22
Paalam sa pagkabata Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag- aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko'y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito'y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito'y tinapon ni

mga kuwento sa filipino.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

panambitan, miliminas, atbp.

Citation preview

Page 1: mga kuwento sa filipino.docx

Paalam sa pagkabata

Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.

Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya.

Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko'y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.

Maliwanag na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.

Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito'y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito'y tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.

"Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing

Page 2: mga kuwento sa filipino.docx

ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?"

Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.

Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman.

Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha.

"Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo."

Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit?

"Ano pa ang hinihintay mo, Celso?"

Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya'y tumakbo na ako ng matulin.

Page 3: mga kuwento sa filipino.docx

Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.

Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko."Naririyan na naman siya."

"Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam."

Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa.

Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo'y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata.

Page 4: mga kuwento sa filipino.docx

Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos."Dalawin mo ako palagi, ha?"

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi - lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.

Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako.

"Lapit rito, Celso!"Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal."Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin."Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?

Page 5: mga kuwento sa filipino.docx

Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghalian siya'y matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.

Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.

Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan.

Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat."Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!"Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito'y magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan."Celso!"

Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit

Page 6: mga kuwento sa filipino.docx

bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat.Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino - si Tatay na sumusurot kay Nanay.

"Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya.""Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang ako'y nakapagpipigil pa."

Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at ako'y gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina'y umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.

Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."

Page 7: mga kuwento sa filipino.docx

Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.

“MILIMINAS : TAONG 0069”(Sanaysay / Hiligaynon)

Salin ni Ruby V. Gamboa-Alcantara mula sa“Miliminas : Tuig 0069” ni Nilo Par. Pamonag

Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng mga pulo ay binubuo ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo.

Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad rin natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kabila rin sa atin.

Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa isang taong mayroong isang milyon na mik, o sobra pa, ay mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng bathing suitat kamiseta at korto para naman sa mga lalaki.

Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinapatupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa mini-skirt at micro-mini-skirt.

Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public Diservice Commission na equality before the kilo.

Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding.

Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag nanawasdak. Ang ahensyang ito ay may tatlong uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig kundi hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng quatwasdak *, ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad, para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad.

Mayroon ding nagmomonopolyo ng koryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang ang uri ng serbisyo nito sa publiko. Ito anglight service, brown out service at black out service. Ang light service ay magbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang brown out service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ng ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong black out service.

Page 8: mga kuwento sa filipino.docx

Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang umuukupa ng mga kuwartu-kuwarto na kung sa atin ngayon ng mga bazaar sa mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mgabazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk.

Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution,genuine na mga batas, at iba pa.

Upang mapagkatiwalaan ang mga mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad nggenuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa.

Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng blusil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at tigkakaunti lamang dahil lagging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian.

Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salangillegal possession of genuine firearm.

Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang outstanding buwaya of the year.

Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na Circus of Miliminas. Ang isang batas ay para sa mga mayaman at ang isa ay para sa mahirap.

Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing representasyon.

Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang mga santo – ang mik (ang pera mismo), angbuwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng ano mang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.

Ang mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mga mesa ng mga opisyal na pamahalaan. Dahil dito ang mga mesa ay matataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito.

Page 9: mga kuwento sa filipino.docx

Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues depaupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakakataka, ang ginuguwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakalalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner).

Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa ng kampanya magkakaharap ng entablado ng magkakakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon angmudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang ahensya na namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota.

Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya kasama siSantasa, ang kanilang paboritong santo.

Ang eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan rito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang mga henyo) na nakabuo ng isang tableta na kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras.

Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa Miliminas. Patuloy din ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa ngayong panahon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng mga mataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigitng na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sino ang kanilang pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga papuri ay ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist, mga mayaman na nang-aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak (piskal) na hindi tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan, at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman.

Page 10: mga kuwento sa filipino.docx

Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon ay masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe, ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.

May ilang kabataan na malawak ang pag-iisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibhan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase ng pag-uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit nang lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinawag nilang dungis ng lipunan.

Ang simpatiya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng mga may katungkulan. Sumiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapauluan ng Miliminas.

Bilang parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.

Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.

Page 11: mga kuwento sa filipino.docx

Pagislam: Ang Pagbibinyag ng mga MuslimAng Pagbibinyag ng mga Muslim(Sanaysay/Muslim)Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo

NANINIWALA ANG MGA Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan, kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga Muslim.

Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

Page 12: mga kuwento sa filipino.docx

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.

Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.

Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito ay tinatawag na aqiqa, na ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.

Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok, magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaing tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.

Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pagaari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

Panambitan (Tula/Bikol)Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng "PANAMBITAN" ni Myrna Prado 

Page 13: mga kuwento sa filipino.docx

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Marami sa tao'y sa salapi silaw?Kaya kung isa kang kapus-kapalaran,Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.

Mga mahihirap lalong nasasadlak,Mga mayayaman lalong umuunlad,Maykapangyarihan, hindi sumusulyap,Mga utang-na-loob mula sa mahihirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa,Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;Buong lakas silang dinudusta-dustaUpang itong hapdi'y lalong managana.

Nasaan, Diyos Ko, ang sinasabi MoTao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?Kaming mga api ngayo'y nariritoDinggin Mo, Poon ko, panambitang ito. 

Pabanua

Babang luksa

Isang taon ngayon ng iyong pagpanawTila kahapon lang nang ika'y lumisan;Subalit sa akin ang tanging naiwan,Mga alaalang di - malilimutan.

Kung ako'y nasa pook na limit dalawinNaaalala ko ang ating paggiliw;Tuwa'y dumadalaw sa aking paninginKung nagunita kong tayo'y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay

Page 14: mga kuwento sa filipino.docx

Na kung saan unang tayo'y nag-ibigan ;Sa bakura't bahay , sa lahat ng lugar ,Itong kaluluwa'y hinahanap ikaw.

Sa matandang bahay napuno ng sayaSa araw na iyo'y pinagsaluhan ta;Ang biyayang saglit , kung nababalik paAng ipapalit ko'y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisanAt iniwan akong sawing - kapalaranHindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhayAt sa pagyaon mo'y para ring namatay ?

Marahil tinubos ka ni bathalaUpang sa isipa'y hindi ka tumanda ;At ang larawan mo sa puso ko't diwaAy manatiling maganda at bata.

Sa paraang ito kung nagkaedad naAng puting buok ko'y di mo makikitaAt ang larawan kong tandang tanda mo paYaong kabataan taglay na tuwina

At dahil nga rito, ang pagmamahalanAy hanggang matapos ang kabataan,Itong alaala ay lalaging buhay,Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.

Kaya, aking , mahal , sa iyong pagpanawTayo'y nagtagumpay sa dupok ng buhay,Ang ating pagsintang masidhi't marangalHindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natinIsang taon akong nagluluksa mandin;Ngunit ang puso ko'y sadyang maninimdim;Hanggang kalangitan tayo'y magkapiling.

Page 15: mga kuwento sa filipino.docx

TEORYANG PAMPANITIKAN1.      Teoryang Humanismoa.      Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro

ng daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaranb.      Pananaw Humanismo1)      Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa

rito.2)      Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino –

kakayahan at kalikasan ng tao.3)      Para sa humanista ang literature ay kailangang1.      Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito2.      May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo3.      Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa4.      Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)5.      May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan (pisikal,

moral, sikolohikal)2.      Teoryang Formalistikoa.      Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o

kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.b.      Pananaw Formalistiko1)      Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.2)      Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa

sariling paraan.3)      May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay

kaugnay ng iba pang elemento; magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging mahusay ang akda.

3.      Teoryang Imahismoa.      Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen

ang nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.

b.      Pananaw Imahismo1)      Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa

kanyang akda/tula.2)      Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.3)      Malinaw ang mga epekto nito.4)      Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.4.      Teoryang Realismoa.      Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng

makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang natural.

b.      Pananaw Realismo1)      Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.2)      Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.3)      Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)4)      Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.

Page 16: mga kuwento sa filipino.docx

5)      Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.6)      Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa pagkakalugmok nito.5.      Teoryang Feminismoa.      Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng

sistemang patriarchal sa kababaihan.b.      Pananaw Feminismo1)      Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.2)      Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng

kababaihan sa matapat na pamamaraan.3)      Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.4)      Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.5)      Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.6.      Teoryang Sosyolohikala.      Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil

dito ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.

b.      Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda.

c.       Pananaw Sosyolohikal1)      Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay

na kapit sa ugnayang namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.

2)      Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin  ang naging pangunahing paksa rito.

3)      Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo,  at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.

7.      Teoryang Eksistensyalismoa.      Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng

pansin ang kalagayan ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na Makita ang pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling pagsisikap.

b.      Pananaw Eksistensyalismo1)      Malaya ang tao – siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya

gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.2)      Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kanyang buhay

kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.3)      Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang

pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.4)      Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong

nakaranas sa pinag-usapan.5)      Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa

lipunan at sa mundo.6)      Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng

pagtanggap niya sa naging bunga ng pagpapasya.8.      Teoryang Romantisismo

Page 17: mga kuwento sa filipino.docx

a.      Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.

b.      Pananaw Romantisismo1)      Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.2)      Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang

katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.3)      Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang

paniniwala ng mga romantiko.4)      Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.1.      Karakter na sobrenatural o romantiko2.      Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay3.      Mababa o kanayunang buhay4.      Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang

Panahon9.      Teoryang Naturalismoa.      Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.b.      Pananaw Naturalismo1)      Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing kagubatan.2)      Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.3)      Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.4)      Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula

pa lamang.5)      Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.6)      Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas

sa tao kaysa katangiang moral.7)      Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.10.  Teoryang Dekonstruksyona.      Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin,

hindi lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.