26
Kontemporaneong Isyu ANG KAPALIGIRAN AT ANG KALAGAYAN NG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Kontemporaneong isyu

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kontemporaneong isyu

Kontemporaneong IsyuANG KAPALIGIRAN AT ANG KALAGAYAN NG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Page 2: Kontemporaneong isyu

KALAGAYAN NG KAPALIGIRAN: LIKAS NA YAMAN AT MGA PROBLEMA NG KAPALIGIRAN

◦Tumutukoy ang kapaligiran sa mgaelemento at kondisyon kung saan angmga may buhay kasama na ang mgatao hayop, halaman, at mga organismo, ay nakatira, nag-uugnayan, at magkasamang namumuhay.

Page 3: Kontemporaneong isyu

MGA ELEMENTO NG KAPALIGIRAN◦Panahon at Klima

Ang panahon ay ang kalagayan ng hangin, ulan, at temperature sa atmospera sa anumang oras at lugar.

Klima ay ang kondisyon ng panahon sa isang lugar samas mahabang panahon.

Page 4: Kontemporaneong isyu

MGA ANYONG-LUPA

Tectonic plate theory – ayon sa teoryang ito angpaggalaw sa ilalim ng lupa ang dahilan ng pagkabuo ng mga anyong lupa sa katagalan ng panahon.

Page 5: Kontemporaneong isyu

Malalaking Anyong Lupa

1. Bundok – pinakamataas na anyong lupa sa ibabawng Daigdig.

Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sadaigdig.

Page 6: Kontemporaneong isyu

Apat na Uri ng BundokA. Bulkaniko – nabubuo ito kapag ang magma o tunaw na bato na galling sa ilalim ng daigdig ay umaakyat, sumasabog, at namumuo sa ibabaw.

B. Fold – karaniwang uri ng bundok. Nabubuo ito sapag-uumpugan ng dalawang tectonic plate sa ilalimng lupa.

Page 7: Kontemporaneong isyu

Apat na Uri ng Bundok

C. Fault-block – nabubuo ito kung ang mga fault at siwang sa ibabaw ng Daigdig ang dahilan ng pagtaas.

D. Dome – Nabubuo ito kapag maraming magma angpumapaitaas mula sa ilalim ng lupa ngunit hindiumaabot sa pinakaibabaw.

Page 8: Kontemporaneong isyu

Malalaking Anyong-lupa2. Burol

- mas mababa kaysa bundok ang mga burol ngunit mas mataas pa rin kung ihahambing sa ibang lupang sa paligid. Karaniwan itong tinutubuan ng damo.

3. Lambak

-mababang lugar sa pagitan ng mga bundok o burol. Nabubuo ito kapag ang tubig ng ilog ay dumadaloy pababa sakabundukan.

Page 9: Kontemporaneong isyu

Malalaking Anyong-lupa4. Talampas (Plateau)

- isang bundok na may patag na ibabaw. Matarik ang mgagilid nito na tinatawag na bangin (cliff ).

5. Kapatagan

- Mababa at patag na lupa ang mga kapatagan at humahanggan sa dagat.

Page 10: Kontemporaneong isyu

Malalaking Anyong-lupa6. Pulo - lupang napaliligiran ng tubig at nabuomaaring sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan o dahil sa maiinit na bahagi ng lithosphere.

7. Disyerto – lupang malawak, tuyo, at mainit na walao halos walang ulan sa buong taon. Kakaunti anghalaman dito dahil sa kakulangan ng tubig. May dalawang uri ng disyerto.

Page 11: Kontemporaneong isyu

Dalawang Uri ng Disyertoa. Mainit na disyerto – natatakpan ito ng buhangin at

alikabok. Wala o sobrang kaunti ng ulan. Tuyong-tuyo ito.

b. Malamig na disyerto – disyerto na natatakpan ng niyebe. Wala o sobrang kaunti ng ulan ngunit may niyebe tuwing taglamig. Ang Antarctica ay angpinakamalawak na malamig na disyerto.

Page 12: Kontemporaneong isyu

MGA GABAY NA TANONG

1. Anong uri ng anyong-lupa ang katangian ng Pilipinas?

2. Aling uri ng anyong-lupa ang pinakagusto mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Page 13: Kontemporaneong isyu

Malalaking Anyong-Tubig1. Karagatan – pinakamalaking anyong tubig.

Maalat ang tubig dito at ang ibang bahagi ay napakalalim.

2. Dagat – maalat na anyong tubig ngunit mas maliitkaysa sa karagatan.

3. Look – anyong-tubig na halos napaliligiran ng lupa maliban sa kaunting karugtong ng dagat.

Page 14: Kontemporaneong isyu

Malalaking Anyong-Tubig4. Lawa – anyong-tubig na napaliligiran ng lupa. Tabang ang tubig dito. Sa lawa magandangmamingwit, mamangka, at lumangoy.

5. Ilog – anyong-tubig na nabubuo kapag ang tubig ay dumadaloy mula sa mataas na lugar pababa dahil sagravity.

Page 15: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Ang Pilipinas bilang pangalawa sapinakamalaking kapuluang bansa, kasunod ng Indonesia, ay lubhang mayaman sa mga likas nayaman kagaya ng mga mineral, kagubatan, tubig, at matabang lupang magagamit para sa ikauunlad ng ekonomiya.

Page 16: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Mga Yamang-Pangisdaan

- Pampito ang Pilipinas sa mga may pinakamataas na produksiyon ng isda sa daigdig. Ito ay 4.87 milyong metriko tonelada ng isda, hipon, alimango, at mga katulad; iba’t ibang uri ng suso; at halamang-dagat.

Page 17: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINASMga Problemang Pangkapaligirang Kaugnay ng Pangigisda

Layunin ng batas na Republic Act No. 10654 naiwasan, pigilan, at tanggalin ang mga illegal, hindinaiuulat, at wala sa ayos na pangingisda. Kasama rindito ang mga ilegal na paraan ng pangingisda tulad ng paggamit ng dinamita, pinong lambat na nakahuhuling maliit na isda, at mga ilegal na alagaan ng isda.

Page 18: Kontemporaneong isyu

MGA GABAY NA TANONG1. Ano ang iyong reaksiyon tungkol sa katayuan ng Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamalaking produksiyo ng isda? Ipaliwanag angiyong sagot.

2. Sa iyong palagay, paano mapagbubuti ng bansa angpangangalaga sa ating mga ilog at lamang-dagat?

Page 19: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Yamang-lupa

Humigit-kumulang sa 33% ng kabuoang lupainay gamit para sa agrikultura. Pangunahing produkto ng bansa ay palay, mais, tubo, niyog, abaca, tabako, saging, at pinya.

Page 20: Kontemporaneong isyu

Klasipikasyon ng mga Lupa at Gamit

1. Inceptisol – nababagay ito sa mga halaman. Kalahati ng lupa sa bansa ay inceptisol.

2. Entisol, vertisol, at mollisol – nababagay ito sapalay at ibang tanim.

3. Ultisol – madali itong matangay ng tubig at kakaunti ang taba.

Page 21: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINASMga Problemang Pangkapaligirang Kaugnay ng Yamang-Lupa

1. Pagguho ng lupa o erosyon

- isang natural na proseso na nakaaapekto sa mgaanyong-lupa.

- nangangahulugan ng pagkaubos ng organiko at matabang lupang nasa ibabaw (topsoil) dahil sa pag-agosng tubig at pagdala ng hangin.

Page 22: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Mga Problemang Pangkapaligirang Kaugnay ng Yamang-Lupa

1. Pagbago sa paraan ng paggamit ng lupa (land conversion)

- proseso ng pabago sa gamit ng lupa mula sapagiging agrikultural patungo sa pagiging di agrikultural.

Page 23: Kontemporaneong isyu

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Yamang-Mineral

Ang lokasyon ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fireang dahilan kung bakit maraming depositing mineral sa bansa. Ito ay panlima sa mga bansang may industriya sa pagmimina, pangatlo sa dami ng depositong ginto; pang-apat sa tanso, at panlima sanickel.

Page 24: Kontemporaneong isyu

MGA EPEKTO NG PAGMIMINA1. Sa Biodiversity at Ecosystem

- ang sariwang hangin, pagkain, tubig, at gamut nanakukuha sa kapaligiran ay biyayang mahirap palitan kapagnasira ang ecosystem.

2. Sa hanapbuhay at trabaho

- Ang paglilinis ng lupa at kagubatan ay nagpapabagosa hanapbuhay ng mga tao patungo sa pagmimina. Ngunit, kakaunti ang trabahong dala ng industriya ng pagmimina.

Page 25: Kontemporaneong isyu

MGA EPEKTO NG PAGMIMINA

3. Sa kalusugan – sa pagtatrabaho sa minahan, angkalusugan ng manggagawa ay nasa panganib mula samga basura ng minahan at mga kemikal na naiiwan salupa at sa tubig.

4. Kontribusyon sa ekonomiya – kakaunti ang kinikitang pamahalaan mula sa industriya ng pagmimina.

Page 26: Kontemporaneong isyu

BuodAng Pilipinas ay isang bansang tropikal na may

dalawang panahon, ang basa at tuyo. Matatagpuan angbansa sa Pacific Ring of Fire at binubuo ito ng 7,641 pulo. Sakop nito ang lupaing may 277,170 kilometrokuwadrado sa kanlurang tabi ng Karagatang Pasipiko.

Dahil sa lokasyon ng Pilipinas, marami itongdepositing mineral. Panlima ito sa mga bansa samundo na may pinakamaraming depositong mineral.