9
Liksyon 5 para sa ika-30 ng Enero, 2021

Liksyon 5 para sa ika-30 ng Enero, 2021 21 hours ago · Sa huli, kinubkob naman ni Salmanazer V ang natirang teritoryo ng Israel at pinalayas ang natitirang populasyon. Ang lupang

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Liksyon 5 para sa ika-30 ng Enero, 2021

  • Ilaw ng Galilea. Isaias 9:1-5

    Bata na naging Regalo. Isaias 9:6-7

    Pamalo ng kaparusahan. Isaias 9:8-10:34

    Tangkay ni Isai. Isaias 11

    Ang Tagapagligtas. Isaias 12

    Ang Mesias ay ipinakilala sa mga kabanata 9 – 12 ng Isaias sa konteksto ng paghihimagsik ng Juda at Israel.

    Si Jesus ang Mesias. Naparito Siya upang isumpa ang kasalanan at pangaralan ang bayan ng Dios. Higit salahat, dumating din Siya upang paliwanagan, aliwin, at iligtas ang Kanyang bayan.

    Pag-aralan natin kung paano ipinapakilala ni Isaias siJesus sa mga kabanatang ito.

  • “Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan salupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.” (Isaias 9:2; Mateo 4:16)

    ZEBULON

    NEPHTALI

    Dagat ng Galilea

    Bilang tugon sa paghingi ng tulong ni Ahaz, nilusob ni Tiglath-pileser III ang Israel at kinubkob ng mga rehiyon ng Nephtali, Zebulun, at Transjordan. Sa huli, kinubkob naman ni Salmanazer V ang natirang teritoryo ng Israel at pinalayas ang natitirangpopulasyon.

    Ang lupang ito ang unang nakubkob at napuno ng kadiliman ng paganismo (Is. 8:22). Ito rin ang unang makakakita ng liwanag nadadalhin ng Mesias.

    Ginugol ni Jesus ang maramiNiyang panahon ng paglilingkodsa publiko sa rehiyong nasa tabi ng Dagat ng Galilea (tingnan ang Mateo 4:12-17).

    Capernaum

  • “Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isanganak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at angkaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.”

    (Isaias 9:6)Itong hinulang Bata ay tanging ang Messias, na si Jesus:

    Kamanghamangha, Tagapayo: matalinong tagapayo na nangunguna ng maayos. Kapareho ito ng pangalan na ginamit ng Anghel ng Panginoon (si

    Jesus mismo) nang dalawin Niya ang mga magulang ni Samson (Hukom 13:18)

    Makapangyarihang Dios: Siya ang Dios na Nagkatawang-tao, ang makapangyarihan at matapang na bayani

    (Jn, 1:1; 1Jn. 5:20)

    Walang hanggang Ama: si Jesus ay walanghanggan, at Siya’y Ama ng buongsangkatauhan, dahil ginawa Niya ang mga tao at ang mundo (Jn. 1:3; Col.

    1:16; 2P 3:18)

    Pangulo ng Kapayapaan: si Jesus ang matuwid na Hari na naparito sa Lupaupang magdala ng kapayapaan (Apoc. 17:14; Jn. 14:27; Jn. 16:33)

  • PAMALO NG KAPARUSAHAN“Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi angkaniyang kamay ay laging nakaunat.” (Isaias 9:12, 17, 21; 10:4)

    Kailangang parusahan ng Dios ng pamalo ang Kanyangbayan dahil sa kanilang masamaan (Is. 9:4). Ibig sabihin ay hinayaan Niyang maghirap sila upang magsisi sila at bumalik sa Kanya.

    Dumating ang mga kahirapang ito sa apat na yugto, mas matindi ang isa sa nauna.

    [1] Digmaan sakanilang lupain(9:8-

    12)

    [2] Pagbagsak ng masasamang pinuno

    (9:13-17)

    [3] Nawasak ang lupain, at taggutom

    (9:18-21)

    [4] Pagbagsak ng mga masamanghukom (10:1-4)

    Kung nagsisi sana ang mga tao, matitigil ang kahirapan (tingnanang Levitico 26:14-39).

    Binigyan ng kalayaan ng Dios ang Israel upang pumili kung susunod sa Kanya o hindi. Ganito rin ang ibinibigay Niya naKalayaan sa atin ngayon.

    Hinahayaan ng Dios sa Kanyang karunungan ang mga bunga ng ating pagsuway upang kung tayo ay makapagnilaynilay ay bumalik sa Kanya.

  • “Ang mabigat na paghuhukom na babagsak sa mga ayaw

    magsisi—digmaan, pagpapatapon, pang-aapi, pagkawala

    ng kapangyarihan at karangalan sa mga bansa—lahat na

    ito ay darating upang sinomang makakikilala sa kanila

    sa kamay ng nasaktang Dios ay madala sa pagsisisi. Ang

    sampung tribu ng kaharian ng hilaga ay malapit nang

    kumalat sa mga bansa, at maiiwang wasak ang kanilang

    mga syudad; ang mapanirang hukbo ng mga kalabang

    bansa ay magwawalis ng paulit-ulit sa kanilang lupain;

    kahit ang Jerusalem sa huli ay babagsak, at madadalang

    bihag ang Juda; bagaman ang Lupang Pangako ay hindi

    mananatiling itinakwil magpakailanman.”

    E.G.W. (Ye Shall Receive Power, September 14)

  • Ang “tangkay ni Isai” ay kumakatawan sa idea naang Mesias ay manggagaling sa lahi ni David (anak ni Isai). Kaya tinawag ni Jesus ang sarili na“ugat at ang supling ni David” (Apocalipsis 22:16).

    Isa sa pangunahing layunin ni Jesus ay wakasan ang kasalanan, pagtalikod sarelihiyon, at paghihimagsik, ganun din ang pagtatag ng walanghanggangkapayapaan. Nagsimula ito sa Kanyang paglilingkod, kamatayan, pagkabuhay namag-uli, at paghahari. Gayunpaman, hindi pa ito natatapos.

    Naghihintay parin tayo sa panahong “At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayamina gaya ng baka. At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.” (Isaias 11:7-8)

  • Ang Isaias 12 ay isang awit ni Isaias upang purihin ang kanyang [at ating] Tagapagligtas. Hinimok niya tayong “ipahayag ang kaniyang mgagawa sa mga bansa” (v. 4), inaalala ang awit ng pagtatagumpay nainawit ni Moises matapos tawirin ang Dagat na Pula (Exodo 15).

    “Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi akomatatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking

    kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.” (Isaias 12:2)

    Sinabi ng anghel kina Jose at Maria na ang Mesias ay tatawaging “Jesus;” iyon ay, “ang Panginoon ang aking kaligtasan” (Mt. 1:21; Lk. 1:31).

    Mayroon din awit ng pagtatagumpay sa Apocalipsis15. Sa kalagayang iyon, ang 144,000 ay await ng kaparehong awit.

    Si Jesus ang tanging pinagmumulan ng kaligtasan. Siya ang magiging awit natin sa malapit na, aawitinnating magkakasama ang “awit ni Moises, nalingkod ng Dios, at ang awit ng Kordero.” (Apoc. 15:3)

  • “Si Kristo ang ‘Pangulo ng Kapayapaan’ (Isaias

    9:6), at ang Kanyang misyon ay ibalik sa langit at

    lupa ang kapayapaang sinira ng kasalanan.

    ‘Yaman nga na mga inaaring-ganap sa

    pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan

    sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong

    Jesucristo.’ Roma 5:1. Sinumang pumapayag na

    talikuran ang kasalanan at buksan ang kanyang

    puso sa pag-ibig ni Kristo, ay magiging kabahagi

    sa makalangit na kapayapaan.”

    E.G.W. (Thoughts From the Mount of Blessing, cp. 2, p. 27)