14
BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG KOMPOSISYON SA FILIPINO 3 PANUNURING PAMPANITIKAN IKATLONG MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon Kasanayan sa Pagsulat : Pagsulat ng Buod Mga Kagamitan : Sipi ng akda, worksheet Pangunahing Kasanayan : Mapamaraan II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nagagamit ang wika sa pag-iisa-isa ng mga mahahalagang pangyayari. B. Nakikilala ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda. C. Nakasusulat ng buod ng isang akdang binasa. D. Nakabubuo ng reaksyon sa isang binasang buod. E. Naisusulat muli ang akdang sinuri ng iba. III. PROSESO NG PAGKAKATUTO UNANG ARAW A. Panimulang Gawain Pagganyak : Mind Mapping 363

KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

  • Upload
    pogi

  • View
    66

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

test upload pero exciting

Citation preview

Page 1: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG KOMPOSISYON SA FILIPINO 3PANUNURING PAMPANITIKAN

IKATLONG MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Malikhaing Pagsulat ng KomposisyonKasanayan sa Pagsulat : Pagsulat ng BuodMga Kagamitan : Sipi ng akda, worksheetPangunahing Kasanayan : Mapamaraan

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nagagamit ang wika sa pag-iisa-isa ng mga mahahalagang pangyayari.

B. Nakikilala ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa akda. C. Nakasusulat ng buod ng isang akdang binasa. D. Nakabubuo ng reaksyon sa isang binasang buod. E. Naisusulat muli ang akdang sinuri ng iba.

III. PROSESO NG PAGKAKATUTO

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Mind Mapping

1. Pagsasalaysay ng mga mag-aaral ng dramang pantelebisyon na kanilang napanood sa pamamagitan ng mapa.

Mind Mapping

363

Page 2: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

Sa mga pangyayaringInilahad sa nasabing drama

Sa istorya ng sa kabuuanDrama ng palabas

2. Pag-uusap sa isinagawang Mind Mapping.

a. Naunawaan ninyo ba ang kabuuan ng salaysay na inyong narinig? Bakit?

b. Sa palagay ninyo ba, iyung-iyon ba ang kasaysayan ng inyong napanood? Bakit?

Paglalahad

Mga Gawain :

1. Pagpapakita ng sipi ng nobelang NOLI ME TANGERE na binuod at hindi binuod.

364

Anong Masasabi

Pamagat ng Dramang Pantelevisyon di-nagustuhanNagustuhan

dahilan dahilan

Pagsasalaysay ng Napanood

Page 3: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

B. Pagpapabasa nang tahimik sa buod ng NOLI.

NOLI ME TANGERE(BUOD)

Matagal na panahong nawala sa Pilipinas ang binatang si Crisostomo Ibarra. Sa pamamalagi niya sa Europa ay naiwan sa bansa ang katipang si Maria Clara na anak ng mayamang si Kapitan Tiyago. Sa pagbabalik ni Ibarra ay lalung naging makulay ang pag-iibigan nila ni Maria Clara. Ngunit tulad ng karaniwang pag-iibigan, maraming suliranin ang nakaharap ng dalawa. Labis ang pagkahumaling ni Padre Salvi sa dalaga na nagtulak dito upang takutin ang una sa natuklasang lihim ng pagkatao nito. Nakuha ng pari ang sulat ni Padre Damaso na nagsasaad ng tunay na pagkatao ni Maria Clara. At upang hindi mabulgar ang katotohanan ay naging sunud-sunuran na lamang ito sa pari kahit iyon ay maging sanhi ng kanyang karamdaman.

Samantala, bago pa lamang nakararating sa bansa ay natuklasan rin ni Ibarra ang naging kapalaran ng kanyang ama sa loob ng bilangguan. Nakulong ito at namatay ng walang kaibigan. Nabatid din ng binata ang ginawang paghukay ng bangkay ng kanyang ama at ang pagkakatapon nito sa libingan ng mga intsik sa utos ng pari. Samantalang nasa kamposanto, pinagbuhatan ng kamay ni Ibarra si Padre Salvi dahil na rin sa pag-aakalang ito ang may gawa ng kalapastanganan sa kanyang ama. Huli na ng matuklasan nitong si Padre Damaso na kaibigan at pinagpala ng kanyang ama ang may gawa ng lahat.

Sa maraming pagkakataon ay nilalait ni Padre Damaso ang pagkatao ni Ibarra. Nagtimp ang huli subalit sa harap ng pananghalian ay muling nilait ng pari ang pagkatao ng binata sampu ng namatay nitong ama. Labis iyong ikinagalit ng binata. Hinutan ang isang kutsilyo at akmang itatarak sa dibdib ng pari. Salamat na lamang at namagitan ang dalagang si Maria Clara.

Dala ng matinding selos at matinding galit ng dalawang pari kay Ibarra, isinangkot nila ito sa isang huwad na himagsikan. Ngunit agad iyong natuklasan ng binata sa pamamagitan ni Elias. Ilang ulit na rin siyang inililigtas ni Elias at ganoon din naman siya. Ipinagtapat ni Elias kay Ibarra ang tungkol sa napipintong himagsikan at ang pagtuturo dito bilang siyang pinuno. Sa pinto ng pagtakas sa tiyak na kapahamakan ay nabatid ni Elias na ang taong matagal na niyang pinaghahanap ay walang iba kundi si Ibarra. Ang ninuno nito ang naging sanhi ng lahat ng kanyang kapahamakan sa buhay. Isinumpa niyang siya ay maghihiganti subalit nanaig ang pagiging tapat na kaibigan. Inutusa nitong sunuging lahat ang mga papeles na maaaring makakilala sa kanya.

365

Page 4: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

DINAKIP ng mga gwardiya sibil si Ibarra. Tinulungan siyang makataks ni Elias. Bago tuluyang tuimakas ay nagdaan muna ito sa bahay nina Maria Clara upang magpaalam. Samantala, isang piging ang nagaganap sa bahay nina Maria Clara. Ikakasal ang dalaga kay Lenares sa kabila ng pagtutol ng kanyang pagtutol. Pang huwag tuluyang mapakasal, hiniling ng dalaga kay Padre Damaso na siya ay pahintulutan na lamang na pumasok sa kumbento. Labis na tumutol ang pari. Batid niya ang nagaganap sa mga dalaga sa loob ng kumbento. Ngunit naging mahigpit ang kahilingan ni Maria Clara. Ang kumbento o kamatayan.

SA kadiliman ng gabi ay naglakbay sa lawa ang bangkang sinasakyan nina Elias at Ibarra. Ilang saglit ay naghari ang putukan. Inusig sila ng mga sundalo. Tumalon ang isang lalaki sa bangka. Kumalat ang kulay dugo sa tubig. Kinabukasan, nabalitang patay si Ibarra.

SAMANTALA, mula sa gubat ay nanaog si Basilio upang makapiling ang kanyang ina. Wala ito sa kanilang bahay. Hinanap ng bata ang ina. Natagpuan niya ito sa bayan. Wala sa sariling bait. Nilapitan ni Basilio ang inang si Sisa subalit hindi siya nakilala. Tumakbo ito palayo. Naghabulan ang dalawa hanggang sa lumang kamposanto. Isinara ni Sisa ang pinto ng sementeryo. Nagpilit pumasok si Basilio. Hindi niya makaya. Umakyat siya sa pader subalit nadupilas at nahulog sa lapag. Nakita ni Sisa ang bata. Nagbalik ang kanyang ulirat. Walang anu-ano ay nahandusay ito. Ilang saglit ay nagising si Basilio. Nakita niya ang walang buhay na katawan ng ina.

ILILIBING ni Basilio ang ina. Walang anu-ano ay isang sugatang lalaki ang dumating. Nagtanong ito kung walang ibang taong dumating bago siya. Umiling si Basilio. Inutusan siya ng lalaki na kumuha ng kahoy at sunugin silang dalawa ng kanyang ina. Inutusan din siya ng sugatang lalaki na lumakad ng ilang hakbang at maghukay. Doon daw ay mayroon siyang makukuhang kayamanan. Gamitin daw ito sa kanyang pagbabagongbuhay.

C. Pagpapabuo ng Reaksyon.

a. Ano ang masabi mo tungkol sa buod na binasa?

b. Sa iyong palagay, malayo kaya ito sa orihinal?

c. Naunawaan mo ba ang nobela sa pamamagitan ng buod nito?

366

Page 5: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

D. Pangkatang pagbibigay ng reaksyon sa pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa. (2 Pangkat) sa pamamagitan ng pagpupuno sa T CHART.

Pagkakatulad Pagkakaiba

E. Paglalahad ng lider ng bawat pangkat ng nabuong reaksyon.

F. Pagbibigay ng sintesis

Gabay na Tanong :

Bakit ba nagbubuod?

Nababago ba ang diwa/kaisipan ng binasa kapag binuod?

PAGSUSURI SA AKDA

IKALAWANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain : Readers Theatre

Pagganyak : Muling pagpapabasa sa mga piling mag-aaral ng buod ng NOLI ME TANGERE.

Pagtalakay ;

Pangkatang pagpili sa mahahalagang kaisipan/pangyayari sa buod na binasa sa pamamagitan ng Fact-Finding Strands. (2 Pangkat)

367

Mga mahalagang kaisipan

(sunud-sunod)

Page 6: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

B. Pag-uulat ng bawat lider ng mga kaisipang napili.

C. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral sa inilahad na gawain.

Gabay na Tanong :

Naibigay ba nila ang mga mahahalagang pangyayari sa buod nang sunud-sunod? Patunayan.

D. Pagbibigay ng sintesis

Mahalaga ba ang pagkuha ng mga mahahalagang kaisipan sa pagbubuod? Ipaliwanag.

Nasa orihinal din ba ang mga kaisipang inilahad?

E. Pag-uusap tungkol sa pagkakabuo ng buod ng binasa.

Ano ang masasabi ninyo sa buod na binasa? Bakit?

Sa inyong palagay, malayo kaya ito sa orihinal? Pangatwiranan.

Naunawaan mo ba ang nobela sa pamamagitan ng pagbubuod nito? Bakit?

F. Pag-uulat sa paraan ng Pagsulat ng Buod sa Pamamagitan ng Talakayang Panel ng mga piling mag-aaral.

* Reaksyon ng mga mag-aaral.

Gabay na Tanong :

Sa palagay ninyo, wasto ba ang mga inilahad na paraan sa pagbubuod?

H. Pagbibigay ng Sintesis

Nakatutulong ba na madali at wastong pagbubuod ang mga tinalakay na paraan ng pagbubuod? Ipaliwanag.

368

Page 7: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

IKATLONG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagpapapantomina ng isang mag-aaral na nagpapakita ng sunud-sunod na ginagawa pagkagising sa umaga bago pumasok sa paaralan.

B. Paglalahad ng mga mag-aaral ng mga Paraan ng wastong Pagbubuod ng binasa sa pamamagitan ng Dugtungan.

C. Pagsulat ng buod ng binasang akda “ Sa Daigdig ng mga Bata”.

Tandaan ang mga basikong Tagubilin sa Pagsulat :

1. Huwag susulat ng palimbag.

2. Gumamit ng wastong bantas.

3. Pahalagahan ang gamit ng malaki at maliit na letra.

4. Sumulat ng maayos at makinis.

SA DAIGDIG NG MGA BATA

Para sa isang bata, ang unang taon ng pamamalagi niya sa paaaralan ay isang mayamang panahon ng pagtuklas at pagkilala sa sarili. Ang kanyang kawalan ng interes sa mga aklat ay mapapalitan ng ibayong paghahangad sapagkat kanyang matutuklasan na ang salita pala ay isang buhay na nilalang na maaaring makatulong upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap.

Sa simula ay matutuhan niya ang mga salita ay hindi lamang basta mga tunog na maaaring gawin sa bibig ng tao. Mababatid niya na ang mga salita ay katumbas na katawagan sa isang bagay tulad din ng kanyang pangalan na siyang pantawag sa kanya. Kung tinatawag niya ang pangalan ng kanyang mga kaibigan, ang mga ito ay lumalapit. Kapag binabanggit niya ang katawagan sa maraming bagay, ang mga bagay na iyon ay maglalaro sa kanyang isipan na para bang ang pagbanggit lamang sa mga salitang iyon ay tila na kung ano ang pumapasok sa kanyang pagkatao.

369

Page 8: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

Ang ganitong karanasan ay tunay na kakaiba sa isang bata at mababatid din niya na ang mga salita ay magpapakilala sa katangian at pagkatao ng isang nilalang. Magsisimula siyang mag-isip tungko, sa pagkakaiba-iba ng mga katangian ng bawat salita. At sa paglakad ng mga araw, ang bawat salita ay magiging malinaw sa kanyang isipan tulad ng mga mukha ng kanyang mga kapitbahay. Mababatid din niya ang mga kamaliang nagagawa ng mga ito sa pagsasalita.

Sa mga susunod na panahon, higit na magiging malalim ang pakikipag-ugnayan ng bata sa mga salita. Tutuklasin na niya ang mga pinagmulan nito at ang mga pakikipag-ugnayan ng salita sa kapwa salita. Matutuklasan niya na sa daigdig ng mga salita at maging sa daigdig ng mga tao, ang mga pangkaraniwan lamang ay ay kalimitang nagtataglay ng kapangyarihan at kagandahan, ang mga mabulaklak na salita ay kalimitang nagdudulot ng kahihiyan sa kanilang mga bansa na nagiging dahilan ng pagkatalo.

Subalit para sa bata, ang kanyang walang kahulilip na pagtuklas ng pagtataka ay ang kapangyarihan ng mga salita sa salingin ang damdamin at subukin ang kakayahan ng pag-iisip. Ang pagsasama-sama ng mga angkop na salita ay nagpapalakas ng espiritu at nakapagpapasayaw ng pagkatao sa saliw ng isang musikang sariling katha. Gayundin naman, ang pagsasama-sama ng mga magkakatulad na salita ay maaaring maging sanhi ng pagguho ng lupa at pagdaloy ng luha.

Naranasan din ng bata ang sakit na dulot ng salita. Nakapaloob ito sa karanasang minsa ay ng tawagin siya ng kanyang kamag-aral sa kanyang pangalan na nagpabalik sa kanyang alaala ng isang hindi nakikitang kalaban na naglalaro sa halamanan. Minsa na rin siyang nasugatan ng isang itak noon. Nakagat na rin siya ng aso. Napalo na rin siya ng kanyang guro. Subalit hindi niya naramdaman ang sakit ng kalooban tulad ngayon. Hindi siya nakakilos at nakapagsalita. At ng maramdaman niya ang galit sa kanyang dibdib, nawala ng bigla ang kanyang kalaban dahil sa takot.

Hindi sumagi sa kanyang isip na ang mga salita pala’y magiging sandatang pananggalang subalit ang isang karanasan ay tama na para sa isang bata. Natutuhan niya na ang salitang ito ay maaaring simbangis ng lasong dulot ng ahas o kaya naman ay mapagbalatkayong tulad ng isang magndang bulaklak na nagtatago sa iba pang mga salita. Paulit-ulit din niyang mababatid na ang daigdig na kanyang ginagalawan ay daigdig ng Kristiyanismo at ang pagkakaisa at pagkakapatiran ay puno rin ng mga taong mahilig manira ng kanyang kapwa lalo na’t ito ay nakatalikod – sa salita kundi man sa sandata.

370

Page 9: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

D. Pagpapabasa ng ilang isinulat na buod.

B. Pagbibigay ng feedback sa ibinigay na buod.

Gabay na Tanong :

Naipaloob ba ang mga mahahalagang kaisipan/impormasyon sa ginawang buod?

Magkakaugnay ba ang mga impormasyong inilahad ayon sa kanyang pagkakasunud-sunod?

Gumamit ba siya ng sariling pangungusap?

E. Pagbibigay ng input ng guro.

Paraan ng Pagbubuod ng Binasang Teksto :

1. Basahin nang may pag-unawa ang teksto. Alamin ang diwang hatid nito.

2. Habang bumabasa ay isulat ang mahahalagang puntos. Pagkatapos ay suriin ang mga itinalang puntos.

3. Sariling mga pangungusap ang gamitn. Huwag magsasama ng sariling kuru-kuro.

4. Ang bahaging maaaring magpahaba o magpalabo sa nilalaman ay nararapat baguhin.

5. Dapat tingnan kung naaayon sa orihinal ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya.

6. Basahing muli at lalo pang paikliin. Dapat ding itanim sa isip, na lalong maikli ay lalong mabuti, tiyakin lamang na naroon ang diwa.

371

Page 10: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

PAGWAWASTO NG SULATIN

IKAAPAT NA ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagsasagawa ng panayam ng mga mag-aaral sa pagwawasto ng sinulat na buod.

B. Pagpapalitan ng sinulat na buod ng mga mag-aaral.

C. Pagwawasto ng sinulat na buod.

Pamantayan sa Pagwawasto ng Ginawang Buod :

1. Nailahad ba nang sunud-sunod ang mga mahahalagang impormasyon/kaisipan sa akda.

2. Sariling pangungusap ba ang ginamit sa pagbubuod? Hindi ba siya nagbigay ng sariling kuru-kuro o palagay?

3. Naaayon ba sa orihinal ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya?

4. Wasto ba ang pagkakagamit ng bantas, malaki at maliit na letra?

D. Pagpapabasa ng iniwastong sulatin.

E. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral sa binasa.

Gabay na Tanong :

Nagagamit ba ang mga pamantayan sa pagwawasto?

F. Pagbibigay ng Sintesis

Ibigay ang kahalagahan ng pagsunod sa pamantayan ng pagwawasto ng sinulat na buod.

MULING PAGSULAT

372

Page 11: KOMPOSISYON-Pangatlong Markahan III

IKALIMANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagpapabasa nang tahimik sa iniwastong burador.

B. Pagbibigay-pansin sa pagwawastong ginawa ng kamag-aral.

C. Pagtalakay kung paano muling maisulat ang iniwastong burador sa pamamagitan ng KWENTUHAN.

D. Pagpapasulat muli ng iniwastong burador.

Gabay sa Pagsasalin :

1. Alalahanin ang punang ibinigay ng kamag-aral.

2. Huwag ring kalilimutan ang mga basikong tagubilin sa pagsulat.

G. Pagpapabasa ng ilang sulating isinalin.

H. Pagbibigay ng reaksyon kung wasto ang pagkakasalin ayon sa pamantayang pinag-usapan.

I. Pagpapahalaga.

Madali ba o mahirap ang pagbubuod ng binasa? Bakit?

373