12
Nasa Pahina 5 MALABON PEOPLE’S PARK Si Mayor Lenlen Oreta, hawak ang Seal of Good Hiousekeeping Award na iginawad ng DILG sa lungsod ng Malabon Hangad ni Mayor Lenlen Oreta... Opisyal na Pahayagan ng Lungsod January-March 2013 BEST ANG MALABON DA- Dahil sa maayos na serbisyo-publiko Nasa Pahina 2 May N.I.N.O.Y ang Malabon Page 12 IBAYONG KAMPANYA VS. KRIMEN Nasa Pahina 10 MAALIWALAS NA MALABON SA 2013 IBA’T ibang problema at pagsubok ang iniwan ng taong 2012 sa liderato ni Mayor Lenlen Oreta, subali’t sa ka- buuan ay nangibabaw ang tagumpay dahil sa kaaya-aya at makabuluhan niyang panunungkulan. Ang ‘Pailaw’ sa kahabaan ng Letre Road, Tonsuya ay isa lamang sa maraming lugar na isinakatuparan ang city-wide lighting up project ni LLO (Istorya sa pahina 6) Programa sa Pabahay Nasa Pahina 6 MGA BIDANG MALABONIAN Nasa Pahina 9 TULONG PANG- EDUKASYON BUMUHOS Nasa Pahina 6 Pahina 5

Opisyal na Pahayagan ng Lungsod Hangad ni Mayor Lenlen ...malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2013/02/malabon-news-2013-2.pdf · Award na iginawad ng DILG sa lungsod ng Malabon

Embed Size (px)

Citation preview

Nasa Pahina 5

MALABON PEOPLE’S PARK

Si Mayor Lenlen Oreta, hawak ang Seal of Good Hiousekeeping Award na iginawad ng DILG sa lungsod ng Malabon

Hangad ni Mayor Lenlen Oreta...Opisyal na Pahayagan ng LungsodJanuary-March

2013

BEST ANG MALABONBESTBESTDA-

Dahil sa maayos na serbisyo-publiko

Nasa Pahina 2

May N.I.N.O.Y ang Malabon

Page 12

IBAYONG KAMPANYA VS. KRIMEN

Nasa Pahina 10

MAALIWALAS NA MALABONSA 2013

IBA’T ibang problema at pagsubok ang iniwan ng taong 2012 sa liderato ni Mayor Lenlen Oreta, subali’t sa ka-buuan ay nangibabaw ang tagumpay dahil sa kaaya-aya at makabuluhan niyang panunungkulan.

Ang ‘Pailaw’ sa kahabaan ng Letre Road, Tonsuya ay isa lamang sa maraming lugar na isinakatuparan ang city-wide lighting up project ni LLO (Istorya sa pahina 6) Programa

sa PabahayNasa Pahina 6

MGA BIDANG MALABONIAN

Nasa Pahina 9

TULONG PANG-EDUKASYON BUMUHOS Nasa

Pahina 6

Pahina 5

DAHIL inilagay ang disaster preparedness na prayoridad sa development agenda ng lungsod, ang pamahalaang lokal ng Malabon ay ginawaran ng ‘Seal of Disaster Pre-paredness (SDP) ng Department of Interior and Local Government.Natanggap ng Malabon ang SDP – level 1 award matapos magpakita at maisakatuparan

ang tinatawag na ‘acceptable level’ ng disaster preparedness at disaster preparedness response bago at tuwing may pagbaha.

Tinanggap ni Roderick Tongol, hepe ng Malabon City Disaster Risk Reduction Manage-ment Council (MCDRRMC) ang SDP award kay Renato Brion, director ng DILG – National Capital Region (NCR) sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Amoranto Stadium sa Quezon City noong Disyembre 17, 2012.

“Ang Malabon ay problema ang pagbaha tuwing may bagyo o malakas na ulan. Kaya ganon na lamang ang ating ginagawang paghahanda at pamamaraan para masiguro ang seguridad ng bawa’t Malabonian”, pahayag ni Tongol.

Target ng Malabon – MCDRRMC, na masungkit ang level 2 assessment ng DILG na Silver Award. Ang mga local government units (LGU) na papasa sa pangalawang antas ay gagawaran ng Seal (Silver) at Disaster Management Fund o disaster equipment.

At para maabot ang pangarap na yan, sinabi ni Tongol na ibayong pagsasagawa ng seminars at pagsasanay sa mga rescue team, barangay personnel at mamamayan ang isa-sagawa para masiguro ang kahandaan ng pamahalaang lungsod sa panahon ng kalamidad.

Ang DILG SDP ay may dalawang level ng pagtasa: Una ay sa disaster preparedness bago ang baha at ang pangalawa ay ang paraan ng pagsagot o pagresponde sa kaganapan na dala ng mataas na intensidad ng baha.

JANUARY-MARCH 2013 MALABON NEWS

BEST ANG MALABON

ANG Malabon ay luman-ding sa listahan ng ‘top performers and achie-

vers’ ng Department of Health (DOH) alinsunod sa panun-tunan na itinakda ng pama-halaan para kasiguruhan ng maayos na pagpapatupad ng serbisyong-pangkalusugan.

Ang serbisyong-medikal ay isang mahalagang respon-sibilidad na dapat gampanan, hindi lamang ng DOH, kundi ang mga local government units at nasasaad ito sa sa Republic Act -7160 ng Local Government Code.

Para masiguro na gi-nagawa ng mga LGUs ang kanilang responsibilidad, nag-laan ng mga panuntunan na magiging basehan sa kanilang pagsasakatuparan ayon sa hinihingi ng Health Sector Reform Agenda (HSRA).

DAHIL sa maayos na pamamahala ng liderato ni Mayor Lenlen Oreta, iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamahalaang lungsod ng Malabon ang Seal of Good Housekeeping (SGH) Award.Ang karangalan ay ibinibigay sa mga local government units na maayos na tumutupad

sa ‘internal housekeeping’, partikular sa bahagi ng lehislatura, development planning, resource allocation at utilization, customer service at human resource management and development, ganon din sa pagpapahalaga sa maayos na pamamahala.

Pinuri ni Mayor Oreta ang mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod dahil sa panibagong karangalan na ito na natanggap ng Malabon.

Hinikayat ng alkalde ang bawa’t empleyado na ipagpatuloy ang maayos na pag-tratrabaho, hindi lamang para sa karangalan na ibinibigay ng DILG kundi para sa mga mamamayan na umaasa sa tunay na serbisyo-publiko.

SA dalawang magkasu-nod na taon, binigyan ng pagkilala at parangal ang

Lungsod ng Malabon bilang isa sa tatlong local government unit sa buong bansa na may mga programa, proyekto at gawain para labanan o pigilan ang pagdami ng professional squatters at squatting syn-dicates.

Ang nasabing parangal ay isinusulong ng Housing and Urban Development Coordi-nating Council (HUDCC) para sa mga katangi-tanging LGU na may epektibong kampanya laban sa mga iligal na gawain ng mga professional squatter at squatting syndicate.

Ikinatuwa ng HUDCC ang pagkakaroon ng Lungsod ng Malabon ng Local Housing Board batay sa City Ordinance No. 05-2007 at Task Force Against Professional Squatters and Pro-fessional Squatting Syndicates batay sa E.O. N0. 12-07-25-005 ni Mayor Lenlen Oreta.

Nagsagawa rin ang lokal na pamahalaan ng Socio-Economic Census of Informal Settlers sa tulong ng AIMM at FDA nagsimula pa noong 2011.

Sa unang parangal na ibi-nigay ng HUDCC noong 2011, nakatanggap ang Lungsod ng Malabon ng plake ng pagkilala at premyong nagkakahalaga ng Php 50,000 na ginamit sa pagpapalakas ng kampanya laban sa mga PSSS.

Nagsagawa ang CUPAO ng forum para sa National Drive Against Professional Squatters and Squatting Syn-

SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING

SEAL OF DISASTER PREPAREDNESS

TOP HEALTH ACHIEVERSA bawa’t pagpupursige

na may kaakibat na hirap, ang bunga ay saya at

sarap. Ito, marahil ang nara-ramdaman ni Public Employ-ment Service Office (PESO) officer-in-charge Flor Austria at kanyang mga staff.

Kamakailan, iginawad sa Malabon City PESO ang kara-ngalan na ‘Best in Placement & Referral’ at ‘Best in Career Coaching’ 2012 ni Atty. Allan Macaraya, director ng DOLE – National Capital Region.

Naging panuntunan ng DOLE-NCR sa pagpili ay ang mataas na bilang ng Malabo-nians na nagkaroon ng trabaho na umabot ng 3,360, base sa 22 job fair na isinagawa ng PESO noong nakaraang taon.

Ayon kay Atty.. Macaraya, para matulungan ang mga walang trabaho at maibaba ang unemployment problem, kailangan ang ibayong pag-pupursige sa bahagi ng mga PES offices ng local govern-ment units.

At ang PESO – Malabon, aniya, ay nagtrabaho ng todo,

PESO UMANI NG 2 AWARDnagpakahirap para mabigyan ng trabaho ang 3,360 Malabo-nian, dahilan para mabawasan ng isang porsiyento ang unem-ployment problem sa lungsod.

Nakuha ng PESO – Mala-bon ang karangalang ‘Best in Career Coaching’ dahil sa masigasig na pagpapatupad ng ‘career coaching’ discussion na mismong si Mayor Lenlen Oreta ang tumayong lecturer.

Sa loob ng tatlong buwan – mula Oktobre hanggang Dis-yembre 2012, may kabuuang 7,877 estudyante mula sa 11 public high schools ng Malabon ang dumalo at nakinig sa ca-reer coaching lectures ni LLO.

Tinalakay ng butihing alkalde ang importanteng mga bagay para mabigyan ng tips at pagkakataon ang mga dumalong estudyante na mamili kung anong hakbangin ang nararapat nilang sundan at abutin.

Ang ‘career coaching’ ay napakahalaga para maga-bayan ang mga estudyante, partikular ang mga 3rd at 4th year na makapili ng kursong

nababagay sa kanilang ka-kayahan at talagang swak sa pangangailangan at pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bayan.

Bukod sa nasabing mga high school students, lumahok din ang mga mag-aaral mula sa City of Malabon University at City of Malabon Polytechnic Institute.

Samantala, pinuri ni LLO si Austria at mga staff. Dahil,

aniya sa ipinakitang kasipa-gan, nakuha ng PESO – Mala-bon ang naturang dalawang karangalan.

Ipinakita ng mga kawa-ni ng PESO- Malabon ang kanilang kakayahan, katapa-tan at silakbo ng dadamin sa pagharap ng kanilang trabaho kaya nakamit natin ang mga karangalan na yan, pagtatapos ni LLO.

2 BESES PINARANGALAN

NG HUDCCd ica tes noong Marso 7, 2012 na dinaluhan ng kina-tawan ng mga na-tional government agencies, PNP, non-government organizations at mga community associations.

Noong isang taon at sa ikala-wang pagkakata-on, muling binig-yan ang Lungsod ng Malabon ng plake ng pagkilala bilang LGU Best Practices Award for 2012 at naka-tanggap ng prem-yo na nagkaka-halaga ng Php 130,000.00.

Ang mga pa-rangal na natang-gap ng Malabon ay pagpapa-tunay na seryoso ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Lenlen Oreta na sug-puin at bigyan ng karampatang solusyon ang problema sa mga professional squatters and squatting syndicates.

Nais siguruhin ni Mayor Lenlen na magsisimula sa kanyang administrasyon at sa tulong ng bawat Malabo-nian na iangat ang Malabon at gawin itong progresibong lungsod na ipagmamalaki ng bawat isang naninirahan dito.

Ang kapalaran ng isang LGU para mapiling top per-former o top achiever ay base sa pagtaas ng Center for De-partment of Health - Health Development for Metro Manila (DOH-CHD-MM) pagganap at pagpapatupad sa 11 health indicators.

Sa 34 na siyudad at mga probinsya sa buong bansa, sa scoreboard ng DOH-CHD-MM, ang Malabon ay:

- Number 10 sa pagsa-sakatuparan ng 4 hanggang 9 na health indicators,

- Pangatlo (3)sa mga LGUs na maayos na nagpatu-pad ng FIC (fully immunized children) sa National Capital Region.

- Pangatlo (3) sa pagpa-patupad ng PhilHealth Out-Patient-Benefits (OPB),

- Pangalawa (2) sa pag-

papatupad ng ‘access to safe water’,

- Pang-anim (6) sa mga bahay na may sanitary toi-lets; at,

- Nangunguna (1) sa im-plementasyon ng tuberculosis (TB) program.

Dahil sa mga karangalan na ito na nakamit, ang Mala-bon ay makakatanggap ng karagdagang pondo (grant) na P925,000 na aabot hang-gang P1.2 million, ayon kay Dr. Rommel Lizan, acting city Health Officer.

Dala ng tuwa sa award na natanggap, nangako si Dr. Lizan na lalong pag-iibayuhin ng kanyang departamento ang pagbibigay ng serbis-yong pangkalusugan sa mga Malabonian ngayong taon at sa mga susunod pang mga taon.

Dahil sa maayos na serbisyo-publikoBESTBESTDA-

2

MALABON NEWS 3JANUARY-MARCH 2013MALABON NEWS

PRESENT:

Hon. DIOSDADO A. CUNANAN - City Vice Mayor/ PresidingOfficer

First District

Hon. MARICAR D. TORRES - City Councilor Hon. IAN EMMANUEL E. BORJA - City Councilor Hon. JAIME V. DUMALAOG - City Councilor Hon. PAYAPA V. ONA - City Councilor Hon. MA. ANNA LIZZA G. YAMBAO - City Councilor Hon. EDWIN GREGORIO L. DIMAGIBA - City Councilor

Second District

Hon. EDUARDO T. NOLASCO - City Councilor Hon. MERLIN P. MANALAC - City Councilor Hon. FORTUNATO S. ESPIRITU - City Councilor Hon. EDRALIN D. YANGA - City Councilor Hon. RUFINO F. BAUTISTA - City Councilor

Sectoral Representatives Hon. JEROME JASPER P. MANALASTAS - City Councilor/ SK Federation President

ABSENT:

Hon. PAULO D. ORETA - City Councilor/ ABC Federation President

---ooOoo---

CITY ORDINANCE NO. 15-2012

AN ORDINANCE APPROPRIATING THE AMOUNT OF EIGHT HUNDRED EIGHTY MILLION PESOS AND 00/100 (Php880,000,000.00) UNDER THE GENERAL FUND EXECUTIVE BUDGET OF THE CITY OF MALABON TO BE TAKEN FROM THE ESTIMATED INCOME CERTIFIED AND REASONABLY COLLECTIBLE BY THE LOCAL FINANCE COMMITTEE FOR THE CALENDAR YEAR OF 2013 AND FOR OTHER PURPOSES.

Section1.BudgetApproval.TheAnnualBudgetoftheCityofMalabonforfiscalyear2013 in the total amount of EIGHT HUNDRED EIGHTY MILLION PESOS AND 00/100 (Php880,000,000.00) covering various expenditures for the operation of the City Government of Malabon for the year 2013 is hereby approved.

The following documents are incorporated herein and made integral part of this ordinance.

1. Budgetexpendituresandsourcesoffinancing.2. Annual Investment Plan3. Personnel Schedule

Section 2. Sources of Funds. The total available funds accruing to the general fund of the CityofMalabonascertifiedreasonableandcollectiblebytheLocalFinanceCommitteewhichamounts to EIGHT HUNDRED EIGHTY MILLION PESOS AND 00/100 (Php880,000,000.00)

Section 3. Use of Appropriated Funds. The amount hereby appropriated shall be utilized as indicated in the Budget Expenditures and Sources of Financing for the proper operation of variousofficesoftheCityofMalabonandintheimplementationofvariousprojectsforthecalendar year 2013.

Section 4. Use of Savings and Augmentation. In accordance with Section 336 of Republic Act No. 7160, the Local Government Code of 1991, the City Mayor and/or the Presiding Of-ficeroftheSanggunianis/areauthorizedtoaugmentanyitemintheapprovedannualbudgetfortheirrespectiveofficesfromsavingsinotheritemswithinthesameexpenseclassoftheirrespective appropriations.

For this purpose, “savings” refers to portion or balances of any unprogrammed appropriation free from any obligation and encumbrance, still available after the satisfactory completion or the unavoidable discontinuance or abandonment of the work, activity or the purpose for which the appropriation is authorized, or arising from unpaid compensation and related costs pertaining to vacant positions and leaves of absence without pay.

“Augmentation”impliestheexistenceinthebudgetofanitem,project,activityorpurposewithan appropriation which, upon implementation or subsequent evaluation of needed resources, isdeterminedtobdeficient.

Republic of the PhilippinesCITY OF MALABONMetropolitan Manila

OFFICE OF THE CITY COUNCIL SECRETARY

Section 5. Priority in the Use of Personal Services Savings. Priority shall be given to the personnelbenefitsoflocalemployeesintheuseofPersonalServicessavings. Section 6. Separability Clause. If, for any reason, any section or provision of this Ordinance is declared invalid or unconstitutional, other sections or provisions thereof which are not af-fected thereby shall continue to be in full force and effect.

OFFICE OF THE CITY MAYOR Personal Services 7,761,597.65 M.O.O.E. 15,947,523.64 Financial Expenses 19,660,098.09 Capital Outlay 1,000,000.00 Non-OfficeExpenditures 20,061,651.74 TOTAL APPROPRIATIONS 64,430,871.12

PUBLIC SAFETY and TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE Personal Services 7,952,597.00 M.O.O.E. 1,705,000.00 Capital Outlay 700,000.00 Non-OfficeExpenditures 16,490,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 26,847,597.00

BUSINESS PERMIT and LICENSING OFFICE Personal Services 3,458,555.80 M.O.O.E. 1,658,500.00 TOTAL APPROPRIATIONS 5,117,055.80

COMMUNITY and URBAN POOR AFFAIRS OFFICE Personal Services 2,556,594.80 M.O.O.E. 3,190,000.00 Non-OfficeExpenditures 6,965,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 12,711,594.80 CITY LIBRARY Personal Services 1,781,586.28 M.O.O.E. 300,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 2,081,586.28

CITY TOURISM and CULTURAL OFFICE Personal Services 226,078.40 M.O.O.E. 60,000.00 Non-OfficeExpenditures 650,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 936,078.40

CITY of MALABON POLYTECHNIC INSTITUTE Personal Services 4,723,375.84 M.O.O.E. 1,260,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 5,983,375.84 PUBLIC EMPLOYMENT and SERVICES OFFICE Personal Services 699,950.88 M.O.O.E. 160,000.00 Non-OfficeExpenditures 1,233,375.00 TOTAL APPROPRIATIONS 2,838,325.88

MAYOR’S COMPLAINT and ACTION TEAM Personal Services 1,145,786.40 M.O.O.E. 160,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 1,305,786.40

MALABON PUBLIC INFORMATION OFFICE Personal Services 2,430,515.80 M.O.O.E. 2,490,000.00 Capital Outlay 790,000.00 Non-OfficeExpenditures 500,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 6,210,515.80

OFFICE of the SENIOR CITIZEN Personal Services 899,393.60 M.O.O.E. 560,000.00 Non-OfficeExpenditures 3,342,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 4,801,393.60

PERSON WITH DISABILITY AFFAIRS OFFICE Personal Services 466,607.72 M.O.O.E. 60,000.00 Non-OfficeExpenditures 450,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 976,607.72

SPORTS DEVELOPMENT OFFICE

4 JANUARY-MARCH 2013 MALABON NEWS Personal Services 627,255.44 M.O.O.E. 60,000.00 Non-OfficeExpenditures 400,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 1,087,255.44

MARKET MANAGEMENT OFFICE Personal Services 3,571,069.12 M.O.O.E. 130,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 3,701,069.12

COOPERATIVE DEVELOPMENT OFFICE Personal Services 1,513,619.52 M.O.O.E. 60,000.00 Non-OfficeExpenditures 60,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 1,633,619.52

CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE Personal Services 3,897,144.48 M.O.O.E. 1,420,000.00 Non-OfficeExpenditures 83,162,500.00 TOTAL APPROPRIATIONS 88,479,644.48SUPPORT to NATIONAL AGENCIES RTC 636,000.00 MTC 456,000.00 FISCALS 792,000.00 DILG 63,000.00 COA 400,000.00 COMELEC 75,600.00 POLICE M.O.O.E. 4,000,000.00 Non-OfficeExpenditures 11,000,000.00 15,800,000.00 FIRE M.O.O.E. 1,124,000.00 Non-OfficeExpenditures 500,000.00 1,624,800.00 JAIL 538,200.00 OFFICE OF THE CITY ADMINISTRATOR Personal Services 30,649,352.72 M.O.O.E. 210,000.00 Capital Outlay 150,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 31,009,352.72

CITY HUMAN RESOURCE MANAGEMENT & DEVELOPMENT DEPT. Personal Services 4,394,425.84 M.O.O.E. 0.00 Capital Outlay 0.00 TOTAL APPROPRIATIONS 4,394,425.84

CITY PLANNING AND DEVELOPMENT DEPARTMENT Personal Services 7,413,504.88 M.O.O.E. 480,000.00 Capital Outlay 200,000.00 Non-OfficeExpenditures 600,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 8,693,504.88

CITY BUDGET DEPARTMENT Personal Services 3,840,416.72 M.O.O.E. 286,110.00 Capital Outlay 350,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 4,476,526.72

CITY ACCOUNTING & INTERNAL AUDIT SERVICE DEPT. Personal Services 7,371,627.92 Capital Outlay 250,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 7,621,627.92

CITY LEGAL DEPARTMENT Personal Services 4,615,670.20 M.O.O.E. 160,000.00 Non-OfficeExpenditures 140,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 4,915,670.20

CITY GENERAL SERVICES DEPARTMENT Personal Services 17,278,167.00 M.O.O.E. 15,680,000.00 Capital Outlay 58,296.00 TOTAL APPROPRIATIONS 33,016,463.61

CITY TREASURY DEPARTMENT Personal Services 10,081,498.00 M.O.O.E. 3,409,500.00 Capital Outlay 557,500.00 Non-OfficeExpenditures 3,000,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 17,048,498.00

CITY ASSESSMENT DEPARTMENT Personal Services 8,873,413.72 M.O.O.E. 1,103,583.00 Non-OfficeExpenditures 1,000,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 10,976,996.72

CITY HEALTH DEPARTMENT

Personal Services 76,610,436.12 M.O.O.E. 1,394,000.00 Non-OfficeExpenditures 3,704,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 81,708,436.12

CITY CIVIL REGISTRY DEPARTMENT Personal Services 4,194,014.04 M.O.O.E. 200,000.00 Capital Outlay 100,000.00 Non-OfficeExpenditures 200,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 4,694,014.04

CITY ENGINEERING DEPARTMENT Personal Services 5,615,401.56 M.O.O.E. 5,080,000.00 Capital Outlay 200,000.00 Non-OfficeExpenditures 1,482,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 12,377,401.56

CITY LOCAL BUILDING OFFICIAL Personal Services 6,023,581.56 M.O.O.E. 50,000.00 Capital Outlay 50,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 6,123,581.56

CITY SOCIAL WELFARE & DEVELOPMENT DEPARTMENT Personal Services 9,523,061.72 M.O.O.E. 2,000,000.00 Non-OfficeExpenditures 2,780,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 14,303,061.72

OFFICE OF THE CITY VICE-MAYOR Personal Services 5,024,157.84 M.O.O.E. 950,000.00 Non-OfficeExpenditures 1,530,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 7,504,157.84

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD Personal Services 37,638,624.24 M.O.O.E. 2,999,800.00 Non-OfficeExpenditures 600,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 41,238,424.24

OFFICE OF THE SECRETARY TO THE SANGGUNIAN Personal Services 2,924,908.24 M.O.O.E. 1,500,000.00 TOTAL APPROPRIATIONS 4,424,908.24

STATUTORY and CONTRACTUAL OBLIGATIONS 335,944,970.87 ============= Php 880,000,000.00

Section 7. EFFECTIVITY. The provisions of this appropriation ordinance shall take effect on January One, Two Thousand and Thirteen (January 1, 2013).

Approved: December¬¬¬ 04, 2012.- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - We hereby certify to the correctness of the foregoing Ordinance.

Atty. ROMMEL M. BERNARDO City Council Secretary

Hon. MARICAR D. TORRES Hon. EDUARDO T. NOLASCOCity Councilor City Councilor

(absent) Hon. IAN EMMANUEL E. BORJA Hon. MERLIN P. MAÑALACCity Councilor City Councilor

Hon. JAIME V. DUMALAOG Hon. FORTUNATO S. ESPIRITUCity Councilor City Councilor

Hon. PAYAPA V. ONA Hon. EDRALIN D. YANGACity Councilor City Councilor

Hon. MA. ANNA LIZZA G. YAMBAO Hon. RUFINO F. BAUTISTA City Councilor City Councilor

Hon. EDWIN GREGORIO L. DIMAGIBA Hon. PAULO D. ORETA City Councilor City Councilor/ ABC Federation President

Hon. JEROME JASPER P. MANALASTASCity Councilor/SK Federation President

A t t e s t e d:

Hon. DIOSDADO A. CUNANANCity Vice MayorPresidingOfficer

A p p r o v e d:

Hon. ANTOLIN A. ORETA IIICity Mayor

MALABON NEWS 5JANUARY-MARCH 2013MALABON NEWS

At sa taong 2013 at susunod pang mga taon, hangad ng butihing alkalde ang ‘maaliwalas’ na Malabon sa pamamagitan ng mas pi-naigting, aktibo at malawak na serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

Matapos ang ginanap na Flag raising ceremony noong Enero 7,‘pasasalamat’ ang namutawi sa bibig ni LLO sa mga tinanggap at tinamong tagumpay ng siyudad noong 2012 sa kabila ng tambak na pagsubok.

Sa kanyang mensahe, masayang pinuri at pinasala-matan ang mga konsehal, de-partment heads at higit sa lahat ang mga kawani sa kanilang suporta, tulong at ‘di matawa-rang paglilingkod sa lungsod.

“Hindi ako magsasawa sa pagsambit ng pasasalamat sa inyong lahat. Ang inyong maayos na serbisyo ang si-yang nagsindi ng katiyakan para makamit ng lungsod at mga mamamayan ang tagumpay,” pahayag ng pu-nong-lungsod.

MAALIWALAS.... Mula sa pahina 1

Pinasalamatan din ang mga lider ng barangay at iba’t-ibang sektor ng lipunan na boluntaryong tumutulong para maisulong ang adhikain ng kanyang liderato tungo sa maayos na serbisyo-publiko.

Kanyang hinihikayat ang mga ito na panatilihin at kung maaari ay lalo pang paigtingin ang kanilang maayos at maka-buluhang pagseserbisyo para sa tuloy-tuloy na tagumpay ng lungsod ng Malabon.

Gaya ng paulit-ulit na si-nasabi, muling narinig kay LLO ang mga salitang ‘competence, honesty at passion’ na dapat tandaan at gawing panuntunan ng bawa’t opisyal at kawani ng lungsod sa pagganap sa tungkulin.

Aniya, isaalang-alang ang kakayahan, katapatan at mahumaling sa trabaho para maabot ang mithing tunay na serbisyo na magiging daan tungo sa hinahangad nating lahat na rurok ng tagumpay para sa Malabon.

Hinikayat ang lahat na alagaan at pagyamanin ang

‘prutas ng pagsisilbi sa ilalim ng kanyang pamumuno at isakatuparan ang mga bala king programa at proyekto para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod.

Hindi man tinukoy, mali-wanag na ang binabanggit na ‘prutas’ ng pagsisilbi ay ang katuparan ng Pailaw project at Malabon Peoples Park sa Catmon at iba pang mata-tawag na ‘legacy’ projects ng kanyang liderato.

Bukod sa ma lak ing proyekto na ito, naisakatu-paran ng administrasyon ni LLO ang ‘renovation’ ng Oreta Sports Center, konstruksiyon ng Hulong Duhat mini-park, repair ng Health at Day care centers at pagtatayo ng aviary.

Katuwang ang Depart-ment of Health, pinaayos ng butihing punong-lungsod ang Pagamutang Bayan ng Malabon na pansamantalang nawalan ng silbi dahil sinira ng dumaluyong na Habagat noong Agosto 2012.

Daang proyekto na may kinalaman sa upgrading at cementing ng kalsada, kasama na rito ang pagsasaayos ng mga kanal sa 21 barangay ng

lungsod ay naisakatuparan sa pamamahala ng Engineering Department.

Nagkaroon din ng katu-paran ang mga anti-flood pro-jects, katulad ng konstruksiyon ng karagdagang waterways, repair at paglilinis ng mga bara-dong daluyan ng tubig tungo sa Malabon-Navotas river.

Matatapos na rin ang pagsasaayos ng mga dike sa paligid ng Malabon river na sanhi ng malimit na pag-baha sa ilang lugar sa lungsod tuwing ‘high-tide’ at kapag dumarating ang malakas na ulan at bagyo.

Sinimulan na at sa dara-ting na ilang buwan ay matata-pos na ang pagsasaayos at pagpapaganda ng mahigit isang kilometrong C-4 Road – mula Lascano hanggang sa boundary ng Malabon-Navotas.

Nakalinya rin sa listahan ng punong-lungsod ang pag-sasakatuparan ng iba’t-ibang prog rama at proyekto-pampub-liko, edukasyon at urban poor, ayon sa kanyang seven-point agenda para sa taong 2013. (Para sa iba pang proyekto’t programa, sundan sa pahina 6-7-9 at 10…………).

SIYAM na kabataang Malabonian ang binigyan ng parangal ng Lungsod ng Malabon noong Disyembre 16, 2012 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Kabataang Malabonian.Ang N.I.N.O.Y. Awards ay taunang parangal na ibinibigay sa

9 na kabataan na may angking talino, kakayahan sa pamumuno at paglilingkod sa komunidad.

Hinango ang parangal sa palayaw ng yumaong Senador Benigno S. Aquino, Jr na mas kilala bilang Ninoy.

Ang Nine Innovative aNd Outstanding Youth ay nagsimula noong 2009 sa City of Malabon University at muling inilunsad ni Mayor Lenlen Oreta noong 2011 upang hikayatin ang mga kabataang Malabonian na maging huwaran ng mga kabataang Pilipino, ikintal sa kanilang mga isipan ang kahalagahan ng sakripisyo at pagmamahal sa bayan na ipinakita ni Ninoy Aquino at makapagtukoy ng mga lider-kabataan na may dedikasyon sa paglilingkod, malasakit sa kapwa, disiplina at hindi makasarili.

Ngayong taon, binigyan ng pagkilala ni Mayor Oreta at dating NYC Commissioner Bam Aquino sina Stephanie de Silva, Karla Justine Arzaga, Reinalyn del Rosario at Bernice Johanna Gamba ng Barangay Tonsuya, Joephel Labongray ng Brgy. Catmon, Don Mark Apostol ng Brgy. Baritan, Candy Arintoc ng Brgy. Potrero, Edrick Dianzon ng Brgy. Ibaba, at Rowena Nagano ng Brgy. Dam-

SIYAM na kabataang Malabonian ang binigyan ng parangal

May N.I.N.O.Y ang Malabon

palit bilang Nine Innovative aNd Outstanding Youth ng Lungsod ng Malabon para sa taong 2012.

Si Bam Aquino, kasama ang isa sa siyam na Malabonians na tumanggap ng N.I.N.O.Y Award.

ISA sa problema, hindi lang ng Malabon kundi ang maraming pamahalaang-

lokal sa bansa, partikular sa Metro Manila ay ang duma-raming pamilya na walang sariling bahay na tumitira sa mga pribado at pampublikong lupain.

‘Di biro ang suliralin na ito, subali’t naniniwala si Mayor Lenlen Oreta na ito’y may solusyon. Kailangan lamang, aniya, ay ibayong pagpupur-sige para maisakatuparan ang pagkakaroon ng mga informal setllers ng sariling bahay.

Mithi ng butihing alkalde na maresolba ang problema na ito kaya ipinag-utos ang pag-balangkas ng isang programa na naglalayong masolusyunan ang mga suliranin ng mga informal settlers sa lungsod.

TF HOUSING AND RE-SETTLEMENT BINUO

Sa hangaring masolusyu-nan na ang matagal nang problema ng mga informal settlers, ipinag-utos ni Mayor Oreta ang pagbubuo ng ‘Mala-bon Task Force on Housing and Resettlement (MTFHR) concern’.

Ang nasabing MHRTF na kapapalooban ng 13 grupo o task forces ay naatasan na

PROGRAMA SA PABAHAYkilalanin ang ‘eligible’ benefi-ciaries at non-eligible setllers sa 13 lugar ng mga informal settlers sa 6 na barangay sa Malabon.

Sa pagtataya ni City Housing and Resettlement Office (CHRO) head Patria Ag-caoili, mahigit 5,000 pamilya sa mga lugar na ito ang direktang apektado sa usapin ng prob-lema sa lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Naatasan din s i lang irekomenda sa city mayor kung paano ma-acquire ang mga pribado at pampublikong lupain na ukupado ng mga informal settlers.

Pagkatapos ay alamin at kanilang pag-aralan kung paano mailipat ang nasabing mga lupain sa mga eligible beneficiaries.

At huli – maghanap ng solusyon kung paano maililipat ang mga non-eligible informal settlers na nakatira sa mga lupa na kanilang inukopa at tinirikan ng mga bahay.

Sinabi ni Agcaoili na ku-mikilos na ang 13 task force para sa lalong madaling pa-nahon ay magkaroon ng linaw ang layunin ng MHRTF.

Aniya, nagsasagawa na sila ng pakikipag-usap at kon-sultasyon sa mga apektadong

pamilya.

MEDIUM RISE HOUSING SA BARITAN

Ang apat na gusali na

may limang palapag ang bawat isa - na makikita sa Barangay Baritan ang kauna-unahang programa sa ‘pabahay’ ng pa-mahalaang lungsod na naitayo sa suporta ng gobyernong nasyunal.

Umabot sa 240 Malabo-nian ang nagkaroon ng sari ling bahay dahil sa ‘pabahay’ na ito na kilala rin sa tawag na medium rise housing o MRH housing.

Ilan pang katulad ng ‘paba-hay’ na ito sa Baritan ang planong

itayo ng pamahalaang lungsod sa iba’t ibang lugar, partikular sa Brgy. Longos, Brgy. Potrero, Brgy. Concepcion, Brgy. Cat-mon at Brgy. Panghulo.

MARANGAL VILLAGE SA LONGOS

Ang isa pang ‘pabahay’ na medium rise housing ng pamahalaang lungsod na ta-tawaging ‘Marangal Village’ at itatayo sa mahigit isang ektarya ng lupa sa Barangay Longos ay sinimulan na ang konstruksiyon.

Tinatayang matatapos sa susunod na taon, ang nasabing ‘pabahay’ ay magsisilbing

resettlement area para sa 700 pamilya na nakatira sa mga tinawag na delikadong agusan ng tubig mula sa tatlong ba ra ngay sa lungsod.

Sa tulong ng mga priba-dong sektor at kumpanya, lalong lalo na ang Department of Interior and Local Govern-ment (DILG) at pamahalaang nasyunal ay naisakatuparan ang nasabing housing project.

700 ‘PABAHAY’ SLOTS SA BULACAN

Patunay na seryoso ang pamahalaang lungsod sa pagresolba ng problema ng informal settlers ay ang

patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na makakatulong at makapag-bigay ng suporta at ayuda.

Sa tulong ng National Housing Authority (NHA), na-kalikom ang Malabon ng 700 slots ng ‘pabahay’ – 500 slots ng NHA housing sa Sta. Maria, Bulacan at 200 slots ng ‘paba-hay’ sa Towerville sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa 700 slots na yan, 57 Malabonian na ang nabigyan o nakakuha ng slots at may natitira pang 643 slots na maaring ibigay sa mga informal settllers na mapapatunayang kuwalipikado na magkaroon ng sariling bahay.

Ang artist perspective ng gusali ng Marangal Village.

(Inset) Sina LLO, DILG Sec. Mar Roxas at Congress-woman Jaye Lacson - Noel nang isagawa ang groundbreaking ng Marangal Village Housing project

MRH project sa Baritan

SA taong 2012, ang lokal na pamahalaan ay nagbuhos ng napakalaking tulong

para sa sektor ng edukasyon. Sentro sa mga programa ang pagaanin ang mga gastusin ng mga magulang sa paaralan, ayu-sin ang mga kagamitan at school equipment sa mga paaralan at bigyan ng libreng training ang mga guro.

Sa unang pagkakataon, sinagot ng lokal na pamahalaan ang “school fee” na sinisingil sa mga daycare centers na gina-gamit pambili ng mga panguna-hing supplies ng mga teachers at bata. Halos P300,000 ang ginastos ng lokal na pamahalaan bukod pa sa mga libreng ID at schoolbag na pinamigay sa mahigit 2,000 bata na nakaenroll sa mga day care centers.

Upang makabawas sa gas-tusin ng mga magulang sa pana-hon ng pasukan noong Hunyo, namigay ng mga libreng school bag at kagamitan sa paaralan ang lokal na pamahalaan para sa mga grade 1, grade 2, rain-coat at tumbler para sa mga nasa kinder. Mahigit 20,000 bata ang nabiyayaan ng programang “Gamit sa Pag-aaral, alalay sa Mag-aaral”.

Bumuhos din ang suporta sa mga paaralang pang-elemen-tarya at high school. Sa unang

task forces ay naatasan na informal settlers. sultasyon sa mga apektadong hay’ na ito sa Baritan ang planong

Tulong Pang-Edukasyon Bumuhospagkakakataon din, nagbigay ng “graduation subsidy” ang mga lokal na pamahalaan na umabot sa mahigit P600,000. Bawat pampublikong paaralan sa Malabon ay nabigyan ng subsidy na ginamit pangtulong sa mga gastusin ng paaralan sa kanilang graduation at recog-nition. Ang halaga ng subsidy ay naging batayan sa dami ng mga graduating students kada paaralan.

Lahat din ng mga paara-lan ay nabigyan ng mga silya na maaari nilang magamit sa mga school activities. Uma-bot sa mahigit 3000 na silya na naipamigay sa mga pam-publikong elementarya at high school na paaralan.

Noong Disyembre, nagsa-gawa ng mass training ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan. Umabot ng 700 guro ang binigyan ng libreng teacher training. Nakipag-ugnayan ang DepEd Division Office sa mga eksperto sa larangan ng edu-kasyon upang mamahala sa naturang workshop na nagla-layong mapahusay ang mga teaching skills ng mga guro sa pamamagitan ng teacher training na tinaguriang “Project Heart”na ginanap sa Bulacan.

Ang Ci ty o f Malabon University ay nabigyan din ng

prayoridad sa pagsasaayos ng ilang pasilidad tulad ng mga classroom, pagpapapintura ng classroom at toilet pati ang pagbili ng mga bagong com-puter para sa mga mag-aaral. Dumami din ang scholar mula sa CMU na nabigyan ng tulong pag-aaral. Umabot sa 159 ang scholars na sinagot ng lokal na pamahalaan ang mga tuition fee.

Pinalakas din ang kapasi-dad ng City of Malabon Polytech-nic Institute (CMPI). Dumami ang kanilang mga enrolees noong 2012. Umabot ng halos 1,000 na mag-aaral ang pumasok sa CMPI sa ibat ibang courses tulad ng au-tomotive servicing, electrical in-stallation maintenance, welding, refrigeration and airconditioning services at iba pa. Nagbukas din

Isang proyekto na nagla-layong makatulong sa pagpapanatili ng kata-

himikan at kaayusan sa Malabon ay naisagawa at naisakatuparan ng lidera-to ni Mayor Lenlen Oreta. Layunin ng lighting up projectna‘ilawan’o‘liwa-nagan’ ang mga madidilim na lugar at karsada sa lungsod. Kapag maliwanag ang paligid, matatakot ang mga kriminal na isagawa ang kanilang maitim na balak sa publiko, ayon sa butihing alkalde. Ang nasabing proyekto ay ‘di lamang makakatu-long sa kapulisan, kundi makakahikayat din ng mga investor para mag-

‘PAILAW’ PROJECT ISINAKATUPARAN NI LLOnegosyo sa Malabon. Sinabi ni Oreta na ang kanyang lighting up pro-ject ay karagdagan samga ‘existing’ o gumaga-na nang mga pailaw sa mga lansagan sa buong Malabon. “Ang pinalawak na pailaw sa mga madidilim na lugar sa lungsod ay pa-tunay na kami’y seryoso sa aming laban sa mga kriminal”, pahayag niya. Ipinahayag ni City Eng’r. Edgar Yanga na natapos na nilang ilawan ang ka-habaan ng Pampano St., mula C-4 Road hanggang Lapu-lapu Avenue; Maya-Maya St.,simula Dagat-dagatan Ave., hanggang Pampano St.; Lapu-Lapu

Ave. mula Dagat-dagatan Ave. hanggang Pampano St. at Dagat-dagatan Ave. mula Letre Road hang-gang C-4 Road – lahat ay makikita sa Brgy. Longos. Ganon din sa Na-val St., mula Women’s Club hanggang M. Blas Extension sa Brgy. Hu-long Duhat; Don. B. Baustista Blvd. mula Sto. Rosario church hanggang Pinagkaba-lian Bridge sa Dampalit at P. Aquino St., mula Sanciangco St., hang-gang Lascano St., sa Brgy. Tonsuya. Maliwanag na rin ang kapaligiran ng Muzon bridge; A. Reyes St., sa Baritan; Dagat-dagatan

Ave., mula C-4 Road hanggang Lapu-lapu Ave., sa Longos; University Ave. mula Gov. Pascual Ave., hanggang Mac-Arthur highway, Orange Road, Durian at Avocado Roads sa Brgy. Potrero.; M.H. Del Pilar St., mula Rodriguez St., hanggang Arkong Bato sa Brgy. Santulan; Yanga St. mula Tongco St. hanggang Tinajeros bridge sa Brgy.Maysilo; Pinagtipunan cir-cle sa Potrero; Rodriguez St., mula M.H. del Pilar St., hanggang Mabolo St., sa Santulan; F. Sevilla Blvd., mula Sacristia St. hang-gang F. Sevilla Blvd., (Am-phitheater) sa Brgy. San Agustin; F. Sevilla Blvd.

hanggang Estrella St., at Estrella bridge sa Brgy. Tañong. Pinuri ng mga Brgy. leader ang ‘lighting up’project ni Mayor Ore-ta. Sinabi nilang ito’y makakatulong sa kanilang paglaban sa mga kriminal at pagpapanatili ng kata-himikan at kaayusan sa kanilang mga lugar. “Maganda ang proyek-to na yan dahil sigura-dong matatakot ang mga masasamang loob na isagawa ang kanilang masamang gawain at makakatulong sa pagpa-panatili ng katahimikan sa aming mga lugar”, pa-hayag ng mga kapitan ng barangay.

ng bagong Ladderized Program sa Computer and Information Technology.

Umabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng equip-ment, computer at training sup-plies na binili ng lokal ng pama-halaan upang mapalakas ang paaralan at makatulong sa mga estudyante na mas mapahusay ang kanilang mga technical skills.

Si LLO habang

namimigay ng libreng school bags sa mga

mag-aaral

6 JANUARY-MARCH 2013 MALABON NEWS

NAKANDA ang mga bu-mubuo ng Malabon Di-saster Risk Reduction

Management Office (MDRR-MO) na harapin ang kalamidad na darating sa lungsod, ito ang paniguro ni City disaster head Roderick Tongol.

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Lenlen Oreta, ang MDRRMO ay ‘di humihinto sa pagplaplano kung paano pa-lalakasin ang disaster strategy ng lungsod para maiwasan ang masamang dulot ng trahedya.

Ang buhay ay mahalaga kaya ang mga bumubuo ng MDRRMO ay nagsusumikap, nag-aaral at inaalam ang lahat ng pamamaraan para masagot ang mga pagsubok na dala ng baha at kalamidad.

PUSPUSAN ANG PAGSASANAY

Ayon kay Tongol, tuloy-tu loy ang pagsasanay ng kanyang mga tauhan upang mapaghandaan ang mga da-rating na kalamidad, hindi lamang tuwing baha kundi sa iba pang uri ng pagsubok.

Kabilang sa tinututukan ay ang pagsasanay ng ilang

KAHANDAAN SA KALAMIDADrescue groups para magamit sa paglikas sa mga residente na naiipit sa baha at pag-rescue sa mga nasusuong sa kapahamakan kapag may kalamidad.

“Mabut ing nakahanda para makatugon tayo sa mga panganib na dala ng kalamidad o ano pa mang pagsubok kaya puspusan ang pagsa-sanay ng ating mga tauhan sa MDRRMO”, pahayag ni Tongol.

RESCUE EQUIPMENTBukod sa pagsasanay,

mahalaga na magkaroon ng mga gamit na magiging kaaki-bat ng MDRRDO teams sa pagsasagawa ng kani lang misyon kapag dumarating ang kalamidad kaya naglaan ng pondo para rito.

Sa kasalukuyan, i lang gamit na ang nabili ng lungsod tulad ng dump truck, mini-dump truck, man-lift, back hoe, personnel carriers at iba pang kagamitan na maaaring magamit sa rescue mission.

Inaasahang sa mga darat-ing na buwan ay ide-deliver sa lungsod ang mga karagdagang mahahalagang gamit tulad ng

search and rescue equipment at first aid emergency gadgets.

KONSTRUKSIYON NG COMMAND CENTER

Isang bagay na mahala-gang naisakatuparan ni Mayor Oreta ay ang konstruksiyon ng command center sa 10th floor ng Malabon City Hall na magagamit kapag dumating ang bagyo, habagat o ano mang kalamidad.

Ang nasabing command center ay magsisilbing sentro ng operasyon ng kapulisan at

MDRRMO para sa monitoring ng kaganapan dahil isa sa ‘asset’ nito ay CCTV cameras na ikakalat sa buong lungsod.

“Sa pamamagitan ng mga CCTV cameras na yan, ma-momonitor o makikita sa com-mand centers ang kaganapan sa buong Malabon para mas mapadali ang responde kapag may kalamidad”, pahayag ni Tongol.

COLOR CODING SIGNSMaglalagay din ng mga

warning o color coding signs

sa mga poste ng Meralco na magsisilbing palatandaan kung kailangan nang ilikas ang mga residente na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig dahil sa malakas na ulan

o bagyo.Ang kulay DILAW na may

taas na 1 hanggang 2 piye ay nagsasaad na maging handa sa anumang mangyayari; ang kulay BERDE na may taas na 3 hang-

gang 4 na piye ay kaila ngang lumikas na at ang kulay PULA na may taas na 4 na piye pataas ay kinakailangang wala nang tao sa lugar at sila ay dapat nang nasa mga evacuation centers, ayon pa kay Tongol.

Ang Disarter team ng Malabon hanbang nagsasanay sa larangan ng rescue

Man-lift mini-truck

SO far, so good! Ito ang pagtataya ni Dr. Rommel Lizan, officer-

in-charge ng Malabon City Health Department (MCHD) sa naging ‘role’ ng kanyang departamento sa pagsasaga-wa ng kanilang trabaho at responsibilidad sa nakaraang taong 2012.

Aniya, matagumpay ang kanilang pagsasakatuparan ayon sa isinasaad ng pam-bansang-batas (Republic Act -7160) na may kinalaman sa paghahatid ng maayos na programang pangkalusu-gan para sa mamamayan ng lungsod.

Ka tunayan , i sa ang Malabon sa pinarangalan ng Department of Health na nakakasunod sa tinatawag na ‘good practice’ kaya maayos na naisasakatuparan ang programang pangkalusugan.

SAPAT NA GAMOT Sa kabila ng tagumpay

na tinamo ng programang-pangkalusugan ng lungsod, ipinag-utos pa rin ni Mayor Lenlen Oreta sa mga kumaka-tawan ng MCHD na lalong paigt ing in at pagyamanin

SERBISYONG-PANGKALUSUGANang serbisyo sa mamayan ng Malabon.

P a r a m a s i g u r o n g makatugon sa pangangaila-ngan ng mga residente na nangangailangan ng serbi-syong medikal, ipinag-utos ng but i th ing alkalde ang pagsasantabi ng kaukulang pondo para sa pagbili ng sapat na gamot.

Ipinahayag ni Dr. Lizan na kamakai lan lamang ay dumating na ang mga inorder na iba’t ibang uri ng gamot na - aniya’y sapat na tutugon sa mga sakit at karamdaman na isasangguni sa Pagamutang Lungsod at Health Centers.

PBM PINAAYOS NI LLO Hindi lingid sa kaalaman

ng madla na ang Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ay isa sa mga nasalanta at nasira noong rumagasa ang Habagat noong Agosto 2012. Maging ang mga medicine stocks at iba pang kagamitan ay nasira rin.

‘Di naputol ang ibinibigay na serbisyo ng mga doktor ng lungsod tulad ng regular na pagtanggap ng mga nagpa-pagamot, subali’t nakaapekto

ang pagkasira ng mga gamit pang-medikal sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Nguni’t ito’y pansaman-tala lamang dahil sa mabilis na pagtugon ni Mayor Oreta sa pagpapakumpuni ng naa-pektuhang mga gamit, ganon din sa pagpapapintura at pag-sasaayos ng mga nasirang bahagi ng ospital.

HEALTH AT DAY CARE

CENTERS KINUMPUNIPara mapabilis ang pag-

tugon ng mga health officers sa mga Malabonian na na-ngangailangan ng serbisyong-medikal, ipanakumpuni rin ni LLO ang ilang Health at Day Care Centers sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Kabilang sa inayos ay ang Bayan-Bayanan health center na makikita sa Celia St., Bayan-Bayanan, Muzon health center sa Karilagan St., Muzon, Santulan health center at i lan pang health centers sa ibang barangay.

Inayos din ang dalawang day care center sa Longos, tatlong day care centers sa Potrero, day care center sa Hulong Duhat, Maysilo, Pang-

hulo, San Agustin at Tañong at pagpapapinta ng Muzon Day Care Center.

NAKAHANDA ANG MCHD VS SAKITSa panahon ng tag-ulan,

mapaminsala ang sakit na dengue at leptospirosis. Ang mga i to ’y k ina ta takutang karamdaman dahi l kapag napabayaan ay nagig ing sanhi ng pagbubuwis ng bu-hay ng taong nadadapuan.

Upang makaiwas, ang MCHD ay naghanda ng sapat na mga gamot na ilalagak sa 21 barangay health centers sa buong lungsod para magamit ng mga residente na mada-dapuan ng nasabing mga sakit na ito.

Nilinaw din ni Dr. Lizan na bukod sa mga nakahan dang g a m o t , a n g m g a M C H D personnel ay nagsasagawa ng pamamaraan para ‘d i na makapaminsala pa ang dengue , l ep tosp i ros i s a t iba pang sakit sa mga taga-Malabon.

EDUCATION CAMPAIGN VS SAKIT

Tulad, aniya, sa ginaga-wang pag-e-educate sa mga residente. Ang information education campaign (IEC) ng MCHD ay nakakatulong sa mga taga-Malabon para sa pag-iwas sa mga sakit sa panahon ng tag-ulan, ayon pa kay Dr. Lizan.

Patuloy din ang pama-mahagi ng leaflets na may pamagat na ‘Walang Itlog, Wa lang k i t i - k i t i , Wa lang

lamok, Walang Dengue’ para maging gabay ng mga resi-dente na nakatira sa 21 ba-rangays sa lungsod.

Sa kanilang kampanya, igigiit ang pagsasakatuparan ng malinis na kapaligiran para ‘di makapangitlog at dumami ang mga lamok na may dala ng mapamuksang sakit tulad ng dengue, pahayag ni Dr. Lizan.

3,000 PHILHEALTH CARDS SA

MAMAMAYANAyon sa MCHD head,

naglaan ang pamahalaang lungsod ng Philhealth cards fund para magsilbing tulong o ayuda sa mga taga-Ma labon sa panahon na sila’y nangaila-ngan ng serbisyong medical.

Umabot na sa 3,000 Ma-labonian ang napagkalooban ng PhilHealth card ng pama-halaang lungsod, Mula sa inisyal na 700 noong 2011, tumaas ang mga residente na nabigyan ng card na ito ng halos 250 porsiyento.

Target ng administras-yong Oreta na makapaglaan ng sapat na pondo para sa pagkuha ng lokal na pama-halaan ng karagdagang Phil-Health cards na ipapamudmod sa mga taga-Malabon, partiku-lar sa mga kapus-palad.

Mga kawani ng lung-sod habang inaayos ang mga gamot na ibabahagi sa mga Ba-rangay at Day C are CentersHealth at Day Care Centers.

MALABON NEWS 7JANUARY-MARCH 2013MALABON NEWS

Pagamutang Bayan ng Malabon

8 JANUARY-MARCH 2013 MALABON NEWS

MALABON NEWS 9JANUARY-MARCH 2013MALABON NEWS

PINANGUNAHAN ni Mayor LenLen Oreta ang pagpapatupad ng

TULOY ANG LABAN KONTRA BASURA

Anti-Littering Ordinance. Umikot sa 21 barangay ang Mayor kasama ang

mga konsehal at mga kawani ng City Environ-ment and Natural Re-

sources Office (CENRO) upang ipaliwanag ang mga probisyon ng ordi-

nansa at mga multa para sa mga lalabag nito. Halos 5,000 tao ang dumalo sa

Mga Bidang Malabonian

kabuuan ng mga public forum na tumagal ng tat-long buwan.

Sa tulong ng iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Natural Resources, Metropoli-tan Manila Development Authority, pinaigting ng lungsod ng Malabon ang programa nito laban sa basura.

N a k a k u h a a n g lungsod ng Malabon ng isang trashboat mula sa DENR na maaaring makatulong sa pagkuha ng mga basura sa ilog. Nagbigay din ng pam-pasuweldo ang DENR para sa 2 bantay ilog enforcer para sa Tonsuya at Pinagsabugan creek. Ang MMDA naman ay patuloy na nagsasagawa ng mga clean up drive sa iba’t ibang lugar tulad ng Lambingan Bridge, Brgy. Catmon, Sa lmon St . Brgy. Longos at iba pa.

Dahil sa programang laban kontra basura ni Mayor LenLen, nabuksan ang kaisipan ng mga ma-mamayan ng Malabon sa kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa at diwa ng bolunterismo.

Bilang suporta sa but ihing alkalde, ang

mga empleyado mismo ng Cityhall ay nakiisa sa malawakang Grand Linis Day na tumagal mula Mayo hanggang Setyembre. Hindi nagpa-talo ang mga paaralan sa patuloy na pagtatanim ng mga puno sa bakuran ng kanilang mga eskwela-han. Matatandaang ang “Araw ng Bayanihan” na isinagawa noong Set-yembre ay dinaluhan ng mahigit isang libong tao kung saan naglinis sila ng iba’t ibang barangay bago nagkaroon ng munting salo-salo sa Amphitheater para sa mga “volunteer cleaners”.

Kamakailan lamang ay namigay si Mayor LenLen ng 42 pushcart sa mga barangay at 42 pushcart at mga drum para sa mga homeowner’s association

Nagtalaga ang lo-kal na pamahalaan ng mahigit 100 na sweeper upang masigurong ma-linis ang ating mga ka-paligiran. Kumuha din ng 100 environmental enforcer mula sa mga barangay at CENRO para manghuli ng mga taong lalabag sa Anti-littering Ordinance.

“Ngayong taon mas magiging agresibo ang pamalahaang lokal sa panghuhuli sa mga ta-ong lalabag sa Ordinan-sa. Inaasahan naming makikipagtulungan ang mga Malabonian para na rin sa kalinisan ng ating mga lugar,” ani ng pinuno ng CENRO Mark Mesina

Tuluyan nang nasara ang mga “dropping points” ng basura sa iba’t ibang lugar sa lungsod. Kabi-lang dito ang sa Salmon St. at Lapu-Lapu Ave. (Longos), along Governor Pascual (Baritan), Sisa St. (Tugatog), P. Aquino St. (Tonsuya), Damzon Area (Dampalit) at Gen. Luna cor Gen. Trias (Hulong Duhat).

Sa mga susunod na buwan, isasara na din ang mga garbage dropping point sa Gov. Pascual cor Crispin St. (Tinajeros), Road 26 cor. M. Sioson St. (Dampalit), Sto Nino St. (Concepcion) Gov. Pascual cor University Ave (Potrero) along Bernardo St. (Baritan).

Tinatayang magpa-patupad ng door to door garbage collection bago matapos ang taon sa mas maraming barangay.

LEONARDO VILLANUEVA - Tinanghal na isa sa sampung kinilalang HAPPIEST PINOY na pinili ng Cebuana Lhullier Insurance solutions. Ang con-test ay bahagi ng kampanya upang buhayin ang pag-asa, katatagan ng bawat Pinoy at abilidad na

makabangon sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Si “Kuya Nardo” ay isang jani-tor sa Tinaje-ros Elementary School. Kila-lang masaya-hin at matu-lungin sa mga guro at bata sa kanilang paara-lan. Halos 25 taon na siyang nag l i l i ngkod sa paaralang ito. “Masipag

talaga si Nardo, sa katunayan ayaw niya ngang tumanggap ng kahit anumang pera kapag may nag-aalok sa kanya bilang pasasalamat sa kanyang kasipagan, mas gusto niyang pagkain na lang,” kwento ni Principal Zenaida Roberto. Salat man sa buhay at sa pagmamahal ng isang ina, hindi naging hadlang ito upang mawalan ng pag-asa si “Kuya Nardo”. Namatay ang ina ni Nardo sa pa nganganak noong siya ay pitong taong gulang pa lang.

Pinarangalan si Nardo sa isang flag ceremony rites ng City Hall kung saan binigyan siya ng mun-ting gantimpala ni Mayor LenLen.

“Sana ay matularan natin si Nardo dahil kahit anong hirap ang kanyang trabaho, ginagawa niya ito ng buong sigla at sipag,” pahayag ni Mayor sa maikling seremonya.

Kahit minsan ay hindi inisip ni “Kuya Nardo” na mababa ang kanyang trabaho. Sa halip, pilit nyang sinisikap na maging “Best Janitor” siya na magugus-tuhan ng lahat.

“Gawin mong simple ang buhay, basta wala kang kagalit, batiin mo lahat, para hindi sila mailang sa iyo at lagi mo silang ngitian,” masayang pahayag ni Nardo nang tanungin sya ng kanyang sekreto sa buhay.

MELVIN DELDA – Isang graduate ng City of Mala-bon University na galing sa isang mahirap na pamilya. Na ging “working student” upang matustusan ang kan-yang pag-aaral. Hindi biro ang kanyang pinagdaanan, naging isang kargador sa punduhan kapag gabi at nag-aaral sa City of Malabon University kapag araw. Dahil buo ang loob at may likas na katalinuhan, naging top 12 siya sa CPA board e x a m i n a -tion noong 2012. Na-kakuha sya n g 9 2 % ra t i ng sa n a t u r a n g exam.

“ A n g t i n a m o n g karangalan n i Me lv in ay patunay n a h i n d i h a d l a n g ang kahi-rapan para s a i s a n g tao upang maabot ang mga pangarap ng isang tao,” paalala ni Mayor LenLen.

Isang patunay ang kwento ni Melvin na may likas

na talino at galing ang mga Malabonian. Naniniwala si Mayor LenLen walang imposible kung lahat ay mag-sisikap. “Sana ay magsilbing magandang halimbawa at inspirasyon ang kwento ng buhay ni Melvin para sa mga kabataan ng Malabon,” dagdag ng butihing alkalde.

KEIKO NECESSARIO – Napabilang siya sa top 14 finalists sa 1st Philippine Popular Music Festival na ginanap noong July 14, 2012 kung saan halos 3,000 na song wri ters ang lumahok mula sa ibat ibang lugar sa Pilipinas. I n i l a b a n n i y a a n g k a n t a n g “3AM” na kinanta ni Marie Digbi. Ang Philip-pine Popu-la r Mus ic Festival ay binuksan sa mga ama-teur at pro-f e s s i o n a l songwriters na nagla-layong piliin ang pinaka-m a h u s a y na original na likha na kanta. Si Maestro Ryan Cayabyab ang tumayong mentor ng mga kalahok. Kamakailan naging platinum na ang benta ng CD nila kung saan kumanta ang 14 na finalists.

Si Keiko rin ang lumikha ng lyrics at musika ng kantang “Kilos na Malabon. Nagtapos sa La Purisima Concepcion Academy noong highschool at sa kasa-lukuyan ay graduating student sa Interface Computer College para sa kursong Hotel and Restaurant Services.

Sa edad ng 10, nagsimula na ang hilig ni Keiko sa pagsusulat ng kanta. Sa ngayon, umabot na sa 70 ang mga kanta na kanyang naisusulat.

Isang patunay na sa larangan ng musika, hindi matatawaran ang galing ng Malabonian.

DANNA JAVIER – Tinanghal siyang Mutya na Malabon 2012 noong Mayo. Nagmula sa Brgy Hulong Duhat. Mga ilang linggo pagkatapos ng kaniyang pagkapanalo bilang Mutya ng Malabon ay sumali siya sa Ms. World Pageant kung saan napabilang siya sa mga finalists nitong Hunyo.

Isang inspirasyon si Danna sa mga kabataang Malabonian na nanga ngarap maging beauty queen at mo delo. Sa kabila ng mga work opportunities na dumat-ing sa kanya, n a n a t i l i n g prayoridad nya ang kaniyang pag-aaral.

Sa ka-sa lukuyan, siya ay isang graduat ing student sa kursong Hotel Restaurant Management sa Fatima Uni-versity.

Ipinakita ni Danna na angat pa rin ang ganda ng Malabonian. Ilan sa mga nakilalang beauty queen na nagmula sa Malabon ay sina Evelyn Camus (Bb. Pilipinas International, 1971), Sarah Jane Paez (Bb.Pilipinas Universe, 1989) and Jamie Liz Castillo (Mutya ng Pilpinas 2003).

Si Mayor Lenlen Oreta, kasama ang mga kapitan na tumanggap ng mga kariton sa butihing alkalde para sa proyektong pangkalinisan sa mga barangay sa lungsod..

10 JANUARY-MARCH 2013 MALABON NEWS

SA kabila ng ‘di m a i k a k a i l a n g tagumpay na na-

kakamit laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad, ang lokal na pulisya ng Malabon ay ‘di humi-hinto sa pagsasagawa ng makabagong kapara-anan sa kanilang anti-crime campaign.

Ipinahayag ni S/Supt. Ferdinand Ampil, Sr., na epek-tibo ang kanilang police visi-bility strategy sa iba’t ibang lugar ng lungsod dahil ‘di magawang isakatuparan ng mga kriminal ang kanilang masamang balakin.

Ang police visibility o ang pagpapatrol ng mga unipor-madong pulis sa kapaligiran, partikular sa mga mataong lugar o commercial center ay itinuturing na susi ng pagbaba ng insidente ng krimen sa lungsod.

KARAGDAGANG 200 PULIS

Kamakailan, itinalaga ng pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 50 pulis sa Malabon City para karagda-

gang puwersa sa pagharap ng Malabon police sa pagpapatu-pad ng katahimikan.

Ang mga ito’y bagong recrui ts ng Pambansang kapulisan na bago italaga sa lungsod ay humarap sa anim na buwan na pagsubok at

pagsasanay ng mga bagay na may kinalaman sa trabaho ng alagad ng batas.

10 MOTORSIKLO MULA SA PAMAHA-LAANG-LUNGSODBilang suporta, karagda-

gang sampung motorsiklo ang ibinigay, bukod pa sa ilan pang motorsiklo na nauna nang itinalaga ng pamahalaang lungsod sa Malabon PNP para sa kanilang anti-criminality campaign sa siyudad.

Sa kasalukuyan, ginagamit na rin ng lokal na kapulisan ang ilang armas na kinapapalooban ng M-14 at M-16 rifles at iba pang police gadgets na nagmula sa Pambansang Kapulisan sa Camp Crame.

10 MOBIL CAR DARATING NA!Para sa epektibong pag-

papanatili ng katahimikan at kaayusan sa lungsod, bumili ang pamahalaang lungsod

ng 10 Suzuki APV mobil cars para magamit ng Malabon PNP, pahayag ni Mayor

Lenlen Oreta.Ang mga dokumento

para sa pagbili at delivery ng

gang puwersa sa pagharap ng pagsasanay ng mga bagay na

IBAYONG KAMPANYA VS. KRIMEN Ang sampung bagong motorsiklo ng Malabon Police Force.

Isa sa 10 APV Su-zuki na paparating para magamit ng lokal na kapulisan,

Apat pang karagdagang bagong motrorsiklo para sa kapulisanIprinisinta ni S/|Supt. Ferdinand Ampil sa mga opisyal ng City Hall sa pangunguna ni LLO ang mga gamit na ipinadala ng Camp Crame sa Malabon

UNTI-UNTI NG nagbunga ang halos isang taong pagtatrabaho ni Mayor LenLen Oreta. Sa kabila ng mga pagsubok at mga dagok ng kalamidad ng nakaraang taong 2012, napatunayan ang tatag

at galing ng mga Malabonian upang makabangon. Ngayong 2013, buo ang pag-asa at tiwala ni Mayor LenLen na magtutuloy ang pag-asenso ng lungsod at pag-buti ng serbisyo publiko para mapaunlad ang buhay ng bawat Malabonian. Hindi nagpatalo ang kasalukuyang administrasyon sa mga problema tulad ng kawalan ng sapat na pondo at kagamitan. Lahat ay naging saksi sa mga malalaking programa na nagawa at nasimulan nitong 2012, tulad ng... l Pinatayo na Malabon People’s Park na may malawak na

children’s playground sa Barangay Catmon l 3 mini-park na tinayo tulad ng Aviary, Hulong Duhat Plaza at

Playground Plaza, Nasimulan na rin ang pagbili ng mga palaruan para sa Plaza Diwa, Bahay Sandigan at likod ng Oreta Sports Complexl 8 na health center ang nasimulan nang ipagawa at pinaayos

ang Pagamutang Bayan pagkatapos ng “Habagat” para ‘di maputol ang serbisyo nito l 22 na mga pangunahing kalye ang napailawan sa ilalim ng

“Citywide Streetlight Project” l Halos 19,000 na libreng Philhealth cards ang naipamigay

sa mga kapus-palad na Malabonian sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan at tulong ng Philhealthl 2 bagong pumping station sa Hulong Duhat at Tugatog na

PANALO ANG MALABONIANSSa Bigay Todong Trabaho...

naipagawa upang makabawas sa problema ng bahal 30,000 na bag ng bigas at delata sa iba’t ibang barangay ang

napamigay sa pamamagitan ng “Pamaskong Handog”l 10 na mga kalye, daan at ibang imprastraktura ang naipaayos

sa ibat ibang barangay l 21 waiting sheds na nasimulan nang ipatayol 6 Covered courts, kasama ang tennis court at basketball court

ang napagawa at napa-ayosl 12 rescue boats, 1 rescue van, 6 wheeler truck ang nabili para

sa rescue operations bilang paghahanda sa panahon ng kalamidadl 2 service vehicles para sa pulisya ng Malabon ang nabili, 8

na bagong sasakyan kasama ang 4 trucks, 5 motorcycles at 1 water tanker para sa regular na operasyon ng lokal na pamahalaanl 100 na bagong Computer ang binili upang magamit sa

computerization ng mga revenue-generating offices at pangunahing operations sa City Hall l Mahigit 25,000 na bata sa Kinder, Grade 1 at Grade 2 ang

nabiyayaan ng bag at ilang gamit pang-eskwela sa Araw ng Pasukan.l 2,600 na daycare children ang nabigyan ng libreng mga school

supplies at iba’t ibang gamit para sa 34 na daycare center . l Halos 700 na guro ang nabigyan ng libreng training program

sa pamamagitan ng “Project Heart” na pinangunahan ng Division Office ng Department of Education sa Malabon l 12 daycare centers ang sisimulang ipaayos ngayong 2013; 2

bagong daycare mula sa Early Childhood Care Development Council ang itatayo rin sa Tugatog at Hulong Duhatl Mahigit 12,000 na pamilya ang nakakatanggap ng buwanang

tulong pinansyal mula sa Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program sa tulong ng DSWD.l Halos 1,000 na bagong mga mag-aaral ang nakapasok sa

City of Malabon Polytechnic Institute (CMPI)l Mahigit 5,000 ang nakilahok sa Anti-Littering Caravan kung

saan naturuan sila ng kahalagahan ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar at naipaliwanag ang pagpapataw ng multa para sa mga lalabag sa Anti-littering Ordinance. l 42 push carts ang naipamigay sa barangay, 42 na dagdag na

pushcarts para sa mga homeowners association l Mahigit 1,000 ang nabigyan ng trabaho mula sa mga programa

tulad ng “Cash for Work”, TUPAD at iba pang emergency employment programs ng lokal na pamahalaan.

nasabing mga mobil car ay kasa-lukuyan nang prinoproseso, ayon pa sa punong-lungsod.

MALABON NEWS 11JANUARY-MARCH 2013MALABON NEWS

NAGSIMULA sa pangarap na mabilis na nai-sakatuparan dahil sa maayos na pamamahala - at ngayo’y nagbibigay na ng ngiti sa labi

at tuwa sa mukha ng mga Malabonian. Iyan ang bagong-tayong Malabon Peoples Park.

Binuksan noong Disyembre 16, 2012, matapos ang isinagawang ‘ribbon-cutting’ at ‘blessing’, na pinangunahan ni Mayor Lenlen Oreta, ang MPP ay paboritong destinasyon ng mga nagnanais humugot ng kasiyahan.

Makikita sa mahigit 3,000 square-meter na lupain sa Barangay Catmon, ang parke ay isa sa maraming proyekto at programa ng administrasyon

ni Mayor Oreta na kanyang naisakatuparan sa nakaraang taong 2012.

Ang parke na napapaligiran ng palm trees at iba’t ibang halamang namumulaklak ay kumpleto ng mga gamit na tiyak na magdududulot ng katu-waan sa mga bumibisita – senior citizen man o kabataan ang mga ito.

May mga konkretong upuan na magagamit ng mga nais magpahinga at lumanghap ng preskong hangin, lugar na maaaring mag-ehersisyo at erya para sa gustong sumayaw sa tugtog ng masaya at nakakaindak na musika. Maaari ding magsagawa ng aktibidades sa parke dahil may ‘multi-purpose’

stage na maaaring gamitin. At higit sa lahat, may sapat na comfort rooms na tatakbuhan kapag makaramdam ng tawag ng kalikasan.

Sa bahagi ng playground na may sukat na mahigit 1,500 metro-kuwadro, matutuwa ang mga bata dahil sa mga recreational structures tulad ng seesaw, dome climber, floating balance, swings, sitting rotators at iba pa.

Mayroon ding air walker, self-weighted rower at slides na siguradong kagigiliwan ng mga bata, ayon kay City Architect Richard Gamayao.

Ang MPP ay maaaring bisitahin ng lahat, katulad ng mga tinatawag na PWD (Person With

Disability) dahil may rampa sa kanilang pagpasok sa loob ng parke, bukod pa sa mga PWD toilets na kanilang magagamit.

Para mapanatili ang kagandahan, ipinag-utos ni Mayor Oreta ang pagtatalaga ng mga kawani ng lungsod na magpapanatili ng kalinisan at mag-babantay para maiwasan ang pagkasira ng mga halaman at gamit sa parke.

Ang Malabon Peoples Park sa Brgy. Catmon ay handog ni LLO sa mga Malabonian at isa lamang sa marami pang parke na binabalak ng Oreta administration na isasakatuparan sa buong lungsod ng Malabon.

N

MALABONPEOPLE’S PARK

Handog ni LLO sa mga Malabonian