12
MALABON UMANGAT ANG ISKOR SA NAT Opisyal na Pahayagan ng Lungsod 20,000 BAGS LIBRENG IPINAMIGAY SA KABATAAN MAY PAG-ASA SA ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM ‘THE FORT’ SA MALABON AT CALOOCAN NASA PAHINA 11 ANG DETALYE SA PAHINA 3 Abril-Hunyo 2014 SINA Mayor Len-Len Oreta, Kon. Jap Garcia at Liga ng mga Barangay President Kon. Paulo Oreta ay namigay ng libreng bags at school supplies. Kasama ni Mayor Len-Len sa larawan ang mga tuwang-tuwang mga batang mag-aaral at kanilang mga magulang. DAHIL sa nagkakaisang aksiyon sa pagitan ng mga guro, magulang at ng pamahalaang lungsod, nakamit ng Malabon ang ninanais at minimithing pagtaas na score ng mga mag-aaral sa 2014 National Achievement Test (NAT). Sundan sa pahina 2 NASA PAHINA 6 NASA PAHINA 2 CMPI UMANI NG PAPURI

NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

MALABON UMANGAT ANG ISKORSA NAT

Opisyal na Pahayagan ng Lungsod

20,000 BAGS LIBRENG IPINAMIGAY SA KABATAAN

MAY PAG-ASA SA ALTERNATIVE

LEARNING SYSTEM

‘THE FORT’ SA MALABON AT CALOOCAN

NASA PAHINA

11

ANG DETALYE SA PAHINA 3

Abril-Hunyo2014

SINA Mayor Len-Len Oreta, Kon. Jap Garcia at Liga ng mga Barangay President Kon. Paulo Oreta ay namigay ng libreng bags at school supplies. Kasama ni Mayor Len-Len sa larawan ang mga tuwang-tuwang mga batang mag-aaral at kanilang mga magulang.

DAHIL sa nagkakaisang aksiyon sa pagitan ng mga guro, magulang at ng pamahalaang lungsod, nakamit ng Malabon ang ninanais at minimithing pagtaas na score ng mga mag-aaral sa 2014 National Achievement Test (NAT). Sundan sa pahina 2

NASAPAHINA

6

NASA PAHINA

2

CMPI UMANI NG PAPURI

Page 2: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

Mula sa pahina 1Masayang ibinalita

ni Mayor Len-Len Oreta na 19 sa 28 pampublikong paara-lan sa buong lung-sod ang nagpakita ng pagsirit ng NAT scores, partikular sa mga ito ay mga mag-aaral mula sa ika-6 na baitang (Grade 6).

Tumaas din ang National Achieve-ment Test (NAT) scores ng mga mag-aaral na 4th year sa High School. Kabi-lang dito ang Tina-jeros NHS, Tañong IS at Panghulo NHS.

Kumpara noong 2013, ang nasabing eskwelahan ay nag-tala ng pag-angat sa NAT score mula 5 porsiyento hang-gang 55 porsiyento ngayong taon, paha- yag ng butihing al-kalde sa kanyang pag-bisita sa iba’t ibang paaralan.

Pinangunahan ng Potrero Elementary School ang pag-angat ng mataas na score na 55 %; Santulan Elementary School - 42%; Santiago Syju-co Elementary School - 37 % at Tonsuya Elementary School na tumaas ng 31 %.

“Natutuwa ako dahil nakakamtan na natin ang bunga ng ating pagsisikap. Kayang-kaya pala na-ting pataasin ang NAT score sa loob lamang ng isang taon. Na-gawa natin ito dahil lahat ay nagtulong tulong,” ani Mayor Len-Len.

Mapapansin na sa nagdaang mga taon, hindi nagiging competitive ang mga paaralan ng Malabon sa NAT na taunang ibi nibigay ng DepEd and National Edu-cation Testing and Research Center (NE-TRC).

Ang NAT ay ma-halaga sa mga mag-aaral sa Grade School

MALABON... at High School da-hil ito ang batayan kung sila ba ay may natututunan. Ito rin ang magiging sukatan tungo sa agresibong estilo ng pagtuturo para sa kapakanan ng mga bata.

Nagkaroon ng mga “review classes” ang mga paaralan ilang buwan bago ang pag-susulit.

Nakibahagi din a n g m g a m a g u -lang sa prog rama sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga “reading sessions” pagkatapos ng ka-nilang mga klase lalo na sa mga mag-aaral na nasa “frustration reading level”.

N o o n g 2 0 1 3 , namahagi ng mga libreng workbooks sa Grade 4, 5 and 6 ang Lokal na Pamahalaan sa English at Math subjects.

Malaking tulong ito sa paghahasa ng kanilang kaalaman sa mga asignatura na English at Math, kung saan mababa ang mga NAT scores ng mada-ming Grade 6 noong 2012 at 2013 exami-nations, ayon pa sa alkalde.

Simula nang siya ay manungkulan, naging prayoridad ni Mayor Len-Len ang edukasyon. Taon-taon namimigay ito ng lib-reng school bags at school supplies sa mga batang mag-aaral sa Grade 1 at Kinder.

P l a n o r i n n g p u n o n g - l u n g s o d na magbigay ng kaukulang rewards o pabuya ang lokal na pamahalaan para sa mga “high-performing” na paaralan.

Bukod dito, patu-loy pa ding tutulungan ang ibang mga paara-lan upang makaabot sa mas mataas na an-tas para na din sa mas magandang kinabu-kasan ng mga Batang Malabonian.

KI N I L A L A ang 9 na nag-s i p a g t a p o s

n g e l e m e n t a r y a at 236 na nakata-pos ng sekundar-yang edukasyon sa pamamagitan ng Al-ternative Learning System (ALS) noong ika 29 ng Abril, 2014.

Iprinisinta ng Edu-cation Program Su-pervisor ng ALS, Dr. Cynthia P. Farma ang mga nagsipagtapos.

Sa makabuluhang se r emonyang g i -nanap sa Robinson’s Townmall sa Baran-gay Tinajeros, pi-nasinayaan ni Ma yor Len-Len Oreta ang pagkilala sa mga nag-tapos, dahil sa ka bila ng kani-kanilang limi-tasyon sa pagdalo sa pormal na edukasyon ay napagtagumpayan ng 245 na kabataang Malabonian ang mga pagsubok at kapalit nga noon ang tinang-gap nilang diploma.

Sa ilalim ng te-mang “Hindi Ma-titinag ang Pusong

245 kabataang Malabonians nagsipagtapos…

MAY PAG-ASA SA ALTERNATIVE LEARNING SYSTEMPilipino” ipinaabot ng butihing Punong Lungsod ang kanyang pagbating naghahatid ng inspirasyon sa bawat nagsipagtapos upang humakbang pa patungo sa kanilang mga pangarap.

Ang programa ng ALS ay naglalayong kumple tuh in ang sekundaryong an-tas ng edukasyon ng bawat mamamayang hindi nakapagpatuloy sa regular na paara-lan. Alinsunod ito sa tadhana ng Saligang Batas na libreng edu-kasyon para sa bawat Pilipino.

Sa Malabon, kara-mihan ng mga naging estudyante ng ALS ay dating nahinto sa pag-aaral bunga ng maa-gang paghahanapbuhay sanhi ng karalitaan.

May ilan din sa kanila ang dating nailigaw ng bisyo o masamang impluwen-sya upang iwan ang

pag-aaral, nguni’t sa kabila nito, sila ay na-numbalik sa wastong pag-iisip at ngayon nga ay napagsumika-pang makapagtapos.

Ang pagpapatala at pagdalo ng bawat mag-aaral sa ALS ay libre at pinaglalaanan lamang ng Depart-ment of Education (DepEd) ang maliit na honorarium at trans-portation allowance ng mga Mobile Teach-ers.

Sa simula ay nag-tatalaga ang DepEd ng Literacy Volunteers na nagtitipon ng Perso-nal Information Sheet (PIS) at naglulunsad ng mga Functional Literacy Tests (FLT) sa hanay ng bawat posibleng mag-aaral sa buong lungsod upang tukuyin ang katangian ng bawat magiging mag-aaral.

N a g t a k d a a n g DepEd ng 5 Commu-nity Learning Centers

(CLC) sa kampus ng Elementary Schools n g M E S , N i n o y Aquino, Concepcion, Tinajeros, at Epifanio Delos Santos, kung saan masigasig na nagpapatnubay ang 38 Instruction Mana-gers (IMs) at District Alternative Learning Coordinators (DALC) sa mga sesyon ng ALS bilang mga guro at tagapayo.

Ang pamahalaang lungsod naman sa pa-mumuno ni Mayor Len-Len ang nagpo-pondo ng honorarium para sa mga IM at DALC.

Ayon kay Dr. Far-ma, malaking tulong ang pondong inilalaan ng lokal na pamaha-laan lalo’t minsan ay nagpapaluwal ang mga nagsisipagturo ng mga materyales sa pagtuturo dahil sa ku-lang pa rin ang naiu-ukol ng DepEd para sa mga ito.

Kulang din ang re-kurso ng mismong mga mag-aaral upang pag-ambagan ang ka-nilang pangangaila-ngan.

May iilang mga ba-rangay na aktwal ding sumusuporta mula sa kanilang pondo katu-lad ng Barangay San Agustin, na pana- panahong nag-aasika-so sa mga mag-aaral at naglalaan din ng i lang kagamitan para sa kanila.

Sa bahagi ni Mayor Len-Len, buo ang kan-yang suporta sa prog-rama ng ALS bilang pagtupad sa kanyang adhikaing bigyan ang bawat Malabonian ng sapat at de kalidad na edukasyon, anumang edad at katayuan sa buhay.

D a h i l a y o n s a butihing alkalde, sa makabuluhang edu-kasyon , an iya ay muling nabubuhay ang pag-asa ng mga nabigo ngunit mu-ling nagsusumikap na mga Malabonian.

2 ABRIL - HUNYO 2014 MALABON NEWS

SI Mayor Len-Len Oreta habang nagbibigay ng mensahe sa mga nagtapos ng Alternative Learning System.

Page 3: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

MAY kabuuang 20,000 na kabataan ang nakatanggap ng libreng bags at ka- gamitang pang-eskwela mula sa Lokal na Pamahalaan ng Malabon.

Bahagi ito ng programa ng lokal na pamahalaan na tinawag na “Tulong Pang-edukasyon sa Batang Malabonian” upang matulungan ang mga batang Kinder at Grade 1 sa kanilang unang hakbang sa pag-aaral.

Personal na ipinamudmod ni Mayor Len-Len Oreta ang nasabing mga bags at school supplies sa mag-aaral ng mga pampublikong paaralang elementarya, kasama sina Kon. Paulo Oreta, Presidente ng Liga ng mga Barangay at Kon. Jap Garcia, Committee Chair-man ng Edukasyon sa Sangguniang Panglungsod.

“Gusto naming ma-engganyo ang mga batang pagbutihin ang kanilang mga pag-aaral kaya binibigyan namin sila ng mga insentibo tulad ng mga school bags at iba pang ka-gamitan,” masayang pahayag ni Mayor Len-Len.

Sinabi ng butihing alkalde na malaki ang naitutulong ng programang ito sa mga magu-lang upang makabawas sa kanilang gastusin sa pagbubukas ng klase.

“Naniniwala tayo na ang edukasyon ang susi sa ating tagumpay sa buhay,” dagdag ni Mayor Len-Len.

Importante ang paghubog sa isipan ng mga bata habang sila’y nasa “formative years” pa lamang kaya naglalaan ng sapat na budget ang Lokal na Pamahalaan ng Malabon para sa pagsulong ng edukasyon.

Sa tulong ng Early Childhood Care Development Council (ECCDC), nakapagpatayo ng dalawang Child Development Center sa Malabon Elementary School at Epifanio Delos Santos Elementary School sa Malabon noong 2013.

Bukod sa pagbibigay ng mga libreng gamit pang-eskwela, nakatakda ding magpatayo ng mga bagong covered courts sa ilang paaralan, bagong school buildings at makapagpaayos ng ilang mga waiting sheds, banyo at mga silid-aralan.

Ang edukasyon ay isang “worthy investment” ng pamahalaan. Maaaring hindi makita kaagad ang resulta ngunit siguradong mas tatagal ang mabuting epekto nito sa pagtanda ng mga bata, ayon pa kay Mayor Len-len.

20,000 BAGS LIBRENG IPINAMIGAY SA KABATAAN

ISA ang Malabon sa 6 na lugar sa Metro Manila na

napili na maging ba-hagi ng “First Read Project” na ipinapa-tupad ng Non-Gov-ernment Organiza-tion (NGO) na “Save the Children”.

Kabilang sa partner cities at municipa-lity ay ang Navotas City, Valenzuela City, Taguig City, Munici-pality of Pateros, at Caloocan City.

Ayon sa pinirma-hang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Save the Children at Lungsod

“FIRST READ PROJECT” sa Malabon nagsimula nang Malabon, 15 baran-gay ang mabibigyan ng tulong para sa ka-nilang “home-based” ECCD program hang-gang 2015.

Ang tatlong ba-r a n g a y n a u n a n g nakabahagi sa prog-r ama ay Tañong , Longos at Catmon. Sa taong 2013, 3 barangay ang na-tapos ng bigyan ng mga training para sa volunteers na mga nagtuturo sa mga home-based p l ay group sessions.

Buhay na buhay ang diwa ng bolun-tarismo sa tatlong

nasabing barangay dahil sa loob ng ma-higit isang taon, ang mga volunteer tea-chers ng home-based program ay walang sawang tumutulong sa pagpapatupad ng mga play group sessions at parents enhancement seminars.

Ayon sa datos ng Save the Children, umabot na sa 250 na magulang at 270 na mga bata ang nagbe-nepisyo na sa prog-rama sa loob pa la-mang ng isang taong implementasyon sa Malabon.

Namahagi din ng

mga story books at toy box ang Save the Children sa nabanggit na 3 barangay.

“Malaki ang mai-tu tu long ng Fi rs t Read Project sa pag-papalakas ng ECCD program sa lungsod para sa mga batang nasa edad 3 at 4 na taong gulang.” pa-hayag ni Mayor Len-Len.

“ U m a a s a k a -ming kahit matapos ang aming MOA sa Save the Children ay maipagpatuloy pa din ng lungsod ang home-based classes upang matugunan ang pag-

dami ng mga bata na nangangailangan ng Pre-kinder training,” dagdag ng butihing Mayor.

Ang home-based play group sessions ay isinasagawa sa mga bakanteng lote, health center, multi-purpose hall, o kani-kanyang bahay, isang beses isang linggo ng mga

piling barangay health worker at pantawid ng pamilya pa rent leader.

Kasama sa 10 linggong programa ang pagtuturo sa mga magulang ng mga importanteng kaala-man tungkol sa nu-trisyon, kalusugan at paghubog ng mga iba pang kailangang mga skills ng bata 4 na taon

MATAGAL na p inangarap ng mga mag-

aaral ng Malabon Elementary School ang magkaroon ng sari l ing Covered Court na kanilang magagamit.

Nguni’t kamakai-lan, naibsan ang na-ngangarap na isipan ng mga guro at estud-yante dahil sa bagong tayong Covered court sa MES compound.

Sa maraming taon ay problema ang pag-sasaganap ng student activit ies sa MES premises dahil sa init ng araw at biglang bugso ng ulan.

NGAYONG school year umabot sa 261 na bata ang nabigyan ng oportunidad na makapag-aral ng libre sa City of Malabon University.

Mahigit isang daan na bagong iskolar ang nakapasa sa mga freshman sa CMU na kumuha ng pagsusulit para maging iskolar.

Naglaan ng humigit kumulang na 2 milyong piso ang lokal na pama-halaan para sa mga scholarships sa iba’t ibang antas.

Bukod sa scholarship sa CMU, may mga karagdagang kategorya ng scholarship na isasakatuparan para sa School Year 2014-2015.

May inilaang “special school subsidy” para sa mga kabataang naging A.M.O awardee nitong 2014 at ilan pang natatanging mag-aaral. 21 sa nabigyan ay nasa Grade 7 at 9 ay nasa kolehiyo.

Para sa kategoryang Honor’s Program, bawat mag-aaral ay makakaku-ha ng sampung libong piso sa loob ng isang taon.

Kailangang magkaroon ng 87% o mas mataas pa sa loob ng isang semester para sa kolehiyo at quarter para sa mataas na paaralan.

Bukod dito ay sisimulan ngayong taon ang “Sikap Program” kung saan bibigyan ng P2,000 sa isang taon ang humigit kumulang dala-wang daan at limampung bata bilang pambili ng libro o panggastos sa eskwela.

“Dahil prayoridad natin ang edukasyon, dinagdagan namin ang dami ng mga batang makakatanggap ng scholarship ngayong taon,” pagmamalaki ni Mayor Len-Len.

Hinikayat ni Mayor Len-Len ang bawat scholar na huwag sayangin ang oportunidad na naipagkaloob sa kanila.

“Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pagtatagumpay sa buhay,” paalala ni Mayor Len-Len.

DAGDAG NA SCHOLARSHIPS

Ngayo’y walang problema dahil may MES covered court na magagamit na ng mga mag-aaral sa pag-sasakatuparan ng ka-nilang school activities.

Ayon kay City Se-curity Unit chief Mel Asidao, malaking tu-long ang pagtatayo ni Mayor Len-Len Oreta ng nasabing covered court sa MES.

Ang naturang co-vered court ay nag-sisilbi ring playground sa mga bata na malayo sa panganib ng sakit dulot ng init ng haring araw at ulan.

pababa. Bukod sa home-

based ECCD prog-ram, tumutulong din ang nasabing NGO sa pagpapataas ng kalidad ng pagtuturo sa daycare centers at pagsasaayos ng mga curriculum at activity guide ng 33 daycare centers sa Malabon.

3ABRIL - HUNYO 2014MALABON NEWS

MALABON ES MAY BAGONG COVERED COURT

ANG bagong court ng Malabon ES

Page 4: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

NA I P A T AY O a n g b a g o n g m u l t i - p u r

pose building sa Ba-rangay Concepcion sa pangunguna ni Mayor Len-Len Oreta.

G a y u n d i n , kasalukuyang ipina-gagawa ang bagong multi-purpose hall sa Barangay Catmon. Ang pagtatayo ng nasabing mga gusali ay bahagi ng proyek-tong pang-impras-traktura na inilatag at nais maisakatuparan ni Mayor Oreta bago matapos ang taon.

“Ang multi-pur-pose hall sa Concep-cion ay pinasinayaan at binasbasan nitong Hulyo 11, 2014. Kasama ni Mayor Oreta sa pagbubukas ng naturang gusali ni Chairman Michael “Eng” Santiago ng Barangay Concep-cion.

Ang gusal i ng multi-purpose Hall sa Brgy. Concepcion ay itinayo sa bakanteng lote na makikita sa Gov. Pascual Ave- nue, Sto. Niño.

Samantala, ang itinatayong Brgy.

Catmon multi-pur-pose Hall ay ma-tatagpuan sa Dulong Hernandez, katabi ng Catmon Integra- ted School.

Ang dalawang na-sabing multi-purpose Hall ay magsisilbing lugar o venue ng mga aktibidades ng mga taga-Concecpcion at Catmon.

Maaari rin itong gamiting temporary evacuation center sa panahon ng kalami-dad, halimbawa’y kapag dumarating ang tag-ulan na ka-limitang nagdadala

ng pagbaha.Plano rin ng ad-

m i n i s t r a s y o n n i Mayor Len-Len , ayon kay Eng’r Tony Bermudo na magtayo

ng iba pang multi-purpose center sa iba pang barangay sa lungsod.

Ang multi-pur-pose center ay ma-

halaga para sa pag-kakaroon ng pulong-pagkakaisa tungo sa nagkakaisang baran-gayan, ayon pa kay Eng’r. Bermudo.

SA pakikipagtu-lungan sa pama-halaang lungsod,

isinagawa kamakailan ng Triskelion Grand Fraternity (Tau Gam-ma Phi) at City Health Office, ang libreng Ope­ration Tuli sa may 200 kabataang lalaki sa lungsod ng Malabon.

Kasama ang iba pang opisyal at miyembro ng samahan, pinangunahan ni Malabon Triskelion Council Chairman Jose Lorenzo ‘Enzo’ A. Ore-ta ang pagtanggap sa mga kabataan na naging benipisaryo ng nasabing proyekto.

Nauna rito, hinil-ing ni Chairman Oreta sa tanggapan ni Mayor Len-Len Oreta hinggil sa plano ng Tau Gamma Phi na magsagawa ng libreng tuli operation sa lungsod na kaagad na-man sinang-ayunan ng butihing alkalde.

Bago ang aktwal na operasyon ay nagtagubi-lin si City Health officer Dr. Rommel Lizan ukol sa mga rekisito ng ope-rasyon, mga dapat gawin ng bawat pasyente’t magulang, at paraan ng pangangalaga matapos ang pagtutuli.

Dalawang doktor at apat na nurse ang itinalaga ng lungsod, 16 na mga doctor at nurse mula sa Tau Gamma Phi ang libreng nanil-bihan. Libreng gamot ay ipinamudmod din sa mga ginawan ng ‘tuli’ operation.

Masigasig na katu-wang ni Chairman Enzo Oreta ang buong pa-munuan ng Tau Gamma Phi, partikular ang ka-nilang Director-General for Luzon Basilio Salao, sa pagsisikap na ma-ging matagumpay ang aktibidad.

Sang-ayon kay Chair-man Oreta, pangalawang beses na nilang isinagawa ang naturang aktibidad sa lungsod ng Malabon. Una, ay sa Brgy. Catmon kung saan daan-daang kabataan ang nagawan ng libreng ‘tuli’.

Ayon sa batang Ore-ta, layon ng kanyang grupo na regular na isa-gawa ang ‘libreng’ tuli, kaakibat, aniya, ang gi-nagawa rin nilang medi-cal missions, libreng gupit, para-legal assis-tance, at eye-care para sa mga Malabonian.

OPERATION TULI NG TAU GAMMA PHI

4 ABRIL - HUNYO 2014

SA pangangasiwa ng Public Em-ployment Ser-

vice Office (PESO), tagumpay na nailun-sad ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang isang Mega Job Fair na isinagawa sa Amphitheater noong Mayo 16, 2014.

Nauna rito ay gi-nanap din sa nasabing venue ang Diskwento Caravan na pinamunu-an naman ng Depart-ment of Trade and In-dustry (DTI) at ng City Cooperative Develop-ment Office (CCDO).

Libo-libong Mala-bonian ang nakilahok dala ang kani-kanilang kwalipikasyon sa pag-hahanap ng mapapasu-kang empleyo.

MEGA JOB FAIR AT DISKWENTO CARAVAN ISINAGAWAK a r a m i h a n s a

mga job applicant ay kasalukuyang mga walang hanapbuhay o kaya nama’y naghaha-nap ng mas magandang mapapasukan mula sa dating pinagtatrabahu-han, ayon kay PESO chief Flor Austria.

Animnapu’t isang (61) lokal na estab-lisimyento mula sa iba’t-ibang lugar sa kalakhang Maynila, ang inanyayahan at dumalo para sa aktibidad.

Tatlumpu’t pito (37) sa mga ito ay tuwirang mag-e-empleyo mula sa mga aplikante habang ang 24 ay mga ahensyang mag-tutuloy ng mga aplikante sa iba pang kumpanya.

May anim (6) na-mang ahensyang nagha-

hanap ng manggagawa para sa ibayong dagat ang nagpartisipa.

Para sa lokal na em pleyo, 3,319 na aplikante ang nakapa-nayam ng iba’t-ibang employer, 265 sa mga ito ay agad-agarang natanggap; ang 2,763 ay nasuring kwalipi-kado subali’t may mga

kailangan pang pagda-anang rekisito, at ang 1,057 ay hindi na inabot ng job interviews.

Pitumpu’t dalawa ang kwalipikadong magtrabaho sa ibayong dagat, mula sa 90 na na-kapanayam na aplikante para rito.

Ang Job Fair ay re-gular na isinasagawa ng

pamahalaang lungsod – ayon na rin sa utos ni Mayor Len-Len Oreta para makatulong sa mga Malabonian na walang trabaho.

Samantala, naging matagumpay ang ginanap na diskwentro caravan da-hil sa iba’t ibang produkto na ibenentang mura sa mga tumangkilik nito.

SAN BARTOLOME CHURCH 400 TAON NA!

MULTI-PURPOSE BUILDING ITINAYO SA BRGY. CONCEPCION

MALABON NEWS

ANG bagong Brgy. Concepcion Multi-Purpose Bldg.

SINISIPAT ni Mayor Len-Len ang isa sa mga produkto sa gina-nap na Diskwento Caravan.

Mayor Len-Len nakisaya sa pagdiriwang...

MSAYANG ipinag-diwang noong Mayo 17, 2014

ng mga Malabonian ang ika-400 taon ng pagkakatatag (Found-ing Anniversary) ng San Bartolome Church.

Sa idinaos na isang linggong selebrasyon, mula Mayo 10 hanggang 17, dumalo at nakisaya si Mayor Len-Len Oreta sa mga isinagawang ak-tibidad.

Sa paggunita sa ika-400 taon, ilang gawain ang isinagawa, tulad ng muling pagbabasbas (re-dedication) sa simbahan bandang alas 3:30 ng noong Mayo 10.

Ang ‘rededication’ ay sinundan ng ‘con-celebrated’ mass na pinangunahan ni Arch-bishop Bernardito Auza, apostolic nunciature na nagmula pa sa bansang Haiti at San Bartolome Parish Priest Father Ri-cardo ‘Ric’ Torrefiel.

Noong Mayo 16, 2014, idinaos ang ‘pre-celebration’ sa pamamagitan ng isang Holy Mass (Banal na Misa) bandang alas 5:30 ng hapon.

Pagkatapos ng Holy Mass ay nagkaroon ng konsiyerto na nilahukan ng mga kilalang mang-aawit-simula alas 7:00 hanggang 11:45 ng gabi.

P a n s a m a n t a l a n g huminto ang kantahan ng mga entertainer sa stage sa harap ng simba-han habang isinagagawa

ang countdown sa pag-dating ng Mayo 17.

Pagtungtong ng 12:01 ng Mayo 17, ang masayang kantahan ay nadaig ng hiyawan ng mga dumalo sa count-down, na pinagarbo pa ng fireworks display.

Tampok sa araw ng pagdiriwang (Mayo 17) ang pag-aalay ng bulaklak sa harap ng simbahan na nalahukan ng mga ambassador ng

United States of Ameri-ca, Spain at Japan,

Naging highlight din sa paggunita ang paglu-lunsad ng quadricenten-nial commemorative stamp na ipinakilala ni Postmaster General Ma. Josefina dela Cruz.

Tinapos ang masa- yang selebrasyon sa pamamagitan ng ‘high Mass’ na pinangunahan ni Bishop Socrates Vil-legas.

Page 5: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

5ABRIL - HUNYO 2014

SA hangad na maiwasan ang m a s a m a n g

dulot ng tag-ulan at pag-bagyo, ipi-nag-utos ni Mayor Len-Len Oreta ang ibayong paghahanda para mapaglabanan ang unos na kali- mitang dala ng du-marating na pana-hon ng kalamidad.

Bilang tugon, sina-bi ng City Engineer-ing Office na binu-busisi na ng kanyang mga tauhan ang ilang flood control projects na inaasahang matata-pos bago ang panahon ng bagyo at tag-ulan.

Malaki ang posi-bilidad na mapaglala-banan ng mga ipina-gawa ng pamahalaang

PINAIGTING NA PAGHAHANDA SA TAG-ULAN INIUTOS NI LLO

lungsod na natapos nang flood control structures ang banta ng baha sa Malabon sa kasalukuyang taon, ayon kay Eng’r. Tony Bermudo.

Maliban sa iilang proyekto pa na gina-gawa sa kasalukuyan, halos lahat ng flood control projects sa iba’t ibang barangay na isinalang noong nakaraang taon ay natapos na, ayon sa Engineering Office.

Ang listahan ng mga nakumpleto nang mga proyekto ay ang mga sumusunod:

- Konstruksiyon ng flood gates sa A. Roque at Samaton area, kabilang ang drainage system im-

provement sa Brgy. Tonsuya , Dulong Hernandez portion sa Catmon (Sluice gate) at Brgy. Niugan.

- Sealing ng river wall sa kahabaan ng spillway ng Catmon pumping station – mula sa retaining wall ng pumping station hanggang Lambingan bridge (may habang 120 metro).

- Konstruksiyon ng river wall mula Sitio Gulayan, Brgy. Cat-mon hanggang Sitio Umboy sa Tinajeros bridge sa Brgy. Tina-jeros na ang haba ay aabot ng 525 meters

- Konstruksiyon ng tinatawag na gravity river wall mula Acacia pumping station hang-gang PNR railway sa Brgy. Tinajeros na may habang aabot ng 600 meters

- Konstruksiyon ng river wall mula Tinajeros bridge hang-

gang MMDA Santu-lan pumping station sa Brgy. Maysilo na may habang aabot ng 300 meters.

- Konstruksiyon at improvement ng drainage outlet sa ka-habaan ng Pampano St., hanggang C-4 Road na dadaloy tu-ngo sa spine drainage main pumping station

- Konstruksiyon ng 1 unit ng pum-ping station, kabilang ang retarding basin at rehabilitasyon ng drainage system sa ka-habaan ng Bonifacio St., at Naval St.

- Rehabilitasyon ng drainage system sa ka-habaan ng C-4 Road, Dagat-Dagatan Ave., P. Aquino hanggang Letre canal.

- Rehabilitasyon ng drainage system sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., sa Brgy. Potrero.

- Rehabilitasyon

ng drainage system sa kahabaan ng Don Basilio Bautista Blvd., sa Brgy. Hulong Du-hat

- Rehabilitasyon ng drainage system outlet sa Brgy. Ba-yan-bayanan

- Rehabilitasyon ng drainage system sa ka-habaan ng C4-Road, malapit sa boundary ng Caloocan

- Konstruksiyon ng karagdagang manhole at inlet para sa box culvert sa kahabaan ng Sanciangco at Gov. Pascual

- Repair at reha-bilitasyon ng drainage system sa M. H. Del Pilar St., mula Busta-mante St., hanggang Francis market at Gov. Pascual mula M.H del Pilar hang-gang Maria Clara St.

- Konstruksiyon ng 1 unit ng retarding basin, kabilang ang drainage improvement

sa kahabaan ng Sacris-tia St., Sevilla St., at P. Aquino St.

- Konstruksiyon at upgrading ng drainage outlet sa kahabaan ng M. Blas St.sa Brgy. Hulong Duhat

- Rehabilitasyon ng drainage system sa kahabaan ng F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong

- Rehabilitasyon ng flood wall at pagtataas ng box culvert sa ka-habaan ng Tugatog creek

- Rehabilitasyon ng drainage system sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St.

- Konstruksiyon ng river wall sa kahabaan ng drainage outfall sa Ugnatan St., Brgy. Concepcion at Pilapil St., sa Niugan

- Rehabilitasyon ng drainage system sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue sa Tinajeros at Acacia.

Ang iba pang paga-wain na kasalukuyang tinatapos ay ang mga sumusunod:

- Pagtataas at pag-papalakas ng river walls sa Malabon river – Catmon at Longos creeks

- P a g t a t a a s n g flood gates at pump-ing stations sa Ma-labon – Tu l lahan river

- Konstruksiyon ng Chunkang floodgate sa dulong Doña Juana side sa Dampalit

- Rehabilitasyon ng Chungkang floodgate sa M. Sioson side, Dampalit

- Rehabilitasyon ng North Muzon flood-gate at Muzon-Dam-palit river

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, sinabi ni Eng’r. Bermudo na naka-handa ang Malabon sa banta ng baha sa darating na tag-ulan.

Mula sa pahina 6Tinanggap ni S/

Supt. Severino P. Abad, Jr. ang mga gamit para sa Malabon Police, si C/Insp. Rodrigo Reyes para sa BFP at si Supt. Randel Latoza sa panig ng BJMP, ayon kay Polet Tongol, City Di-saster Head.

Pinasalamatan ni Col. Abad si Mayor Len-Len. Sinabi ng butihing police official na makakatulong ang natanggap na disaster devices para sa pagharap nila sa mga pagsubok dulot ng paparating na rainy season.

“Makakaasa s i Mayor Len-Len na pangangalagaan at maayos namin na gaga-mitin ang mga ito para sa kapakanan ng mga sinasalanta ng trahedya na dumarating tuwing tag-ulan,” pahayag ni Col. Abad.

PNP, BFP AT BJMP... Tulad ni Col. Abad, may kislap sa mga mata, ngiti sa mga labi na nagpa-abot din ng pasasalamat sina Maj. Reyes at Col. Latoza matapos tang-gapin ang naturang mga gamit sa butihing punong-lungsod.

Ang mga person-nel ng kapulisan, BFP at BJMP ay partners n g p a m a h a l a a n g lungsod, partikular ng City Di saster Risk Reduction Manage-ment Office (MDR-RMO) sa pagharap ng mga kala midad, gaya ng baha.

Sa panahon ng kalamidad, mahalaga ang mga gamit tulad ng mga ipinamigay ni Mayor Len-Len, lalo’t kapag nagsasa-gawa ng paglilikas sa mga residente at res-cue missions sa mga nasasalanta ng baha, pahayag ni Tongol.

MALABON NEWS

BUKOD sa proyektong flood control, ang pamahalaang lungsod ay bumili ng iba’t ibang equipment tulad ng mga rescue vans para magamit sa panahon ng kalamidad.

Page 6: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

KUNG ang plano ay matutuloy, hindi na kaila-

ngang dumayo pa ang Malabonians at Caloocanians sa mga kilalang commercial hub, tulad ng ‘The Fort’ sa Taguig.

Ito’y matapos mag-kasundo sina Mayor Len-Len Ore ta a t Mayor Oca Malapitan na i-develop ang 80 hectares prime lot sa boundary ng Malabon at Caloocan.

Makikita sa Baran-gay Potrero sa Mala-bon at Brgys. 160,161 at 163, ang naturang lupa ay dinidinig sa korte dahil parehong inaangkin ng Malabon at Caloocan.

Sa matagal na pana-hon, ang naturang lupa na itinuturing na pre-mier lot ay nakatengga at ‘di napakinabangan dahil sa ‘di matapos-ta-

‘THE FORT’ SA MALABON AT CALOOCANMayor Len-Len at Mayor Oca isasakatuparan ang……

pos na court litigation.Sinabi ni Mayor

Len-Len na “Kaysa naghihintay ng matagal sa desisyon ng ko-rte, kami’y nag-uusap ni Mayor Oca para sa development ng lupa.”

At sa tulong na rin ni 2nd district Rep. Edgar ‘Egay’ Erice, na-plant-sa ang lahat – nagka-roon ng resulta ang ugnayan ng dalawang butihing alkalde.

Noong Hunyo 17, 2014, naganap ang pagpirma nina Mayor Len-Len at Mayor Oca s a M e m o r a n d u m o f U n d e r s t a n d i n g (MOU) sa pagi tan ng Malabon at Ca-loocan.

Naging saksi sa na-turang signing ng MOU ang mga miyembro ng dalawang konseho, ga-non din ng ilan pang opisyales ng dalawang lungsod.

Nakasaad sa natu-rang MOU ang pag-tutulungan ng dala-wang lungsod para sa develop ment ng nasabing lupa para ito’y maging kapaki-pakinabang.

Isinaalang-alang ang magandang dulot kapag na-develop, kinalimu-tan nina Mayor Len-Len at Mayor Oca ang sigalot sa lupa para sa iisang adhikain.

A n g l u g a r a y planong i-develop na business at commercial center tulad ng ‘The Fort’ sa Taguig, Cubao business area sa Que-zon City at Greenbelt sa Makati.

Kapag naisakatu-paran ang plano, ‘di lang karagdagang bu-wis ang makukuha ng dalawang lungsod, kundi magbibigay din ng trabaho sa mga un-employed.

Sa MOU, nagkaisa ang Malabon at Ca-loocan na magsasama sa isang ‘joint venture’ para i-develop, i-ma-nage at i-operate ang disputed lot sa loob ng 50 taon.

Sa nasabing lupa ay

itatayo ang integrated bus terminal, economic at industrial zones, busi-ness at financial centers, ganon din ng school at development centers.

Ang naganap kama-kailan na MOU signing ay magsisilbing ‘green

light’ para sa panimula ng proseso para sa develop-ment ng naturang lupa.

Lahat ng mga con-cern halimbawa sa buwis, biddings, at business development schemes ay reresolba-hin sa pamamagitan

ng mabubuong tech-nical working group.

Sa hatian ng kita, nasasaad din sa MOU na walang lamangan dahil 50-50 ang hatian sa pagitan ng pamaha-laang lungsod ng Mala-bon at Caloocan.

PNP, BFP AT BJMP TUMANGGAP NG GAMIT DISASTER KAY LLO

SA hangaring ma-palakas ang laban sa banta ng baha

sa panahon ng tag-ulan, naglaan si Mayor Len-Len Oreta ng mga kagamitan para sa ka-

pulisan, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.

Kinapapalooban ng life vests, flash lights, hand-held radios, uti lity

gloves, goggles at gene-rator, ang mga kaga-mitan ay ipinamigay ng alkalde sa ginanap na simpleng seremonya noong Hunyo 11, 2014.

Sundan sa pahina 5

ANG mga ipinamigay na gamit sa disaster.TINATANGGAP ni S/Supt. Severino Abad Jr. kay Mayor Len-Len ang mga gamit sa disaster para sa pulisya ng lungsod.

SI Mayor Len-Len at Mayor Oca Malapitan sa ginanap na MOU signing.

6 ABRIL - HUNYO 2014 MALABON NEWS

Page 7: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

ITINANGHAL na Mutya ng Malabon 2014 si Bb. Tra-

chelle Joy S. Santiago ng Barangay Hulong Duhat, sa okasyon ng ika – 415 taong Pagkakatatag ng Ma-labon.

Isinalin kay Tra-chelle Joy ang Korona ng nakaraang Mutya ng Malabon na si Bb. Danna U. Javier, mula sa parehong barangay, sa mapagbunying sere-monyang pinanguna-han ni Mayor Len-Len Oreta noong ika-20 ng Mayo, 2014 sa Oreta Sports Complex.

Iginawad naman ang titulong 1st Runner Up kay Bb. Mitzi Tan ng Barangay Panghulo na

Pambato ng Barangay Hulong DuhatTRACHELLE JOY S. SANTIAGO

Tinanghal na…….

MUTYA NG MALABON 2014

TULAD ng dapat asahan, dinumog ang gi-nanap na ‘Sagalahan’ noong Mayo 11, 2014 ng mga Malabonian masaksihan lamang

ang taunang event na ito kapag sumasapit ang ‘Foundation Day’ o pagkakatatag ng Malabon.

Sa dami ng nag-abang na mga residente para masulyapan ang mga naggagandahang kasali sa ‘Sagalahan’ , nagmistulang dagat ng tao ang kaha-bangan ng Gen. Luna St., ayon kay PSTMO chief Roderick ‘Polet’ Tongol.

Bida ang mga kandidata ng ‘Mutya Malabon 2014’ mula sa 21 barangays na ang angking kagan-dahan ay lalong tumingkad dahil sa magagarang suot na damit na dinisensyo pa ng mga kilalang designer.

Hiyawan at malalakas na palakpak ang sa tuwi-tuwina’y naririnig sa bawa’t mutyang dumaraan, malinaw na indikasyong ang isinagawang ‘Sa-galahan’’ ay nagdulot ng saya sa libo-libong mga nanood.

Gumanap bilang mga reyna ng tradisyunal na Santacruzan, ibinandila ng mga mutya ang kanilang mga bihis na mabusising idinisenyo para sa natatanging okasyon na ito, ayon kay Tourism head Paz Ursal.

Nagsimula ang Sagalahan sa gusaling pam-pamahalaan ng lungsod Malabon na tumahak sa kahabaan ng Gen. Luna patungo ng Barangay Hulong Duhat at pabalik sa mahigit dalawang oras na parada.

Naging tampok ang magarbong partisipasyon din ni Bb. Louise Delos Reyes ng pantaseryeng Kambal Sirena sa GMA Network.

Sa kanyang pagganap, masiglang sinuklian ng mga tagatangkilik ng parada ang pagpapasina- yang ito ni Louise sa pamamagitan ng maalab na pagsalubong at mga sigawan bunga ng kanilang kasiyahan.

Bukod sa mga mutya candidates, nagbandila rin ng kanilang kagandahan ang mga dating Mutya title holders na sina Rizelda Ariel Lacsamana, Jan Brenda Orlanda at Mutya ng Malabon 2013 na si Danna U. Javier.

GRAND SAGALAHAN,

DINUMOG!kinilala ring Ms. Swim Wear at nakakuha ng Ms. Ever Bilena award; habang si Bb. Catherine Mae Navoa ng Baritan ang 2nd Runner Up ng Mutya ng Malabon, na

itinanghal ding Best in Long Gown at tumang-gap ng Ms. Arjuni award.

Ipinakilala noong ika-28 ng Abril ang 21 kandidato ng naturang patimpalak.

Mula noon ay su-mabak ang mga ito sa iba’t-ibang aktibidad at pagsubok na mag-katuwang na pinangasi-waan ng tanggapan ng Punong Lungsod at ng

KU N G m a l u s o g a t masiglang panganga-tawan ang hanap mo,

aerobics at zumba ang pagka-abalahan at kagiliwan mo.

Kinahihiligan ngayon ng Malabonians ang ehersisyo na laganap sa buong mundo ang ehersisyong aerobics at zumba.

Simula nang mauso ang kina-gigiliwang ehersisyo na zumba, halos mapuno ang Malabon amphitheater sa dami ng gustong sumigla at gumanda ang panga- ngatawan.

Pinasimulan ang “Alab to Zumba” ng samahang Alab ng Malabon noong ika-30 ng Enero taong kasalukuyan sa pamu-muno nina Gerlie Garcia bilang presidente at ina ni Konsehal Jap Garcia at dating Senadora Tessie

Aquino-Oreta bilang adviser at butihing ina naman ni Mayor Antolin ‘Len-Len’ Oreta.

Umaabot sa 90 hanggang 100 katao na karamihan ay kababaihan ang dumadalo sa na-sabing programa para makapag zumba o ehersisyo at malak-ing tulong para sa mga ito ang maglaan ng panahon para sa pagpapasigla ng kanilang pa-c ngangatawan.

Dahil naging maganda ang nasabing programa ay dinagda-gan pa nila ng isang araw pa ang pagdaraos ng zumba, sinama na rin nila ang araw ng Lunes para sa pagsu-zumba, at umaabot sa 70 ang dumadalo pa rito.

Limang buwan pa lang ang nagdaan, halos punuin ng gustong mag-zumba ang himpi-

lan ng amphitheater tuwing araw ng Lunes at Huwebes, kaya naman magandang idea ang nai-sipan ng ALAB o (Aruga Lakas Aksyon Babae) ang nasabing programa.

Magandang programa ang naisipan ng grupo ng Alab ng Malabon para bigyan ng pag-kaka-abalahan ang mga Mala-bonians, bunga nito ang buting idinudulot ng kalusugan at pa-gandahin ang pangangatawan ng bawat dumadalo, ayon naman kay Mayor Len-Len.

Bukod sa sports activity na ito, isinasagawa rin ang Fun Run at Basketball sa iba’t-ibang barangay bilang alternatibo na rin sa pagpapalaganap sa pag-ehersisyo, wika pa rin ng punong lungsod.

AEROBICS AT ZUMBA KINAGIGILIWAN

City Tourism Office. Layunin nito na ta-

sahin ang kanilang ka-gandahan at suriin ang bawat angking galing at personalidad upang tiyaking ang mahihi-rang ay karapat-dapat na kumatawan sa ating Lungsod sa loob ng isa na namang taon.

Rumampa, namayag-pag at lumahok sa iba’t-ibang presentasyon, parada, at santacruzan, ang mga kaaya-ayang kandidata, kabilang ang Grand Sagalahan noong ika – 11 ng Mayo.

Habang noong gabi ng ika-17 ng Mayo na-man ay ibinandila ng bawat isa ang kanilang angking kakayanan sa Talent Night na gi-nanap sa Robinson’s Townmall sa Barangay Tinajeros.

Dito ipinamalas ni Bb. Sarah Faye Ocam-po ng Barangay Santu-lan ang kanyang sayaw na sanhi ng kanyang pagkamit ng titulong Best in Talent.

K i n i l a l a n g M s . Natural Beauty si Bb. Dianne Cruz ng Baran-gay Tinajeros, habang Ms. Photogenic na-man si Bb. Mageerod San Andres, Barangay Maysilo. Sa pagiging makaibigan, ginawaran si Bb. Rochelle Amrad ng Tonsuya, ng titulong Ms. Congeniality.

Si Sarah Faye ay tu-manggap din ng Ms. Optrimax award, si Ma-geerod ay tumanggap ng Ms. MSE habang Sina Suzanne Nicole C. Cayco (Concepcion) at Arnie Veronica R. Santos (San Agustin) ay tumanggap naman ng Ms. Careline at Ms. M&CO Flawless, sa pagkakasunod.

Sa kanilang pag-wawagi, masasaksihan sa taong hinaharap ang kanilang maiaambag sa pagsigla ng turismo ng Malabon na may epekto rin sa pag-unlad ng komersyo at kalaka-lan.

SI Mayor Len-Len, kasama si Kon. Paulo Oreta at ang artista na si Louise delos Reyes na naging participant sa Sagalahan.

7ABRIL - HUNYO 2014MALABON NEWS

Si Trachelle Joy Santiago (gitna) ng Brgy. Hulong Duhat na nahirang na ‘Mutya 2014’ , kasama (kanan) si Mitzi Tan ng Brgy. Panghulo, 1st runner up at Catherine Navoa ng Brgy. Baritan, 2nd runner up.

Page 8: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

MAHIGIT 2,000 MALABONIAN, IPINATALA SA PHILHEALTH

8 ABRIL - HUNYO 2014

ANO mang araw ay sisimulan na ang konstruksi-

yon ng isang school building na tutugon sa hiling ng lumulo-bong ‘poor but de-serving students’ na pumapasok sa City of Malabon Univer-sity (CMU).

T a t a w a g i n g Mayor Tito S. Oreta Memorial Building, ang nasabing gusali ay tugon ni Mayor Len-Len Oreta sa kahilingan na karag-dagang school build-ing ng mga opisyal at estudyante ng na-

KARAGDAGANG BUILDING SA CMU, IPAPATAYO NI LLO

s a b i n g p a m p u b -likong kolehiyo.

Itatayo sa mis-mong bakuran ng CMU, ang bagong gusali ay gugugu-lan ng pamahalaang lungsod ng aabot ng P14 million, ang na-sabing school build-ing ay magbibigay pag-asa sa libo-libong mga mahihirap na estudyante na na- ngangarap makapag-tapos sa kolehiyo.

Binigyang di in ni Atty. Ramon M. Maroni l la , Presi -dente ng CMU, na pangunahing layu-

nin ng pagtatayo ng nasabing gusali na lutasin ang suliranin ng ‘overcrowding’ sa mga silid-aralan ng pamantasan.

Sa kasalukuyan ay inookupa ng 55 hanggang 60 mag-a a r a l a n g b a w a t silid-aralan ng mga regular na klase at hinahangad ng pa-munuan ng CMU na ibalik ito sa dating 40 estudyante la-mang sa bawat silid aralan.

Sinabi ni Atty. Maronilla na dahil sa sobrang mahal

na presyo ng edu-kasyon, ang pub-lic school, tulad ng CMU ang pinipili ng nakara raming kabataan mula sa M a l a b o n a t m g a karatig lungsod para makapag-aral.

Para matugunan ang dumaraming en-rollees, ganon din ang pagpapanatili ng kalidad ng mataas na antas ng edukasyon, ang CMU ay nagda- ragdag ng mga pasi-lidad sa pamamagi-tan ng suporta ni Mayor Len-Len.

Kumpara sa ilang

public universities, natutuwang sinabi ni Atty. Maronilla na hindi nagpapahuli ang CMU sa kalidad ng serbisyo upang ma ging maayos ang takbo ng pagtuturo para sa kapakanan ng mga estudyante.

Sa bawa’t school

event na sinasali-han, tayo ay pala- ging nagpakita ng kahandaan kaya sa bandang huli ay na-kakasama ito sa mga nabibigyan ng pa- puri, patunay, aniya, ay ang mga award na nasungkit na ng CMU.

“Nakukuha natin ang mga parangal na ito dahil sa daglian at maayos na pagtugon ni Mayor Len-Len sa pangangailangan ng paaralan, kaya dapat tayong magpasala-mat sa ating punong-lungsod”, pahayag ni Atty. Maronilla.

MALABON NEWS

SKETCH ng karagdagang CMU three-storey bldg na itatayo ni Mayor Len-Len.

SI Mayor Len-Len Oreta habang nagsasalita sa harap ng mga nabigyan ng Phil-health cards.

I SINAGAWA s a lungsod ang libreng pagpapa-

tala sa Philippine Health Insurance Corporation (Phil-Health) ng mga indigent na Ma-labonian, nitong nagdaang Hunyo 24 hanggang 27 sa Malabon Am-phitheater, sa tu-

wirang tulong ni Mayor Len-len Oreta sa pamamagitan ng City Health Office.

Mahigit 2,076 sa maralitang kaba-bayan natin o yaong kumikita ng mas ma-baba sa P 120,000.00 kada taon ang na-ging bagong kasapi ng PhilHealth, kung saan ang kanilang

bayad sa pagsapi ay binalikat mismo ng lokal na pamahalaan.

Sa pagiging Phil-health members, ang mga ito ay ma-bibiyayaan ng mura hanggang sa libreng serbisyong medi-kal mula sa mga pasilidad na Phil-Health accredited, sa panahong sila ay

manganga i l angan nito bunga ng pag-kakasakit. Kabilang sa mga serbisyong ito ang iba’t-ibang medical na pagsu-suri, pagpapalabo-ratoryo, o maging pagpapa-ospital.

Ayon kay Dr. Rommel Lizan, puno ng City Health Of-fice, “Pito sa bawat

sampung namamatay sa sakit ang hindi na-kapagpakonsulta sa doktor o ospital dahil sa kanilang pangam-ba na hindi nila kaya ang gastusin kaug-nay nito.”

Sa pagkaunawa ni Mayor Len-Len sa kalagayang ito, di-nagdagan ng Punong Lungsod ang alokas-

yon sa libreng enroll- ment sa PhilHealth, upang makatulong pang maibsan ang kahirapang sinasapo ng maralita nating kalungsod. Sinimu-lan ni Mayor Len-Len ang inisyatibong ito noong 2012, kung saan noong 2013 ay nakapagpatala siya ng 2,935 na bagong

Philhealth mem-bers.

Kaugnay nito, patuloy pang pala- lawakin ni Mayor Len-Len sa mga su-sunod na taon ang saklaw ng pagpapa-tala sa PhilHealth, bilang bahagi ng programang pang-kalusugan ng kan-yang administrsyon.

PINANGUNAHAN ni Mayor Len-Len Oreta ang ribbon cut-ting at blessing ng bagong gawa na Lambingan Bridge sa Brgy. Concepcion nang ito ay buksan sa motorista noong Abril 26, 2014.

CMU Building

Page 9: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

9ABRIL - HUNYO 20142014 Annual Procurement Plan or Procurement List

2014 Statement of Debt Service

Statement of Receipts

Statement of Receipts and Expenditures

First Quarter Statement of Cash Flow Trust Fund

First Quarter Statement of Cash Flow SEF

MALABON NEWS

Page 10: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

10 ABRIL - HUNYO 2014

First Quarter Statement of Cash Flow CMU

First Quarter SEF Utilization

First Quarter Trust Fund Utilization First Quarter 20% Component of IRA Utilization

First Quarter LDRRMC Fund Utilization

First Quarter LDRRMC Fund Utilization

MALABON NEWS

Page 11: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

11ABRIL - HUNYO 2014

First Quarter Bid Results on Civil & Goods Services

First Quarter Manpower Complement First Quarter Trust Fund Utilization

First Quarter Supplemental Budget

MALABON NEWS

100% ang mga estudyante na pumasa sa NC2 test….

CMPI UMANI NG PAPURILUMILOK ng kasay-

sayan ang 109 vo-cational student

ng City of Malabon Polythechnic Insti-tute (CMPI) matapos nilang ipasang lahat - na walang kahirap-hirap - ang nakaraang 2014 National Certifi-cate 2 (NC2) examina-tion.

Dahil sa kagila-gila-las na ipinakita, pinuri ng iba’t ibang grupo at per-sonalidad, kabilang na si Sec. Joel Villanueva ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) ang mga pumasang CMPI students.

Tulad ng bar at board examination, ang NC2 ay ang pagsusulit para sa mga nakatapos ng voca-

tional courses na ibini-bigay ng TESDA bilang pagsubok sa kakayahan ng bawa’t graduate.

Susukat ito sa ka-kayahan ng mga nag-tapos ng vocational courses kung siya ba ay nararapat sa kanyang kinuhang short course. Kapalit ng kanilang pag-pasa ay ang NC2 na igagawad sa kanila ng TESDA.

Ang NC2 na ibinigay ng TESDA ang nagpapa-tunay na may kakayahan ang job applicant at na-giging basehan ito ng mga job companies sa Pinas at sa ibang bansa para tanggapin ang isang naghahanap ng trabaho.

Lahat ng pumasa at nagtapos ay unang batch (2012-2014) dahil sila’y mga kauna-unahang es-tudyante ng two-year

course na Associate in Computer Technology na unang ipinakilala sa CMPI noong 2012.

Ayon kay Dr. Ro-salito Quides, bibihira na maging 100% ang mga pumapasa sa na-pakahirap na NC2 test na magmumula sa ii-sang eskuwelahan, pero, aniya, ang magandang balita, iyan ay nagawa ng CMPI.

Dahil na rin sa pag-pupursige ni Mayor Len-Len Oreta na kila-lang supporter ng de-kalidad na edukasyon, ang CMPI, dagdag niya, ay unti-unting umaa-ngat at sumasabay na sa mga kilalang vocational school sa bansa.

Dahil sa ‘di matata-warang suporta ni Mayor Len-Len sa CMPI, atin na ngayong inaani ang

tagumpay, pahayag pa ng masipag na CMPI head.

“Ang pagpasa nilang lahat (109 students) sa NC2 ay magsisilbing inspirasyon naming namamahala sa CMPI para lalong pag-ibayuhin ang aming pagtuturo tungo sa mataas na antas ng edukasyon”, pahayag ni Dr. Quides.

Sinabi ni Dr. Quides na hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon sa trabaho ng mga CMPI trainor na sina Jomellson M. Canilang, Ma. Mari-eta Pascua, Raffy Ortiz, Cherylynn Cerbito at Gilbert Manucduc.

Ang mga trainor na ito ang naging susi kaya naging madali sa 109 NC2 passers ang pag-susulit, paliwanag pa ni Dr. Quides.

Page 12: NASA PAHINA Opisyal na Pahayagan ng Lungsod …malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2014/07/malabon-news-april-june... · Mula sa pahina 1 Masayang ibinalita ni Mayor Len-Len Oreta na

ANG Mayo 30 ay naging makasaysayan para sa Malabon dahil sa petsang ito nag-isang dibdib sina Mayor Lenlen Oreta at ang kilalang chef na si Melissa Sison. Ang Kasalang Oreta - Sison na ginanap sa San Bartolome Church ay dinaluhan nina Pangulong Noynoy Aquino, Sen. Bam Aquino, Sen. Allan Petter Cayetano Sen. Tito Sotto, Sen. Gringo Honasan, Ms. Kris Aquino at kani-kanilang pamilya, kaibigan at iba pang mga panauhin.

KWENTO NG WAGAS NA PAG-IBIG SA MAKASAYSAYANG SIMBAHAN