Upload
vodien
View
321
Download
15
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Musikang Pilipino ay ang katutubong
musika ng ating lahi na
naimpluwensiyahan ng mga Kastila at
Amerikano. Nagmula ito sa sinaunang
musika ng populasyong Austronesian at
musikang Indo-Malayan , Kundiman
hanggang rock and roll, hip-hop at rap
music, ballad at pop at impluwensiya ng
MTV at mga sikat na awit sa US na likha
ng ating mga kababayan.
Ito ang mga awit na tumatalakay sa mga
isyung panlipunan at nagtataguyod ng
malasakit sa bayan.
Ayon kay Norman Wilwayco (1997) nahahati
ito sa musikang mainstream at musikang
alternatibo o underground
Ang musikang mainstream ay ang
nakasanayan nating mga awit na
pinatutugtog sa radyo
Ang alternatibo ay ang musikang madalang o
hindi napatutugtog sa radyo at pamalit sa
musikang mainstream
Ipinapakilala nito sa kabataang Pilipino ang
sarili nating sining at kultura.
Hinahasa nito ang kritikal na pag-iisip ng mga
mag-aaral sa pagsusuri ng mensahe ng mga
awit
Nagsisilbi itong lunsaran ng mga isyung
panlipunan na dapat maunawaan ng mga
kabataan
Nakatutulong ito upang maunwaan ang
Sikolohiyang Pilipino at ang ating lipunan
Sikolohiyang Pilipino (SP) • Ito ang Teorya ng pagsusuri ng diwa at
karanasang Pilipino mula sa perspektiba ng Pilipino na pinasimulan ni Dr. Virgilio Enriquez noong 1975.
• Itinakwil nito ang mga maling pananaw ng dayuhan tungkol sa paniniwala at kaugaliang Pilipino.
• Nakatuon ito sa pagsusuri ng kalooban at kamalayan, ulirat, isip, diwa, kaluluwa ng Pilipino na nakapaloob sa akda.
Tubong Bigaa, Bulakan,
isinilang si Virgilio
Gaspar Enriquez noong
24 Nobyembre 1942.
Kinikilala siya bilang
“Ama ng Sikolohiyang
Pilipino” dahil sa
kanyang mga ambag at
pananaliksik. Namatay
siya noong Agosto 31,
1994.
Mainstream – musikang napapakinggan sa
mga FM stations at nakasanayang marinig
ng mga tao.
Alternative – musikang progresibo at
makabayan, pamalit sa mga nakagisnang mga
awit at hindi gaanong napapakinggan sa
radyo at nanawagan ng pagbabago.
Underground- musika ng mga aktibista at NPA
na nanawagan ng rebolusyon.
Heber Bartolome / Banyuhay
Dito sa silangan tayo isinilang
Kung saan nagmumula
ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat
ng araw
Ba’t tayo ang humahanga
doon sa kanluran?
“Tayo’y Mga Pinoy” (1975)
Ang sistema ng edukasyon
kailan magbabago?
Kailan ka lalaya sa kolonyal
na isip mo?
Kailan ka aasenso, kailan
matututo?
Bumabagal ang pag-unlad
sa maling sistema mo!
“Paaralan” – Heber Bartolome (1992)
Joey Ayala
Kung kaya mong isipin
Kaya mong gawin
Isa-isang hakbang lang at
ikaw ay makakarating
Tulad ng puno na
galing sa binhi
Ang mga dakilang gawa’y
nagmumula sa guniguni
“Kung Kaya Mong Isipin” (1993)
Gary Granada
Baka naman isang araw
kayo roon ay maligaw
Mahipo n’yo at marinig
at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya
kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya
ito sa mata ng Maylikha ay bahay?
“Bahay” (1983)
Paul Galang
Nang malapit nang mabayaran
ni Juan
Pinggang sanhi ng pagkakautang
Pagnanakaw ay muling inulit
ni Sam
Subalit nakita ni Juan
Nang dahil sa nakita’y nagalit si Juan
Kumulo ang dugo pumutok na parang bulkan
“Pinggan” (1989)
Iba ang talinong hango sa lansangan
Ang tunay na guro’y karanasan
Ano ang silbi ng aklat sa paaralan?
Kung sa paligid ay bulag ka rin
Naman.
Mananatili kang isang mangmang
Parang bata na walang muwang
Kung dito sa ating lipunan
Tao kang walang pakialam!
“Tao” –Paul Galang (1992)
Jess Santiago
Si Lina ay isang magandang
dalaga
Panggabi sa isang pabrika
ng tela
Sumapi sa unyon, sumama
sa welga
Biglang nagkagulo, nawala si Lina
Nang muling makita’y hubad at patay na
“Halina” (1983)
Lolita Carbon / ASIN
Lahat nang bagay na
narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos
kahit nang ika’y wala pa
Ingatan natin at huwag
nang sirain pa…..
“Masdan Mo ang Kapaligiran” (1978)
Freddie Aguilar
Ang kulay ko’y di puti
Ang lahi ko’y kayumanggi
Pinoy kung ako ay tawagin
Sa isip, puso’t damdamin
Pinoy!
“Pinoy” (1984)
Florante de Leon
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin ng bawat isa sa
mundo
Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan.
“Sana” (1980)
Romeo Dongeto / BUKLOD
Hangga’t mas marami ang
lugmok sa kahirapan
At ang hustisya’y para
lang sa mayaman
Habang may tatsulok,
at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo!
“Tatsulok (1992)
Bobby Balingit ng WUDS
Dito ba sa mundo anong
tunay na kailangan?
Ang magpakasarap at
magkamal ng kayamanan
Ano mang kayamanan akala
mo walang hangganan
Darating ang panahon
iyan ay iyong iiwan
“At Nakalimutan ang Diyos” (1985)
Danny Fabella / Musikang Bayan
Kahanga-hanga kayong
ang sarili
Laan sa pagsisilbi
Kayong ang ligaya ay
nasa ngiti
Ng bawat dukha’t api
Mabuhay kayong mga di pangkaraniwan
Pag-ibig ninyo ay walang hangganan
“Di Pangkaraniwan” (2008)
Hinahanap ko ngayon
Ang tunay na damdamin
Hinahanap ko ngayon
Ang tunay na sariling atin
Nasaan ang ating diwa?
Pagmasdan n'yo ang mga
luha
Nasaan ang pagmamahal?
Pagmamahal sa sariling wika
“Awiting Pilipino” (1978)
Aanhin ang mga matang hindi makakita?
Aanhin ang mga tengang bingi sa tuwina
Kung ikaw ay laging
walang pakialam
Ang iyong katulad ay
patay na langgam
Kung palaging tayo’y
walang pakialam
Tayo ay mistulang patay
na langgam!
“Patay na Langgam”
– Joel Costa Malabanan (1989)
Ang musika ay dapat gamitin
bilang sangkap ng pagkakaisa
ng mga Pilipino. Taglay ng
musika na mula sa iba’t ibang
pangkat ng tao sa Pilipinas
ang pambansang kultura na
sinasagisag ng bawat awit.
Ang musika ay bahagi ng karanasan ng ating
lipi ay na hindi dapat ikahiya at kailangang
ipagmamalaki pa nga at ipamahagi sa mundo.
Mensahe muna bago genre
Mahusay na gamit ng salita
Lantad na kaugnayan sa paksa
Angkop sa mga mag-aaral
Magagamit sa paggaganyak,
talakayan o sa paglalagom ng
klase.
Suriin ang literal na kahulugan
Talakayin ang piguratibong kahulugan
Maaaring buong awit ang talakayin o
bahagi lamang ng awit
Palutangin ang “enduring
understanding”.
Kaugnay ng pagtalakay sa wika,
hanapin ang mga tayutay at suriin ang
Formalismo
Upang higit na maunawaan ang kanilang awit
Para mabigyan ng malalim na pagpapahalaga
ang kanilang akda
Upang mapalalim ang pagpapahalaga sa
manlilikhang Pilipino
Upang malabanan ang kolonyal na kaisipan
na dala ng pagkahumaling ng mga kabataan
sa Kpop at foreign music.
Sapagkat tayong mga Pilipino rin ang may
obligasyon na kilalanin at pahalagahan ang
sariling atin.
Bilang lunsaran o bahagi ng paggaganyak
-kailangang maisagawa sa loob ng 5 o 10
minuto
-karaniwang nakapokus sa mensahe o
nilalaman ng awit
-kailangang may kopya ng lyrics ang mga
mag-aaral upang maunawaan nila ang
awit.
- ang mga tanong ay dapat nag-uugnay sa
awit at sa paksa.
Bilang bahagi ng pagtalakay sa paksa
-kailangang maipakilala ang
musikero at maiugnay sa paksang
tinatalakay ang nilalaman ng awit.
-kung akdang pampanitikan ang
tinatalakay, dapat na may malinaw
na maiaambag ang awit upang lalong
maunawaan ng mga mambabasa ang
akda.
Bilang bahagi ng valuing o paglalagom ng
paksa
-kailangang ang awit ay nagtataglay ng
kaisipang magagamit ng mga mag-aaral sa
pagatatanim ng “enduring understanding”
Halimbawa: “Kung Kaya Mong Isipin”
ni Joey Ayala
“Halina” ni Jess Santiago
Ito ay teoryang pang-edukasyon na
nakasalig sa pagtatakda ng kongkretong
bunga o resulta upang makita at masukat
ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Una itong tinawag na Outcomes-Driven
Developmental Model (ODDM) noon pang
1970’s na naglalayong mas bigyan pansin
ang papel ng estudyante sa “mastery
learning program”
Hindi. Dati na nating ginagawa ang mga
ito. Ngunit sa K-12 na ang assesmment ay
natakatuon sa Performace Tasks,
mahalaga ang Outcome-Based Education
upang mas matiyak ang pagkatuto ng mga
mag-aaral gamit ang mga gawaing
sinusukat sa pamamagitan ng mga
inihandang rubrik.
Bilang bahagi ng performance task
- maaaring gamitin bilang piyesa sa
pagbibigay-interpretasyon sa awit na
maka-kalikasan o makabayan
- maaaring ipaguhit ang mensahe ng awit
kaugnay ng paksa sa klase.
- kailangang maghanda ng rubrik
Rubrik sa Song Interpretation Napakahusay
(5 puntos) Mahusay (4 na puntos)
Magsanay Pa (2 puntos)
Pagkamalikhain Nagpamalas ng
higit na
malikhaing
pagbibigay-
interpretasyon
Malikhain ang
pagbibigay-
interpetasyon
Hindi
nakapagpamalas
ng pagkamalikhain
Angkop na Kilos Angkop na
angkop ang kilos
na naitanghal
Angkop ang
kilos sa
pagtatanghal
Hindi angkop ang
mga kilos sa
pagtatanghal
Organisasyon Higit na
organisado ang
pagtatanghal
Organisado ang
pagtatanghal
Hindi organisado
at magulo ang
pagtatanghal
Kabuuang
Puntos
Pagmamahal sa Wika
“Tayo’y mga Pinoy” ni Heber Bartolome
“Bigkas” ni Florante
“Paaralan” ni Heber Bartolome
“Monkey See, Monkey Do” ni Paul Toledo
“Tayo’y Pilipino” ng Nuklus
“Bantayog/Mahiwagang Tao” ng ASIN
Paksa kaugnay ng Feminismo”
“Babae” – Inang Laya
“Babae Ka” - Inang Laya
“Kababaihan” – Bayang Barrios
“May Dalawang Babae” – Gary Granada
“Senor Pacundo” – Gary Granada
“Ang Pagiging Babae” – Musikang Bayan
“Kalapating Lansangan” –Susan Fernandez
Magno
Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Na di marunong na lumaban?
Kaapiha’y bakit iniluluha?
Mga babae, kayo ba’y sadyang mahina?
Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena
Na hanapbuhay ay pagpapuputa?
Mga babae, kayo ba’y sadyang pang-kama?
Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan,
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa?
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.
Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan,
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Mga Teresa at Tandang Sora
Na di umasa sa luha’t awa?
Sila’y nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.
Bakit ba mayrong mga Lisa
Mga Liliosa at mga Lorena
Na di natakot makibaka
At ngayo’y marami nang kasama?
Mga babae, ang mithiin ay lumaya!
Ang ating isip ay buksan
At lipuna’y pag-aralan,
Paano nahubog ating isipan
At tanggaping kayo’y mga libangan
Mga babae, ito nga ba’y kapalaran?
Pangangalaga sa Kalikasan
“Kuwentong Aray” –Edwin Quismundo
“Paligid” – Gary Granada
“Karaniwang Tao” – Joey Ayala
“Rapu-Rapu” – Lolita Carbon
“Linta” – The Jerks
“Katutubo Blues” – Noel Cabangon
“Payag Ka Ba?” – Heber Bartolome
Karapatang Pantao
“Dam” – Gary Granada
“Mamang May Baril” – Nuklus
“Halina” – Jess Santiago
“Sana’y Di Masanay” –Noel Cabangon
“Mapayapang Mundo” – Pol Galang
“Isa Pang Kanta” – The Jerks
“Tano” – Mon Ayco / Patatag
Ibong Adarna
“Haranahin ang Mundo” – Pol Galang
“Anting-anting” - Penpen
“Alamat ” – Pol Galang
“Tabi Po” – Joey Ayala
“Kuwentong Aray” – Edwin Quismundo
Florante at Laura
“Saksi Ba ang Langit?” –Popong Landero
“Saan Ka Patungo, Panganay Ko– Joey
Ayala
“Balita” – Asin
“Ang Bayan Kong Sinilangan” – Asin
“Mindanao” – Freddie Aguilar
“Pag-Ibig, Anaki’y Aking Nakilala
-Joel Costa Malabanan
Noli Me Tangere
“Padre Damaso” – Warlock
“Sisa” –Siakol
“Babae” – Inang Laya
“Nabasa Mo na Ba ang Noli?”
– Gary Granada
“Iligtas Natin ang mga Bata” –Jess Santiago
“Sa Bawat Patak ng Dugo Mo, Elias
- Joel Costa Malabanan
“Canto Patriotico de Maria Clara” –Inang Laya
El Filibusterismo
“Rebolusyon” – Gary Granada
“Ultimo Adios” – Joey Ayala
“El Filibusterismo” – Gary Granada
“Doon Po sa Amin” – Jess Santiago
“Balatkayo” – Maria Cafra
“Tano” –Mon Ayco / Patatag
“Sierra Madre” – Musikang Bayan
“Tuldok” ng ASIN sa Geometry
“Pahayagan” ng Musikang Bayan sa AP
Sana’y Mayaman” ng Inang Laya sa
Trigonometry
“Asin” ni Noel Cabangon sa Chemistry
“Babalik sa Iyo” ni Sampaguita sa Physics
“Baka Sakali” ni Gary Granada sa Economics
“Speak in English Zone” ni Joel Malabanan sa
Filipino
Monkey See, Monkey Do” – Paul Toledo sa
Filipino
“Bayan Ko” ni Freddie Aguilar
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ng Inang Laya
“Onli in Da Pilipins” ni Jess Santiago
“Wala Nang Tao sa Sta. Filomena” ni Joey Ayala
“Balita” ng Asin
“Dam” ni Gary Granada
“Katotohanan Lamang” ni Heber Bartolome
“Aling Pag-ibig Pa?” ni Pat Castillo
“Bayang Sinira” ni Paul Galang
“Pahayagan” ng Musikang Bayan
Iba Pang Awit na Magagamit
Paggawa ng MTV
Pagguhit mula sa mensahe ng awit
Pagsulat ng awit kaugnay ng binasa
Balagtas-Awit
Palit-lyrics
Sayawit
Taong 1898 nang sumalakay si George Dewey
Sa ngalan ng Benevolent Assimilation
ni McKinley Ang paglaya sa Kastila ay agad na
nawalang saysay Dahil sa imperyalistang likas yaman
ang pakay!
At ang mga Kano at Kastila ay nagbentahan
Twenty million dollars ang naging kabayaran.
Sinimulan ng Thomasites kolonyal na edukasyon
English ang wikang nagsilbing pundasyon
Ang magigiting na bayani ay
ipinabitay
Tulad nina Felipe Salvador at
Macario Sakay
Pulitika, ekonomiya at ang
kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang
idinadasal.
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center
Pagkatapos ng World War II Parity Rights ang sumakal At ang nagsilbing tanod ay
ang mga base militar Manggagawa at magsasaka ay
nalibing sa kahirapan At nabaon sa utang ang
sambayanan.
Ngayo’y wala nang base militar wala na rin ang
Thomasites Ngunit may VFA at English
speaking campaign At ang mga paaralang
hulmahan ng propesyunal Sinanay upang maglingkod sa
mga dayong kapital
Ang bayan ko ay Speak in
English Zone
Alipin kami noon hanggang
ngayon
Nag-eeksport kami ng
manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa
call center
At ang bansang Pilipinas kahit pa agrikultural
Walang makain ang mga mamamayan
Ang aming isip, salita at gawa ay kolonyal
Lahi kami ng alipin sa sarili naming bayan
Nalulong sa K-Pop ang kabataan ni Rizal
Sa pagdodota animo’y mga hangal
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t
caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Alipin kami noon hanggang ngayon
Ang pagbabago ang tanging solusyon
Durugin ang kolonyal na edukasyon!
Sariling wika ang ang siyang
magpapalaya
Sa sambayanang gapos ng
tanikala!
Sariling wika ang ang siyang
magpapalaya
Sa sambayanang gapos ng
tanikala!