30
PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

Pangangalap ng datos

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Pangangalap ng datos

PANGANGALAP NG MGA DATOS,

IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

Page 2: Pangangalap ng datos

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Hanguan primarya (ayon kay Mosura, et al. 1999)

a. Mga indibidwal o awtoridad,

b. Mga grupo o organisasyon,

c. Mga kinagawiang kaugalian,

d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento,

Page 3: Pangangalap ng datos

Hanguang Sekondarya

a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas,

b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter,

c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang mga ito o hindi at,

d. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Page 4: Pangangalap ng datos

Hanguang Elektroniko

Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham-

electroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.

Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala

ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin

ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa

malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos

gamit ang telepono.

Page 5: Pangangalap ng datos

Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling

sa internet? Anu-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?

a. Anong uri ng Website ang iyong tinitingnan?

1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyun ng edukasyon o akademiko

Halimbawa: www.dls-csb.edu

2.Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes.

Halimbawa: www.knightof columbus.org

www.yahoo.com

Page 6: Pangangalap ng datos

3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan.

Halimbawa: www.makaticity.gov

www.tourism.gov

b. Sino ang may-akda?

Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumlpeto. Kadalasan kasi ay walang kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalipikasyon.

Page 7: Pangangalap ng datos

c. Ano ang layunin?Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto?

d. Paano inilahad ang impormasyon?Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung my bias at prejudice ang teksto.

e. Makatotohanan ba ang teksto?Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

Page 8: Pangangalap ng datos

f. Ang impormasyon ba ay napapanahon?

Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.

Pangangalap nga mga Impormasyon o Datos

Una, tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan.

Halimbawa ng isang talaan sa pangangalap ng datos:

Tanong: Ano ang obsesyon?

Page 9: Pangangalap ng datos

a. Impormasyong hahanapin

1. pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at adiksyon

2. kailan masasabi na may obsesyon

b. Mga posibleng sanggunian

1. ensayklopedia, aklat sa medisina at sikolohiya

2. mga artikulo at kolum sa pahayagan at magasin

3. mga artikulo sa mga propesyunal na journal

4. panayam sa mga eksperto

Page 10: Pangangalap ng datos

May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan.

Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang elektroniko o internet.

Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.

Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer prinouts at iba pang sanggunian.

Page 11: Pangangalap ng datos

Uri ng Kard katalog a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung

ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin.

Halimba:PHILIPPINE POETRY (FILIPINO)

F PL6165.4.R9 Rubin, Ligaya tiamsonP11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan2000 Ligaya tiamson-Rubin.- Manila: De La Salle UniversityPress, Inc. c2000

179 p. 23 cmISBN 971-555-335-41. Philippine poetry (Filipino). I. Title

Page 12: Pangangalap ng datos

b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa.

Halimbawa:RUBIN, LT.

FPL6165.4.R9 Rubin, Ligaya TiamsonP11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at

Bayan 2000 Ligaya, Tiamson-Rubin. -

Manila: De La Salle University Press, INC. c2000

179 p.23cmISBN 971-555-355-41. Philippine poetry (Filipino). I. Title

Page 13: Pangangalap ng datos

c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba.

Halimbawa: Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay

FPL6165.4.R.9 Rubin, Ligaya Tiamson P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan2000 Ligaya Tiamson-Rubin. –

Manila: De La Salle University Press, INC. c2000

179 p. 23cmISBN 971-555-335-41. Philippine poetry (Filipino). I. Title

Page 14: Pangangalap ng datos

Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat isagawa. Gamitn ang mga nakasanayang browsing, skimming at scanning sa mga aklat at artikulong posibleng magamit sa pagsulat ng pananaliksik.

Ang mga sumusunod ay gabay na tanong sa pagsusuri ng nakalap na sanggunian:

a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?

Tiyaking ang mga impormasyon sa sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Maggamit mo ba ang aklat sa sayaw na pamana ng mgfa dayuhan halimbawa sa paksang katutubong sayaw?

Page 15: Pangangalap ng datos

b. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala?

Gaano kahalaga ang impormasyong makukuha ukol sa pag-awit mula sa akdang isinulat ng isang mananayaw?

c. Makatotohanan ba ito?

Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda.

Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos mula sa mga napiling sangguniang.

Page 16: Pangangalap ng datos

Interbyu: Kahulugan, Layunin at Kahalagahan

Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskukrso

ng dalawang tao o ng isang pangkat at isang indibidwal

– ang una’y interbyuwer at ang ikalawa’y

interbyuwi. Ang interbyu ay maaring itinatakda – ang

petsa, araw, oras at lugar – at maaring namang

hindi depende sa abeylabiliti ng dalawang panig.

Itinatakda man o hindi, masusi ang ginagawang

paghahanda bago ganapin ang interbyu.

Ang layunin ng interbyu ay makakuha ng mga

mapanghahawakang mahahalagang impormasyon mula

sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa. Mangyari pa,

upang maging matibay ang impormasyon,

Page 17: Pangangalap ng datos

kailangang maging maingat sa pagpili ng

interbyuwi.Samakatwid, mas awtoridad, mas dalubhasa,

mas mabuti.

Sa pananaliksik, ang interbyu ay isang

napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga

impormasyon na magagamit sa pagsulat ng papel-

pampananaliksik. Isa rin itong mabisang paraan ng

pagbe-verify ng mga datos o impormasyong nakalap

sa mga nakasulat na hanguan at isang pagkakataon

upang maapdeyt ang mga impormasyon o datos

tungkol sa mga makabagong debelopment hinggil sa

isang larangan o tiyak na paksa na maaaring hindi pa

nalathala. Bukod sa nabanggit na, ang mga nakalap na

impormasyon o datos sa interbyu ay maaari ring

magsilbing suporta sa mga impormasyong first-hand mula

sa iba’t ibang hanguan o sorses.

Page 18: Pangangalap ng datos

Pagpili ng InterbyuwiAng sa mga pangunahing konsiderasyon sa pagpili

ng taong iinterbyuwin ay ang awtoriti ng interbyuwi

hinggil sa paksa ng pananaliksik. Ang mga ispesipik na

katangiang dapat taglayin ng isang taong

iinterbyuwin, kung gayon, ang sumunod.

a. May malawak na kaalaman. May sapat ba

siyang kaalaman sa paksa ng pananaliksik? May

awtoriti ba siya upang magbigay nng mga hinihinging

datos o impormasyon.

b. Relayabol. Maaaring maibigay ng interbyuwi ang

mga impormasyong kailangan ngunit kalimitan,

hindi lahat ng impormasyon ay angkop sa ginagawang

pananaliksik.

Page 19: Pangangalap ng datos

May mga dahilan kung bakit may mga

pagkakataong hindi maaaring panghawakan ang mga

datos o impormasyong naibigay ng interbyuwi.

Samakatwid, kailangang isaalang-alang ang mga

sumusunod na tanong:

1. Siya ba ay makatotohanan? Maaari bang paniwalaan ang kanyang mga pahayag?

2. Makatwiran ba ang kanyang pananaw? Kalimitan, may mga sariling pananaw ang interbyuwi na nagiging dahilan upang maging biased ang kanyang mga ipinahahayag. Kailangang maging maingat at palamasid, kung gayon.

c. Abeylabol. Gaano man katalino ang interbyuwi, hindi

iyon magkakaroon ng silbi kapag hindi tumutugma ang

kanyang iskedyul sa mga interbyuwer.

Page 20: Pangangalap ng datos

Kadalasan, ang mga interbyuwing bantog, awtoridad

at dalubhasa ay mga taong mahirap kunan ng pahayag

dahil na rin sa pagiging abala.

Minsan ang kalikasan ng pananaliksik ay

mangangailangan ng interbyu hindi lamang sa isang

tao. Sa ganitong pagkakataon, kailangang maglaan ng

sapat na panahon upang ang lahat ng dapat

interbyuhin ay makunan ng datos o impormasyong

kinakailangan.

Page 21: Pangangalap ng datos

Mga Hakbangin sa Pormal na Interbyu

Sina Arrogante, et al. (1983) ay nagbigfay ng ilang tagubilin na dapat tandaan bago mag-interbyu, sa takdang oras, sa oras ng pag-uusap at pagkatapos ngpag-uusap. a. Bago Mag-interbyu

1. Tiyakin muna ang layunin ng interbyu.2. Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natalakay.3. Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at preperd na lugar at oras ng interbyuwi.ng sulat. (Pansinin ang halimbawang sulat na nasa Apendiks).

Page 22: Pangangalap ng datos

b. Sa Takdang Oras

1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang lugar.

2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay.

3. Maging masigla at magtiwala sa sarili.

c. Sa Oras ng Pag-uusap

1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang ng oo at hindi.

2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu.

3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng inetrbyuwi.

4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas din sa paglihis sa paksa ng interbyu.

Page 23: Pangangalap ng datos

5. Makinig nang mabuti.

6. Itala ang mga kinakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansin g paraan.

7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi.

8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyu.

d. Pagkatapos ng Pag-uusap

1. Huwag pabigla-bigla sa pagtapos ng interbyu.

2. Iayos kapagdaka ang mga datos o impormasyong naitala.

3. Kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad iyon. (Pansinin ang transkip ng isang interbyu na nasa Apendiks).

Page 24: Pangangalap ng datos

4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng tuwirang sinabi ing interbyuwi, makipagkita o makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa gayo’y maliwanagan at nang maiwasang mamis-quote ang interbyuwi.

5. Hangga’t maaari, bigyan ang interbyuwi ng kopya ng transkip ng interbyu o ng awtput ng interbyu.

Page 25: Pangangalap ng datos

Ang Sarbey-Kwestyoneyr

Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr o

talatanungan ay listahan ng mga planado at pasulat na

tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman

ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente

at inihanda para sagutan ng maraming respondente.

Ang kwestyoneyr ay isang set ng mga tanong na

kapag nasagutan nang maayos ng kailangang bilang ng

piniling respondente ay magbibigay ng mga

impormasyong kailangan upang makumpleto ang isang

pananaliksik.(Calderon at Gonzales, 1993).

Ang kwestyoneyr ang pinakamabisa at pinakamadaling

instrumento ng sarbey.

Page 26: Pangangalap ng datos

Mga Adbentahe at Disadbentahe ng KwestyoneyrMga Adbentahe:

a. Ang kwestyoneyr ay madaling gawin.

b. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos.

c. Ang mga sagot ng mga respondente ay madaling itabyuleyt.

d. Ang mga sagot ng respondente ay malaya.

e. Maaaring magbigay ng mga kumpidensyal na impormasyon ang mga respondente.

f. Maaaring sagutan ng mga respondente ang kwestyoneyr sa oras na gusto nila.

g. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.

Page 27: Pangangalap ng datos

Mga Disadbentahe:

a. Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o mga ilitereyt.

b. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang respondente ang kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala o follow-up ng mananaliksik.

c. Maaaring magbigay ng mga maling impormasyon ang respondente, sinasadya man o hindi.

d. Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem sa kwestyoneyr.

e. Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan sa kwestyoneyr.

f. Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang-sagot ng mga respondente at ang kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.

Page 28: Pangangalap ng datos

Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr

a. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng pagsasarbey, kahalagahan nang matapat at akyureyt na sagot ng mga respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti, pagsasalamat at iba pang makatutulong sa paghikayat sa respondente ng kooperasyon.

b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.

c. Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.

d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.

e. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.

Page 29: Pangangalap ng datos

f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik.

g. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunod-sunod.

h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na sagot o mga nakahihiyang impormasyon.

i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.

j. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.

k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.

Page 30: Pangangalap ng datos

Salamat sa

inyong pakikinig ..

-katapusan