuryente
Sa Anchorage: 907-762-7888
http://www.chugachelectric.com/
Municipal Light & Power (ML&P)
Iulat ang Pagkawala ng Kuryente
Sa Anchorage: 907- 279-7671
http://www.mlandp.com/
ENSTAR
Natural Gas Company
Anchorage: 907-277-5551
Iulat ang isang posibleng singaw ng gas
1-844-SMELL GAS (1-844-763-5542)
Kung ang buhay o ari-arian ay nanganganib tumawag sa 9-1-1
https://www.enstarnaturalgas.com/
20
KUMUHA NG IMPORMASYON (IPINAGPAPATULOY)
MGA DI-NAGTUTUBONG TAGAPAGKALOOB NG SERBISYO American Red Cross of Alaska 235 East 8th Avenue, Suite 200 Anchorage, AK 99501 Telepono: 907-646-5400 http://www.redcross.org/local/alaska
The Salvation Army Anchorage Corps 1701 C. Street, Anchorage, Alaska 99501 Telepono: 1-800-SAL-ARMY http://anchorage.salvationarmy.org/
Alaska 2-1-1 Kumonekta, kumuha ng mga sagot. Nagsisimula dito ang tulong. Tumawag sa 2-1-1 o 1-800-478-2221 Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 am hanggang 5:00 pm o bisitahin ang aming 24/7 kapag kailangan mo ng tulong sa paghahanap ng tulong. Ito ay libre at kompidensiyal. Ang Alaska 2-1-1 ay isang serbisyo ng United Ways of Alaska.
AKING MGA TAGATULONG Idagdag ang iyong mahahalagang tagatulong at numero ng telepono rito.
Ginagamit nang may permiso mula sa ReadyNewYork
Gusto ng NYC Emergency Management na pasalamatan ang mga miyembro ng Access and Functional Needs Advisory Group para sa kanilang masipag na pagtatrabaho sa proyektong ito.
21
MGA TAGATULONG
TUMANGGAP NG PAUNAWA!
KUMUHA NG NIXLE!
Magpatala ngayon nang LIBRE para sa opisyal na sistema ng paunawa sa emerhensiya ng Anchorage sa Nixle.com, o sa pamamagitan ng pag-text sa Zip Code ng Munisipalidad ng Anchorage sa 888-777
22
Gustong Tumanggap ng mga Alerto mula sa Iyong mga Lokal na Ahensiya?
I-TEXT ANG IYONG ZIP CODE SA 888777 PUMASOK
Tumanggap ng mga alerto para sa
Lubhang Masamang
Panahon
Mga Nangyayaring
Krimen
Matinding Trapiko
Mga Nawawalang
Tao
Mga Lokal na
Ginaganap