4

Mga Halimbawa Ng Tayutay

Embed Size (px)

DESCRIPTION

bhgf

Citation preview

Page 1: Mga Halimbawa Ng Tayutay
Page 2: Mga Halimbawa Ng Tayutay

Mga Halimbawa ng Tayutay1. Pagtutulad (Simile)

‘Ang maliit na kaluluwa sa malusog na katawan,

parang tinghoy na pang-ilaw

sa loob ng kagubatan.’

KARUNUNGAN AT KAMANGMANGAN (1,1-3)

ni: Lope K. Santos

Wika at Panitikan sa Ikatlong Taon (273)

2. Pagwawangis (Metaphor)

‘Ang kapayapaa’y mailap na ibon

na sa oliba man ay takot sumilong.’

KAPAYAPAAN (2,1-2)

ni: Bienvenido A. Ramos

Wika sa Panitikan sa Ikaapat na Taon (195)

3. Pagtatao (Personification)

‘Organong sa loob mismo ng isang simbahan

Ay nananalangin sa kapighatian,…’

ISANG PUNONG KAHOY (2,1-2)

ni: Jose Corazon de Jesus

Wika at Panitikan sa Ikatlong Taon (191)

4. Paghalintulad (Analogy)

‘Tulad ng kawayang kahit yumuyuko

Ay hindi kailanman kusang sumusuko,

Bayan ko’y ganyan din… maamo ang anyo

Ngunit pag dinusta’y handang makibaka’t magbubo ng dugo.’

ANG PUNONG KAWAYAN (4,1-4)

Page 3: Mga Halimbawa Ng Tayutay

ni: Francisco Soc Rodrigo

Wika at Panitikan sa Ikatlong Taon (187)

5. Pabaligho (Paradox)

‘…binigyan ng yaman si Ganito’t Gayon,

ako rin ang siyang laging patay-gutom;…’

BAYANI (4,3-4)

ni: Amado V. Hernandez

Wika at Panitikan sa Ikaapat na Taon (150)

6. Pagmamalabis (Hyperbole)

‘Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanod,…’

ISANG DIPANG LANGIT (4,1)

ni: Amado V. Hernandez

Wika at Panitikan sa Ikatlong Taon (250)

7. Pangitain (Vision)

‘Sa kanyang paglakad ay kanyang narating

ang dulo ng landas na may isang sagwil,…’

ANG TULAY NG KINABUKASAN (2,1-2)

ni: Bartolome del Valle (batay sa isang tulang Ingles)

Wika at Panitikan sa Ikaapat na Taon (212)

8. Apostrophe

‘Ano ka, kadakilaan, na laon kong sinusunson?

Saan ka ba nakuha? Saan ka ba naroroon?’

KADAKILAAN (1,1-2)

ni: Ponciano B. P. Pineda

Wika at Panitikan sa Ikatlong Taon (8)

9. Pagpapalit-tawag (Metonymy)

Page 4: Mga Halimbawa Ng Tayutay

‘…ga-palay ang ginto, ga-bundok ang putik…’

PITONG WIKA (5,4)

ni: Maximo H. Agustin

Wika at Panitikan sa Ikaapat na Taon (306)

10. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

‘…sila ay sa aking balikat tumuntong…’

BAYANI (4,5)

ni: Amado V. Hernandez

Wika at Panitikan sa Ikaapat na Taon (150)