16

Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lakandiwa - Ispesyal na IsyuHulyo 2010

Citation preview

Page 1: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu
Page 2: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 2 ]

SALAMAT. Ito ang naglalakasang sigaw ng sambayanang Pilipino sa pagtatapos ng sinasabing masalimuot na siyam na taong pamumuno at pagpasok ng isang administrasyong pagbabago ang pangako.

Humigit-kumulang dalawang buwan na rin ang nakakaraan matapos ang ginanap na kauna-unahang automated election sa bansa. Sa pamamagitan ng bagong sistemang itong inabangan at kinapanabikan ng marami, nahalal ang ika-15 pangulo ng ating bansa.

Matagumpay mang maituturing ang ginanap na halalan noong Mayo 10, hindi naman maitatangging napuno pa rin ito ng kontrobersiya at may ilang aberya pa ring kinaharap. Pagwaksi sa kahirapan at katiwalian - ito ang magagandang hangarin ng nanalong pangulo ng bansa na sa katunayan ay ipinangako naman ng lahat ng naging pinuno ng Pilipinas.

Mapatunayan kaya ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino na hindi tulad ng katatapos lamang na administrasyon ay kaya niyang alisin ang kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng pagbura sa katiwalian ng pamahalaan? Matupad kaya ang kanyang layuning maipamana sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang magandang kinabukasan pagkatapos ng kanyang termino?

Ilang araw pagkatapos ang pormal na inagurasyon ni Aquino bilang pangulo ng Pilipinas, ating balikan sa pamamagitan ng ispesyal na isyung ito ang mga kaganapan noong Mayo 10 at sa siyam na taong panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tingnan natin ang naging partisipasyon ng mga Lasalyano sa ginanap na halalan at suriin ang mga paunang hakbanging ginawa ng bagong halal na pangulo tungo sa kanyang layuning paunlarin ang ating bayan. Alamin ang saloobin at damdamin ng ilang Pilipino sa nahalal na Pangulo. Tukuyin ang maaaring mangyari sa administrasyong Aquino base sa kanyang mga inihayag na plano noong halalan. Kilalanin ang mga taong bubuo sa administrasyong Aquino at alamin kung magiging epektibo nga bang tagapagtaguyod ng ating bansa ang ating pangulo at pangalawang pangulo kahit nagmula sila sa magkaibang partido.

Hindi dapat magtapos sa pagboto ang lahat dahil hindi lamang ito ang bantayan ng pagiging isang tunay na Pilipino. Sa panahong kagaya ngayon, mahalaga ang pagiging mapagmatyag sa mga kaganapan sa bansang tayong mga Pilipino at ang ating lahi ang naapektuhan. Sa pagbubukas ng bagong administrasyon, ipagpatuloy mo Lasalyano ang pagiging hukom na sinimulan mo bago pa man ang halalan. Lagi mong pakatandaang isa kang LAKANDIWA na kikilatis sa bawat galaw ng pinunong niluklok mo kasama ang sambayanang Pilipino.

TALAAN NG MGA NILALAMAN

3 | Siyam na taong pamumuno bilang Pangulo: Pagbabalik-tanaw

tungo sa Matatag na Republika

5 | Kakaibang karanasan tungo sa ikauunlad ng bayan

6 | Hakbang sa kaunlaran:Pagsisiyasat sa kauna-unahang

automated election ng bansa

8 | Dear Noy: Mensahe ng mga Pilipino para sa bagong pangulo

10 | Pagbagtas tungo sa daang matuwid: Isang salamisim sa termino

ng sumunod na Pangulo

12 | Isang pagkilatis sa mga taong bubuo sa Administrasyong Aquino

12 | Konserbatibong doktrina o malayang kaalaman

14 | Mga pinunong nagmula sa iisang partido: Epektibo nga bang

tagapagtaguyod?

Dakilang LayuninAng Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga usaping

pangkampus at panlipunan.

Naniniwala ang Plaridel na may konsensya at mapanuring isipan ang mga Lasalyano, kailangan lamang mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makakatulong ito sa unti-unting pagpapalaya sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pagiging mapagmalasakit ng mamamayan.

Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.

MULA SA LUPONG PATNUGUTAN

Patnugot ng Balita: Justin Kenneth Carandang Patnugot ng Bayan: Cathleen Mae Manamtam Patnugot ng Buhay at Kultura: Adrian Paul Tudayan Patnugot ng Sining: Kenwin Francisco OIC ng Isports: Hosanna David OIC ng Retrato: Natasha JuanTagapamahalang Panloob: Henri Frederic Reforeal Tagapamahalang Panlabas: Joselle Mariano

MGA KASAPI: Jeremiah Adriano, Kris Angeles, Kelvin Hung, Yvette Mangunay, Rigel Napa, Ralph Ocampo, Rochelle Relevo, Amity Ruaro, Aldrin Sta. Maria, Felichie Valeriano MGA SENYOR NA PATNUGOT: Diana Marie Encinas, Karla Rose Gutierrez, Earl Geneel Villanueva

Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor ng SPO: Randy Torrecampo Koordineytor: Rosanna Luz Valerio Sekretarya: Virginia Pastor

Para sa anumang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa Silid 502-B Br. Connon Hall Pamantasang De La Salle o sa [email protected].

Kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

Ang PAhAyAgAng PlAridelLUPONG PATNUGUTAN

Maveric MallariTagapamahalang Patnugot-OIC

Adrian Joseph GarciaPunong PatnugotJulie Ann Nealega

Pangalawang Patnugot

Page 3: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 3 ]

Siyam na taong pamumuno bilang Pangulo: Pagbabalik-tanaw tungo sa

Matatag na RepublikaKomentaryo nina Karla Rose Gutierrez at Earl Geneel Villanueva

Kasabay ng pagluklok kay PGMA ang pag-usbong ng isang seksyon ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) na tumatalakay sa mga isyung

panlipunan. Saksi ang seksyon ng Bayan, mula

sa mga kinalap na artikulo nito, sa mga isyu ng tagumpay at eskandalong idinawit sa naturang administrasyon.

Maaaring maidikta nito kung sapat na ba ang lahat ng ito upang itaguyod ang bansa sa kahirapan, lagpas pa sa inaahasang termino ng isang pangulo.

Nagsilbing patunay at pagkakilanlan sa istilo ng pamumuno ni PGMA

bilang pangulo ang matatag na republika, sa loob

m a n

at labas ng bansa, ang mga nakaraang artikulo nito. Ikaw, ramdam mo ba ang kaunlaran o ang kahirapan?

Matatag na SONATungkulin ng isang pangulong

magsagawa ng State of the Nation Address (SONA) upang ilahad sa publiko ang taunang proyekto at programang kanyang nagawa sa pagpapalawig ng ekonomiya at pagpapaunlad ng bansa.

Dagdag pa nito, isinasama rin sa SONA ang mga karagdagang plano para sa darating pang mga taon. Pinapasalamatan at binibigyang-

pugay rin ng pangulo ang mga taong nagbigay parangal sa bansa at tumulong sa gobyerno sa mga problemang kinaharap nito.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi maiwasang ikumpara ang mga

SONA ni PGMA sa mga nagdaang pangulo dahil sa pagiging glamoroso ng naturang kaganapan at ang istilo ng pananalita at pagpapahiwatig ng Pangulo sa kanyang talumpati.

Masasabing isang tagumpay para sa isang pangulo ang mailahad niya ang kanyang mga nagawa para sa bansa.

Sa kabilang banda, taliwas naman ito sa mga maralitang nagpoprotesta at nagkukumahog pumasok ng Kongreso na siyang ginaganapan ng SONA.

Matatag na ugnayanHindi mawawala sa pamahalaang

Pilipinas ang humingi ng tulong mula sa mga mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos at Tsina.

Naging sentro rin ng usaping ito ang mga pondong inilaaan ng Pangulo para sa kanyang travel expenses sa kadahilanang kasama niya ang kanyang mga kaalyadong mambabatas sa kanyang pagbisita sa ibang bansa.

Dagdag pa nito, tinututulan din ng ilang kritiko ang mga kasunduan ng pamahalaan sa ibang bansa gaya ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement, Visiting Forces Agreement, at ratipikasyon ng Kyoto Protocol. Lumalabas na nagiging sunud-sunuran ang Pangulo sa mga kagustuhan at pang-aabuso ng mga makapangyarihang bansa.

Dagdag pa rito, nabansagan ang Pangulo bilang isang saleslady dahil sa lubusang pang-eenganyo sa mga negosyanteng dayuhang mamuhunan sa bansa.

Matatag na rehiyonIpinagmalaki ni Pangulong Arroyo

sa kanyang nagdaang SONA ang pagtalakay sa mga “Super Regions” bilang pinagsama-samang mga probinsya base sa kanilang katangian at kakayahan upang makatulong sa ekonomiya ng bansa.

Hinati ang mga rehiyong ito sa apat na kategoryang tinatawag na North Luzon Agribusiness Quadrangle, Metro Luzon Urban Beltway, Central Philippines, at Mindanao Super Region.

Naniniwala ang Pangulong sa pamamagitan nito, magiging epektibo ang bawat probinsyang nakapaloob sa naturang rehiyong makaambag sa

Dibuho ni Juan Kristopier Angeles

PAGBABALIK-TANAW/SUNDAN SA PAHINA 4

NAGMISTULANG isang pelikula ang bawat eksenang nagaganap sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA). Mula sa makasaysayang EDSA Dos na siyang nagluklok sa kanya bilang pangulo, hindi aakalaing aabot at hahaba ang kanyang kapangyarihan at termino hanggang siyam na taon.

Page 4: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 4 ]

“Sa siyam niyang pag-upo bilang pangulo, masasabing unti-unti niyang naisakatuparan ang isang matatag na Republikang kanyang pinangarap.”

mabilis na produksyon at teknolohiya. Maliban pa rito, kinilala rin ang

Baguio, Cebu, at Davao bilang Cyber Corridor na magiging sentro ng Business Processing Outsourcing o call centers sa bansa.

Nakapaloob naman sa North Luzon Agribusiness Quadrangle ang mga probinsya sa Central Luzon dahil sa laki ng potensyal nito sa agrikultura.

Dahil dito, ipinatayo ang Subic-Clark-Tarlac Expressway, Subic Seaport, at Clark Airport na siyang nagpaginhawa sa napakaraming negosyo sa lalawigan.

Matatag na transportasyonKarugtong sa adhikain ni PGMA sa

panukalang Super Regions, inilunsad din niya ang programang Roll-On Roll-Off (RORO). Layunin ng RORO na makatulong sa turismo at palawigin ang transportasyon sa buong bansa partikular na sa mga dayuhang bumibisita sa Pilipinas.

Kasama sa RORO ang pagpapalapad ng mga daan sa mga lalawigan gaya ng mga probinsya ng Visayas at Mindanao upang mapabilis ang kanilang biyahe tungo sa mga pier kagaya ng Batangas Sea Port.

Dagdag pa rito, maginhawa ring maipapadala ang mga produkto mula sa mga nasabing probinsya tungo sa ibang panig ng Pilipinas.

Isinama rin dito ang mga uri ng transportasyon tulad ng modernisadong Philippine National Railways, Metro Rail Transit, at Light Railway Transit.

Dahil dito, buong ipinagmamalaki ng Pangulong ramdam talaga ng bansa ang mga programang inilaan niya para sa transportasyon.

Matatag na halalanNaging matunog ang dalawang

nagdaang eleksyon sa panahon ni PGMA.

Hindi natin makakalimutan ang paghingi ng tawad ni Pangulong Arroyo sa publiko dahil sa mga alegasyon ng pandaraya noong 2004 National Elections dahilang upang magwagi siya laban kay Fernando Poe, Jr sa pagkapangulo.

Dagdag pa rito, kumalat ang sinasabing usapan ng Pangulo at ni dating Comelec Commisioner Garcillano sa pamamagitan ng wiretapping na binansagang “Hello

Garci Scandal.”Bukod pa rito, hindi rin nagpahuli

ang 2007 Senatoriable Elections dahil sa pananaig nang mga tumatakbong senador na nagmula sa oposisyon. Isa itong patunay na marami na ang hindi nagtitiwala sa pamumuno ni Arroyo bilang pangulo ng bansa.

Matatag na korupsyon?Kabi-kabilang problema ang

kinaharap ng administrasyong Arroyo sa isyu ng korupsyon. Sa isyu ng Diosdado Macapagal Boulevard na

umabot sa isang bilyong piso, hindi inaakalang lalagpas ng lubusan ang nakalaang pondo para sa pagpapagawa nito.

Dahil dito, hinirang ito ng ilang mambabatas bilang pinakamahal na daan sa kasalukuyan.

Dagdag pa rito, nadawit din ang Pangulo sa korupsyong naganap sa ZTE-NBN Scandal, Fertilizer Scam at Le Cirque Dinner.

Kasama ng Blue Ribbon Committee sa Senado, naging usap-usapan ang mga eskandalong ito sa kadahilanang bilyun-bilyong piso ang pinakinabangan ng Pangulo at ng ilang dayuhang kumpanya sa mga proyektong nabanggit.

May ilan ding personalidad ang lumitaw na nagsilbing “whistle blower” upang isiwalat ang katiwaliang nagaganap sa likod ng pamumuno ni PGMA. Hanggang sa ngayon, hindi pa rin nabibigyan ng tuldok ang mga usaping ito at patuloy pa rin ang kultura ng korupsyon sa gobyerno.

Matatag na kaguluhan at pamamaslang

Hindi rin nakawala ang pamahalaan sa mga kudeta, kaguluhan at ilang pagpoprotesta gaya ng EDSA Tres, at Oakwood Mutiny.

Ginimbal ng mga sundalo ang Makati at naging pook ng labanan

upang ipahiwatig ang kanilang pagrerebelde laban sa Pangulo at sa kanyang sistema.

Dahil dito, naging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan upang mapigil ang kaguluhang nagaganap at hindi maapektuhan ang kalagayan ng kalakalan at sa nasabing lugar.

Dagdag pa rito,

nabansagan din ang Pilipinas bilang isa sa mga lugar na delikado para sa mga mamamahayag dahil sa naganap na Maguindanao Massacre noong Nobyembre 2009.

Hindi rin kaila sa atin ang sunud-sunod na kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag at ilang aktibista na kumakalaban sa pamahalaang Arroyo.

Dahil dito, nasira ang imahe ng bansa na maaaring maging dahilan upang iwasan ang pagpunta rito ng mga dayuhan.

Matatag na Republika, naisakatuparan nga ba?

Tunay ngang maraming negatibong isyung kinaharap si Pangulong Arroyo sa siyam na taon niyang paninirahan sa Malacañang. Maaaring hindi siya isang perpektong Pangulo at may mga nagawang pagkakamali sa buong durasyon ng kanyang panunungkulan.

Gayunpaman, hindi maaaring basehan ang mga ito upang sabihing hindi siya naging epektibo bilang isang Pangulo. Sa siyam na taon niyang pag-upo bilang pangulo, masasabing unti-unti niyang naisakatuparan ang isang matatag na Republikang kanyang pinangarap.

PAGBABALIK-TANAW (MULA SA PAHINA 4)

Page 5: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 5 ]

Masusi mang pinaghandaan ng Commission on Elections (Comelec) ang araw na ito, hindi pa rin naiwasan ang mga problema katulad na lamang ng paghinto ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines. Nagkaroon ng kaguluhan sa iba’t ibang presinto sa bansa dahil sa kakulungan ng sistema sa pagpapapila at magulong listahan ng mga bontante.

Mabuti na lamang mayroong mga boluntaryo upang bantayan at gabayan ang mga botante sa mismong araw ng eleksyon. Isa sa mga ito si Lourdes Angelica Fabic, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV) volunteer at isang Lasalyano, I-MS-PSYCL.

Ilang buwan matapos ang eleksyon at ilang araw pagkatapos manumpa ng bagong Pangulo ng Pilipinas, ating sariwain ang mga nangyari nitong nakaraang halalan. Balikan at ilahad natin ang araw na ito, sa paraan kung paano ito nasaksihan ng isang Lasalyano.

Ang makasaysayang halalanSaktong 5:30 ng umaga noong dumating si Fabic

sa Davidville Academy sa Sucat, Parañaque upang magsilbing isang pollwatcher at tanungan ng mga tao sa Voter’s Assistance Desk (VAD) ng PPCRV.

Ani Fabic, kaba ang bumungad sa kanilang mga volunteer sa naturang paaralan dahil sa dami nang mga nakapilang tao pagdating pa lamang nila sa eskwelahan.

Ayon kay Fabic, inulan nang mga reklamo ang PPCRV assistance desk nang umaga pa lamang dahil umano sa isang help desk sa labas ng nasabing paaralan na nagbibigay ng maling impormasyon sa mga botante.

“Mayroong isang booth sa labas na hindi ko alam kung kanino pero nagbibigay rin sila ng mga presinto kung saan dapat pumunta ang tao pero mali [naman] so na-confuse ‘yung mga tao,” ani Fabic.

Ilang oras bago tuluyang tumirik sa tuktok ng kalangitan ang araw noong lumabas siya sa eskwelahan upang suriin ang sitwasyon at nakita niyang lalo pang humaba ang pila.

“Mainit, maraming tao so marami nang umiinit ang ulo pero ang ginawa kasi [namin ay] 2 lines per cluster: 1 [line] for senior citizens at isa for not seniors pero ayun nga, ang dami pa ring reklamo [ng mga tao],” paglalahad ni Fabic.

Dagdag pa niya, maraming tao pero marami ring hindi nakaboto sa kanilang lugar dahil wala ang kanilang pangalan sa voters’ list na hawak ng Board of Elections Inspector (BEI).

Aniya, “Nagkaroon ng cases na nakapila na ng 7:00

am at mga 1:00 pm na [ay] di pa [rin] nakakaboto dahil wala ‘yung pangalan nila sa list ng BEI. Marami ring hindi na nakaboto [at] marami talagang nag-walk out. Dumating pa sa point na kami (PPCRV volunteers) pa [ang] nasisi [kung] bakit wala [ang]

pangalan nila roon [sa listahan ng [BEI].” Lubos namang naawa si Fabic sa ilang mga botante

lalo na yaong mga pursigido ngunit mas pinili na lang na hindi bumoto dahil sa magulong sistema.

Ani Fabic, “May mga tao pa [ngang] ‘pag wala pangalan nila [sa listahan ng BEI] talagang gagawa sila ng report para lang makaboto.”

Sa obserbasyon ni Fabic, lumaki ang mga kaso ng mga nawawalang pangalan sa voters’ list kumpara noong nakaraang halalan. Naniniwala siyang resulta ng ginawang clustering sa mga presinto ang mas magulong listahan ng mga botante na ginamit noong halalan.

Sa kabila nang napakahirap na trabahong ito, bakit nga kaya mas pinili ni Fabic na maging isang volunteer at isakrispisyo ang isang araw ng pahinga sa isang araw na magulo at malapit sa peligro?

Malinis na halalan ang tanging inaasam

“Syempre as a citizen and as a voter, it’s your responsibility to protect your vote and as PPCRV volunteers, we also protect the votes of other people,” sambit ni Fabic.

Dagdag pa niya. “Fulfilling din talaga

Kakaibang karanasan tungo sa ika-uunlad ng bayan

Cathleen Mae Manamtam at Erika Joy Rayo

siya, iba ‘yung feeling na alam mong hindi nasayang araw mo at may nagawa [ka] for the country talaga,” sambit ni Fabic.

Nang tanungin si Fabic kung ano ang mensahe niya sa mga kapwa niya Lasalyanong mas gugustuhin pang manood na lamang ng telebisyon at ayaw makibahagi tuwing halalan, aniya, “Huwag silang magreklamo. I mean, kasi ‘di ba, if they really want to do something about the [current government] system, kahit [sa] elections lang dapat kumilos [na] sila. As youth, since mataas pa energy natin and kaya pa natin talagang mapagod, wag nang sayangin ang oras.”

Dagdag pa ni Fabic, maaring kakaunti lamang ang mga kabataang nagbo-volunteer tuwing eleksyon dahil maaring iniisip ng mga itong magulo at nakakatamad ang gawaing ito.

Ipinaliwanag niyang, “More of short term [kasi ang iniisip ng mga kabataan]. ‘Di nila alam na ‘yung result ng pag-volunteer nila ay pang-long term dahil tayu-tayo rin naman ang makikinabang sa malinis na eleksyon.”

Walang hindi magagawa kung tulung-tulong

Masarap sa pakiramdam – ito ang naramdaman ng karamihan sa mga nag-volunteer noong nakaraang halalan.

Ayon nga kay Fabic, “Nakakataba ng puso lalo na noong gumawa talaga sila (mga wala sa listahan ng BEI) ng way para makaboto kasi na-feel mo na para sa kanila importante ang boto nila at ikaw, as a PPCRV volunteer, natulungan mo silang i-exercise ‘yung right nila bilang isang Pilipino.”

Tunay ngang masaya sa pakiramdam na maging bahagi ng isang makasaysayang pangyayari ngunit wala nang mas hihigit pa sa pakiramdam na natulungan at napagsilbihan mo ang iyong bayan.

Laging sana nating pakatandaang Pilipino tayo bago naging isang Lasalyano.

“Tunay ngang masaya sa pakiramdam na maging bahagi ng isang makasaysayang pangyayari ngunit wala nang mas hihigit pa sa pakiramdam na natulungan at napagsilbihan mo ang iyong bayan.“

MAYO 10, 2010, nagmasid at naging saksi ang buong mundo sa kahahantungan ng pinakaunang automated elections sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilang oras bago magbukas ang mga presinto, maraming tao na ang matiyagang nag-aabang upang masubukan ang makabagong sistema ng halalan. Saktong alas sais impunto ng umaga nang opisyal na binuksan ang mga presinto sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Page 6: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 6 ]

Hakbang sa kaunlaran:Pagsisiyasat sa kauna-unahang automated election ng bansaDiana Marie Encinas, Kelving Hung at Natasha Juan

ILANG buwan mong inabangan, ilang linggo mong hinintay, ilang araw mong pinaghandaan–iyan ang Eleksyon 2010. Sa araw ng eleksyon, Mayo 10, siguradong gumising ka nang maaga upang mabakaboto at naghintay sa mahaba at napakainit na pagpila upang makiisa sa magaganap na pagbabago sa bansa-ngunit hindi ka nag-iisa! Isa ka lamang sa milyun-milyong botanteng nag-abang para sa araw na iyon upang mapabilang sa makasaysayan at kauna-unahang automated election ng bansa.

Sa paglulunsad ng bagong sistemang ito, maraming isyu at kuru-kuro naman ang umusbong na kumakastigo at sumasang-ayon sa nasabing bagong paraan ng pagboto. Dalawang buwan pagkatapos ng nasabing halalan, ating suriin ang mga mahahalagang kaganapan noong nakaraang halalan.

Sa kabila ng mga pagdadalawang-isip ng nakararami, naging maayos at positibo naman ang naging resulta ng halalan. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Atty. Jonalyn Sabellano, Election Officer IV sa Paranaque City, pinatunayan niyang naging positibo ang kinalabasan ng kauna-unahang automated election sa bansa.

Aniya, “It was beyond our expectations. Marami ang critics ng automated election but you can see like in Paranaque I was able to proclaim all the winners as early as May 11, 2010

Mga benepisyo ng automated election

Mga aberya ng kauna-unahang automated election

and at 3:00 pm we have completed the paper works.”

Ibinahagi rin ni Sabellano na dahil sa pagpapatupad ng automated elections naging mabilis at madali para sa kanila ang pagbilang at pagproklama sa mga nagwagi. Isa ito sa mga bagay na hindi kakayaning gawin ng kanilang tanggapan kung ang nakasanayang manu-manong eleksyon ang ipinatupad.

Maraming botante tulad ni Jannella Rae Segovia, isang estudyante mula sa San Juan de Letran, ang naniniwalang nabawasan ang dayaan sa naganap na halalan sa tulong ng mabilis na bilangan gamit ang mga Precinct Count Optical Scanning (PCOS) machine.

Ayon naman kay Denrick Ganchua, III- AB-POM, mas napadali ng mga PCOS machine ang bilangan ng mga boto at mas napabilis ang pag-anunsyo ng mga nananalo.

Tulad ng anumang bagong bagay na nagaganap sa buhay ng isang tao, nagkaroon din ng mga problema ang nasabing sistema bagama’t maraming positibong kumento ukol dito.

Sa kasagsagan ng araw ng eleksyon, inulan nang iba’t ibang problema ang mga presinto sa ibang bansa kagaya ng pagkasira ng mga PCOS machine at hindi maayos na sistema na pamamahala sa mga botanteng nagdagsaan.

Sa katunayan, hindi nakaligtas maging ang nanalong pangulong si Sen. Benigno Aquino Jr sa mga problemang nabanggit sa itaas.

Pumila si Aquino nang apat na oras bago nakapsok sa presintong kanyang pagbobotohan sa Hacienda Luisita, Tarlac. Bukod pa rito, sira rin ang

PCOS machine sa nasabing presinto kaya naman nauwi sa manu-manong pagbilang ang boto ni Aquino.

Naniniwala si Sabellano na naging pangunahing problema noong mismong araw ng halalan ang hindi inaasahang pagdagsa ng maraming tao sa mga presinto. Ayon sa kanya,

Ayon sa isang ulat ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), nabanggit nitong

“On the election [day] naman ang naging problem is the bulk of the people who came to the voting centers.”

-Sabellanotumigil ang pagpapahayag ng resulta ng eleksyon sa 90.2% ng kabuuang bilang ng mga presinto. Nangangahulugang 7,500 na PCOS machines ang hindi nakapag-transmit ng maayos na data.

Sa isang ulat naman ng Asian Network for Free Elections (ANFREL) na pinamagatang “The Philippines National & Local Elections 2010 Elections,” nabanggit na nagkaroon ng pagkukulang sa kapayapaan at seguridad ang nakaraang halalan.

Ayon dito, gaya ng matagal nang nakasanayan sa Pilipinas, mayroon pa ring mga karahasang naganap noong nakaraang eleksyon.

Isang patunay nito ang pagdeklara ng Comelec, kasama ang kapulisan at military, sa 14 na lalawigan kagaya ng Abra, Antique, at Maguindanao bilang election hotspots.

Dagdag pa rito ang mga serye ng pagsabog ng bomba sa ilang probinsya sa Mindanao. Sa pagtatapos ng araw ng eleksyon, hindi bababa sa anim na tao ang namatay habang 10 ang nasugatan bunsod ng mga karahasang may kinalaman sa halalan.

Tulad sa mga nakalipas na halalan,

naging suliranin pa rin ang mga nawawalang pangalan ng botante, nabuburang indelible ink at bilihan ng mga boto sa mismong araw ng halalan.

Sa naging ulat ni Anthony Castro, isang Boto Patroller ng Boto Mo, I-Patrol Mo ng ABS-CBN noong Mayo 10, sinabi niyang hindi maipaliwanag ng BEI sa presintong pagbobotohanang pagkawala ng pangalan sa listahan ng nakarehistro niyang tiyahin sa Project 4, Quezon City.

Mayroon pang isang insidente sa Cabanatuan, Nueva Ecija kung saan isang flying voter ang bumoto para sa isang botanteng nagngangalang Susana Sanchez.

Sa isang ulat ng GMA7 tungkol sa nasabing usapin, nabanggit na umuwi pa umano sa Cabanatuan si Sanchez mula sa Maynila sa upang makaboto ngunit napag-alaman niyang mayroon nang ibang taong bumoto sa kanya pagdating niya sa presintong kaniyang pagbobotohan.

Dahil dito, hindi na siya pinayagang bumoto at napagkamalan pang flying voter dahil tanging kopya lamang ng kanyang identipikasyon ang mayroon siya habang totoong voter’s ID ang dala ng naunang bumoto.

Sa kabila nito, pinayagang bumoto si Sanchez matapos mapatunayang na siya ang tunay na Susana Sanchez nang idulog niya ang kanyang reklamo sa Provincial Comelec Office.

“It was beyond our expectations. Marami ang critics ng automated election but you can see like in Paranaque I was able to proclaim all the winners as early as May 11, 2010.”

-Sabellano

Page 7: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 7 ]

Dibuho ni Rigel Napa

Sagot sa mga naging problema

Tagumpay ng ating bansa

Sa mga kinaharap na suliranin ng kauna-unahang automated elections sa bansa, marapat lamang na matuto ang mga naging tagapamahala nito upang maiwasan na ang mga ito sa mga susunod na halalan.

Ilang botante tulad ni Banting ang nagbigay ng kanyang rekomendasyon upang maiwasan ang pagdasa at pagpila ng matagal ng mga botante.

Ayon sa kanya, maaaring bigyan ng iskedyul ang mga botante base sa letra ng kanilang mga apelyido. Maaari ring magbigay ng resibo sa mga botante upang makasiguro ang mga ito na nakapasok ang kanilang mga boto.

Upang maaayos naman ang aberya sa pagkakaroon ng maraming botante sa bawat clustered precinct, maaaring ibaba ang bilang ng mga presinto sa bawat cluster at dagdagan na lamang ang bilang ng mga clustered precinct,

Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng bilang ng mga PCOS

machine sa susunod na mga halalan upang mapabilis ang proseso ng pagboto.

Ibinahagi naman ni Sabellano na ilang araw bago ang pagsapit ng halalan, isang briefing ang naganap upang bigyan ng direksyon ang mga mamamahala sa mga PCOS machine kung magkakaroon man ng problema sa araw ng halalan.

Aniya, “Prior to election day talagang nagbi-briefing na ang mga teacher. We were telling them na ngayon, ang magiging number one problem is the crowd control. So they know beforehand na ganoon ang magiging problema.”

Ngunit sa kabila nito, nagkaroon pa rin ng mga hindi inaasahang problema sa araw ng halalan. Bilang solusyon, maaari umanong dagdagan ang mga gurong magbabantay upang mas maging madali ang daloy ng pagboto.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkakagulo ng mga tao sa bawat presinto.

Maraming suliranin man ang kinaharap ng unang automated elections sa bansa, maraming Pilipino pa rin ang nagtiwala sa tagumpay ng nasabing halalan.

Naniniwala si Sabellano na ipagpapatuloy pa rin ng Comelec ang pagpapatupad ng automated elections ngunit maaaring baguhin ang paggamit ng PCOS machine dahil na rin sa mga problemang teknikal na kinaharap ng tanggapan sa paggamit ng mga ito.

Ayon pa kay Sabellano, hindi naman ang mismong sistema ang naging problema kundi ang ilang teknikal

na aspekto nito kaya masasabing sa kabuuan, naging matagumpay pa rin ang kauna-unahang automated elections sa bansa.

Sa nakalipas na halalan at proklamasyon ng mga nagwagi, hangad ng bawat Pilipino ang tunay na pagbabagong hindi lamang nakabase sa naganap na automated elections kundi maging sa bagong administrasyong iniluklok na taumbayan.

Nakabusog-puso nawa ang munting mensahe ng PCOS machine na “Congratulations!” upang maibsan ang naging paghihirap mo noong halalan at tuluyang maiangat ang tiwala mo sa ating bayan.

Sa huli, tagumpay ng ating bansa ang nakataya sa bawat boto at sakripisyong inilaan mo sa makasaysayang araw na iyon kaya taas-noo mong ipagmalaki ang iyong naging pagboto.

Sanggunian:http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=574027http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=575135&publicationSubCategoryId=107http://www.sunstar.com.ph/manila/glitches-old-problems-mar-automated-polls

Maraming suliranin man ang kinaharap ng unang automated elections sa bansa, maraming Pilipino pa rin ang

nagtiwala sa tagumpay ng nasabing halalan.

Page 8: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 8 ]

Dear Noy: Mensahe ng mga Pilipino para sa bagong Pangulo

Kinalap nina Jeremiah Adriano at Rochelle Relevo

“[Ang mensahe ko lang is for him is] to fulfill

his main battle cry: Kung walang corruption,

walang mahirap[,] to be humble and sincere in

dealing with the Filipinos[,] to have a credible

and qualified members of his cabinet, capable of

transcending family and political relationships[,

and] lastly, work for poverty reduction and not

mere poverty alleviation.”Dr. Exaltacion Lamberte

Dean, College of Liberal Arts

“Coming from the College of Business, definitely I want the President to really go down to root causes of poverty not just corruption.One way to do this is by really improving on education. I think as a part of the education [sector], if the educational system has really improved, then definitely, we can see a brighter future for the Filipinos. Then as somebody who’s in to business, definitely, I want the President to make the Philippines to be a more attractive destination for foreigners so there would be more investors and also the support for smaller medium scale enterprises.”

Dr. Brian GozunDean, College of Business

“Pagbati para sa bagong Pangulo! Nawa’y tuparin niya ang pangakong: Kung walang corrupt, walang mahirap. Nawa’y katulad ng kanyang Ina at dating Pangulong Cory Aquino maging tagapagtaguyod siya ng wikang Filipino bilang batayan ng makabuluhang pagbabagong panlipunan.”

Dexter Cayanes Pakultad, Filipino Department

“Well I wish him the best. He must be able to keep his promises as the people pinned their hopes in his administration. It would be [also] nice if he would quit smoking.”

Rizal Buendia Pakultad, Political Science

Department

“Kailangan ipakita niya kung ano dapat ang gawin ng [mga] Pilipino. So ang kanyang platform na “kapag walang corrupt, walang mahirap” kailangan [niyang] ipakita. Siguro kaya nanalo rin siya kasi nakita rin ng [mga] Pilipino na sa kanyang buhay, malinis siya, [naging] honest siya. So dapat ipagpatuloy niya iyon at gagawin niya ang lahat [para] maging malinis ang pamamalakad ng pamahalan… Well goodluck. Malaking trabaho yan. Pero katulad ng sinabi ng mga tao kay Ninoy at Cory, hindi ka nag-iisa. Lahat tayo[ng] [mga Pilipino] ay tutulong sa kanya at [kasama] ang De La Salle University, kung ano [man] ang maitutulong sa pamahalaan, [nandito] para sa kanya.”

Br. Bernard Oca FSC Vice Chancellor for Lasallian Mission

and External Relations

Minamahal naming Pangulong Aquino,Sa ngalan ng pamayanang Lasalyano, binabati ka namin sa iyong pagkapanalo sa

nagdaang halalan bilang susunod na Pangulo ng ating inang bayan.

Sa iyong pagkapanalo, dinadala mo hindi lamang ang pag-asa at mithiin ng 14

na milyong Pilipino na sa iyo ay bumoto, pero pasan mo ang pangarap ng bawat

Pilipino. Ito ang pagkakaroon ng isang gobyerno na magtatapos sa kadiliman sa

ati’y nakatabing sa nagdaang siyam na taon. Pagkakaroon ng isang lider na hindi

magnanakaw at magpapasasa sa kapangyarihan. At pagkakaroon muli ng dahilan

para kanilang ikarangal ang kanilang pagka-Pilipino.Ang pagsasaayos ng ating bayan at pagbabalik ng tiwala sa mga institusyon ng

gobyerno sa susunod na anim na taon mula sa kinasadlakan nito ay hindi magiging

madali. Malaki at marami ang kakailanganin gawin. Nawa’y ang gabay ng Diyos

at ang tiwala ng sambayanan ay patuloy mong maging lakas sa pagtupad ng iyong

pangako na iyong aalisin ang tiwali at itatama ang mali.Kung sakaling sa gitna ng laban, ika’y panghinaan ng loob, bumalik at makinig sa

tinig ng sambayanan. Ang tinig na sa’yo ay nanawagan para ipagpatuloy ang laban.

Ang tinig na ipinarinig ng malakas ang kaniyang sarili noong nakaraang halalan.

Ang tinig na tumawag sa iyo sa kapangyarihan. Nawa’y dito matagpuan mo muli

ang iyong lakas at tapang para ipagpatuloy ang laban.Maraming maaaring mangyari sa susunod na anim na taon, pero isa lang ang

tiyak, kasama mo ang sambayanan na sa iyo ay tutulong at magbabantay. Malaki

ang inaasahan mula sa iyo, lalo ng na mga kabataan. At nawa’y hindi mo kami

bibiguin.

Br. Armin Luistro FSC Secretary, Department of Education

Page 9: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 9 ]

“Una kasing advantage ni Noynoy

[ay] nabalik ‘yung tiwala ng tao. I

hope ‘wag niyang tanggalin ‘yung

tiwalang iyon. [Ang] ibig sabihin [ko

rito], he should meet the expectations

[ng mga Pilipino] kahit sa usapin lang

ng corruption, malaki na sa tingin ko

ang magagawa ‘nun. Tsaka siyempre

‘yung kamag-anak [hindi rin dapat

mangungurakot], ‘wag siyang (Noynoy)

maging simbolo ng corruption na

nilalabanan niya.”Ramon Casiple

Executive Director, Institute of Political

and Electoral Reform

“Transparency, eradication of corruption at pagbabago

ng economy, kasunod na niyan ang national discipline.”

Dr. Gadiel Susara

Optometrist

“Sana naman ay may mangyari nang pagbabago sa ating bansa.

Hindi na sana maging corrupt ang mga opisyal ng gobyerno. Sana

rin ay mabigyang boses ang mga maliliit na tao tulad ko. Sa totoo

lang, ang pagkakaroon ng edukasyon ng anak ng isang magsasaka

ay isang napakalaking tulong [na] para sa amin. Nawa’y bigyang

pansin ang edukasyon ng mga tulad namin[g] [mahihirap].”

Ka-Pitong Valencia

Magsasaka

“Sana naman ay mabigyang pansin ang pagbaba ng presyo

ng diesel. Sana rin ay masolusyonan ang [pagtaas ng] presyo

ng bigas.”

Allan Rodriguez

Jeepney Driver

“I want to congratulate him for being the [new] president of the Philippines and sana sa pag-upo niya sa ating bansa bilang pangulo ay maging mapayapa at masaya ang mga Pilipino. Sana rin ay mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga kabataan upang maging maunlad ang ating bansa.”Wilma Isla Public School Teacher,

Gregorio Paradero Elementary School

“Ako ay naniniwala sa kanyang gobyernong

moral at pamumunong may gabay ng Diyos.

Ang aking inaasahan sa kanya ay sana itong

pamumuno [niya sa] gobyernong marangal at

moral ay mahaluan din ng isang gobyerno[ng]

maghahanap ng paraan upang [dalhin] ang

ating bansa [patungo] sa kaunlara. At sana

ang kaniyang pamumuno kasama ng mga

taong pipiliin niya ay hindi lamang may takot

sa Diyos ngunit meron ding kakayahang mag-

isip at gumawa ng mga paraan [at] programa na

tiyak na makakapagpaunlad sa ating bansa.”

Lorenz De Castro

President, University Student Government

“Malawakan at tunay na reporma sa pamahalaan. Reporma sa sistema ng mga ahensya ng gobyerno dahil marami [ritong] ‘di [naman] napapatupad ng maayos ang [kanilang] gawain. Bukod doon, sana matapos na ang kahirapan at kaguluhan sa mga kapatid nating Muslim at mga kapatid nating New People’s Army upang magkaroon nang tunay na kapayapaan.”

SPO3 Oliveros Salanguit Deputy Chief of Police, Tuy, Batangas

“Sana ay mabigyan pa ng sapat na

proteksyon ang mga kababayan nating

OFW tulad ko. Marami sa mga tulad ko ang

naalipusta hindi lamang pisikal. Kami rin

ay nakakaranas ng diskriminasyon. Sana ay

mapaganda na ang ekonomiya upang hindi

na kailangan mangibang bansa ng mga tulad

ko. Sana nga ay mapasimulan mo ang isang

gobyernong hindi corrupt. Gabayan sana

siya ng Diyos.”

Gina Dizon Overseas Filipino Worker

“Sana po ay maging isang magandang inspirasyon [ka] para sa mga Pilipino at [sa mga] kabataan, tulad ng [nagawa ng] mga magulang mo. Sana rin po ay matupad ni[n]yo ang [inyong] mga pangako para sa ating bansa. At dahil ikaw ang piniling presidente, sana [ay] suportahan ka rin ng buong bayan para makabuo tayo ng isang magandang kinabukasan para sa ating lahat.”

Stephanie Braganza II, AB-PSM

“Sana pagbutihan mo ang trabaho mo. Nasa kamay

mo na ang bansa, gamitin mo ang kapagyarihan na

ito [para] sa [ikabubuti] ng bansa. Kahit marami ang

nag-dududa sa kakayahan mo, sige, magtitiwala muna

ako sayo.”

Jathaniel YapIV, PSM-BMG“Hindi ko nakikita [sayo] ang mga katangian

ng [iyong] mga magulang [na] sina Cory at Ninoy,

magmula pa nung [ika’y] naka-upo bilang senador.

Subalit, pinapanalangin kong [ika’y] magiging isang

magaling na presidente at isang mabuting halimbawa

para sa ngalan ng ating bansa.”

Cedric Yabyabin I, BSM-ADV

“‘Yung sana magbago [ang bansa] gaya ng sinasabi niyang [aalisin] lahat nung mga corrupt. Pagbabago talaga!”

Freddie Ubuyis Kusinero, Animo Food Haus

“Ang message ko lang sa ating bagong presidente ng Republika ng Pilipinas is yung ire-reconcile niya ‘yung mga political rivalry niya [at ‘yung] mga ayaw niya.”

Allen Legaspi Technician,

Laboratoryo ng Pananaliksik sa Sikolohiya

“Nabuhayan ng pag-asa ang mamamayang bubuti ang kinabukasan ng bayan sa iyong pagkahalal bilang Pangulo ng Pilipinas. Dalangin naming magtagumpay ka sa iyong pangakong puksain ang kultura ng katiwalian sa ating pamahalaan at sistema ng hustisya. Sa pamamagitan nito, babalik ang tiwala ng mamamayan pati ng mga negosyante sa gobyerno; magkakaroon ng sapat na kita ang pamahalaan upang tustusan ang pangangailangan ng bansa sa mga kalye, eskwelahan, at serbisyong pangkalusugan; dadami ang trabaho; at mangingibabaw ang kaunlaran at kapayapaang panlipunan sa buong kapuluan.”

Dr. Winfred VillamilDean, School of Economics

Page 10: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 10 ]

Mabilis na lumipas ang anim na taon at napansin ni Madlangbayan na marami na ngang nagbabago sa paligid ngunit para sa kanya, hindi pa rin ito sapat.

Napapansin niyang kahit lumalaki ang bilang ng mga pagbabago, nasabi niyang may kulang pa rin. Paparating na naman ang pampanguluhang eleksyon, muling inalala ni Madlangbayan ang mga nangyari sa kampanya noong 2010 at ang kinahinatnan ng

papatapos ng administrasyong Aquino.

Magandang simulainKung walang corrupt, walang mahirap! Naniniwala si

Pangulong Aquino na ang korupsyon ang nagpapahirap sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit sa umpisa pa lamang ng kanyang kampanya, ipinangako na niya sa mga Pilipinong titiyakin niyang walang mangungurakot sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tiniyak ng Pangulong mararangal at matatapat na mga tao ang mga itinalaga niyang

kalihim at pinuno ng mga tanggapan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Isa sa mga matitingkad na aksyon ng Pangulo upang maisakatuparan ang layuning ito, ang pagpapaigting ng kautusan sa pagsusumite ng tunay na Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nang bawat kalihim at pinuno ng iba’t ibang kagawaran.

Maganda ang simulain ng proyektong ito subalit sa paglaon, hindi ito naging kapaki-pakinabang sapagkat patuloy pa rin ang kabi-kabilang isyu ng katiwalian sa sangay ehekutibo.

Kung tutuusin, malaki ang maitutulong ng pagpapaigting ng programang ito laban sa koruspsyon lalo na kung naisabatas ang Freedom of Information sapagkat makapagbibigay ito sa taumbayan ng kapangyarihang makita ang dokumento ng mga transaksyong nagaganap sa loob ng gobyerno.

Sa pamamagitan nito, mas maiiwasan ang korupsyon sapagkat makikita na kung dumaraan sa tamang proseso at operasyong pampinansyal ang pamahalaan.

Sa ilalim ng Konstitusyon, mayroong batas na nagsasabi na dapat magbigay ng SALN ang mga opisyal ng gobyerno kaya lamang malakas ang loob ng kasalukuyang administrayong itago ang totoo. Isa umano sa mga inaasahan sa administrasyong Aquino ang pagsasa-publiko ng mga dokumentong ito upang matukoy kung naaayon ang pamumuhay ng mga kawani ng gobyerno batay sa kanilang sinasahod

mula sa kani-kanilang tanggapan. Walang Maiiwan! Naniniwala si Aquino na

kasunod nang pagsasaayos ng problema sa korupsyon ang susi pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa. Bago pa maging Pangulo si Aquino, isa na sa kanyang mga plataporma ang makabagong paraan ng alokasyon ng salaping-laan sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sa kalaunan ng kanyang termino, nakabatay na ang pondong matatanggap ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa produktibidad at pakikipagtulungan nito sa mga patakaran ng Commission on Audit.

Dahil dito, may ilang ahensya ng gobyerno ang nakatanggap ng maliit na badyet dahil sa hindi magagandang serbisyong hinahatid ng mga ito.

Sa kabila nito, nagsilbing motibasyon ang patakarang ito upang maglingkod ang iba’t ibang ahensiya ng buong husay. Sa kabuuan, naniniwala ang Pangulo na ang paghinto ng korupsyon at ang pagpapalago ng ekonomiya ang siyang solusyon sa mga problema ng bansa.

Pagkilos tungo sa tuwid na daanIsa sa mga prayoridad ng administrasyong

Aquino ang pagkakaroon ng matuwid na daan para sa bayan. Isa sa mga posibleng maging kahinaan ng adminstrasyong Aquino ang “kamag-anak incorporated” dahil lahat naman ng umuupo sa pwesto madalas napapaligiran ng maraming kamag-anak at kaibigan na tingin nila sa sarili nila nanalo

Pagbagtas tungo sa daang matuwid:Isang salamisim sa termino ng susunod na Pangulo

ANIM na taon na ang nakararaan, sa ilalim nang mainit na araw, pumila si Crisanto Madlangbayan upang bumoto sa tulong nang isang bagong sistema. Sa kanyang pagboto, pumili siya batay sa sinasabing tama ng kanyang konsensiya. Binoto niya ang pinaniwalaan niyang magdadala ng tunay na pagbabago. Sa pagtatapos ng eleksyon, nagwagi nga ang kanyang binoto bilang bagong pangulo ng ating bansa – si Benigno “Noynoy” Aquino III.

Yvette Mangunay at Ericka Valeriano

Dibuho ni Ralph Patrick Ocampo

Page 11: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 11 ]

rin sila kung kaya’t nagpaparamdam na gusto nila ng pwesto sa gobyerno.

Sa kabila nito, pinatunayan naman ng administrasyong hindi kinakailangang maging sunud-sunuran sa pamahalaan upang maging matagumpay lalung-lalo na sa larangan ng kalakalan.

Isa sa mga naging hakbangin ng administrasyon ang pagsuporta sa mga maliliit na negosyante sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking pondo para sa mga microeconomic businesses tulad ng mga sari-sari store.

Dagdag pa rito, mas pinadali pa ang proseso nang pagpapatayo ng negosyo sa pamamagitan nang mas madaling paraan sa pag-apruba ng negosyo sa lokal at pambansang lebel. Sa tulong nito, dumami ang trabaho para sa mga Pilipino sa loob ng anim na taon at umangat ang buhay ng mga Pilipinong nagpunyagi.

Ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino ang malaking bahagi ng programa ng pamahalaan upang hindi na magsilbing alternatibo ang pagtatrabaho sa ibang bansa at magbalik-bansa na ang mga overseas filipino workers.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling mataas ang poverty rate sa bansa at mataas ang porsiyento ng mga Pilipinong naniniwala na hindi pa rin sapat ang kanilang mga kinikita dito sa bansa.

Marami ring ginawa ang administrasyon upang mapabuti ang sistema ng hustisya sa bansa. Tiniyak ng pamahalaan na magkakaroon ng disenteng malilipatan ang mga pinapaalis na mahihirap mula sa lupa ng gobyerno. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nanatiling tanyag si Aquino sa mga mahihirap na Pilipino.

Sa kabilang dako, nananatiling isang malaking palaisipan sa taumbayan ang katotohanan sa likod ng Hacienda Luisita Massacre. Lumipas na ang ilang taon ngunit hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang mga walang-awang pinatay ng mga di-kilalang sundalo.

Kasabay ng pagpapatibay sa sistema ng hustisya sa bansa, dinagdagan ang suporta sa Philippine National Police sa pamamagitan ng pagbibigay nang mas mataas na sweldo sa kapulisan at mas mataas pondo upang gawin itong mas moderno at mas epektibo.

Aquino Health Agenda – nilayon ng administrasyong ito na bukod sa pagtiyak na magkakaroon ang bawat Pilipino ng PhilHealth card. Nais din nitong tiyaking magkakaroon nang mas abot-kayang gamot at mas

maayos na serbisyong pangkalusugan ang lahat ng mga Pilipino sa tulong ng card na ito.

Sa pagbibigay ng halos limang porsyento lamang ng kabuuang badyet para sa Department of Health, hindi tuluyang nakamit ng pamahalaan ang adhikain nito. Hindi pa rin natutugunan ang kalidad ng serbisyong medikal na inaasahang matamasa ng bawat Pilipino. Sa isang positibong pananaw, lubos na nakatulong para sa mga mahihirap ang mga generic na gamot na makukuha ng libre sa mga health center sa bawat barangay.

Naniniwala si Aquino na mahalagang patatagin ang pundasyon ng edukasyon. Dinagdagan ang 10 taon ng pag-aaral ng mababa at mataas na paaralan ng dalawang pang taon at tinawag ang proyektong ito na K-12 system.

Maraming papuri at batikos ang tinanggap ng Pangulo sa proyektong ito subalit sa kabuuan, hindi gaanong nakabuti ang proyektong ito para sa kabataan.

Gayunpaman, hindi ang programang ito ang solusyon sa problema ng sistemang pang-edukasyon sa bansa dahil kung kalidad ang nais nating pagibayuhin, ang ibalik sa sitwasyong mas magiging magaan ang pag-aaral sa mga estudyante, ang dapat gawin.

Hindi pa rin talaga masosolusyunan ang problema sa nag-uumpaw na bilang ng estudyante sa isang silid-aralan kapag isinulong ang K-12 system.

Ang pagpapagawa at pagpapaayos ng eskwelahan ang solusyon upang maging bukas ito mas maraming estudyante. Isinulong din ng administrasyon ang batas na nagsasaad na ang “mother tongue” ang siyang wikang gagamitin sa pagtuturo sa bawat asignatura sa pampublikong paaralan mula sa una hanggang sa ikatlong baitang.

Ginamit na lamang ang wikang Ingles mula sa ika-apat na baitang upang ituro ang mga asignaturang agham at matematika, samantalang wikang Filipino pa rin para sa araling panlipunan.

Ibinatay ang patakarang ito sa isang pag-aaral ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na nagsasaad na mas natututo ang isang bata kung ang

“mother tongue” ang gagamiting wika sa pagtuturo.Sa kabuuan, masasabing malaki ang ipinagbago ng

sistemang pang-edukasyon na bansa, subalit nananatili pa rin ang hamon na patuloy itong palawigin upang sa kalaunan, makasabay na ang buong bansa sa pandaigdigang pamantayan ng edukasyon.

Liwanag sa dulo ng daanSa paglipas ng ilang taon, marami-rami na rin

ang nagbago sa bayan. Sa landslide na pagka-panalo ni Aquino noong eleksyon 2010, maraming ekspektasyon ang namutawi at isa si Madlangbayan sa mga nakararaming mamamayang nabigo sa kanilang inaasam na mas malawakang pagbabago.

Hindi man naging kasing-kulay ng kampanya noong 2010 ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Aquino, hindi nawawalan nang pag-asa si Madlangbayan. Naniniwala siyang magsisilbing hamon ang mga papuri at kamaliang napagdaanan ng kasalukuyang administrasyon para sa susunod na mamumuno ng bansa.

Hinahangad niyang sa susunod na halalan, maging mas mapanuri pa sana ang mga botanteng tulad niya at bumoto gamit ang konsensiya at pag-iisip.

Sa bandang huli, hindi gaya nang naipangako, hindi isang mabilis na proseso ang pagsasatuwid ng daan ng bayan. Dapat isaisip na hindi lamang nakasalalay sa gobyerno ang pag-unlad at pag-ahon ngbansa mula sa kahirap.

Mas mabilis itong makakamtan sa tulong ng mga mamamayang makikiisa sa magagandang hangarin ng pamahalaan at kasabay nitong kikilos tungo sa iisang adhikain - ang mapanatiling may hustisya, maunlad at may demokrasiya ang Pilipinas tungo sa isang daang matuwid.

*Isinagguni kay Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform

Page 12: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 12 ]

Ipinahayag ni Villamil ang kanyang opinyon at naniniwala siyang hindi dapat kumuha ng kamag-anak ang Pangulo sapagkat maaaring magkaroon ng pagkakataong isipin ng ibang mas papaboran ni Aquino ang kanyang kapamilya.

Sa kabilang banda naman, maaaring mas magkasundo ang pangulo at ang kamag-anak na tatanghaling miyembro ng gabinte sapagkat mas magkakaintindihan at malapit sa isa’t isa.

Gayunpaman, kailangang maging sensitibo at siguraduhin ni Aquino na ang taumbayan ang mas makikinabang sa pondo ng pamahalaan.

Ang bagong gabinete: Isang pagsasalaIsang araw bago ang nakatakdang proklamasyon

ni Aquino, may mga naglabasan ng pangalan ng mga personalidad na bubuo sa kanyang gabinete. Unang-una na rito ang kanyang legal counsel na si Atty. Paquito Ochoa na kanyang pinili upang maging Executive Secretary.

Ipinahayag din ni Noynoy na hawak ng kanyang “Little President” na si Ochoa ang kanyang buong pagtitiwala.

Isang pagkilatis sa mga taong bubuo sa administrasyong Aquino

Yvette Cristine Mangunay at Erika Joy Rayo

UPANG tuluyang mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino at ng Pilipinas, may mga partikular na ahensiyang itinalaga ang pamahalaan na siyang mangangasiwa sa iba’t ibang mga proyekto ng gobyerno.

Opisyal nang ipinroklama si Benigno “Noynoy” Aquino Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas at noong Hunyo 30, nanumpa siya sa harap ng madlang Pilipino. Ang panunumpang ito ni Aquino ang nagsilbing hudyat ng pagkakaroon nang mga bagong opisyal na mamumuno sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan.

Kamakailan lamang, ipinahayag ni Aquino ang mga katangiang isinasaalang-alang ng kanyang search committee sa paghahanap ng mga bagong miyembro ng gabinete.

May integridad, hindi sangkot sa anumang isyu ng korupsyon at mapagkakatiwalaan, ang ilan sa katangiang hinahanap ni Aquino. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, sapat na nga ba itong batayan ni Aquino sa pagpili ng mga taong makakasama niya sa pamamalakad ng Pilipinas?

Mahahalagang paalala para sa PanguloSa pagpili ng isang aplikante, hindi lang basta ang

natapos na kurso o mga napag-aralan nito ang sinasala bago matanggap sa isang trabaho. Isinasaalang-alang din ang kanyang ugali, prinsipyo, dedikasyon at kakayahang gawin ang mga tungkuling iniatang sa kanya.

Ayon kay Miguel Borromeo, pakultad ng School of Economics (SOE) ng Pamantasang De La Salle (DLSU), dapat bigyang pansin ang kakayahan ng isang miyembro ng gabineteng mamuno ng isang ahensya. Sinang-ayunan naman ito ni Dr. Winfred Villamil, Associate Professor nula rin sa SOE. Aniya, tama lamang na pagtuunan ng pansin ang napatunayang kakayahan o ang “proven competence” ng isang cabinet member.Aniya pa, kailangang alam ng magiging miyembro ng gabinete ang kanyang magiging responsibilidad sa posisyong kanyang hahawakan.

Hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng integridad, at hindi paigiging korup.

Mas magiging epektibo rin umano pagdating sa pamamalakad ng isang kagawaran ang mga dati nang naging miyembro nito dahil maaaring gamay na nila ang mga trabaho sa ahensya kung saan sila muling itatalaga

Lumutang din ang mga usapan ukol sa posibilidad na pagpili ni Aquino ng kamag-anak bilang isang cabinet member tulad na lamang ng bunsong kapatid na si Kris Aquino-Yap.

Dibuho ni Juan Kristopier Angeles

Pinangalanan na rin ni Aquino si Atty. Edwin Lacierda bilang kanyang Presidential Spokesman. Ayon kay Villamil, si Lacierda ang magsisilbing mouthpiece ng bagong halal na Pangulo na makapagbibigay ng wasto at tamang interpretasyon ng mga saloobin nito.

Dahil dito, kinakailangang magkaroon ng maayos na pagkakaunawaan o pagkakaintindihan sa pagitan ni Aquino at Lacierda.

Pagkatapos ng araw ng panunumpa ni Aquino, nagsimula nang manungkulan si Br. Armin Luistro ng DLSU bilang bagong kalihim ng Department of Education at nagbalik naman bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Dinky Soliman. Kagaya ni Soliman, nagbabalik din sa bagong gabinete bilang Presidential Peace Adviser si Teresita Deles.

Nagsimula na rin ang panunungkulan ni Commission on Human Rights Chairwoman Leila de Lima bilang bagong kalihim ng Department of Justice.Tumanggi na namang maging bahagi ng gabinete ni Aquino ang kanyang pangalawang pangulong si Jejomar Binay.

Halaw ang listahan ng mga gabineteng ito mula sa ABS-CBN.com (http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/29/10/aquino-names-cabinet-members)

Page 13: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 13 ]

“Huwag sanang kalilimutan ng mga magiging miyembro ng gabinete ni Aquino na katulad ng isang salamin, mahirap ng buuin kapag tuluyan nang nabasag ang pagtitiwala at mananatili itong may lamat kahit mabuo man.”

Sa panayam kay Binay, pagkatapos ng kanilang naging pagpupulong noong Hunyo 23, binanggit niyang ayaw umanong maging pabigat sa susunod na Pangulo kaya mas pinili na lamang niyang huwag ng maging kalihim o pinuno ng anumang ahensya ng gobyerno.

Naniniwala si Villamil na maayos ang naging pagpili ng bagong Pangulo sa mga miyembro ng kanyang gabinete,

Gayunpaman, may agam-agam si Villamil sa muling pagbabalik ni Soliman sa DSWD dahil naniniwala itong naging maganda ang paninilbihan ng kasalukuyang DSWD Secretary Esperanza Cabral.

Bagama’t “recycled” ang tingin ni Borromeo sa mga napili ni Aquino, hindi naman niya kinukuwestiyon ang kakayahan ng mga ito. Ayon pa sa kanya, “entitled” ang mga pinili ng Pangulo at ng kanyang screening committee.

Ayon kay Borromeo, “Hindi nila (bagong gabinte) dapat biguin, hindi lamang ang pangulo, kung hindi pati na rin ang mga taong bumoto para kay Noynoy.” Hiniling din niyang huwag sanang sirain

ng mga magiging miyembro ng gabinete ang tiwalang ibinigay sa kanila ng Pangulo.

Ang pagpili: Isang paghahatolSa pagpili ng isang taong magiging kaagapay sa

pagpapatakbo ng bayan, mahalagang alam at kilala ng Pangulo ang kanyang mga pagkakatiwalaan. Kaya naman, karapat-dapat lamang na maging tapat at

maprinsipsyo ang mga taong uupo sa gobyerno.Sa pagkakataong ito, dapat maging maingat si

Aquino sa mga pagkakalooban niya ng kapangyarihan

upang gumawa ng mga bagay na makapagpapabago sa kapakanan ng Pilipinas at ng mga Pilipino.

Hindi sapat ang kredibilidad at katapatan sa trabaho upang masabing magagampanang mabuti ng isang tao ang iniatang sa kanyang trabaho lalo na’t hindi siya akma para sa napiling puwesto. Hindi mo mapapaandar ang isang makina kung mali naman ang paraan ng pagkakalagay ng baterya nito.

Kailangan pa ring isaalang-alang ang kakayahan ng isang taong mapamunuang mabuti ang kanyang trabaho at ang makisama sa mga taong makakasama niya sa pagsasabuhay ng kanyang mga tungkulin.

Maraming gabinete na ang sumira sa tiwala ng taumbayan dahil inuuna ng mga ito ang pagpapaunlad ng kanilang mga sarili bago ang pagpapaunlad ng bayan.

Huwag sanang kalilimutan ng mga magiging miyembro ng gabinete ni Aquino na katulad ng isang salamin, mahirap ng buuin kapag tuluyan nang nabasag ang pagtitiwala at mananatili itong may lamat kahit mabuo man.

ANG pagiging kalihim ng Departament of Education (DepEd) na marahil ang pinakamahalaga ngunit pinakamahirap na posisyong panghahawakan ng isang miyembro ng gabinete ng pamahalaan. Sinasabing ito ang may hawak sa kinabukasan nating mga Pilipino at ng ating bayan sapagkat sa ahensyang ito ng gobyerno nakasalalay ang paghubog sa kabataang Pilipino.

Noong Hunyo 23, nakatanggap ang pamayanang Lasalyano ng isang mensahe mula sa Office of Strategic Communications ng Pamantasang De La Salle (DLSU) na nagsasaad ng pagtanggap ni Br. Armin Luistro FSC sa alok ni pangulong si Benigno “Noynoy” Aquino III upang maging kalihim ng DepEd. Marami ang nagalak at natuwa sa balitang ito, subalit mayroon ilang nagdadalawang isip at nagdududa sa pagbibigay ni Aquino kay Luistro ng nasabing posisyon.

Kanyang kalakasan, siya ring kanyang kahinaanSimula 2004, si Luistro na ang nagsilbing pangulo ng DLSU at bilang isang

Lasallian Brother, wala nang dapat pang magduda pa sa kanyang kaalaman sa larangan ng edukasyon dahil masasabing naging malinis at malayo sa kontrobersiya ang kanyang anim na taong pamumuno ni Luistro bilang pangulo ng DLSU.

Sa kasalukuyan, isa ang DepEd sa pinakaproblemadong ahensya ng pamahalaan. Patuloy pa rin itong binabalot ng kontrobersiya dahil sa mga pondong bigla na lamang nawawala at mga bayaring sumosobra sa inaasahang halaga. Sa pagtatalaga kay Luistro bilang kalihim ng DepEd, naniniwala ang karamihang malalabanan niya ang korupsyon sa ahensyang ito sa paniniwalang malalabanan nito ang tuksong ng katiwalian.

Gayunpaman, ang kaniyang sinasabing kalakasan ang siya ring magiging kaniyang kahinaan. Bilang kalihim ng DepEd, hindi imposibleng humarap si Luistro sa ilang sitwasyon kung kailan kailangan niyang salungatin ang paniniwala ng simbahang Katoliko kagaya na lamang ng pagtuturo ng sex education sa mga mag-aaral sa mababa at mataas na paaralan.

Hindi lingid sa ating kaalamang tutol ang simbahang Katoliko sa pangunguna ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa programang ito ng DepEd. Habang isinisulat ang artikulong ito, wala pang konkretong plano si Luistro hinggil sa nasabing usapin. Sa artikulong “Luistro to review DepEd sex ed program” ni Philip Tubeza ng Philippine Daily Inquirer, nabanggit ni Luistro na mayroon

siyang personal na paniniwala tungkol sa pagpapatupad ng sex education ngunit hindi pa umano sapat ang kanyang kaalaman tungkol sa naturang programa ng DepEd at masyado pang maaga upang magsalita siya tungkol sa nasabing usapin.

Ngayong opisyal ng nakaupo si Luistro bilang kalihim ng DepEd, masasabi nating napakarami ng mata ang nakatingin sa kanyang bawat galaw at mga desisyong gagawin na pihadong makaaaapekto hindi lamang sa ating mga Lasalyano ngunit sa lahat ng mag-aaral na Pilipino.

Sa usapin naman ng pagpapatupad ng sex education, marami na marahil ang naghihintay sa magiging desisyon dito ni Luistro. Katulad ng kanyang mga kapanalig sa relihiyon, kokontrahin kaya ni Luistro ang pagpapatupad nito o bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matutunan ang mga aral na sinsasabing makakatulong sa kanilang buhay?

Relihiyon o dunong?Maaaring masyado pang maaaga upang malaman kung tama ba ang naging

desisyon ni Aquino na piliin si Luistro bilang bagong kalihim ng DepEd. Gayunpaman, malaki ang tiwala ng karamihang kasabay ng pagpili kay Luistro ang muling pag-unlad ng kalidad edukasyon sa pamamagitan ng isang malinis at magaling na pamamalakad.

Sa kanyang bagong tungkuling ito, haharapin na marahil ni Luistro ang pinakamalaking hamon ng kanyang buhay - ang pagsunod sa mga pinanghahawakang konserbatibong doktrina ng simbahan o ang pagbukas ng kanyang isipan sa mga bagay na salungat sa relihiyong pinaniniwalaan ngunit mahalaga sa pagpapaunlad ng kaalaman.

Konserbatibong doktrina o malayang kaalaman Komentaryo ni Jeremiah Adriano

Page 14: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

LAKANDIWA[ 14 ]

Pagdating sa larangan ng pulitika sa Pilipinas, hindi maaaring mabigyan ng eksaktong prediksyon ang maaaring maging kahihinatnan ng bansa kung mahigit sa isa ang mamumuno.

Ayon sa Article VII, Section 1 ng Konstitusyon ng Pilipinas 1987, ang Pangulo ng Pilipinas ang siyang mamumuno sa ehekutibong sector ng gobyerno.

Walang malinaw na tungkulin ang pangalawang pangulo kundi punan ang posisyon ng pangulo kung sakaling mabakante ito.

Kikilos lang din ang pangalawang pangulo kung magtatalaga ang presidente ng responsibilidad na dapat niyang gampanan para sa ikaaayos ng bansa.

Dahil sa pagkawala ng malinaw na tungkulin ng bise-presidente, posible ba itong makaapekto sa pagiging epektibo ng tambalan ng pangulo at pangalawang pangulo?

Magkaakibat naresponsibilidad

Nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) si Ronald Holmes, Presidente ng Pulse Asia Survey at pakultad ng Political Science Department ng Pamantasang De La Salle, ukol sa suliranin ng paglilinaw ng tungkulin ng pangalawang pangulo.

Paliwanag ni Holmes, “Ang tawag mo sa vice president ay “spare tire” – walang gagawing [tungkulin] hangga’t walang ipinapagawa ang pangulo and the president is supreme and the vice president doesn’t have any other function but to be called vice president.”

Dagdag pa niya, kapag natanggal o tinanggal lamang sa posisyon ang pangulo saka lamang magkakaroon ng tiyak na responsibilidad ang pangalawang pangulo.

Ngunit dahil hindi naman kayang patakbuhing mag-isa ng pangulo ang bansa, itinatalaga niyang pinuno

ang pangalawang pangulo sa isang sektor sa pamahalaang hindi niya lubusang

nabibigyan ng prayoridad.

Sa kabila ng hindi

malinaw na pagkakalahad ng tungkulin ng mga bise presidente, ating suriin kung ano naging kinahinatnan ng nakaraang apat na administrasyon ng mga pangulo at pangalawang pangulo sa bansa.

Muling pagsilang ng demokrasya

Panibagong yugto sa aklat ng kasaysayan ng Pilipinas ang hatid ng muling pagsilang ng demokrasya.

Matapos ang 20 taong pagkakasailalim ng bansa sa kapangyarihang diktaturya, binigyang-daan ni Corazon Aquino ang muling pagsilang ng demoskrasya.

Ito ang sistemang magtataguyod sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan. Kaakibat ni Aquino ang kanyang pangalawang pangulong si Salvador Laurel.

Bagong pag-asa ang tangan ng paglisan ng ‘di makataong sistemang umiiral sa bansa. Ngunit sa kabila ng panunumbalik ng demokrasya at pagkakaroon ng reporma sa

konstitusyon, hindi pa rin naging madali ang

pagsisimula ng administrasyong Aquino.

Ayon kay Holmes, masasabing

walang masyadong p r o m i n e n t e n g

pangyayari sa termino ng tambalang Aquino-

Laurel.Sa pagtatapos ng termino

ni Aquino, nagkaroon ng hidwaan ang dalawa dahil sinubukan ni Laurel

na kunin ang suporta ng nauna dahil sa kanyang binabalak na pagtakbo bilang pangulo.

Nabigo si Laurel at iba ang naging standard bearer ng administrasyon. Bukod sa kanilang naging alitan, ani Holmes, nabigo ang administrasyon ni Aquino dahil hindi nila umano naibalik ang tunay na kahulugan ng demokrasya.

Paliwanag pa niya, “They restore formal democracy, when I say formal they appear to be democratic; in reality, they are really not. Technically, they

were able to restore the formal structure of democracy but the resources are not really democratic.”

Ang Pilipinas at ang Tiger Economy

Ayon kay Holmes, muling nagising ang natutulog na ekonomiya ng bansa at nagsimulang lumago ang industriya ng teknolohiya sa Pilipinas sa termino ng tambalan nina dating Pangulong Fidel Ramos at kanyang pangalawang pangulong si Estrada.

Ipinakilala ng administrasyong ito ang mga repormang magbibigay ng solusyon sa krisis ng enerhiya sa bansa, at ang pagbuo ng mga ugnayan sa foreign investors upang umunlad ang ekonomiya ng bansa.

“He (Ramos) basically sold the Philippines but not in a negative way. Paano niya nagawa ‘yun? He promoted the Philippines outside, and he invited foreign investors,” ani Holmes.

Dahil sa patuloy at mabilis na paglago ng ekonomiya sa Pilipinas, halos ituring na ito bilang isang Tiger Economy.

Noong panahon ni Ramos, nagkaroon din ng mga kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at dalawang komunistang grupo, ang Reform Armed Forces Movement at Moro National Liberation Front.

Sa kabila ng masigasig na pagpapalago ng administrasyong Ramos sa ekonomiya ng bansa at pagpapatupad ng mga usaping pang-kapayapaan, hindi pa rin naiwasan ang paglitaw ng mga kontrobersiya ukol sa kanilang pamamahala.

Noong 1996, nilagdaan ni Ramos ang isang batas na nagpapatupad sa paghatol ng death penalty gamit ang silya-elektrikang naging dahilan ng pagtamo niya ng iba’t ibang batikos mula sa mga Pilipino. Maliban dito, binigyan din siya ng kritisismo dahil sa kanyang balak na pagbabago sa sistema ng gobyerno ng bansa.

Ngunit sa kabila ng mga batikos na ito, masasabing naging maayos ang pamumuno ng tambalang Ramos at Estrada.

Mga pinunong nagmula sa iisang partido:Epektibo nga bang tagapagtaguyod?

Cathleen Mae Manamtam, Yvette Mangunay, at Amity Ruaro

ISA O DALAWA - ano nga ba ang mas matimbang? Maraming pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang makapagpapatunay na mas nakabubuti ang bilang na dalawa kaysa sa isa. Kalimitang iniisip ng mga Pilipinong mas madaling sugpuin ang isang

suliranin kung mas marami silang kasama sa pakikibaka rito. Marahil, tama nga ang ganitong paniniwala ngunit hindi natin masasabing totoo ito sa lahat ng pagkakataon. Pagdating sa pulitika, mas maiging iisang tao lamang ang magbibigay ng pasya o solusyon dahil natatanggal nito ang hidwaan o alitang dala ng pagpapasya ng higit pa sa isang tao tungkol sa isang suliranin.

Page 15: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Ang Pahayagang Plaridel [ 15 ]Habang nakatuon si Ramos sa

mga repormang magpapaunlad sa ekonomiya ng bansa, nakatuon naman si Estrada sa pakikibaka sa krimen sa pamamagitan ng Presidential Anti-Crime Commission.

Maikling panahonng pamumuno

Naging malapit naman sa puso ng masa si Estrada dahil sa kanyang naging kasikatan sa larangan ng pelikulang Pilipino. Subalit binalot ng sunud-sunod na suliranin at kontrobersiya ang kanyang termino bilang pangulo.

Dahil sa mga ito, naging maikli lamang ang kanyang pamamalagi sa kanyang posisyon.

Isa sa mga kontrobersiyang kinaharap ni Estrada ang pagsang-ayon niya sa mala-bayaning paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos na binatikos ng mga taga-suporta ng yumaong Senador Benigno Aquino.

Noong 2000 naman, ibinunyag ni dating Ilocos Sur Governor Luis Singson ang pangangamkam ni Estrada sa mga nalikom na halaga mula sa mga ilegal na pasugalan, stock exchange, at gobyerno sa pamamagitan ng bank accounts sa alyas na “Jose Velarde.”

Matapos ang insidenteng ito, sinimulan ang paghahain ng impeachment laban sa kanya at sumunod na rito ang EDSA Revolution II. Noong Enero 2001, ipahayag ni Estrada ang kanyang pagbitiw sa pagkapangulo.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, naging malakas ang ekonomiya ng bansa ngunit naapektuhan ito nang magkaroon ng krisis pampinansyal sa Asya, at lumala pa ang kalagayan ng bansa dahil sa tagtuyot.

Nagdulot din ng isang hidwaan sa relasyon nina Estrada at Arroyo ang pagbibitiw ni Arroyo sa kanyang posisyon bilang sekretarya ng DSWD.

Dalawang terminong hitik sa kontrobersiya

Noong Enero 20, 2001, isang araw matapos magbitiw sa posisyon si dating Pangulong Estrada, nanumpa si Arroyo bilang ika-14 na pangulo ng bansa upang punan ang posisyong binitiwan ng nauna.

Isa ang kahirapan sa mga

pinakamatinding isyung kinailangan niyang solusyunan.

Sinubukan naman ni Arroyo na sugpuin ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto katulad na lamang ng programang Pagkain sa

bawat Hapag ng Pamilyang Pilipino, Presyong Tama, Gamot Pampamilya, at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagsusumikap na masolusyunan ito, tumaas pa ang porsyento ng mga Pilipinong naniniwalang mahihirap sila.

Ayon kay Holmes, “Sa isinagawa naming (Pulse Asia) survey naging maayos naman ang grade ni Arroyo kaya lang bumagsak siya sa isang aspect [at ito ‘yung tungkol sa] poverty [sa bansa].”

Ayon sa isingawang Pulse Asia survey noong Agosto 2009, 42% ng mga Pilipino ang nawalan na ng tiwala sa pamumuno ni Arroyo, at 43% sa mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa kanyang paraan ng pamamahala sa gobyerno.

Tulad ng administrasyong Estrada, binalot ng samu’t saring kontrobersiya ang kanyang termino. Isa na rito ang “Hello Garci Scandal” na nagdulot ng isang malaking kaguluhan matapos ang pagkapanalo ni Arroyo sa 2004 Presidential Elections.

Kinuwestiyon din ng mga Pilipino ang napapabalitang bahay sa San Francisco Bay Area ng kanyang anak na si Mikey Arroyo na nagkakahalagang humigit-kumulang na isang milyong dolyar.

Bagaman ganito ang kinalabasan ng kanyang pamumuno, mapalad pa rin siya dahil natapos niya ang kanyang panunungkulan.

Ani nga ni Holmes, “Her greatest achievement is she survived her term. Of all the issues na binabato sa kanya, she managed to finish her term.”

Naging maayos naman ang relasyon nina Arroyo at de Castro sa kanilang

termino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Tugon ni de Castro, ayon sa panayam ng Sun.Star Network, tungkol sa kanyang relasyon kay Arroyo, “We are fine, thank you.”

Magkakaibang tatak, iisang timpla

Magkakaibang tatak ngunit iisa ang timpla – ito ang katagang maglalarawan kung ano ang kasalukuyang estado ng mga pulitikal na partido sa bansa. May epekto nga ba kung nagmula sa iisang partido ang pangulo at pangalawang pangulo?

Ani Holmes, “Wala talagang epekto kung nagmula sa isang partido ang pangulo at pangalawang pangulo. Ang partido ba sa Pilipinas [ay isang] partido ba talaga o pangalan lang?” Inihambing ni Holmes ang mga partido ng Estados Unidos at Pilipinas sa mga pangalan o brand ng softdrinks.

Aniya, “Sa Amerika, [ang political parties ay] parang soda - Pepsi, Coke, at iba pa. Pero dito sa Pilipinas, Coke lang. Coke in can, 1.5 at iba pa. Pare-pareho pero iba lang ang packaging. In simple terms, wrapping lang ‘yung pangalan but in real terms they are not different from one another.”

Sa isang sarbey na isinagawa ng Pulse Asia noong 2007, kulang-kulang 10% ng mga Pilipino ang nagsasabing may pinapaburan silang partido.

Sa pangatwiran ni Holmes kung bakit ganito ang kinalabasan ng nasabing sarbey, “Very personalistic ang Filipino politics. The party are not the people gravitate to they tend to focus their support on personalities not in the political parties itself.”

Magkasangga sa pagtataguyod ng bansa

Sa pamamahala ng isang bansa, hindi marahil katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng mga pagkakamali lalo na kung malaki ang magiging epekto nito sa bansa.

Binuo ang tambalan ng pangulo at pangalawang pangulo upang punan ang pagkukulang ng bawat isa. Hindi

Halaw mula sa Internet

Sanggunian:http://www.gmanews.tv/story/43705/estradas-jose-velarde-admissionhttp://pulseasia.com.ph/pulseasia/story.asp?id=697

sila dapat nagtatagisan, bagkus dapat nilang punan ang kahinaan ng isa’t isa.

Kahit sabihin nating magkaiba ang kanilang tungkulin, iisa pa rin naman ang kanilang sinumpaan sa madlang Pilipino at ito ang gumawa ng mga bagay sa ikabubuti ng mga mamamayan at ikatataguyod ng bansa.

Ngayong mayroon ng nahalal na bagong pangulo’t pangalawang pangulo, nararapat lang na kalimutan na nila ang mga partidong kanilang pinanggalingan at magkaisa upang lubusan nilang mapaglingkuran ang buong sambayanan at mapabuti ang kalagayan nito.

Kung hindi sa kanila magsisimula ang pagkakaisa, kanino ito magsisimula? Dapat silang magsilbing huwaran sa bawat Pilipino sapagkat kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

“Binuo ang tambalan ng pangulo at pangalawang pangulo upang punan ang pagkukulang ng bawat isa. Hindi sila dapat nagtatagisan, bagkus dapat nilang punan ang kahinaan ng isa’t isa.“

Page 16: Lakandiwa - Ispesyal Na Isyu

Mga kuha ni Aldrin Sta. Maria

“Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa

sambayanan, WALANG MAIIWAN.”